Accidentally Destiny

By AFairy_Bloosom

108 22 2

Dalawang taong ipinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon, na inakala na aksidente ang lahat, pero lahat pal... More

Accidentally Destiny
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 7

3 2 0
By AFairy_Bloosom


Thinarva's POV

Akala ko ba wala akong maiistorbo kanina, Duhh akala ko lang 'yun. God! Nakayakap pa talaga ako sa kaniya. What the S? Kasama nila si nathan so that means na nandito na ang mga San Diego. Sa kanilang apat maliban kay nathan syempre, dalawa 'dun ang may apelyidong San diego. Siguro pati yung masungit kanina San Diego rin siya at ngayon palang hindi na ako naeexcite na makilala sila. Kung noon nababaliw ako sa kaiisip tungkol sa kanila ngayon hindi na. Ano sila sinuswerte?

"Ate thinaaaaaaa!" Napatingin ako sa main door ng bahay ng marinig ko ang sigaw ni pia at popoy na tumatakbo na ngayon papunta sa direksiyon ko...

"Ate thina! Namiss ka namin!" sabi ni pia pagkalapit sa akin at yumakap ng sobrang higpit...

"Oo nga, ate thina! Namiss ka namin ng sobra!" Si popoy naman ngayon ang yumakap sa akin ng pagkahigpit-higpit, namiss talaga nila ako. Hehe...

"Ako rin namiss kayo ng sobra, bakit ngayon niyo lang ako dinalaw huh?"nagtatampo kung tanong at natahimik ang dalawa."Joke lang 'yun tumahimik agad, teka! Wala bang kiss si ate diyan?"Napanguso pa talaga ako saka umupo sa harap nila, humalik naman sila sa akin kaagad sa pisngi. Sakto naman na lumabas si manang at tinulungan ako sa mga binili ko...

Binigay ko na ang mga pasalubong ko sa kanila pagkapasok namin. Tuwang-tuwa naman ang kambal dahil gusto daw nila ang mga pasalubong na binili ko, balak ko pa sanang magkwento sa kanila kaso pagod ako. Kaya nagpaalam nalang muna ako kay manang at sa kambal...

Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at dumeritso sa banyo ng makaligo para masarap ang tulog ko mamaya...

Pagkatapos kung maligo at magbihis, sinalampak ko kaagad ang katawan ko sa malambot kung kama...

Pumikit ako para dalawin ako ng antok kaya lang yung mukha ng lalaki kanina ang lumitaw sa paningin ko at galit na galit siya habang dinuduro ako.

Talagang hanggang pagtulog ko umeeksena ka, e kanina lang naman kita nakita. Kung makaepal! Close?

'Mabuti pa si nathan nalang isipin mo, thina.'

Speaking of nathan ang laki ng pinagbago niya noon kase tahimik lang siya ako lang ang kinakusap sa klase namin at mas lalo siyang gumwapo ngayon...

Naalala ko pa 'nung unang pinagtripan siya nila xander

(Flashback)

Nandito kami ngayon ni nathan felix yuan sa canteen at wag na kayo magtaka kung sa full name ko siya tinatawag palagi niya nga akong pinagsasabihan na nathan nalang daw. Pero 'dun kase ako nasanay, pinapractice ko ngang tawagin siyang nathan pero dumudulas talaga ang dila ko at napupunta sa full name niya...

"Nathan! Anong ulam mo?"tanong ko sa kaisa-isang lalaki na kaibigan ko dito sa campus at himalang nasambit ko ang pangalan niya na hindi na talaga umabot sa full name kaya naman si nathan na kaharap ko, lumawak ang ngiti dahil gusto niya talaga na nathan lang itawag ko sa kaniya...

"Fried Chicken at adobo! Alam mo keiah ang sipag mo talaga, imagine nasabi mo yung name kong nathan na wala ng kasunod. Talagang sinipagan mo huh? Ilang araw mo ba 'yun prinactice?"Ano naman kayang big deal 'dun sa pagtawag ko sa kaniya ng nathan at parang nanalo siya ng loto...

"Hindi ko 'yun prinactice ah, wag kang assuming ang dali lang naman pala banggitin ang pangalan mo e, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan ako 'nung mga nagdaang araw."Swear nahirapan talaga ako. Weird!

"Talaga! Bakit kaya?"mapang-asar na tanong niya sa akin at talagang nang-aasar na siya ngayon. Baka nakakalimutan niyang ako lang ang kaibigan niya dito."Ewan ko sayo nathan!Bakit ba naman kase Nathan Felix Yuan ang pangalan mo?"inis kong sagot sa kaniya...

