Fucker Series #6: YLLER

Enaruol द्वारा

34.1K 1K 643

Yller M. Newz is a renowned attorney and a bar top notcher, who would have thought that Attorney Newz who nev... अधिक

INTRODUCTION
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
Author's Note
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHPATER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 3

1.6K 50 16
Enaruol द्वारा

Matapos maisaayos si Yller sa loob ng sasakyan, madaling umupo si Hier upang magmaneho.

'Tangina, ano nang gagawin ko? Haist, Yller naman!'

Nang makauwi ay agad niyang tinawag ang isa sa mga tauhan nila sa bahay upang matulungan siya sa pagbuhat kay Yller.

'Ang bigat naman kasi'

"Dalhin natin siya sa guest room"

"Sige po"

Binuhat nila si Yller papunta sa nasabing kuwarto. Hindi maintindihan ng tauhan kung bakit nakabalot sa kumot ang natutulog na lalaking iyon, napangiwi ang tauhan nang maamoy ang alak sa katawan ni Yller.

'Lasing pala'

Maayos nilang dinala si Yller sa kuwartong iyon, agad na umalis ang tauhan at naiwan si Hier na palakad-lakad sa loob, iniisip kung ano ang magandang gawin.

'Paano kung magreklamo ang kabilang panig? Ni-rape nitong mokong na 'to ang babaeng iyon. Aishhh, kainis. Kailangang malaman ni tito ang ginawa mo Yller, kung ano man ang desisyon ng daddy mo... Bahala na.'

Inilabas ni Hier ang kaniyang cellphone at tinawagan ang ama ni Yller.

Nagising si Mr. Newz nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Napakunot ang noo niya dahil ang tumatawag ay si Hier, kaibigan ng kaniyang anak.

"Hello Hier?"

"Tito, may malaking problema."

"Ha? Ano ba ang problema mo?"

"Hindi ako ang may problema kundi ikaw. Mas gusto kong sabihin sayo ng personal, pumunta ka dito sa bahay. Tungkol kay Yller ang sasabihin ko."

Napabalikwas si Mr. Newz nang marinig ang kaniyang sinabi. Agad siyang kinabahan lalo pa't hindi umuwi sa bahay nila ang kaniyang anak.

"Sige, papunta na ako."

Nagmadali si Mr. Newz sa pag-aayos ng sarili, nagpalit din siya ng kaniyang damit upang mas maging presentable.

"Saan ka pupunta?"

"Sa bahay ng mga Dalli, may problema... Hindi ko alam kung ano."

Napatango si Mrs. Newz dahil alam nito na ang Dalli ay isa sa kliyente ng kaniyang mister.

Sikat na abogado si Mr. Newz, kung kaya't minsa'y umaalis ito ng alanganing oras lalo na kung may problema ang kaniyang mga kliyente.

"Sige, ingat."

Hinalikan ni Mr. Newz ang asawa bago umalis sa kuwarto. Nagmadali siyang sumakay sa kotse at nagmaneho. Sa tuwing ganito ang kaniyang nararamdaman, may masamang nangyari. Hindi pa pumapalya ang kaniyang pakiramdam.

Nang makarating sa bahay ng mga Dalli ay agad siyang sinalubong ni Hier.

"Nasaan na si Yller?"

"Nasa kuwarto, sumunod ka sa akin tito."

Hindi sila dumaan sa harap ng mansyon kundi sa likod nito. Ang mga magulang ni Hier ay mahimbing na natutulog at wala silang kaalam-alam na mayroon silang bisita sa oras na iyon.

Mula sa likuran na bahagi ng mansyon, dumaan sila sa isang mahabang pasilyo, kusina tuwing may handaan at sa malawak na sala. Umakyat sila sa pangalawang palapag ng mansyon, pumunta sila sa isang kuwarto. Doon nadatnan ni Mr. Newz na nakabalot sa puting kumot ang kaniyang anak.

