Na-estatwa ako dahil sa aking nakita. Mula sa itaas, nakikilala ko agad siya dahil sa kaniyang hikaw sa isang tenga. Kinuyom ko ang kamao ko.
Nakipag-sabwatan siya kina Medusa?!
"Shit, she's bleeding!" Sumugod si Leigh sa pwesto ni Avianna habang ako ay hindi makagalaw dahil sa gulat.
I can't believe this. He was my friend! How could he betray me like this? Isn't his curiosity too much? Because of his curiosity, it can lead him to danger!
"Persephone!" Natauhan ako nang tawagin ako ni Zaryl at napasinghap ako na makitang puno ng dugo ni Avianna ang kamay niya.
Nanlumo ako at bigla napaluhod nang makita si Avianna na namumutla habang pilit na tinatakpan ang tiyan niya. Nanlamig ang buong katawan ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"I can't understand... She's a Mythian, Zaryl. She can handle the bullet and the pain, but fuck! Why is this happening to her?!" Hindi na alam ni Keidon ang gagawin lalo na si Leigh na natataranta na habang tinatakpan ang tiyan ni Avianna.
"It's not a normal bullet, it was anti-Mythian bullet. They found out our weakness." Natigilan ako sa sinabi ni Hadrian na ngayon ay nakaluhod na din.
"A-ano ba ginagawa niyo? T-tapusin niyo na... Kill her... I-I can handle this..." Napasigaw ako nang umubo ito ng dugo.
Damn that bullet!
I can't afford losing a friend. I just can't. I need to finish this. Lahat matatapos kapag nasira ko ang pendant pero dahil wala iyon, I guess I'm just going to kill her.
"Let me introduce you, Caleb, our great ally and sniper. He helped us in big time! Oh wait, he is your friend right?" Umakto na parang nagulat si Medusa at tinakpan ang bibig.
Tumayo ako nang makitang naglalakad palapit si Caleb sa amin. Inalis niya ang mask niya at walang emosyon ako tinignan. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa galit.
"Not anymore," inis na sabi ko at mabilis na tinapat ang baril sa mukha ni Caleb.
"Eisha..."
Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko sa likod. Sa tingin ko ay hindi ko na ma-kokontrol ang galit ko. Kung noon ay natatakot ako na baka mangyari ulit yung sa beach, pwes ngayon mas gugustuhin ko na mangyari iyon ngayon.
If my rage can kill these monsters then why wouldn't I?
"Your curiosity brought you here, isn't?" Malamig na tanong ko.
Umigting ang panga ni Caleb at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako nang pagak.
"Since you're too obsessed with us then let's add a knowledge to your useless brain."
Gamit ng isang kamay ay may lumabas na itim usok na may lila. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili kong kapangyarihan at sabay tingin ng masama kay Caleb na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.
"Hindi mo 'ko matatakot, Eisha. You're a selfish person. Gusto mo isarili ang lahat ng ito?" Sarkastiko niyang sabi kaya mas lalo ako nangalaiti sa galit.
"Gusto mo angkinin ang lahat ng ito! Gusto mo ikaw lang! Tinago mo mga ito mula sa amin at hindi ko pa malalaman kung hindi pa ako kakampi sa kanila!" Sigaw niya sa akin.
"Bakit inggit ka?" Diretsuhan kong sabi.
Mas lalong nagalit ang mukha ito ss sinabi ko kaya napangiwi ako.
"Admit it, Caleb. You want to have this kind of power don't you?" Pinaglaruan ko ang itim na usok sa aking kamay kaya napaatras ito.
"Sorry to burst your bubbles but you'll never be like us." Sabay putok ng baril sa lugar niya pero mabilis siya dumapa.
I was supposed to pull the trigger again but Medusa suddenly release a power that can actually kill me! But thanks to my reflexes I managed to counter her attack.
The counter attack took much time for me kaya hindi ko agad namalayan na nagpaputok na ng bala si Caleb!
"Persephone!" I was waiting the bullet to hit me but suddenly...
"Damn it," mabilis na ako hinila ni Hadrian. Tinapat niya ang kaniyang palad sa itaas bilang harang ng kapangyarihan niya sa bala na papunta sa amin. Bigla ako nagtaka.
Pero ganon na lang ang gulat ko nang namalayan na may tauhan pa pala sa itaas na tulad ni Caleb ay may hawak na sniper.
"I'll kill that man, I swear." Madilim na mukhang sabi niya kaya nagbuntong hininga ako. Hinila niya ako at agad kumilos ang mga kaibigan ko.
