My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)

8.9K 234 0
By Badorita

"I realized science couldn't answer any of the really interesting questions. So, I turned to philosophy. I've been searching for God ever since. Who knows, I may pick up a rock and it'll say underneath, "Made by God." The universe is full of surprises."

Chantilas, Red Planet

_____

(Abby's point of view and cross over point of view of Cerus)

"Bulaga! A-chu-chu-chu achuchuchu, ali-gun-ching gun-ching, ang baby, ang baby, Me-yaw, Me-yaw!" naririnig ni Abby ang boses ni Cerus sa may sala habang pababa siya ng mga oras na iyon.

Parang may party sa sala nila Philcan ngayon, marami kasing nagkakatipon-tipon. Naroon ang mga kaibigan nitong sina Cerus at Zion. Naroon din ang tatlong vyaktigata naukara ng kanyang mga anak at syempre ang kanyang omega na si Alala. Nagtaka rin siya dahil naroon ang kakambal nito, mukhang kasama ni Cerus si Vlex. Tahimik lang itong nakatayo sa gilid ng sala habang katabi nito ang mga omega ng kanyang mga anak at si Alala.

"Itigil mo nga 'yan Cerus, kapag umiyak ang anak ko, sisipain kita palabas ng bahay!" pagsisimula ni Philcan. Nasa harap ito ng sleek aerodynamic sleep pod ni Lorcan o sa madaling salita crib sa earth.

"Ano bang masama sa ginagawa ko, ngumingiti nga si Arccan, A-chu-chu-chu, achuchuchu, bulaga!" pambubulaga na naman nito kay Arccan.

Si Zion naman ay nahahawakan ang daliri nito ni Gilcan. Mukhang nagkaroon na ng mga sariling favorite ang kanyang mga anak. Napapangiti si Zion sa ginagawang paghawak ni Gilcan sa hintuturo nito. Himala ngumingiti ito, nakakadala talaga ang mga sanggol kahit na nga once in a blue moon lang kung ngumiti si Zion.

Lumapit siya kay Philcan, "Mukhang gising na ang mga baby ko," hinawakan siya ni Philcan sa baywang para ilapit ang kanyang kawatan dito.

"Eto kasing si Cerus, ang ingay-ingay, nagising tuloy," baling nito kay Cerus.

"May masisi lang talaga," humarap ulit ito kay Arccan, "Baby, h'wag kang gagaya sa pangit na ugali ng Patrem mo, bawas pogi points iyon, ali-gun-ching gun-ching bulaga!" ngumiti ang kanyang anak.

Tumawa naman siya sa tinuran ni Cerus, "Maiwan ko na muna kayo rito, Alala," lumapit si Alala sa kanya.

"Ikaw na munang bahala rito, sabihan mo agad ako kapag may problema ha, wala kasi akong tiwala rito sa Patrem nila," nginitian niya si Philcan. Nag-pout lang ito. Tumango naman si Alala. Pupunta kasi siya sa sector Shi mamimili siya ng mga libro. Wala na siyang mabasa kahit na nga puro informative ang mga libro sa Xenica pinagtiya-tiyagaan niya na rin.

Humarap siya sa kanyang tatlong anak, "Mga baby ko, alis lang muna saglit si daddy, may bibilhin lang ako, sandali lang si daddy, si Patrem muna ang magbabantay sa inyo saka sila Patruus Cerus at Patruus Zion, love you," hinalikan niya isa-isa ang mga anak at hinarap ang tatlong lalaking nakatunghay sa kanya.

"Kayong tatlo, huwag kayong makulit, bantayan niyo ng mabuti ang mga baby ko,"

"Sila lamang ang makulit Abby," itinuro nito ang dalawang makatabi sabay namang tumingin si Philcan at Cerus kay Zion.

"Oo nga 'no, kayong dalawa, itigil niyo muna ang pagbabangayan, baka manahin ng mga anak ko 'yon, baka tumanda pa ako ng maaga,"

"Whatever!" si Cerus iyon.

"Be sure to come back early okay," niyakap siya ni Philcan at hinalikan sa noo. Nakita niya si Vlex na nakatingin sa kanila.

"Vlex, right?"

Yumuko ito, "Opo,"

"Halika samahan mo ako, magshopping tayo,"

"Shopping?" nakakunot ang noo ni Philcan na tanong sa kanya.

"Shopping, mamimili,"

"I know, I thought mamimili ka lang ng mga e-books,"

"Kasama na rin 'yon, ano Vlex sama ka ba?"

"Hindi siya p'wedeng umalis," basag ni Cerus.

"At bakit hindi?" pagtataray niya. Namaywang pa talaga siya.

"Because I said so,"

"And so?"

"Philcan pare, sabihin mo naman na hindi p'wede," humihingi ito kay Philcan ng simpatya.

