TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 40

550 45 48
By ha7fcook

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra’s Pov]

Ui, totoo ba na kaklase niyo ‘yong Lionela Aishin Montero? As in si Aishin?” Manghang manghang tanong ni Forah pagkatapos akong icomfort dahil sa pagkawala ni Nanny.

“Yeah, so?” I asked.

Halla, gagi! Sikat kayang teen model iyon sa London, halla sh*t baka pwedeng ano, magpaautograph ka naman sa kaniya.” Aniya.

Kunot nook o naman siyang tinignan.

Pake ko naman kung model iyon? Maski Presidente pa ng Pilipinas, wala akong pake, maghire ka nalang ng isang batalyong tao at sabihing pakihanap ang pake ko.” Sabi ko.

“Hoy ang sama mo.” Aniya.

Napairap naman ako sa kaniya, sinong hindi mabubwisit doon kung panay ang hanap kay Zero at kwento ng kwento ng walang kabuluhan tungkol sa nakaraan nilang dalawa.

“She’s Zero’s ex girlfriend.” Sabi ko na ikinanganga niya.

Seryoso ka diyan?” Tanong niya at talagang nanlalaki ang butas ng ilong pati ang kaniyang mata.

“Yeah, and she’s annoying, siya pa lang ang shy type na friendly at malandi at the same time na nakilala ko.” I said.

Bitter kung bitter basta naiinis ako.

“Sure ka na ex niya?” Pang-uulit niya.

Oo nga, bakit ba ang kulit mo!” Inis kong tanong.

Selos ka?” Tanong niya na ikinataas ng klay ko.

“I am not jealous, I’m annoyed.” Sabi ko.

“Asus daming sinasabi ng poknat na ito, todo deny pa kasi.”

“Alam mo Forah kapag hindi ka pa nanahimik, ipapaasawa kita kay Neil.” Sabi ko.

Ahy bet.” She said ang giggled.

“Ang landi mo.” Sabi ko.

“Why not ‘no, we are not relatives anyway, poknat.” Sabi niya.

Hindi naman talaga eh.

Magpinsan lang ang mama niya mama ko, iyon lang ang naging relative namin, at siya naman ay wala ng kaugnayan kina Dayne at Neil.

Haharot harot ka ng ganiyang bet mo, kapag nariyan naman halos magpatayan naman kayo sa asaran.” Sabi ko.

“HOY NEiL!” Bigla ay sigaw ko nang makita ko si Neil sa malayo.

“Hoy poknat! Huwag mong tawagin.” Sabi niya at ibinaba ang kamay ko.

Ngumisi naman ako sa kaniya nang papalapit na si Neil kasama si Dayne kaso ang hindi ko inaasahan ay kasabay nila Zero.

Siya naman ang ngumisi.

“Balita ko ay Girlfriend daw ni Zero ‘yong model na taga London dzaii.”

“Ex ata eh.”

“Gaga, magkaklase sila ng ate ko, ang sabi niya ay sila daw.”

“Eh ano niya si Pres?”

“Malay mo kabit.”

Napatitig ako sa mga estudyanteng nag-uusap usap.

Ano na namang chismis ‘to? Palibhasa ay modelo ang pinag-uusapan, malamang ay mabilis kumalat ang ano mang balitang nahahaluan, nadadagdagan at napapalitan.

“Gaga, kabit ka?” Malakas na tanong ni Forah at saktong nakalapit na sina Neil.

Sinong kabit?” Bigla ay tanong ni Neil.

“Hoy! Zero, jowa mo daw iyong taga London si Lionela Aishin?” Sa tono ng pananalita ni Forah ay may halo nang inis samantalang kanina ay gusto pa niyang magpa-autograph.

Iyang pinsan mo ang jowa ko.” Sabi niya, hindi ako umimik at nakikinig lang.

“Doon daw sa Lionela mismo nanggaling na kayo, ano mo ang pinsan mo?” Ebidensya ang kuryusidad sa pananalita ni Forah.

