You're The One For Me [COMPLE...

By elleboooj

53 0 0

Paano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee... More

---
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15 (His Point of View)
Epilogue

Chapter 10

2 0 0
By elleboooj

Chapter 10

"Ano'ng nangyari? Na-video mo ba?" pambungad na tanong ni Shiela pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng booth namin.

Naiiling akong napaupo sa isang silya at natulala na lang sa hawak kong bulaklak.

After what he said there back at the jail booth, ay tila talaga ako nawalan ng dila sa mga sandaling iyon. I mean, okay, umasa akong para sa akin ang kinanta niya, and it turned out na para sa akin nga talaga iyon, and I can't just help it but wonder why would he dedicate a song for me? And he also gave me flowers which is I know normal since today's Valentine's, but why?

I really wanted to ask him why, but I seemed to can't find the courage to do it yet.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kaniya sa mga oras na iyon. Mabuti na lang talaga at dumating ang mga ka-batch mates niya at tinawag siya kaya naman kaagad ko siyang tinanguhan upang sabihin na ayos lang sa akin na sumama muna siya sa kanila.

Sinabi ko rin sa kaniya na kailangan ko nang bumalik dito sa may booth namin dahilan para tumango rin siya bago ako tuluyang iniwan upang puntahan ang mga ka-batch mates niya.

Pagkatapos no'n, ay mabilis na akong umalis doon at patakbong bumalik dito sa aming photo booth.

"Hindi mo na-video?" Shiela asked again. "Bakit? At kanino galing 'yan, ha?" malisyosa niyang tanong bago inilapit ang kaniyang mono bloc chair sa aking tabi para usisahin ako.

"Nahuli ako ng officer," sagot ko at tila biglang bumalik sa akin ang panghihinayang na naramdaman ko kanina nang dahil sa hindi ko napanuod ang naging performance nina Nicholo.

"Ano? Ano'ng violation mo?" Itinuro ko ang suot niyang ID. Napahalakhak siya. "Ang malas mo naman, Maria Villien," pang-aasar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Pero, sino ang nagpiyansa sa 'yo?" tanong naman ni Fred na nakisali na sa usapan. "Si Nicholo?" he questioned again, and I felt like blood rushed up into my cheeks.

Napalabi na lang ako at napairap nang muli na namang humalakhak si Shiela.

"Let me guess. Siya rin nagbigay niyan, 'no?" turo niya sa bulaklak na hawak-hawak ko. "Wait. May card!" she beamed, at balak ko pa sanang ilayo mula sa kaniya itong bulaklak ngunit huli na dahil mabilis niya nang nakuha iyong card na hindi ko napansin kanina.

Tumatawang lumayo mula sa akin si Shiela upang basahin ang nakasulat sa may card.

"Happy Valentine's day, Mavi," she began. "I was wondering if you'd like to go with me after school? I'll wait you at the parking lot later. 4:00 PM. See you. Nicholo," she read loudly bago niya ibinigay sa akin iyong card.

I gave her a deathly glare once again.

"Looks like you have a date," she teased bago tumakbo palapit kay Fred nang akmang ihahampas ko sa kaniya itong hawak kong bulaklak.

Nang tinigilan na ako ni Shiela sa mga pang-aasar niya, ay saka ko pa lang nagawang tingnan itong card na hindi ko napansing nakasama pala rito sa bulaklak.

At first, inakala kong iniba lang ni Shiela ang pagkakabasa niya sa mga nakasulat dito, pero napaawang na lamang ang labi ko nang mabasang ganoon nga ang mga sinabi ni Nicholo sa card.

Napalabi ako.

Saan naman kaya kami pupunta kung pumayag man ako? And, bakit hindi niya na lang sinabi sa akin ang tungkol dito nung ibinigay niya itong bulaklak sa akin kanina?

Mas lalo na lang akong napalabi upang pigilan ang nagbabad'yang ngiti sa aking labi.