Agad siyang naluha at mabilis na siniyasat si Yller, nakita niyang humihinga pa ito kung kaya't nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Mabilis niyang tinanggal ang kumot at sumambulat sa kaniya ang hubad na katawan nito. Agad na napakunot ang kaniyang noo nang makita ang kalmot nito sa braso at bakas ng kuko sa ilang bahagi ng katawan ng kaniyang anak.

"Mr. Newz, hindi biktima ang iyong anak. For goodness, nang gahasa si Yller."

Nang sinabi iyon ni Hier ay nabingi si Mr. Newz at hindi makapaniwala.

"Anong sabi mo?"

"Yller raped a woman in the campus. His illness attacked him while doing it to her. The girl's body is full of bruises. We left her where she got raped."

"Hindi no masasabing nanggahasa si Yller dahil nakita mo sa akto na ginagawa nila iyon, that will not count as rape if that woman also wanted what happened between her and my son."

"How do you explain those bruises in her body? I'll hack the unversity's system and look if I could got an evidence."

Tumango si Mr. Newz at hinayaan niyang kumilos si Hier. Wala pang limang minuto ay nakita nila sa monitor ng laptop ni Hier si Yller, kasama ang isang babae at naglalakad sila hanggang sa makapunta sa abandunadong silid. Doon nasaksihan ng ama ni Yller kung paano magmakaawa at humingi ng tulong ang babaeng kasama nito.

Hindi makapaniwala ang ama ni Yller sa ebidensyang nakalap ni Hier.

"Hier, delete all the footage in the university's system. Save this video and hide it."

"Why will I save this one?"

"Tampered the video. Gumawa ka ng video na hindi makikitang magkasama ang babaeng iyan at ang anak ko."

"Atty. Newz, bawal ang ginagawa mo."

"Para sa anak ko 'to Hier. Kailangang walang makaalam sa lahat nang nangyari."

Bumalik sa ala-ala ni Mr. Newz ang sinabi ng isang taong hindi niya matalo-talo sa tuwing magkaharap sila sa korte.

'Kung walang ibedensya, gumawa ka o palitan mo kung kinakailangan. Walang malinis na abogadong tumatagal sa korte.'

Hindi akalain ni Hier na naging kasabwat na siya nang walang kaalam-alam. Para sa kinabukasan ng kaniyang kaibigan ay pinili niyang gawin ang mali.

'Paano kung malaman ng lahat ang ginawa ni Yller? Iimbestigahan siya at kung sakaling malaman ng korte ang kaniyang kalagayan ay tiyak na hindi na siya magiging abogado.'

Makalipas ang isang oras, ay naisaayos na ni Hier ang lahat. Pinalabas niya na sinundo niya ang kaibigan at lahat ng mga CCTV na dinaanan ni Claudia ay sinira niya. Upang hindi mahalata na sinadya nila ang lahat sinira din nila ang ilang mga CCTV kamera sa iba pang bahagi ng eskuwelahan.

Matapos iyon ay pinasok ni Hier ang sistema ng namamahala para sa enerhiya ng buong bansa. Mula sa sistema na iyon ay pinahinto niya ang pagdaloy ng elektrisidad sa unibersidas ng 30 minuto.

"Maayos na ang lahat."

"Salamat Hier, hindi ko akalain na magagawang manggahasa ng anak ko."

"Sa pagkakakilala ko kay Yller hindi naman niya iyon gagawin basta-basta kung walang nagtulak sa kaniya, hindi siya nakikinig kung kanino lang... Ano ang nagtulak sa kaniya na gawin ang lahat?"

"Alak"

"Kahit nakailang inom pa si Yller ay hindi niya iyon magagawa."

Napaisip si Mr. Newz at ang inalala kung ano ang nagtutulak sa mga salarin na manggahasa, parang may bumbilyang umilaw sa isipan ni Mr. Newz. 

"Droga, hindi kaya sumubok mag droga si Yller? O di naman kaya ay dinroga siya?"

"Malalaman natin kung sumubok siyang magdroga o dinroga siya mamayang paggising niya. Ang magagawa natin ngayon ay siyasatin ang kaniyang dugo kung sakaling naglalaman ito ng kemikal na tulad ng sa droga."

