Selcouth

Od justyour_A

8.1K 481 68

GxG (Teacherxstudent) A Introvert Professor and a Ex-convict Student. A teacher should be strict, prim and p... Více

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 8

494 41 4
Od justyour_A


LOURD EROS HAVIEN

"Next." Sabi ko matapos kong i check ang 3rd group. Pinagawan ko sila nang simple game program at ngayon ko nga yun ichecheck.

Pinilit kong wag magangat nang tingin nang mabasa ko ang papel nang susunod na magpapasa. It's Summer's group.

Kinakabahan ako nang ilapag na nya ang laptop sa lamesa ko at lalo na nang maramdaman kong nasa tabi ko lang sya. I can smell her perfume and I know she's looking at me too.

I know i'm such a— what do you call it? Kapag nanghalik ka tapos tumakbo ka then umiwas ka— I don't know? Gaga? Maybe.

Eto nanaman ako sa pagkausap sa sarili ko. Dahil sa katangahang ginawa ko last time sa condo ni Summer. And actually, hindi ako nahirapang iwasan sya. Because when she felt that i'm avoiding her, sya na mismo ang kusang umiwas sakin. Double katangahan.

Siguro ay iniisip nyang baliw ako. Ako na nga tong may kasalanan ako patong may ganang umiwas. Okay, I get it. Tanga ako. But what can I do?! I don't know why I did what I did! gosh!

And it's frustrating the hell out of me! Nakakabaliw magisip. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Summer kapag kinompronta nya ako. Anong ipapalusot ko dun diba? Na gusto ko lang syang halikan because her lips are inviting? What a lame excuse you got there Lourd. Nice one. Keep it up. tsk.

"Aren't you going to check it, Ma'am?" muntik na akong mapapitlag nang bigla syang magsalita.

I cleared my throat and started checking their work. It's a four pic one word game. And to be honest, i'm impressed. It doesn't have any bugs (errors).

"Next." Sabi ko at hinawakan ang laptop para sana ibigay pero nagsabay kami ni Summer dahilan para mahawakan nya ang kamay ko.

I felt a sudden friction nang magdikit ang mga kamay namin kaya agad kong binawi ang mga kamay ko. I heard her tss bago nya kinuha ang laptop at naglakad paalis.

Damn it self! Get yourself together! Nakakahiya ka talaga! Baka isipin nya nandidiri ako sakanya. Paano kung galit sya sakin. hays.

"Bakit ba lagi ka nalang naka busangot dyan? Yung mukha mo hindi lagi maipinta." Naiiling na sabi ni Daisy habang kumakain kami.

I just pouted because of her remarks. Hindi kase ako mapakali na parang may kasalanan ako kay Summer. I feel like I made her think like a was disgusted by her kahit hindi naman ganun. Hindi talaga ako mapakali kapag may nagawa akong kasalanan.

"Teka, diba si Summer yun?" Biglang sabi ni Daisy dahilan para mapatingin ako.

And there she is walking like she owns the place. I scanned her from up to toe and I feel like a pervert. Stop it self!

"But who's with her?" Muling sabi ni Daisy kaya nabaling ang tingin ko sa kasama ni Summer.

Napakunot ang noo ko nang makitang nakaangkla ito sa braso nya. Hindi ko napansin kanina na may kasama pala sya. The girl looks gorgeous na bigla akong nakaramdam nang pagka insecure.

The girl is blonde, maputi at medyo maliit. She's cute at palangiti. But I don't like her. Is it hate at first sight? Was that possible?

Nagiwas ako nang tingin nang bigla nalang halikan nang babae si Summer sa pisngi dahilan para magbulungan ang lahat. Kahit si Daisy ay nagulat at mukhang kinikilig pa. psh.

"Una na ako." Sabi ko at tumayo na. Ibinalik ko sa lalagyan ang baunan ko bago agad na naglakad. Narinig ko pa ang reklamo ni Daisy pero hindi ko na sya pinansin. Ayoko na dito, naaalibadbaran ako. And I don't even know why.

Binabati ako nang mga estudyante pero deretso lang ang tingin ko. Wala din akong binabati. Sanay naman na sila sakin pero bumabati parin sila.

Hindi ko alam kung bakit ba ako naiinis. Nababaliw na ata ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko na sya talaga ma gets. Ano ba self? Ang sakit mo sa bangs. tsk.