Was he asking me for a date? Okay. I know, ang assuming pakinggan, pero kasi, Valentine's day ngayon! Kahit sino naman yatang babae, ay alam kong ganito rin ang iisipin!

Pero, ayaw ko namang mag-expect kasi, bakit niya naman ako ida-date? Yes, he gave me flowers, and asked me if I'd like to go with him later, but that doesn't mean na gusto niya akong i-date, right? I mean, paano kung magpapasama lang pala siya somewhere? Paano kung magpapatulong lang pala siya?

Napabuntong-hininga na lang ako. Bigla tuloy akong napahiling na sana ay mag-alas kwatro na ng hapon.

"Mavi! Mamaya ka na kiligin diyan. May mga customers na tayo!" sigaw sa akin ni Shiela na bahagyang nagpatalon sa akin sa gulat.

Hindi ko pinansin ang pang-aasar na sinabi ni Shiela, pero tumayo na rin 'agad ako mula sa kinauupuan ko upang itabi itong bulaklak malapit sa kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

Pagkatapos, ay saka pa lang ako lumapit kina Shiela upang tumulong.

---

Akala ko, ay kakaunti na lang ang mga pupunta sa photo booth namin para magpa-picture, pero hindi dahil mas lalo pang dumami ang mga pumunta sa booth namin ngayong hapon.

Kami ni Shiela ang nakatoka sa mga bayad nila at kinailangan ko pa talagang tumakbo papuntang cafeteria para lang magpapalit ng barya dahil wala kaming pangsukli!

Grabe na ang pagtagaktak ng pawis ko pagkabalik ko sa may booth namin. Hindi ko alam kung magiging thankful ba ako, o ano nang maubusan na kami ng photo paper dahilan para mapilitan ang iba na umalis na.

Minasahe ko ang leeg ko nang dahil sa pangangalay.

"Dito na lang muna 'tong mga 'to. Balikan na lang natin bukas para alisin dito," ani Fred pagkatapos naming iligpit ang mga gamit na nagamit namin for the whole week para sa photo booth na 'to.

"I agree," humihikab kong pagsang-ayon. Gusto ko na talagang umuwi.

"Alright! We did great the whole week, guys!" Shiela beamed at us. Binalingan niya ako ng tingin. "At ikaw!" Halos mapatalon naman ako sa biglaan niyang pagsigaw.

"Bakit ka ba sumisigaw?" kunot-noo kong tanong. Kung hindi lang ako pagod, sisigawan ko rin ang isang 'to.

"Duh! 4:30 na! Bakit nandito ka pa?" balik niyang tanong na mas lalong nagpakunot-noo sa akin.

"Kasi, hindi pa ako umaalis," pabalang kong sagot na ikinairap niya.

"Grabe. Pagod na pagod ka nga," naiiling niyang sabi bago naglakad papunta sa kung nasaan ang mga gamit namin. "Hello! Nakalimutan mo na?" aniya pa sabay pakita nung bulaklak at card at parang biglang nagising ang buong diwa ko nang dahil doon.

Bakit ko nakalimutang pupunta nga pala ako sa parking lot ng alas-kwatro?!

Because of that, ay mabilis ko nang kinuha ang mga gamit ko pati na rin iyong bulaklak at card na hawak-hawak pa rin ni Shiela bago ako saglit na nagpaalam sa kanilang lahat at pagkatapos, ay tuluyan na akong umalis mula roon.

Pero hindi pa man ako nakalalayo, ay narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Shiela.

"Enjoy sa first date!" pang-aasar niya na ikinairap at ikinailing ko na lamang.

Halos lakad-takbo ang ginawa ko papuntang parking lot at nang malapit na ako roon, ay saka ko lang na-realize na hindi man lang pala ako nag-ayos!

Bahagyang bumagal ang pagtakbo ko upang ayusin man lang ang magulo kong buhok. God, Mavi. Bakit hindi mo man lang naisipan na mag-ayos muna bago ka dumiretso rito? Tila ka manang na ewan nang dahil sa hitsura mo!

