Author's POV
*BLAGG!
"What the hell is that?" Tanong ni Jehan.
May narinig silang ingay mula sa main door ng gym.
"Tara tignan natin." Hinawakan ni Jayjay ang kamay ni Jehan at tinayo siya.
"F*ck." Mahinang mura ni Jayjay.
"Hey, what happened? Ako kinakabahan sa kinikilos mo eh." Nag-aalalang tanong ni Jehan.
"We're trapped!"
"What?! It's only 2 in the afternoon." Sabi ni Jehan.
"Andyan na sya! Magtago na kayo!"
May narinig silang isang boses ng babae.
"WAAAAAAAHHH! Si Jullie yun! Boses ni Jullie yun!" Umiiyak na ngayon si Jehan kaya't agad syang niyakap ni Jayjay.
"Sshhh. Wag kang umiyak. Kasama mo ako." Sabi ni Jayjay.
"B-boses yun n-ni Jullie."
"M-magtago daw tayo! Baka totoo yung killer na kinukwento nya samin dati. Pero hindi kami naniwala kasi alam naman naming mahilig mantrip si Jullie."
"Killer? Dito sa academy natin?" Tanong ni Jayjay.
Tumango lang si Jehan.
"Imposible." Sagot ni Jayjay.
"Wala namang mawawala kung maniniwala tayo!" Sambit ni Jehan.
"Kung maniniwala tayo, lalaki tayo na takot sa academy nato!" Sagot ni Jayjay.
"Ok!" Nagtaas ng kamay si Jehan na parang sumusurrender na.
"Talo nako okay? Di na ako sasagot." Sabi nito.
"Wala tayong panahon sa ganyan Jehan. Kailangan nating makaalis dito."
*BLAAGG!
"Shit." Sabay nilang sabi.
May gumugulong na bola na papalapit sa kanila.
"What is this?! Wag nyo kaming pagtripan! Pag nalaman ko lang kung sino ka basag bungo mo sakin!!" Galit na sabi ni Jayjay.
Puro dugo kasi ang bola.
"Jay. May nakasulat." Sabi nya kay Jayjay.
Agad namang kinuha ni Jayjay ang papel na nakadikit sa bola.
"Shit. Puro dugo." Sabi ni Jayjay.
"Basahin m-mo n-n-na..." Nanginginig na sa takot si Jehan.
"Masarap maglaro dito. Tara, laro tayo. Patay patayan."
"Masarap maglaro dito. Tara, laro tayo. Patay patayan."
Habang binabasa ni Jayjay ang nakasulat sa papel ay may sumasabay sa kanyang boses. Creepy na boses. Kaya hindi nila malaman kung isang babae ba ito o lalaki.
"Damn. Get your phone! Dun tayo sa varsity room. Bilis!" Sigaw ni Jayjay at agad silang umakyat papuntang shower room.
"Sige! Takbo lang hanggat may matatakbuhan! Bwahahahaha."
"May psycho nga dito." Sabi ni Jayjay ng maka pasok sila sa varsity room ng mga volleyball players. At tsaka nilock.
"S-sino ba kasi y-yun. Huhuhu. Natatakot na ako." Umiiyak na sabi ni Jehan.
Hinawakan ni Jayjay ang kamay nya.
"We have no ideas. Tao lang rin sya kaya, kakayanin natin to, okay?" Pagpapapanatag ni Jayjay sa loob ni Jehan.
Tumango lang si Jehan bilang tugon.
"Tumawag ka sa security." Sabi ni Jayjay.
"Okay." Tinawagan nya ang security.
Jehan's POV
*Kriiiinggg
Shit lang talaga. Walang sumasagot! Kung kailan naman talaga oh.
"Walang sumasagot! Pano na tayo?! Mamamatay na tayo!" Umiiyak na naman ako.
"Relax dont be hys-"
"Relax?! Huh? Relax?! How can I relax in this kind of situation!?"
Wala na. Hindi ko na naman nacontrol ang temper ko.
Nakita kong hindi nagsalita si Jayjay. Nakatingin lang siya sakin.
"Sorry." Sabi ko na lang.
Napahawak ako sa sintido ko. Damn this. Sobrang sumasakit na ang ulo ko.
"I undersand." Sabi ni Jayjay.
He's one of the kind. Mabait pala siya.
"Are you okay?" Tanong niya sakin.
"Yeah." Maikli kong sagot.
"Shit Jehan!!"
Buti na lang at nasalo ako niya ako. Natumba kasi ako sa sobrang hilo. Buti na lang at hindi ako nahimatay.
Agad naman niya akong pinahiga dito sa kama ng isa sa mga player. Hindi ko na nagawang magsungit dahil nahihilo na talaga ako.
"Are you okay? Ano ba talagang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong niya sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya yunh concern.
"Wala! Manahimik ka. Ano ba kasing pake mo?" Pagsusungit ko. Hindi kasi ako sanay na ganun yung atmosphere namin.
Yung sweet ba at walang bangayan hayst.
"Ako na nga 'tong nag-aalala sayo? Ikaw pa 'tong may ganang magsungit?" Pagsuungit niya rin at may tampo sa boses.
Hindi nalang ako sumagot dahil sobrang sakit na nang ulo ko kaya pumikit nalang ako ng mariin.
"Aaaaahhhhh! Ang sakit!" Napahawak ako ng mariin sa ulo ko nang may naramdaman akong kakaibang sakit sa ulo ko. Yung para bang may pumipisil dito.
"What the?! Anong masakit?! Shit. Shit. Kailangan kitang madala sa ospital! Shit!" Natatarantang sigaw ni Jayjay.
