Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 25

837 15 55
By julliacath

Kabanata 25

Lunchbox


''So, you mean to say na every break time, sa condo ka ni Jarrell dumidiretso?''

Tumango ako sa tanong ni Bea at saka muling pinintahan ang canvas na nasa harap ko. It was a parrot who was able to free himself from a bird cage, flying without restraint. Malayang nakakalipad at nakalayo sa pumipigil sa kaniyang kulungan.

Napairap ako dahil sa pagtakip niya ng bibig dahil sa gulat. I thought she knows it already. Wala naman akong ibang pupuntahan kung hindi si Jarrell lang, e. Since hindi na kami nagpapansinan ni Cy, at palagi na lang siyang mag-isa, kami na lang ni Bea at Stephen ang madalas magkasama. 

I'm sometimes with Liana, too, but she was often times pre-occupied with her papers. Hindi naman kasi 'yon mahilig mag-procrastinate atsaka may inaasikaso rin siya sa org namin. Idagdag pa na may Toran pang asungot. Madalas tuloy ay nakakasama ko lang siya tuwing mayroon siyang free time.

Sinulyapan ko ang phone ko upang tignan kung may mensahe na si Jarrell ngunit nabigo lamang ako nang makita na wala. He texted me last night saying that they have arrived, but after that, wala na. Sinabihan niya naman akong iu-update niya ako pero bakit ang ilap niya sa text? 

Mas naiisip ko tuloy na puntahan siya.

''Anong ginagawa mo ro'n, kung gano'n?'' tanong niya at pumalumbaba habang pinapanood ako. Her eyes were really, really malicious.

Ngumuso ako. Ano bang sasabihin ko? Na nagbo-bonding kami sa kama? Gano'n?

''Well..'' I paused. ''We watch on netflix?'' Ngumiwi ako.

Humagalpak siya ng tawa. Pumalakpak pa nang ilang beses. I bit my lips, stopping myself from laughing, too.

''Netflix?'' pag-uulit niya. ''Netflix and chill kamo!'' Tumawa na naman siya.

''Hindi chill kasi hard 'yong sa amin.'' Humalakhak ako. 

Totoo naman! Everytime we do it, it was always hard and rough! Minsan nga'y nahihirapan na akong maglakad dahil sa pagiging marahas niya, e! Hindi naman ako makapag-reklamo dahil gusto ko rin naman. Maybe I have to try asking him to do it in vanilla next time? 

Nanlaki ang mata niya. ''Hard?! Talaga?'' Kumapit siya sa braso ko. Umusog ako nang kaunti dahil ang higpit ng hawak niya sa 'kin! ''Oh em gee! Ano? Kumusta naman ang performance niya?! Pasado ba?'' 

''Puwede nang pang-international,'' sagot ko na nagpatili kay Bea. Oh God!

''Shet! I knew it!'' She looked at me from head to toe, then leaned on me after. ''So ilang beses ninyong ginagawa? For sure, malakas ang stamina niya!''

''Hmm..'' My lips twiched. Binaba ko ang paint brush at saka humawak sa baba para mag-isip. Now that I'm thinking about it.. parang hindi ko mabilang! ''Let's say.. three times a day?''

Nanlaki na naman ang mga mata niya. ''Three times a day?! Ano 'yan, breakfast, lunch, at dinner mo, Lucy?!''

Itinaas ko ang kamay ko at sinenyasan siyang lumapit. I laughed when her expression looked like she's about to hear the biggest news of her life! E', sex life ko lang naman 'to!

''May midnight snack pa minsan,'' I whispered.

Nalaglag ang panga niya. Muli na akong tumagilid ako bumalik sa pagpipinta dahil puro kagagahan lang naman ang tinatanong ni Bea. Kahit papaano naman, nahihiya ako 'no! Privacy pa rin namin 'yon! But since nagtanong siya, sinagot ko na lang. But I still have to control the things I would say!

''Dapat sa 'yo, bigyan ng award!'' aniya na tila tuwang-tuwa. ''Malas ka nga sa academics, swerte ka naman sa sex life!'' Humalakhak siya na rinig na rinig sa buong kwarto ko.

Napatigil ako. I don't know if it was supposed to come out as a compliment or not. Because honestly, I have been stressed out because of school. Ang baba ng grades ko, hindi maayos ang performance ko sa klase, at hindi maganda ang mga feedback ng papers na pinapasa ko! Muntik na nga akong bumagsak at hindi makapag-proceed sa second sem!

''O', ba't napatigil ka?'' puna niya dahil hindi ko naituloy ang pipintahan ko sanang ulap.

''Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba ako sa sinabi mo,'' diretsa kong sagot.

Umawang ang labi niya. She must have felt the annoyance on my tone. 

''Ay, sorry..'' Ngumuso siya. Bumuntong hininga na lamang ako bilang sagot. Muli kong sinulyapan ang phone ko pero mas nawalan lang ako ng gana nang wala pa ring kahit anong mensahe mula kay Jarrell. ''Anyway, malapit na tayong mag-fourth year, Lucy.. As much as your sex life is entertaining, sana, mas magkaroon ka na ng oras sa acads.''

''What do you mean?'' kunot noo kong tanong.

''E', s'yempre, you spend most of your time with him. For me lang ha?'' she paused. ''Parang you're more focused on him than your responsibility as a student. Hindi na siya healthy.''

My brows furrowed. I know what she meant. But for the past months that I have been having a hard time with my requirements, I'm sure it was my fault. Hindi naman kasalanan ni Jarrell. Besides, it was my choices. 

Saka, napasa ko naman ang subject ko, ah?

''I can handle it, Bea. No need to worry.''

She sighed. ''Hindi ko sigurado 'yan. Masyado kang naka-focus kay Jarrell. Dikit ka nang dikit.'' Umiling-iling siya. ''Tuwing may paper na due, late mo nang napapasa. Kadalasan pang humihingi ka ng tulong sa iba. Not that I'm against, but can't you see? You're sacrificing the time you could have spent with your academics.''

Her tone was dripping with disappointment. Napatungo na lamang ako. I understand her. But what can I do? I love Jarrell. And it is my obligation to be with him.

Umiling-iling siya. ''Have he even said that he loves you?''

Napatigil ako. 

No.

He hasn't.. yet.

Simula noong naging kami, hindi niya pa sinasabing mahal niya ako. Ni ang pagsabi kung gusto niya ba ako ay kailanman ay hindi ko pa naririnig.

But.. is that an issue? Sa aming dalawa, alam kong mas mahal ko siya. At ang pagbigay niya ng atensyon ay sapat na sa akin. 

Kung hindi niya pa ako mahal, ayos lang. Dahil ako, mahal ko siya. 'Yon ang importante.

''It doesn't matter. Please, Bea?'' I sighed. ''I don't know why you're asking me this when clearly, my life is not your business.''

Lumunok siya. ''I'm just worried, you know,'' aniya. ''Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo. Hindi mo tuloy matapos 'yang painting. Hindi pa ba nagre-reply?''

Umiling ako. ''Hindi pa.''

''What's his last update?'' she asked.

''Sabi niya sa huling message niya e' nakarating na sila ro'n,'' wika ko sa tonong dismayado. ''Pagkatapos no'n, wala na siyang update. Puntahan ko kaya?''

She gave me a disgusting look. Wala namang masama! Kung pupunta ako ro'n, walang mawawala sa 'kin. Kilala naman ako ng team mates niya, e! Besides, hindi siya naga-update sa 'kin. An ounce of courtesy would be great. I am his girlfriend!

''Private moment 'yun, gaga! Bakit ka pupunta?''

Kumamot ako sa ulo. ''Nag-aalala ako.''

''Nag-aalala ba talaga o nami-miss mo na?'' Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dumiretso sa mini fridge rito sa kwarto ko. Napanguso ako dahil sa sinabi niya. ''Saka.. kung pupunta ka ro'n, gagabihin ka lang. It's already 3PM. Ilang oras bago makarating sa Batangas.''

''Okay lang. Wala pa namang pasok,'' sagot ko.

Ipagluto ko kaya si Jarrell? He loves chicken adobo. Madali lang 'yon lutuin at kung magsisimula na ako ngayon, mabilis lang akong matatapos. I'm sure makakarating ako nang maaga-aga.

''Nakakahiya! Ano ka ba!'' Hinampas niya ako dahil lalabas na sana ako ng pinto. Napa-aray ako dahil sa sakit. ''I-text mo na lang o 'di kaya e' tawagan! Kaloka ka, Lucy!''

''E', hindi nga siya nagre-reply!  Akala mo walang girlfriend, e.'' Umirap ako. ''Kilala naman ako ng team mates niya! I'm sure they would be delighted to see me!''

''They would, if it's a normal day in summer. Kaso, celebration nila 'yon dahil sa championship nila! Siguradong mas gusto nilang sila-sila lang ang naroroon at walang outsider!'' aniya at binigyang diin ang huling salita.

