Choosing You (Us Against The...

By YellowMsFighter

31.3K 708 163

(Us Against The Fate Series #1) Behind that strong and brave woman, there is a weak and broken one who's aski... More

INTRODUCTION
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
NOTE
EPILOGUE

CHAPTER 1

1K 25 2
By YellowMsFighter

"Okay ka lang bes?". Tanong ni Cassandra kay Abi, nandito sila sa apartment nina Abigail at Jairah. Pinagmamasdan lang ni Jairah ang tulalang si Abigail at nag-aalalang si Cassandra, napailing nalang ito dahil mukhang alam na nya ang nangyari.

"Tungkol nanaman ba toh kay CJ?". Iritang tanong ni Jairah sa nakatulalang si Abi. "Jusko naman Abigail, sinabihan ka na ni Cassandra dyan sa basketball player mong boyfriend kuno". Tinignan lang ni Cassandra si Abi, naiinis ito sa kamanhidan ng kaibigan.

"Totoo ba, Abi? Yung lokong yun nanaman? Ilang beses ka ng binasura nun ah". Iritang sambit ni Cassandra, tinignan ni Abi sila Jairah at sinabing "Hindi ko ba alam, khit na parang kumukuha lang ako ng batong ipupukol sa ulo ko ginagawa ko pa din. Nakakapagod magintay na magbabago sya bes". 

Pagkasabi ni Abigail nun ay dali-daling tumayo si Cassandra at nagtanong "Jai, saan nakatira yung mokong na yun?". At napuno na nga ng inis si Cassandra.

"Lika bes, ituro ko sayo ng mailibing mo na ng buhay yung lokong yun". Nang pipigilan sana sila ni Abi agad na hinarangan sya ni Jairah. 

"Abigail Austrai, ang ganda mong babae at matalino tapos iiyakan mo yung mukhang lupa na yun? Bes gumising ka". Nakinig si Abi kay Jairah at agad na lumayo na lang at hinayaang makalabas sila Cassandra.

"Wala ako sa mood manapak pero pinuno ako ng lalaking yun". Walang emosyon na nakikita sa mga mata ni Cassandra, para na kasing kapatid ang turing nya kay Abi. 

Simula Elementary magkasama na sila kaya hindi nya hahayaang umiyak ito ng dahil lang sa isang kalokohan. "Ayoko man bes pero sobra na kasi yun si CJ, eto namang isa manhid". Sambit ni Jairah nang palapit na sila sa unit nina CJ.

Mabilis na kumatok si Cassandra sa nasabing unit, makaraan ang limang katok, tumambad sakanila ang pamilyar na mukha ni Cole Hartmond.

"Nandyan ba si CJ Velasquez?". Agad na tanong ni Cassandra ngunit tanong lang din ang isinagot nito sakanya. "Bakit nyo hinahanap si Velasquez?". Nang dahil sa tanong ni Cole napairap si Cassandra. "Don't answer me with another question Mr. Hartmond". Tugon ni Cassandra, pinupuno sya nito. "Hey miss, chill ka lang okay? Wla si Velasquez dito nasa klase pa ata nya". Natatawang sabat ni Cole.

"That's an ease question diba? Hindi nalang sinagot agad". Mataray na tugon ni Cassandra na nagpatawa sa binata. "Sorry miss, gusto sana kita ksi maganda ka kaso mataray ka masyado".

And those statement cuts the last piece of thread that is keeping Cassandra away from unleashing herself. "Wala naman akong sinabing gustuhin mo ako ah? And fyi, I don't like those people who will answer someone with another question".

After that, Cassandra drag Jairah with her and leave that hell hole. "Bes, hindi pa si CJ yun ahh". Natatawang sambit ni Jairah, umirap lang si Cassandra at sinabing 

"Nakakainit kasi ng dugo yung lokong yun at bakit dito sya sa USTe naka-stay? Diba taga Ateneo yun?". Tanong ni Casandra kay Jairah "Bes, open na ksi ang mag-aapply ng tutor para sa mga newbie dito. Tyaka matalino naman yang mokong na yan".

Tsk, matalino pero pilosopo, sambit ni Cassandra sa isip nya. Pasalamat itong CJ na ito wala pa sya kundi nakaranas toh ng upper cut. Nang makauwi si Cassandra sa bahay nila, naaubutan nya ang kuya nya na nakaupo sa sofa habang may binabasang mga papeles, mukhang iniintay sya nito. 

