Chapter 26
Masaya si Claire ngayon dahil kumpleto na sila nagtatawanan pa. Ito ang kailangan ni Claire hanggang sa makalimutan na nya si Steve. Isa nalang ang inaalala nya ngayon. Yun ay kung saan sya magtatrabaho.
"Tina. Saan ba yang papasukan ni Claire ko? Ayos ba dian. Pwede ko manlang ba makilala yung magiging Amo ng Anak ko." Sabi ni Cynthia sa kapitbahay nilang si Ka Tina na Bestfriend din nya.
"Pwedeng pwede, walang problema dun sabi naman ni Ma'am Josephine e gusto din nya maka-usap yung magulang syempre ni Claire e kase Bata lang to para atlis masabi sainyo yung mga trabaho ni Claire diba." Sabi ni Ka Tina.
"Ayos yan. E saan ba yan kung sakali?"
"Sa Makati. Simple lang naman sila e tapos ang kasama ni Claire dun si Ma'am Josephine tyaka bunso nya si Joseph. 6 lang yun tapos ang gagawin lang ni Claire babantayan lang nya yung Bata sa bahay lang. Papasok sa School yung Bata papakainin lang ni Claire tapos may School Bus na susundo dun. Ngayon, sabi ni Ma'am Josephine dun lang sa Bahay si Claire. Hindi na nya problema yung sa Laba labada kase nagpapa Laundry sila. Sa Pagkain naman si Ma'am ang magluluto bago sya pumasok sa Opisina..."
"Ganon? Tatlo lang sila sa Bahay e nasan ang Asawa ni Ma'am Josephine mo?"
"Hiwalay na sila nun. Nasa ibang Bansa yung Lalake kasama yung dalawa pang Anak nila ni Ma'am. Basta bukas papapuntahin ko na dito para maka-usap nyo."
"Osige... Salamat ah. Sana mabait yan. Wag sana maliligawan ang Anak ko dian."
"Wag kang mag-alala. Babae tyaka Bata lang kasama ni Claire. Mabait si Ma'am Josephine. Nakilala ko yun kay Mayet. Kilala mo naman si Mayet Classmate naten nung High School. Katrabaho nya yun tapos nakilala ko tinulungan nga ko nun ni Ma'am Josephine kase may Pinsan na abogado yun kaya nakalaya yung Panganay ko sa kagaguhan nya. Buti nalang nakilala ko si Ma'am kundi baka hanggang ngayon nakakulong parin si Tj ko dahil sa Nakaw nakaw na yan. Nagbago na si Tj sana tuluy-tuloy na..."
Iniwan na muna ni Claire ang Nanay nya tyaka si Ka Tina sa Sala. Lumabas muna sya para makapagpahinga at makapag pahangin.
"Hmm." Huni nya.
Hirap kapag nag-iisa sya kase naaalala nya yung Baby. Nanghihinayang tuloy si Claire na nasasaktan kase kung mabubuhay yun hindi naman nya makikilala ang Ama nun kaya parang Thankful pa syang nakunan sya.
*
12:15pm kinabukasan nang dumating yung hinihintay nila Cynthia, Claire, Leo at Celia. Mabait naman nga si Josephine tyaka palangiti. Kasama na nito ang Batang si Joseph na nagustuhan agad si Yaya Claire.
"Anak, sya si Ate Claire. Ano? Gusto mo ba syang makasama sa bahay?" Sabi ni Josephine.
Nahihiya pa si Joseph pero kitang-kita nila sa kanya na gusto nya si Claire. Hindi din makatiis ang Bata kaya sya na mismo ang lumapit at kumandong kay Claire. Napaka Sweet ng Batang ito para kay Claire kaya mukhang mapapamahal ito sa kanya.
"8,000 ang sahod mo Claire Buwan buwan. Ayos ba yun?" Sabi ni Josephine.
"Nako Ma'am, ayos na ayos po saken yan. Hehe. Malaki po yun kung tutuusin. Saktong sakto." Sabi ni Claire.
"Nako, buti mabait to Tina ah. Makakasundo ko sya. Tuwang-tuwa si Joseph kay Ate Claire nya oh? Hehe."
Nagtatawanan sila. Masaya silang nagkwentuhan. Para lang nilang Bisita na Kaibigan si Josephine at Joseph kung kausapin. Kainaman na magaling makisama ang Pamilya ni Claire kaya nakakasundo agad nila ang kahit na sino.
**
Wala nang anu-anong sumama si Claire sa Makati. Simple at Condo pala ang tinitirhan ng mag-ina. Napaka-sosyal ng Condo na to dahil meron itong Apat na Kwarto sa taas. Dalawa nga lang ang CR isa sa Taas at isa sa Baba dito sa Sala.
"Yung kwarto sa taas. Samen ni Joseph yung nasa kanan unang kwarto. Kanan kasunod nun sa Anak kong Babae kay Jessa. Tapos nasa Kaliwa sa dulo kay Seph sa panganay ko. Nasa ibang bansa yung dalawa kaya tayo lang nandito. Yung sa Kaliwa unang pinto yun yung kwarto mo. Icheck mo na para maayos mo na yung mga gamit mo. Magluluto na ko ng pang Hapunan naten. Bukas wala akong pasok sa office kaya maituturo ko sayo mga gagawin mo." Sabi ni Josephine.
"Salamat po Ma'am." Sabi ni Claire.
