Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

252 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 10

7 2 0
By solaceinstellar


"Torry!" Awtomatikong napalingon ang ulo ko sa direksiyon ng counter. "Order?" Mabilis akong lumapit kay Jeff, iyong isa sa mga assistant chef namin.

"Yep." Tango niya. "Sa table 11, ganda." Kumindat siya na nagpatirik ng mata ko.

"Sungit," nguso niya.

"Ikaw nga maharot, nagrereklamo ba ako?" Irap ko.

Humalakhak siya bago mabilis na umalis dahil tinatawag na siya ulit sa likod. Ilang araw na ako dito at sa kabutihang palad ay maayos naman ang takbo ng lahat.

Liban na lang kung magmomonitor dito si Ma'am Hernandez. Noong una talaga naiirita ako kasi sobrang maldita niya sa akin gayong maayos naman ang pakikisama niya sa ibang kasamahan ko.

Pero noong tumagal ay napag-alaman kong may kung ano pala sa kanila nooong head chef namin. Si Chef Luigi.

Mabait si Chef Luigi at gwapong chinito. Palaging nakangiti. Nawawala lang kung andiyan na si Ma'am Hernandez at dinadalaw siya sa likod habang nagluluto ito.

Kuryuso man ay hindi ko talaga alam kung anong totoong ugnayan nila. Hindi ko na sinubukang maki-usisa dahil gusto ko lang kumita. Kalaunan ko lang napag-alaman kay Jeff, may pagkachismoso kasi iyong lalaking iyon, na nakikita daw akong banta ni Lucille sa puso ni Sir Luigi.

Tinawanan ko lang iyon dahil ayaw kong maniwala. Paano namang mangyayari iyon na kadadating ko nga lang? Ngayon ko nga lang nakita at nakilala si Sir Luigi, eh.

Pero para payapa ang buhay ko ay hindi na lang din ako pumupunta sa likod kung hindi talaga kailangan. Totoo man o hindi ang sinasabi ni Jeff, ayaw ko ng gulo kaya iiwas na lang ako.

Kinuha ko ang tray na may lamang order at inihatid sa table 11. May mga sumenyas sa kabilang table kaya pinuntahan ko at inilabas ang ballpen at papel mula sa apron na suot.

Matapos nilang umorder ay ibinigay ko na kay Daren, isa pa sa mga nagbabantay sa counter, at mabilis niya naman iyong inihatid kay chef sa likod.

Napahilot ako sa batok ng nabakante. Malapit na ang end ng shift ko. Pagod na ako at hinihila na ng antok.

"Ano, kaya pa, girl?" tanong sa akin ni Mara, kapwa ko din waitress, ng huminto sa gilid ko.

Pagod akong ngumiti. "Ang dami kasing nag-check out kaya marami din kaming nilinis na kwarto at pinalitan na bedsheet kanina," kwento ko habang hinihilot ang balikat.


May tatlong oras pa akong pahinga bago ang call time ko sa restaurant kaya iginugugol ko iyon sa pahinga at paglilibot sa resort.

Nitong nakaraang mga araw, masasabi kong pinakamapayapa at productive na araw sa tanang buhay ko. Minsan sa umaga, bago ako magtrabaho ay tinatanaw ko ang dalampasigan. Si Vlady naman ay nakaka-video call ko. Mabuti na lang at may signal dito kung globe ang gamit mo. Madalas ko nga lang na natutulugan dahil sa pagod.

"Torry, gusto ka daw makilala ng kaibigan ni Adam." Siko sa akin ni Mara.

Kumunot ang noo ko. "Sinong Adam?"

"'Yung boyfriend kong galing England?"

"Huh? Iba na naman ba 'yan? Sabi mo sa akin noong isang araw si Dante galing sa Spain iyong boyfriend mo?"

Si Mara... matinik ito sa mga banyagang customer na kumakain dito. Lalo na pag-tipo niya, halos tumuwad na lang siya para magpapansin.

Mabuti na lang at nakukuha niya na ang mga natitipohan niyang lalaki. Marami ding nagkakagusto sa kanya kaya minsan ayaw ko ditong sumasama dahil kung kani-kanino na lang ako pinapakilala.

