Blood Contract with her Royal...

Von FinnLoveVenn

174K 5.1K 270

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... Mehr

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕
♕EPILOGUE♕

♕CHAPTER 1♕

6.7K 183 4
Von FinnLoveVenn

CANA ANNALIS

Pinipigilan kong humikbi sa pag-iyak matapos ko na naman mabasa sa pang siyam na beses ang pagkamatay ni Kiera Deidamia Ceciro Romulus, ang Villainess sa loob ng librong kinaadikan ko ngayon.

Pangalawang binibini ng house Romulus at anak ng Duke sa isang prostitute si Kiera, lumaki siyang kulang sa pagmamahal ng kaniyang ama at ng kaniyang step sister na si Keisha Antonette. Ayon sa libro puno ng inggit si Kiera at halos karamihan ng tao sa kanilang manor ay kinaiinisan siya, hindi lang dahil sa anak siya ng isang commoner kung hindi dahil mas pinapaboran nila ang tunay na anak ng Duke, ang kaniyang kapatid sa ama na si Keisha.

Dahil doon lumaki siyang puno ng galit at inggit, naging matapobre rin ang dalaga at halos kainisan na siya ng bawat taong kaniyang nakakasama, maliban sa isa. Si Daina Athena Eckheart.

Ang bida ng istorya, isa siyang anak sa labas ng yumaong prinsepe ng Lumire Empire, hindi alam ng karamihan ang totoo niyang pagkatao kaya naman tinuturing siyang commoner ng mga ito.

Akala ng lahat ay mula siya sa mababang pamilya at ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa isang prestiryosong unibersidad ay dahil sa kaniyang katalinuhan na hindi hihigit kanino man sa kaniyang edad.

Madalas apihin si Diana dahil sa kaniyang pinagmulan at ito ang naging dahilan bakit naging magkaibigan ang dalawa.

Nung una pakiramdam ni Kiera pag naging kaibigan niya si Diana ay angat na siya, mas mangingibabaw ang kagandahan niya kesa sa isang commoner at aakalain ng iba na nagmamagandang loob siya bilang kaibigan ng isang ulila na si Diana.

Ngunit para naman kay Diana ay si Kiera ang nag-iisa niyang kaibigan at maasahan, hanggang sa hindi nila akalain na mas lalalim ang pagkakaibigan nila sa isa't isa.

Parang kapatid na ang turingan nilang dalawa at buong akala ni Kiera ay nakahanap na siya ng kakampi kay Diana ngunit na bago ang lahat ng iyon nang malaman ng emperor ang tunay na pagkatao ni Diana.

Hinalal itong bagong prinsesa ng Lumire Empire na nagdulot naman ng pagkabigo para kay Kiera. Doon lalo niyang naramdaman kung gano kamiserable ang buhay niya at tuluyan nang nagpalamon sa inggit.

Hindi niya matanggap na iniwan siyang katawa-tawa ni Diana, buong akala niya ay nakahanap na siya ng kakampi sa mapanghusgang mundo na 'to ngunit hanggang ngayon pala ay mag-isa pa rin siya rito.

Lumipas ang panahon at lalo pang nakikilala si Diana sa mga mabubuting gawa nito hanggang siya naman ay lalo pang nakikilala sa kahihiyan niya sa kaniyang pamilya.

Tinuturing pa rin naman siyang kaibigan ni Diana kaso puno na ng inggit ang puso ni Kiera, kaya nung sabihin ni Diana ang lihim nilang pag-iibigan ni Viggo na isang bampira ay kinuha na itong pagkakataon ni Kiera para sirain ang pangalan ni Diana sa buong emperyo.

Hindi lang 'yun, halos siya na ang gumawa ng dahilan para maging miserable ang buhay ng magkasintahan at nang tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman ay tinanggka niya nang patayin si Diana gamit ang kaniyang sariling mga kamay.

Ito na ang nagdulot sa kaniyang kamatayan matapos siyang maunahan ni Viggo sa pagtatangka niyang pagpaslang kay Diana.

Iyon ang dahilan ng kamatayan ni Kiera at hindi ko lubos matanggap iyon!