"Kuya, bakit gising ka pa?". Tanong ni Cassandra pakatapos humalik sa pisngi ng kuya nya.

Nagtanggal ito ng salamin sa mata at tumingin sakanya. "Hindi uuwi sila mommy ngayon dito kaya dito muna ako mananatili para may kasama ka". Seryosong sagot ni Jorge sakanya. "Kuya, alam kong baby mo ako pero nandito naman si Manang Celestia, wag kang mag-alala".

"You're just 19 you know?". Yan nanaman po tayo sa sabihan ng edad. "Wla ng sabihan ng edad kuya, lugi ka ksi gurang ka na". Sabay takbo ng habulin sya ng kuya nya. 

Nang makarating sila sa kusina, agad na umupo si Jorge at ngumiti si Cassandra. "Kuya umupo ka dyan, tikman mo tong cookies na binake ko kahapon". Bilang masunuring kuya, kumuha si Jorge ng isa at nilasap.

"The best ka talaga mag-bake baby sis". Tawa lang ang itinugon ni Cassandra at mukhang sarap na sarap nga ang kuya nya. "Ako lng toh Sebastian". Mukhang nainis sa sinabi nya ang kuya nya dahil kumunot ang noo nito. 

Ayaw na ayaw niya na tinatawag sya sa pangalang yun at si Cassandra lang ang sumusubok tawagin sya nun. Nag-peace sign sya rito at kumain din ng cookies, masarap nga.

"I heard what happened between you and mom". Nang sbihin ng kuya nya iyon, agad na napatigil sya at yumuko na lang. "Cassandra Luna De Vera, whatever you are doing right now, I believe it's enough". 

Cassandra chuckled and answer her brother. "I will never be enough for mom, kuya. Napilitan nga lang syang pumayag na mag-medicine ako dahil sayo". Jorge looks at his sister's eyes, those eyes do not lie.

Sa pagkatao ni Cassandra, sa mata nya lang makikita yung pagod at hirap na nararansan nya and Jorge is the only one who can read those. "You know you're always welcome in my home, right?". 

Cassandra doesn't want to be a burden khit pa sa kuya nya. "I know kuya pero kaya ko naman, it's tolerable". Jorge sigh knowing her sister so much that she is thinking that she is a burden.

"Cassandra, I am sorry. I was never there everytime napagtataasan ka ng boses nila mommy, I was never there everytime umiiyak ka ng magisa, kuya was never there to love you". Those words are enough to pinch Cassandra's heart.

"Naturingan pa naman akong kuya, hindi nga kita kayang samahan sa mga oras na walang-wala ka na". Jorge forced a smile.

That's the reason why Cassandra doesn't want a heart-to-heart talk with her brother, they will end up crying. Cassandra went to her brother as Jorge opens his arms wide to embrace Cassandra, how she misses breaking down while being embraced by his brother.

"Kuya, napapagod ako. I am so happy because I am achieving my dreams slowly but surely pero yung pangarap ko na sana mahalin ako nila mommy for who I am and not for who I cannot be, it's hard to reach". Sambit ni Cassandra habang lumuluha.

"I don't care kung hindi nila gusto yung gusto kong trabaho in near future, I just want to feel loved kuya. Mahalin lang nila ako". 

She looks like a desperate little girl who is begging for an ice cream but who cares by the way? Walang ginawa si Jorge kundi hagurin lang ng hagurin ang likod ni Cassandra habang yakap nya ito.

Hours had passed and Jorge transferred Cassandra to her room because she slept on the table while hugging him, he tucked her to her comforter and sat on the chair at the bedside. 

Looking at her sister sleeping peacefully is like a dream come true for him, Cassandra is tough and strong on the outside yet soft like cotton inside.

That peaceful expression on her face was never seen when she is awake, lagi nalang lungkot at hirap ang nakikita nya ruon. He held Cassandra's hair and whisper "I believe in you little sis; I will do my best just to protect you and I will not let anyone hurt you even just a strand of your hair. Not in my track".

.

.

.

.

.

"Bes sasama ka ba pupunta raw ng Katipunan, may mga stall din na bagong bukas duon". Sa Katipunan? Anong gagawin ng mga toh duon? Tinignan nya si Abi at nagtanong. "Anong meron sa Katipunan at pupunta kayo?". 

