Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words

Epilogue

113 0 0
By AillexSkcy

Alira's POV

"What is the meaning of this June?"

Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon.

"Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.

June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June.

"Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia."

Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang.

Dia?

"Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan.

"Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!"

"Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you have the right to stop answering at any time. Please come with us at the headquarters," sambit ng isa sa mga detective na dumating sa gitna ng tensyon.

"Where is your manner?! Do you think I will allow your actions against me?!"

Halata sa mga kilos ni Duke na guilty siya sa mga nangyayari, ngunit nagtataka pa rin ako kung paano nasangkot dito si June.

"Nico! Aren't you going to stop them?! What the hell are you doing? Sitting there and doing nothing? What a pathetic son?!"

Nanatiling nakaupo si Nico nang tingnan niya ang kinaroroonan ng kanyang Ama. Lumipas ang ilang minuto ngunit nanatili lang siya sa kinauupuan niya at tanging mata lamang nito ang gumagalaw. Hindi siya kumukurap habang nakatingin lang sa kawalan.

.

.

.

Shaine's POV

"What is the meaning of this June?" muli kong bulong na tanong kay June sa mga sandaling hinuhuli ng mga detective si Duke Markus na patuloy pa rin sa gusto niyang mangyari. Kumakawala pa rin siya sa mga kamay nito, kaya unti unti ko na ring nararamdaman ang mas mabigat na tensyon.

"I don't know Shaine. I don't know what Duke Markus is trying to say against me," nakatango nitong sagot sa akin.

Ayaw niya akong tingnan kaya mas lalo akong nainis sa mga sandaling iyon.

"Sa tingin mo ba mananahimik lang ako sa mga isyung ito? Kailan pa? Kailan ka pa nagkaroon ng koneksyon sa lalaking 'yun?"

"I don't know anything Shaine."

Lalong itinango ni June ang ulo niya kaya hindi ko makita ang mukha niya, lalo na ang mata niya na kaya kong malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Mas nainis ako sa ginawa niya.

"Look me in the eye June," sunod kong sambit.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi ngunit iniiwas niya iyon sa akin, tumalikod pa siya sa akin kaya mas ramdam kong naguguilty siya sa gusto kong malaman.

"I don't want to."

"I said look me at me June! Paano ako maniniwala sa'yo kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo?"

"Just believe in me Shaine, I did not do anything wrong. I have never spoken to Duke Markus not even once, and I never thought of what the Duke are trying to say."

"Kung wala kang kinalaman sa sinasabi niya, bakit dinadamay niya ang pangalan mo? Bakit ka niya sinasangkot? Anong meron at ikaw ang naisipan niyang tanuningin ka sa mismong harap ng maraming tao? At sa dinamiraming tao bakit ikaw?"

"I don't know Shaine, I don't know anything. Please believe in me. I'm your girlfriend, so please believe of what I have said," kumirot ang puso ko nang makita ang mga luha ni June na pumapatak sa suot niyang gown habang nakatango pa rin ang ulo nito upang tumugon sa akin. Kaya niyakap ko na siya at pilit ipinaharap sa akin.

.

.

.

Makalipas ang halos kalahating oras ay tumigil na rin sa pag-iyak si June. Nakayakap pa rin siya sa akin sa mga sandaling iyon habang ang paligid naman ay unti unti na ring bumabalik sa katahimikan matapos mailabas ng mga detective si Duke Markus at ang alipores niya na si Viscountess Margaux.

Sa halos kalahating oras na nakalipas habang umiiyak si June ay inamin niya ang lahat lahat, kahit medyo pautal utal siya ay sinikap niyang tapusin ang gusto niyang sabihin tungkol sa ipinaparatang sa kanya ni Duke Markus. Gaya ng mga sinabi niya kanina na wala siyang kinalaman sa sinasabi ng Duke, pinakita niya rin sa akin ang mga ruta na pinupuntahan niya sa mga nakalipas na ilang buwan at taon upang mas maniwala ako na never silang nagkausap ni Duke Markus gamit ang cellphone niya na nakaconnect sa phone ko. Ngunit palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya ang gustong pagsalitain ni Duke Markus tungkol sa totoong katauhan ni Dia.

Napansin ko sa mga nagdaang minuto ay tahimik lang si Nico sa kanyang kinaroroonan, hindi siya tumayo man lang habang nagkakainitan na sa pagitan ng kampo ng Ama niya at ng kampo ng Prinsesa. Hanggang sa isama sila ng mga detective ay nanatili pa rin siya sa kanyang kinauupuan.

Si Jeyya naman na P.A. ng Prinsesa ay tahimik lang sa tabi, ni hindi rin siya gumalaw sa kanyang kinaroroonan. Ngunit kanina ko pa napapansin na kanina pa siya nakatingin sa aking pwesto habang kausap ko si June.

Si Gene ay tila sinabihan ng kanyang Ama na huwag makigulo sa tensyon, lalo na at involved sa bangayan ang Ina nito na si Duchess Eve. Kita sa mata ni Gene ang pag-aalala, at alam kong gustong gusto na niyang makisawsaw ngunit hindi niya magawa sa mga oras na iyon.