Kung hindi ko lang talaga nakalimutan ang tungkol dito, ay edi sana nagka-chance pa akong mag-ayos, o magpalit man lang ng damit!

Pero teka nga, si Nicholo lang naman 'yan! Ano ngayon kung magmukha akong gusgusin sa harapan niya?

Pero teka lang ulit! Paano pala kung magda-date talaga kami, 'tapos ganito ang ayos at hitsura ko?

Argh! Bahala na nga. Masiyado ka nang assuming, Maria Villien!

Nang makarating ako sa parking lot, ay kaagad ko nang hinanap iyong sasakyan ni Nicholo. At nang makita iyon, ay handa na sana akong lumapit doon ngunit kaagad akong napahinto nang makita kong may kausap siyang babae na isang engineer student.

Mula rito, ay kitang-kita ko kung paano silang sabay na tumawa na dalawa.

Bagsak-balikat tuloy akong napasandal sa hood ng isang sasakyan na nasa likuran ko. Pakiramdam ko, ay biglang bumagsak ang puso ko at nabasag.

Siguro... ay kanina niya pa ako hinihintay? Pero dahil ang tagal kong dumating, ay iba na lang ang niyaya niyang sumama sa kaniya? At ano naman kung ganoon nga? Kasalanan ko rin naman kasi kinalimutan ko ang sinabi niyang pumunta ako rito ng alas-kwatro.

Pero, thirty minutes pa lang naman ang lumilipas, ah?

"Shit!"

Malakas akong napamura nang biglang bumusina nang malakas itong sasakyan na sinasandalan ko, kaya naman mabilis akong napalayo mula roon.

Kaagad kong sinamaan ng tingin iyong driver na nginisian lang ako at talagang kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis!

Kung hindi lang kumakabog nang malakas 'tong dibdib ko, ay baka nasipa ko na iyong sasakyan niya! Kainis!

Balak ko na sanang umalis na at umuwi na lang, pero halos mapamura na naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko upang makita kung sino iyon, ay mas lalo lang na kumalabog ang puso ko.

"Hey. You okay?" nag-aalalang tanong ni Nicholo.

Kaagad akong napaiwas ng tingin at napatango.

"Akala ko, ay hindi mo nabasa iyong sulat ko sa card," sabi niya dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya.

"Nabasa ko. Um, ano..." Napalabi ako. "Sorry, nakalimutan ko. Masiyado kasing naging abala sa booth namin," pag-amin ko nang totoo sa kaniya.

Nakapamulsa siyang umiling at ngumiti.

"It's okay, Mavi," sabi niya.

Why was it okay? Kasi, iba na ang isasama mo, instead na ako?

Bigla tuloy akong napatingin doon sa may sasakyan niya upang tingnan kung nandoon pa ba iyong babae na kausap niya kanina ngunit wala na siya ngayon doon.

Kaagad naman akong napatingin sa iba nang mapatingin din si Nicholo sa kung saan naka-park ang sasakyan niya.

"So, let's go?" he asked.

"Huh?" lutang kong tanong bago muling mapatingin sa kaniya. "Akala ko... Saan ba tayo pupunta?" balik ko na lang na tanong.

Gusto kong tanungin kung sino at nasaan na iyong babaeng kausap niya kanina, pero hindi ko na itinuloy. I mean, baka mamaya, ay kung ano pa ang isipin niya kung bakit ko iyon itinatanong.

Nginitian lang ako ni Nicholo at hindi sinagot ang tanong ko. Napaawang na lang ang labi ko nang hawakan niya ang kamay ko upang hilahin na ako papunta sa sasakyan niya.

I thanked him when he opened the door on the passenger for me. Nang makaupo na ako sa loob, ay ngayon ko lang napagtanto na ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako rito.

His car still smells brand new, and super linis at bango pa rito sa loob. Parang bigla tuloy akong nahiya dahil baka mamaya, ay humalo sa air conditioner iyong amoy ko. Aware pa naman akong amoy araw at pawis na ako kaya mas lalo lang akong nahiya.

