Waiting Shed [COMPLETED]

By hakudennn

3.2K 220 63

Criminals are not the baddest person on earth. You never know, they're the kindest. - Photo used as cover not... More

Warning
Salvation
Prologue
Shed 1
Shed 2
Shed 3
Shed 4
Shed 6
Shed 7
Shed 8
Shed 9
Shed 10
Epilogue

Shed 5

108 15 2
By hakudennn


W A I T I N G S H E D 5






❝Is there a chance that you'd fall for a criminal like me?❞

Napakurapkurap ako sa pagkagulat sa biglaang tanong niya. Pagkatapos ay unti-unting umawang ang labi ko at natulala sa harapan niya.

Linus is staring at me intently with his lips being half opened. Sa ilalim ng nagkikislapang kalangitan, sumabay ang liwanag na nagmumula sa mga mata niya. He's mirroring my presence with his dark brooding eyes.

Sa kabila ng pagkagulat, pinili kong humagilap ng masasagot pero isa lang ang pumasok sa utak ko na salita.

"H-ha?" utal na tanong ko. Parang namasa ang mga palad ko kaya idinaop ko ito sa pajama ko.

Linus leered his head slightly and examined my whole reaction. Ang kanina'y madilim na lugar ay unti-unting naaninag dahil sa ilaw na dala ng mga bituin at buwan sa kalangitan.

"Tell me, Fliore, do you find me handsome?" muling usal niya kaya tuluyan akong napabunga ng hangin.

Ang unti-unting pagtibok ng mabilis ng puso ko ay namutawi sa aking buong sistema. Para akong sinalang sa mainit na apoy sa tanong niya!

Sa ilalim ng napakaganda niyang mata, ay ang isa pang magandang tanawin sa kaniya sa kabila ng masama nitong ala-ala. His scar. Ang sugat na nagdadala ng kakaibang presensiya niya. A beautiful scar.

"Ahm... k-kung sa... mukha, ano ahm wala nang tanong doon..." na-uutal kong tanong. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at sa harapan tumingin pero hindi pa rin maperme ang paglibot ng mata ko.

"So you find me handsome?" he asked cockily. Halata ang pagak ng boses niya pero hindi ako sumubok lumingon sa kaniya.

Nanatili akong hindi makasagot. Hindi ko inaasahan ang tanong niya at hindi pumasok sa aking isipan na itatanong niya ito.

"Sabihin mo, pangit ba ako, Fliore?" nahihimigan ko na ang lungkot sa boses niya. Kaya naman ay agad akong umiling.

"H-hindi! Ano... gwapo ka kaya!" sa wakas ay naiusal ko.

"But I have a scar under my eyes. They hate me because of it. My father hated me because I have it." He uttered lowly.

Ngumuso ako sabay lingon sa kaniya. Naawa ako. Kaya ba hindi niya gaanong pinapakita ang mukha niya sa akin? Kase takot siyang iwasan ko? This man in front of me, though with his tough appearance, still have weaknesses. But it didn't less him a man.

Tipid ko siyang nginitian. "Linus, hindi. The Bible said in Proverbs 12:25, 'Heaviness in the heart of man maketh it stoop: but a good word maketh it glad.' You're a good man."

"But I am a sinner, Fliore. I am a criminal. I killed my own father." Usal niya.

Nakagat ko ang ibabang labi. He's bringing his weakness again.

"Pero alam ko namang hindi mo sinasadya 'di ba?" tanong ko. I certainly know that he didn't mean it. Base on what he said, his father hated him. Kaya siguro nawala siya sa tamang pag-iisip sa sobrang pang-usig ng ama niya at nagawa ang isang kahindik-hindik na bagay. But I can tell, Linus is a good man. Kung masama siya, sana ginawan niya na rin ako ng masama noong unang araw pa lang naming magkita.

"How sure are you?" he asked critically.

"100% sure." I replied confidently. Napangisi si Linus at iginiya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Silly." He chuckled. Napakurap-kurap ako. Naaninag ko ang pangngiti at pagkislap ng mga mata niya. And I still can't get over with his handsome face.

"Kuya..." mahina kong hagikhik. Mas lalo niyang ginulo ang buhok ko.

"Huwag nga sabing kuya. Gusto mo bang tawagin kitang nene?"

Natigil ako. Ang ngiti ko ay unti-unting nauwi sa pagnguso. Nang dungawin ni Linus ang mukha ko at makita ang reaksiyon ko ay natawa siya.

"Ang bad mo!" mahina ko siyang tinampal sa dibdib.

"Oo. Bad ako. Matagal na." Sagot niya kaya sabay na kaming nagtawanan sa ilalim ng makulay na kalangitan.

