Waiting Shed [COMPLETED]

By hakudennn

3.2K 220 63

Criminals are not the baddest person on earth. You never know, they're the kindest. - Photo used as cover not... More

Warning
Salvation
Prologue
Shed 1
Shed 2
Shed 4
Shed 5
Shed 6
Shed 7
Shed 8
Shed 9
Shed 10
Epilogue

Shed 3

126 15 0
By hakudennn

W A I T I N G S H E D 3


❝You're smile, Fliore. You're smile in that picture was very different from how you smile today. An ennocent smile that was murdered by the cruel world.❞

Natigilan ako sa sinabi niya. Rumiin ang pagkakahawak ko sa batok ko bago umiwas ng tingin.

He's eyes. It's not only beautiful, it also sees emotions. And he saw mine.

Bago tuluyang lamunin ng katahimikan, peke akong tumawa.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," natatawa kong usal at tumayo na rin. "Sige, dadaan nalang ako rito bukas. Siguraduhin mong dala mo na ah," ani ko at tinalikuran siya na nakatayo pa rin sa pwesto niya.

Tuluyan na akong nilayo ng paa ko sa kaniya pero wala manlang siyang sagot. Umaasa ako na pagbalik ko bukas dito, dala na niya.

Sana...

"Nandito na 'ko, la!" masigla kong bati sa walang taong sala. Inilibot ko ang paningin habang kinukuha ang school shoes sa paa.

Nasaan si Lola?

"La?" muli kong tawag sa kaniya at pumasok na. Nilinga ko ang ulo sa kusina pero walang tao. Ganu'n din sa labas.

"Lola?" I called her again but I was embraced by the silence of the empty house. Tumungo ako ng kwarto namin pero wala rin si Lola kaya unti-unting tumubo ang kaba sa dibdib ko.

"Nasaan ka, la?" sigaw ko muli sakaling marinig niya pero wala pa ring sagot kaya dali-dali kong nilagay sa kama ang bag ko bago tumakbo palabas ng kwarto. Pero ang plano kong pagtakbo ay natigil nang sumalubong sa akin si Lola sa pintuan dala ang isang cake sa dalawang kamay. Suot niya ang pinakamatamis na ngiti habang ang mata'y sumingkit na nagpakita ng kulubot sa gilid ng kaniyang mata.

Bumaba ang tingin ko sa cake at nakita ang dalawang kandila na may numerong 1 at 7. 'Happy 17th birthday, apo", nakalagay sa cake.

Parang hinaplos ang puso ko. Nang-init ang katawan ko at umakyat sa sulok ng aking mata. Sa may namumuong luha sa mata, umangat muli ang tingin ko kay Lola.

"Happy birthday, apo." Marahan niyang usal kasabay ng paglapit niya sa akin. Tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya sinapo ko ito gamit ang kanang likuran ng kamay ko at ang libreng kamay ay iniyakap ko sa kaniya.

"Salamat... la... naalala mo..." namamaos kong usal. Isinandal ko sa balikat niya ang ulo at doon umiyak. Sa pagitan namin ang mumunting cake na naalala kong minsang masabi na gusto kong kainin.

"Makakalimutan ko naman ba ang kaarawan ng pinakamamahal kong Fliore? Hindi maari,"

Umiling-iling ako sa balikat niya. Hindi ko rin naman naalala na kaarawan ko nga pala ngayong araw. No one reminded me. No one greeted me. Kahit si Matell.

"Happy birthday, friend!" ang pag-iisip ko sa hindi pagbati sa akin ni Matell kanina sa paaralan ay naglaho nang sumulpot siya sa gilid namin ni Lola hawak ang transparent container na may lamang spaghetti.

May namuo ulit na luha sa mga mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi.

"Thank you..." usal ko sa kaibigan. Humigikhik siya at sumali sa kayapan namin ni Lola.

"Akala mo makakalimutan ko ano?" mapanglarong usal ni Matell at kinurot ang balikat ko. Hindi ko magawang maka-aray dahil sa nag-uumapaw na saya.