"J-jayjay, yung a-ang sakit. Hindi k-ko na kaya...."
Yun ang huling nasabi ko then everything went black.
"JEHAAAAAAN!"
--
Jayjay's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero no choice ako kung hindi ilabas na agad si Jehan dito at dalhin sa ospital.
"Jehan... hold on." Yun lang ang nasasabi ko.
May konting kurot dito sa dibdib ko. Hayst! Ewan, nakakabakla pero nag-aalala talaga ako kay Jehan.
Kahit na sobrang amasona nang babaeng 'to, kaibigan ang turing ko sa kanya.
Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinakiramdaman kung tumitibok pa ang puso niya.
Ah! Shit! Ba't ba iyon ang iniisip ko?! Natural! Tumitibok yun! Nawalan lang naman siya ng malay eh.
Hindi ko magawang lumabas dahil sa nangyari kanina.
Kung ako lang sana ang mag-isa kanina ko pa binugbog yang walang hiyang nananakot samin. Pero hindi eh, kasama ko si Jehan.
At tsaka mukha namang okay na siya at kailangan lang ng konting pahinga.
Ano kayang nangyayari sa babaeng 'to? Hayst. I really do care for her.
Tinitigan ko ang mukha niya.
Ang mukha niyang mala-anghel kapag tulog.
Pero kapag gising, dinaig pa ang dragon sa sobrang init. Tss.
Ang ganda niya pala talaga.
Kaya siya ang naging princess academy ng school na 'to.
Kaya ewan ko ba kung anong klaseng tanga yang si Ruferd at iniwan pa siya.
Napaka-swerte niya at nasa kanya si Jehan pero hindi niya binibigyan ng halaga. Tss.
Akala mo naman kung sinong gwapo. Eh di hamak naman na mas gwapo ako dun, tss.
*Let's go crazy crazy crazy till we see the sun~
Napatayo ako sa gulat.
Putcha. Ano bang klaseng ringtone ng babaeng 'to. Bakla naman yang One Direction na yan. Mas gwapo pa ko sa mga yan.
(A/N: Sawa kana ba sa buhay mo?! At sinong bakla?! Pwedeng pwede na kitang patayin sa chapter na'to nako!)
Grabe ka naman Ms. Author. Mawawalan ng gwapo sa story mo kapag pinatay mo ko.
(A/N: At sasagot kapa talaga ah?!)
Woah! Chillax. Di naman mabiro 'tong si Ms. Author na asawa ni Zayn Malik.
(A/N: *blushed* Oo na! Gawin mo na yanv role mo, tss.)
Ang sungit parin tss.
Sinagot ko nalang yung tawag.
[Waaaaaaaa! Thankgod at sinagot mo rin ang tawag namin! Nasan kaba?! Kanina kapa namin hinahanap at pati sa mansyon niyo! Sobrang nag-aalala na sina tito!]
Sigaw ng nasa kabilang linya kaya napalayo ko ang cellphone sa tenga ko.
"Grabeng bunganga naman yan." Sabi ko.
[Teka? Sino ka?! Kinidnap mo ba ang kaibigan namin?! Fvck you! Ibalik mo na siya at malilintikan ka sakin! Ulul!]
"Manahimik ka nga diyan. Si Jayjay 'to. Na-stocked kami ni Jehan dito sa gym, pumunta na kayo dito kasi nawalan siya ng malay." Paliwanag ko.
[Ay putangina naman oh! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Okay, papunta na kami dyan, wag mong iwan si Jehan please.]
Lutong magmura ng babaeng to. Daig pako eh tss.
*toot toot
Tinignan ko ang caller.
Si Jalaimah pala. Kaya pala ganon ang bunganga. Walang preno.
*BLAAAAG!
Napatingin ako sa likod ko dahil may nabagsak na kung anong bagay.
"Fuck!" O_O
Nakita ko ang isang babaeng naka-uniform at puro dugo ang katawan at wala ang isang mata.
Putangina lang!
Papalapit siya nang papalapit sa pwesto namin.
Shit! Nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Napatingin ako sa palagid at may nakita akong isang bagay na siguradong makakatalo sa kanya.
Agad akong tumakbo dun at kinuha ang holy water.
Ibubuhos ko na sana ito sa multo o kung ano man yun ngunit pagkalingon ko ay sila Jalaimah ang nabuhusan ko nang holy water.
"What the fuuuuuck!! Multo ba ang tingin mo sakin?!" Sigaw niya sakin.
Kahit na nakatanggap ako nang malutong na mura mula sa kanya ay nakahinga ako nang maluwag dahil wala nang multo.
"Tangina, nakakita ako nang multo!" Sigaw ko.
Nakatingin lang siya sakin.
Pokerface.
"Are you on drugs?" Tanong niya.
"Im telling the truth." Hinihingal kong sabi. Dahil kinabahan talaga ako kanina sa nakita ko.
"Crazy." Sabi niya at nilapitan si Jehan na tahimik na natutulog.
Napatingin ako sa paligid. Mukhang wala naman na sigurong manggugulo pa. Kailangan kong magawan to ng paraan.
Isa tao lang ng unang pumasok sa isip ko na makakatulong sakin.
"Si Graciala." Bulong ko.
____________
[A/N: Miss me? Hahahaha joke. Ang kengkoy ng joke ko, ge. Btw, mapapadalas na ang update ko dahil summer at teambahay ako for the win! Hahaha. So, ayun lang at sana nagustuhan nyo ang part na to. Love for all of youuuu!]