"Feel comfortable," he stated nang makaupo na rin siya sa may driver's seat.

He started buckling his seatbelts, that's why I did the same on mine. Muli akong napahikab habang nagkakabit ng seatbelts.

Nang matapos, ay muli akong napatingin kay Nicholo na naabutan kong nakatingin na pala sa akin.

"You can sleep first," wika niya dahil mukhang nakita niya yata ang ginawa kong paghikab kanina.

Umiling ako at ngumiti. "Okay lang. It's rude na tulugan ka, ano," natatawa kong sagot.

"It's really fine, Mavi. Besides, medyo malayo pa naman ang pupuntahan natin."

"So, gagabihin tayo?" I asked. Gustung-gusto ko na talagang malaman kung saan ba kami pupunta, but it seems like he wants it to be a surprise.

Tumango siya at bahagyang napakamot sa kaniyang noo. "Yeah," he replied. "But don't worry, pumayag naman ang parents mo."

"Ano?" gulat kong tanong. Nakausap niya sina mama at papa?! Kailan? Bakit hindi ko alam?!

"I talked to them kanina after you left your house."

I breathed. "Saan ba kasi talaga tayo pupunta at kailangang gabihin?" tanong ko sa kaniya sa wakas.

He just gave me a smile before he started to rev the engine.

"Just sleep, Mavi. I know you'll love it."

---

Hindi na ako nakipagtalo pa kanina kay Nicholo at sinunod na lang ang sinabi niyang matulog na lang ako kaya naman iyon ang ginawa ko buong biyahe.

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ng tulog ko. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Nicholo sa aking braso upang gisingin ako.

When we both got out of the car, the sun was already gone ngunit maliwanag pa rin naman ang paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan kami ngayon. Saka lang ako lumapit kay Nicholo nang tawagin niya na ako.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang paalis kami sa malawak na parking lot.

"So, hindi ka pa nga nakapupunta rito?" balik niyang tanong.

Taas-kilay ko siyang tiningnan. "Kung nakapunta na ako rito, ay edi sana hindi ako nagtatanong kung nasaan tayo, ano?" sarcastic kong sagot na nagpahalakhak sa kaniya.

Huminto siya sa paglalakad upang harapin ako.

"Ang sungit mo," nangingisi niyang wika.

His smirk looks so attractive, that's why I averted his gaze immediately.

I gulped. "Sorry. Pagod lang," sagot ko at napatingin na lamang ako sa suot kong sapatos dahil sa hiya na nasungitan ko pa siya.

"Let's go home, then," aniya kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa kaniya.

"What? We traveled so far, then uuwi lang 'agad tayo? Come on, don't mind me. Nakapagpahinga naman ako kanina kahit papaano habang nasa biyahe," I told him.

"You sure?" paninigurado niya.

Tumango ako. "Oo nga."

His smirk became a smile. "Alright. Let's go," pagyayaya niya at tila lumundag na naman ang puso ko nang bigla niya na namang kinuha ang kamay ko sa pangalawang pagkakataon.

Nagpahila lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung saan ba talaga kami pupunta.

"We're here," he declared, kaya naman mabilis akong napaangat ng tingin upang tingnan kung ano ang nasa harapan namin.

Kaagad na napaawang ang labi ko nang mapagtanto kung saan niya ako dinala ngayon.

I looked at Nicholo in disbelief while he was showing in front of my face the two tickets on his right hand.

"Just thought you're gonna like going here?" he asked.

"Like?" I asked back. "I love it! Alam mo bang inabangan ko ang pagbebenta nila ng tickets, pero wala pang ten minutes, ay sold out na 'agad?!" I exclaimed at kaagad kong naitikom ang aking bibig nang magtinginan sa akin ang ibang mga taong dumaraan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nicholo nang dahil doon.

Kasalukuyan kasi kaming nandito ngayon sa harapan ng Architecture Museum na noon ko pa talaga gustong mapuntahan!