I am happy. Beyond happy even. This surprise is too much. Hindi ko naman inasahan na magsisikap silang bilhan ako ng cake at lutuan ng spaghetti. This is beyond my expectation. Okay na sa akin ang bati, masaya na ako roon pero ito ang dumating. Sobrang saya ko.

"Salamat. Maraming salamat sa in'yo." Humigpit ang pagyakap ko sa kanilang dalawa. Si Lola ay marahang natawa at naunang kumalas sa yakap.

"O siya, hipan mo na ang kandila mo. Mag-wish ka," ani Lola.

"Mag-wish ka dali!" masayang ani Matell at kinuha ang mumurahin niyang cellphone para kuhanan ako ng litrato.

"Nahihiya ako," nahihiyang usal ko sa kaniya. Kukunan niya ako ng litrato e ang pangit ko sa mga iyon. Doon lang ata maayos ang mukha ko sa litrato kasama sila Mama.

Ang litrato... naalala ko na naman.

Napabuntong hininga si Matell.

"Huwag ka nang mahiya! Photogenic ka naman sa litrato dali! Tsaka ipo-post ko to sa facebook. Greetings ko sa 'yo!" masiglang usal niya at itinapat muli ang camera ang cellphone niya sa akin.

Ngumiwi ako. Medyo labag man sa loob ay yumuko ako at ipinikit ang mata.

Sana humaba pa ang buhay ni Lola para makasama ko pa siya ng matagal. Si Matell din.

Inihip ko sa hangin ang wish ko kasabay sa pag-ihip ng kandila. Matunog na pumalakpak si Matell habang nakangiti pa rin si Lola.

"Kainan na!" masiglang wika ni Matell at inilapag sa kawayang lamesa sa sala ang hawak na container. Ganoon din ang hawak ni Lola na cake.

"Si Tiyay po, la?" tanong ko kay Lola. Nahagip ko agad ang pag-ismid ni Matell sa gilid.

"Kila Abner, nagbabaraha na naman." Kaswal na sagot ni Lola at siyang naghiwa ng cake para lagyan ang platito namin ni Matell.

Nasa pasugalan na naman si Tiyay. Tiyak mag-aaway na naman sila mamaya pag-uwi ni Tiyoy Ebil dahil sa paggasta niya ng pera. At kapag mangyari, ako na naman ang pagbubuntungan ni Tiyoy ng galit.

"Damihan n'yo ang kain." Ani Lola.

"Salamat, la."

"Salamat, la. Mukhang masarap itong chocolate cake na ito." Si Matell.

"Oo naman. Sinigurado kong masarap ito kase para kay Fliore. Dapat matikman niya ang pinakamasarap na cake sa kaniyang kaarawan." Nakangiting ani Lola.

Hinaplos muli ang puso ko sa narinig. Ito ang inaasam-asam ko. Simpleng selebrasyon lang, walang masyadong handa pero masaya at hindi malilimutan.

Naunang sumubo si Matell ng pagkain dahil tahimik muli akong nanalangin para magpasalamat sa biyayang Kaniyang binigay.

"Masarap nga!" Matell giggled and tapped my shoulder. "Masarap!" she repeated and winked at me. Si Lola ay nakangiti lang na naka upo sa harap habang nasa amin ang paningin.

"Kumain ka na rin, la." Yaya ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng platito at ako na mismo ang nagsalin ng spaghetti sa platito niya.

"Ito pa," nakangiting ani ko at dinagdagan ng cake. Tututol pa sana siya kaso muli akong ngumiti kaya natunaw ang kaniyang plano.

Naging puno ng tawanan at maagang usapan ang bahay sa pagitan naming tatlo. Tuluyang nawala ang mabigat na mga iniisip ko dahil sa eksena.

Sana ganito na lang palagi. Sana palagi na lang masaya. Wala na akong ibang mahihiling pa. This is the comfort I won't hesitate to embrace. This is my peace.

Naging mabuti pa ang sumunod na minuto hanggang sa sumapit ang alas-siyete at nagpaalam na si Matell para umuwi.

