Blood Contract with her Royal...

By FinnLoveVenn

173K 5.1K 269

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... More

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 2♕

5.1K 146 0
By FinnLoveVenn

CANA ANNALIS


Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa'kin ngayon, halos dalawang linggo na ang lumilipas simula nang mapunta ako sa panahon na 'to o sa loob ng libro na binabasa ko.

Hindi ako makakain at makatulog dahil sa mga kaganapan na hindi ko makontrol, hindi ko alam kung pano ako makakabalik sa katawan at panahon ko.

Panay ako isip ng paraan kung ano bang maaari kong gawin ngunit lumipas na ang mga araw at linggo ay hindi ko pa rin maisip ang sagot kung bakit ako na rito at pano ako makakabalik.

Ibang-iba ang pamumuhay nila kesa sa kinagisnan ko, pati ang lugar at mga istraktura ng mga lugar dito ay malayo sa matataas na building at maingay na lunsod na kinalakihan ko.

Patuloy ko ring iniisip ang mga magulang ko, kung sakaling hindi nila ako mahanap o ma-contact ay paniguradong mag-aalala sila sa'kin, hindi lang iyon dahil pano naman ang mga na iwan kong gampanin? Hindi ko kasi alam kung patay na ba ako o nilamon lang ng itim na usok na 'yun para makapasok sa loob ng libro.

Dulot ba ng mahika ang lahat nang 'to? O nasa loob lang ako nang isang mahabang panaginip?

Hindi ko rin alam kung pano ako magsisimula ulit sa pagkatao ni Kiera, pano ba naman alam ko ang kahahantungan niya.

Alam ko kung pano siya mamamatay sa kamay ni Viggo.

Nang maalala ko ang eksena na 'yun sa libro ay muling umakyat ang takot at kaba sa buong katawan ko, hindi ko kayang sapitin ang ganoong klase nang pagkamatay at isa pa gusto ko pang makabalik sa panahon ko.

Pero kung iisipin, ito na 'yung pinapangarap ko eh, nasa buong paligid ko na ang mga history information na pinag-aaralan at hinahanap ko.

Halos lahat ng mga nasa paligid ko ay ang mismong dahilan bakit ako na adik sa libro na 'yun.

Pwede naman siguro na pag-aralan ko ang panahon na 'to habang naghahanap ako ng paraan para makabalik sa sarili kong katawan.

At syempre para na rin mailigtas ko ang taong ito, si Kiera Deidamia. Kahit mabago ko man lang sana ang kapalaran niya at maiwasan ang pagkamatay niya.

Para magawa ko 'yun, kailangan kong bumuo ng plano.

"How to survive as a Villainess?" Tama! Ito na ang kailangan kong unahin higit sa lahat dahil pano ako makakahanap ng paraan para makabalik ako sa katawan ko kung mamatay rin naman ako sa panahon na 'to.

Kailangan kong planuhin nang maige ang bawat hakbang na gagawin ko, at malaking tulong dito na nabasa ko na ang buong storya ng librong 'yun.

Alam ko kung kailan at saan magaganap ang bawat pangyayari, kailangan ko lang maiwasan ang mga dating daan na tinahak ni Kiera para maiwasan ang pagkamatay naming dalawa.

Napatayo ako sa kama at naglakad papunta ng harap ng salamin saka tinitigan ang aking sarili.

Sa lumipas na linggo hindi ko pa rin talaga matanggap na andito na ko sa mundong 'to, ilang beses kong inintay na magising ako at makabalik sa dati kong buhay pero halos sumapit ang araw at gabi ay walang nagbabago sa'kin.

Unti-unti ko lang nalalaman kung pano nabubuhay si Kiera sa loob ng mismong mansion nila.

Kung pano siya ituring ng mga katulong o ng sarili niyang ama. Kung pano siya matahin ng kapatid niyang si Keisha at kung pano naman mag-alala ang kaniyang ina.