Last week, ay nag-announced ulit sila na bubuksan nila ito in public for Valentine's day, pero nung ready na sana akong bumili ng ticket, ay sold out na kaagad! Every month kasi, ay isang beses lang na binubuksan ang museum na ito in public, and I don't know the reason why.

All I care about right now is that, Nicholo got tickets for the both of us.

"Good thing, I have source," he winked. "Here. A Valentine's gift," he said before handing me the ticket.

But, instead of taking it, I walked near him and gave him a kiss on his cheeks bago ko tuluyang kinuha ang ticket mula sa kaniyang kamay.

Ngumiti ako. "Thank you."

At dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa ginawa ko, ay niyaya ko na lang siyang pumasok na kami sa loob. Mas nauuna akong maglakad sa kaniya dahil feeling ko, ay sobrang pula na nang pagmumukha ko sa mga sandaling ito.

God, Mavi. Talaga bang ginawa mo 'yon?!

"Enjoy, Ma'am and Sir," the guard said as soon as we gave away our tickets.

Upon arriving on the inside, pakiramdam ko, ay biglang nawala iyong pang-isang linggong pagod na nararamdaman ko nang dahil sa aking nakikita.

Architectural designs filled my eyes as I started roaming my eyes around. Some architectural blueprints were put in frames at labis kong pinigilan ng sarili ko na hawakan ang mga iyon dahil bawal.

Greek and Roman Classical, Gothic, and Victorian architectural types ang iilan sa mga nakikita kong designs. The rest, ay puro mga Modern architectural na.

Huminto ako sa tapat ng isang frame upang pagmasdan ang nakalagay roon.

"It's nice," I heard Nicholo commented beside me at parang bigla akong nahiya dahil saglit kong nakalimutan na kasama ko nga pala siya ngayon dito.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Kahit na naka-pencil sketch pa lang ang design na tinitingnan namin at wala pang kulay, ay ang ganda at sobrang pulido na nang pagkaka-design ng structure nito. For sure, ay sobrang ganda nito once na ma-build.

Kung kanino mang idea at kung sino man ang gumawa nito, I certainly admired him or her.

"Come. Marami pa ro'n sa dulo," 'aya niya kaya naman sumunod na lang ako sa kaniya.

It took us more than an hour inside before we decided to leave. Parehas kasi naming na-enjoy iyong free lecture ng isang staff about sa isang architectural design na ipinagmamalaki ng museum na ito.

When Nicholo and I both got back inside the car, ay nanatili lamang akong tahimik dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa kong paghalik sa kaniyang pisngi kanina.

I quietly buckled my seatbelts up at ganoon din naman siya.

"Want to eat dinner first?" tanong niya dahilan para balingan ko siya ng tingin.

"Um..."

"Don't worry, it's my treat," aniya pa nang hindi ako nakasagot kaagad.

Napalabi ako.

Nahihiya akong tumanggi sa kaniya at nakahihiya rin namang pumayag dahil libre niya raw. I mean, he already treat me the ticket doon sa may museum, and masiyado naman nang nakahihiya kung pati ba naman dinner, ay papayag pa akong magpalibre sa kaniya.

"No—I mean, okay. Pero, ako naman ang manglilibre ngayon," sabi ko.

Umiling siya. "I don't let women pay for my meal, Mavi," he pronounced.

"Well, let me pay my meal, then," I retorted.

He sighed in defeat. "All right," pagpayag niya na lang bago sinimulang paandarin itong kaniyang sasakyan.

---

It's already dark nang makapag-park kami sa parking lot ng isang restaurant. At first, I thought sa isang fast-food chain lang kami magdi-dinner, pero hindi ko naman in-expect na rito niya kami balak na kumain.

"Table for two," ani Nicholo sa isang waiter na sumalubong sa amin.

The waiter led us to a vacant table before handing us the menu. I was busy roaming my eyes around bago ko kinuha iyong menu na inaabot sa akin nung waiter.

Nang buksan ko ang menu, ay tila bigla akong nagsisi sa pagtanggi kong magpalibre kay Nicholo ng dinner. Pinapasadahan ko pa lang ng tingin iyong mga dishes and desserts, ay tila nabubutas na ang wallet ko nang dahil sa mga presyo nito.