"Kita nalang tayo bukas. Goodnight!" she waved her hands before disappeared on the dark street.

Bumalik na ako sa loob ng bahay at naabutan si Lola na nagliligpit kaya nilapitan ko siya at tinulungan. Sabay naming niligpit ang lamesa at nilagay sa kusina ang lahat ng nakainang plato.

I insist to be the dish washer so Lola can rest. Pero ilang minuto nang makalabas siya sa sala, biglaan nalang may kung anong malakas na tunog na bumalabog sa sala.hhih

Patakbo kong iniwan ang ginagawa para tingnan ang nangyari at bumungad sa akin si Tiyoy na hawak-hawak si Tiymmm at padarang na binagsak sa kawayang upuan. Pati si Lola na nasa kwarto ay lumabas din sa bulabog na nangyari.

"Putangina! Ilang beses na kitang pagsabihan na huwag mong gastusin sa sugal ang pera ko, Emilia!" malakas na sigaw ni Tiyoy sa asawa. Sa galaw niya ay nagsasabing siya'y lasing. Si Tiyay naman ay masakit na tingin ang ipinukol sa kaniya.

"Para ano? Igastos mo sa pambababae mo?!" sigaw rin niya pabalik. Natigilan ako. Si Lola ay nasapo ang noo at naglakad para pumagitna sa kanila.

"Ano ba, gabi na. Itigil n'yo na 'yang away n'yo at pag-usapan sa mahinahong paraan." Saway ni Lola pero hindi siya pinansin ng dalawa.

"Hindi ako nangangabit, litse ka! Binabalik mo pa sa akin ang kasalanan mo!" nangangalaaiting sigaw ni Tiyoy.

"Ano ba kayong dalawa?!" galit na sigaw ni Lola.

Mariin akong pumikit. Tama nga ang sinabi ko. Ayan na naman sila. Ito parati ang topiko nila kapag nag-aaway sa tuwing maabutan ni Tiyoy si Tiyay kila Mang Abner na sumusugal.

"Litse ka rin! Wala kang silbi!" sabat ni Tiyay.

Iminulat ko ang mata at masama na ang tingin sa kanila. Para silang mga bata. Papagitnaan pa ng matanda.

Akma na sana akong sasali pero sinenyasan ako ni Lola na huwag na at pumasok nalang sa kwarto namin. Labag man sa loob, sinunod ko siya.

Nakailang sigawan pa sila sa labas bago natigil hanggang sa malakas na sinara ni Tiyay ang pintuan ng kwarto nila. Si Tiyoy ay nanatili sa sala habang kung ano-ano na namang salita ang lumalabas sa labi. Si Lola ay nasa labas pa rin at mukhang sinasamahan si Tiyoy.

Nanatili akong gising para hintayin si Lola kaya hindi nakaligtas sa tenga ko ang pagsimula ni Tiyoy sa pagsalita ng hindi maganda sa mga magulang ko. Sa unang dinig, masakit, pero na sanay na ako sa palagi niyang sinasabi kila Mama sa tuwing siya ay lasing.

"Ang bwesit na Flore, kung hindi lang sana nagkacancer at namatay ay hindi rin magpapakamatay ang tanga kong kapatid. Kaya anong nangyayi? Naiwan sa akin ang litseng anak. Sarili lang nila ang inaalala nila, hindi naisip ng mga hayop ang maiiwang palamunin. Mga tanga.." rinig kong usal niya.

Marami pa siyang binanggit kaya imbes na makinig pa, pinilit ko nalang ang sarili kong makatulog at hindi nga ako nabigo.

Kinaumagahan, maaga ulit akong nagising. Nang lumabas ako ay bahagya pa akong nagulat dahil nangangape na rin si Lola.

Tinulungan niya 'ko sa gawaing bahay hanggang sa mabilis akong nakaligo kasama ulit si Matell at magtungong paaralan.

Discussion lang ang nangyari sa buong araw maliban sa surprise quiz namin sa Science. Sa mabuting palad ay naipasa ko naman at naging ang may pinakamataas na score sa klase.

