Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 14

6 1 0
By solaceinstellar


Natawa siya sa asik ko sa kanya. Crinkles formed beside his eyes and his perfect white teeth shows off. "Nagbibiro lang. If truth be told, it's me who want kisses from you," malumanay niyang saad.

Mas lalong nag-init ang leeg ko. Nag-iwas ako ng tingin. "A-anong niluluto mo?" pag-iiba ko ng usapan. Bakit ba pakiramdam ko ay sobrang init dito?

"Ah," he remembered and immediately rounded the counter island to check the steaming pan on the stove.

Kinuha niya ang takip nito at kinuha din ang sandok at saka hinalo-halo. Pinipilit kong wag mapaawang ang labi sa bawat galaw ng maskulado niyang mga braso. But damn it, he looks so edible from the back... from the front... front the side and wherever view you're looking at.

Umaapaw ang seksuwalidad niya sa puntong nakaka-alarma na ito. It's like he's the epitome of the bad boy most fathers tell their daughter to stay away from. Mas matanda nga lang siya, mas mature, mas tahimik at mas misteryoso. His silence is violence.

"Vittoria, come here." Nilingon niya ako.

Kumunot ang noo ko pero lumapit pa din sa kanya. Hindi lang sobrang lapit.

"Lapit pa," udyok niya pero naugat ako sa kinatatayuan. He sighed and snaked his arm around my waist and tugged me gently.

Dinungaw ko ang niluluto niya at halos tumulo na talaga ang laway ko ng chicken curry iyon! Nanubig ang aking bagang at sunod-sunond na napalunok.

Sumandok siya doon ng kaonting sabaw at inilapit sa bunganga ko.

"Tikman mo,"

Binuka ko ang bibig ko at marahan niyang isinubo sa akin ang sandok. Nakaalalay ang palad niya sa ilalim ng bibig ko.

Para siyang bata na nakaabang sa reaksiyon at sasabihin ko.

"Hmm," ungol ko. "Sarap." Binigay ko sa kanya ang dalawang thumbs-up.

Malasa ang luto niya at may konting anghang na nagustuhan ko. Hindi masyadong maalat o matamis kaya tama lang ang timpla. Swak sa panlasa ko.

Parang siya...

Ngumiti siya. Pinanunasan niya ang gilid labi ko gamit ang hinlalaki at isinubo iyon sa bibig niya saka sinipsip. Nabura ang ngiti sa labi ko at napasinghap.

He turned off the gas stove and closed the lid. Nang binalingan niya ako ay kumunot ang noo niya.

"What's wrong?" nag-aalala niyang saad dahil nakatingin pa rin ako sa kanya.

Pinilit kong ngumiti. "W-wala." Bumalatay ang init sa kalamnan ko pababa sa pagitan ng hita.

I pressed my legs together as I watched his lips very closely.

Mariin niya akong tinitigan. "You're lying,"

I laughed nervously. "Wala nga. Pagod lang talaga ako," pagsisinungaling ko.

Mas mainam ng magsinungaling kaysa sabihin na 'Wag mo akong pansinin, Lucas. Nalilibugan lang kasi ako pag andiyan ka.

Umalis ako sa tabi niya at umupo sa high chair. Kailangan kong dumistansya sa kanya para lang makahinga. Masyadong nakakasabik pag malapit siya. Ang granite counter island ngayon ay pumapagitna na sa amin.

"Gutom ka na? It's still too early to have a lunch," ani nito. "Pero kung gutom ka na, kumain na lang tayo,"

Mabilis akong umiling. "Hindi pa naman. Ikaw? Baka gutom ka na,"

His pupil dilated. His expression darkened as he smiled evilly. "I'm hungry... but not of food," makahulugan ng sabi.

Kanina ka pa, Lucas! Kung sinasadya niya man na akitin ako, congrats dahil nagtatagumpay siya. He knew how to maneuver his devilish charm very well.

Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa tabi ko. Nilagay niya ang kamay sa maliit na sandalan ng inuupuan ko.

"Linggo bukas. It's your day-off. Do you have plans for tomorrow?" Kita ko ang paglapat ng mata niya sa leeg ko.