Lahat ng kaibigan ko ay pumunta sa tabi namin.
"Tangina, siya yong kaibigan mo diba? That asshole! How dare he hurt Danica!" Hindi na namin napigilan si Keidon dahil sumugod na ito.
"Medusa is yours, Eisha. We will handle the others." Pinatunog ni Delian ang kaniyang leeg.
"I'll watch you, don't worry." Binigyan ako ng mabilisang halik sa noo ni Hadrian. Tumango ako.
I need to finish this.
Nakitang sumugod ang mga kaibigan ko sa mga tauhan ni Medusa. Kinuha ko ang isang baril ko sa bulsa at sabay pinaikot ang dalawang baril na hawak ko.
Malamig kong tinignan si Medusa habang naglalakad palapit sa kaniya. Tumaas ang gilid ng labi niya.
"May oras ka pa para magbago ng desisyon, Eisha." Mariin niyang sabi.
I scoffed. Mabilis ko siya pinutukan ng baril at nagulat siya dahil doon. Siguro inaakala niya na pakikinggan ko ang mga kasinungalingan na mga sinasabi niya.
Napangiwi ako nang dumaplis lang iyon sa braso niya. Kinasa ko ulit ang baril ko at tinutok ulit sa kaniya pero laking gulat ko nang sinipa niya ang kamay ko kaya nabitawan ko ang baril.
Inis ko siyang hinarapan at nagulat sa bilis niyang abilidad. Nagawa niya ako suntukin sa sikmura sa maikling oras na iyon. Sadyang mabilis talaga siya kumpara sa akin.
Napaatras ako at sinamaan siya ng tingin habang hawak ang aking tiyan.
"Listen to me, child. You're just one of her subject for her plans." Seryoso niyang sabi. Natigilan ako nang sandali pero agad napailing.
She's just messing your mind Eisha!
Sumugod ako sa kaniya at nagbigay ng mga suntok. Ilang beses niya ito inilagan. I gritted my teeth because of frustration. Mabilis ko hinuli ang kamay niya at pinalupot sa kaniyang likuran.
Napadaing siya kaya tumaas ang gilid ng labi ko.
"Y-you bitch!"
Pero napawi iyon nang sikuhan niya ako. Napaatras ulit ako pero mabilis ako pumunta sa harapan niya. Kumunot ang noo ko dahil sa bawat atake ko sa kaniya ay pilit niya iniiwas ang dibdib niya.
"You stupid child!" Natigilan ako nang kumawala ulit siya ng kapangyarihan.
Tinaas ko ang kamay ko para gumawa ng harang pero naunahan na ako ni Hadrian. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko siya na nakataas ang kamay habang nilalabanan ang tauhan.
Napangiti ako dahil doon. Seryoso ito tumango sa akin.
Kinuha ko na ang baril ko sa sahig at tatamaan ko na sana siya ng bala nang may biglang sumigaw.
"Damn it, Hades!"
Mabilis ako napalingon sa gawi ni Hadrian dahil sa sigaw ni Delian.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nakita. May tumutulong dugo sa bandang gilid ng dibdib ni Hadrian pero patuloy pa rin siyang lumalaban.
Hindi ko namalayan na maraming nakatago pa lang tauhan si Medusa. Ang napatay nila Artemis ay mga tauhan pa lang ni Rolando. She really planned this!
"H-hadrian..." Sumikip ang dibdib ko.
"Stop worrying about me-- fuck!" Naging anim na ang kalaban ni Hadrian. He can't fight back because he got shot by that poisonous bullet.
Pupuntahan ko sana siya pero bigla ako napatingin sa gawi nila Keidon na hawak hawak ng isang tauhan habang nakangisi. Kumabog ang dibdib ko dahil lahat sila ay hawak na ng tauhan!
I can't save them! We're surrounded.
"I told you, child. These people were trained to be a fighter against Mythians."
Kinuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Medusa.
"Don't worry about us, just destroy it!" Sigaw ni Artemis kaya malakas siya sinampal ng tauhan.
"You asshole!" Sigaw ni Leigh pero wala rin siya magagawa dahil hawak na rin siya.
I don't know what to do...
I can't fight them back while my friends are suffering. I have to save my friends and retreat. Hindi ko kayang mawala sila sa akin. Mas importante ang buhay nila para sa akin.
"Destroy? Is this about the pendant?" Tumawa nang malakas si Medusa.
