The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

9

202 3 0
By Blacckkfairry

"uy! kanino nanggaling yang bulaklak? ang ganda naman!"


nakangiting salubong samin kaagad ni Gianna ng tuluyan kaming makapasok sa loob ng room kasama si Aiofe. Naurong kasi ang meeting mamaya nalang daw.  Nakangiwi ko lang na tinignan siya sandali  bago pabuntong hininga na naglakad muli papunta sa upuan ko. Basta ko nalang din na nilapag sa mesa ang bulaklak at padabog na naupo. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin don.


"Anong nangyare jan bakit ganyan?" dinig ko pa na tanong din agad ni Yvette. Nandito na rin pala siya. Humatak lang siya ng upuan at mabilis rin na naupo sa bandang likuran ko.


naramdaman ko ng magkibit balikat si Aiofe na para bang sinasabi niya kila Gianna na hindi at wala siyang alam. Basta nalang din nakapokus muli ang kanyang mata sa bulaklak. Mukhang type niya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at basta nalang iyon na nilipat at nilapag sa lamesa niya.



"Sayo na yan. Nakita ko kung gaano mo titigan e." binigyan ko siya ng panandaliang ngiti bago muling umayos ng upo. Nakaramdam na din ako ng uhaw kaya sunod ko ng nilabas ang inuminan ko para uminom ng tubig.


nagugulat man ay kitang kita ko na agad sa mukha ni Aiofe ang sobrang saya. Pinikit pikit niya pa iyon na para bang hindi siya makapaniwalang sa kanya na 'yon. Napaisip tuloy ako kung what if mas higit pa doon ang ibinigay ko sa kanya? Siguro baka higit pa roon ang magawa niya.


"Sure ka? thank you!" masiglang sabi niya ng tanguan ko siya matapos uminom.


hindi rin kami lahat ganon na nakapag usap ng matagal dahil pumasok na ang professor namin sa PE. Mabilis rin silang nagsibalikan muna sa kani kanilang upuan at pwesto. Nung una nag discuss lang ng kaunti si sir bago kami sunod na pinalabas para sa gagawin namin na activity.



bitbit ang gamit naming lahat ay nagsimula na kaming maglakad din agad papunta sa lugar kung saan namin dapat gawin ang activity. Pero nang tuluyan na kaming makarating doon ay eksakto naman na may mga nagte training at practice ng basketball. Ganon rin sa volleyball at tennis.



badminton kasi ang PE namin ngayon kaya kailangan na dapat sa maluwag talaga na area pero dahil nga sa maraming nagpa practice, bigla nalang namroblema si sir at sandali na muna kaming pinaupo lahat sa bleachers. Nagbilin lang siya saglit na maiwan na muna niya kami para pumunta sa isa niyang co-professor na PE rin ang subject na hawak.


"Tignan mo tong si Bea, nakakaloka." agad na dinig ko na sabi ni Aiofe. Kasalukuyan kasi siyang nagce cellphone. Pinatingin niya sakin iyon dahilan para makita ko ang message ni Bea sa GC.



sinabi niya na hindi daw muna siya makakapasok ngayon dahil may importante daw siya ngayong lakad. Hindi ko tuloy naiwasan muli ang magtaka. Bakit biglaan naman yata at agad agad? Saka isa pa, kakaumpisa palang ng pasok umabsent na kaagad siya?


sa bagay hindi ko rin naman alam ng husto kung ano ang rason niya. Pero kasi sayang dahil may isa na kaagad siyang absent. Bawas points na rin.



"Ano namang nakakaloka don Aiofe? e qualified naman yung rason na binigay niya?" singit at lingon din agad ni Chandria sa kanya. Sinilip pa niya mismo ang mukha nito habang nakapalumbaba.


"Alam ko. Eme lang yung nakakaloka na word. Ito naman masyado mong sine seryoso! Easy ka lang oy!" nilingon din siya ni Aiofe na may ngiti sa kanyang mukha. So she's truly had a jolly personality huh? Nakakatuwa lang.



