Taking One Step Closer

By bluepncil

2.9K 297 62

How to move-on? That are the words that Kristel have been questioning to herself for years. After her first l... More

Taking One Step Closer
Prologue
First Part
Third Part
Fourth Part
Fifth Part
Sixth Part
Ending

Second Part

193 31 9
By bluepncil

Second Part

Confusing actions

I was running in the corridor again and again for the same reason. Malalate nanaman ako! Lucky me pagdating ko sa classroom hindi pa nagsisimula 'yung klase namin sa ICT, mahina pa naman ako sa database.

"Buti hindi pa 'ko late" sabi ko kay Nyx, siya ang katabi ko sa klaseng 'to, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagdodoodle sa notebook niya. Hello? Kinakakausap ko kaya siya! Hindi ko nalang din siya pinansin at nakinig nalang sa professor ko.

"Okay class, ngayong midterm ay magaassign ako ng mga magrereport" umingay naman sa klase dahil nagrereklamo sila. Well, kahit naman ako, "Quiet! Now, pipili ako ng magiging partner niyo at dahil si Mr. Enzo Villanueva ang nakakuha ng highest grade nuong prelim he's the first one to report with..." tumingin naman sa'min 'yung professor ko, pero napatitig siya sa akin, "Excuse me Miss? Are you in my class or you're a seat in?"

Kumunot 'yung noo ko, anong seat in? "Ma'am I'm Kristel" sabi ko pa habang winawave 'yung kamay ko sa harap ko. Nagtinginan naman silang lahat sa'kin kahit si Nyx titig na titig sa'kin. I'm innocent, bakit parang gusto ata nilang pumatay? Binigyan ko naman 'yung mga tropa ko na nakatingin sa'kin ng 'dont glare at me' look

Umubo-ubo naman 'yung prof ko at inayos 'yung salamin niya sa mata. "Okay, Ms. Buenavidez you'll be Mr. Villanueva's partner for reporting"

Nanlaki 'yung mata ko nun. Why me? Bago pa ako makapagrract eh pumili na ng susunod na magpartner si Ma'am Teodocio. Ugh, ayokong maunang magreport. Kaasar talaga!

After ng klase namin naglakad na ako papunta sa next class ko ng may narinig akong tumawag sa'kin, "Buenavidez!" the heck, sino naman kaya yung tumawag sa'kin by surname? Paglingon ko nakita ko siyang nakayuko sa harap ko habang hawak-hawak 'yung tuhod niya at hingal na hingal. Si Enzo pala.

"Care to talk about our report?" sarcastic niyang sabi. Pinigilan ko 'yung sarili kong hindi siya taasan ng kilay. Relax Kristel.

"Ano bang gagawin na'tin? Nagmamadali kasi ako may next class pa 'ko" umayos naman siya ng tayo niya at may binigay sa'king handouts.

"Just study that and let's talk later. Bye!" tapos tumakbo na siya palayo, later? Para namang magkikita pa kami mamaya eh huling subject ko na 'yun na kaklase ko siya. Bahala na nga siya sabi niya naman aralin ko eh.

Pagkatapos ng mga klase umuwi na ka agad ako sa 'min buti naman at hindi ko na nakasabay sila Roiland at Ellaine kung hindi baka mapaiyak nanaman ako dito sa jeep sabihin pa ng mga katabi ko baliw ako. Ginawa ko lang 'yung mga assignment ko at pagkatapos nun humiga na ko sa kama, tutulog na sana ako kaso nagvibrate yung cellphone ko. Unregistered number

'Anong gagawin natin sa report?'

Report? Teka, dont tell me si Enzo 'to? Pano niya nakuha yung number ko? Nagreply naman ako.

'I dont know, you have ideas? Paano mo nga pala nakuha number ko?'

After few minutes nagreply din siya sa akin.

'Yeah, I have idea but I need your help. Magkikita pa naman tayo bukas sasabihin ko nalang. I got your number from our ICT prof.'

Oh, kay ma'am niya pala nakuha, siguro dun 'yun sa index card na pinasulatan ni ma'am nung unang araw ng pasukan.

'Okay!'

Hehe, tipid ng reply ko. Itatago ko na sana 'yung cellphone ko kaso nagvibrate ulit.

'Thanks, goodnight Kristel :)'

He called me Kristel, hindi na Buenavidez. Well, that's better hindi naman kasi ako sanay na tawagin sa apelyido parang masyado namang formal 'yun.

The next day tulad nga ng napagusapan, nagusap kami ni Enzo sa garden ng school para sa report. Ang gusto niyang gawin ay 'yung parang may debate, tungkol sa mga Data Flow Diagram at Flow Chart yung irereport namin, so ang mangyayari kunwari siya ang epmloyer at ako ang employee magaaway kami dahil hindi ko sinunod 'yung step by step process para makabuo ng isang product at pagkatapos nun ieexplain niya kung anu ba 'yung uses ng DFD at FC tapos ako naman sa mga guidelines at examples.