"Eto naman, parang sinasabi mong pa-iba-iba akong lalaki!"

Tinitigan ko siya na parang may dumi siya sa mukha. "Bakit hindi ba?"

"Eh, malamang umuuwi na 'yung mga iyon sa mga sari-sarili nilang bansa," depensa niya. "Alangan naman na sumama ako na andito naman ang buhay ko sa Palawan. At lalong ayaw ko ng LDR na 'yan!"

Natawa lang ako sa turan niya. Nag-alarm na ang phone ko hudyat na out ko na.

Noong nandoon pa ako sa mansyon ay kailanman ay hindi ko in-on o ginamit ang phone na ito. Sobrang lumang touch screen na android phone ito. Ngayon ko lang binuksan dahil gagamitin sa trabaho. Binura ko lahat ng laman at tanging iniwan lang ang mga pictures ni Lolita at Vladdy.

"So, ano na? Ipapakilala kita Torry! Sayang naman 'yang beauty at katawan mo kung hindi mo iwawagayway sa labas!" talak niya habang nakasunod sa akin sa locker room na nagtatanggal ng apron.

"Anong iwawagayway sa labas? Ano ako flag?" ani ko. "Tigilan mo nga ako, Mara. Sa iba mo na lang ipakilala iyan dahil hindi talaga ako interesado." Tinupi ko ang sariling apron at ipinasok sa locker kasama ang hairnet.

Nagpaalam na ako sa kanya at pati na din sa mga taong nasa counter.

Lalabas na sana ako ng biglang napahinto. Saglit na napahinto ang puso ko sa pagtibok bago humataw ng husto. Umawang ang labi ng makakasalubong si Lucas na papasok sa restaurant.

Okay, shit. Anong ginagawa niya dito? Baka business? O may inaayos lang dahil kanila naman ito at isa nga siya sa mg namamahala ng negosyo nila kaya posibleng andito lang siya para sa negosyo.

Tama.

Sinalubong ako ng mga titig niyang nakakapanghina. Andito na naman ako. His eyes penetrate deep to my soul that I got scared he might read something there.

Nandoon lang kami sa gitna ng daan. Nagtititigan sa isa't-isa. I didn't realize that I missed him... until I saw him. There was a stirring in me when I laid my eyes on him.

Nasa ilalim kami ng mga lamp post na nakatayo sa gilid ng daan. Ang ilaw ay pinatindi ang misteryoso at kaseryosohan ng mukha niyang lumilitaw sa isipan ko lagi.

Lumulukso na naman ang puso ko. Nanghihina ang mga tuhod at parang kinakapos ang paghinga.

I was at peace moments ago but here he comes surprising me with his dashing appearance. Kaya ngayon ay parang binaliktad at ginulo ang sistema ko. Nawalan ako ng pokus.

Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya. Kailangan. Nakakalunod ang mga titig niya. His intense demeanor was always throwing me off. He's very intimidating.

Nilampasan ko siya at iniwan doong nakatayo. Kahit palayo ay dama ko pa din ang mga titig niya. Nakaginhawa lang ako ng maluwag ng nasa pasilyo na ako.

Pumasok ako sa kwarto at agad na binuksan ang bintanang natatabunan ng makapal na kurtina. The island looks more alive at night. There were torches and bulbs everywhere you go.

Medyo matao na din dahil medyo madami na ang mga camp fire na nagaganap dito. Madalas din ay may tumutugtog na mga local bands.

Pasado alas-onse na ng gabi. Kanina ay dinadalaw na ako ng antok dahil sa pagod. Pero ngayon ay gising na gising ang buong diwa ko.

He's staying the night here. Masyado ng gabi at delikado para bumyahe pa siya. Unless kung may driver siya.

Pinilig-pilig ko ang ulo. Wala dapat akong pake. Isinandig ko ang noo sa sliding door at pumikit. Nag-half-bath lang ako sandali at humiga na sa malambot na kama. Pinilit kong matulog at sa kabutihang palad ay hinila naman ako ng antok.