"Ano ba naman yan! hindi ko inakala na magkakaroon pala ako ng mga maiingay na kaibigan!" inis naman na sabi bigla ni Yvette dahilan para matigilan ang dalawa sa pag uusap maging ako. Si Gianna kasi busy naman sa pag ce cellphone kaya wala siya munang pakialam samin. Padabog niyang sinarado ang libro na hawak niya at mabilis na umayos ng upo. Ganon nalang niya kaagad itong pinanlisikan ng tingin.



"Ako subukan mong titigan ng ganyan. Auto tusok talaga kaagad sakin mata mo." wala sa sariling nasabi ko nalang din kaagad.



napatingin sila sakin ng hindi ko inaasahan pagkatapos ko masabi iyon. All of them are looking at me with their different expressions. That's why in the end I failed to be looked serious in front of them. Natawa ako sa mga expressions ng mukha nila.



Naputol lang ang pagtawa ko ng mapansin na tumayo si Gianna sa tabi ko. Abala ng may kausap sa phone palayo samin bitbit pa ang bag niya. Mukhang may kikitain yata. May pagalaw galaw pa kasi siya sa bag niya na para bang ganon nalang siya ka excite.



"Guys! doon na daw tayo sa tapat ng engineering department building mag PE sabi ni sir." biglang anunsyo nalang din kaagad ng isa naming kaklase.


hindi nagtagal ay agad na rin kaming tumayo para magsimulang maglakad. Yon nga lang mas nauna na samin si Yvette. Mukhang ganon nalang siya talagang nabadtrip. Ikaw ba naman makabangga ng isang attitude na lalaki.



pagdating namin sa mismong lugar ay kaagad na rin kaming kumilos papunta sa mga pwesto namin dahil nagmamadali na si sir. Halos ilang minuto na rin kasi ang oras na nawala at nasayang.


sandali na muna kaming pinag warm up lahat bago kami tuluyan na hinati sa apat na grupo. Yon nga lang dahil sa magkakatabi kami ng halos sa pwesto ay hindi namin naging ka grupo ang isa't isa. Pagkatapos niyon ay kaagad na rin na idinis tribute ni sir ang tig iisang pares ng mga raketa.


"the first thing that I will taught to all of you is the basic types of grip." pagdi discuss ni sir habang suot ang kanyang lapel para marinig ng lahat.


dahil sa ako ang may hawak ng isang raketa, bawat ginagawa ni sir ay ganon ko nalang kaagad na sinusundan. Sa una hindi ganon naging madali para sakin ang ibang types ng grip na tinuturo niya. Kumbaga napapansin ko na parang may sariling utak ang kamay ko dahilan para makailang ulit pa ako na gayahin ang pinag gagawa ni sir.


"Tss! hindi ganyan. Ganito ang tama pahiram ako."


mula sa peripheral vision ko ay bigla nalang akong natigilan at mabagal na nilingon ang isang ka grupo ko na lalaki. Sandali pa niya akong nginitian bago mabilis na isinenyas ang raketa. Nakaramdam man ako ng pagka awkward kaonti ay pabuntong hininga ko nalang din iyon na ibinigay sa kanya.



pero halos hindi yata ako ganon na makapaniwala na sa isang hawak niya lang sa raketa at bola ng badminton ay kaagad na niyang nagawa ang lahat ng basic types ng grip na ngayon ay hindi pa man ganon na tapos idiscuss ni sir. Ganon nalang tuloy kaagad nabuhay ang pagka kuryosidad sakin.


kunot noo ko siyang tinignan at dahan dahan na naglakad papalapit sa gilid niya.

"Athlete ka ba sa badminton?" mahinang tanong ko na nakapagpatigil sa kanya. Tahimik siyang nilingon ako at maikling ngumiti bago tumango.


"Yeah! I was but I already quit." maikling sagot niya.


tumango tango lang ako sa kanya at pagkatapos niyon ay mabilis ko na rin na ibinalik ang paningin kay sir na ngayon ay kasalukuyan ng idine demo sa aming lahat ang pang huli niyang ituturo para sa araw na to.


"by the way what's your name?" dinig ko na tanong pa sakin ulit ng lalaki na kaklase ko. So he's friendly ha?