Pagkatapos naming magusap nagstay narin siya sa garden dahil vacant niya pa daw at ganun din naman ako. Nilabas ko yung filler ko at nagsulat-sulat nalang duon, ang awkward nga dahil wala namang nagiimikan sa'ming dalawa. Siguro naiilang din siya sa'kin, pero siya 'yung unang bumasag ng katahimikan.

"Who is he?" ha? Napatingin naman ako sa tinuro niya. 'Yung filler ko na may picture namin ni Roiland nung kami pa, maliit na picture lang 'yun pero napansin niya pa rin.

"He's Roiland" matipid kong sagot.

"Boyfriend mo?" I shook my head. How I wish he is.

"Ex ko" and I smiled to him, a bitter smile. Ewan ko pero nasasaktan ako kapag binabanggit ko yung salitang 'Ex ko' para kasing sinabi kong tapos na talaga at wala ng namamagitan sa 'ming dalawa.

"You still love him?" tanong niya sabay tingin sa 'kin.

Imbis na sagutin ko iyon ay tumungo lang ako duon. There's no sense of hiding it, mahal ko parin naman siya hanggang ngayon eh. Kahit balikbaliktarin parin ang mundo siya parin ang mahal ko at hindi na 'yun magbab... nagitla ako nung biglang may humawak sa pisngi ko.. Napatingin ako sa kanya, he's lightly pinching my cheeks while smiling to me.

"Hey mataba pala pisngi mo ngayon ko lang napansin" he said while smiling eye to eye on me. Parang may kung anong bumuhos sa akin nung sinabi niya 'yun, siguro gulat dahil hindi ko aakalain na hahawakan niya ang pisngi ko.

Tumayo siya sa bench na inuupuan namin at naglakad na palabas ng garden. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Akala ko talaga eh aalis na siya duon kaso nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin. This time he looks so serious and he said the most confusing thought I ever heard, "There are some thoughts you can't avoid and some feelings you can't deny just make sure you're happy whenever that thing cross in your mind and..." he paused, tumalikod ulit sya sakin at nagsimula na ulit maglakad palayo " in your heart" mahina niyang sabi pero enough para marinig ko. What was that again?

Nung sumunod na araw, nagawa naman namin ng maayos 'yung report, na-very good pa kami dahil well-prepared daw kami. Naku, kung alam lang ni ma'am na saglit lang namin 'yun pinagusapan. Pagkatapos naman nun hindi na kami masyadong naguusap ni Enzo kasi wala naman talaga kaming paguusapan. Hindi naman kasi siya katulad ng normal friends ko na lagi kong kasama, magkikita lang kami sa mga subject na magkasama talaga kami. Nagpapadaan din ako ng group message sa kanya pero hindi naman siya nagrereply which is okay lang din sa'kin dahil hindi naman talaga kami close.

Dumating 'yung araw ng seminar namin, two days lang 'yun sa school, puro accountacy students lang din ang invited na umattend. Puro talk lang 'yun at learning session, meron ding mga activity para hindi antukin 'yung mga umattend pero susko antok na antok na ako sa kinauupuan ko. Nung kinahapunan hinayaan na nilang makapagpahinga 'yung mga estudyante, kaya pumunta na ako sa classroom na assign kaming matulog. Yep, sa classroom nila kami pinatulog dahil marami kami. Okay lang din naman dahil may dala kaming beddings at aircon naman 'yun. Parang camping lang.

Papasok na sana ako ng room kaso nakita ko si Enzo na nakaupo sa hagdan magisa. Anong problema nun? Tsaka bakit nandito sya sa Science Building eh sa Math Building 'yung quarters ng mga boys.

Napangiti ako dahil sa kalokohang naisip ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at bigla ko siyang hinawakan sa balikat.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO DITO?" gulat ko sa kanya pero imbis na magilat siya eh tinignan niya lang ako ng masama. Walang sabi sabi eh hinigit niya ako sa tabi niya kayat napaupo rin ako sa hagdan.

"Hoy ano bang prob..." hindi niya na pinatapos 'yung sasabihin ko at tinakpan na niya 'yung bibig ko ng kamay niya. Magproprotest pa sana ako sa ginagawa niya kaso may narinig akong babaeng parang sumisigaw.

"Enzo! Enzo! Nasaan kaba? Alam ko nandito ka, nakita kitang paakyat sa building na 'to. Please let's talk!!!" parang kay Sheryl na boses 'yun ah?