Sa ngayon ang tanging kakampi ko lang sa lugar 'to ay ang Duchess, ang ina ni Kiera na dating isang commoner, si madam Carla Romulus.

Siya lang ang patuloy na dumadalaw sa'kin dito sa kwarto at inaalagaan ako habang nasa proseso pa ko nang pagtanggap sa kapalaran ko.

Buong akala nila ay nag-iinarti na naman ang kanilang pangalawang binibini, akala nila ay panibagong palabas lang ni Kiera ang hindi ko pagkain o hindi ko pagpasok sa academy nitong mga nakaraan linggo.

Walang pumapansin sa'kin at hinahayaan lang nila ako kung kakain ba ko o hindi sa mga pagkain na halatang hindi naman nila pinaghandaan.

Tanging ang kaniyang ina lamang ang nag-aalala para sa kay Kiera, ilang beses niya na ko dinadalaw sa loob ng silid ko at tinatanong kung anong nais ko o kailangan ko.

Mabait ang Duchess at ang Duke naman ay pabor sa kaniya ngunit hindi ko alam bakit pagdating sa anak niyang si Kiera ay talagang sumasama ang timpla niya.

Siguro dahil sa ugali na rin Kiera noon pa o hindi naman kaya ay dahil sira na ang imahe ni Kiera sa Duke dahil sa kapatid niya mismong si Keisha.

Hindi ko rin alam bakit tila tanda ko lahat ng memorya ni Kiera sa katawan na 'to, pakiramdam ko kasama ko siya at naghahati kami sa katawan niya ngayon.

Sa tulong ng memorya na 'yun, lalo ko na laman ang mga sinapit niya simula pagkabata hanggang ngayon.

At kung hindi ako nagkakamali, nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang pag-aaral sa academy na pinapasukan niya. Kasabay niyang magtatapos si Diana ang bida ng storya at doon din mangyayari ang paghahalal sa kaniya ng emperor bilang prinsesa ng Lumire Empire.

"Alam ko sa mga panahon na 'yun malapit niya nang bilhin si Viggo," pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin at patuloy na nagpaplano.

Magkakakilala ang dalawa sa isang under ground market kung saan ako mismo o si Kiera ang nagdala kay Diana doon para manood ng slave auction.

Ang pinakabalak ni Kiera ay iwan si Diana at hayaan na makita ng mga tao na ang bago nilang prinsesa ay galing sa isang underground market. Nais niyang pagsimulan ito ng usap-usapan tungkol sa bagong halal na prinsesa,

Gusto ni Kiera na sirain agad ang imahe ni Diana doon, pero para kay Diana nais niyang magmasid sa gagawing slave auction dahil pinagbabawal iyon sa kanilang emperyo.

Doon nakilala ni Diana si Viggo na isang bampira at binibenta sa malaking halaga, sa pagkakatanda ko pumalo ng limang libo zeno ang halaga ni Viggo na kung saan katumbas ng milyon sa panahon ko.

"Kung gusto kong matakasan si Viggo sa pagpatay sa'kin, hindi ba't mas mabuti kung ako ang magiging master niya?" Tanong ko habang hawak ang aking baba at pabalik-balik na naglalakad sa harap ng salamin.

"Ang isang vampire slave ay may contract sa master nila, kapalit ng dugo ko ay kapalit naman ng loyalty niya kaya kung ako ang magiging master niya ay sigurado akong hindi niya ko masasaktan at maaari niya pa kong protektahan, pero ang tanong saan naman ako kukuha ng ganung kalaking halaga?" Napakamot ako sa ulo ko at hindi alam ang gagawin. Sa ngayon halatang hindi pinapaboran ng duke ang anak niyang si Kiera kaya kung manghihingi ako ng pera sa duke ay sigurado akong hindi niya ko pagbibigyan. Kahit na gamitin kong palusot ang nalalapit kong pagtatapos sa academy para makahingi sa kaniyang ng regalo ay sigurado akong hindi niya ako bibigyan nang ganong kalaking halaga.

Kung ibenta ko kaya ang mga alahas na meron si Kiera?