Kinabukasan ay maaga pa akong bumangon. Nakasuot ako ng dolphin short at isang over-sized maroon na T-shirt ng pumunta sa restaurant A.

Sa restaurant A ako nagtatrabaho. By orders at servings kami doon hindi gaya ng sa Restaurant B na buffet style. 24/7 ang dalawang restaurants kaya kahit maaga pa ay may nagbabantay na.

"Isang order ng ordinary breakfast, Jun," ngiti ko sa lalaking na nagbabantay.

"On it, Torry!" Hindi niya na inutos at siya na mismo ang kumuha noon sa likuran.

Nabigla ako dahil tapos na agad! Kadalasan ay maghihintay pa naman ako ng mga 15 minutes bago maluto.

"Bilis ah?" takang-tanong ko.

"Pagdating na pagdating kanina ni Sir Luigi ay nagluto siya agad niyan kaya ganoon,"

"Marami bang order nito?"

Marami siguro dahil masarap siya. Isa pa hindi din ganoon kamahal ang presyo niya. Dalawang cheese jumbo hotdog, isang sunny side up, bacon, fried rice at isang baso ng mainit na gatas ang ordinary breakfast namin.

"Oo," Tango ni Jun. "Puro nga pinapa-deliver ng mga customer sa mga room nila pero kokonti pa lang ang nadeliver namin. Mamaya magrereklamo na 'yung mga iyon, patay na naman kami nito." Kamot niya sa ulo. "Napaka-ungas naman kasi ni Jomar hindi pa rin dumadating!" reklamo niya.

"Late na naman iyon? Baka mamaya masesanti siya niyan,"

"Buti nga sa kanya. Ang bulakbol kasi at maglalasing pa. Alam namang may trabaho kinabukasan,"

I chewed my lower lip. "Saang mga room ba i-dedeliver? Ako na lang ang gagawa tutal may isang oras pa naman ako bago ang shift ko, ano?" alok ko.

"Sure ka?" nag-aalangang tanong niya.

"Oo nga. Sandali lang naman 'to,"

"Nice! Nice! Bait naman talaga ni Torry!" Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko.

Agad kong tinampal ang kamay niya. "Jun, ano ba!" tawa ko.

Humalakhak lang siya bago kinuha ang dalawang tray ng order sa likod. "Etong isang ordinary, sa room 16. Eto namang special with add-on black coffee ay para sa room 35,"

Tumango-tango ako. "Copy," sabi ko bago kinuha ang para sa room 16.

Una ko muna iyong dineliver bago ang sa room 35. Ito ang pinakahuling room at kahit isa akong househelp, hindi pa ako nakapasok diyan. Ako lang yata ang househelp na hindi pa nakakapasok diyan dahil baguhan pa lang.

Pati ang room 33 at 34 ay hindi ko pa din napasok dahil sabi nila ay mga pangmalakasan lang daw ang kumukuha doon dahil sa mahal ng presyon. Only the riches can afford those rooms.

Hindi gaya ng ibang room ay may doorbell iyon. Agad akong nag-doorbell ng nasa harap na ng pintuan. Hindi lang kalayuan sa akin dahil room 29 lang naman ako.

Pagbukas ay isang sopistikadang babae ang bumungad sa akin. Nakasuot siya ng satin na roba na nalaglag pa ang strap niya kaya nahantad ang kanyang balikat.

Her curly brown hair spread all over her chest. Sa ilalim ng roba ay nakasuot siya ng satin na camisole, bumabakat pa ang nipples niya.

I dragged my eyes to her face and she's so amazingly beautiful. Maputi at maamo ang mukha niya. Sobra kinis ng balat kaya alam mong anak-mayaman.

"Room delivery po, Ma'am," tipid kong ngiti.

"Ah, yes! Thank you!" magiliw niyang sagot.

Bago niya pa maabot ay bahagyang nanginig ang kamay ko at muntik ko ng nabitawa ng biglang naglakad si Lucas sa likuran ng babae.

I gulped when our eyes. May nakita akong taranta sa mga mata niya habang ang mga labi ay nakaawang. I filled my lungs with a handful of air before looking again and smiling at the woman.

