Heaven's Love

By Teltaenious

149K 2.6K 420

Finish her degree, go to Manila, find a job, earn money and be successful, iyon ang plano ni Maureen na gusto... More

Heaven's Love
...
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 9

1.4K 47 1
By Teltaenious

Chapter 9.

"You always have to remember that sex is sacred. Alam ko na karamihan sa mga kabataan ngayon iniisip na oras na para maging liberated dahil sa panahong makabago. But, don't throw your innocence for temporary pleasure. Lalo na kayo girls be pure until marriage."

Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakikinig sa pangaral ng isa naming teacher. It feels so wierd listening to her after Killian kissed me on my neck. Iyon yata ang first intense sexual awakening ko.

"Mukhang hindi applicable sayo 'yon, Mau." Bulong ni Zai sakin. "Kaya mo bang hindi gapangin si Vito kapag naging kayo na?"

"Hayop ka... mukha ba kong uhaw na uhaw sa tite?!" Mahina kong singhal.

Hindi na siya nakasagot nang magsimula ulit magsalita ang teacher namin.

The whole time she was speaking to inform us to avoid having sexual engagement was uncomfortable for me, tiniis ko nalang.

Breaktime at uwian lang naman ang hinihintay ko sa buong araw. That's why when we have our free time, I immediately pulled Zairyl onto the field. Nandoon na kaagad si Mishi na mukhang kanina pa naghihintay.

"Mishiii!" Kinawayan ko siya habang taas na taas ang kaliwa kong kamay. "Hellooo Mishiii!"

Ngumiti siya saka tumakbo palapit sa amin.

"Mishi pala ang pangalan mo, Ispirito---"

I nudged my best friend.

"Eto si Zairyl. Zairyl Juares ang name niya siya ang best friend ko."

"Hi---"

"Cut the formality. Ayaw ko non."

Ngumiti din si Zai saka inakbayan si Mishi na mukhang nagulat sa pagiging clingy ng kaibigan ko.

"Sino maganda sa amin ni Maureen?" Rinig kong tanong ni Zai. "Ayusin mo ang sagot mo tutuluyan kita maging free spirit, Mishi." Pananakot niya.

Natawa ako saka hinila siya sa buhok.

"Ah! Ah!" Ungot niya sabay tapik sa kamay ko na hawak ang buhok niya. "Aray!"

"Sabi ko kaibiganin mo, hindi takunin." I pushed her after.

Asar niya akong hinampas pero pinalagpas ko nalang.

Umupo kaming tatlo sa damuhan. Bali magkatabi kami ni Zai habang kaharap si Mishi. We keep on asking her questions, we made sure naman na hindi siya uncomfortable.

"Sabihin mo kapag may nambu-bully sayo handa kaming makipagbuno---"

"Siya lang hindi ako." Singit ko. "Scholar ako, 'di ako pwedeng magka-record sa guidance. Maawa kayo sakin hindi ako mayaman."

Sumenyas si Zairyl na harapin siya ni Mishi na nasa akin ang mga inosenteng mga mata.

"Matalas din kasi ang tabas ng dila ni Mau kaya matutulungan ka. Mamayang uwuan ipakikilala namin sayo yung dalawa pa naming kasama. They're kind don't worry."

Iyon nga ang nangyari. Bago kami magsi-uwi sa kanya-kanya naming bahay. Pinakilala namin si Just at Freya kay Mishi. Nag-aya akong mag foodtrip dahil gusto ko ng street foods.

"Si Just gusto niya si Zai." Turo ko sa dalawang nakahiwalay samin gamit ang stick ko.

Pinagigitnaan namin ni Freya si Mishi.

"Bagong tuli si Just kaya ngayon lang kumilos." Biro ni Freya.

Napahalakhak ako saka muling tumusok ng fishball.

"Ako may boyfriend, tapos si Mau may manliligaw."

I proudly nodded and smiled widely. "My suitor is a very good looking man, hot siya!"

Umawang ang labi ni Mishi at ngumiti. "He should be kind too."

"Ay oo naman, mabait 'yon. Inaalagaan niya ako kasi importante ako sakanya." Walang halong pagmamayabang iyon.

Napapailing na tumawa si Freya saka nakitusok sa fishballs ko. Ubos na kasi ang kanya.

"Kami lahat may love life, ikaw ba Mishi wala pa?" Freya asked.

"I'm not yet ready. Siguro saka na kapag twenty na ako. Kaka eighteen ko lang kasi last month."

"Pero nagka jowa ka na?" Tanong ko.

"No. I'm NBSB."

