Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 11

8 2 0
By solaceinstellar


"What's your order, Sir?" ngiti kong tanong sa isang ex-pat na sumenyas sa akin.

Kahit patago, kita ko pa din ang pagtapik niya sa tiyan ng kasama niya. Lumingon sa akin ang kasama niyang lalaki at bahagyang umawang ang labi.

"Wow..." rinig kong saad ng kasama niya.

Inignora ko iyon at pinanatili ang ngiti. "O-order po ba kayo, Sir?" I said impatiently.

Kumunot ang noo nila. "What?"

Napakagat ako ng labi. Hindi nga pala sila nakakaintindi ng tagalog. "Do you want to order, Sir?"

"Sure!" sabi noong isang naka-kalo bago tiningnan ang menu at sinabi ang mga order.

"Can I have your number, Miss?" nahihiyang saad ng lalaking blonde habang nagkakalot ng batok.

"I don't have a phone, Sir," pagsisinungaling ko bago umalis.

Pumasok tuloy sa isip ko ang mag-ipon para sa bagong cellphone. Gagamitin ko din kasi iyon sa pag-aaral.

Ibinigay ko ang lista kay Gerald, isa sa nagbabantay sa counter bago kinuha ang nakalagay doon na order na para sa table 6.

Inihatid ko iyon doon at nagpatuloy lang ang pagtatrabaho ko. Rinig ko ang impit na tili ni Mara ng huminto ako sa gilid niya para maghatid ng bagong lista ng order.

Niyugyog niya pa ang balikat ko kaya umirap na lang ako. Alam ko ang rason kung bakit ganyan ang reaksiyon niya. Ilang araw na siyang gumaganyan tuwing pamapasok si Lucas kaya alam kong nandito na naman si Lucas.

Tumingin ako sa relo ko na nabili kay Donna sa murang halaga. Ibibigay niya sana sa akin pero hindi ako pumayag.

Pasado alas-nuebe na pala. Ganitong oras pumupunta dito sa Lucas para mag-dinner. Medyo late na para sa hapunan.

Lumapat ang mata ko sa kanya na kakatanggal lang ng black-rimmed glasses na suot. Halatang galing sa opisina. Isinukbit niya ito sa polo niyang dark green. Nakabukas ang dalawang butones kaya nasisilip ang matigas niyang dibdib.

Lahat yata ng mata ay napalingon sa kanya. Nagpakawala si Mara ng malalim na buntong-hininga.

"Mas mabubusog pa yata ako kay Sir Elohim kesa sa uulamin ko ngayong dinner," walang habas niyang saad. "Ayos lang kaya? Na si Sir ang ulamin ko?"

Eskandalo akong napatingin sa kanya. "Bibig mo Mara!" natatawa kong saway.

Kita ko ang pagsuyod ng mata ni Lucas na tila may hinahanap. Nang magtama ang mga mata namin ay kita ko ang liwanag sa mga mata noon. Agad akong nag-iwas ng tingin.

I continued delivering the orders from the counters to the tables of customers. Iniwan ko si Mara doon at kita ko ang pag-uusap nila.

Kita ko mula sa sulok ng mga mata ko ang madalas niyang pag-sulyap sa akin habang kumakausap ako ng ilang customer.

Papalapit sa counter ay naririnig ko na ang pinag-uusapan nila. Huminto ako sa gilid mismo ni Lucas dahil wala naman akong choice dahil nandoon si Gerald na nakikipag-usap na din sa kanya!

"Gerald, may padagdag pa 'yung sa table 3, 1 at 7. Eto listahan oh," sabi ko sabay abot ng listahan. Mabilis na tumalima si Gerald.

"Hanggang kailan ka ba dito, Sir?" tanong ni Mara.

Tumingin ako sa mga kumakain pero sa kasamaang palad ay wala ng tumatawag dahil andoon na ang mga waitress! Mga waitress na patingin-tingin kay Lucas. Ang ibang customer din ay halos mabali na ang mga leeg.

Parang gusto ko na lang pasukin doon si Gerald sa likod pero baka makaabala lang ako. Wala akong choice kung hindi ang maghintay sa tabi ng lalaking ito.

I can smell his familiar scent from where I stood.

"I'm not really sure," he simply said. "But maybe a month or more,"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. A month or more?! So ano, mga isang buwan ko pa siyang makikita dito sa resort?! Bakit ba kasi siya nandito? Kung tutuusin ay mas kailangan siya doon sa Nirvana Resort I sa Coron dahil mas dapat pagtuunan iyon ng pansin.

