Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Entanglement
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

Try

915 44 23
By keeperofsins

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Andrew nang makita si Lucy na tahimik na nakaupo sa isa sa mga bar counter.


Kasalukuyan silang nakadaong sa isa sa mga islang destinasyon ng barko upang makapagpahinga ang ilan sa mga bisita at turista't bisita, at para na rin pagpapahinga sa mga empleyado at paninigurado na ayos ang barko. Maliban pa sa pagsisiyasat at paninigurado ni Andrea na ayos ang lahat ng pasilidad sa naturang lugar na iyon.


Kaya naman mayroon silang ilang araw para manatili at makapagsaya roon. Laking tuwa na lang niya na makita na kahit papaano ay nakakapagsaya pa rin ang babae at nagkakaroon ng oras para makapagliwaliw habang naroon dahil na rin sa tulong ng mga yaya ng bata.


"Care for some company?" magiliw niyang sambit pakaupo sa tabi nito.


Napataas na lamag si Lucy ng isang kilay nang makita siya roon. "I doubt I'd have any choice," walang gana nitong sagot bago siya irapan.


Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa reaksyon nito, tila parang wala pa rin talagang pinagbago ang babae mula noon hanggang ngayon, mula sa ugali nito hanggang sa katawan, pananamit pati na rin sa kilos. Hindi niya mapigilan ang mapakagat na lamang sa kanyang ibabang labi sa panggigigil habang pinagmamasdan ang ganda ng pagkakalapat ng sundress nito, lalo pa at halos ipinapakita na nito ang kalahati ng hita ng babae.


Hindi niya mapigilan ang isipin ang mga panahon na pinaglalakbay niya ang mag labi roon at ang tsansa na muling magawa iyon. Mas lalo pang nagrigudon ang kanyang pakiramdam nang muling masilayan ang ganda ng dibdib nito ng malapitan dahil sa pagkakalitaw noon sa suot.


Agad lang siyang napaayos sa kinauupuan nang mamalayan niya ang muling pagbaling ng babae sa kanya. Mabilis na lang siyang nag-angat ng kamay sa bartender para humingin ng inumin para pakalmahin ang sarili.


"Doesn't this remind you of old times?" magiliw niyang saad habang nilalaro ang bote na inilapag sa kanyang harapan.


Isang tipid na ngiti naman ang namutawi kay Lucy pakatuon muli ng atensyon sa paglalaro sa maliit na payong na nasa inumin nito.


"Yeah," tanging sagot lang ng babae.


"I remembered you were the hottest bartender in the bar, almost all of the guys in that place had their eyes on you, even I wasn't able to take my sights from you," malokong saad na lang niya nang maalala ang kanilang kabataan noon.


Isang bagay na pinagsisihan niya dahil nag-init nanaman ang kanyang katawan nang muling sumagi sa kanyang alaala ang mga panahon na madalas pang magsuot ng mga hapit at maiikli ito.


Napalagok na lamang siya sa kanyang iniinom nang dumekwatro bigla si Lucy upang umayos ng upo paharap sa kanya.


"Uhum, and we're talking about this now because?" mapang-asar na saad nito habang itinatagilid ang ulo sa pangungutya.


"Well, I just...I was just reminiscing on old times," agad na lang niyang sagot nang mabatid na napapansin na siya nito. "Don't you ever wish that you could just go back in the past," muli niyang simula sa kanilang usapan upang kahit papaano ay malihis ang usapin nila.


Naparolyo lang ito ng mata sa kanya bago sumipsip sa straw ng inumin nitong special na mix drink. Muli na lang siyang napalagok sa kanyang bote dahil sa tila pagka-uhaw nang mapadako ang kanyang mata sa mga namamasa nitong labi, naroon ang walang patid na paghahatak ng kanyang utak sa pagnanais na matikman ang lambot at sarap noon muli.


"I'd rather not, since I really don't want to experience all those stress again," bulalas na lang ni Lucy bago mapabuntong hininga.


Napatalumbaba na lamang ito sa lamesa bago nito muling gamiting ang straw para laruin ang yelo na nasa inumin.