''You wouldn't know unless you do it,'' I said then went out of the room. Agad akong nagluto ng chicken adobo. Medyo pamilyar na ako sa paggawa dahil ilang beses na rin akong nagpaturo kay Manang simula nang natuto akong magluto ng sinigang. I enjoyed it that's why asked for her guidance para sa iba pang putahe. Kaya rin mabilis ko lang natapos ang pagluto ngayon.

''Pupunta ka talaga, Lucy?'' ani Bea habang hinahanap ko ang wallet ko rito sa kwarto. I'm kind of nervous but it's fine. Sigurado naman akong magugustuhan ni Jarrell ang presensya ko ro'n. Maybe there is no signal there, reason why he hasn't replied yet. 

Kaya ako na lang din ang pupunta ro'n. Kaysa magmukmok ako rito, pupunta na lang ako sa kan'ya.

''Yup,'' sagot ko.

''E', pa'no? Mago-overnight ka rin do'n? Resort 'yon, 'di ba?''

Sandali akong napaisip bago tumango. Oo nga pala. May ilang araw pa sila ro'n. Kung magse-stay ako, baka magtaka si Daddy. Hindi na nga ako magpapaalam tapos mawawala pa ako ng ilang araw. I guess I will just stay for a night then uuwi na lang din ako kinabukasan.

''I'll go home tomorrow.''

Kinuha ko iyong maliit kong duffel bag at naglagay ng ilang damit at undergarments.

''Sama ka?'' tanong ko sa kan'ya. ''I can lend you some clothes.'' Tinuro ko ang malaki kong cabinet.

''Wala akong kilala ro'n.''

''Sus. Crush mo nga 'yung coach.'' Malakas akong humalakhak. ''Ayaw mo no'n? Your DILF fantasies would be satisfied.'' I laughed harder.

Hinampas niya ako at wala na ring nagawa kung hindi ang sumama. We quietly went out of the mansion. Walang tao bukod sa aming dalawa dahil may pasok 'yung tatlo. Magte-text na lang ako mamaya at baka hindi pa ako payagan.

''Matutuwa kaya 'yang boyfriend mo kapag nakita ka ro'n?'' biglaang tanong ni Bea sa kalagitnaan ng byahe.

''Of course,'' I answered. ''Why would he not?''

''I believe it would nice if you send him a text.'' She shrugged. ''Do you really know him? Baka mamaya magulat 'yon na makita ka. Ikaw rin.''

Ngumuso ako. Nang makarating na kami ng Batangas ay saka pa lamang ako nag-send ng text. I don't think seeing me would be an issue. Baka nga matuwa pa siya, e!

Agad akong bumaba nang makarating sa resort kung nasaan sila. With my black one piece and high waisted shorts, I confidently entered the lobby. Sa likod ko ay si Bea na nakasunod.

''Hi,'' bati ko sa staff na nasa front desk. 

''Good morning, Ma'am! Do you have a reservation?'' She smiled. 

I bit my lips. Wala akong reservation. I went here based on my impulse. Hindi ko tuloy alam kung magbo-book ako o makikitulog sa kwarto ng boyfriend ko. Jarrell's here, but it is not a guarantee that he has a room for himself. Baka mamaya may kasamang iba 'yon sa kwarto, e.

I confidently flipped my hair to prepare myself for my next move. Siniko ako ni Bea, nagtataka. Kaya kininadatan ko na lamang siya bago muling humarap sa staff na nakangiting naghihintay sa sagot ko.

''I'm with the basketball team.'' Tumikhim ako. ''Where are they? Nahuli kasi ako, Miss. Alam mo na, kailangang grand entrance.'' Kaunti kong binaba ang salamin ko at tinaas baba ang kilay. 

''Pfft,'' Bea tried not to laugh. Siniko ko siya. Panira naman 'to, e! Baka mahalatang niloloko ko lang siya!

''Oh! Kayo po ba 'yung binilin ni Miss Ely na parating?'' aniya habang may tinitignan sa logbook. ''Tamang-tama po pala 'yung dating ninyo, Ma'am! Nasa pool area na po sila!''

Nanliit ang mga mata ko. Ely? 'Yung nasa museum?

''Ely?'' I asked, trying not to sound like I don't know her.

''Yes, Ma'am. Kayo po 'yung kaibigan niya, 'di ba? Si Miss Deanna?'' Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin ni Bea.

Ilang beses akong napakurap bago tumayo nang tuwid. I didn't know that she's here. I thought this is only for the players. Obviously, hindi naman siya basketball player ng school kaya bakit siya nandito? Weird. Ayokong mag-isip ng masama pero ang tanging connection niya lang naman sa basketball team ay si Jarrell.

Is he the reason why she's here?