Tumango ako. "Mamimili siguro ako ng mga damit sa tiangge o sa mga ukay-ukay,"

Nagkayayaan kasi sila Mara na mag-ukay-ukay kami o mamili ng mga damit sa mga tianggehan. Medyo lumalaki na ang kita namin. Bukod kasi sa lingguhang sweldo na nakukuha ay marami din kaming tip mula sa customer.

Hinimas niya ang kanyang panga at seryosong tumingin sa akin. "Sinong kasama mo?"

"Si Mara. Si Jeff at Gerald pa yata sasama pero hindi ko lang sigurado,"

Nakatiim siya ng bagang at malalim na ang gitla sa noo. "Sama ako,"

Napaatras ang leeg ko bago natawa. "Ano namang gagawin mo doon?"

His other hand reached for my waist and slightly squeezed it. "Well..." he trailed off. "Mamimili din ng damit?"

Umikot ang mga mata ko. Tila gusto niya pa akong hilahin palapit sa kanya pero hindi niya magawa dahil sa hindi naman pwedeng ma-move ang stool.

"Seryoso? Ikaw? Sa tianggehan mamimili ng damit?"

Alam kong puro mamamahalin at branded ang mga damit nito. Sa mga malls o legit botique siya bumibili ng damit. Siguro nga ay may personal shopper pa.

"Bakit hindi? If other people can buy there, why can't I?"

"Wag na nga, Lucas. Hindi ka nararapat doon, sa mga mamahaling botika ka narararapat dahil iyon ang nakasanayan mo at ang nababagay sa iyo!" punto ko. "At isa pa, baka ano pang sabihin nila kung sasama ka sa amin,"

"You don't get to say what's suited with me. Ako ang pipili kung ano... o sinong babagay sa akin, Vittoria. Doesn't mean I came from the rich then my standard of living will be rich all the time, too. Minsan hindi iyan sa nakasanayan mo— sometimes it's about what makes you feel happy and alive." His eyes ripped the shell that's covering my soul.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Mas lalo lang siyang lumapit. "Bakit?" bulong ko at bumagsak ang tingin sa labi nito. "Ano bang nagpapasaya at nagpapasabik sa iyo?" Binalik ko ang mata sa kanya at kita ko kung paano niya ako hubaran sa titig pa lang.

May iba pang dumaan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung gulat... o mas malalim pa. He kissed my palm and looked at me seriously.

"Sasama ako bukas." Iniwasan niya ang tanong ko kaya hindi na ako nagpumilit.

Sumimangot ako. "At iyong mga kasama ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sasabihin ko sa kanila? Boss ka namin tapos makiki-join ka sa ganap namin?"

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Tell them I'm your suitor,"

"Bakit, pinayagan na ba kita?" hamon ko.

"Oh, Vittoria. Kung hindi pa man, I'm gonna make sure you will, baby,"

My heart fluterred. "Tapos ma-chi-chismis tayo? Lalo na ako? Baka kuyugin ako ng mga babae mo,"

"Let them talk. I don't give a flying fuck about what they'll say. Pero maayos na din iyon, para malaman ng lahat na may namamagitan sa atin. That way, men will stay the fuck away from you. I awalys hated it when diners in the resto tries to get your phone number or flirt with you," may diin niyang saad. "As for the girls, which I have none, hindi ko hahayaang may manakit sa iyo, Vittoria."

Tanginang 'yan.

Lucas was just casting spell after spell on me. With his devilish smile, his hands wandering through my fingers and my waist, the words coming from his mouth, the sincerity and gentleness in his eyes— kahit bato siguro ay rurupok sa lalaking ito.

Nag-iwas ako ng tingin. "B-bahala ka nga sa buhay mo,"

"Anong oras kayo aalis at saan-saan magkikita-kita?" he pressed on.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili lang siyang nakangiti. "Tell me," pilit niya. "Ikaw pipili ng bibilhin ko. You'll shop for me, ayos ba?"

Napalabi ako at nanantyang tumingin sa kanya. Kalaunan ay napangisi dahil na-excite akong ako ang mamimili ng damit niya.

"3 P.M. Sa labas ng resort,"

Tumango siya at pinatakan ng halik ang pulso ko sa kamay.