"Ay same tayo!" Nakipag-apir ako. Sinunod niya naman ang gusto ko. "Pero malapit ng hindi." Malakas akong tumawa.

"Sino ba kasi 'yang manliligaw mo, Mau? I can't wait to finally meet him."

"Makikilala niyo lang siya kapag successful na ako at ikakasal na kami." I smirked.

I don't want to brag that Killian's pursuing me. As of now, gusto ko na lihim muna. Natatakot ako sa pwedeng masabi sakin ng ibang tao.

Saka ko na sasabihin ang tungkol sa amin ni Killian kapag may ipagmamalaki na ako. At kung maging kami man sa huli't magtagal, edi maganda.

"Namumula ang pisngi mo, Mau." Turo ni Mishi.

"E-eh... rosy cheeks lang talaga ako 'no ka ba, Mishi!" Tinapik ko ang braso niya.

Kinikilig na naman ako letche!

Umuwi kami nang mag-aya na si Zai. Una akong binaba sa bahay. Friday ngayon at sa Lunes ulit kami magkikita ng iba.

Seven ng gabi dumating si Killian sa bahay. Sakto akong nakapagluto ng adobong kangkoy at scrambled egg.

"Kain!" Nakangiti kong saad. "Kaso kinakain mo ba ang linuto kong ulam?"

"I'm not a picky eater."

Yumuko siya saka hinalikan ako sa leeg.

"Hmm, you smells so good."

"K-Killian... nasasanay ka yata na halik-halikan ang leeg ko."

He just smiled and check what I cooked. "I never had the one before, but I'll try it." Tinignan niya ako. "By the way, you look beautiful today." He always showered me with compliments.

"Gago ka nanlalambot ako kapag hinahalikan mo ko dito, eh!" Tinuro ko ang leeg ko. "Tapos 'yang mga banat mo pinapabilis ang puso. Killian naman dahan-dahanin mo naman ako."

He chuckled.

"You're really adorable." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Kamusta ang benta mo? Ayos ba?"

Ngumuso ako saka tumango.

"Bukas na ako magsisimula na magtrabaho sayo 'diba?"

Nang malaman ni Sanya na aalis ako ay nalungkot siya. Linibre niya pa ako sa 7/11. Sabi ko ay ililibre ko siya ng isaw kapag pinasuweldo ako ni Killian.

"Anong oras ang gising mo? Susunduin kita."

Binaba ko ang plato. Titig na titig parin siya sakin, tila takot na mawala ako sa paningiin niya.

"Bakit sakin nakabase ang oras ng pasok ko?"

"Because you're my boss."

Kinikilig akong napanguso.

"Che!" I flipped my hair.

"Kung anong gusto mo, iyon ang masusunod, Cissini."

"Ikaw nagpapa suweldo---"

"Oh come on, let's not talk about that. Just tell me if what time you usually wake up every weekends."

"Five ako magising."

"That's great. We still have two hours together before doing our actual work." Ngumisi siya. "At tulad ng pinangako ko, ipagluluto kita."

"Ng masarap, ah?"

"Sure. Do you have something in mind that you like to eat tomorrow?"

Bahagya akong nag-isip. Hindi naman ako pamili sa pagkain, basta masarap ayos na ako.

"Kahit ano, basta luto mo, Killian. Ayos sakin ang lahat."

Sinenyasan ko na siyang umupo. Tumabi siya sa akin saka niya ako pinakatitigan.

"Alam kong maganda ako, pero huwag mo naman akong lantarang titigan, Killian."

I heard him chuckled again.

"I really love---"

"Speak tagalog more often."

"Gustong-gusto kong umuuwi sayo, Cissini."

Ngumisi ako. Binabaliw ako ng Guillieaes na ito.

Hindi naman ako marupok noon pero ewan nalang ngayon. Ayaw kong magpaka-plastik sa sarili ko, alam ko na tinamaan na ako sa kanya.

"Ang galing mo talagang mambola." Saad ko habang linalagyan ng kanin ang plato niya.

Gustong-gusto kong pinagsisilbihan si Killian. Gusto ko, ako lang iyong nag-iisang babaeng aalagaan siya. Hibang na yata talaga ako.

"Hindi ako nambobola---"

" 'Sus! Yung mga manliligaw ko dati, ang sabi nila papatigilin nila ang ulan sagutin ko lang sila dahil alam nilang ayaw ko ang ulan. Anong kaibihan mo don?"

"I'll make you love the rain." He said seriously which made me stilled.

"M-malabo yata 'yan."