Nang matapos ang lahat nang klase ko ay agad akong umuwi para mag laro. Kailangan kong magalis nang stress.

Nakakapagtakang hindi online si El. Inaabangan ko pa naman sya para may kasama ako. Or kaya kakwentuhan. I ended up sleeping dahil na bored na ako.

"Go Summer!" Sigawan nang mga tao especially mga babae dito sa gym.

May laban kase sila Summer at gustong manuod ni Daisy kaya eto ako. Same scenario, nakahalumbaba lang ako at nakatulala.

May nag abot nang Nova sakin kanina at juice. Pero hindi ko trip kumain. Hindi ko din talaga alam kung bakit laging may nagaabot sakin nang pagkain, feeling ata nila malnourished ako.

Medyo inis padin ako kay Summer kahit wala naman syang ginagawa kung di makipaglandian dun sa blonde na babae. Lalo na tuwing nasa cafeteria. Hindi ko alam kung trip nya lang talagang ibalandra sakin yung paglalandian nila. At hindi ako natutuwa. I don't know why either. Basta masakit sila sa mata.

Tulad ngayon, pinupunasan sya nang pawis nung blonde na yun habang time out. tsk.

"Baka sila na?"

Narinig kong sabi nang isang babae, referring to the two girls flirting. Ang sarap lang nilang paguntugin.

Tumayo na ako nang makitang humalik yung babae sa pisngi ni Summer. "Oh? San ka pupunta?" Takang sabi ni Daisy.

"Una na ako. Inaantok lang ako dito e." Sabi ko sakanya pero hinila nya ako ulit paupo sa tabi nya.

"Sabay na tayo mamaya. Tsaka darating pa si Theo diba?" Shoot. Oo nga pala. Susunduin nga pala ako ni Theo. Mag roadtrip daw kasi kami dahil wala naman syang gagawin. 3pm palang naman kase at half-day lang ang klase ngayon.

"Oo nga pala." Sabi ko kay Daisy na napailing nalang dahil lumipad nanaman ang isip ko.

"Hey Princess!" Gusto kong batuhin si Theo nang suot kong heels dahil sa pagsigaw nya.

Tahimik pa naman ang lahat kaya rinig na rinig sya sa buong gym. Kainin mo na ako lupa please. Ayoko nang kahihiyan.

Nakangiting naglakad papalapit samin si Theo at may dala-dalang paper bag. Sinamaan ko sya nang tingin kaya ngumiwi sya at nag peace sign kaya inirapan ko sya.

"Sorry.. Napalakas lang." Sabi nya bago naupo sa tabi ko "I brought your favourite!" Segwey nya at itinaas ang bitbit nyang paper bag.

Inabot ko naman yun at bigla akong napangiti nang makita ko ang laman nun. "Dried mangoes! Thank you!" Excited na sabi ko bago ko sya niyakap.

Nagpunta kase sya sa Cebu para sa isang business trip at nagbilin talaga ako sakanya nang pasalubong. Favourite ko kase talaga ang dried mangoes galing sa Cebu at yung mga nabibili dito ay madalas luma na.

Natawa naman sya "Sinong agaw pansin ngayon?" Bulong nya kaya agad akong napakalas sakanya. Nakakahiya, pinagtitinginan na tuloy kami.

"Ayoko na dito." Bulong ko sakanya

Tumawa muna sya bago binalingan si Daisy "D, una na kami ah.. Baka atakihin pa to sa kahihiyan e." Sabi nya kaya natawa naman yung isa kaya kinurot ko sa tagiliran si Theo.

"Parang wala ako dito ah."

"Sige na lovebirds. Nandito pa future ko, dito muna ako." Sabi ni Daisy kaya natawa nalang kami bago tumayo at naglakad paalis.

Pero bago pa man kami makalabas ay napatingin ako sa gawi ni Summer. And to my surprise, she's also looking at me.

Hindi ko alam kung anong klasing tingin yun pero parang nakaramdam ako nang kung ano sa tyan ko. Para bang may ginawa nanaman akong kasalanan sakanya.

tss.. Wala naman akong ginagawa ah. sya nga tong laging may kalandian at ang sakit nila sa mata pero hindi ako nagrereklamo. Psh.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...