"Enjoy your meals, Ma'am," I said to her and darted my eyes to Lucas. "And Sir," I smiled sweetly.

May binulong-bulong pa siya at pinaglandas ang daliri sa buhok bago ako tumalikod.

Oh, well. Business pala ha.

Pagak akong napatawa sa isipan. What do I really expect from a fuckboy like him? Oo nga naman, business tapos malapit na sa hating-gabi? Pero baka business nga talaga tapos sunod ay nangbabae na naman.

Kung saan-saan na lang talaga! Kung saan ako ay doon din siya magdadala ng mga babae niya!

Lumiko ako pakaliwa at ilang hakbang pa lang ay may humigit nasa braso ko. Pinakiusap ko na sana ay hindi si Lucas pero ng narinig ko ang baritono niyang boses ay napabuntong-hininga na lang ako.

Nilagyan ko ng matamis na ngiti ang labi bago siya binalingan. "May kailangan po kayo, Sir?"

He clenched his jaw. "Walang nangyari sa amin, Vittoria. I let her slept there because she was drunk but I was on the other—"

Nabura ang ngiti ko. "Wala akong pakialam, Lucas. Kahit meron at kinama mo siya buong magdamag, ayos lang. Ngayon bitawan mo na ako dahil magtatrabaho pa ako,"

His pupil dilated as his expression darkened. "Nothing happened between us. Either you believe me or not, I'm telling the truth."

"Bakit mo ba sa akin sinasabi ito? Ano, gusto mo na naman ba akong matikman?"

He smiled evilly. "Every day," sabi niya bago ako hinawakan sa bewang at nilapit sa kanya. Gago talaga, hindi man lang tinanggi!

"I miss you, baby," he whispered above my ear while massaging my side waist.

Suminghap ako at tinulak siya sa dibdib. "Lucas bitaw, bago makakita sa atin. At bitaw dahil kagagaling mo lang sa babae mo. Hindi ka ba niya mapasaya sa kama?"

Napabitaw siya sinabi ko na kunot ang noo. "I told you, I did not touch her."

I sighed. "Okay." Tango ko na lang bago siya tinalikuran.

Ilang hakbang pa lang ulit ay hinila niya na ako papunta sa kung saan. Ano ba naman kasi! Alam ko kung saan na naman 'to papunta, eh!

"Lucas!" pabulong kong sigaw dahil may tumitingin na sa amin habang pilit na nagpupumiglas.

"Lucas! Saan mo ako dadalhin?! Ano ba?!" Hinampas-hampas ko pa ang braso niya pero mabilis na napatigil ng nakasulubong ko si Donna!

The least I need right now is a rumor with me being tangled up with this man. Mamaya ma-chi-chismis na naman ako nito.

Nagtago ako sa malapad na likod ni Lucas habang sinisilip si Donna. Natataranta akong yumuko ng kunot-noo niya kaming tinitingnan.

She's fucking looking at us! Sana hindi niya ako mamukaan!

Sinulyapan ako ni Lucas bago sumulyap kay Donna at tila alam niya na kung bakit ako nagtatago. Ang bastardo ay ngumisi pa!

"Where's your room?"

I glared at him. "Hindi mo kailangan malaman,"

"Hindi ko kailangan malaman pero gusto kong malaman. Come on, tell me Vittoria or everybody will know that you're sleeping with me,"

"Huy, ang kapal ng mukha mo! I'm not sleeping with you! Tapos na!"

"Well, maybe yes, but we fucked each other and that's the same thing with sleeping,"

Nanlaki ang mata ko ng binati ni Donna si Sir Lucas.

"G-good morning, Sir Elohim! Andito po pala kayo," tuwang-tuwa niyang saad pero dinig ko doon ang kuryuso. Sinisilip siguro kung sino ang nasa likod ni Lucas.

"May inayos lang," Inayos daw, talaga ba Lucas? Anong inayos mo? Iyong babae mo?

"Ah... okay po, Sir..."

"Donna, I would like you to meet someone," he said and was about to tug my arms.

Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran pero bwesit na 'yan, iyong matigas na muscle niya lang ang nakurot ko! "Room 29! Room 29!" bulong ko na siniguradong siya lang ang makakarinig.