"Aba malay ko! Tanungin mo si mommy at wag ako."Masungit niyang sabi sa akin at talagang nagsusungit na siya sa magandang tulad ko...

"Anong klaseng sagot 'yan?"kainis 'to ako pa talaga ang pagtritripan...

"E! Ano bang klaseng tanong yung tinanong mo? Ikaw nga? Bakit Thinarva Zykeiah Moreigh ang pangalan mo? Sige sagot na!"Sinusubukan niya talaga ako. Tssk! Nice!

"Ewan ko! Tanungin mo rin si mommy at wag ako! Okay?"sagot ko na ginaya ang sagot niya kanina kaya napangiwi siya sa inis hahaha. Buti nga!

Nagngitian nalang kami at kumain ng tahimik ng...

~BOGSSSHHHHHH~

Pareho kami ni nathan nagulat ng biglang patirin ni xander ang upuan na bakante sa pagitan namin ni nathan. Muntik pa kaming matumba dahil gumalaw ang lamesa na kinakainan namin.

Kahit kailan talaga 'tong si xander umeepal...

Inayos niya pa ang upuan na pinatid niya kanina, baliw! saka umupo 'dun at pinasadahan ng tingin si nathan...

'Problema neto?'

"Ano nga ulit pangalan mo?"kalmadong tanong neto habang nagpangalumbaba...

"Ano naman ang kailangan mo dito xander?"sabat ko dahil alam ko namang hindi sasagot 'yang si nathan, tssk! Masyadong mabait na masungit...

Dahan-dahan na ibinaling ni xander ang paningin niya sa akin, kaya nginitian ko siya ng malawak kaya nagbago ang expression niya kanina...

Akala ko maiinis siya sa ngiti ko pero hindi nginitian niya rin ako...

"Wag kang masyadong ngumiti, baka 'di ko mapigilan ang sarili kong gustuhin ka!"Nakangiti niyang sabi sa akin. Totoo ba ang sinabi niya? Tssk. Ano naman ang paki ko?

"Wag mong pigilan hindi naman kita magugustuhan kaya walang problema sakin."Kalmadong kong sabi na kinangiti niya. Gago!

"Yan ang gusto ko sayo e, honest ka masyado. Don't worry hindi naman masakit dahil ginusto naman kita, it doesn't mean na gustuhin mo rin ako. I'll understand."Literal na napaawang ang labi ko sa sinabi niya, may sense naman pala 'to dahil maruno naman pala makaramdam...

Ibinaling niya ulit ang atensiyon niya kay nathan at tinitigan ito ng mabuti parang may binabalak siyang masama rito...

"Tss! Mahilig ka pala sa fried chicken baka isang araw maging bakla ka niyan! Hahahaha."Tumawa siya ng mapang-asar kaya parang sumiklab na naman ang galit ko kay xander...

Nanatili lang na tahimik si nathan na kumakain at walang imik kaya naman nainis si xander, gusto niya kase na nilalaanan siya ng atensiyon ng mga taong kausap niya. Masyadong papansin...

Nagulat nalang ako ng biglang kinuha ni xander ang baon ni nathan at Ihampas ito sa mukha ni nathan ng sobrang lakas...

Hindi na talaga mapinta ang mukha ko sa sobrang inis. Wala talagang pakiramdam ang xander na'yan...

Agad kong nilapitan si nathan at tinanggal ang mga pagkaing naiwan 'dun. Ang sama talaga ng xander na'tu, kahit sino nalang ang pinagtritripan. Bwisit siya atakihin ka sana!

"Siguro naman natuto kana. 'Yan ang pinakaayaw ko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga ng taong kausap ko, kaya umayos ka kung ayaw mong ganiyan ang eksina mo araw-araw."Galit na sabi neto saka tumingin sa akin at kinindatan ako pero iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ang kapal naman 'ata ng mukha mo para kindatan ako. Umalis na siya at nagtawanan pa talaga ang mga kasama niya...

Nilinis ko nalang ang mukha ni nathan at yinakap siya dahil naaawa ako sa kaniya...

(End Of Flashback)

Simula 'nun palagi ng pinagtritripan ni xander si nathan kahit wala naman 'tong ginagawa sa kaniya. Pero natigil 'din ng nakarating sa pamilya ni nathan ang balita na palagi itong kinakawawa sa klase, kaya inilipat siya ng ibang school.