Kung noon ay puro malamig at galit na titig ang mga iginagawad niya sa akin, ngayon ay ngiti naman at malalambot na mga mata. Nalilito tuloy ako kung saan siya mas maganda tignan.

I don't know which side I like more. The rough and mad Lucas or the gentle and playful Lucas.

"Kung sa hapon kayo aalis... sa umaga, busy ka ba?" tanong niya.

"Hindi naman. Plano ko sanang mag-libot-libot lang o di kaya'y magpahinga,"

"I can tour you around the resort if you want," alok niya.

Mabilis akong tumanggi. "Hindi na, may nag-tour na sa akin,"

Tumuwid siya ng upo. "Sino?"

"Si Gerald, minsan sa lunch break namin niya ako nililibot."

He scowled. "I can tour you better than him, Vittoria."

Tinaasan ko siya ng kilay. Masungit siyang nag-iwas ng tingin habang ako ay nangiti.

"I-tour mo nalang ako sa Palawan," mahinang saad ko pero sapat na para marinig niya.

His eyes immediately looked up to me. He blinked his eyes couple of times.

"Iyong offer mo na 'yun... available pa ba?" nahihiya kong saad.

Gustong-gusto kong libutin ang boung Palawan. Noong sinabi niya ang balak niyang pag-tour sa akin sa Palawan, sa buong Palawan talaga at hindi lang sa Coron o El Nido, ay nabigla ako. Hindi ko maitanggi na gusto ko na lang agad um-oo.

Nahihiya lang talaga ako at natatakot. Nahihiya dahil mag-aabala pa siya sa akin, he'll exert effort and attention, and spend money and time. Natatakot dahil hindi ako bulag para hindi malaman saan patungo kung sakaling magsasama kami ng ilang araw.

Along the way, If I'm being too carefree, I know I'm going to nurture feelings for him. Feelings that might get me in trouble. Feelings that if I won't immediately end, they'll be the one to end me.

Hindi niya ako sinagot. "Bakantehin mo ang sabado at linggo mo sa susunod na linggo. I'll take you on those days. It won't be enough but maybe we'll go another weekend if you permit." Hindi siya nangiti pero namumungay ang mga mata niya sa saya.

"Okay," iyon lang ang tangi kong nasabi.

"Thank you, Vittoria," he breathes. "Hindi mo ito pagsisisihan,"

I bit my lower lip as great amount of happinees swelled in my heart. I felt peacefully happy and calm with him. I felt at home.

"You hungry?" Binitawan niya ang kamay ko at kumunot ang noo ko sa naramdamang kaonting pagprotesta.

He checked his watch. "It's almost lunch. Kain na tayo?" anyaya niya.

Tumango ako at mabilis siyang tumayo para ihain ang mga pagkain at ayusin ang mga kubyertos.

"Kailan mo ng tulong?" alok ko.

Nakakahiya kayang siya na nga ang nagluto, siya pa ang maghahain!

He shook his head. "Being with me here is already a big help," sambit niya. "Dito tayo sa dining table so I can pull you closer to me," wala sa sarili niyang dagdag.

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko magawang mag-react sa mga sinasabi niya. Noong una pa lang alam kong wala ng preno ang bibig niya. It's unfiltered. Tinawag niya akong bayaran at kaladkaring babae. He insulted my family. He called me names. He's that brutally honest and frank.

Kaya ngayong mga ganyan ang lumalabas sa bibig niya para akong sasabog. Halos bumara ang puso ko sa malalakas na pagpitik nito. Everytime I'm with him, the feelings I'm having was at its highest level. Always intense, burning, maddening and consuming.

"Vittoria," tawag. Pinaghila niya na ako ng upuan at nakahanda na lahat sa mesa. "Come here, baby."

Umupo ako. Umupo din siya sa gilid ko at tahimik na nilagyan ang pinggan ko ng kanin at ulam.

Tumiima ang bagang ko. "Lucas ang dami. Hindi ko iyan mauubos," maktol ko sa sandamakmak na kaning nilagay niya. Ano ba akala nito sa akin? Patay-gutom?

"That's too much for you?" Parang hindi niya makapaniwalang tanong. "No wonder you're..." he trailed off.

