Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.9K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 2

1K 35 2
By coralunaa

"Kamusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakakunot-noo kong tanong kay Bench

Naabutan ko siyang nakaharap sa kanyang macbook. I bet he's answering a make-up quiz.

"Oo. I'm even sweaty right now," aniya

Bumuntonghininga ako. 

"Then you should rest for more, Bench. Baka mabinat ka." 

Binalewala niya ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagsasagot. Ngumiwi ako at hinayaan nalang siya.

Sa aming dalawa talaga, siya etong grade conscious. Obvious naman at heto siya, kahit hindi pa lubusang gumagaling, nagsasagot na ng quiz. Hindi ako honor student pero hindi rin naman bulakbol. Sapat na sa aking makapasa. 

The next day, he went to school with me. Hindi ko na sinaway dahil talagang matigas ang ulo. Magkapatid nga kami.

"Claui!" I heard Joshua

Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Papasok palang ako ngayon sa classroom namin, si Bench nagpunta na sa classroom nila. Josh's room is just a few steps away from ours.

Mukhang papasok pa lang din siya. Naka-uniform at may malapad na ngiti. 

"O?" 

"Josh tara na!" I heard his classmates

"Saglit lang." sagot ni Josh sa kanila bago bumaling sa'kin

Lalong umangat ang aking kilay nang mahagip ng aking mata ang lalaking kumuha sa'kin ng picture kahapon. He only glanced at me once before going inside their classroom.

Kunwari snob. Nilitratuhan naman ako. Tss.

"Huy!"

Napaigtad ako nang hawakan ni Josh ang aking balikat. 

"Ano ba?!" pa-singhal kong tanong dahil sa ginawa niya

"Hindi ka kase nakikinig eh! Sabi ko may ipakikilala ako. Mamaya." 

Nangasim ang mukha ko panigurado. Yun lang? Yun lang ang sasabihin niya? Napakawalang-kwenta naman.

"Para saan?"

"Anong para saan? Syempre para may boyfriend ka na." 

I gave him a sharp look. Natawa naman siya.

"De joke lang. Gusto ka kaseng maging kaibigan nung tao. Mukhang naduduwag kase ang sungit ng mukha mo." paliwanag niya

"Babae?"

"Lalaki malamang!"

Lalaki pala. Lolokohin pa akong friends-friends lang. Hello?! Alam ko na 'yan. At this age, I somehow know how boys make move. Kakaibiganin. Liligawan. Jojowain. Tapos lolokohin sa huli. Sinong kawawa? Ang mga babae. Kaya huwag nalang.

"Huwag na-"

"Mamaya ah? Daan kayo sa court!" binalewala niya ang pagtanggi ko at tumalikod na

Napairap nalang ako at pumasok narin sa classroom. Bahala si Joshua. Siya makipag-usap kung gusto niya.

"Kamusta?" malisyosa ang ngiting ibinungad ni Hannah sa'kin

"Anong tanong 'yan?"

"Hmm. Syempre, baka inisip mo si Mister Cute!" 

Mister Cute. Yuck. Napakabaduy.

"Cute pala? Edi ikaw ang nag-isip?" pambabara ko

"Hoy hindi ah! He likes you, it was obvious so why would I think of, you know. Ayoko sa lalaking hindi ako gusto no."

Mabuti nalang pumasok na ang guro kaya natigil si Hannah sa panunukso sa'kin.

Hours pass by like the usual. Discussion and then quiz right after. Hindi perfect ang scores ko pero okay narin. 

Hindi ako sumama kina Hannah sa cafeteria nang mag-lunch. Nagpabili nalang ako. Baka makita ko pa ang lalaking 'yun doon, maiirita lang ako.

Matapos ang afternoon class, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Bench.

From: Benjamin

Una ka na. Magla-lib ako.

Nireplyan ko siya ng 'ok'. 

Napaka-bookworm talaga ng isang yun. I slipped my phone in the pocket of my skirt and let Hannah drag me to wherever she's heading. Napagtanto kong sa court ang punta namin. 

"Why are we here?"

"And why not? Ganito naman talaga, ah?" 

Why do I have a feeling that she's just playing innocent? Alam niya kayang may ipakikilala raw si Josh sa'kin? 

"Come on, Claui...."

Bago pa ako maka-apila, nilapitan na kami ni Josh. He's all sweaty like the rest of the players. 

"Kunwari ka pa Clau, ha." tudyo niya sa'kin

"Hinila ako ni Hannah. Wala akong choice." umirap ako

Nagulat ako nang makita ang lalaking papalapit sa'min. He's wearing a jersey uniform too. Pawisan gaya ni Josh. Nakatitig siya sa'kin. May ngiting hindi ko alam kung totoo o mapaglaro.