Hindi dito na kahit dumarami na ang turista ay hindi pa rin nangangahalati sa pinakamalaki at dinadayong resort nila sa Coron.

Hindi ko na napigilan. My head snapped to his direction with a glare in my face. Nakita ko siyang nakatitig na agad sa akin. Mara was talking to him but his attention was all over me.

"Kumain ka na?" tanong niya.

Natigil si Mara at nanlaki ang mata na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Her mouth formed an O-shape.

Inignora ko ang tanong niya at kinuha na lang ang tray na bagong abot ni Gerald. I heard him sigh.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Pagbalik ko ay nandoon na siya sa malayong gilid nakaupo, doon mismo sa wooden railings ng restaurant. Nakatitig na naman siya sa akin kaya umismid ako ulit.

"Sinasabi ko na nga ba bakla!" Pabirong hinila ni Mara ang buhok ko. "Sinasabi ko na nga ba at may something sa inyong dalawa!"

"Mara maraming namamatay sa maling akala,"

"Kaya siguradong hinding-hindi ako mamatay! Naku, naku, naku Vittoria! Kaya naman pala ayaw ni Sir Elohim na magpa-deliver sa opisina niya kasi may dinadayo dito! May gustong makita ang bebe niyo!" tumili-tili pa siya na parang kinikilig.

"Kaya pala dito palagi nag-di-dinner," sabi niya sa nagniningning na mga mata. "Kaya pala minsan tumatambay dito dala ang laptop niya at dito na nagtatrabaho. Diyos ko, mahabagin. Sana all!"

"Akala ko noong mga unang araw niya dito, relatives lang kayo pero parang tumatagal at nakikita ko sa mga titig niya sayo ay may hinala na ako. Nakum-pirma ko lang ngayon dahil Oh My God! Sabi niyang nililigawan ka niya kaninang pag-alis mo,"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? Sigurado ka bang sinabi niya iyon? O kakapanood mo iyan ng K-dramang hindot ka?"

She glared at me and pouted. "Oo nga! Tingnan mo nga mukha mo minsan sa salamin para aware ka naman na nakaka-ulol iyang ganda mo." Irap niya.

"Dyan ka na nga, Vittoria. May date pa kami ni Adolfo," sabi niya bago hinuhubad ang apron.

Umismid ako. "Sino na naman si Adolfo? Sabi mo noong isang araw kayo pa ni Adam?"

Humagikhik siya bago kumindat. "Lugi ang freshness natin kung hindi sasagarin, Sis,"

Palibhasa maalam gamitin ang ganda sa pagpapasunod ng mga boytoy niya.

"Teka lang, hindi pa natin out ah?" takang tanong ko.

"Nag-paalam na ako kay Ma'am. Hindi na muna ako mag-di-day off ngayon linggo."

Pinilig-pilig ko ang ulo ko sa ibang klaseng kalandian ni Mara. Para sa kalandian gagawin ang lahat.

Napasulyap ako kay Lucas at walang hiya siyang nakatitig sa akin. Hindi ba siya nauumay kakatangin?

I was throwing dagger stares at him when I remembered what Mara said. He bit his lower lip and looked down at his food instead.

Sinabi niya na nililigawan niya ako? Kasinungalingan.

Pero hindi ko maiwasang mabagabag. Bakit naman magsisinungaling si Mara? Pinag-ti-tripan ba ako 'nun? Isa lang ang solusyon para malaman.

Since wala na masyadong customer at lahat na ng kasamahan ko ay nakapag-dinner break na, ako nalang ang hindi, um-order na ako ng dinner.

Tahimik kong inilagay ang tray sa mesa ni Lucas. Napaangat ang tingin niya at umawang ang labi.

"Vittoria," he breath. Kumurap-kurap pa siya na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

Hindi ako makapaniwala. Ibang-iba siya noong nasa mansyon pa kami.

Umupo ako sa harap niya. "Sinabi mo daw kay Mara na nanliligaw ka sa akin?"

He scowled. "She concluded that we're relatives," depensa niya na parang sapat na iyong dahilan.

"Kaya sinabi mo iyon kahit hindi naman totoo?"

"I'll make it true," he said with confidence. "Manliligaw ako sayo, Vittoria."