"Why not? I love rainy season. Madali lang namang gustuhin ang ulan---"

"Ulan ang dahilan ng aksidente nila Mama at Papa, umuulan din nang ibalita sakin na wala na sila. Kaya baka malabo, Killian."

Hindi ko naiwasang itago ang lungkot at sakit sa boses ko. Kahit naman sabihin na ayos na ako ngayon, masakit parin mangulila sa presensiya ng mga magulang ko.

"I'm sorry..."

Umiling ako. "Ayos lang. Ilang taon na din naman ang nakakalipas."

Binaba ko ang lalagyan ng kanin saka siya hinarap at nginitian.

"But I like your idea. Make me love the rain, malay mo mahalin din kita kaagad."

He sighed heavily. Tila hirap siyang huminga dahil sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Killian ayos ka lang ba?"

"Fuck..." Hirap niyang mura saka na naman hinalikan ang leeg ko. "You just took my breath away."

How the hell? Wala naman akong sinabi!

Napalunok ako.

"Kinikilig ka ba sa sinabi kong mamahalin kita?"

Hi didn't answer. He just bit his lips.

"Killian?" Untag ko.

"L-let's eat." He stammered.

Napangisi ako dahil doon.

"Kinikilig ang isang Guillieaes dahil sa sinabi ko. Hanep."

Masaya akong sumubo kaya sumubo na din si Killian. Kapansin-pansin na natahimik siya. Nang haplusin ko ang pisngi niya ay malutong siyang napamura.

"Easy ka lang." Nang-aasar kong saad.

Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko.

"You're enjoying this, don't you?"

"Hmm..." Kunwari akong nag-isip.

"You like seeing me becoming sissy because of you?" His brow arched. "Ganon mo ba kagustong makitang baliw ako sayo, Cissini?"

"Tsk, hindi naman sa ganon." Ngumuso ako. "Naisip ko lang na katulad ka din pala ng mga dati kong manliligaw kung kili---"

"I'm different from them."

"Saan banda?" Nang-aasar akong ngumisi.

"Ikaw ang makakasagot niyan, Cissini."

Yumuko siya saka sinubo ang laman ng kutsara ko na dapat sanay para sakin!

"Hindi naman kita boyfriend." I whispered, still shocked at what he did.

"Manliligaw mo ako." Sagot niya na para bang ang laking bagay na non.

Bahagya akong natigilan pero nang makabawi-bawi ay kumbinsido ako na maasar siya.

"Atleast, hindi parin kita boyfriend, bleh." I stick my tongue out.

His brow arched. I thought he'll be pissed, pero ngumisi din siya.

"Oh, you wanna lick me?" Yumuko siya ng bahagya saka tinapat sa mismong mukha ko ang leeg niya. "There, feel free to taste me."

Nanlaki ang mata ko saka ko siya tinulak.

"Gago!"

Tumawa siya saka hinawakan ang bewang ko dahilan para sikuhin ko siya at tigilan niya ako sa ganon.

Natapos kami sa pagkain, at mukhang nasarapan naman si Killian. Siya pa nga ang naglagay ng tirang ulam sa luma konh ref para may makain daw siya bukas almusal.

"Saan ka muna mag-aaral kapag college ka na?" Tanong niya at ayaw paring umalis.

I already pushed him out of my house but he wont stop asking me questions about my future plan.

"Why do you care?" Naiinis na ako dahil gagabihin talaga siya pauwi sakanila. "Umuwi ka na nga."

"Just answer me."

"Sa Florvida Ligero nga lang! Alis na!"

"Love, relax, I'm just asking." Ngumisi siya.

"Huwag mo nga muna akong ma love-love diyan, 'di pa tayo. Umuwi ka na! Gabi na't baka nag-aalala sayo ang parents mo."

Sumandal siya sa bato saka nakakalokong ngumisi. Tila hindi makapaniwala sa dahilan ko bakit pinagpipilitan ko siyang umuwi na.

"Do I look like a kid to you? Ma'am, I have my own curfew." He playfully said.

"Madilim na nga kasi masyado sa daan!" Hinampas ko ang braso niya. "Uwi na Killian, bukas maaga pa tayo."

Non lang siya tumayo ng tuwid. Mukhang natauhan sa sinabi ko.

"Alright, I'll see you tomorrow."

"Hm." I nodded.

"Can I kiss you?"

I stepped back and glared at him.

"Alright, I'll go now."

Ngumisi siya saka dahan-dahan ng naglakad papalayo.

Nang gabing iyon ay maayos akong nakatuloy. Ayos na ayos na ako kinabukasan nang dumating si Killian na bagong paligo at may bitbit na lalagyan.

Noon ko napagtanto na iyon ang breakfast na linuto niya para sakin.