Dito pa yata mauubos ang allowance ko.

"Nakapili ka na?" tanong ni Nicholo.

Umiling ako dahil sa totoo lang, ay hindi ako makapili kung ano nga ba ang o-order-in ko.

E, kung coffee na lang kaya?

"Nahihirapan ka po bang pumili, Ma'am?" the waiter asked.

"Uh, ano'ng in-order mo?" tanong ko kay Nicholo na nakatingin pa rin sa menu hanggang ngayon.

He gazed at me. "Hmm, spicy pork tenderloin with apples and sweet potatoes," sagot niya na kaagad namang inilista nitong waiter sa maliit na book na kaniyang hawak.

Ano raw?

Mabilis tuloy akong napatingin sa menu upang hanapin iyong dish na sinabi niya. God, nagmumukha akong walang kaalam-alam dahil hindi ako pamilyar sa mga pagkain na nakalagay rito sa menu nila!

Hindi naman kasi ako sanay na kumain sa mga restaurants na kagaya nito!

"Um, cardamom maple salmon and iced tea, please," I said and the waiter write it down immediately.

He gave us a wide smile. "Is that all?"

Tiningnan ko si Nicholo na tiningnan din ako. Tumango ako.

"Yes. That'd be all," Nicholo replied.

"Alright. I'll serve your meals right away, Ma'am and Sir!" he said merrily and I even caught him giving Nicholo a wink before finally leaving us to get our orders.

Kumunot ang noo ko.

"Hey," tawag ni Nicholo kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?" kunot-noo ko pa ring tanong.

"Nag-enjoy ka ba kanina?" balik niyang tanong at doon pa lang tuluyang nawala ang pagkakakunot ng aking noo.

Mabilis akong tumango. "Oo naman. And, I'm sorry about... um, you know?"

"Sa paghalik sa pisngi ko?" walang preno niyang sabi at pakiramdam ko, ay muli na namang umakyat ang dugo sa mukha ko.

Napaiwas ako ng tingin. "Yeah. Um, ganoon lang talaga ako kapag masaya."

"So, kapag napasaya kita ngayon, gagawin mo ulit 'yon?"

Napaawang ang labi ko bago ako muling napatingin sa kaniya.

"H-Ha?" nauutal kong tanong. Pasimple akong huminga nang malalim dahil nag-uumpisa na namang bumilis ang pagtibok nitong puso ko.

Isang ngiti ang kaniyang pinakawalan bago siya umiling.

"Nothing. I'm glad that I made you happy."

Pagkatapos no'n, ay hindi na ako nakaimik pa. Mabuti na lang din at nagsimula nang i-serve ang mga pagkain na in-order namin.

We both ate in silence at in-enjoy ko na lang itong pagkain na in-order ko para naman masulit ko ang ipangbabayad ko rito kahit papaano.

Tumigil ako sa aking pagkain upang uminom ng iced tea. After that, ay tiningnan ko si Nicholo dahil may gusto akong itanong sa kaniya.

"Bakit pala ako ang niyaya mo?" I asked that made him halted from eating.

Uminom naman muna siya ng tubig bago ako binalingan ng tingin.

"Well, when I heard about that museum, ay ikaw 'agad ang naisip ko," he smiled while my heart pounded. "You know. Pang-motivate lang para mas lalo kang ganahan na i-pursue ang pagiging architect," sagot niya pa.

Napalabi ako.

"Besides, sino naman ang ibang yayayain kong pumunta roon?" tanong niya habang bahagyang nakakunot ang noo.

Napakibit-balikat ako. "Iyong kausap mo sa parking lot kanina?" I questioned back.

Honestly, ay kanina pa talaga nangangati ang dila ko na itanong kung sino ba ang babaeng 'yon, but I hardly fought myself to do that dahil baka mamaya, ay kung ano pa ang isipin niya.

