Masama ang tingin ni Henry sa'kin na animo'y may malaki akong nagawang kasalanan sa kaniya. I'm sure he's here because of what happened earlier.
Tsk! Wala na ba silang ibang magawa kung hindi ang sisihin at maliitin si Heavenhell? Hindi ba pwedeng manahimik na lang sila sa isang tabi?!
"Are you talking about what happened between me and Mitchel?" pa-inosente kong tanong dito. "Mitchel? Hah! You didn't even know how to used honorifics now?" galit nitong tanong. I'm so tired of this! Paulit-ulit na lang sila ahh!
"What do you really want? Are you just going to scold me? Oh! Don't worry, the lord already did." kalmado kong sabi dito na ikinagulat pa niya. Tsk! Kailangan ba talaga nilang magulat sa tuwing magsasalita ako ng ganito sa kanila? Gaano ba katanga si Heavenhell sa patingin nila?
Masyado nilang minamaliit si Heavenhell at isa ito sa kinaiinisan ko noong binabasa ko ang novel na 'to sa kabilang mundo. Sino ba naman ang hindi maiinis kung sa bawat gagawin ni Heavenhell ay palaging mali ang nakikita nila?
"Y–you didn't even called our father now?!" Hindi niya makapaniwalang tanong. Ngayon pa lang ay nagugulat na sila sa mga ginagawa ko, paano pa sa mga susunod? I smirked. "Oh? I have a father? I thought I'm not part of this family, since I didnt felt like I have one." sarkastiko kong sagot sa kaniya. "Y–you?!"
"Hahahaha! I'm just kidding, brother! Why do you look so shocked?" I asked. "You're out of your mind! You really love to cause troubles, aren't you?!"
"What do you mean by that, brother? I'm doing just fine when that maid messed with me. She insulted and served me a rotten food that is not suited for a noble lady like myself, so punishing her a little is my duty. So brother, would you explain what troubles did I make?" I asked calmly. Tignan natin kung ano ang tunay niyang intensyon para lapitan ako.
Si Henry at Heavenhell ay hindi close sa isa't-isa. Kung tutuusin ay mas malapit si Henry kay Mitchel kaysa dito, kaya masasabi kong hindi dapat ako makipagsalamuha sa lalaking 'to dahil ayoko ng gulo. Pero anong magagawa ko kung siya na mismo ang lumalapit sa'kin?
"I don't care about the maid, Athanasia. But hurting Mitchel is a different issue. What you did to her is unforgivable!" sigaw nito na bakas ang galit sa kaniyang tono.
So this is about Mitchel again?! Ayoko sanang makipag-away sa lalaking 'to pero sinasagad niya ang pasenya ko! Nasabi ko na bang short-tempered ako at ayoko sa lahat yung mga taong kagaya niya. At sa dami-dami ng pwedeng niyang bigkasin ay ang pangalan pa ng bruha ang naisipan niya?! 'Whew! Kalma self!' Kinalma ko na lang ang sarili at tinago ang inis.
"Ano bang sinabi niya sa'yo at sumugod ka agad?" walang galang kong tanong sa kaniya. "Y–you! You dare to direspect your brother?!" Sa mukha pa lang nito ay halatang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. I'm not her sister to begin with.
"I'm asking you, brother... What did she say to you that you came here in a hurry just to scold me?"
He stopped for a moment but manage to answer my question. "She said that you hate her because she tried to help you when you're fighting with the maid. So what you want to say for yourself?!"
"Then believe her, there's nothing I want to say since you're going to believe her in the end. So why waste time to explain?"
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at nilibot ang paningin baka kasi mahagip ng mata ko si Pira. Mas trip kong kausapin 'yon kaysa sa mga taong gaya na lang ng animal na nasa harap ko.
"You're really useless, so who's going to believe you? Mitchel is more realiable and talented, so you're jealous that's why you keep causing troubles to gain our attention, right?" he asked with a smug expression. Heh! I just smirked in return.
"Me? Jealous? Are you kidding, brother? Maybe before I still considered wanting your attention, but now? I don't need it at all!" Nginitian ko lang siya ng inosente.
"Come on brother! Ito lang ba ang kaya mo? Gee! Akala ko naman kung anong sasabihin ng kontrabidang kapatid ni Heavenhell, mambibwiset lang pala! Tsk!"
"Athanasia, everyone knows how desperate you are. You did everything just to get our attention and you even imitate Mitchel because of it. Compare to you, she has more of Caventry blood." He said with his usual cold voice.