Natutuwa si Claire kase sinamahan sya ni Joseph sa taas. Tinulungan pa sya nitong Bata para magbuhat ng Bag nya hanggang makarating silang dalawa sa Kwarto.
*
"Anong Grade mo na Joseph." Sabi ni Claire.
"Grade 1 po." Sagot ng Bata.
Ngayon lang napansin ni Claire na Gwapo si Joseph. Mukhang Gwapo ang Tatay nito kaya ganito. Napansin kase nyang hindi naman kagandahan si Ma'am Josephine kundi maputi lang kaya kung tititigan e parang hindi naman nya Anak si Joseph. Hindi sa panlalait pero yun ang nakikita ni Claire.
"Anong nangyare sa iba mong Yaya?" Sabi ni Claire.
"Hmm. Ayaw ni Kuya sa kanila. Nagagalit si Kuya sa mga Yaya ko kase minamanyak daw sya..."
"Ha? Grabe, naman yata yung mga yun."
"Mmhmm! Sobra. Minsan inaamoy Brief ni Kuya nahuli namen..."
Nanla-laki ang mga Mata ni Claire sa narinig. Marami pang kinuwento si Joseph tungkol sa mga Yaya dati. Ayon sa Bata na to e pang 28 na Yaya na si Claire. Halos lahat napapa-alis kapag hindi natutuwa si Seph na 22 Years Old at nasa America ngayon. Sabi ni Joseph Model ang Kuya nya sa ibang bansa. Kinakabahan tuloy si Claire hanggang sa maalala nanaman nya si Steve.
"Maraming friends si Kuya. Mababait mga Friends nya kaso puro sila babaero. Uhm, Ate Claire may Boyfriend ka na po ba?" Sabi ni Joseph.
"Oh'Uhm, a-ano, w-wala e. Ayaw ko na muna nun..." Sabi ni Claire.
"Tama. Wag ka muna mag Boyfriend para kapag nalita mo Kuya ko hindi sya magaling sayo. Ayaw ni Kuya na may Boyfriend ang Yaya ko kase baka daw hindi na ko alagaan kase Busy sa iba..."
"Nako Joseph, hindi mangyayare na magpo Focus ako sa iba. Promise. Hehe. Simula ngayon ikaw muna ang Priority ko. Ayos ba?"
"Ayos po!"
Nagyakapan silang dalawa saka nagtawanan. Masaya naman na nakikinig si Josephine na nasa baba lang sa Sala. Pinakikinggan nya sila Claire at Joseph na tumatawa. Yun lang wala na ang pagod ni Josephine at Stress sa dating asawa nyang hanggang ngayon ginugulo parin sya. Tawa lang ni Joseph masaya na sya.
*
6:46pm inaya na ni Josephine sila Claire at Joseph na kumain. Masayang lumabas ng kwarto ang dalawa na magka-hawak kamay pa. Bumaba sila saka nagpunta sa kainan. Tumulong si Claire sa paghahain pagkatapos naupo na sila saka nagsimula na...
"Anak, mukhang kasundo mo agad si Ate Claire ah? Hehe. Ayos yan may kalaro ka na. Hindi ka na malulungkot. May kasama ka nang manood ng Cartoons kapag nasa Work pa ko." Sabi ni Josephine.
"Mmhmm! Bukas Mommy wala kaw pasok work?"
"Yeah, wala? Why?"
"Ipasyal naten si Ate Claire kila Pops! Tapos mag Mall tayo!"
Masaya si Claire na marinig na ganito kagusto ni Joseph na ipasyal sya ultimo pagpapakilala sa pamilya ay gagawin ng Bata.
*
Pagkatapos kumain si Claire ang naghugas ng pinagkainan nila. Umakyat na sila Josephine at Joseph para makapag Halfbath at makapagpahinga na. Binilisan lang ni Claire ang paghuhugas tapos pumanik na agad sya't nag Halfbath saka na nahiga sa Malambot na Kama.
*
Kinabukasan
Masaya silang namasyal nila Josephine at Joseph sa Mall. Pinamili ni Josephine si Claire ng pagkain na Stock nila sa Condo. Pagkatapos mamili nagpunta na silang Tatlo sa Parking Lot at isinakay na ang mga pinamili nila tapos bumyahe na sila papunta sa sinasabi ni Joseph.
**
Laking gulat ni Claire nang mapansin nya ang tila Dalawang Tao na pamilyar sa mukha nya. Nadagdagan pa yun kaya kinakabahan na sya ngayon pero hindi nya pinapahalata kila Joseph at Josephine to.
"Granpa!!!" Masayang sabi ni Joseph habang papalapit kay Don Venedict na kilala ni Claire bilang Tatay nila Steve at Steven. Naka-upo si Venedict sa Sofa nang salubungin sya ng Apo nya sa pamangkin na si Josephine na nag Mano ngayon sa kanya.
"Hi Uncle. Kamusta po kayo. Nako, etong Batang to ikaw ang paboritong puntahan pagkatapos mag Mall." Sabi ni Josephine.
"Ayos lang yun atlis mas Gusto nya ko kesa sa Daddy mo! Hahaha. Payakap nga si Granpa. Oh! Sino naman tong kasama nyo?"
Mabilis na tumibok ang Puso ni Claire nang tignan sya ni Venedict mula Ulo hanggang Paa. Masaya naman si Josephine na sabihin sa Tito nyang...
"Si Claire po... Bagong Yaya ni Joseph..." Sabi ni Josephine...