Under A Rest | ā˜ļø

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 8

5 2 0
By blueth_24

"Feeling better now?"

"Salamat"

Isang matamis na ngiti ang isinukli niya sa akin nang magpasalamat ako. Sa totoo lang ay hindi pa kami ganoon magkakilala, pero ngayon lamang ako umiyak ng ganito sa harapan ng ibang tao. Ganoon na ba talaga ako kapagod?

"Let's go"

"Saan?"

"Basta"

Nagpahila na lang ako sa kaniya paalis ng rooftop. Lunch break na din kaya madami ng estudyante. Hindi halatang nagcutting kami.

Dumiretso kami sa cafeteria at ramdam ko ang tingin ng ibang estudyante sa amin.

"Hindi ka ba komportable dito?"

"Ayos lang"

Kahit naiilang ako sa tingin nila ay hinayaan ko na Lang. Wala naman akong ginagawang masama at lalong wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Umalis siya para umorder ng pagkain namin. Nang makarating siya ay nag abot ako sa kaniya ng pera. Napangiti ako ng tinanggap niya iyon.

Unti unti ng umiingay ang cafeteria dahil dumadami na ang estudyante. Narinig ko pa ang mga kaibigan niya habang papasok ng cafeteria.

"Si Uno ba Yun?" Tanong ng kaibigan niyang lalake na nakasalamin. Halatang matalino at mayaman.

"Where?" tanong ni Hershel at inginuso naman niya ang direksyon namin.

Napalingon si Uno sa kanila at talagang kumaway pa.

"Gago si Uno nga" Lumapit sila sa pwesto namin at nagsimula na akong kabahan.

Nagtama ang tingin namin ni Hershel, at nakita kong nagulat siya, nahihiya ako. Parang gusto kong umalis at lumipat ng mesa pero ayokong maging bastos.

"Hoy, siraUno bat hindi ka pumasok?" tumingin sa akin si Avril at ngumisi.

"Ha? Bakit? Nagquiz ba?"

"Yes" si Aryana ang sumagot. Kilala ko siya dahil nakakasama ko siya sa Science Club.

Nakonsensya tuloy ako bigla, hindi sya nakapag exam dahil sa akin.

"Hala? Hindi nga?"

"Yeah. But there's no difference though" sabi ni Hershel at umupo sa tabi ko.

Umalis na din ang iba para umorder natira dito ang mga kaibigan niyang babae.

Napakunot ang noo ni Uno, kahit ako ay hindi naintindihan ang sinabi ni Hershel.

"Teka! Hindi ko gets, bakit?"

"Kahit naman kasi pumasok ka, zero ka pa din. Duh!"

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi noong best friend ni Aryana.

Napatigil ako ng tumingin sila sa akin.

"Sorry"

"Kasalanan mo to Michelle. At ikaw Hershel, ang sama na ng ugali mo" binatukan niya pa si Michelle. Michelle pala ang pangalan niya.

Natawa sila sa inasta ni Uno, kahit ako ay ganoon din.

Tumingin siya sa akin.

"Wag ka maniwala sa sinasabi nila"

"Ang kaso ay... mas kapanipaniwala sila" pigil ang tawa kong Sabi sa kaniya.

Narinig iyon ng mga kaibigan niya pati iyong mga lalaki dahil nakabalik na pala sila.

"Meisha akala ko ba kaibigan kita"

"Dude, hindi mo ba siya ipapakilala sa amin?" tanong ng kaibigan niyang Moreno at basketball player ng school namin. Si Erickson kung hindi ako nagkakamali.

Pinaikot ni Uno ang mata niya bago ako ipakilala.

"Guys this is Meisha, kaibigan ko. Mas good influence kesa sa inyo"

"Hi I'm Eric" tinanggap ko ang kamay niya.

Nagpakilala silang lahat, syempre maliban kay Kylo, Avril at Hershel, pati na din iyong Jace. Nakilala ko na Kasi sila noon.

"Your name sounds familiar" sabi ni Michelle

"Of course! She's the friend I'm talking about. I didn't know she's friends with Uno" Sabi ni Hershel na may mapang asar na ngiti.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Idinugsong nila sa table namin ang Isa pang table para magkasya kami.

Akala ko ay maoOP ako sa kanila pero hindi. Palagi nila akong isinasama sa usapan. Kahit paano ay naging komportable ako.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na din ako dahil kailangan kong dumiretso sa office ni ma'am.

Tinapos ko kaagad ang mga gawain ko doon para makabalik na sa klase.

Kinakabahan ako dahil sa nangyari kanina. Dumiretso ako sa upuan ko at nagbasa na lamang.

Mabuti na lang at parang walang nangyari kanina. Hindi din ako ginulo nila Samy at ng mga kaibigan niya.

Natapos ang klase kagaya ng mga normal na araw.

Lumabas ako ng room at nagulat ng makita doon si Uno.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka"

Napakunot ang noo ko, hindi naman na kailangan. Sumama na lang ako dahil mangungulit Lang siya.

Nasa kotse niya kami ng mapansin ko ang isang regalo. Nabasa ko ang nakasulat sa card.