"Yeah, yeah whatever you say. Anyway, this is Bernard. Classmate at team mate ko rin. Siya iyong sinasabi ko sa'yo." 

My lips parted a bit and my brows automatically furrowed. What?! The guy in the cafeteria? Really, now?

"Bernard Louie Rosales. You can call me Blue."

He extended his right hand to me. Luminga-linga ako at nang makitang maraming nakamasid ay nawalan ng choice. I am not that rude para ipahiya siya. 

"I bet you already know my name?" I answered after shaking his hand for quite a bit

He twitched his lips, maybe to stop himself from smirking. He nodded while looking at me. He looked amused. 

"Hangin mo, ah." komento ni Joshua

Tumawa si Hannah. I pursed my lips to stop myself from smiling. Coz why would I smile in front of this guy? This annoying guy? Whose name is.... Blue.

Ang corny naman ng nickname niya. Asul.

"Hi! I'm Hannah Suarez. Your crush's friend." walang hiya-hiyang pagpapakilala ni Hannah

Binalingan ko siya at binigyan ng nananaway na tingin. Ngumuso lang siya sa'kin at halatang trip akong inisin.

"Oh. I gotta go na pala. Bye Wawa! Bye Clau!" 

"What?! Han teka-"

She didn't even let me finish talking. Literal na kumaripas siya ng takbo. Napanganga ako at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ang likuran niya.

"Ako rin pala. Maiwan ko na kayo. Bro, ingatan mo 'yan ah? Dalawa kami ni Bench bubugbog sa'yo kung sakali." kumindat pa ang walang hiyang si Joshua

"Sure, Josh." cool na sagot ng lalaking katabi ko na ngayon

I bit my lips and immediately felt the awkward atmosphere. I looked at Blue and I was caught off guard when his eyes met mine. What now?

What now ka d'yan Claudine. Malamang uuwi ka na!

"Sorry. Pawisan ako." he gave me a tight smile

"Okay lang." 

It looks like he was about to change when Hannah and I arrived here. 

"Pwede bang malaman kung ano ang sinabi ni Joshua sa'yo?" nag-aalinlangan niyang tanong

Inabala ko ang aking mata sa mga dumadadaang estudyante. May iilan sa kanilang napapalingon sa gawi namin.

"You want me to be your friend. Bakit nga pala?" 

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Mukhang walang mahanap na sagot. Kagaya nung tinanong ko siya kung bakit niya ako kinunan ng litrato.

"I just want to. Hindi naman siguro kailangan ng rason para maging magkaibigan, diba?" 

Kamuntikan na akong mapairap. Oh come on. Seriously?

"Can I be your friend?" pabulong iyon

Pinaningkitan ko siya ng mata. Nakaramdam ako ng inis dahil iba talaga ang kutob ko sa lalaking 'to pero baka masyado lang akong assuming.

"Gusto ko lang din sanang patunayan sa'yo na wala naman akong masamang intensyon kahapon. I just really find you pretty. Iyon lang talaga. Sorry kung na-offend kita." 

Eh bakit... sinabi nung isa, may crush ka... ugh, nevermind. I should not overthink about this.

Wala rin naman akong problema kung may crush siya sa'kin. Magkakaroon lang kung sakaling manligaw. Makakatikim ito ng basted. Teka. Ligaw?! Claudine, what the hell are you thinking?! 

"Are you sure you want me to be your friend? I am not the nicest person here." I informed him

Hindi siya natinag.

"Alam ko. Tanggap naman kita, Claudine." 

Talaga lang, huh. Let's see.

"Sige."

"Sige?"

"We're friends now." 

Nakita ko siyang ngumiti. Napaiwas nalang ako ng tingin. Hindi naman siguro masamang sumubok. 

"Thank you, Claudine." seryoso niyang sinabi

Hindi na ako sumagot pa.

"Uuwi ka na ba?" mahinahon niyang tanong

I don't know what has gotten into me that I suddenly looked up to check his features. His hair is jet black in a clean cut. Thick brows. Pointy nose. Matangkad at mestizo. Sakto lang din ang pangangatawan for his age. Hmm. Yeah, I can't deny. This guy got the looks.

Mabango rin kahit pawisan. I am not praising him, huh. I am just telling the truth.

"Yup." tipid kong sagot

"Can I accompany you outside, then?" 

Nakaramdam agad ako ng pagka-alanganin. 

"Change your clothes first." 