"Wag na lang pala, Donna. We have to hurry," ani nito at hinila na ako palayo doon habang nakatago pa din sa likod niya. Inilagay niya ako sa harapan ng malampasan namin si Donna.

Inatake ako ng kanyang preskong bango. He smells of aftershave, mint and his manly cologne.

Bumukas ang pinto at pumasok kami sa kwarto ko. Agad ko siyang tinulak palayo sa sobrang panggigil.

"Ano bang problema mo?! Ano ba kasing kailangan mo, ha?!" Tinulak-tulak ko siya sa dibdib.

Nanlaki ang mga mata niya sa rekasiyon ko. Sinikop niya ang kamay ko pero agad ko iyong inilayo sa kanya na parang nandidiri.

"Wag na wag mo akong hahawakan," banta ko. Malay ko at saan niya iyan hinawak-hawak sa katawan ng babaeng iyon!

Umigting ang panga niya sa reaksiyon ko.

"Nakuha mo naman ang gusto mo sa akin Lucas, diba? Nakadalawa pa nga tayo, eh. Ano pa bang gusto mong patunayan?" I said, almost begging.

"Gusto mo ng katawan ko? Gusto mo ulit akong gawing parausan?" Nagsimula akong hubarin ang damit ko. "Eto na. Pero parang awa mo na, layuan mo na ako pagkatapos at ibang babae na lang ang paglaruan mo!" Galit kong in-unlock ang bra.

Mabilis siyang lumapit sa akin na may mabangis na ekspresyon. Natakot ako kaya mabilis tuloy akong napaatras dahilan para mapahiga sa kama.

Kinubabawan niya ako. Each of his bended knees were on both sides of my waist. Pinagpatuloy ko ang paghubad. Mas lalong umigting ang panga niya at marahas niyang hinaklit ang mga kamay ko para huminto. He pinned both of my hands above my head using only his one hand. Ang isa ay nasa gilid ng balikat ko.

"Bitiwan mo ako, Elohim Lucas!" Parang kiti-kiti akong pilit na kumakawala pero ni hindi man lang siya natinag.

"Stay still, woman," he warned. "What's wrong with you? Why would you strip your clothes?"

Pagak akong natawa. "So we can fuck! Ano pa ba? Lumalapit ka lang naman sa akin kung gusto mo ng pampainit diba?" akusa ko.

Mariin siyang napapikit at kinontrol ang paghinga. Nang magmulat ay malambot na ang mga mata. "Do I make you feel like that?" he whispered gently.

Nabikig ang lalamunan ko at nanghina ako sa tono ng pananalita niya. It's like his talking to someone who's very precious to him.

Pero alam kong malabo iyon. Nangangarap lang ako ng gising.

"Do I make you feel like that, Vittoria Magdalenne? Hmm?"

Wala na akong damit at ang bra na suot ay naka-unlock na. Natatakpan pa din naman ang dapat takpan pero isang hila lang ay mahahantad na ang dibdib ko.

His hand touched my bare stomach and it sent tingling sensation all over me. My breath hitched and I have to gulped so hard. Mabuti na lang at nakahiga ako dahil kung hindi ay makikita niya ang panginginig ng mga tuhod ko.

He makes me tremble. Not in fear. But in burning passion.

His perfect straight nose and his masculine jaw looks so good on him. So good that it's a sin. His thick, heavy eyebrows and slightly pouted lips made him more a head-turner.

And Dear Lord, would I ever forget to mention his ever-so beautiful yet, dangerously captivating eyes?

Ilang gabi akong dinadalaw ng mga matang iyan sa pagtulog ko. Ilang umagang pag-gising ko, kanyang mata ang unang pumapasok sa isip ko.

Ang presensya niyang higit na nagpapakaba sa akin at ang bawat galaw ng katawan niya ay isang sumpang pilit akong hinihila palapit sa kasarinlan.

No one knows how I tried so fucking hard not to think of him, not to want him. No one knew except me, and the ocean that represents Lolita that I'm talking to every morning.

Lumandas ang kamay niya sa tiyan ko hanggang madama nito ang naka-usling ribcage ko.

