Under A Rest | ☁️

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 9

5 1 0
By blueth_24

Lumipas ang mga araw at malapit na magpasko. Sa ngayon ay katatapos lang ng exam namin at malapit na ang Christmas party namin. Pero wala akong balak sumali doon.

Dagdag gastusin lang iyon at ayoko din naman makipagplastikan sa mga kaklase ko. Alam ko naman na pabor pa sa kanila na hindi ako umattend.

Kaya naman imbis na magsaya ako ay pinili ko na lang na pumasok sa gasolinahan.

Ilang araw bago magpasko ay nabilhan ko na ng regalo ang mga kapatid, pamangkin ko, at si papa, pati na rin si mama. Kahit na hindi naman siya uuwi ay naghanda pa din ako ng regalo para sa kaniya. Naisipan ko din bigyan si Hershel, at Uno. Ang problema ay wala akong mahanap para sa kanila.

Lahat naman ay mayroon na sila kaya naman nahihirapan akong bilhan sila.

Nagdesisyon ako na bilhan na lamang sila ay sa bagong taon. Bukod sa kulang din sa budget ay hindi din naman kami magkikita sa pasko.

Nandito ako ngayon sa mall para mag grocery, para sa aming Noche Buena mamaya. Kahit paano ay nakapag ipon ako para dito, ganun din si mama. Nagpadala siya ng pera sa amin na nakalaan para sa pamasko. Nakagawian na talaga namin ang maghanda kahit kaunti tuwing pasko at bagong taon dahil minsan lang naman.

Ayaw ko ding maramdaman ng mga kapatid ko ang malungkot na pasko, gusto ko kahit papano ay mapasaya sila. Nang sa gayon wala silang inggit na maramdaman sa ibang bata.

Nagulat ako nang may umakbay sa akin, sisikmuraan ko sana ngunit naamoy ko ang pamilyar na pabango. Si Uno.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umakto siyang parang nagulat.

"Ikaw na ba ang may ari ng mall na'to Mei?"

Umirap ako dahil ang layo nang sagot niya sa tanong ko.

"Joke kasi yon"

Inagaw niya ang cart sa akin at siya na ang nagtulak noon. Guguluhin nanaman niya ako.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Tanong ko sa kaniya ng mapantayam ko ang paglalakad niya.

"May bibilhin lang"

"Hindi ka talaga nauubusan ng pera"

"Pang regalo naman yun. Minsan lang"

Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pamimili.

Nang makumpleto ko ang nasa aking listahan ay dumiretso na ako sa counter.

Hindi naman ito ganoon kadami dahil hindi naman ganoon kalaki ang budget namin.

Nang matapos akong magbayad ay nag offer siya na ihatid ako. At dahil maraming tao ngayon at punuan ang mga sasakyan ay pumayag na lang ako.

Pero bago iyon ay nagpasama muna siya sa akin kaya naman iniwan namin ang pinamili ko sa baggage counter.

"Saan ka ba pupunta?"

"Bibili Ng regalo"

"Para saan?"

Tumingin siya sa akin at agad nag iwas, para siyang nahihiya dahil namumula ang mukha niya.

"Uh. Sa mga kapatid at papa mo"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Uno, hindi na kailangan"

"Hindi naman para sayo"

Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad kaya sumunod na lang ako.

Nakarating kami sa bilihan ng mga damit at sapatos. Tiningnan ko ang presyo Ng isang damit malapit sa akin. Pero, agad ko iyong nabitawan ng makita ang presyo. Napakamahal naman ng mga ito.

"Uno ang mahal dito, lipat na tayo"

"Ayos Lang. Mahal din naman kita"

Parang wala sa sariling sabi niya. Agad siyang napahinto dahil naisip niya sigurong Mali ang sinabi niya.

"H-hey. Don't think malicious, that's not what I mean" agad niyan dinepensahan ang sarili. Iwinasiwas pa niya ang kamay niya.

"Ha?"

"I mean we're friends so I love you, b-but as a friend."

"Sure ka?"

"Oo naman!" Napalakas ang pagkakasabi niya noon kaya natawa ako.

"Bat nauutal ka?" Pang aasar ko pa sa kaniya.

"H-hin. Hindi ah!"

"O bakit sumisigaw ka?"

"Hindi ako sumisigaw! Aish. Assuming"

Natawa ako sa inaasta niya, narinig niya iyon kaya sinamaan niya ako Ng tingin.

"Halika na nga"

Hinila na niya ako palabas ng shop, wala kaming nabili.

Napikon yata siya sa akin kaya naman iniwan niya ako sa isang upuan doon at sinabing intayin ko na lang siya.