"Samantha." tanging sagot ko. Hindi siya nilingon.


"what a wonderful name huh?" he said. May halong tono na kaagad ng pang aasar. I thought he was a mystery guy like the others pero hindi naman pala.



"Drake." pagpapakilala niya na hindi ko rin inaasahan. He even walk formally in front of my sight para lang matakpan ang ngayo'y tinitignan ko. Napangunot ako ng makita ang kamay niyang nakahanda na para makamayan ako.


pero hindi rin nagtagal ay tinanggap ko iyon but it was a quick. Dahil mabilis ko rin na binawi ang kamay ko at basta nalang na kinuha ulit sa kanya ang raketa na kanina ko pang hawak. Kaagad na rin akong naglakad papalayo sa kanya para pumunta na sa mga iba pa naming ka grupo na ngayon ay abalang abala lang muna sa panunuod sa iba na kasalukuyang naglalaro. 



natapos ang klase namin sa PE ng walang hindi pawisan sa aming lahat. Lahat kami ay kanya kanya rin ng inom ng tubig sa inuminan. Habang ang iba naman ng hindi na natiis ang sobrang init at pawis ay tuluyan ng nagpalit ng damit bago umuwi. Tulad nila Chandria at Yvette na kababalik lang galing sa Comfort Room.



"oh? bakit hindi ka nagpalit? pawis na pawis na yang likod mo." bungad na tanong ni Yvette ng makaupo na siya sa tabi ko. Bahagya pa niyang tinapik at tinignan ang likuran ko bago niya tuluyan na tiklupin ang blouse na kaninang suot niya.


"hindi na. Daretso uwi na rin naman ako pagkatapos ko magpahinga." nakangiting nilingon ko siya ng matapos ko mapunasan ang leeg, batok at noo ko. Medyo nakakaramdam na rin kaagad ako ng hilo kaya naman malabo na hindi ko masamahan ngayon yung Mark na nangungulit sakin kanina.


"What? Uuwi ka na agad? e di'ba may usapan pa kayo nung lalaki kanina na taga DMU?" biglang usyoso ni Aiofe. Bitbit ang bag niya na halos hindi pa niya ganon na naisasara. Isama pa yung buhok niyang medyo magulo na. Saglit pa niyang pinaikot ang paningin saming lahat bago niya inihinto muli sakin. Halatang inaantay na sumagot ako.



"Psh! yung totoo? anong tingin mo sakin? sumasama kaagad sa kailan ko lang nakilala?" sarkastikong sagot ko, nang daretso ko siyang lingunin. Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay basta nalang siyang napalunok. Nang marealize niya ang tinutupok ko ay basta nalang din niyang inalis ang paningin sakin at mabilis na naupo ulit sa kanyang kinauupuan.



minsan ko pa siya na sinilip bago ako tuluyan na bumuntong hininga. Ito na nga ba yung sinasabi ko e. Na ayokong makarinig ng tanong na hindi ko gusto dahil talagang sasagutin ko iyon ng pa sarkastiko.



"ay ang taray ha? why naman ganon Sam kay Aiofe?" dunggol sakin bigla ni Gianna. Naramdaman ko pang hiniga niya nanaman ang ulo niya sa balikat ko. Isa pa ito ano bang akala niya sa balikat ko? unan? Hindi pa siya nakuntento, tinaas pa niya ng bahagya ang magkabila niyang kamay at braso dahilan para matamaan na ang mukha ko!



tuluyan ng sumama ang mukha ko nang dahil doon kaya naman ganon nalang mas kalalim akong nagpakawala ng buntong hininga. Na para bang sa gano'ng paraan ay sinusubukan ko na simulang habaan ang aking pasensiya.



within an hour passed, nang maramdaman ko ng okay na ako at na relax na ng sobra ang katawan ko ay nagsimula na akong tumayo. I do some stretching again for the last time before I went to Gianna and to the others to say Goodbye. But I didn't expect that within an hour, Aiofe and Chandria got knock out. They we're both leaning into each other's shoulder while sleeping.



mukhang ganoon na lang talaga sila napagod sa PE kanina. Saglit ko pa sila na pinagmasdan bago na lumapit kila Gianna at Yvette na ngayon ay tahimik lang na nangangalkal sa kani kanilang gadgets. Napansin ko pang nakangunot ang noo ni Yvette na para bang hindi niya ganon nagugustuhan ang bawat nakikita niya sa pag scroll.