Grade 5 ako noon! Nang maramdaman ko ang kaginhawaan ng malayang nag-aaral, dahil kasabay ng paglipat ni nathan ay lumipat din si xander. Marami nga ang nagsaya dahil nawalan ng siga ang campus...

Lumipas ang ilang buwan hindi ko na nasilayan si nathan kahit makatagpo man lang sa park o kahit saan?

Hanggang dumating ang isang taon grade 6 ako 'nun. Ang taon kung kailan kami unang nagkatagpo ni tan-tan sa park 'nung napilayan siya dahil may humabol sa kaniya, kaya lang dumaan lang din ang ilang buwan at magtatapos na rin ang klase nang nagpaalam sa akin si tan-tan na aalis siya...

Kahit nagpaalam siya sa akin na aalis siya parang hindi ko parin maintindihan...

Naging malungkot ako 'nung mga nagdaang araw hanggang sa lumipas pa ang maraming araw at umabot ng taon...

Mapayapa naman ang pag-aaral ko sa Alcantara Private School dahil wala ng manggugulo sa akin at nagpatuloy 'yun hanggang grade7, 8, and 9 ng journey ko sa high School life...

Yun nga lang naudlot pagsapit ko ng grade 10 dahil nagbalik na naman si xandemon. Panay pa ang papansin sa akin at nililigawan ako araw-araw pero hindi ako interesado sa kaniya kaya pinatigil ko ang kahibangan niya...

Ewan ko lang ngayon! sana hindi na siya basta sumusulpot kung nasaan ako. Hindi naman siguro siya ganun kabaliw sa akin para sundan ako sa SDU...

Good thing makakasama ko na ulit si nathan sa university, alam kong sa SDU siya papasok. Saan pa nga ba? E isa naman siyang San Diego kaya 'dun rin ang bagsak niya...

Hindi ko talaga inaasahan na magkikita pa kami ng nathan na'yun ang laki talaga ng ipinagbago niya. E kung si tan-tan kaya magkikita pa kaya kami?Ang laki na rin ba ng ipinagbago niya?Hay!!! Kainis...

Hay naku! Impossible kaya na magkita kami ni tan-tan sa SDU Kung sakali? Parang ang labo naman mangyare 'yun, baka nga hindi na ako kilala 'nun...

Pumikit na ako ulit para dalawin na talaga ako ng antok, napapagod pa naman ako at dumagdag pa ang mga iniisip ko, kaya dapat matutulog na ako ngayon. Bwisit!

Ilang minuto 'din ang hinintay ko bago ako nakatulog...

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi habang mahimbing akong natutulog ng maramdaman kung may sumasakal sa leeg ko. Dali-dali ko naman itong kinapa at ang kwentas ko lang pala. Akala ko pa naman binabangongot ako. CREEPY!

Nakalimutan ko palang hubarin ang kwentas ko bago matulog ako, kaya tinanggal ko muna ang kwentas at iniharap sa mukha ko...

"Alam mo nakakainis ka! Parati muna lang akong sinasakal tuwing nakakalimutan kitang hubarin. Ang choosy mo masyado! Isang Thinarva Zykeiah Moreigh na nga ang nagsuot sayo, ayaw mo pa!"Para akong tanga na kumakausap sa isang bagay, as if naman sasagot 'yan. Kapag sumagot 'yan kabahan kana thina kaya manahimik ka"Teka! Yung kalahati mo rin ba nanakal? Subukan niya lang at mapipilitan akong isangla ka tingnan natin kung may kapartner pa siya."dugtong ko at ngumiti ng mapakla ng maalala ko ang huling tagpo namin...

(Flashback)

"Tin! May gusto sana akong sabihin at ibigay sayo, sana hindi mo maiwala hanggang makabalik ako." Ano bang sinasabi neto? Anong sasabihin at ibibigay niya sa akin? T'saka parang ang lungkot-lungkot ng boses niya kinakabahan tuloy ako...

May nangyare kaya o may mangyayare pa? Nagkita lang kami dito sa park dahil sumama ako kay yaya. Hindi nga sana papayag si yaya pero sino nga ba naman ang makakapalag sa kakulitan ng isang thina?

Nakita ko si tan na nakaupo sa bench na palagi kong tinatambayan pagpumupunta ako ng park kaya linapitan ko...