"Bahala ka r'yan,"

"Bye, love," hinalikan niya ng mabilis sa pisngi si Philcan, "Bye, mga mahal ko," baling niya sa kanyang mga anak at pagkatapos ay hinila na si Vlex paalis ng sala.

"Abby naman!" nakita niya na lang na nagkakamot sa ulo si Cerus.

He stuck his tongue to Cerus.

"Love, h'wag niyong tatakasan ang mga kleinonian guard beta mo," pahabol na paalala ni Philcan sa kanya. Tumango siya at naglakad na ulit.

"Dapat pala hindi ko na lang isinama rito ang omega ko, patawad Alala, kasi naman..,"

"Tumahimik ka na nga Cerus! ang ingay mo, a-chu-chu-chu ali-gun-ching gun-ching, ang baby! bulaga!"

"Hindi ganyan!"

Bahala na muna ang mga ito sa kanyang mga anak, hindi naman siya gaanong nag-aalala dahil naroon si Alala maging ang mga omega ng kanyang mga anak. Alam din niyang babantayan din ito ni Philcan hanggang sa dumating siya.

"Apolectus Unum," hinihila niya pa rin pala si Vlex.

"Sorry," binitawan niya ang pulso nito.

"Naku, hindi po dahil sa nasasaktan ako sa paghawak niyo, nahihiya lamang po akong sumama sa inyo," nakayuko pa rin ito.

"Ano ka ba, huwag kang mahiya, Abby na lang itawag mo sa akin," nag-angat ito ng tingin. Nginitian niya ito.

"Pero..,"

"Mas madaling bigkasin iyon kaysa sa Apolectus Unum, ano tara na?" tumango na lang ito.

Nakahanda na ang sasakyan ng makarating sila sa labas. Naroon ang isa sa mga bodyguard beta niya. Hawak nito ang nakabukas na pinto ng sasakyan. Dalawang beta ang nakatalagang magbantay sa kanya. Si Philcan mismo ang pumili sa dalawang betang ito dahil pinuno si Philcan ng mga beta na may special ability katulad nila Cerus at Zion, hindi matatawaran ang galing ng mga ito, katulad din ang kapangyarihan ng mga ito kay Philcan. Mga elements, itong nasa labas ay lupa ang kayang kontrolin samantalang ang nasa loob ng sasakyan ay yelo naman. Isa lang ang kaya nilang kontroling elemento samantalang ang kanyang si Philcan ay tatlo.

"Thank you Sagitar," tumango lamang si Sagitar. Pumasok na siya sa loob, ang akala niya ay papasok na rin si Vlex sa loob ng sasakyan pero nag-aalangan ito.

"Vlex, okay lang, h'wag kang mahiya, halika na," nahihiya man ay napilitan na rin itong pumasok. Sinara na ni Sagitar ang pinto ng makapasok si Vlex.

"Saan po tayo Sir Abby?" tanong sa kanya ni Aquitar ang isa pa niyang bodyguard. Nakasakay na rin si Sagitar sa passenger seat.

"Sa sector Shi tayo Aqui," tinatawag niya itong Aqui para mas cool kaysa sa Aquitar, parang katunog lang ng altar.

Habang nasa loob sila ng sasakyan balisa pa rin si Vlex. Hindi pa rin ito komportable sa presensiya niya.

"Magagalit ba si Cerus sayo dahil isinama kita? Kapag sinaktan ka niya sabihin mo lang sa akin, sasaktan ko rin iyon," pagsisimula niya sa usapan.

"Hindi po, mabait po si Beta Cerus, makulit at madaldal lang po talaga siya," huli na ng marealize nito ang sinabi, "Pasensiya na po," kinakagat nito ang kuko ng hinliliit. Sinulyapan din nito ang dalawang beta sa unahan.

Tumawa siya, "Okay lang, nuknukan ng kakulitan at hindi nga nawawalan ng k'wento iyon, pa'no pala kayo nagkakilala ni Cerus, ang sabi ni Alala, isa ka raw researcher sa headquarter?" mukhang nag-alangan itong sagutin, "Okay lang kung hindi mo sagutin, sorry,"

"Naku hindi po, una ko pong nakita si Beta Cerus sa bahay po namin sa Exiguus Societatis...,"

***

"at bukod d'on nakita ko siya sa isang mission namin sa Daksina," nakaupo na silang tatlo nila Philcan sa sala habang umiinom sila ng vinum.

Nasa kwarto na ang mga anak nito kasama sila Alala, kaya napag-uusapan nila ngayon ang kapatid nito.

"Anong ginagawa niya r'on?" tanong sa kanya ni Philcan.

"Nagreresearch daw,"

"Siya'y mag-isa lang?" tanong naman ni Zion.