"Yves, Gi, uwi na ako." paalam ko na sabi sa kanila. Humawak pa ako sa magkabila nilang balikat. Mabilis naman nilang inangat ang paningin sakin at nakangiting tumango.


"Ingat ka! kita na lang ulit tayo sa friday." saglit na ngiting sabi naman ni Gianna sakin. She even tapped back onto my shoulder.


"Yeah. I will." minsan ko pa siyang tinanguan bago na ako tuluyang tumalikod at maglakad papalayo sa kanila.


eksaktong paglabas ko sa court ay hindi ko aakalain na makikita ko ulit si Gaviniel. Napatigil tuloy ako saglit. He's now busy talking to his professor na parang ganon na lang kalalim 'yon at importante. Hindi niya rin suot ang bag niya dahilan para isipin ko na may susunod pa siyang mga klase. Balak ko pa naman sana din na mag sorry sa kanya about what I did to him in personal. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako ganon na matatahimik if hindi ko 'yon magawa.


nang ma realize ko na baka matagal pa nga ang usapan nila ay doon na ako nagpasyang magpatuloy muli sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang gate. Kaso yon nga lang, hindi ko naman inakala na maabutan ako ng ulan dahilan para palihim akong mapapikit at mapakagat sa aking labi.


"minamalas ka nga naman." inis na sabi ko at bulong sa sarili. "hay buhay!"



"bakit kasi hindi ka nagdadala ng payong?"  ganon ko nalang kaagad na naimulat ang mga mata ko ng biglang may magsalita sa likuran ko. Naramdaman ko rin na hindi na ako nababasa ng ulan. Sino naman to? Paglingon ko dahan dahan kong nakita ang isang lalaki. He was wearing all White from top to his bottom. Maging ang sapatos niya na suot ay ganon rin ang kulay. Sa suot niyang 'yon tuloy ay parang ganon nalang nakakailang na lumapit.


hindi ko man intensyon na sungitan siya pero mukhang hindi ko iyon maiiwasan dahil kaagad ko na siyang tinaasan ng kilay. "Sino ka naman?"


"Isn't obvious?" natawa pa siya ng saglit bago muling mas umayos ng tayo. Nilagay na niya sa bulsa ng top niya ang kanyang kamay. "I'm also a College student here. My department was located beside of the Engineering."



"Alam ko." maikling sagot ko, sabay hawi at ayos sa buhok kong sobrang basa at gulo na. Hindi na rin ako magdadalawang isip pa kung magkalagnat ako mamayang gabi. Pesteng ulan naman kasi to! ngayon pa bumagsak! Hindi man lang muna ako pinarating sa parking lot.


"Why so masungit naman? I'm just trying to be kind here." makulit niyang sagot. Mukhang sa itsura niya ay mukha na rin siyang pauwi tulad ko. Minsan pa siyang lumingon sa likuran niya dahilan para wala sa sariling mapalingon din ako doon.



my eyes widened when I saw Aiofe started to walking towards us. She even smiling at me while doing that! Mas nagulat pa ako ng ganon na lang niya kabilis na niyakap ang lalaki na nagpayong nalang bigla sakin. She even slapped the guy in his arms. Tumatawa pa!


"Ikaw ah? kaya pala hindi mo ko sinundo doon sa court dahil may pino pormahan ka na pala! bakit hindi mo sinabi ah? natututo ka na maglihim ah?" dunggol din niya bigla sa lalaki at ganon nalang niya ako kabilis na nilingon.


literal na natigilan tuloy ako ng makita kung papaano nalang siya humawak at umangkla sa braso nito. Magjowa ba sila? Ang daming tumatakbo na tanong nalang din bigla sa isip ko.


"Aiofe umayos ka nga! naka angkla ka nanaman sakin." rinig ko na sabi din ng lalaki sa kanya. Mukhang ganon nalang nga yata siyang naiirita dito. Napailing tuloy ako.