.

.

.

"What are we going to do now?" bulong na tanong ni Tita Vel na nakaupo na sa mga sandaling iyon.

Ang Head Priest naman ay napapailing na lang sa mga sandaling bumabalik ang mga maaliwalas na paligid sa loob ng simbahan.

"Eímai o néos kyverítis tis Rallnedia," sambit ni Dia sa sandaling humuhupa na ang tensyon.

Naagaw niya ang atensyon ng karamihan sa mga sandaling iyon, maging ang Head Priest. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyon, sa tinatagal tagal ko dito sa Rallnedia ay hindi ko pa naririnig kahit kanino ang mga salitang iyon.

"Tho-those indeed are the sacred words from the late King of Rallnedia before he was crowned as the new King."

Hindi ko magets kung anong ibig sabihin doon ng Head Priest. Ang bulungan na humuhupa na sana ay muli na namang nanumbalik matapos iyon.

"You truly are the rightful heiress to the throne," nakangiting sambit ng Head Priest habang nakatuon ang atensyon sa Prinsesa na nakatayo pa rin sa kanyang kinaroroonan magmula pa kanina.

Sacred words? From the late King? Pero paano? Paano nalaman ni Dia ang tungkol sa mga salitang mahirap bigkasin? Maski nga ako ay namimilipit ang dila kung paano bigkasin ang mga salitang iyon ng tama. Tutya ng isipan ko sa mga nangyayaring iyon.



.

.

.

Alira's POV

Matapos marinig ng karamihan ang mga salitang binitawan ni Dia ay agad na ipinagpatuloy ang seremonya ng accession. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga salitang iyon dahil ngayon ko lang rin iyon narinig, ngunit tila may kinalaman sa trono ang mga salitang binatawan niya.

Kahit halos magkagulo na kanina ay nagawa pa ring ituloy ng Head Priest ang bawat step ng accession.

Habang nagpapatuloy ang seremonya ay wala pa ring kibo si Nico sa kanyang kinaroroonan. Nilingon ko naman si June at Shaine na magkatabi, habang si Gene na kasama ang kanyang Ama. Si Duchess Eve na nasa pinaka unahan at maging si Manang Aloi na abot tainga ang ngiti habang inilalagay na ang korona sa uluhan ni Dia sa huling bahagi ng seremonya ng accession.

.

.

.

Shaine's POV

Makalipas ang ilang oras na nakain matapos ang tensyon at paglabas ng katotohanan ay nabalot ang buong simbahan ng bagong aura na nagmumula sa unahan. Ipinagpatuloy na rin ang naputol na accession. Nagsimula sa maikling dasal hanggang sa isuot sa Prinsesa ang Crimson surcoat na isa sa tradisyon ng Rallnedia sa bawat ruler ng bansang ito.

Matapos ang pagbibigay ng bagong korona, bagong orb, bagong royal, bagong scepter at ang bagong robe ay yumuko na si Dia sa lahat ng tao na nandito sa loob ng simbahan.

Ilang sandali pa ay tinahak na niya ang daan patungo sa porch ng simabahan kung saan naghihintay ang libo libong tao na nagmula pa sa iba't-ibang bansa.

Lumapit siya sa mikropono na nakalagay sa mic stand. Bago pa siya magsalita ay nilingon niya pa ang kinaroroonan naming mga nobles, gumuhit sa labi niya ang ngiti na minsan ko lang makita sa kanya. Ginantihan ko siya ng ngiti kahit hindi siya sa akin nakatingin. Masaya ako para sa kanya.

"I, Gissela Dialaldi Wayler do humbly and genuinely in the presence of God proclaim, swear, and declare that I am a faithful Protestant, and that I will, according to the true intent of the sanction which secure the Protestant succession of the Throne by the late King and Queen of Rallnedia, uphold and continue the said sanction to the best of my power according to the law of this country. I mercifully accept the throne as the new Queen of this country," sambit ni Dia habang nakatayo sa harap ng maraming tao sa porch ng simbahan.

Ang kabang bumabalot sa katawan ko kanina ay tila naglahong lahat matapos sabihin iyon ni Dia. Sa wakas, isa na siyang ganap na Reyna ng Rallnedia.

.

.

.

Dia's POV

Sa mga salitang iyon ay tila napawi ang lahat ng alinlangan sa dibdib ko, ang mga hiyawan ng mga tao at pagsuporta nila ay tila naging bagong kwento ng buhay ko.

.

.

.

One week after the accession

Katatapos lang ng huling hearing tungkol sa kinakaharap na kaso ni Duke Markus ngayong araw na ito. Nasintensyahan siya ng 75 years na pagkakakulong matapos sundin ng judge ang utos mula sa huling habilin ng aking Ama matapos nito harapin ang trahedya, tinanggalan siya ng title bilang Duke kaya maging ang asawa at anak niya ay nadamay sa pangyayari. Si Nico ay nasuspende sa pagiging Duke, maging ang Ina nito na si Duchess Carolina na isa na lamang housewife ng Swisly Estate. Ngunit nananatili pa ring CEO si Nico ng Swisly Corporation na nasa Pilipinas ngayon, habang ang main branch naman nito na nakapangalan kay Duke Markus ay binawi ng pamahalaan at ng palasyo.