"Tama! Baka sakali makalikom ako nang malaking halaga sa mga 'to pag naibenta ko sa central!" Kaya agad kong hinalungkat ang mga gamit ni Kiera sa loob ng kwarto niya at na pansin ko na halos dalawang set lang ng alahas ang meron siya.

Kumunot ang noo ko, seryoso ba 'tong nakikita ko? Hindi ba't anak siya ng pinakamayamang duke sa buong emperyo pero ito lang ang gamit niya?

"Come to think of it, wala rin personal maid si Kiera at siya lang mag-isa ang nag-aasikaso sa sarili niya," bulong ko at hindi maiwasan na mainis sa sinasapit ko ngayon.

Dalawang linggo ang lumipas at tanging pagkain lang ang binibigay nila sa'kin, hindi naman sa nagrereklamo ako dahil lumaki naman ako na mag isang inaasikaso ang sarili ko ngunit sa katayuan ni Kiera hindi ba dapat kahit isang personal maid ay maroon siya?

Dahil isa siyang lady ng house Romulus, isang anak ng duke at may noble blood na nanalaytay sa kaniya.

Pero bakit ganito siya pakitunguhan ng mga tao sa paligid niya? Hindi na ko magtataka kung mapuno siya ng inggit at galit sa kapatid niyang si Keisha at kay Diana dahil sila nakukuha lahat ng gusto nila samantalang siya pinagkakaitan talaga.

Nahilot ko na lang ang ulo ko at napaupo sa kama, sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko talaga magagawa ang mga plano ko, kailangan ko pang mag-isip ng iba pang strategy para maka-survive sa mundong 'to.

*tok tok*

Napabalikwas ako nang pagkakaupo at nakitang sumilip ang aking ina o sabihin na'ting ina ni Kiera, "Anak binisita ka ni Diana, nasa lobby siya nais mo ba siyang papasukin dito sa kwarto mo?" Tanong niya sa'kin at nabigla naman ako, ito na ba ang oras para makita ko ang Diana na bida sa libro?

"Hmm, kung ayaw mo pwede ko naman siyang paalisin at sabihing hindi pa rin ayos ang pakiramdam mo," sagot niya at umiling ako.

"Ah hindi po ayos lang po madam," sagot ko sa kaniya at nakita ko ang pagkawala ng mga ngiti niya sa mukha.

"Hindi mo na ba ko tatawaging ina?" Tanong niya at doon lang pumasok sa isip ko na tinawag ko siyang madam imbes na ina.

"Hindi po mahal kong ina, pasensya na medyo masakit lang talaga ang ulo ko," pagpapalusot ko at parang naninibago siya.

Kinakabahan ako na baka magtaka siya sa kinikilos ko at mahalatang hindi na ako ang mahal niyang anak.

"Ganun ba, osige papapasukin ko na sa silid mo si Diana, magpapahatid din ako nang makakain niyong dalawa," sabi niya at ngumiti nang malambing sabay sara ng pinto.

Hindi ko maiwasan na makonsensya para sa Duchess, dahil halatang mahal na mahal niya ang kaniyang anak ngunit ito ako ngayon nasa loob ng katawan ni Kiera.

"Sisiguraduhin ko na hindi kayo mamatay at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niyo noon," bulong ko dahil alam kong lalasunin ng kapatid ni Kiera ang kaniyang ina at agad 'tong mamamatay ng wala man lang hustisya.

Bilang Kiera hindi ko papayagan mangyari iyon dahil alam kong tunay na mabait na tao ang Duchess at hindi ko nais na maging ganun na lang ang pagkamatay nilang dalawang mag-ina.

*tok tok*

Muli akong napalingon sa pinto at tumayo, "pasok," maikli kong tugon at marahan naman siyang sumilip mula sa pintuan.

Dala ang kaniyang natatanging kagandahan, hindi ko maiwasan na humanga sa unang empress regnant ng Lumire empire.