Tuluyan nang nabura ang bigat ng kapaligiran sa pagitan namin. Nawala na ang awkwardness at napalitan ng hagikhikan naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi ng gabing iyon matapos ng masaya at magaan naming pag-uusap ni Linus. Hinatid pa niya ako hanggang sa likuan ng street namin at hindi umalis hanggang sa makapasok ako sa gate.

Nakatulog na si Tiyoy sa kwarto nila nang pumasok ako sa bahay at si Lola'y nasa sala na nakatulog sa sofa.

Nang maramdaman niya ako ay nagising siya at mapungas-pungas na ikinurap ang mata bago ako nilapitan.

Mapatantiya ako na tiningnan ni Lola at agad niyakap. Gumanti ako at isinandal sa balikat niya ang baba ko. Nagsink-in muli sa akin ang nangyari bago ako umalis ng bahay.

"Kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Lola. Ayaw mang magsinungaling, ginawa ko pa rin.

"Opo, la." Sagot ko. Ayaw ko na siyang pag-alalahin pa. Tsaka hindi na ako nakaramdam ng gutom matapos ang pag-uusap namin ni Linus. Napuno ata ng tawa ang tiyan ko.

"Saan ka kumain? Wala ka namang dalang pera."

"Nagtungo ako kila Matell, la. Pinakain po ako ni Auntie." Sagot ko. Siguro sasabihan ko nalang si Matell na umu-o kapag tatanungin siya ni Lola. Mahirap na.

"Hindi ka ba nagsisinungaling, Fliore?" umiwas ako ng tingin kay Lola. Ayaw ko sana talagang magsinungaling pero ayaw ko namang mag-alala siya.

Bumuntong hininga si Lola. "Kung ganoon, pumasok kana sa kwarto. Magpahinga kana ah," aniya. Nang maglakad ako sa kwarto, tinawag niyang muli ko.

"Pagpasensiyahan mo na ang Tiyoy mo, apo. Nadadala lang ng sama ng loob sa Tiyay Emilia mo. Patuloy mo lang sana siyang intindihan."

Lumingon ako kay Lola at ngumiti. "Opo, la. Naiitindihan ko." Sagot ko pagkatapos ay pumasok na sa kwarto namin.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para ilayo ang mga sako na hindi makikita ni Tiyoy. Nag-igib din ako ng tubig at doon nakasama si Matell.

"Baka pagalitan ako ni Lola, Fliore ah!" ani niya matapos kong sabihin na um-oo siya kapag tanungin ni Lola kung saan ako kagabi.

"Hindi 'yun. Huwag mo lang sabihing wala ako sa in'yo kagabi." Ani ko. Nasabi ko na rin sa kaniya na nasa 7/11 lang ako kagabi. Hindi ko lang sinabi ang parte na nagkasama kami ni Linus.

Umuwi rin naman ako matapos mapuno ang dala kong container, naiwan si Matell dahil naglalaba. Nang makarating ako sa bahay, nagwalis ako sa bakuran hanggang sa gumising si Tiyoy. Masama pa rin ang tingin niya sa akin pero wala nang sinasabi. Andiyan din si Lola na parang binabantayan si Uncle.

Lumipas ang sabado at linggo na nagkikita kami ni Linus tuwing gabi. Pinapalayo din kase ako ni Lola kapag naglalasing si Tiyoy at ako agad ang pinagdidiskastahan. Ayaw ni Lola na mangyari ulit ang nangyari kaya naiintindihan ko.

Dalawang araw na sumunod-sunod pa ang pagkikita namin ni Linus. Ang waiting shed ang siyang nagsilbing taguan namin sa mga mata ng iba. Nag-uusap kami sa mga bagay, tungkol sa pamilya niya, sa akin. Sa mga bagay na gusto namin pero isang bagay lang ang hindi ko na natatanong sa kaniya.

Nabanggit niyang may nakababata pa siyang kapatid na lalake. His name is Rilus. Base sa paglarawan niya sa kapatid, mahal na mahal niya ito. They were bestfriends, he said. Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin daw sila at siyang nagbibigay ng pangangailangan niya.

Between them, si Rilus daw ang palaging pinapaboran ng mga magulang niya dahil ito raw ang palaging nasa bahay at sumusunod sa mga utos. Pero kahit minsan, hindi siya nagtanim ng galit sa kapatid. Mahal na mahal niya ito at palaging pinapaboran, sumama man daw ang tingin ng lahat sa kaniya. Rilus has a heart failure that's why everyone sees him soft and weak.