Hinampas naman sya ni Abi sa braso at inirapan sya nito. "Tayo bes, tayo ang pupunta. Tyaka may kikitain ata si Jairah kaya gustong pumunta ruon". Si Jairah? Goodluck! Sino kaya ang malas na lalaking kikitain nito?

"Sge G ako". Nakangiting tugon ni Cassandra kay Abigail, tuwang-tuwa si Abi na napapayag nya ang kaibigan. Nasanay na kasi itong si Cassandra na nasa bahay lang nila, UST, bahay, UST, bahay, ganun nlang lagi ang itinerary nito.

"OMG! Pumayag ka din sge tatawagan ko lang si Jairah bes, wait mo ko ditooo". Napailing na lang si Cassandra at ngumiti, di naman halatang excited si Abi ano?

After class, pumunta na sila sa unit nila Jairah at Abigail, naabutan nila si Jairah na nag-aayos ng kilay sa harap ng salamin. "Ang tagal nyo tlgang dalawa!". Bulyaw nito sakanila, kinurot ni Cassandra sa tagiliran ito at inirapan lng si Jairah. 

"Nahiya naman ksi kami sayo na nag-cutting sa last subject nya para makapag-ayos na diba?". Pangaral ni Abigail dito na ikinatawa ni Cassandra, ang ingay tlga.

Tinignan sya ni Jairah mula ulo hanggang paa at inilagay ang kamay sa beywang. "Ikaw Luna girl, bakit naka-jeans ka at polo shirt?". Nakaangat ang kilay nito habang nagtatanong. 

Tinaas din ni Cassandra ang kilay nya habang si Abigail ay natutuwa sa nakikita. "Excuse you madam cutting, wag mo akong matawag-tawag na Luna dyan at dito ako komportable ehh alangan naman magdress nanaman ako? D kaya ako sumama".

Agad tumakbo si Jairah kay Cassandra at niyakap ito, takot na baka totohanin nga nito ang hindi pagtuloy. "Eyy! Joke lng bes, ang ganda-ganda mo nga ihh". Pinitik naman ni Cassandra ang nuo nito at tumawa. 

"Bolera ka alam mo yon?". Pagkatapos ng bangayan nila agad silang sumakay sa kotse na dala ni Cassandra.

After 30 minutes of driving, they finally reach their destination. Agad na bumaba sila Jairah at Abigail at inayos naman ni Cassandra ang itsura nya, pinusod nya ang kanyang buhok at lumabas na. 

Sinigurado nilang safe ang kotse niya bago sila maglakad papalayo rito. "Girls, we will meet Grey right now, may iaalok daw syang kung ano if ever interesado tayo". Ano naman kaya yun?

"Grey! Here I am!". Nagkatinginan kami ni Abi at sabay na umiling sa tumatakbong Jai. Awit si bakla! Sana madapa, char. Lumapit nalang din kami ksi yun naman tlga pinunta namin dun. Being polite, Abi and I offered our hand and introduce ourselves. 

"Hi I am Abigail, you can call me Abi, I am a Thomasian". Ano toh, a job interview? Grey shakes her hand and I introduce myself as well. "Cassandra, Jai's friend". Aba! Bakit ang sama ng tingin sakin ng dalawang babaeng ito?

Natawa lng si Grey sa inakto ni Cassandra. "Nice meeting you guys, shall we go to the restaurant here? My treat". Wala ng patumpik-tumpik agad na umoo sina Abigail at Jairah, luh itong dlawa khit saan tlga eh. 

Pumasok kami sa isang Korean restaurant and oh my gosh! Kumukulo yung tyan koooo.

Yari tayo neto lods! Nag-order na kami isa-isa at nagsimula ng magsalita si Grey. "Thank you, ladies, for meeting me here. Actually, I was planning to propose this to you all. There is a tutoring program in ATENEO and UST which is your school and I am one of the coordinators and handlers of it so if you would like an extra income or just a simple hobby next month is the start". 

Tuloy-tuloy na sabi ni Grey, mukha namang okay yun at narinig na nga din namin about dyan sa program na yan. Marami kasing bumabagsak na juniors sa mga subjects nila kaya mas okay na matutukan.

Lahat naman daw ksi ng magpapaturo is magbabayad, I kinda like the idea. Ipapaalam ko muna kay kuya, sbi ksi ni Grey after class ang sessions ng mga yun. 1PM ang tapos ng klase ko pag walang masyadong agenda, 3PM naman pag maraming gawain at ginagabi ako pag may mga group project kaya mas mabuting magsabi.