"Bakit kasi hindi ka nila maintindihan? Kulang ka lang naman sa pagmamahal kaya ka naging ganyan," para kong tanga na pagkausap ko sa'king sarili, sa totoo lang hindi ko rin alam bakit ganito ako kaapektado sa karakter ni Kiera kahit na ang dami niyang maling ginawa sa loob ng storya.

Isa siyang villainess pero ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya, hindi naman miserable ang buhay ko ngayon pero hindi ko talaga alam bakit ako 'yung mismong nasasaktan sa mga pangyayari sa kaniya.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa paligid, baka kasi may taong makakita sa'kin dito habang umiiyak.

Edi nakakahiya pa.

Tumayo na ko at muling binalik sa pwesto niya ang libro na nakalagay sa pinaka dulong pwesto ng library na 'to.

Nakakapagtaka nga kung bakit tagong-tago ang libro na 'to at hindi pinapansin ng iba samantalang ang dami nitong laman na impormasyon na wala ang ibang libro.

Katulad na lang ng kwento ng unang Empress Regnant na si Diana Athena Eckheart ang kauna-unahang babae na humawak ng emperyo na walang emperor.

Bilang Archeologist student hilig kong magbasa ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng dating emperyo na ngayon ay tinuturing ng isang lalawigan.

Mahilig din ako sa mga myths na nakaugnay sa kasaysayan nito katulad na lang ng mga vampire at werewolf na sobrang hirap hanapin sa mga libro.

Kaya naman sobrang ang saya ko nang mahanap ko ang itim na libro 'yun, dahil doon ko na hanap ang mga na wawalang kwento tungkol sa emperyo.

"Tsk, kung sana minahal lang ni Grimm si Kiera edi sana may happy ending din siya," napasimangot ako nang muli kong maalala ang kinahinatnat ng villainess sa loob ng nobela.

Hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal mula sa pamilya niya o ng pagmamahal sa taong gusto niya na si Grimm.

Nilason pa ng kapatid niya ang nag iisang taong totoong kakampi niya, iyon ay ang kaniyang ina.

"Kung mababago ko lang ang kapalaran ni Kiera," bulong ko at naglakad na palabas ng library saka pumunta sa susunod kong klase.

Pumasok ako sa loob ng room namin at nakita ko si Darlene na kumakaway at tinuturo ang sinave niyang bangko para sa'kin.

Naglakad ako patungo sa kaniya at umupo sa tabi niya sabay lapag ng bag ko sa table.

"Galing ka na naman sa library no?" Tanong niya at ngumisi lang ako sabay kamot sa ulo.

"Hehehe pano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kaniya at nagbuntong hininga lang siya sabay tingin sa professor namin nakakarating lang.

"Sus, eh saan ka pa ba pupunta? For sure binasa mo na naman 'yung sinasabi mong libro," sermon niya sa'kin at hindi na lang ako sumagot at inayos na rin ang pagkakaupo ko dahil mag-uumpisa na ang klase.

Ang tinatalakay namin ngayon ay tungkol sa ranggo ng mga tao sa loob ng isang emperyo.

Sa loob ng Lumire Empire ay may tinatawag na peerage system kung saan nakabase sa yaman ng mga aristocrats ang rango na makukuha nila.

Simulan na'tin sa pinaka-huli sa rango, ang commoner, hindi ko alam kung masasabing kasama ba ito sa listahan dahil sila 'yung normal na parte ng isang emperyo.

Sila 'yung mga taong nagtatrabaho para sa Emperor at sa mismong empire ng Lumire.

Ang sumunod sa huli ay ang title ng Baron, ang titolo ng baron ay pawang humahawak sa maliliit na negosyo na nasa loob ng emperyo.

Maaari silang maging parte ng mga taong nagtatrabaho mismo sa loob ng royal palace, o hindi naman kaya ay may pangalan sa militar at sa maliliit na bahagi ng emperyo katulad ng mga syudad nito.

Sumunod dito ay ang Viscount, mas mataas ng isang rango kesa sa Baron, pareho naman ng trabaho pero mas malaki ang hawak na kapangyarihan ng mga ito.

Ang Earl naman ang sumunod sa rango, kalimitan sa mga Earl ay mga general at leader ng isang hukbong sandatahan. Sila ang humahawak ng trabaho para protektahan ang buong emperyo.