Tinignan niya ako na parang wala akong halaga sa kaniya bilang kapatid niya. Kung ako lang si Heavenhell ay siguradong sobrang masasaktan siya sa mga sinabi ng kuya niya. She really love them but look what they always did?! I'm fucking pissed!
"Brother, I can't get you at all. Hindi ko alam kung anong ginawang espesyal ni Mitchel para magustuhan mo siya ng husto to the point na mas pabor ka sa kaniya kaysa sakin na TUNAY mong kapatid. This is so SUSPICIOUS!" nakangisi kong sabi na kinagulat niya.
Nakita ko siyang natigilan sa mga binitiwan kong salita. Sa mundong ito, AKO lang ang nakakaalam ng sikreto ng mga characters sa novel kaya masama akong galitin. Hindi ko sana siya papatulan kanina, pero binanggit niya ang pangalan na kinaiinisan ko. If you don't want me to get angry, don't ever say the trigger code and that is the bitch name, MITCHEL!
He flinched. "W–what are you saying?! You're spouting nonsense!"
"Brother, you okay? I'm just saying that it's suspicious, but there's nothing to be nervous about, right?"
"You shouldn't cross the line, Athanasia. Don't make me angry again!"
He's really angry huh... But who cares?! I'm not scared of a mere trash like him.
"Okay. I'll go back now." nakangiti kong paalam. Pero bago ako tuluyang makalampas sa pwesto niya ay huminto ako at hinawakan siya sa balikat.
"Be careful, brother." makahulugan kong sabi bago naglakad pabalik sa probation room nang may ngiti sa labi.
That's just a warning so he better stop pestering me! Kung ayaw niyang mabuko ang sikretong tinatago niya ay mas mabuting tumahimik na lang siya sa isang tabi at huwag akong guluhin. Dahil kapag nalaman ni daddy ang ginawa niya, tignan ko lang kung makatapak pa siya sa mansion.
Pagkabalik ko sa probation room ay agad akong humiga sa maliit na kama. Nakakapagod pala ang humarap sa tatlong miyembro ng pamilya ni Heavenhell.
Paano na lang kung makita ko pa silang lahat kasama ang mommy at isa pang kuya niya?! Geez! Mukhang kailangan kong maghanda para sa pag-arte bilang si Heavenhell.
Masyado pang maaga para magduda sila sa kung anong nangyari sa anak nila at biglang nagbago. Mas mabuti sana kung isipin nila na may sira lang ako sa ulo ehh!
Sa ngayon ay kailangan ko muna silang sakyan, dahil hangga't hindi pa na-aannul ang engagement namin ni Vile ay hindi ako matatahimik! Delikado ako sa lalaking 'yon, idagdag mo pa ang pamilya at mga kaibigan niyang may attitude problems.
"Lady Athy, kamusta ang pag-uusap niyo ni Lord Caventry?" biglang sulpot ni Pira sa tabi ko. Damn! Kailan pa naging kabute 'tong babaeng 'to? Gaano ba ako nalunod sa kakaisip at hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya?
"It's quite alright. Where did you go while I'm talking to the lord?" tanong ko rito. Napatigil lang ako nang ma-realize ko ang tinawag ko sa daddy ni Heavenhell.
Shit! I'm doomed. Nakita ko ang pagtigil ni Pira dahil sa hindi nito inaasahan na ang "Lady" ng pamilya na palaging binabanggit ang "daddy" na word ay iba ang tinawag dito.
Tsk! Nagpatay malisya lang ako at tinago ang emosyon. Nang maka-recover siya sa pagkatulala ay agad din itong sumagot.
"Tinapos ko lang ang iyong pinapagawa, my lady." seryoso nitong sabi. Napatango na lang ako nang maalala ang pinagawa sa kaniya.
I'm one hundred percent sure that my plan would work, so I'm kinda excited. Ang una kong objective ay makawala sa engagement kay Vile. Pero dahil sa hindi ko pa nasasabi sa daddy ni Heavenhell ang tungkol dito ay kailangan kong lumipat sa next objective. At ito ang magkaroon ng connection sa mga character na makikilala sa hinahanap.
I need money for my escape plan, so earning in secret is also part of my goal. Hindi naman sa naghihirap si Heavenhell pero lahat kasi ng pera niya ay galing sa daddy at mommy nito kaya may access sila sa bank account niya.
Kung tutuusin ay 'di naman mahirap gumawa ng private account sa bangko dahil may alam ako sa mga psychological tricks na makakatulong sa'kin para kausapin ang mga tauhan doon. At syempre sa tulong ng mala-alien na computer skills ni Heavenhell ay masasabi kong basic lang 'to! Sisiguraduhin kong walang malalaman tungkol dito ang kahit na sino sa pamilyang Caventry.