***

"Opo,"

"Hindi ka ba natakot, ang tapang mo rin," sumandal siya sa upuan ng sasakyan.

"Parte po iyon ng trabaho ko bilang isang researcher," mukhang nagiging komportable na ito.

"Sabagay, ako nga sa earth researcher din pero tungkol naman sa environment at parte rin ng trabaho ko roon ang magkaroon ng mga kaaway dahil sa pagiging environmental activist," bigla niyang namiss ang kanyang trabaho.

"Napansin ko nga po ang pagiging matatag at ang pagkakaroon niyo ng isang matayog na paninindigan," ngumiti ito sa kanya. Nakita niya si Alala sandali sa pagkaxygus nito.

"Slight lang, di naman masyado, pa'no mo pala naging amo si Cerus?"

*****

"Secret!" ngumisi siya.

"Huwag mo nga kaming gagohin Cerus! Kailangan ka pa naglihim sa amin,"

"Philcan, sa aking palagay may gusto 'yan kay Vlex," napabaling silang dalawa kay Zion.

"Gago! wala, natutuwa lang ako sa kanya, saka mararamdaman ko naman 'yon," saan kaya nakuha ni Zion ang ideyang iyon. Siya may gusto kay Vlex? Im.po.si.ble.

"Diyan nagsisimula 'yan sa kunwari natutuwa, tapos mahuhulog na pala ang loob mo, ganyan ako kay Abby ko eh, sa una talaga hindi mo mapapansin iyon," kinilig pa ang gago.

"Lol! hindi ah! Huwag mo akong igaya sa kainosentehan mo pagdating sa pag-ibig. Fyi mga dude nasa friend zone lang kami,"

"Friend zone?!" sabay pa ang dalawa.

*****

"Tawag 'yon sa earth na, may gusto 'yong isa tapos 'yong isa kaibigan lang ang turing, nafriend zone, gan'on," tumango tango si Vlex.

"Hindi naman po Apolec..,"

"Abby!" pagtatama niya.

"A..bby, hindi naman po gan'on ang sitwasyon namin, Summus at Servus po ang tawag sa sitwasyon namin,"

"Ah, parang amo at alalay, naku maraming nagkakatuluyan sa ganyan, marami akong napanood na mga pelikula niyan, papanood ko sa'yo minsan,"

Ngumiti ito ng pilit, "Malabo pong mangyari ang iniisip niyo, magkalayong magkalayo po kami ni Beta Cerus,"

"Parang langit at lupa?"

*****

"Ikaw ba'y hindi naniniwala sa 'destined soul' kahit malayo'y pinaglalapit, patunay lamang niyan ay si Philcan at Abby, at bilang karagdagan, batid mo naman siguro na marami kang dalang mga pagtatanghal galing sa earth na may gan'ong tema," sabi ni Zion. Mukhang hiningal ito sa haba ng sinabi.

"Tama! marami nga akong napanood na mga movies na ganyan ang theme, langit at lupa, mahirap at mayaman, si marimar at sergio, tapos kunwari magiging kontrabida si Patruus Cronus, diba classic na classic ang love story mo, mala-fairy tale dude!" tumawa si Philcan maging si Zion ay napapangiti rin.

"Ang daldal niyo, naturingang mga brusko pero ang dadaldal, lalo na ikaw Zion, diba nga dapat pipi ka lang," bakit ngayon ay naiinis siya? Hindi siya ganito.

"Hiyang hiya naman kami sa katahimikang dala mo!"

"Ewan ko sainyo! Maglaro na nga lang tayo ng Mass Effect!" inisang lagok niya lang ang bote ng vinum.

Makahulugang nagbabatuhan lang ng tingin ang dalawa niyang praning na kaibigan.

*****

"Bakit po?" napansin ata nito na masugid siyang nakatingin dito. "May problema po ba?"

"Ah wala, sorry," nginitian niya si Vlex. Haha. May ipang-aasar na siya kay Cerus. Tagumpay!

Ang sama mo. Dumaan ka rin sa stage na ganyan.

I know. Diba ang sarap ng feeling na ma-in-love.

Yah. yah. right.

"Sir Abby, nandito na po tayo," anunsiyo ni Aqui.

Naunang lumabas si Sagitar at pinagbuksan sila ng pinto ng sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

213K 6.4K 82
Sabi nila, one is already enough. Kapag dalawa na, it is already too much. Pero paano kapag apat na? Apat na gangsters pa! (started: July 4, 2017)
56.5M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
109K 2.1K 14
[UNDER REVIEW AND REVISION] [[INSPIRED FROM AVAH MALDTA BY SIMPLYCHUMMY]] Synopsis: LET'S MEET TONI PINAGPALA..... ANG BAKLANG PINAGLIHI SA SAMA N...