Love You, Sunset

By pink_opal_27

2.7K 168 45

A setting sun can mean losing hope but can also be anticipation of a new beginning. Witness how love plays wi... More

Chapter 2: Return
Chapter 3: Bestfriend
Chapter 4: Mia
Chapter 5: Sketchpad
Chapter 6: Time
Chapter 7: Out
Chapter 8: Stalker
Chapter 9: Kuya
Chapter 10: Goodbye
Chapter 11: Rooftop
Chapter 12: Unit
Chapter 13: Canvas
Chapter 14: Chef
Chapter 15: Visit
Chapter 16: Mommy
Chapter 17: Sister
Chapter 18: Message
Chapter 19: Dream
Chapter 20: Artwork
Chapter 21: Comeback
Chapter 22: Deal
Chapter 23: Fear
Chapter 24: Together
Chapter 25: Moment
Chapter 26: Reverse
Chapter 27: Missed
Chapter 28: Back?
Chapter 29: Again
Chapter 30: Love You, Sunset
EPILOGUE: The Story Behind

Chapter 1: Collision

367 6 12
By pink_opal_27

Ken's POV

Another busy day again here sa emergency room. Patients of different conditions keep on entering the ER, parang hindi natatapos. Hindi man magandang sabihin pero may mga oras talaga na nakakapagod na, na parang gustong-gusto ko nang sumuko, gusto ko nang magpahinga. Pero kailangan ako sa trabahong ito, sinumpaan ko ito na gagampanan ko nang malinis ang budhi at konsensya. 

"Doctor Ken! May parating na pasyente. Asikasuhin mo yun kaagad" gulat ako nang may sumigaw mula sa nurses' corner ng ER. Hayy Doctor Steve kung di lang talaga idol baka matagal ko nang sinukuan yang lagi mong pag-utos sa akin. 

Siya si Doctor Steve, ang head ng Internal Medicine department ng ospital na ito. Itong department din kasi ang humahawak sa emergency room. Ganyan lang talaga yan, palautos. Lagi niya pinapasalo sa akin ang pag-asikaso ng mga pasyente na darating. Alam niyo ba ang dahilan? May ka-date lang naman siya. Wow sana all diba.

Wang wang wang wang wang!

Dumating na nga ang ambulansya. Naghanda na ako. Inayos ko ang aking PPE. Kahit sobrang init nitong suot kong PPE ay kailangang tiisin. Mas kakayanin ko pang mapawisan nang todo kesa mahawahan ng COVID-19, mahirap na. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.

"Anong nangyari sa kanya?" hangos kong tanong nang makalapit ako sa stretcher ng pasyente.

"Doc hirap na sa paghinga. Nakabitan na rin naman ng oxygen sa ambulansya. Waiting pa sa COVID-19 swab results." bigkas ng medic na nagbaba ng stretcher mula sa ambulansya.

Pinadiretso ko na agad sa COVID ward nitong ospital ang pasyente. Kinabitan ko na ng mga aparato na siyang makakatulong sa kanyang paghinga. Nilagyan ko na rin siya ng pulse oximeter para mamonitor ko kung okay pa ba ang lebel ng oxygen niya sa katawan. Baka biglang maging emergency case ito. 

Nang masiguro ko na stable na ang pasyente ay nagbilin ako sa mga residente at intern na nakaduty sa COVID ward kung anong mga kailangan imonitor sa pasyente at sabihan ako kaagad pag may napansin silang pagbabago sa pasyente. Hindi pa ako tapos sa aking pagbibilin nang...

"Wala kayong mga puso! Naituring kayong ospital, mga doktor, pero wala kayong awa! Pinatay niyo ang asawa ko!!"

Napasilip ako sa labas ng COVID ward. May isang nagwawalang lalaki na nakasuot ng sando. Nagsisisigaw ito habang yakap-yakap ang isang babae na parang wala nang buhay. Pinapatayo siya ng mga guards at aktong pinapalabas ng ospital. Halos mag-iisang buwan pa lang ako sa ospital na ito pero first time ko itong nasaksihan. Awang-awa ako sa mag-asawa. Marahil ay baka namatay ang asawa niya sa COVID. Kawawa naman. 

Lalapitan ko na sana sila nang bigla akong hinarangan ni Doctor Bruno. Kung sa katagalan ng pagiging doktor sa ospital na ito ay siya ang mas matagal kesa sa akin kaya ko siya senior. Pero ang alam ko ay magkabatch lang kami.

"Talagang lalapit ka pa sa kanila? Hindi ka ba nahihiya?" sambit nito.

Nagulat ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko, dahilan para mapansin niya at magsalita muli ng "Makikisimpatiya ka sa asawa ng pinatay mong pasyente?".

Pinatay kong pasyente? 

****

A/N First try for a RitKen AU... idol ko po kasi si ehrindels_ 😅😍

Disclaimer:
Short chapters lang po ito and baka hindi everyday UD...but hope you'll like it 😊

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 446 51
Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind thos...
39K 901 21
This is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to underst...
50.8K 6.6K 55
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...
22.5K 712 29
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...