"Hindi ko puwedeng basta tawagan ang mga koneksyon ko patungkol dito, wala akong pinagkakatiwalaan sa ngayon dahil sa bigat ng mga kasong hawak ko. Kung sakaling malaman na may droga ang dugo ni Yller at magsampa ng kaso ang babaeng iyon maaari akong baliktarin ng taong kukuhanin ko. Masyadong marumi ang pinili kong landas."

"Ako na bahala, may inimbento ako at naaprubahan na ito ng DOST at ibinenta ko ito sa Jone's Hospital. Nasaakin pa ang isang teknolohiyang hindi naibigay sa isang ospital na pagmamay ari ng Jones. Maaari natin iyong gamitin."

"Para saan ang teknolohiyang iyon?"

"Kapag kumuha ako nang sampol ng dugo ni Yller at inilagay ko doon, susuriin iyon at malalaman natin kung ano ang mga kemikal na bumubuo sa dugo. Kung sakaling nakagamit siya ng droga ay makikita rin natin sa loob lang ng 3 minuto."

"Sige ikaw na bahala Hier."

Agad na kinuha niya ang nasabing kagamitan at dinala iyon sa kuwarto kung saan nakahiga ang kaniyang kaibigang si Yller. Kinuha niya ang 'syringe' tiyaka tinusok ang balat ng kaibigan at isinakto niyang matatamaan niya ang ugat nito upang makuha ang dugo nito.

Ilang sandali lang ay lumabas ang resulta.

Pinag-aralan ni Hier ang mga kemikal na pormula at pamilyar siya sa kemikal na bumubuo sa dugo. Hindi na siya nagtaka na mayroong alcohol na nakasama sa dugo ni Yller ngunit may nakakita siyang dalawang kakaibang molecular formula.

Isang C17H21NO4 at C9H8N2 agad niyang tiningnan kung anong mga kemikal iyon.

Isang Cocaine at Benzodiazepines.

Ang Benzodiazepines ay isang depressant na kaniyang ginamit upang mapatulog si Yller at ang Cocaine ay stimulant na nagpapagana kay Yller.

Cocaine at Alcohol, parehas na stimulant kaya pala nag-trigger ang sakit ni Yller. Hindi niya alam kung anong epekto ng mga drogang iyon sa katawan ng kaibigan.

"Nakitaan ko siya ng Cocaine sa kaniyang dugo."

Tumango ang ama ni Yller at hinawakan niya sa ulo ang kaniyang anak.

"Anong nangyari sayo anak?"

Habang nakatingin sa mag-ama ay nagsalita si Hier.

"Tito, dito na muna si Yller. Ako na bahala magpaliwanag sa kanya. Kung sakaling magkaroon ng problema, kayo na ang bahalang umasikaso."

************

Nang makapagbihis na si Claudia ay dahan-dahan siyang lumabas sa silid na iyon. Sa bawat paghakbang niya ay parang bibigay ang kaniyang balakang. Nang makarating sa bandang unahan ng unibersidad ay pinagtitinginan siya ng ilang tauhan ng unibersidad.

Nakayuko at hiyang-hiya siya sa kaniyang sinapit.

Nang makalabas ay nakita niya ang kaniyang kainigan.

"Sisi! Kamusta ka? Bakit ngayon ka lang lumabas?"

"Sandra"

"Bakit anong nangyari? Bakit puro pasa ka?"

Dahil sa kahihiyan ay inilihim ni Claudia ang sinapit sa kamay ni Yller.

"Habang naglalakad ako hinatak ako ng mga babae at dinala sa likurang bahagi ng eskuwelahan, doon nila ako binugbog kaya may pasa ako."

"Sorry, tara sumama ka sa akin. Ihahatid kita sa inyo."

"Salamat"

Pumunta sila sa kotse at sumakay, si Sandra ang nagmaneho. Wala ni isang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sa bahay ni Sisi.

"Sige mauna na ako."

"Sige."

Bumaba si Claudia sa sasakyan at pumasok sa bahay nila. Pagkapasok ay agad na bumungad ang kaniyang ama.