Napatawa na lang siya ng pagak sabay yuko dahil sa biglaan panliit at inis. "I didn't mean that part?" agad na lang niyang bawi bago pa man mapunta sa kung saan ang usapan nila.


Ayaw niya rin naman masira ang magandang simula ng kanilang kuwentuhan, lalo pa at sa pagkakataon iyon ay hindi siya nilalayuan nito.


"Well, it's all I can remember since it's what you always did and have not stopped to do," makahulugan at may panunuyang saad ni Lucy.


Nilagok na lang ni Andrew kaagad ang bote na hawak upang kumuha ng lakas ng loob, naroon rin kasi ang kakatuwang paninikip sa kanyang dibdib dahil na rin sa katotohanan na wala na siyang ibang pwedeng gawin ng mga sandaling iyon, kaya kahit naroon ang tila paglabag ng kanyang loob ay minarapat niya ng ilabas ang bigat sa kanyang dibdb.


Ilang malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan upang kahit papaano ay mapahupa ang tila pagkasamid upang masabi ang ninanais.


"I was never going to leave you." Napayuko na lamang siya habang inaalog-alog ang hawak na bote.


Sinusubukan na isantabi ang hapding nararamdaman dahil na rin sa walang patid na bugso ng pagsisisi na nanunumbalik sa kanya.


Tumuwid kaagad ang mukha ni Lucy nang pakabalingan siya. "And yet you left when we needed you the most," halos bulong na sambit ni Lucy.


Tila parang sinaksak na lamang siya nang maalala ang dahilan ng pait sa likod ng boses nito, naroon na ang matinding hapdi sa kanyang mga mata sa pagpipigil ng mga luha nang sumagi nanaman sa kanyang isipan ang pagkawala ng kanilang kambal na siyang dahilan at puno't dulo ng matinding galit ng babae sa kanya, pero kahit na ganoon ay hindi niya nais magpatinag dito.


Muli siyang lumagok sa hawak para dagdagan pa ang lakas ng loob dahil tila tinatakasan na siya ng tapang at kompyansa ng mga oras na iyon.


"I was coming back!" pagdidiin niya na lamang nang harapin na ang babae.


Isang pagak na tawa ang malakas na kumawala kay Lucy sa narinig. "To what? You already ruined everything," mapang-asar nitong singhal.


Napaigiting na lamang ang kanyang panga dahil sa kung anong sakit na nadama. "We're both at fault here," bulalas niya pakakuyom sa hawak na bote ng alak.


Halos nagtataas na ang baba ng kanyang dibdib dahil na rin sa kakaibang hirap sa paghinga mula sa kung anong paninikip roon. Naroon naman kasi ang katotohanan na wala naman talaga siyang balak makipaghiwalay dito noon, subalit napikon lamang siya dahil na rin sa walang patid na pangungulit ng abogado nito, pagmamatigas ng babae na makipag-ayos, pati na rin ang madalas na pagbabanta ng kakambal ng babae.


Napahalakhak na lang si Lucy ng mapakla. "Marrying you was definitely my fault," makahulugang sagot pa nito bago maglihis ng tingin.


Tila isang malakas na sampal na lamang ang sumalampak sa kanyang mukha pakarinig noon, naiintindihan niya naman kung saan nagmumula ang galit nito, subalit ang buong akala niya ay parehas na silang nakalampas sa bagay na iyon. Naroon rin naman ang parte na nais niyang magpaliwanag ng mas maayos dito.


"If only you were reasonable," halos garalgal na niyang saad dahil sa init ng mga mata at kakapusan ng hininga sa sikip sa kanyang dibdib.


Napahinga na lamang ng malalim si Lucy pero hindi na ito muli pang bumaling sa kanya. "I am, that's why I decided to end it," malamig nitong sambit.


"I'm sorry." iyon na lang ang tangi niyang nasabi pakayuko.


"I've forgiven you, but that doesn't mean we can start anew," agad na sambulat ni Lucy bago lagukin ang natitirang laman ng inumin.