I noticed how conscious he is. Maybe he thinks he stinks when he's not.

"Ayos lang ba?"

"Yeah. I'll sit on the bleachers muna." 

"Okay, I'll be fast. I'm sorry again." 

Mabilis siyang naglakad papunta sa comfort room. Nang hindi ko na maaninag ang likuran niya, naglakad ako at imbes na maupo sa bleachers ay nagpatuloy sa paglalakad. I walked so fast that I think some would think I'm being chased by someone. 

"Hah, asa siya." ngumisi ako

"Ma'am?" nilingon ako ni manong driver

Kasasakay ko lang sa sasakyan namin. Hilaw akong ngumiti kay manong.

"Ah wala po."

"Kapatid niyo Ma'am?"

"Nasa library pa manong. Mauuna na ako."

Tumango si manong at agad na tumalima sa gusto kong mangyari. Pinaypayan ko ang aking sarili habang tinatanaw ang unti-unting pagliit ng campus sa aking paningin. 

That guy must have thought my friend that easy. Asa nalang siya. He needs to earn my trust first. Kung akala niya ganoon ako kadali, sorry siya.

Pagdating sa bahay, napagdesisyunan kong mag-bake. I baked some cupcakes and I super love it, thanks to Youtube for being my teacher. Baking is such a stress reliever for me. 

Binigyan ko ang aming mga kasambahay at pinatikim ko rin si Bench. 

"Bakit parang hindi masarap?"

I pouted. Nang-iinis lang siya. Kung totoo, hindi niya mapapangalahatian ang cupcake no.

"Hindi pala, akin nalang..."

Iniwas niya ang cupcake. Nag-angat siya ng kilay.

"Bakit hindi mo ipatikim kay Daddy? Let's see if he likes it." suhestiyon niya

Umirap ako at tuluyang inagaw ang cupcake. I ate it myself and exited Bench's room. Iyon na ang naging dinner ko. Wala na akong magawa sa sumunod na oras kaya to kill my boredom, I decided to shop online. I was having so much fun adding to my cart when a message popped out.

Unknown:

Good evening, Claudine. 

Tumihaya ako at hinarap ang ceiling ng aking kuwarto. I read the message twice as my forehead creases. 

Who the hell is this?

Wala naman akong maalalang pinagbigyan ng cellphone number. Maybe this is just Joshua, Hannah or Bench. Pina-prank ako kase bored. 

Ako:

Who u?

Pagbigyan. Bumili pa ng bagong sim eh. Sayang naman iyong effort.

My phone beeped after few seconds.

Unknown:

Hulaan mo :)

Umikot ang mata ko. Thinking about his or her identity will be a waste of time for me. Ngunit bago ko pa mai-add sa blacklist ang kanyang numero, may mensahe na naman akong natanggap.

Unknown:

It's me. Blue.

Kumurap-kurap ako at nagulat ng bahagya sa nabasa. What?! I quickly typed a reply.

Ako:

Where the hell did you get my phone number?

Mabilis na naman siyang nakapag-reply.

Unknown:

Hiningi ko kay Joshua. Nawala ka kase agad kanina.

I raised a brow. And so?

Unknown:

It seemed like you didn't take my friendship offer seriously. Gusto ko lang malaman mong seryoso ako. I really want you to be my friend.

Nag-lag ang utak ko at ilang beses na nagtipa ng pwedeng i-reply pero lahat nang na-type ay nabura ko lang. 

I didn't expect this. Akala ko mage-gets niya ang ginawa ko kanina. 

Unknown:

Please give me a chance.

Napanganga ako at napapikit. I am annoyed and amused at the same time.

Ako:

Ang kulit mo. Oo na. Sige.

Unknown:

Are you serious this time?

Ako:

Gusto mo gawa tayo ng kontrata? Friendship contract?

I couldn't help but to be sarcastic. Ang segurista niya, huh! Okay sige. I can't blame him. I-n-indian ko lang naman siya kanina.

Unknown:

Okay. Thank you. 

Nasundan pa iyon ng isa pang message.

Unknown:

Can I join you and your friends tomorrow? During lunch?

Ang kulit-kulit niya talaga. Pakiramdam ko, kapag tumanggi ako, hindi niya ako titigilan.

Ako:

Ikaw ang bahala.

Unknown:

Thanks, Claudine. I'm looking forward to seeing you tomorrow. Have a good night :)

I didn't send him a reply but I surely saved his number. Nilagyan ko rin ng pangalan. Asul.

Continue Reading

You'll Also Like

198K 3.7K 21
Dice and Madisson
49.9K 894 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...