Nang hapon, nagkaroon ng SSG program kaya alas singko na kami na-dismiss sa gym. Kinailangan pa naming mag-cleaners kaya tuluyan lang akong nakalabas ng bandang 5:25 na.

Nang lumabas ako ng gate ay madilim na ang paligid. Kakababa lang ng araw at tuluyang luminaw ang buwan. Hindi katulad ng mga nakaraang araw ay wala nang senyales ng pag-ulan. Tuluyan na atang nakalampas ang bagyo na dumaan sa visayas.

Nagkahiwalay ulit kami ni Matell nang sunduin siya ng Papa niya kaya mag-isa ulit akong naglakad sa kalyeng palaging dinadaanan.

Isang liko pa ang ginawa ko, tuluyan ko nang natanaw ang waiting shed sa 'di kalayuan. Walang mga tambay muli kaya gumaan ang pakiramdam ko.

I don't know but it seems that I'm excited to meet Linus today. Maybe because he may have my treasured picture today.

Nang matapat sa waiting shed, hindi nga ako nagkamali dahil sa pinakamadilim na parte ulit ng waiting shed ay naroon si Linus, nakaupo at nakasuot na naman ng hoddie jacket pero ang pinagkaiba ay ito'y kulay abo na.

Pagak akong naglakad sa loob at ngumiti. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin.

"Magandang gabi." Bati ko at lumapit sa kinauupuan niya. I seated two meters far from him. Kagaya ng palagi kong napapansin, nakatago na naman sa hoddie ng jacket niya ang mukha at tanging tungki ng mataas niyang ilong ang nakikita. Ang kaibahan lang, ngayo'y nanatiling kumikislap ang mata niya sa dilim.

Parang muli akong na-amaze sa mata niya. Ang ganda talaga tingnan. Ang mga mata niya'y parang ilaw sa gitna ng kadiliman.

His legs were spread wide apart. Doon nakapatong ang siko niya habang bahagyang nakahilig paunahan ang katawan niya. Ibang faded jeans ang suot niya ngayon.

"Kanina ka pa?" tanong ko. Sinikop ko muli ang mga binti. Nilagay sa kandungan ang dalawang kamay habang kaharap siya. Sa pwesto ko ay naiilawan ng lampost pero sa kaniya ay wala dahil nasa secluded part ng shed.

"Not really." He lazily replied.

"Ganu'n ba? Ahh..." tanging nai-usal ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng maitatanong. Ang 7/11 sa harapan namin ay walang masyadong tao ngayon.

I wonder how he can stroll around here if he's being chased by the police? Sa pagkakaalam ko ay wanted siya kaya dapat maging cautious siya sa paligid. Pero siya'y mukhang walang pake bukod sa gabi lang siya nagpapakita. Napansin ko.

"Ahm... anong sasabihin ko? Topic. Topic." Mahinang bulong ko.

"I got your wallet now."

Napalingon ako sa sinabi niya. Agad niyakap ng mataman na ngiti ang labi ko.

"Talaga?" pagak kong tanong. Gumalaw siya ng bahagya at may kinuha sa bulsa ng pantalong.

"Yes." Maikli niyang sagot at inilahad sa akin ang hello kitty wallet ko. Napuno ng kasiyahan ang mata ko at agad na tinanggap ang wallet.

"Thank you!" masayang bati ko at hinimas-hinas ang wallet na nawala sa akin ng dalawang araw. Hinalikan ko pa ito ng ilang beses.

"You seem to love your wallet much." Komento niya. Tumango ako.

"Oo. Binigay kase sa akin 'to ni Lola. Matagal na." Sagot ko.

He shook his head. "I see..." aniya.

Yumuko ako at tiningnan ang wallet. Binuksan ko ito at sinilip ang laman. Napanguso ako ng makitang andoon pa rin ang dalawang daan na allowance ko. Hindi nagagalaw. Ninanap ko pa ang isang bagay na inaasahang makita ko pero humaba ang nguso ko ng makitang wala ang litrato.

Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Wala ang litrato."

Umiwas siya ng tingin. Nilaro ng kamay niya ang kandungan. "I accidentally left it again. I'm sorry."

Mas lalo akong ngumuso. "Sinungaling." Usal ko.

"It's true. Nakalimutan ko talaga. Ibabalik ko nalang bukas." Rason niya.

Ang nguso ko ay unti-unting nauwi sa pag-ngisi.

"Sus, scam ka! Baka bukas sabihin mong nakalimutan mo ulit!" asar ko. I lifted my hands on my thighs and crossed it on my chest.

"You're actually right. Iniisip ko rin 'yun." Sagot niya. Tuluyan akong natawa. Sa kabila ng mabigat niyang presensiya, sa hindi mawaring dahilan ay nakakaramdam ako ng kaluwagan sa kaniya.

"Kita mo. Sinungaling ka talaga, Linus."

Gumalaw siya sa pagkakaupo. "How did you know my name?" biglaang tanong niya kaya nasamid ako. Napawi ang halakhak ko at ininaba ang kamay sa dibdib.

"Ahm... narinig ko lang. Sa mga tambay nang araw na 'yun." Mahinang sagot ko.

Hindi siya gumalaw pero marahang tumango ang ulo niya. "So you know I'm a criminal?" muli niya akong ginulat sa tanong.

The space between us became awkward. Paano ko sasagutin na oo pero hindi ako natatakot? Awkward naman kase ng topic niya!

"Oo pero-may pera ako rito. Gusto kong kumain ng ice cream. Bibili muna ako ah, gusto mo rin ba?" pang-iiba ko ng usapan. Tumayo ako at pinagpag ang puwetan. Siya naman ay tiningala ako. Wala pa rin kong naaninag sa mukha niya kun'di kadiliman.

Tiningala niya lang ako pero hindi siya sumagot kaya tinanggap ko na iyon bilang sagot niya. Tumalikod ako at tumawid para makarating sa 7/11. Nang madapo sa freezer ang tingin ko au napakagat ako ng labi.

Wala naman sana akong planong gumasto lalo na't may paparating kaming project pero anong sasabihin ko kay Linus? Sinabi kong kakain ako ng ice cream! Aasan 'yong tao!

Kaya mabigat man sa bulsa, bumili ako ng dalawang pang-individual container ng icecream sa halagang 45. Naka gasto pa ako ng 90 dahil sa litseng rason ko.

Dala ang plastic na laman ang icecream ay bumalik ako sa waiting shed kung saan si Linus nakaupo st nasa direksiyon ko ang tingin base sa kislap ng mata niya.

"Here," inabot ko sa kaniya ang vanella flavor habang iniwan ko para sa akin ang chocolate. Ilang segundo bago pa niya ito tanggapin at nang magtama ang malaki niyang kamay sa kamay ko ay nang-init agad ako. I immediately withdraw my hands on the icecream at pasimpleng ipinahid sa palda bago hinawakan ang icecream ko.

I opened mine but when I looked on his, he just put it beside him. Sinikop niya ang dalawang kamay sa inilagay sa harapan niya na parang triangle.

"Hindi ka kakain?" tanong ko.

"I'm not yet hungry. Mamaya na lang." Sagot niya. Tumango ako at nilantakan ang icecream hanggang sa maubos ko. Ang sa kaniya'y hindi pa rin niya nagagalaw.

Tumahimik ulit ang pagitan namin kaya nag-isip ako ng itatanong. Unang pumasok sa isip ko ang pagigong wanted niya pero agad ko ring in-erase sa isip ang tanong. Sa halip ay ibang tanong nalang ang tinanong ko.

"Pansin kong hindi na tumatambay rito 'yong mga tambay." Naisaboses ko. Sinuri ko siya ng tingin. "Tinakot mo sila 'no?"

"I don't scare dogs." He lazily uttered.

Nanlaki ang mga mata ko. Nasapo ko ron ang noo ko sa sagot niya. "Grabe ka." Ani ko.