Pangatlo sa mataas na rango ay ang Marquess, sa parte ng rango na ito mababase ang persyento na maaari nilang makuha ang trono mula sa emperor, sila 'yung malalapit na kamag-anak sa trono at may malalawak na hawak ng kapang-yarihan na maari nilang gamitin upang mas mapataas ang tyansa nila sa pag-upo sa trono.

Sumunod sa trono at pinakamalapit na maaring magmana nito ay ang Duke, marami at malawak din ang hawak ng Duke, maaari silang pumasok sa militar o humawak ng buong sandatahan, pwede rin sila magpatakbo ng iba't ibang nais nilang negosyo na mabilis na maaprubahan ng emperor.

Ang isang duke ay may hawak ng isang buong probinsya o maaring tawaging Dukedom.

At syempre, ang pinakamataas na title sa lahat ay walang iba kung hindi ang emperor, ang emperor ay siyang katumbas ng pangulo sa panahon na ito.

Sila ang nagpapatakbo at may hawak ng buong emperyo o bansa, lahat ng mga utos nila ay siyang masusunod at sino mang lumabag nito ay magbabayad ng kanilang buhay.

Tanging may royal blood lang ang maaaring makakuha sa titulong ito, kalimitan na pumapalit sa emperor ay ang anak o apo nitong lalaki.

"Pero alam naman na'tin na sa Lumire Empire ay may inihalal na Empress Regnant hindi ba?" Tanong ng professor namin at tumango naman ako habang panay ang sulat sa notebook ko habang nakikinig sa kaniyang tinuturo.

Ang tinutukoy niya ay si Empress Diana Athena Eckheart ang kauna-unahang babaeng umupo sa trono ng Lumire Empire.

"Walang naging asawa ang princess kaya siya tinawag na Empress Regnant at nanatiling dalaga hanggang sa kaniyang pagkamatay noong taong 1695," muling paliwanag ng professor ko pero hindi ako sumang-ayon sa kaniya.

Ayon sa librong na basa ko ang prinsesa ay nagmahal ng isang imortal at alipin kaya hindi niya ito mapakilala sa mga tao bilang emperor niya.

"Cana, may nais ka bang itanong?" Tanong ni professor Ang kaya agad akong umiling.

"No sir," nahihiya kong sagot sa kaniya.

Hindi ko naman kasi pwedeng isagot sa kaniya ang tungkol sa librong na basa ko dahil wala pa naman kasiguraduhan kung totoo ba ang mga sinasabi sa loob ng libro.

Isa pa hindi ko pa na lalaman kung sino ang nagsulat ng librong iyon o kung saan ba galing 'to.

Ni hindi ko kasi mabasa ang pabalat nito o kahit ano mang hint kung saan ito pinublish ng mga panahon na 'yun.

Napailing na lang ako at binalik ang atensyon ko sa klase hanggang sa matapos na ang aming leksyon at oras na para sa break time namin.

"Cana tara na sa canteen," aya sa'kin ni Darlene at umiling ako saka siya pinauna.

"Sige sunod ako, saglit lang may iche-check lang ako," paliwanag ko at tumango naman siya at naghiwalay na kaming dalawa.

Dali-dali akong nagtungo sa loob ng library at katulad ng inaasahan ko walang katao-tao rito ngayon.

Agad akong pumunta sa dulong bahagi ng silid at madaling hinanap ang librong kulay itim na binabalot ng kalumaan nito.

Isa-isang dinaanan ng daliri ko ang mga librong nakahalera sa book shelf at nang tumama ang kamay ko sa librong hinahanap ko ay agad ko 'tong kinuha at sinuring maige.

Halatang lumang-luma na ang pabalat ng librong 'to pero ang nakakapagtaka ay bakit tila bawat pahina ng libro ay bagong-bago?

Ni hindi ko na nga makita kung anong title ng libro dahil sa nababalot ito ng kulay itim na parang tinta, miske pangalan ng nagsulat o naglimbag nito ay hindi ko mahanap.