'Yung kulay asul niyang mga mata na singlalim ng asul na karagatan, 'yung maputi niyang balat na pwede ihalintulad sa puting perlas at ang mahaba at gigintuan niyang buhok na lalong kumikinang sa pagtama ng sikat ng araw.

Katulad ng mga paglalarawan sa libro, tunay ngang natatangi ang kagandahan ng prinsesa.

"Lady Kiera ayos ka na ba?" Tanong niya at nag-aalalang lumapit sa'kin. Napakamot naman ako ng ulo at awkward na tumawa sa harap niya.

"Hahaha ayos lang ako Diana," sagot ko na kinagulat niya, 'yung mga mata niya parang nangungusap at halos mabasa ko na sa expression na ginagawa niya ang pagtataka sa'kin.

Napatakip ako ng bibig at hindi alam ang gagawin, hindi ko naman kasi mapigilan ang natural na kilos ko at hindi ko naman magaya ang kilos ni Kiera.

"Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganun," sabi niya at napangiwe na lang ako sabay aya sa kaniya na maupo.

"Maiba ako, ayos ka na ba talaga? Malapit na ang graduation na'tin, kaya mo na ba pumunta sa pagtitipon?" Tanong niya at napaisip naman ako kung anong taon na.

Kung magtatapos na sila sa pag-aaral sa academy ay sigurado akong grumaduate ang dalawang 'to sa taong 1645.

Isang taon bago mamatay si Kiera.

"Sabi ng Duchess, nagising ka na lang daw na parang iba na ang kinikilos mo at hindi mo raw kinakain lahat ng pagkain na inihanda sayo," pagkukwento niya at halata sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ah, nagkatrangkaso lang ako saglit pero ayos na ko kaya pupunta ako sa pagtitipon," sagot ko sa kaniya at nakahinga naman siya nang maluwag.

"Mabuti naman, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa pagtitipon na 'yun Kiera," banggit niya at napansin ko ang lungkot sa mga mata niya.

Sigurado ako na kung wala si Kiera sa tabi niya ay paniguradong mag-isa lamang siya sa buong kasiyahan na 'yun, madalas kutyain at matahin si Diana nung bago pa siya maging prinsesa.

Dahil bilang commoner na nakapasok sa isang prehestiryosong paaralan, ay siya ang magiging laruan ng mayayaman.

Ang tingin kasi ng karamihan sa commoner ay walang alam o hindi na pwede makaakyat sa social circle ng mga aristocrats, kaya kung isa kang commoner at nagkaroon ka ng pagkakataon na makapasok bilang scholar sa isang prehestriyosong paaralan ay tingin lang nila sayo ay sinuswerte,wala kang alam o hindi ka talentado. Minsa iisipin pa nila na binibenta mo ang sarili mo para magkapera at magkaroon ng sponsor sa pag-aaral.

Ganito ang labanan sa loob ng nobility.

Napatingin ako kay Diana na nakatungo lang at na pansin ko ang kasuotan niya, kung ang mga damit na meron ako ay hindi na kagandahan, sa kaniya halatang napagluman.

"May damit ka na ba para sa gaganapin na graduation ball?" Tanong ko sa kaniya at umiling lang siya bilang sagot.

Nakaisip ako nang magandang ideya, tutal kokoronahan naman siya sa mismong gabing iyon. Bakit hindi ako ang maging fairy godmother niya?

"Hehehe," napangisi ako habang nakahalukipkip (cross arm) at nakatingin sa kaniya.

Dala ang mukha kong pang kontrabida, ay kahit sino ay iisipin na may dala-dala na naman akong masayang plano para kay Diana.

Pero hindi na ko ang kontrabida nakilala nila, dahil simula sa araw na 'to babaliktarin ko na ang kapalaran ni Kiera Diedamia!

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

91.6K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...
202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...
299K 11.9K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
2K 351 17
Bigla ko nalang naisip dahil sa napanood kong movie at inupload ko dito sa wattpad kaya ayan nishare ko nalang. One of my fictional short story with...