" Ano yun?Saka bakit ganyan ka magsalita at ang lungkot ng boses mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya na hindi niya sinagot, sa halip ay umikot lang siya sa inupuan ko at nagtungo sa likuran, saka hinawi niya ang hibla ng buhok ko at may isinuot sa akin na kwintas...

"Broken pendant?"nagtatakang tanong ko sa kaniya na tinanguan niya lang, parang may kung anong humaplos sa dibdib ko?dahil hindi ako sanay sa na ganito siya...

"Tan! May nangyare ba? pwede mo naman sabihin sa akin kung meron man, makikinig ako. Pero okay lang din kung hindi mo sasabihin sa akin naiintindihan ko ang nararamdaman mo."Sabi ko ng may pag-aalala. Hindi ko kase maiwasan na hindi mag-alala sa kaniya dahil parang ang bigat ng dinaramdam niya. Pakiramdam ko tuloy dumadagdag lang ako dahil sa pagtatanong ko...

"Ahh! Wala 'to!Wag mo'kong intindihin, may iniisip lang."titig na titig niyang sabi sa akin kaya napalunok ako dahil masyado siyang seryoso...

Ano naman kaya ang iniisip niya?Hayaan ko nalang muna, dadagdag pa ako sa iisipin niya. Napatingin ako sa gawi niya ng muli siyang magsalita...

"Tungkol pala diyan---"turo niya sa kwintas na isinuot niya sa akin. "Nasa akin ang kalahati niyan."dugtong niya na ipinakita ang kwintas na suot niya at pareho nga kami...

"Gusto ko ingatan mo 'yan, hanggang sa makabalik ako. Aalis ako tin, kaya mag-iingat ka palage. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, basta ang alam ko lang ay babalik ako para sayo." hindi ko inasahan ang mga sinabi niya kaya parang nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon at di makagalaw...

Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako ng mahigpit, 'yung tipong huli na ang lahat sa amin...

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko hanggang sa humikbi na ako. Ang sakit isipin na aalis siya kung kailan napamahal kana sa kaniya...

Hinahagod niya lang ang likuran ko upang mapatahan ako pero hindi nasasaktan talaga ako to the point na hindi ko na siya makikita kung saan?

Patuloy lang akong umiiyak habang yakap-yakap siya, narinig ko nalang na sumisinghot-singhot na siya at maiiyak na pero pinigilan niya lang ang nararamdaman niya para ipakita sa akin na malakas siya kahit ang totoo ay nasasaktan din siya...

"Pssh! Tahan na pinapahirapan mo lang ako neto e. Babalik naman ako, basta pangako mo lang na hihintayin mo ako at palaging suot-suot mo 'yang kwintas na bigay ko ng sa ganun parang nasa tabi mo lang ako."Hindi ko na alam kung paano ko iintindihin ang sitwasyon namin ngayon dahil lalo lang akong nasasaktan sa mga pinagsasabi niya ngayon...

Kahit masakit tumango lang ako at yinakap siya ng mahigpit para kahit sa mga sandaling ito nakasama ko siya ng buong-buo...

(End Of Flashback)

"tsk! Hindi pala kita pwedeng isangla dahil bigay ka sa akin ni tan at pinaiingatan ka niya sa akin, ikaw nalang din ang nanatiling ala-ala ko sa kaniya." Ngumiti ako ng mapakla dahil sa mga naalala ko. Kahit masakit 'yung nangyare parang may saya parin akong nararamdaman sa oras na 'yun dahil may iniwan siya sa'king pangako na sana hindi niya ipapako...

Pero hanggang kailan ako kakapit sa pangako mo?hanggang kailan ko titiisin ang paghihintay sayo?

Nanatili lang akong tulala sa kwintas na hawak ko at napag-isipan na itago muna, para makatulog ako ng maayos...

Nilagay ko siya sa isang maliit na box sa may study table ko, baka kase saan-saan ko pa mailagay at maiwala ko pa...

"Diyan ka muna. Hindi ako nakakatulog sayo ng mabuti dahil nananakal ka baka paglamayan na ako bukas dahil sayo. Goodnight. Tsup!"sabi ko sabay halik sa pendant ng kwintas at bumalik sa kama para makatulog na. Hindi naman ako gutom kaya matutulog nalang ako ulit, dahil baka kung saan-saan na naman lumilipad ang isip ko. Maiistress na naman ako ng hard...

Get ready to the next chapter👉







Continue Reading

You'll Also Like

115K 1.5K 47
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!
46.1K 2.2K 150
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
7.3M 204K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
824K 26.8K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her entire life. Only a shel...