Napailing ako at muling umupo sa lagi kong pwesto tuwing binabasa ito. Sinandal ko ang likod ko sa book shelf at binaba ang mga gamit ko sa sahig sana binuklat ang pahina kung saan ako tumigil nang pagbabasa kanina.

"Bakit ba kasi hindi ko pwede 'tong iuwi? Wala bang pwede mabilhan ng new version nito or reprint?" Tanong ko sa sarili habang sinusuri maige ang libro.

Hindi ko rin kasi ito ma-search sa internet dahil sa hindi ko malaman kung anong pamagat ng librong 'to.

Napabuntong hininga na lang ako at sinandal muli ang likod ko saka pinagpatuloy ang pagbabasa, nilipat ko ang pahina at biglang na paimpit nang maramdaman kong na hiwa ako ng papel nito.

"Aray," bulong ko at hindi sinasadyang pumatak ang dugo ko sa puting pahina ng libro.

Kitang-kita ko kung pano kumalat ang patak ng dugo ko sa bawat letrang nakalimbag dito, ang puting pahina ay unti-unting nagiging pula sa isang maliit na patak lang ng dugo ko at hindi na ko nakagalaw pa nang may lumabas na itim na usok mula rito.

Mabilis na tumibok ang puso ko ngunit hindi ko naman magawang sumigaw o gumalaw, para akong na statwa sa mga kakaibang pangyayari na nakikita ko.

Binalot nang makapal at itim na usok ang paligid at paningin ko, wala akong makitang ibang tao o miske liwanag ay unti-unti nang nawawala sa paningin ko.

Pumikit ako nang mariin at pinigilan ang aking paghinga nang tuluyan na kong lamunin ng itim na usok na 'yun.

Para akong na hulog sa isang malamig na tubig at tuluyang lumulubog dito, ramdam kong nahuhulog pa ko palalim pero hindi ko naman maigalaw ang katawan ko o kahit maimulat lang ang mata ko.

Sa mga oras na 'yun akala ko doon na matatapos ang buhay ko, pero nakaramdam ako ng init at pagkasilaw sa mata ko.

Muli kong sinubukan na imulat ang mga mata ko at nang idilat ko ito ay agad na tumambad sa'kin ang isang malaking bintana na nakabukas.

Pumapasok ang sariwang hangin dito habang nililipad ang puting kurtina, napabangon ako sa malambot na kamang hinihigaan ko at saka ko lang na pansin na hindi na ito ang lugar na kinaroroonan ko.

Agad kong nilibot ang paningin ko sa loob ng silid, para akong nasa loob ng isang lumang pelikula kung saan ginanap ang kasaysayan.

Napalunok ako at tinignan ang kamay ko, napansin kong sobrang putla ng balat ko at napansin ko rin ang puting pantulog na suot ko.

Napahawak ako sa mukha ko at mabilis na naghanap ng salamin sa loob ng silid, nang makakita ako nang malaking salamin ay agad ko 'tong nilapitan.

Kabado man, ay pilit kong nilakasan ang loob ko para makita ang katotohanan sa mga naglalaro sa isipan ko.

Nang makaharap ako sa salamin ay napatulala ako sa ganda na nakikita ko, isa siyang babae na may mahaba at brown na buhok, mga matang kulay diamante na tinatawag nilang emerald, matangos na ilong at mapupulang labi.

Napahawak ako sa pisnge ko at hindi ko namamalayan na kusa nang tumutulo ang mga luha ko sa hindi ko alam na dahilan.

Tama ba ang naiisip ko?

Nasa loob ba ko ng pagkato ni Kiera Deidamia Cicero Romulus, ang Villainess sa storyang binabasa ko?

TO BE CONTINUED

AN: Kindly comment and vote for more updates!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

202K 8.1K 29
Luna traveled back in the year 1889, and she's stuck inside the body of Lady Celestine --- the noble lady who's bound to marry the King of Citadel. ...
258K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
186K 6.7K 24
"I am protecting you not because you're weak!" His jaw twitched as his eyes turned bloody red. He stepped forward as I stepped back. His eyes softene...
26.6K 1.4K 32
Lucille Bretwood- anak ng dating pinakamakapangyarihang Duke sa Goldton Empire, biniyayaan ng kagandahan at katalinuhan na hinahangaan ng lahat ng ka...