***
Nang dumilim na ay pasimple akong bumangon sa kama at nag-unat ng katawan. Kadaraan lang ng mga tauhan ni daddy para i-check kung nagpapahinga na ba ako.
Malay ko ba sa trip nila at kailangan pa nilang tignan kung natutulog o gising pa ako sa oras ng gabi. Ano bang akala nila tatakas ako o may gagawing kakaiba?
Well, hindi naman sila nagkamali sa part na may gagawing kakaiba dahil sisimulan ko na ang evening training ko. Ewan ko kung kailan ko nahiligan ang pagti-training sa gabi, basta paggising ko na lang ay nag-eensayo na ako dalawang beses sa isang araw. Minabuti kong pagtuunan ng pansin ang pag-aayos ng balance sa katawan ni Heavenhell.
Bata pa lang kasi ako ay kasali na ako sa gymnastic sa paaralan namin. Isa rin ako sa nilalaban sa mga international contest kaya ang pagiging flexible ko ay natural na lang sa'kin.
As Heavenhell ay importante na matuto siyang magbalance ng katawan niya and at the same time maging flexible, dahil bilang anak ng mafia boss ay normal lamang na matuto silang umakyat sa mga matataas na lugar.
Base pa sa naririnig ko sa mga army na nakasalamuha ko sa America noong nagti-training ako ay malalakas daw ang mga ito at mala-spider man kung gumalaw lalo na kapag pagtakas na ang pinag-uusapan.
So training her body is really important! Pagkalipas ng tatlong oras ay alas-dos na ng madaling araw ako natapos. Mula sa warm-up hanggang sa pagperperform ng ilan sa mga madadaling formation sa martial arts.
Huminga ako nang malalim matapos ang konting pagpapahinga bago magpalit ng pantulog. Mas minabuti ko na lamang na huwag na ulit maligo dahil makakasama 'yon sa katawan ko ganoong pagod ito. Ipinikit ko ang mga mata hanggang sa unti-unti na akong lamunin ng antok.
***
PIRA'S POV
Anim na araw na ang lumipas magmula nang bumalik si Lady Athy sa probation room. Masaya ako na isang araw na lang at makakalabas na siya sa masikip na kwarto na 'yon.
Alam ng lahat na mahina ang katawan nito kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit nilang panatilihin doon si Lady Athy.
Pero ano bang magagawa ko? Isang hamak na katulong lang ako kaya kahit na gusto ko siyang tulungan ay wala akong magawa. Napahinga na lang ako ng malalim sa lungkot na bumabalot sa puso ko.
Tulala akong naglalakad nang madaanan ko ang mga nagkukumpulang katulong sa gilid ng kwarto ni Lady Mitchel. Ano naman kayang pinag-uusapan ng mga 'to? Napailing ako at mas minabuting umalis hanggang sa may marinig ako na nagpahinto sa'kin.
"Nabalitaan niyo na ba? Sikat na sikat si Lady Heavenhell sa T.V!"
"Oo nga ehh! Sinong mag-aakala na ang masamang ugali niyang 'yon ay makakaisip na gumawa ng kabutihan."
"Narinig ko nga rin na pinag-uusapan nila master ang tungkol dito dahil marami raw ang nagpadala ng mga letter galing sa iba't-ibang lugar."
"Syempre malaking balita itong gumimbal sa buong Atlante. Ngayon lang sila nakakita ng noble na gumawa ng ganoong bagay! Milyong dolyar ang pinag-uusapan natin dito mga sis!"
"Sinabi mo pa! Malaking halaga ang nailabas na pera kaya kahit na patago itong ginawa ay pina-imbestigahan pa rin ng Government sect. Wala silang magagawa dahil maraming mga request galing sa mga tao na gustong malaman kung sino ang naturingang anghel mula sa noble family."
"Sino ba naman kasi ang mag-aakala na si Lady Heavenhell pala ang taong nagdonate ng milyon-milyong dolyar sa iba't-ibang charity at foundation sa buong Atlante!"
Nakatulala ako sa narinig at halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko para maglakad muli. Biglang bumalik sa alaala ko ang sinabi sa'kin ni Lady Athy.
"Donate the money to every charity that needs help. Make sure to do it as low-key as possible."
Make sure to do it as low-key as possible?!
"I'm dead! How did this happen?!"
______________________________________
Dem's Note: May errors pa kaya paki-intindi na lang. Thank you!