"I remember when I was preparing for our final thesis defense, Rilus called me. He said he's in trouble kaya hindi ako nagdalawang isip na ewan ang ginagawa kahit alam kong ikakabagsak ko iyon." Natatawang kwento niya. Kumikislap ang mata niya sa gitna ng dilim habang nagkekwento sa mga karanasan ng nang siya'y malaya pa.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo 'no?" tanong ko matapos humupa ang tawa.

"Yeah. He's the only reason why I chose to stay on our hell of a house." He chuckled roughly.

Tinantiya ko siya ng tingin. Linus didn't have a happy childhood, I see that. Wala siyang puwang sa bahay nila at pati sarili niyang ina, kinakahiya siya. How cruel his life is. Kaya hindi ko magawang i-judge ang isang tao sa ginagawa niya. We never know the reason behind it.

"Mabuti rin ba si Rilus, Finn?"

Tumingala si Linus na puno ng adorasyon ang mga mata. "My brother is the epitome of greatness, Fliore. He's the soft and kind while I'm the opposite."

"Pero mabait ka naman ah? Ang buti mo nga sa akin. You even helped me with those tambays." I said. Nilingon niya ako suot ang isang ngiti.

"It's because I always adore my brother. He influenced me to do good. And that's when the first time I did it." Sagot niya.

"Iyon ang unang beses na tumulong ka sa tao?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa unang beses iyon. Naalala ko, nilumpo nga niya pala lahat ng mga tambay kaya hindi na ako magtataka. Mukhang basag ulo lang ang alam niya. But he's changed. He change himself because of his brother. And I was the first one who received his goodness.

Natapos ang gabi nang may ngiti ang mga labi ko. Mabilis na lumipas ang araw at mas lalo kaming nagkakilala ni Linus sa bawat gabi na nagkikita kami.

Dumating ang lunes, bumalik muli ang routine ko. Maagang nagising, nagsaing, naligo sa balon at nag-umagahan. Ang kaibahan lang ay wala na si Tiyay Emilia na gigising sa akin sa nakakirita niyang tinig. Hindi kami nagkasabay ni Tiyoy dahil tulog pa rin siya dahil sa hungover sa buong magdamag na inom. Araw-araw na lang siya naglalasing. At ganoon din ang pag-iwas ko.

Naging abala ako sa buong araw dahil sa nalalapit na final exam. Iginugol ko sa pagpapaerma ng clearance ang libreng oras ko hanggang sa hindi namamalayan, natapos na ang araw at pinalitan ng gabi.

Mabilis akong umuwi at humapit sa waiting shed para sabihin kay Linus na babalik lang ako. Mabilis siyang tumango kaya naglakad na ako pauwi.

Nang makarating sa bahay, saktong wala pa si Tiyoy kaya naging magaan ang pakiramdam ko. Matapos tulungan si Lola sa magluluto at paglilinis ng sala ay nagpaa-alam na ako.

Saktong naputulan kami ng kuryente kaya hindi ako makakareview sa bahay. Bukas na ang last exam namin kaya kailangan kong magreview.

"La, magrereview lang po ako sa waiting shed, malapit na atin." Paalam ko habang naka-upo si Lola sa sala at hinihintay na naman si Tiyoy.

"Ganoon ba? Pasensiya na talaga at naputulan tayo ng kuryente, apo. Hayaan mo at kakausapin ko ang Tiyoy mo kung hindi na mainit ang ulo. Mag-ingat ka ah?" wika niya.

"Opo, la. Uuwi rin po ako mamaya." Paalam ko at umalis na suot ang black hoddie ko at pajama. Dala ko rin ang notebooks at papel para sa pagrereview.

Nang makarating sa waiting shed, nandoon pa rin si Linus at nakaupo sa paborito niyang upuan. Magkadaop ang dalawa niyang palad habang nasa akin ang tingin.

"Magrereview muna ako ah," ani ko at pumwesto sa upuan ng waiting shed kung saan nakakapasok ang ilaw ng lampost.

"A'right." Sagot niya at tumahimik. Pinagmasdan niya lang ako habang seryosong nagbabasa ng notebook ko. Sumusulat din ako ng ilang importanteng lessons para mapag-review-han ko ulit sa umaga.

Apat na subject ang ni-review ko para bukas kaya natagalan bago ako makatapos. Wala pa ring salita si Linus at maingat akong hinintay. He never make any sounds that would distract me. Malaking tulong din ang nakasiradong 7/11 kaya walang nagagawing sasakyan sa lugar. Kakaunti lang din ang mga taong dumadaan.