Nang hindi na namin marinig 'yung boses ni Sheryl binitawan niya na 'yung bibig ko at umupo duon na parang wala lang nangyari. That's my turn para sigawan siya, "What do you think youre doing? Bakit pinagtataguan mo si Sheryl?" kulang nalang ata eh may lumabas na usok sa mga ilong ko. I know I'm overeacting but I've seen a lot of scenes like this before and I know the ending would be the girl will cry because their boyfriend left them.

Hindi siya umimik kahit na sinigawan ko na siya kaya lalong uminit ang ulo ko.

"Hoy ba't hindi ka nasagot diyan? Diba girlfriend mo siya?"

"Hindi na" matipid niyang sagot sa 'kin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Nagbreak na kami two months ago"

"WHAT??? Bakit?" tinignan niya naman ako na parang naiiirita. "Okay, I'll lower down my voice. Now explain"

"I dont love her anymore" walang kagatol-gatol niyang sagot kaya feeling ko eh naglabasan nanaman 'yung usok sa ilong ko.

Napatayo ka agad ako sa kinauupuan at nakita ko ang pagtingala niya sa akin.

"Anong I dont love her anymore? Akala ko pa naman iba ka sa ibang lalaki mali pala ako! Kayong mga lalaki ganyan naman palagi 'yung reason niyo eh. Hindi niyo na mahal 'yung babae, hindi niyo man lang naisip 'yung mararamdaman ng babae kapag narinig nila yung mga salitang 'yun" dirediretso kong sabi sa kanila. Goodness, what's with these guy at pare-parehas lang sila?

"You don't understand everything" tumayo narin siya nun at this time ako naman 'yung nakatingala dahil mas matangkad siya sa'kin.

"Anong parte duon ang hindi ko naiintindihan?" i said sarcastically.

"All. Hindi lahat ng love story katulad ng sa'yo, hindi lahat may happy ending at hindi lahat ng lalaki katulad ng ex mo. Hindi mo mapipilit ang isang taong mahalin ka all you have to do is to accept the fact na hindi siya magiging sa'yo kahit anong gawin mo dahil hindi ka niya mahal. Kung magpapakatanga ka nasasayo na 'yun, ikaw lang din ang masasaktan at 'yun ang gusto kong maintindihan ni Sheryl dahil kung hahabul-habulin niya parin ako patuloy ko rin siyang masasaktan kahit na hindi ko naman intensyong gawin 'yun sa kanya."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun tumalikod na siya sa'kin at iniwan ako sa kinatatayuan ko.

I dont know pero biglang sumakit 'yung dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa mga sinabi niya dahil sapul na sapul ako o dahil nakita ko siyang galit na galit sa'kin. Either of the two stil it hurts so damn.

The rest of the seminar is okay napansin nga lang nila na matamlay ako, hindi ko na rin nakita pa si Enzo o kahit na si Sheryl. Naguguilty ako kasi mali naman talaga 'yung ginawa ko, kinompare ko siya sa ex ko at hindi ko muna siya inintindi bago magsalita. Hay, ba't kasi ang daldal ko. "Hoy Kristel, anong nangyayari sayo diyan?" sabi ni Nyx sakin habang hawak niya 'yung cellphone niya at nagtetext.

"Wala"

"Bakit inlove ka?" binato ko naman siya ng unan kaya nagkaroon ng pillow fight sa classroom. Inlove? Asa, eh hindi pa nga ko makamove on sa ex ko pano ako magmamahal ulit? Baliw din 'tong si Nyx.

Nang mga sumunod na araw triny kong kausapin si Enzo pero fail dahil siya na mismo 'yung naiwas sakin. Hay, ba't ba napakataas ng pride ng mga lalaki? Lagi nalang babae ang sumusuyo paano kung mapagod na kaming sumuyo?

"Kyle, nakita mo ba si Enzo?" tanong ko dun sa tropa niya nung nakita kong naglalakad 'to sa hallway.

"Ah, nandun sa auditorium meron kasing program 'yung mga Comsci Department siya 'yung nagaayos ng sound system"

"Ah, sige thanks" nagpunta na 'ko sa auditorium which is nasa 4th floor, nakakapagod para akong nagexercise ng gabi? Mag7-7 na kasi eh, at nandito parin ako sa university. Bakit naman kasi si Enzo pa 'yung nagaayos ng sound system eh diba dapat yung mga admin 'yung gumagawa nun?

Pagkarating ko naman sa auditorium nasa labas palang ako nagsisigawan na sila sa loob paano pa kaya kapag pumasok ako? Ano bang mayroon dito?