"Saan ka nanggaling? Sabi ko umuwi ka ng maaga, hindi umaga ka uuwi! Claudia!"

Hindi na napigilan ni Claudia na humagulgol at isigaw ang lahat.

"Tatay naman! Hindi mo ba muna ako kakamustahin? Tingnan mo ang itsura ko! Tay! Na-rape ako!"

Nabigla ang kaniyang ama sa kaniyang sinabi.

"Anong nangyari?"

Hinawakan ng ama niya ang kaniyang pisngi.

"Sabibin mo, ano ang nangyari sayo!"

"Na-rape ako tay"

Niyakap siya ng kaniyang ama at inalo.

"Kilala mo ba ang gumawa niyan sa'yo?"

Tumango si Claudia sa katanungan ng kaniyang ama.

"Anak, magbabayad ang sino mang naglapastangan sayo. Gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya."

Naramdaman ni Claudia ang seguridad at unti-unting siyang nawalan ng malay.

"Claudia!"

Hindi gumalaw si Sisi kung kaya't napagdesisyunan ng kaniyang ama na isugod siya sa ospital.

Nang makarating sa ospital ay agad tiningnan ng doktor ang kalagayan ni Claudia at nabigla siya sa kaniyang nakita.

Agad kinausap ng doktor ang ama ni Claudia.

"As of now we need to do thorough examination especially—"

"Di po kita maintindihan, pakiusap magtagalog ka."

"Kailangang siyasatin ng maigi ang katawan ng inyong anak lalo na ang kaselanan nito. May makikitang pasa sa pagitang ng labia at bakas ng ngipin dito."

Agad na napaluha ang ama ni Claudia atiyaka tumango.

"Sige po dok, pakitingnan ang lahat ng problema sa anak ko."

Hindi na nagtanong ang doktor patungkol sa sinapit ng kaniyang pasyente dahil batay pa lang sa mga pasa at sugat nito sa katawan kasama na ang namamaga nitong ari ay alam niya na kung anong nangyari.

'She is a rape victim'

***********

Nang magising si Yller ang bumungad sa kaniya ang kaniyang kaibigan na si Hier.

"Anong ginagawa ko dito?"

"Diba nagtext ka sa akin? Sinundo kita kagabi, sobrang lasing ka kaya dito kita dinala sa bahay. "

"Hindi, mali"

"Anong ibig mong sabihin?"

"May babae akong nakita humingi ako ng tulong sa kanya"

"Tapos?"

"Pumunta kami sa abandonadong silid. Doon ko siya... Hindi... Hindi!"

"Hier, naka-rape ako! Ginalaw ko siya, inangkin ko siya at binaboy! Hindi"

Naghisterikal si Yller nang maalala niya ang nangyari ngunit natigil siya nang makitang tumatawa si Hier.

"Bakit ka tumatawa?"

"Yller, nananaginip ka lang. Anong babae? Pinuntahan kita. Ito ang ebidensya, magkasama tayo kagabi. Hindi ka nang rape"

Pinanuod ni Yller ang bidyong ginawa ni Yller. Hindi siya makapaniwa sa kaniyang pinapanuod. Muling rumehistro ang mukha ng babae sa kaniya, nagmamakaawa at nakikiusap na huminto siya ngunit pinagpatuloy pa rin niya.

'Kanino ako maniniwala? Sa ebidensyang ito o sa naramdaman ko? Parang totoo ang lahat."

"Sinasabi ko na sayo, nananaginip ka lang."

Bumuntong hininga si Yller bago nagsalita.

"Siguro nga, nananaginip lang ako."

Ngumiti si Hier dahil kitang-kita niya sa mukha ni Yller na naging matagumpay siya sa paglilihim sa nangyari. Alam niya ang ugali ni Yller, kung sakaling malaman na ginahasa nito ang babaeng iyon tiyak ay malaking trauma iyon sa kaibigan. Hindi puwedeng mangyaring matrauma si Yller dahil lalong lalala lang ang sakit nito, ngayon pang bumubuti na ang lahat.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

47.1K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
7.8K 6 70
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...