Humakbang ito palapit sa akin kaya naging alerto ako.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ni Persephone na patayin ako?" I tried my best to ignore her words but curiosity failed me.
"At akala niyo mapapatay niyo ako kapag sinira ang pendant, pwes nagkakamali kayo. Inuuto ka lang ni Persephone, Eisha."
"Stop disrespecting her!" Pagtanggol ko kaya napatawa siya nang malakas.
"You can say whatever you want but she really don't have intentions from saving you." Come on, Eisha. Stop listening to her!
Nakahinga ako nang maluwag nang maalala na may silencer gun pa pala niligay si Hadrian sa damit ko. For incase.
I just have to shoot her and release my power to defeat these people and to save my friends. After that we will retreat.
"Paano ba yan? Eh wala ang pendant?" Sabi ni Rolando st tumawa nang malakas. Si Caleb ay napangisi rin.
Pagsisihan mo 'to, Caleb. Mark my words.
"Katapusan niyo na, Mythians." Sabi ni Caleb tila nagyayabang.
Kaya naman namin ito ipanalo kung hindi lang naimbento yang anti-Mythian bullet na yan tangina!
"Give me the God of Underworld." Utos ni Medusa kaya nataranta ako.
"N-no! Wag niyo siyang saktan..." Nanggilid agad luha ko nang makita ang nasasaktan na mukha ni Hadrian.
No... Not my baby please.
"I heard this guy loves torture. Why don't we do it back to him hmm?" Napasigaw ako nang hiniwa ni Medusa ang balat ni Hadrian sa bandang collarbone.
Napadaing si Hadrian kaya mas lalo ako naiyak.
"P-please! Ako na lang... Wag na siya." Sabi ko pero tumawa lang sila lalo na si Caleb.
"Ganitong lalaki ba ang gusto mo? Mahina! Siya ang pinagpalit mo sa amin? Sa akin?" Galit na sabi ni Caleb at sinapak si Hadrian.
"Tangina mo, Caleb!" Sigaw ko kaya ngumisi ito.
Nakayuko na si Hadrian. Hinang hina na siya bukod sa balang tumama sa kaniya.
Huminga ako nang malalim. I need to pull myself together.
"Bigyan pa nating pasa--"
Hindi ko na tinapos sa pagsasalita si Caleb dahil napatalsik na siya. I can feel the power flowing to my hands.
Bago pa maka-react sina Rolando at Medusa, tinapat ko an ang pareho kong kamay sa kanila kaya napatalsik rin sila. Habang hinahabol ang hininga, lumuhod ako kaya kumunot ang noo nila.
"Hayop ka!" Sigaw ni Rolando.
Tinapat ko ang palad ko sa lupa kaya lumabas ang higanteng ugat ng puno. Hinampas nito ang mga tauhan na may hawak sa mga kaibigan ko.
Mabilis ako tumalon papunta sa pwesto ni Medusa. Hinila ko ang kwelyo niya patayo at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura kaya napadaing ito.
Kinuha ko na ang silencer gun mula sa damit ko at galit na tinutok sa kaniya. Pinatama ko ang balikat niya kaya napaatras ito.
Ang akala ko na sisigawan niya ako pero hindi, tumawa ito nang malakas sa aking harapan.
"You can't kill me, Eisha." Tumatawa pa ito.
"Believe me, I can." Pinatamaan ko ulit ng bala ang kabilang balikat niya. Pero tumawa lang ito.
Nagulat ako nang salubungin niya ako ng mga masasamang tingin. Ang talim na tingin niya habang nakayuko.
"Kung papatayin mo 'ko, mamamatay ka rin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano sabi mo?" Inis na sabi ko.
Hinawakan niya ang balikat niya at ngumisi sa akin.
"You heard me right, you will die too." Sabi niya.
"Akala mo mapapaniwala mo 'ko?" Tinutukan ko ulit siya ng baril.
Nagulat ako nang may nilabas na papel si Medusa at pinalipad iyon. Lumutang iyon sa aking harapan. Natigilan ako dahil parehong pareho iyon ng itsura sa pahina ng Mythian's book ko.
"If a Mythian killed a certain person from Mt. Olympus or belong to the Greek Realm, she/he shall be executed." Ngising sabi ni Medusa.
Lumakas ang pintig ng puso ko sa sinabi niya.
"Your Goddess Persephone aware about this but she still wants you to accomplish this task. Iisang ibig sabihin lang iyon diba?"
Persephone wants me to die?