"napaka mo! arte nito! wag mo sabihin sakin na magdo doktor ka kaya ka ganyan. Nandidiri ka?" napatingin tuloy agad ako kay Aiofe ng matapos niya sabihin iyon. Siraulo to! grabe magsalita sa guy!


nakita ko rin kung gaano nalang umawang bigla ang labi ng lalaki. Napatakip pa siya  sa labi niya na para bang hindi siya ganon na makapaniwalang sinabihan siya ng ganon ni Aiofe.


"aba! hoy wala akong sinasabi na ganon ah?" sagot niya kay Aiofe sabay pitik sa noo nito.


hindi pa doon natapos ang pagtatalo nila. Meron pa yung nagkabatukan silang dalawa na hindi ko alam kung biruan lang ba talaga yon o literal ng sakitan. Napangiwi nalang ako ng tignan silang dalawa at ng hindi ko na natiis pa ay basta ko nalang din silang nilayasan.



basta ko nalang binuksan din kaagad ang pintuan sa bandang shutgon seat ng marating ko na mismo ang harapan ng sasakyan. Walang ano ano'y basta ko ng pinatong doon ang gamit ko at sandali na tinanggal ang sapatos ko. Napasukan kasi ng tubig! letchugas!



"Tangina. Wala na! babaho na tong paa ko!" inis talaga na sabi ko. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang magpaa na lang sa huli. Bago pa ako makaakyat sa driver's seat ay mabilis ko na rin na nilabas ang susi. Gusto ko ng makapagpalit.



mabilis pa sa alas kwatro akong nagmaneho matapos kong mabuksan at painitin sandali ang makina. Lubos din ang pasasalamat ko ng husto ng hindi naging ganon ka traffic at karami ang sasakyan na nakasabayan ko that's why ilang minuto lang ang nakalipas at nakauwi na rin ako.


hindi na ako nagulat pa ng makita ko na agad si Kuya Harvey sa labas ng gate na nag aantay habang magka krus ang mga braso. Akala ko nga ay sisigawan niya ako pero wala. Tahimik lang niya akong pinagbuksan ng gate at patamad na gumilid. Pagtapos ko maipark ang sasakyan ay ganon nalang din kaagad ako kabilis na kumilos na kuhanin ang bag at sapatos ko.



"Bakit basa ka?" dinig ko pa na tanong ni Kuya sakin, pero hindi ko siya ganon na pinansin kaagad dahil sa kagustuhan ko na makaligo na muna ulit at makapagpalit.


pagpasok ko sa kwarto ay basta ko nalang na itinapon sa kama ang mga gamit ko bago ako nagtatakbong pumasok sa banyo para magmadaling maligo. Kahit na alam ko naman na medyo natuyuan na ako sa katawan. Mabilis lang ang ginawa ko na pagligo dahil nakaramdam na rin agad ako ng gutom.



nagsuot lang ako ng silk sleepwear ko na kulay blue since pagabi na rin naman mamaya. Paglabas ko habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya, ay nakangiwi ko na tinignan sandali ang gamit ko sa kama na ngayon ay nakakakalat na. Hindi ko rin napigilan ang mapasinghap dahil nakaakyat pala si Goffer sa kama. This cat!



nataranta akong tumakbo rin doon para tignan lahat ng gamit ko kung may napunit ba o nawala. I was totally relieved ng makita na naroon ang lahat at kumpleto. Dahil doon hindi ko tuloy naiwasan na ibalik ang masama na paningin sa kanya. Nakatingala lang siya sakin ngayon habang nag iingay.