"Answer me, Vittoria," he commanded.

Napaawang ang labi ko. There's something in him being so dominant in bed that appeals me.

"Oo," I said in a breathy tone.

"Why?"

"Unang may nangyari sa atin iniwasan mo agad ako, tanda mo?" ani ko sa kanya. "Pinansin mo lang ako ulit ng siguro ay hindi ka na kayang busugin ng mga babae mo,"

"That's not true," bulong niya habang ang mga mata ay nakatuon na sa labi ko.

Natawa ako. "Sinong niloloko mo, Lucas? Laking-hirap ako pero hindi ako bobo,"

"I'm sorry if I made you feel like that... I-I just felt very guilty and a fucking asshole for my accusations to you—"

"Dapat lang." I glared at him. His thumb was still rubbing my ribs very gently.

"Masyado akong nabulag ng galit. Hindi ko alam kung paano ka haharapin—"

"Kaya dapat huwag na. Huwag mo na akong lapitan o harapin," angil ko. "Kalimutan na natin ang lahat na nangyari sa ating dalawa at umusad na sa kanya-kanya nating mga buhay,"

He growled. Dumilim ang mukha niya. "That's not going to happen,"

"At bakit hind?!" galit kong sambit. "Sige na, Lucas. Tapusin na natin ito ngayon. You fuck me now and the end. Wag na natin pakialaman ang buhay ng isa't-isa pagkatapos. Sigurado namang maraming higit pa sa akin." Hindi ko sinasadya pero nahaluan ng pait ang tono ko. Ginamit ko na din ang legguwaheng english na sa mga customer ko lang noon ginagamit sa strip club.

He gritted his teeth. Bumaba ang kamay niya sa inner thighs ko at marahang hinimas-himas iyon.

"How can you be like that? Malinaw pa sikat ng araw na noong una kitang hinalikan ay hindi ka marunong. I was your first and yet—"

"At ano ha? Na kung magsalita ako at umakto pagkatapos ay parang may karanasan ako?" He winced at my words. "Sabi mo diba, kaladkarin akong babae? I'm a paid whore, Lucas—"

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "You are not!" he barked.

"Ilang beses mong pinamukha sa akin—"

"And I take back my words. You are not a whore. You will never be."

"Paano mo nasabi?" Nilandian ko ang tono ko. "But I am, Lucas. I'm a whore, don't you see?" I licked my lower lip and softly bit.

He cussed under his breath and I saw how a vein protruded on his forehead. He glared at me but it only widened my smirk. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha niya at inilapit ang bunganga sa tenga ko. My smile faded.

God, I want to reach him. Put a hold on him and snuggle his chest.

"You're not," diin niyang saad.

"But even if you will... sa akin lang dapat. You will only be this slutty for my eyes, Vittoria. For me exclusively," he warned before getting up and leaving the room.

I lust after him. Ngayon lang talaga tumama sa akin ang nararamdaman ko sa kanya. That I need him to satisfy my carnal hunger. Because it's only him who can do that. Only him that is capable for that.

Hindi ko alam kung paanong sa kokonting panahon... sa bilang na nangyari sa amin ay hinahanap na ng katawan si Lucas. Kaya kong kontrolin ang pangangailangan na iyon, kaya kong lumayo, at kaya kong ignorahin.

But Lucas was so adamant in rattling my system. Lapit siya ng lapit kaya balewala din ang pagtanggi ko. Kaya kong hindi magpaalipin sa tukso. Nababali lang pag siya na mismo ang nag-aalok. Rumurupok lang ako kapag sobrang lapit niya na.

So close that the only choice I have— is to give in.

Hinihiling ko na lang na sana hanggang doon na lang iyon. Lust. Tawag ng laman. Pagnanasa. Sana wag ng lumalim at lumampas pa.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 16.3K 35
#Book-3 Last book of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation of the first and second book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If...
285K 19.5K 57
ABHIMANYU RATHORE :- Rude , workaholic CEO of Rathore Empire .Devilesing hot , every girls drools over him .But loves his family to dearest . . SAKS...
550K 35.1K 71
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...
769K 108K 39
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...