"May three points ka na!" I announced happily.

The foods that he cooked all taste good. Tataba ako kung siya palagi ang tao sa kusina.

"I'll always cook for you then." He chuckled. "Kain ka pa ng marami para dumami ang ibigay mong puntos sakin."

I rolled my eyes and drink water. Bigla akong may naisip saka siya tinignan.

"Paano kapag sinabi ko na basted ka, titigilan mo ba ako?"

"No. There's no way I'll let you pass." He smirked. "I'll get you by hook or by crook---"

"Gago!"

"Watch your mouth, Cissini."

"Oh? Bakit?" Mataray ko siyang tinaasan ng kilay. "Ayaw mong nagmumura ako?"

"Hindi naman sa ayaw. Nasa harap ka ng pagkain."

Mahina akong natawa. Marespeto din pala siya.

"Akala ko you're just like those other people na ayaw sa mga babaeng nagmumura. Duh, part of how we express ourselves lang. Kaya ikaw Killian tanggapin mo lahat ng flaws ko."

"Kahit hindi mo sabihin sakin iyan, Cissini, tanggap ko na. Lahat tungkol sayo gusto ko."

"Aysus. Pinapakilig mo lang ako, eh."

He laughed and drink his coffee. "I meant what I said."

"Your flowery words will always be your number one asset. Ganito mo nakukuha ang mga babae mo dati?"

Hindi siya nakasagot. Nawala ang ngiti sa labi niya saka nagseryoso.

"Let's not talk about my past, I don't feel comfortable. What's important is I'm all your now."

Hindi na ako nakasagot, masyado na akong kinikilig. Kung papatulan ko pa siya baka wala sa oras ay maging kami.

Nang matapos ay si Killian ang naglinis sa kalat namin. Ilang minuto pa ang tinagal namin sa bahay bago namin iyon linisan.

"Sa planta niyo tayo?"

"We have a headquarters near there. Maingay masyado sa planta kaya hindi doon linagay ang opisina."

Namamangha ako. Kilala ang pamilya Guillieaes sa business. Iba-iba ang negosyo nila. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Killian na hatiin ang oras niya sakin, sa pag-aaral at trabaho.

"Hindi ako maalam sa gawaing office works pero makakaya ko naman basta sabihin mo lang sakin ang gagawin."

Makahulugan siyang ngumisi saka tumango. Habang nasa byahe ay nakatingin ako sa labas. May mga nagwawalis na sa harap ng kanilang mga bahay.

Ilang sandali pa ay dumaan kami sa masukal na parte ng Florvida, sunod ay ang bakol-bakol na daan dahil pataas iyon.

Huminto ang sasakyan si Killian sa malawak na lupa. Sa pinaka gitna kita ang isang palapag ngunit malawak na parang opisina---hindi, ito nga ang opisina nila dito sa Florvida. Sa likod ay makikita ang ang malaking puting paktorya.

Dalawang guards ang nagbabantay sa labas ng headquarters.

Nakasunod ako kay Killian hangang sa pumasok kami sa malawak na silid. It was his office here.

It was a simple room, it was painted with grey and white. May dalawang lamesa na magkaharap. Madami akong nakitang papeles sa lamesa marahil ni Killian.

Glass ang parte ng likod ng opisina kaya kita ang malawak na pabrika.

"Killian ano ang ginagawa nila doon?" Turo ko sa factory.

Limang malalaking trucks ang nakaparada mula sa labas.

"That's a rubber factory. We manufacture rubbers. Iyan ang pinakamaliit na pagawaan. Nasa may Cavite, Caloocan at Valenzuela ang tatlong pinaka malaki."

"Bukod diyan ano pa ang business niyo?"

"We own an airline. Pero hindi ako ang mamamahala non." Simple niyang sagot.

"Wow!"

I really want to be like them! They're my inspiration to be successful in the future. Kung ngayon palang ay madami ng napapatunayan si Killian gusto ko kahit papaano ay may maipagmalaki man lang sakanya sa future.

Nagbangit pa siya ng ilan sa mga negosyo nila na noon ko pa naman talaga alam.

"So si Spencer ang mamamahala sa real estate..." Tumigil ako nang magdilim ang tingin niya. "K-kayo pala ang may-ari ng tatak na 'yon!" Pag-iiba ko ng usapan, tukoy ko sa car brand na sikat sa buong Asya.

His face remain stern and dark. This is the familiar version of Killian whenever he's jealous. Never in my wildest dream that I will make this man go jealous!

"I am a very possessive man when it comes to you so refrain yourself talking about Spencer. I might hire someone to shot that dude in US, Cissini."