"Iingay ingay ka jan!" bulong na sabi ko pa sa sarili ko bago ko kinuha ang kainan niya para mapakain siya.



pagkatapos niyon ay agad na akong naupo sa vanity mirror ko para kunin ang blower at matuyo na ng husto ang buhok ko. Hindi ko rin maiwasan kung ano ba ang dapat ko na gawin ang matulog ba muna bago kumain o ang kumain muna bago matulog. Ang hirap talaga kapag sabay na naisip ang mga magandang gawin.



sa huli, nang makuntento at maramdaman ko ng tuyo na talaga ang buhok ko ay mabilis na akong lumabas at bumaba ulit papunta sa kusina. Dala ang susi ng sasakyan ni Kuya Harvey ay nakangiti akong naglakad papasok doon. Pero agad din akong natigilan ng makitang wala siya doon.



napabuntong hininga na lang ako at mabilis na lumapit sa ref para maglabas ng inumin. Pero pagtalikod ko para sana uminom na, siya namang eksaktong pagpasok ni Kuya Harvey sa kusina. Hindi niya ako ganon na napansin agad dahil abalang abala siya sa pagpindot at pagkalkal sa phone niya.



napalunok nalang ako at dahan dahan na lumakad papalapit sa dining table. Pag upo ko ay doon ko na sinimulan na inumin at ubusin ang tubig na nasa hydroflask ko. Si tita Vangie naman ay tahimik lang din na naghahati ng mga rekado. Siya lagi ang tagaluto dahil higit sa masarap ang luto niya ay mas ginagahan ako.


"Magpaulan ka pa!" rinig ko na sabi kaagad ni Kuya Harvey. Nakaupo na pala din siya ngayon sa harapan ko! Hindi ko man lang namalayan. Nakababa na ang phone niya kaya daretso na niya akong natitigan. His face was no emotion. Kumbaga parang pag sinubukan kong mag joke baka kaltok na kaagad ang abutin ko.



"Hindi naman ako nagpaulan e. Biglang bumuhos yung ulan ayon nabasa ako." agad na pagpapaliwanag ko sa kanya bago tuluyan na sumandal sa sandalan ng upuan. Wala pa man ilang segundo ay nararamdaman ko na ang pag iinit at pagsama ng pakiramdam ko. Pero di ko 'yon pinahalata at mas kumilos pa ng ayos. 


"talaga lang huh?" paninigurado pa niya habang tumatango tango. Napatanga pa ako ng minsan siyang tumayo dahil akala ko kung anong gagawin niya. But my eyes suprisingly widened when I felt what he did next to me! He quickly checked my temperature using his hand! basta nalang niya na kinapa ang leeg ko!


bakit ba kasi napaka protective niyang kapatid? Nakakaloka wala akong takas pagdating sa mga ganitong senaryo!


hindi nalang ako nagsalita at mabilis na hinampas ang kamay niya. Masama ko siya na tinignan habang siya naman ay pailing iling na lang na bumalik sa kinauupuan niya. Yung mga tinginan niya sa akin, alam ko na agad kung anong iniisip niya dahilan para mapangiwi nalang ako.


"ano yan ha?" tanong na din bigla ni tita Vangie na kasalukuyan pa rin na nakatalikod sa amin. Masyado yatang napalakas ang hampas ko dahilan para mapansin niya kaagad.


nakangiting inilingan lang ako ni Kuya bago binaling ang paningin kay Tita Vangie. "yung pamangkin mo mainit nanaman." mapang asar na sabi niya.


agad akong nainis kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin at basta nalang sinipa sa ilalim ng mesa pero mukhang hindi naman siya nasaktan. Lumayo lang siya ng kaunti at parang tangang dumila. Akmang Babatukan ko na sana din siya ng bigla naman ng pumasok si Mama.


napalunok ako ng makita na kasama niya din pala si papa. Pareho silang may mga bitbit na paper bags na inilapag na nila sa sahig. Nawala lang ang paningin ko doon ng marinig ulit si Kuya Harvey na bigla nalang sumipol.

"talk to them." he mouthed.


ngumiwi lang ako at mabilis siyang inilingan. Mabilis din akong umayos kaagad ng upo ng mapansin na nakatingin na sa amin si Tita Vangie.