"Wala ka mang Hershel, madami ka namang Hershey" ~Uno

"Para kay Kylo ba to?"

"Ah oo"

"Para kang nang aasar e"

"Galing ko diba?"

Hindi na ako umimik dahil nakarating na kami sa gasolinahan.

Pinauwi ko na siya dahil hindi pwedeng palagi siyang tambay doon.

Habang nasa duty ay nag aaral ako. Kailangan kong mag aral dahil plano kong mag apply bilang scholar sa DOST. Malaking tulong iyon para sa akin lalo na ngayong Grade 12 at sa college.

"Meisha, paassist naman kay sir"

Nagulat ako ng makita si Jace na nakasakay sa motor niya. Ngayon lamang siya napadpad dito.

"Hi Meisha!"

Ngumiti ako sa kaniya at tinanong kung magkano ang ipapalagay niya.

Nag abot din siya ng tip sa akin. Hindi ko iyon tinatanggap pero nagpumilit siya, kinuha ko na lang iyon dahil baka mapagalitan pa ako.

"Salamat"

"For our Uno's girl"

Babae? Teka nagkakamali siya. Baka iniisip niya na babae ako ni Uno.

"Hindi ako babae ni Uno, wala din siyang nabanggit na may girlfriend siya" kunot noo Kong Sabi sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Nevermind. I'll go ahead"

"Ingat"

Hanggang sa makaalis siya ay iniisip ko iyon. May girlfriend ba si Uno? Pero wala namang masama kung magkaibigan kami hindi ba?

Inalis ko na lamang sa sistema ko ang issue na iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa habang nakaupo.

Malapit na din matapos ang duty ko kaya naman nagligpit na ako ng gamit. Nang dumating na si Beverly, ang aking kapalitan ay nagpaalam na akong uuwi na.

"Wala si pogi?"

"Ha?"

"Yung kasama mo palagi?"

Si Uno pala ang tinutukoy niya.

"Wala e! Umuwi na"

Aalis na sana ako ng isang pamilyar na kotse ang huminto sa harapan namin.

"Pa-Gas"

"Oh! Andyan pala si pogi e"

Ngirit na ngirit si Uno ng tumingin sa akin. Mukhang nakauwi na mana siya dahil iba na ang damit niya.

"Hatid na kita Mei"

"Dadaan pa akong palengke e"

"Sakto may bibilhin din ako doon"

Tumango na lang ako sa kaniya at lumikaw para sumakay sa passenger seat.

"Salamat"

Pinaandar na niya paalis an sasakyan niya pagkatapos magbayad.

Dumiretso kami sa palengke, ako ay para bumili ng lulutuin kong hapunan at umagahan, pero si Uno ay mukhang prutas ang bibilhin dahil tumingin siya sa mga iyon.

"What's your favorite fruit?"

"Ha? Ako ba?" tanon ko dahil hindi ko Alam kung ako ba ang kinakausap niya.

"Obviously Mei"

"Uh. Apple"

Kumuha siya ng mga apples at sinamahan pa ng oranges.

Pagkatapos ay ako naman ang namili ng karneng manok at itlog. Iyon lang naman ang ipinunta ko dito kaya madali din kaming natapos.

Nang nasa sasakyan na kami ay biglang naisip ko ang sinabi Ng kaibigan niyang si Jace.

"Uno"

"Yeah?"

"May girlfriend ka ba?"

Napakapit ako ng mahigpit ng bigla siyang magpreno.

"Ano ba Uno! Dahan dahan naman"

"Sorry! Nagulat ako e"

"Tinatanong lang naman kita"

Naiinis ako sa kaniya dahil kinabahan ako sa ginawa niya.

"Bakit mo naman natanong?"

"Sabi kasi ni Jace, I am your girl. Naisip ko na baka may girlfriend ka at tingin nila ay babae mo ako"

Narinig ko ang pagtawa niya ng pigil. Ano bang nakakatawa?

"Uno! Seryoso ako" pinagcross ko pa ang aking braso at tiningnan siya ng masama.

"Mag aapply ka ba?" Hinampas ko siya sa braso.

"Seryoso kasi"

"Alright seryoso na" Nakita ko kung paano siya nag seryoso. Ang moody naman nito.

"Kung may girlfriend ka ay-"

"Wala. Wala akong girlfriend. Dahil iyong gusto kong maging girlfriend ay wala pang plano mag boyfriend"

Rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil masyadong seryoso ang pagkakasabi niya noon.

Tumango na lang ako sa kaniya, dahil hindi ko alam kung bakit ako sumaya sa sinabi niya.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

140K 8K 53
This is a story about three brothers. The eldest brother is serving his life for his nation while the other two brothers are following their eldest b...
66.6K 3.4K 54
The Rajputs well known as the most powerful and devil's for the people who tries to messed up with them people got goosebumps just by listening to th...
493K 17.3K 195
(Fan TL) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of...
38.9K 1K 20
Isabella Rose Ivy Valencia-Moretti, the only girl born in Italian Mafia family after so many generations. Not only she is the princess of Italian Maf...