"You are destiny to kill me but then death is your destiny also. You can't get away from it. So go! Kill me child. You will not see your family and your Hades ever again..." Tumaas ang gilid nitong labi.
Kumabog ang dibdib ko habang tinitignan ang papel sa aking harapan. Tunay na galing ito sa libro dahil nandoon ang maliit kong pangalan sa gilid ibig sabihin galing sa libro ko talaga iyon.
Napapikit ako nang mariin habang nanginginig ang kamay.
Kapag pinatay ko siya ibig sabihin hindi ko na makikita sina Patricia, Hadrian at mga kaibigan ko.
Paano naman ang kaligayahan ko at pangarap ko?
"Can't do it? Thought so. So put your gun down and just join us, Eisha. It's not too late. Kapag sinakop na natin ang mundong ito maaari na natin sakupin din ang Greek Realm." Tumango ito sa akin at kinukumbinsi ako.
"Come on, child---"
May biglang umatake sa kaniya mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Leigh at Delian. Hingal na hingal sila at may maraming sugat sa katawan.
Maraming silang kinalaban na tauhan kaysa sa akin, hindi talaga nila hinayaan na may makakalapit sa akin na maski isang tauhan para guluhin ako sa plano ko.
Tila sila na lang dalawa ang may maayos na estado dahil ang iba ay nakahilata na dahil sa sakit na nararamdaman.
"Let's go." Hinila na ako ni Leigh. Nagtataka ako dahil bakit kami umaalis papalayo habang si Delian ay pinagbabaril ang mga kalaban.
"T-teka! That's my last chance to kill her Leigh!" Sigaw ko at pilit na pumipiglas sa hawak niya.
Sinamaan niya ako nang tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita may luha sa gilid ng mga mata niya.
"And I don't care! Kung papatatayin mo siya ibig sabihin mawawala ka rin sa amin! We heard it, Eisha! Handa mo ba ibuwis ang sarili mo para patayin lang siya? Paano sina Patricia? At si Hades? Hindi mo alam kung paano dumaan ang sakit sa mukha ni Hades pagkatapos sabihin ni Medusa iyon!"
Literal na natigilan ako. Umiwas ako ng tingin habang lumuluha. Pati na rin siya umiiyak. Sumikip ang dibdib ko.
"P-pero mas lalo tayo mapapahamak, Leigh kapag hindi ko ginawa iyon!"
May narinig kaming putok ng baril kaya napapikit kami. Mabilis na kami tinulak ni Delian papalayo.
"Go!" Sigaw niya sa amin. Sumikip ang dibdib ko nang makita na nilalabanan niya si Caleb.
Mabilis na ako hinila ni Leigh. Inakay niya si Artemis sa kaniyang balikat habang si Keidon ay pagod na ang mukha pero nagawa niya pa ring buhatin si Avianna.
Mas lalo ako nanlumo nang makita ang sitwasyon ng mga kaibigan ko. They're all exhausted. Artemis and Hadrian got shot, Leigh and Artemis are deadly exhausted, pero mas nakakaawa ang itsura ng dalawang bunso namin na sina Hestia at Dionysus.
Now, Delian sacrificing himself to save us.
They all did their part to protect me. But here I am, leaving my part to kill Medusa.
Ginawa na nila lahat pero ako? Umiiwas sa mismo kong tadhana.
Marahas ko na pinunasan ang luha sa pisngi ko at humugot ng malalim na hininga. Inalis ko ang pagkakahawak ni Leigh sa pulso ko.
"Where are you going? Eisha! Ano ba! Forget about her let's go!" Sigaw niya.
Napapikit ako nang mariin at hinarap siya na lumuluha.
"I can't Leigh! This is my destiny, don't you understand?! Matagal na ako binalalaan ni Persephone at hindi na ako tatakas pa. If facing my death means saving this world, then so be it." Mariin kong sabi bago tuluyan siya iniwan.
"E-eisha... Eisha!" Tawag niya pa sa akin pero hindi na ako lumingon pa.
Sinalubong ko ng masamang tingin si Medusa na ngayon ay nakangisi sa akin.
I'm sorry, Hadrian. But I think I have to break my promise...
~~••~~
Yup, double update for you all! I dedicate this chapter to jhrhstcrz for commenting on every chapters! 😘
And I can still remember those readers who commenting on my chapters so I dedicate this chapter to you as well!
I'm not actually feeling well, so I double my update because I afraid I might not update early again. So for now, I'll take a short rest muna. :))