Nalaglag ang panga ko. "Hindi magandang biro 'yan, Lucas—"

He frowned. "Bakit ba lahat na lang ng lumalabas sa bibig ko ayaw mo mapaniwalaan—"

"Hindi lahat. Pinaniwalaan naman kita ng sinabi mong bayaran ako, ah?" panunuya ko.

Kumuyom ang kamao at ang panga niya. He clicked his neck and looked at me icily.

"Oh, bakit nagagalit ka? Sinasabi ko lang naman ang mga sinasabi mo dati,"

"Will you please stop slapping it on me? That I was an immature and judgmental son of a bitch." Galit siyang nag-iwas ng tingin. "I'm not angry at you, I'm angry at myself..." bulong niya pero nakaabot pa din sa akin.

Dahil gabi na ay mas malamig ang simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili.

Napasinghap ako at bumagsak ang mga mata sa pagkain. Mahabang katahimikan ang nanaig bago tumunog ang cellphone niya.

"Kumain ka na." Napaangat ako ng tingin at ako pala ang sinasabihan niya. "May 1-hour lang kayong break. May 48 minutes ka nalang na natitira," he said while looking at his silver rolex while his phone was still violently ringing.

Nakataob iyon sa mesa kaya hindi ko kita ang caller ID. Nang nakatingin pa din ako sa kanya ay sumimangot siya. I bit my lip to stop myself from grinning.

Ang cute niya pag-naka-nguso.

"Eat, Vittoria. Para may matitira ka pang oras na makapaghinga,"

Napalunok ako bago tumango. "Hindi mo sasagutin?" takang tanong ko. Baka kasi emergency.

Umiling siya. "It's not important," he said.

Tumango na lang ulit ako at kumain na. He also continued eating. Hindi ko man siya tinititigan ay hindi ako makakain ng mabuti dahil sa mga titig niya. It made me self-conscious.

Muling nag-ring ang phone niya kaya natuon na muli ang atensyon ko doon. I scowled when I thought of something.

"Sagutin mo," I demanded. "Baka isa sa mga babae mo na magbabalita na nabuntis mo na daw siya,"

He leaned forward on his seat. Gumapang ang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Malamyos na humaplos ang mga daliri niya sa kamay ko.

"Sa susunod na marinig ko pa ulit na sabihin mo 'yan... I swear, I'll make sure you'd be the one to carry my first-born," he said with all seriousness.

Kalmado man ay kita ko ang galit at inis sa mga mata niya. He didn't like my joke.

Nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya. Mabilis kong inilayo ang kamay sa kanya dahil parang may kuryenteng lumilitaw sa pagdidikit ng mga balat namin.

Kung kanina ay tila ang aura niya ay sinusuyo pa ako ngayon naman ay parang sobrang laki na ng atraso ko.

Bakit ba siya ganyan makapag-react? Posible naman kasi iyon. Sa dami ng babaeng dinayo siya sa mansyon hindi malayong maka-disgrasya siya.

Umismid na lang ako dahil hindi ko na magawang sagutin siya. Pakiramdam ko kasi totohanin niya talaga ang sasabihin niya.

Naka-sampok niya ako tinitigan. Pinatihaya niya ang cellphone niya at nag-flash doon ang pangalang 'Levi'

He answered it while it was still lying on the table. Ni-loud speak niya pa iyon. Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Eat," ulit niya.

Umirap ako at kumain na din.

"Finally! Sumagot din!" dinig kong sambit ng lalaki sa kabilang linya. "You motherfucker! Where the hell are you? Alam mo namang umalis si Kuya tapos umalis ka din. Kaka-graduate ko lang at ni wala akong alam sa pag-ma-manage ng resort,"

"You're a smart man and a fast-learner. You'll figure it out,"

"I won't. If no one's around to teach me and guide me, I will just create a bigger mess. Get your ass back here, Elohim," problemado ang tono ng ni Levi.

"Nasaan ka ba? Paalam mo isang araw ka lang mawawala pero mag-hihigit isang linggo na," takang tanong nito.

Sandaling natahimik si Lucas na tumitig sa akin. Kung tumitig siya ay nakasalalay sa akin ang isasagot.

Nagsampok ang kilay ko. "Ano?" bulong ko.

I heard loud shuffling from the phone. "Wait, boses ba iyon ng babae?" hindi makapaniwalang sambit ni Levi. "Shit, Elohim. Nakabuntis ka ba? Kaya ka hindi nagpapakita sa amin?"