Hindi na niya napigilan ang sarili dahil na rin sa tila kawalan nito ng pakiramdam at pagiging manhid sa kanyang mga pakiusap, maliban roon ay para bang tuluyan na itong kinalimutan ang lahat ng kanilang pinagsamahan.


"If you would just understand what happened," napahampas na lamang siya sa lamesa dahil na rin sa pagkairita mula sa kung anong bigat sa kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon sa kaalaman na tila ba wala na talaga itong paki-alam.


Naging matalim na ang mga mata ni Lucy nang lingunin siya. "What is there to understand? That you're nothing but a lying, cheating, egotistical man, and that no matter what happens, no matter what anyone does, you are never going to change. You will just remain as you are Andrew, a man driven by his lust and only thinks with his cock," padurang buska nito.


Napatiim bagang na lang siya upang pigilan ang tuluyang pagsabog dahil sa inis at kung anong galit ng mga sandaling iyon sa sakit na nadama sa mga binitiwan nito.


"Vanessa was dying you know. Just like Jeff, if you were in my shoes wouldn't you have given him his last wish," pilit kalmang paliwanag niya na lamang.


Napangiwi na lamang si Lucy. "I highly doubt Jeff would've ask for something that would endanger or possibly ruin my marriage," mabilis na bara ng babae.


"She didn't ask for that, all she wanted was to be happy with her remaining time," agad niyang balik.


"And what did it cost exactly, huh Andrew?" bulyaw ni Lucy.


Tila umurong na lamang ang dila niya dahil na rin sa katotohanan na iyon, marami nga naman ang nawala at nasira ng dahil sa naturang desisyon niya.


"I never meant for all of that to happen," nanghihina niyang sambit.


Namamasa na ang mga mata ni Andrew ng mga sandaling iyon habang pinapakatitigan ng tuwid si Lucy. Sadyang hindi na niya kaya pang pigilan ang kakaibang sakit at bigat sa dibdib.


"Then why did you do it?" Napalinga na lamang ang babae sa kanya.


Parang gumasgas na lamang ang laway sa kanyang lalamunan pakalunok ng malalim, naroon ang tila hapdi ng pagdaluy noon habang pilit na iniisip kung ano nga ba ang nag-udyok sa kanya. Subalit kahit anong pilit niya ay wala siyang ibang maisip na pwedeng sabihin para ipaintindi ang mga nangyari.


"I'm sorry, you know I am, there's never been a single day in these past few years na hindi ako nagsisisi sa nangyari, if only I could turn back time I would," naluluha niyang sambit sa pagsuko.


Wala na rin naman siyang pagpipilian, lalo pa at talagang hindi naman nito matatanggap ang kanyang paliwanag, lalo pa matapos ng lahat ng nawala sa kanila.


Isang tipid na ngiti na lamang ang namutawi kay Lucy. "And you'd still do it all over again, but I'm very sure you'd try your best to avoid getting caught on that time, because that's just how you are Andrew, that's how you've always been," malumanay na lang na saad ng babae.


Nahigit na lang niya ang kanyang hininga dahil sa pagkawala ng isang hikbi, hindi niya maintindihan ang kakaibang sakit na dinadanas ng dahil lamang sa mga salitang binitiwan ng babae, pero sadyang iba ang epekto ng mga iyon sa kanya.


"Lucy I..." sinubukan niyang muling magsalita pero tinaliluran na siya nito.


"I'd better go, the boy's are probably sleepy by now," walang kaabog-abog na saad ni Lucy pakalapag ng bayad nito sa bar table.


Hindi na siya nito nilingon o hinintay pa at nagtuloy-tuloy na lamang sa paglalakad paalis roon. Napasapo na lamang siya sa kanyang mukha para pigilan ang mga luhang nagsisimula ng mag-unahan sa kanyang mukha.


Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya para subukan pahupain iyon, pero sadyang matindi ang sakit na kanyang dinaranas, kung kaya't minabuti na lang niya na humingi ng isang bote ng alak, upang kahit papaano ay lunurin ang nadaramang sakit ng mga sandaling iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...