"Ano nagpaulan ka nanaman?" hindi ko inaasahan na itatanong bigla ni Tita Vangie sakin!


nagugulat at mabagal ko siya na nilingon. Napalunok ako at hindi ganon na nakapagsalita agad.  Sa tingin pa lang niya alam ko ng naiinis na siya agad sakin. Lalo pa akong hindi na nakapagsalita ng makita siyang basta nalang na umiling. Inalis niya na rin ang paningin sakin at mabilis na itinuon kila mama at papa na ngayon ay nasa akin na pala ang kanilang mga paningin. 



matapos niyon agad ko na naramdaman ang pag upo ni mama sa tabi ko.  Agad ko na iniwas din ang mukha ko ng maramdaman pa siyang subukan na silipin ang mukha ko. Alam ko naman na nag aalala siya pero bakit kailangan pang silipin ang mukha ko? sa inis ko ay basta nalang din ako na tumayo at tinalikuran sila. Nawala na ako sa mood kumain. 


"Mamaya ka na umakyat, may pasalubong kami sayo." biglang sabi ni mama na nakapagpatigil sakin sa paglalakad. Nanatili lang akong nakatayo at hindi siya nilingon. Bored na inaantay ang mga susunod pa niyang gusto na sabihin. 


pero habang nakatalikod sa kanila ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng paninikip sa aking dibdib. Na para bang may kung ano sakin na nagsasabi na patawarin ko na si mama sa kung anong ginawa niya sinadya man o hindi. Na para bang nararamdaman ko na gusto nalang bigla lumakad ng mga paa ko palapit sa kanila para yakapin sila pero hindi ko ganon na magawa. Dahil ramdam ko na may pumipigil. 



napahigpit nalang din ako ng hawak sa dingding na nasa tabi ko ng hindi ko na ganon pang nakayanan ang mga pinag iisip ko. Dahil doon, kaagad ko rin na naramdaman ang yabag na paglapit nila tita Vangie sakin maging ni Kuya Harvey na siyang kaagad na humawak sa balikat ko para maalalayan ako. Nakakaramdam na rin kasi ako ng kaunting pagkahilo at sakit ng ulo. 



"Ano paulan ka pa?" bulong niya sa tainga ko ng tuluyan na niya akong maakay. Inis ko siya na tinignan at ganon kabilis nalang na tinulak ang mukha niya palayo sakin. Nakuha pa talaga niyang mang asar. 

"Yan tama yan Harv bitbitin mo yang kapatid mo palapit dito. Namimihasa yang ganyan e kapag may nararamdaman. Tumatakas." panunudyo pa ni tita Vangie. Naglakad na din siya pabalik ulit sa kusina para simulan ng lutuin ang kanina niya pang pinaghahati na rekado. 


sa huli, gusto ko man na talagang makaakyat pabalik sa kwarto ko ay hindi ko magawa dahil maski sa upuan ay bantay ako ni Kuya Harvey. Ponyeta to e! ginagawa akong bata! Pumwesto ba naman ng nakaharap sakin habang nakatagilid ang ulo habang abala siyang nagce cellphone. 


"Parang tatakas naman ako." bulong na sabi ko, pagkatapos din ay palihim siyang inirapan. 



after sometime, umayos na ako ng upo ng makitang nakahanda na sa mesa ang lahat ng niluto ni tita Vangie. Yon nga lang hindi ko naiwasan ang magtaka kung bakit sobrang dami ng nakahain ngayon sa mesa. Anong meron at isa pa halata sa mga pagkain na nakahain ngayon na hindi iyon ordinaryong pagkain ng mga tulad ko. Sa itsura palang kasi ng pagka plating ay halata na yon na mamahalin. 


"Nagtapos kasi ako ng HRM kaya ganyan." nakangiting sabi sakin ni tita ng mapansin niya ang curious na tingin ko sa mga iyon. 

"E bakit hindi ka magtrabaho sa isang sikat  na restaurant ta? ang ganda ng plating mo oh!" aliw na aliw naman na sabi ni Kuya Harvey na ngayon ay siya pang nauuna na lumapang sa mga pagkain. 


napasiring lang ako at pabagsak na sinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan. Bored na bored na ako na parang mas gusto ko na sa kwarto nalang ako kumain. Basta ko nalang din na naihilamos ang magkabila ko na kamay sa mukha ko ng bigla kong maramdaman na manakit nanaman ang ulo ko.