"Woi, Killian, grabe ka naman magselos. Ano ka ba, ako lang 'to, si Cissini!"

Imbis na matakot para sa buhay ng pinsan niya ay kinilig pa ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na magselos si Killian.

Feeling ko mas mahaba pa ang buhok ko kay Rapunzel.

"I don't like your cousin so chillax." I assured him.

He licked his lips and sighed heavily, like he was trying to regain his calmness.

"So start na ba tayo? Ano ang gagawin ko?"

Gusto ko ng malaman ang trabaho ko ngayon. Ayaw ko namang masayang ang ipapasuweldo sakin ni Killian.

"Just sit there for awhile." Turo niya sa lamesa na kaharap ang kanya.

Saktong pumasok ang isang babae na mukhang nasa mid twenties niya na dahilan para hindi ko masunod ang sinabi ng magiging boss ko ngayon.

"Good morning, Sir." The lady greeted Killian.

Tumango lang ito saka mabilis niya akong sinulyapan.

"Good morning po!" Bati ko sa babae.

She smiled and said 'good morning'  again.

"She'll be your right hand." Malamig na turan ni Killian sa empleyado.

"Yes, sir."

"Huwag niyo siyang papagurin ng husto."

"Opo."

"Ah?" Lito kong tanong.

Hindi ko maintindihan ang punto ni Killian. Hihilahin na sana ako nung babae nang malamig siyang tignan ng Guillieaes na kasama ko.

"Mamaya siya lalabas at mamaya niyo din siya kakausapin. She'll stay here first. Now, go."

Umalis ang babae sa loob ng silid. When Killian looked at me his expression softened.

"Nakakatakot ka pala sa trabaho." Napa-iling ako. "So, ano nga ulit ang gagawin ko?"

"Kakausapin ka ni Brey, she'll discuss what you'll be doing while you work here." Marahan niyang saad sakin.

Napangiwi ako bago sumagot.

"Ngayon na?"

Umiling siya saka mas linapit sakin ang katawan niya. "Mamaya nalang. You can just sit on your chair and relax first. Its too early for you to work---"

"Hindi lalabas na ako." Pagdedesisyon ko.

"But I want your attention on me, Cissini. Sa akin ka muna. Your work can wait, this man..." Turo niya sa sarili niya. "...is impatient so focus on me."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi natin usapan na ikaw ang ta-trabauhin ko, Killian. Tigilan mo ako. Be professional." I said with full of conviction.

I don't want to be a mess in my first day of work here in his office.

Wala na siyang nagawa nang lumabas ako saka kinausap ang isa sa mga sekretarya niya na si Brey.

"Ang sabi ay wala daw siyang assistant, Ate Brey."

"Dalawa kami bali ni Nico. Tuwing weekends ay si Nico ang pumupunta sa kumpanya sa Manila kasama ni Don Melandro o kaya naman ni Don Alejandro. Kaya ako lang ngayon."

Napatango ako saka nakinig sa mga paalala ni Ate Brey.

"Dito din ba ako mag lalagi?"

"Sa loob ka daw ng opisina ni Sir, Maureen. Bali ikaw ang uutusan niya kung may ipapa-abot at iuutos sakin."

Tumango ako saka pumasok dala-dala ang tatlong folers. Kaagad nag tama ang tingin ni Killian.

"Magtrabaho ka na." Inirapan ko siya.

Dumaretso ako sa aking magiging lamesa saka pinatong doon ang pinapasuyo sakin ni Ate Brey.

"Cissini." He called my name but I ignored him. "Hey, look at me."

"Shhh!" Sita ko sakanya.

Binuksan ko ang drawer at may nakita akong laptop doon. Bubuksan ko na sana iyon nang bigla kong maramdaman si Killian sa aking gilid.

He held my arm and slightly pulled me.

"Ano bang trip mo?---"

"I want your whole attention on me."

Yumuko siya saka umatras sakin kaya napa-atras din ako sa lamesa. Nailapat ko ang aking mga kamay bilang pagsuporta sa bigat ng katawan ko.

I nervously liked my lips when I saw the emotion in his eyes.

"You can boss me around but make sure to look after me, Cissini. Don't make me lose my temper. Do you understand?" Ibang klase ang ginawad niyang ngisi. Isang ngisi na mapapatango ka nalang. "Good. That's the assurance that I want. I'll go now to work."

---

TELTAENIOUS.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
164K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
10.1K 322 34
Avyanna Marlowe acted as a mother to her siblings when their parents died. She's known for her sassy and dignified aura, which made her reputation ir...