Nang bandang alas-siyete, natapos na ako sa pagreview. Sinikop ko ang mga gamit at umupo. Nilagay ko lahat ng notebook ko sa kandungan at tinuonan na ng pansin si Linus na nasa akin pa rin ang tingin.

"You're very serious while studying." He commented first. Tumango ako.

"Oo. Importante eh. Para sa future." Pagak kong sagot sa kaniya. Linus shifted his position. Sumandal siya sa pader sa likuran at pataas akong tiningnan. Naging bulgar ang suot niyang itim na hoddie.

"I wish I was like you when I'm still studying." He murmured. Ngumuso ako.

"Palibhasa puro suntukan lang nasa isip mo." Asar ko. Ngumuso siya sa sinabi ko at bahagyang bumuka ang labi.

"Hindi naman ako gaanong basagulero noon." Aniya. "Kunti lang."

Unti-unti akong ngumisi. "Weh? 'Di mo sure."

He chuckled and said his favorite line again.

"A'right."

"Alam mo, maglaro kaya tayo?" rekomenda ko matapos naming matahimik. Palagi nalang ako ang naghahanap ng topic. Si Linus ay kuntento na sa titigan lang. Ewan ko sa kaniya.

"Ano ka bata?" mapang-insultong saad niya.

Sumimangot ako. "Bata naman talaga ako. Ikaw, gurang ka na."

Tumaas ang kilay niya. "Oo, gurang ako. Gusto mo mapalo ng gurang?"

Agad akong umiling. "Ayaw." Parang batang wika ko. I fused my face like a child ready to cry. Pero hindi rin natuloy dahil mas nanguna ang tawa ko. Linus shook his head unbelievably.

"What game?" he asked. Naging interesado siya sa pag-uusap at umusog palapit sa akin, pero nasa madilim na parte pa rin ng waiting shed.

"Alam mo 'yung tell me a lie? Iyong magsasabi ka ng kasinungalingan." Saad ko.

"Yeah. I know that." He answered.

"Sige. Pero dapat purong kasinungalingan lang sasabihin ah. Iyong kabaliktaran sa totoong nangyari." Tumango-tango siya.

"'Game. Tell me a lie." Simula ko.

"You're ugly." Walang pag-aalinlangang sagot niya. Agad nang-init ang mukha ko at humigpit ang pagkakahawak sa notebook sa kandungan. His playfull side is alive again.

"Tell me a lie," siya naman ngayon.

Bahala ka. "You're handsome."

Linus growled. "So I'm ugly? I thought you find me handsome?" reklamo niya. Napahagikhik ako.

"Di mo sure." Pang-aasar ko. Bumuntong hininga siya at minasahe ang tulay ng kaniyang ilong.

"Tell me a lie," I said again.

"You're tall."

I glared at him. "That's true!" angal ko. Nagsisimula na naman siyang mang-inis.

"No. That's a lie." He insisted.

"Happy? Magseryoso ka naman kase!" inis kong saad at inakma siyang hahampasin.

"A'right." Ani lang niya. Naging seryoso nga ang mukha niya. Playfulness can't be seen on his face as he stared at me.

"Ulit. Tell me a lie." Ani ko.

"The world is fair."

My thoughts resonated. Linus became serious without hint of playfulness. Then, he leaned closer to me at mukhang sineseryoso ang laro.

"Tell me a lie,"

"The world isn't fair, Finn." Usal ko, kabalikratan sa mensahe na gusto kong ipahiwatig sa kaniya.

"Tell me a lie." Ako naman ngayon ang nagtanong.

"My parents love me." Agad akong natigilan sa sinabi niya. Nabitin sa ere ang salita ko at malungkot siyang pinukulan ng tingin. He's unleashing his thoughts in this game and I don't know how to make him feel loved.

"Tell me a lie,"

"But you're brother don't love you." I oppose. I want to oppose him. I want to show him the other colors of his game.

"Tell me a lie,"

"I don't love my father."

Doon ko tuluyang natigilan sa huling sinabi niya. Parang piniga ang puso ko. Sa kabila ng sakit, parang hinaplos ang dibdib ko sa narinig. He still loves his father, even though his father hated him.

He loves him. But why did he killed him?

Sa kabila ng katanungan, nagawa kong magtanong muli.

"Tell me a lie,"

Pero hindi ko inaasahang may mas ikakayanig pa ang pag-iisip ko.

"I killed my father."

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
12.3M 64.3K 10
Love comes in all shapes and forms, but Kelly Young had no idea it'd come in the form of her most hated teacher, Mr. Todd. •A Student x Teacher Roman...
665 85 42
Blixiene Cawie, Is just a simple poor girl who is transferred to Saint Claire's University in 10th grade from the province. They moved to a house own...
203K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West