sa aming lahat ako rin ang naunang matapos kumain. Hindi tulad nung mga nakaraang araw, kaunti lang ang kinain ko ngayon. Nang tuluyan ko ng maramdaman na solve na ako ay doon na ako tumayo para ilagay na sa lababo ang pinagkainan ko at iwan na sila.


nagbago lang ang isip ko na aakyat na sana ako pabalik sa kwarto ko ng may bigla nalang akong mapansin na sobrang liwanag sa labas ng bahay. Agad na nagliwanag ng husto at sumilay nalang basta sa labi ko ang saya ng marealize na ang buwan pala 'yon.


tahimik lang akong naupo sa backyard namin at doon ko ipinagpatuloy ang pagtingala para panuorin kung gaano iyon kaganda. Bukod pa roon, pakiramdam ko ay pansamantalang nawala muna ang lahat ng mga problemang iniisip ko.


"So beautiful." wala sa sariling nasabi ko.


nasira nga lang iyon ng bigla ko nalang maramdaman na mag vibrate ang phone ko. Naningkit ang mga mata ko ng makita na unknown number iyon.


From: Unknown Number

Just like you. :)


kaagad na nangunot ang noo ko.


To: Unknown Number

Who you? and where did you get my number?



After I send it, I waited for his/her reply but it didn't came. So in that case, I already assumed that they're only wrong send. Nilapag ko nalang din ulit sa tabi ko ang phone ko at pagkatapos niyon ay mabilis na tinitigan muli ang buwan. Hanggang sa hindi ko na namalayan na may humawak na sa ulo ko.


dahan dahan niya na inalalayan ang ulo ko para ihiga iyon sa balikat niya.


"Hay nako! Mauuntog ka pa sa ginagawa mo." pagkasilip niya sa mukha ko ay ganon ko nalang gusto kaagad na ialis ang pagkakahiga ng ulo ko sa balikat ni Gaviniel.


"anong ginagawa mo rito?" curious na tanong ko sa kanya.


nilingon ko pa at tinanaw ang labas kung saan nakita ko na iba ang dala niyang sasakyan. Bukod pa roon ay agad kong napansin na hindi na siya nakasuot ng uniform. Tanging simpleng polo shirt na kulay white lang ang kanyang suot na ipinares niya sa kulay itim na khaki pants. Kakulay ng rubber shoes na suot niya.


sinilip niya ang mukha ko at ganon nalang na sumilay kaagad ang ngiti sa kanyang labi. "Binibisita ka."


"h-ha?" naguguluhan na tanong ko. Para saan?


humalakhak siya ng hindi ko ganon husto na maintindihan ang sinasabi niya. Saglit pa siya na tumayo at sandali na tumanaw sa malayo bago umupo sa harapan ko. Nawirduhan pa ako sa kanya ng mapansin ko na bigla nalang niyang sinandal sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya.

"Ang sabi ko, binibisita kita kaya ako pumunta dito. Aside from the fact na kasama ko si Dad." sabay senyas niya na kasalukuyan ng nasa loob ng bahay namin.

"ah yon pala yon." maikling sagot ko. Naiilang. Bigla nalang kasi ulit na nag flashback sa isip ko yung ginawa ko sa kanya.

"I could read your face." tumawa siya saglit pero kaagad din na sumeryoso.

"I'm sorry." agad ng sinabi ko sa kanya. "sorry because I say some foul words to you even thou-"

napahinto ako sa sinasabi ko ng bigla na lang siyang umiiling iling at daretso akong tinignan.

"Hindi mo kailangan sabihin sakin yan," sinserong sabi niya, habang pinapa lipat lipat niya ang paningin sa aking mga mata. "Dahil kahit kailan hindi ko naisip na magagalit ako sayo."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 187 8
မင်းကဘာကောင်လေးလဲကွာ...?
119K 2.8K 34
You are a girl that moved to a new house and school. You and Mom are the only one in the Family. U meet a boy named Dash Parr but he has a big secret...
30K 1K 33
A love story against all odds between a young elf and an adult orc.
72.8K 1.5K 40
Brey Allen De Castro, a 4th year BS Psychology meets Dohn Rylen Valiardo, a former Marine Engineering student from their University. Brey is the Pres...