"Kristel?" bumilis bigla yung tibok ng puso ko nung marinig ko yung pamilyar na boses na yun, hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko 'yung boses na 'yun. "Kristel? Bakit nandito ka? May gagawin ka ba dito sa auditorium? May program kasi 'yung course namin"

Tumingin ako sa kanya at walang duda, si Roiland nga. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko na siya pero parang nanigas na ako sa kinatatayuan ko.

"Bf'ku!!!!" biglang may tumakbo papunta sa harap niya at hinalikan siya sa harap ko. Shit Kristel. What are you doing?

"Ano ba Ellaine ba't mo ginawa yun? Nandito si Kristel" tsaka naman tumingin sa'kin si Ellaine na parang wala lang sa kanya 'yung sinabi ni Roiland.

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero para na akong nasemento duon. Naasar ako sa sarili ko dahil nagmumukha akong tanga pero wala naman akong magawa. Nakita kong hinawakan ni Roiland 'yung kamay ni Ellaine at ganun din naman si Ellaine, kailangan ba sa harap ko pa?

Kumikirot nanaman 'yung puso ko at parang gusto ko nanamang maiyak sa harap nila. Loser ka talaga Kristel.

"You changed a lot Kristel, bagay sa'yo 'yung bangs" sabi ni Ellaine habang nakangiti. Mabait naman talaga si Ellaine kaya halos wala akong maipintas sa kanya siguro kung sa ibang lalaki ay mas pipiliin talaga nila si Ellaine kesa sa 'kin.

"A-ahh, t-thankss" I stuttered.

"Anyway bakit ka nandito?" tanong niya ulit sakin.

"A-ahh, a-ano... k-kasiii" shit bakit ba ako kinakabahan? Eh si Ellaine lang naman ang kausap ko. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang sasabihin ko dahil wala akong mahanap na tamang word na pwede kong idugsong duon.

"She's finding me" narinig naming sabi nuong nasa likod ko.

Pareparehas kaming lumingon sa likod ko, and I saw Enzo with his usual smile.

"Oh, so you're dating?" magsasalita pa sana ako nung maramdaman kong humawak siya sa bewang ko.

"Nope, she's already my girlfriend and we have a date tonight, right babe?" he said naturally while smiling.

Wala na akong nagawa kundi ang sumangayon, pagtingin ko kay Roiland, I dont know pero parang galit siya? I can say kasi nakakunot na 'yung noo niya at titig na titig lang siya sa'kin.

"Congrats sa inyo!" nakangiti namang sabi ni Ellaine.

"If you don't mind, mauuna na kami sa inyo baka sobra kaming gabihin sa date namin." pumayag naman sila pero hindi umimik si Roiland, umalis na kami sa harap nila at bumaba na sa hagdan.

Nang makasigurado akong hindi na nila kami makikita biglang nanlambot 'yung tuhod ko, mabuti nalang at hawak parin ni Enzo 'yung bewang ko kaya napakapit ako sa kanya. Hindi ko alam pero tumutulo nanaman 'yung luha ko, ba't ba napaka iyakin ko pagdating sa kanya? Bakit ba lagi nalang para sa kanya ang mga luhang 'to?

Then I felt a warm arm embracing me tightly and I just can't help not to cry hard.

Hinatid niya na rin ako sa paguwi kahit na sinabi kong okay lang ako at kahit na out of the way 'yung bahay namin sa kanila. I never dared to speak or to tell something baka kasi mas lalo akong maiyak.

Nang makatapat kami sa bahay namin eh tumigil na rin siya duon, "Pasok ka?"

Umiling siya sa akin, "Magpahinga ka nalang" I smiled weakly.

"Thanks nga pala sa pagtulong mo sa'kin kanina at tsaka sorry din duon sa nanagyari sa seminar hindi ko naman sina..."

"Hey enough with the sorrys." ngumiti ulit siya sa'kin at pinisil 'yung pisngi ko pero hindi naman sobrang sakit, "Fair na tayo, ganti ko sa nangyari sa seminar"

I smile at him. I know he's trying to comfort me.

"Aalis na 'ko baka lalo akong gabihin" paalam niya, tumango naman ako.

He walked away and I watched him as his back fade from my eyes pero bago pa siya tuluyang makalayo.

"Enzo!"

He looked but habang nakataas ang kilay niya.na parang tinatanong kung may sasabihin pa ako sa kanya.

"Bakit mo 'yun ginawa? Bakit mo ako tinulungan kanina?" I shouted.

He just smiled. The same smile I used to see.

"'Cause you're unhappy, and just to make you happy I did it" he said as a matter of factly, "And one more thing, I didn't help you may kapalit 'yun pero hindi muna kita sisingilin ngayon. Soon you'll know" at pagkatapos nuon umalis na siya sa harapan ko, at katulad ng unang nangyari nuong magusap kami sa garden. He left me confused.

[Edited]

- Christine E.

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
789K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...