"Si Khloe?" Hindi ako umimik. Iyong bahagyang nakakunot niyang noo, ay nawala na. "She's the source I was talking about earlier. Sa kaniya ko binili iyong tickets nating dalawa," aniya na tuluyang nagpatikom ng aking bibig.

"Bakit? Ano ba ang iniisip mo?" tanong niya at hindi nakaiwas sa akin ang tila nang-aasar na tono sa boses niya.

"Wala," maagap kong sagot. "Ano ba ang gusto mong isipin ko?"

Nangingiti na lang siyang napailing bago niya muling binalingan ng pansin ang kaniyang pagkain.

"Wala rin," mahina niyang sagot. "Mali yatang inisip ko na nagseselos ka."

---

Hanggang sa makauwi na kami, ay hindi na nawala sa isipan ko ang mga huling sinabi ni Nicholo sa may restaurant kanina. Nagpanggap lang ako na kunwari, ay hindi ko narinig iyon, pero ang totoo, ay malinaw na malinaw iyong narinig ng dalawang tainga ko.

Bakit niya naman inisip na nagseselos ako sa babaeng 'yon? Kaya ayaw kong banggitin ang tungkol doon dahil alam kong may kung ano siyang maiisip.

At saka, bakit naman ako magseselos? Hindi ako nagseselos. I was just really curious about that girl, and nothing more.

Besides, wala naman akong karapatan na maramdaman 'yon, 'di ba?

Napailing na lang ako.

Tinanggal ko na ang seatbelts ko at isinukbit ko na rin ang aking bag sa balikat ko bago ko niyakap ang bulaklak na ibinigay niya.

Nag-angat ako ng paningin sa kaniya.

"Happy Valentine's, and thank you for bringing me at the architecture museum. Sobrang na-appreciate ko 'yon, Nicholo," nakangiti kong sabi sa kaniya. "And, sa dinner," dagdag ko pa.

Paano ba naman kasi, kahit na sinabi kong ako ang magbabayad nung kinain ko, ay nagpumilit pa rin siya. Pero, hindi niya pa napapansin ngayon na pasimple akong nag-iwan ng pera sa may dashboard kanina habang hindi siya nakatingin.

"You're welcome. You deserved it, Mavi," he said and smiled. Pakiramdam ko, ay biglang natunaw ang puso ko nang dahil sa ngiti niyang iyon. "Sige na. You need to rest."

Tumango ako. "Okay. Um, thank you ulit sa treat. Mauuna na ako," pagpapaalam ko bago tuluyang bumaba mula sa sasakyan niya.

Handa na sana akong buksan ang gate namin, pero muli akong napalingon sa kaniya nung tawagin niya ako.

"Rest well," bilin niya. "And it's not just a treat. It's a date. Just so you know," seryoso niyang sabi na nagpatulala sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa mai-park niya na iyon sa tapat ng kanilang bahay.

Mas lalo lang tuloy akong napayakap sa bulaklak na ibinigay niya bago ako ngiting-ngiti na pumasok sa loob ng bahay namin.

Ngunit tila bulang nawala ang sayang nararamdaman ko nang makita ko sina mama, papa, at Moren na magkakatabing nakaupo sa may sofa habang pare-parehong nakatingin sa tatlong malalaking luggages na nasa harapan nila.

"A-Ano'ng meron?" tanong ko, kaya naman sabay-sabay silang tatlo na napalingon sa akin.

"Anak, nandito ka na pala!" masayang sabi ni papa bago siya tumayo at inakbayan ako.

"Kanino po 'yang mga 'yan?" tukoy ko sa mga luggages.

"Sa atin," nakangiting sagot ni papa.

Pakiramdam ko, ay biglang may dumagan sa dibdib ko dahil bigla itong bumigat. Tila ayaw ko na yatang marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni papa.

"Natanggap na ako sa in-apply-an kong trabaho sa London," he informed happily.

"Magmi-migrate na raw tayo, Ate," dagdag pa ni Moren.

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
24M 833K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
10.2M 639K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...