"Bes, tatanggapin mo ba yun? Diba sabi mo kagabi finreeze ng mommy mo lhat ng credit cards mo?". Tanong ni Abi habang nasa kotse kami, nagpaiwan si Jairah. Kala mo naman tlga nasa date si bakla.

FLASHBACK

"Bes, iwan nyo na muna ako rito". Napatingin kami ni Abi kay Jairah. "Aba bakit ka namin iiwan dito babae?". Nakataas ang kilay na tanong ko, ngumiti lang sya at tinuro si Grey na nasa table pa din na kumaway sa amin. 

"Susulitin ko na toh girl, varsity na yarn papalagpasin ko pa ba?". Ay jusko po! Natawa naman si Abi sa sinabi ni Jai. "Jusko kang bakla ka! Pero gwapo naman si Grey kaya sge gora". Tinignan ko nga ng masama itong si Abi at nagkibit-balikat lang sya.

"Basta wag ka nyang pagtangkaang gawan ng masama kundi babaliin ko lhat ng buto nya sa katawan, I am a woman of my words Jairah".

END OF FLASHBACK

"Oo ginawa nga ni mommy yun, ipapaalam ko muna kay kuya tapos pag pumayag sya I will call Grey". Sagot nya habang nagmamaneho, ang dilim na ng kalangitan, tamang-tama lang sa mahabang pagmamaneho. Bago ko ihatid si Abigail sa unit nila dumaan muna kami sa park malapit duon sa pinag-iistayan nila.

"Ang lamig ng hangin Cass noh?". Sbi ni Abi habang pinagdidikit ang mga kamay niya, masyado ngang malamig para sa buwan na ito. Ang ganda pa ng liwanag ng buwan kaya kumpleto na ang gabi niya. Parang ang sarap maging buwan ano? Hindi nya kailangang maging sobrang kinang para mahalin sya ng lahat.  

"Ang lalim ng iniisip natin dyan ahh". Tinignan ko si Abi at sumandal sa upuan. "Abi, minsan ba naisip mong sana tulad din ako ng mga ibon?". Napatingin si Abi sakin at kumunot ang noo. "Bakit naman ibon? E para kang leon sa gubat bes ehh". Sabay tawa nilang dalawa.

Minsan natatakot na ako sa sarili ko, iba na kasi yung napapakita ko sa ibang tao na ako, hindi na nga nila alam yung totoong nararamdaman ko. Natatakot na ako minsan na sa sobrang galing ko sa pagtatago, masaktan ko sila sa totoong ako. Nakakatakot ng itago yung sakit na nararamdaman ko, nakakapagod.

"Alam mo bes, sa tagal nating magkasama parang hindi ko pa din alam yung lahat tungkol sayo. I mean alam ko partially yung talambuhay mo pero yung mga mood swings mo, parang ayaw mong ipakita eh. Sinasanay mo kami sa malakas at hindi matitibag na ikaw". Makabuluhang sambit ng kaibigan, Abi's words slap her real hard.

"Marami ksi akong nararamdaman na hindi ko macovert sa salita Abi, hindi lahat kaya kong ipakita sainyo. Natatakot ksi akong mag-open nanaman at masaktan lang ulit, nakakasawa". Tugon nito sa kaibigan. Abi held her hands and look at her.

"Kahit ano man yang takot na nababalot sayo Cass, I believe you can eventually conquer that. I know you can". Sana nga kayanin ko, sana nga masubukan ko ng kumawala sa pagkakagapos nila sakin. 

Nakakapagod pero susubukan kong kayanin para sa sarili ko...

------------------------------------------------------------------

Thank you for patiently waiting!

I hope you enjoy and if you do please leave a comment and do vote!

Love lots!

-KC

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 377 44
(Eleazar Cousin's Series #2) High School Reunion. Kung saan, muli mong makikita ang taong mga naging parte ng buhay highschool mo. Pati na rin ang ta...
3.2K 312 31
Katherine Azuretha Garcia is not your typical high school student. Naniniwala siya na kung sino pa ang mga taong minamahal mo, siya rin ang sasakit s...
87.9K 2.7K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
Galimgim By AtashiaBliss

General Fiction

874 134 31
Galimgim: Lumbay dahil sa pag-iisa; pangungulilĂ .