Bumuntong-hininga siya at binawasan na lang ang kanin ko. "Sige pa," nguso ko.

He glared at me. "Tama na 'yan. Ang onti-onti ng kinakain mo. Kaya pala hindi ka tumataba at ang gaan-gaan mo tuwing..."

Nanliit ang mga mata ko. "Ituloy mo nga ang mga sinasabi mo," I barked. "Tuwing ano?" pilit ko.

"Every time we have sex."

Nag-init ang pisngi ko pero tinago ko iyon sa pag-ismid. "Dalawang beses lang tayo nag-ano. Sa paraan ng pagkakasabi mo parang inaaraw-araw natin, ah?"

"How I wish," bulong niya. Mas lalong nag-init ang mukha ko at ramdam ko ang pag-usok ng tenga ko.

"Kumain na nga tayo!" angil ko sa kanyang saad.

Ngumuso siya upang itago ang ngiti. Matiwasay kaming kumain habang nagkukwento siya sa akin tungkol sa kabataan niya. Hindi ko naman tinatanong pero sinasabi niya sa akin.

Mas lalo niya lang nakukuha ang loob ko dahil dito. Ang layo niya sa unang pagkakakilala ko. He's hard and cold like ice. His over-all being demands respect, politeness and perfection. Sometimes I thought of him as a king, kasi alam kong lahat kaya niyang pasunurin. He has that power, that charm that would make you lose your cool.

But here's this side of him. Sobrang sigla niya sa pagkukwento ng kabataan niya sa akin. Ang dami nilang mag-pipinsan. Malaki silang pamilya kaya masaya ang kabataan ni Lucas. Kwento niya sa akin ay bata pa lang daw sila ay lagi na nilang nililibot itong Palawan tuwing summer.

"What about you?" kuryuso niyang tanong. "Tell me about your childhood... if you just want to. Ayos lang naman kung hindi." Naghihintay ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Saan ang tubig mo?"

"Nauuhaw ka?" Akmang tatayo na siya pero agad kong hinawakan ang hita niya. Napatingin siya doon at napalunok.

Mahabagin. Ang tigas ng hita niya.

"Ako na," angal ko. "Meron sa ref?"

Tumango lang siya. Tumayo ako at kinuha iyon. Kumuha na din ako ng dalawang baso at nilapag iyon sa mesa. Habang nagsasalin ay hinawakan ni Lucas ang likod ng hita ko at minasahe ito. His rough, warm and big hands almost made me jump.

Tinaggal niya din naman ng umupo ako. Uminom muna ako ng tubig bago nagsimulang magkwento.

"Noong bata ako..." Malungkot akong ngumiti. Hindi naman iyon masayang kabataan tulad ng kanya. Mas lalo ko lang na-miss ang kapatid ko.

"Noong bata ako palagi akong napapaaway. Si Lolita kasi... nagtatrabaho siya sa isang strip club. Eh marami pa namang tsismosa't-tsimoso sa amin kaya bantog kami sa buong baranggay. Sinasabihan ng mga nanay 'yung mga anak nila na wag lumapit sa amin dahil pokpok daw si Lolita... na pokpok din daw ako... kahit hindi naman totoo." I looked down at my glass and played with it when I saw pity and remorse in his eyes.

Nag-iwas siya ng tingin dahil alam kung natamaan siya. He, too, judged me.

"Ang ending, wala kaming kaibigan ng kapatid ko. Kami palagi ang kumpulan ng tukso. Pinandidirian kami dahil sa trabaho ni Lolita. Kaya ayon, bata pa lang ako laman na ako ng sabunutan at sampalan." Tinawa ko iyon pero mas lalo lang dumilim ang ekspresyon niya. He looks mad.

"Madalas ay umuuwi akong may mga pasa at galos... pero hindi galing sa paglalaro. Madalas ay galing sa galit ko sa mga pinagsasasabi nilang kasinungalingan at panlalait kay Lolita... iyong iba sa pagtatanggol o pagprotekta ko kay Vlademyr,"

Doon ako namulat sa karahasan ng buhay. Doon ko na-realize na malupit ang mundo para sa mga mahihirap. Na ang mga tao ay mapangmata at masakit manghusga sa mga mas mababa pa sa kanila. Nakita ko ang hubad na katotohanan na ang buhay ay hindi madali para sa katulad naming isang kahig, isang tuka.