''Oh! Yes! I'm Deanna.'' I laughed awkwardly. Inilibot ko ang tingin habang muling nagsalita. The place is nice but I have no time to appreciate it. Mamaya na lang kapag nakita ko na si Jarrell. ''Saan ang pool area rito?''

''To your left, Ma'am! Di-diretso lang po,'' sagot niya. ''Paki-sulat na lang din po ang pangalan ng kasama ninyo.''

Hindi ko na 'yon pinansin at nag simula nang maglakad. Kaya naman na 'yon ni Bea.

This is weirding me out. That Ely is here when she's clearly not affiliated with the team, as far as I remember. Sinusubukan kong isipin kung anong dahilan kung bakit siya nandito pero wala talaga akong maisip. I'm sure this would also be awkward because she's the reason of our argument last time. Bigla tuloy pumait ang pakiramdam ko.

Nakarinig ako ng ingay nang kumanan ako. It's already 9PM and there are alot of people here in the lobby. Paniguradong mga nagpa-party ang mga naririto. Mabuti na lang at maayos ang fit ko dahil kung hindi, paniguradong maa-out of place lang ako. Not to mention that I'm carrying a paper bag with a lunch box! So much for a thoughtful girlfriend!

Nang humakbang na ako sa hagdanan upang makaakyat na sa pool area ay saka ako dinapuan ng kaba. Parang gusto kong bigla na umurong. 

Paano kung hindi ma-out of place lang ako? Sure, I know his team mates. Sure, my boyfriend's here. But.. this is not my celebration. Baka hindi nila magustuhan ang presence ko?

''Ba't ka huminto?'' hingal na wika ni Bea. Hinawakan niya ang kamay ko. ''Tara na! Iniwan mo pa 'ko, tapos bigla kang titigil diyan! Tara na't magpakita ka na sa boyfriend mo!''

I bit my lips as I followed her. I can clearly hear Javier's voice from here!

''Kiss na kasi, bro!'' He shouted.

My brows furrowed. Napatingin naman sa akin si Bea kaya mas lalo akong nagtaka. Mas lalong tumibay ang kagustuhan kong huwag na lang tumuloy. I'm really, really nervous. And they sound like they are enjoying!

''Kiss lang kasi, Jarrell! Arte mo naman, bro!'' sigaw ng hindi pamilyar na boses. Kalaunan ay nagtawanan ang mga baritionong boses. 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Kiss? What? Si Jarrell? Are they pairing him to someone?!

Kumulo ang dugo ko at tila nag-init ang pisngi ko. Agad akong umakyat upang makarating nasa pool area. Naabutan ko silang nagkalat ro'n. Some are in the lounging chairs while most of them are sitting on the floor. Maraming nagkalat na beer at chichirya sa sahig. Lahat sila ay topless at tanging short shorts lang ang suot. Napalunok ako.

They were pushing Jarrell to someone. Ang lintek ko namang boyfriend ay nangingiti habang tinutulak siya! At nang tinapunan ko ng tingin kung kanino siya tinutulak, nag-simulang umusbong ang galit sa akin. 

They are pushing him to Ely! Ang lintek na team mates ng boyfriend ko ay ipinagkakanulo siya ro'n! And worse, both of them look like they are enjoying it!

''Kiss lang! 'To naman, parang 'di ex si Ely!'' wika ni Bryan, isang team mate.

''Oo nga! Parang dati lang hindi kayo mapaghiwalay, ah? Ngayon ayaw ninyo nang magtabi!'' singit ni Kobe.

My face heated. 

Ex. 

So she's the fucking ex Nicka was talking about.

Kaya pala may naramdaman na akong kakaibang koneksyon sa kanila noong nasa museum kami. They looked really comfortable to each other that time.

At ngayon, nandito siya, kasama ang boyfriend ko.

Na dapat ay sa akin tinutulak. Sa akin ipinagkakanulo.

Nanatili akong nakatayo sa gilid habang pinapanood sila. I felt Bea's hand on my elbow but I only flinched. I know she wanted to comfort me but I need to see what's happening.

''No, dude. No..'' Humalakhak si Jarrell. ''We're not here for that,'' dagdag niya. Nangingiti pa rin.

''Naghihintay si Ely, o'!'' Tinuro ni Kobe si Ely na naka-pout habang nakaupo sa lounge chair. I swallowed hard. 

She's pretty.. How can I even compete with her? She is his ex.

''Naiinip ka na ba, El? Torpe 'tong bata ko, e!'' wika ni Bryan, umiiling-iling.

Ely chuckled. ''Medyo.''