"They really look like stray Aspins." Mapanglarong saad niya. Napahagikhik ako.

"Oo. At ikaw ang leader nila." Sabay ko. Madilim man, naramdaman ko ang panliliit ng mata niya sa akin.

"You sure of that?" he asked.

"Oo. Mukha ka rin sigurong aso kase tinatago mo ang mukha mo." Nakangisi kong sagot. Paminsan-minsan kong nililingon ang mga dumadaang sasakyan.

He chuckled. "Oh yeah, I'm their king."

I laughed. May dumaang mabilis na van kaya nahanginan ang buhok ko. Sinikop ko ito at binalingan ang daan kasabay nang pagdaan ng isa pang malaking truck na may malaking side lights kaya nasilaw ako. Para hindi masilawan ay umiwas ako ng tingin at natama kay Linus ang tingin. Sobra na lamang ang pagkagulat at pagkamangha ko nang sa hindi inaasahang pagkakataon, biglaang nailawan ang madilim na parte ng waiting shed kaya nailawan din ang mukha ni Linus.

Hindi nga ako nagkakamali. He's face is very distinct. Hindi ako nagkamali sa mga mata niyang kumikislap sa kulay nitong abo. Sa matangos niyang ilong at makapal na kilay. Ang mapula niyang labi. Sa magandang pagkakaukit niyang panga at ang pagiging normal ng kutis niya. Sa mabilis na pangyayari, nailarawan ko ang mukha niya pero may humagip sa tingin ko.

He has a cut on the lower portion of his right eye. Halata ang isang dangkal na haba nito pero hindi manlang nagpabawas ng gwapo niya. Sa halip ay nagmukha niyang malakas at hindi maasi-asing lalake dahil dito.

"An alpha with a scratch." Dugtong niya. "You saw me now?" mapaklang usal niya.

Tumikhim ako. "Hindi naman nakakabawas ng pagkakalalake ang isang sugat sa mukha." Ani ko.

"Physical appearance always have the impression but attitude and characteristics will always prevail." Dugtong ko pa.

Gusto kong iparating sa kaniya na hindi basehan ang gasgas sa mukha para mawalan ng confident sa sarili.

He shifted on his position and straightened his body. Bumalik na ulit sa dilim ang pwesto niya kaya hindi ko na naman ulit siya nakikita ng malinaw.

"But my attitude and characteristics says it also. I'm a criminal, Fliore, just to inform you. I'm a bad person."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko na alam ang isasagot ko at nagpaubaya nalang sa lalabas sa labi ko.

"Even the baddest person on earth fed his dogs, Linus . That's also a goodness. In every darkness, there's light. In every person, there's always good or bad. It's still our choice of what to chose." Usal ko.

Linus chuckled roughly on my front. "A'right, Ma'am Vitalles. You won the case. And please, just call me Finn. Linus is so old ." He playfully said. Marahan pa siyang pumalakpak kaya napanguso ako.

At least nailabas ko ang opinyon ko sa bagay na iyon. Many people tend to judge a person as for what they see or mistakes that person do. They never tried to seek the goodness on it.

Naglipas pa ang ilang minuto at napansin kong mas dumidilim na ang gabi kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Linus shook his head at sumabay na ring tumayo para umalis katulad ko.

"Paalam, Finn." Paalam ko.

"Paalam." Tumango siya bago kami nagkalihis ng daan. We separated ways to different directions. Taking different paths.

Suot-suot ko ang ngiti sa labi. At nang makarating ako sa bahay, isang eksena ang bumungad sa akin. Si Lola ay sapo ang noo habang nakaupo sa gitna nang mga basag na bagay sa sala.

"Anong nangyari, la?" nag-aalalang tanong ko at mabilis siyang nilapitan.

Parang piniga ang puso ko ng makitang may luha ang mga mata ni lola.

"Ang tiyoy mo, Fliore..."

Continue Reading

You'll Also Like

76K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
488K 760 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
888 83 26
The Art of Life #2 Date Posted: October 29, 2023
392K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...