Minsan dalawang beses lang kami kumain sa isang araw. Minsan asin at toyo ang ulam namin. Pero ang pinakamalala ay isang beses sa isang araw kami kumain. Hindi pa nga sana ako makaka-graduate ng elementary dahil palagi akong absent. Kung hindi nagmakaawa at lumuhod si Lolita sa adviser at principal ko, hindi ako makakatungtong ng highschool. Alam ko kasing kahit walang-wala na si Lolita ay maghahanap talaga siya ng paraan para mabigyan ako ng baon araw-araw. Kaya ako na mismo ang kusang nag-aabsent.

Iyong tinitirhan namin hindi na matulugan tuwing umuulan. Ang dami kasing butas ng bubong kaya imbes matulog, andoon kami at naglalagay ng mga palanggana at balde pangsalo sa tulo ng tubig madaling araw.

Binabaha din kami doon kaya buong gabi kaming gising. Wala pa kami noong kama kaya sa sahig kaming tatlo natutulog.

Nasaksihan ko kung paano mangutang si Lolita para lang may ipangbili ng gamot ni Vlady. Kung paano nakakarating ang balita sa akin na nagpapahawak si Lolita sa mga nag-ta-table sa kanya para sa mas malaking tip. Kung paanong uuwi siya ng may mga pasa at paso ng upos ng sigarilyo sa balat niya. Kung paanong halos mamatay na ang kapatid ko dahil sa pananakit sa kanya ng mga kaklase niya... kung paano ako mabastos tuwing pauwi mula sa eskwela.

It was a rough a childhood. Most of the time, I look back at it like it was some sort of hell. Dahil impyerno naman talaga iyon.

Kinuwesityon ko pa ang Diyos kung bakit ginaganito niya kami... kung totoo ba siya. Dahil kung totoo nga, bakit ganoon? Ni wala man lang isang natupad sa mga panalingin ko.

The only good thing I remembered in my childhood is that we had the strongest family bond of all. Hinarap namin ang lahat ng iyon bilang pamilya.

Kaming tatlo lang ang meron kami. Kaming tatlo ang sandalan namin. Kaming tatlo ang rason kung bakit kami bumabangon araw-araw at nagpapatuloy sa buhay. Kaming tatlo ang kayamanan na meron kami.

It was enough to keep us going. It was enough to keep us fighting this savage life. But then Lolita died... and here we are. I was angry and glad at the same time. Angry because Lolita has the purest of soul and she was taken from us too early. I consider God being cruel again. Hindi ko pa naibabalik lahat ng binigay at sinakripisyo niya sa amin. Hindi pa ako lubusang nagpapasalamat. And I was glad because Vlademyr and I finally, for once, lived our life in comfort.

Tama nga talaga. You can't have it all in this life. You lose something, you gain new things. You're happy now, but you'll never be happy forever. Long lasting happiness is a never. Malulungkot at malulungkot ka. Masasaktan at masasaktan ka.

Naramdam ko ang kamay ni Lucas sa pisngi ko.

"You're crying," he said in a hoarse voice.

Mabilis akong lumayo sa kamay niya at pinahid ang pisngi. "Sorry," sabi ko sabay tawa.

When I was done drying my tears, he was looking intently at me. Sa madidilim niyang mga mata, pinalipat-lipat niya iyon sa bawat sulok ng mukha ko. Tila sinasaulo ang bawat ukit at ayos nito. Atlast, his eyes meet mine. Madilim, kasing-dilim ng gabing walang tanglaw ng buwan. Nakakapaso tulad ng nag-aalab na apoy. Mamasa-masa iyon at umaapaw ang masidhing galit. Ilang beses umigting ang panga niya.

I was awe-struck by the ardent emotions showing in his eyes. Where does his anger coming from?

"I will never hurt you again. No one will ever hurt you again. Ever," madiin niyang saad. "I solemnly vow."

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
2.8M 161K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
709K 43.4K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
4.7M 298K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...