Pumayag naman ako dahil medyo masakit na din ang paa ko.

"Ang pikon naman"

Ilang minuto na ang nakakalipas, akala ko ay iniwan na niya ako pero nakatanggap ako Ng text galing sa kaniya.

From: Uno

Just wait there.

Nagreply ako ng 'ok'. Maya maya ay dumating siya na may bitbit na ilang kahon.

Mukhang kahon iyon ng pizza at cake. Mayroon pa siyang bitbit na malaking paper bag .

"Para saan yang mga Yan?" Tanong ko sa kaniya at tumayo sa kinauupuan ko para lumapit sa kaniya.

"Sa mga kapatid at papa mo" napahinto ako sa paglalakad dahil sa sagot niya.

"Pero Uno, sobrang dami nito. Hindi ko to mata-"

"Luh? Sino nagsabing para sayo to? Regalo ko ito sa kanila."

Pagkatapos noon ay sumunod ako sa kaniya dahil nauna na siyang maglakad.

Iniayos niya ng lagay iyon sa likod ng kotse niya kasama ang mga pinamili ko.

"Ano bang pumasok sa utak mo at bumili ka ng mga iyon"

"Hindi kasi kayo mahilig sa materyal na bagay, so dun na lang tayo sa nakakabusog"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Natutuwa ako dahil siguradong magugustuhan iyon nila pero, nahihiya ako kay Uno. Kahit pa sabihin niya na regalo iyon ay masyado pa ding malaki para sa isang regalo.

"Don't worry, hindi ako gumastos ng malaki"

"Hindi pa ba iyon malaki?"

"Hersh asked me to buy the pizza and ice cream"

"Si Hershel?" nagtatakang tanong ko

"Yeah. It's her present for you"

Tahimik na lamang akong nagpasalamat sa kanila sa aking isipan. Talagang gumastos pa sila para sa akin. Masaya ako na naalala nila akong bigyan ng regalo ngayong pasko, bago iyon sa aking pakiramdam dahil ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kaibigan.

Nang makarating sa may kanto malapit sa amin ay bumaba na kami para magbitbit ng aming mga dala.

Tinulungan niya akong dalhin iyon sa bahay namin. Nagulat pa si papa dahil sobrang dami noon, pati mga kapatid ko ay tuwang tuwa.

Inilagay ko sa ref ang ice cream at ibang mga kailangan ilagay doon para hindi masira, maaga pa naman para magluto.

Nag uusap si papa at Uno sa sala namin. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng ito.

"Maraming salamat hijo!"

"Walang anuman po Tito"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko maintindihan pero may sumibol na kaba sa dibdib ko. May kakaibang dulot ngayon ang ngiti niya sa akin. Siguro dahil sa sobrang pasasalamat ko sa kaniya kaya ganito.

Maya maya lang ay nagpaalam na siya na uuwi na. Kaya naman inihatid ko siya sa sasakyan niya.

Habang naglalakad ay nasa likod niya lang ako. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na huminto na pala siya kaya naman nabunggo ako sa likod niya.

"Ano ba!"

"O! Bat ka galit?"

"Bat ka kasi huminto? Nauntog tuloy ako"

Napapahiya akong nag iwas ng tingin nang itinuro niya ang sasakyan niya sa harapan.

"Wag mo kasi ako pagpara isipin"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko naman siya iniisip.

"Hindi ikaw ang iniisip ko. Assuming"

"Sige, kunyare hindi ko narinig na ibinulong mo pangalan ko kanina"

Nagulat ako dahil doon. Imposible. Totoo bang sinabi ko iyon?

"Umalis ka na nga"

"Ang sweet mo naman"

"Tsupi!"

Sumakay na siya sa kotse at nagpaalam na ako.

"See you later"

Sabi niya bago paandarin ang sasakyan niya. Pero teka. Later? Wala naman akong naaalala na usapan namin.

"Baka namali lang" pinagkibit balikat ko na lang iyon at umuwi na.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 105K 56
Rehan's mother is a typical Indian mother, who wants to get her son married before he turns 28. And also she doesn't want him to marry his cunning au...
73.1K 7.5K 55
A life of a strict father who is a soldier raising his 2 kids along with his duties.
A beautiful mishap By .

General Fiction

40.3K 4K 41
"Step into the world of Malik mansion, where two brothers unaware of their sister fight with their own battles,meanwhile their sister is trapped in a...
148K 15.4K 18
[Sequel of 'MY SUBCONSCIOUS DESIRE'] Once again, a tale of desire and respect Once again, a tale of Rathod and family bond A multi-couple story. F...