Tangina.

Sabay-sabay na tumawa at pumalakpak ang team mates niya nang marinig iyon. I swallowed hard when I felt a pang of pain dripping on my chest. I don't think I can handle this.

Parang wala manlang ginagawa si Jarrell. 

Fuck it.

''Dude! Dude! Naghihintay na si Ely!'' Muli siyang hinila. ''Bakit ba ayaw mo? Single ka naman, 'di ba?''

Parang bumagal ang mundo ko. Alam kong hindi alam ng lahat ang relasyon namin, but I atleast expected that his team mates know about us. Alam dapat nila. They saw us together! On their practice games! On their UAAP matches! But hearing this question, I don't think.. it mattered.

''Ano? Single ka ba, dude?''

Tinignan siya ng lahat, nag-aabang sa sagot niya. Even Ely looked at him. Biglang natahimik ang lahat para lang marinig ang sagot niya.

I know. I'm confident about this. He would say yes. Kahit ayaw niyang ipagkalat, alam kong hindi niya ako itatanggi. I'm sure of it.

''Single ka ba, dude?'' pag-uulit ni Kobe.

Lumunok si Jarrell bago sumaagot. ''Yes..'' he answered intently. ''I'm single. Wala akong girlfriend.''

Naghiyawan ang lahat. Agad na lumapit sa kan'ya si Ely at hinalikan siya sa pisngi. Jarrell was shocked that he wasn't able to move. Yinakap siya ni Ely pagkatapos.

Napatakip ako ng mata. I can't. Hindi ko 'to kayang makita.

''Lucy..'' tawag ni Bea, malungkot.

Saka ko lamang napansin na pinigilan ko pa lang huminga. A teardrop fell on my cheek as I held on to my chest.

Tinanggi niya ako. Tinanggi niyang girlfriend niya ako. Tinanggi niyang may Lucy sa buhay niya.

All along I was so proud to have him. I was so happy to be his girlfriend. Because finally! Napansin niya na ako! 

Pero tangina, one-sided lang pala.

Ano ako, girlfriend niya lang tuwing walang nakakakita? Walang nakakarinig?

I was specially taken care of since I was a child. Lahat ng gusto ko, binibigay ni Daddy. I received special attention compared to my older brothers. Nasanay akong inalagaan at ipinagmamalaki ng pamilya ko.

Pero si Jarrell? His stupid ass denied me! He denied my existence as his girlfriend!

Hindi ko kailanman inakala na mararanasan kong masaktan. Isang salita lang 'yon pero para na akong pinukpok sa sakit. Hinihiwa ang puso ko at hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maiyak.

''Huwag ka nang umiyak, please.. Umuwi na lang tayo. Ihahatid kita..'' Hinarangan niya ang paningin ko. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na tumutulo at pinigilang humikbi. ''Saka na kayo mag-usap. Huwag ngayong galit ka..''

Tumayo ako nang tuwid. Ngayond ganito lang pala ang maaabutan ko rito, hindi ako uuwing luhaan at agrabyado. I would make sure that he would know about my presence!

''Tabi, Bea,'' wika ko habang nanginginig ang boses.

''Lucy, please.. Not today..''

Umiling ako at saka kinuha ang lunch box na may laman na chicken adobo. Nilampasan ko si Bea at saka mabilis na lumapit kay Jarrell.

Bumwelo ako at agad na binato 'yon sa kan'ya. 

''Fuck you!''  sigaw ko. 

Tumama sa ulo niya ang lunch box at agad na bumagsak sa sahig. Nagulat ang lahat nang tumunog ang pagkabagsak at nang unti-unting tumulo ang sabaw sa katawan ni Jarrell. May kaunting dugo na namuo ro'n pero wala akong pake! He hurt me! He deserve that!

''Single ka?!'' sigaw ko sa kan'ya at saka siya tinulak. Gulat siyang inangat ang tingin. ''Single ka pala, e! Edi tangina mo! Mamuhay kang mag-isa!'' Sinampal ko siya dahil sa galit. Agad na bumakat ang palad ko sa kan'ya. His lips parted but I couldn't care less. The only thing I could feel now is hatred and anger. ''Magsama kayo niyang Ely na 'yan tutal single ka naman palang gago ka!''

Tumalikod ako at saka pinunasan ang tumutulong luha. I guess this is where my love ends.


Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 95 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...
47.4K 1.5K 16
story of 13 brother who fell in love with their step sisters.
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
24.1K 782 53
Escaping from the attack in La Corona, Elizabeth Green was relocated to the Philippines where she met Louis Paulsen, her knight in shining armor or m...