Sa susunod na araw ay babalik si Nico sa Pilipinas upang asikasuhin ang papel ng kompanya niya, kung saan humihingi ng mga ebidensya ang korte tungkol sa sale status nito upang mapawalang bisa ang iba pang kaso na kinakaharap nila.

Kahit na nabigyang kasagutan ang tanong ng marami kung bakit gusto akong ipapatay ni Duke ay nananatili pa ring tanong sa isip ko kung bakit dinadamay niya si June sa mga nangyayari.

.

.

.

"Your Majesty, may bisita po kayo."

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Jeyya matapos marinig ang sinabi niya.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Bumungad ang mukha ng aking Ina na nakaupo sa wheel chair.

"Ma, diba ang sabi ko po sa kuwarto ko na lang kayo maghintay?"

"Hindi na po kailangan. Gusto lang kita makita bago ako bumalik sa Pilipinas."

Napatango naman ako nang marinig iyon. Ayaw kong tanggapin ang sinabi ni Mama ngunit kailangan, kailangan niyang bumalik ng Pilipinas para sa observation niya sa binuksan niyang dibdib. Hindi naman pwedeng pumunta dito ni Doctor Sylvia dahil siya ang in charge sa hospital ngayong buwan.

Nasagot ni Mama ang lahat ng tanong ko kagabi ngunit kailangan ko pang mag-adjust sa mga susunod na araw upang malampasan ang sakit sa dibdib ko.

"Nagpapasalamat ako ng sobra dahil natupad din ang pangarap ng mga magulang mo para sa'yo. Masaya na akong nakikita ka sa T.V. lalo na sa darating mong speech sa susunod na araw. Palaging mong tatandaan ang lahat ng sinabi ko, ha?"

"I will, Ma," tugon ko sa sinabi ni Mama.

"I'll take my leave, Your Majesty."

May luhang pumatak sa kanang mata ko matapos bitawan ni Mama ang mga salitang iyon. Dahan dahan tumalikod si Mama sa akin, at sa mga sandaling iyon ay hindi ko mapigilang hindi siya yakapin, kaya hinabol ko ang wheel chair niya at agad siyang niyakap ng mahigpit.

"Take care, Your Majesty. Remember that I am always at your side whatever will happen."

.

.

.

Matapos umalis ni Mama ay naiwan muli akong mag-isa sa office. Si Jeyya naman ay abala sa pag-aasikaso ng mga gagamitin para sa nalalapit na fashion show, kasama niya ang mga staff na nagmula pa sa Pilipinas kaya mag-isa kong tinatapos ang mga papelis na kailangan ko sa nalalapit na unang speech ko bilang Reyna ng bansang ito.

.

.

.

"Hindi po si June ang tinutukoy ni Duke Markus noong araw ng accession," sunod na sambit ni Jeyya.

Kanina pa ako hindi magkaintindihan sa mga sinasabi ni Jeyya.

"Ako po ang tinutukoy ni Duke Markus, Your Majesty."

What? Ano na naman ba 'to Jeyya?

"Ako po si Aljey Roshen Sandoval, ang nag-iisang anak ni former Duke Mutet at Duchess Siella Sandoval ng New Senfex."

Sandoval? You mean ang ninakawan ni Duke Markus?

"Alam ko pong labag sa batas ang ginawa ko, handa po ako sa anumang parusa na kakaharapin. Ngunit aaminin ko rin po na hindi ako sangkot sa pangbablackmail ni Duke Markus. Ang tanging ginawa ko po lamang ay ang article na ipinatapon ni Duchess Eve noong mga panahong hindi pa kayo nakokoronahan bilang Prinsesa," sambit ni Jeyya. "Noong malaman ko ang totoo bago pa ang accession ay bumitaw na ako sa plano ng Duke, kaya mag-isa kong hinanap ang seal ng magulang ko na ang akala ko ay nandito sa palasyo.

Ganitong buhay ang araw araw kong kakaharapin, lalo na ngayong ganap na Reyna ako ng bansang ito.

Ako si Gissela Dialaldi Rosales Wayler, ang nag-iisang anak ng yumaong Hari at Reyna. Ang babaeng simple lang ang buhay noon, na may simpleng pangarap na ngayon ay isa ng Reyna ng bansang Rallnedia.

I AM THE UNEXPECTED ROYAL

Continue Reading

You'll Also Like

592 71 47
Nine na Princesa, susubukin ng panahon ang katayuan ng buhay at sa pag-ibig. Ano ang pahahalagahan nila? Puso ba ang paiiralin o isip? Mas matimbang...
2.8K 200 18
Book 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ...
107K 2.6K 36
(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINI...
8.9K 668 35
Si Summer ay laging nabubulas dahil sa kaniyang pisikal na itsura, lalo na sa kulay ng kaniyang balat. Nais niyang wakasan ang panglalait na natatang...