Humagalkpak ako ng tawa. Tingnan mo! Tingnan mo nga naman at parehas pa kami ng iniisip ng kung sino mang Levi na 'yan!

Pinahid ko pa ang luha sa gilid ng mata habang lukot na ang mukha ni Lucas.

"I'll see what I can do, Levi. I'll try calling Kuya and to come back ASAP. Tatawag na lang ako kung babalik na ako," iritado ngunit mahinahon niyang saad bago pinatay ang tawag.

I continued eating with a grin on my face. Nakanguso naman siya pero nakikita ko ang saya sa kanyang mga mata.

"You done?" tanong niya ng uminom ako ng tubig. Kanina pa siya tapos at may ilang tinawagan para doon yata sa Levi na tumawag sa kanya kanina.

I nodded. Akmang tatayo na sana ako dala ang tray ng pinigilan niya ako.

"Aalis ka na?" Guni-guni ko lang yata ang disappointment na narinig sa kanya.

"Oo?" lito ko pang sabi. Sa ekspresyon ng mukha niya ay parang ayaw niya pa kasi akong umalis.

"You still have 20 minutes." I tinaas niya ang relo niya paharap sa akin. "Please stay for a little while, Vittoria."

Bumuntong hininga ako at umupo na. "Torry. Torry ang itawag mo sa akin,"

"May iba pa bang tumatawag sa iyong 'Vittoria' ?"

"Meron naman pero agad kong tinatama na Torry nalang,"

"Why?" He crossed his arms and propped it above the table before leaning on.

Sige, lapit pa Lucas. Lapit pa at susunggaban talaga kita.

"Wala lang. Marami kasing agad napapalingon sa akin kung 'Vittoria' ang ginagamit nilang pantawag,"

Hindi ko alam kung bakit nga sila napapalingon dahil lang doon. Tapos kung lilingon naman sobrang magtatagal ang mga tingin nila. I don't want to be invisible, but I don't want to be the center of attention, too.

"You hate attention?" Parang gulat niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi naman. Ayaw ko lang ng sobrang... atensyon,""

Tumango-tango siya na nakakunot ang noo. "I'll stick with calling you Vittoria," he smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bingi ka ba? Ang yaman-yaman niyo tapos wala kang pambili ng cotton buds," ismid ko.

Natawa siya. "Sino nagpangalan sa iyo? Your name's quite... fascinating," ani niya. "Vittoria... Magdalenne... Dacera..." he uttered very slowly. My name's good to hear while rolling off his tongue. "Bagay na bagay sa iyo." There was sensuality in his eyes and huskiness in his voice.

Napalunok ako bago itinuon ang pansin sa baso ng tubig ko.

"Si Nanay ang nagpangalan sa akin,"

"Where is she, by the way?"

"Patay na. Namatay noong ipinanganak niya ang kapatid ko,"

Natahimik siya. He blinked a couple of times. "I'm sorry,"

Ngumiti ako. "Ayos lang. Matagal na din iyon. Hindi ko na nga halos matandaan ang mukha niya,"

Nanaig ang mahabang katahimikan sa amin pero ramdam ko ang paninitig niya sa akin. I was looking out to the vastness of the sea.

"What day is your day-off?"

Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Tuwing linggo," sagot ko. "Pero parang wala pa rin dahil doon ako sa laundry um-extra para maglaba,"

Umigting ang panga niya. "Do you need money?"

Natawa ako. "Oo eh,"

"Pero tinutustusan ka naman ni Abuelo. Was it not enough? He gave you the premium credit card..." Natigil siya ng tila may na-realize. "You're not using it, are you?" he scowled.

I licked my lower lip before standing up. "Magtatrabaho na ako, Lucas," paalam ko.

Mabilis din siyang tumayo at tinitigan ang relo niya. He frowned because we both know I still have more minutes to stay with him.

"Bakantehin mo ang linggo at sabado mo," utos niya.

Agad akong umiling. "Hindi pwede. May pasok ako dito sa sabado—"

"Leave it to me, I'll handle it—"

"I don't need you handling anything Lucas. May trabaho ako sa sabado kaya kailangan kong pumasok,"

He sighed in defeat. "Sa linggo?" he asked hopefully.

Natahimik ako. "Ano bang meron?" nag-aalanganin kong tanong.

"I'll tour you around Palawan."

Continue Reading

You'll Also Like

308K 18K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
266K 25.8K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
3.7M 293K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...