Zero looked at me pero tinignan ko lamang siya na parang hindi ako interesado.

“She’s not my girlfriend.” He said defensively.

“May nagtatanong?” I asked, trying not be sarcastic.

“Promise, she is not my girlfriend.” Aniya, tumango naman ako at tumalikod na at nakita ko si Lionela na umaagos ang luha.

The bell rings at nagsipasok na ang lahat maliban sa aming anim na naririto sa bukana ng hagdan paakyat.

Napalingon ako kay Zero at blangko lamang siyang nakatingin kay Lionela, samantalang umaagos ang luha ni Lionela.

“What did you say Zero?” She asked, her voice is trembling.

“Ang dami kong sinabi, which of them you want me to repeat? The sentence that I told them that you are not my girlfriend?” He asked.

Nanigas pa ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagka-straight forward niya, parang pati ako ay nasaktan sa sinabi niya.

Ngayon ko lang narealize na masakit pala talaga, ganito siguro ang nararamdaman ni Alfie sa tuwing ipinagtutulakan ko palayo at sasagutin ng prangka.

“Liar!” Madiing bulong ni Lionela.

“Liar? In which part? You are not really my girlfriend.”

“Dre.” Pagpipigil ni Dayne ngunit hindi man lang niya nilingon.

“We never broke up Zero.” Umiiyak pa ring aniya at kitang kita kung gaano siya nasasaktan.

Ohw, really? How was that then?” Zero sounds so sarcastic.

“We are still together, we never broke up! Walang break up na naganap.” Pananagalog niya kahit pa man may pagkaslang.

Nababaliw ka na ba?” Inis na tanong ni Zero.

“Sa tagal mong nawala, hindi pa tayo hiwalay no’n?” He asked at kitang kita na inis na inis na siya.

“I leave but we never broke up, wala akong sinabi at wala ka ring sinabi--”

Iyon na nga eh, wala kang sinabi, ni hindi mo sinabing aalis ka, wala kang sinabi na iiwan mo pala ako--”

“Sa London--”

Kainin mo ang London mo gago! Alam ko ba? Ha? Sino namang tanga ang maghihintay sa taong hindi naman alam kung nasaan at wala namang pinanghahawakan ha? Sinong tanga ang hihintayin ang babaeng umalis ng walang pasabi at babalik ka ngayon at sasabihing tayo pa rin? Maayos pa ba ang turnilyo ng utak mo ha?!”

“But we didn’t broke up--”

Noong araw na iniwan mo ako ay doon ko na tinapos ang lahat, para akong tangang nagpapabalik balik sa inyo at pagkarating ko doon, wala pa lang tao, maghihintay sa school, sa tambayan, tatawagan ka at umaasa pero walang Ela na nagpakita, sumipot at nadatnan, sa tingin mo magpapakatanga  pa rin ako? Tanga ako, oo, pero hindi ako bobo.” Sabi ni Zero.

Na ikinaiyak lalo ni Lionela, naaawa na ako dahil maski ako ay nasasaktan sa itsura niya pero mas nasasaktan ako sa sinasabi ni Zero, naiimagine ko ang pinagdaanan niya.

“That’s why I’m here Zero to fix everything, hindi naman tayo naghiwalay eh--”

“Kung ganoon ay break na tayo, tinatapos ko na ngayon na, anong akala mo?Sa loob ng tatlong taong wala ka, maghihintay pa ako? Wala tayo sa kwentong pantasya na kahit dumaan ang ilang taon ay ikaw pa rin ang mahal, be practical Ela, matalino ka, huwag mong pairalin ang katangahan mo.” Sabi ni Zero sa kaniya.

I can see myself to Zero, and I can see Lionela to Alfie.

No one dare to stop them, mga hikbi lang ni Lionela ang naririnig namin.

Ganoon na lang ba matatapos ang lahat--”

Lionela, masaya na ako, please lang, ako na ang magmamakaawa, palayain mo na ako.”

Lionela bite her lower lip and run away, patungo na siya sa labas ng campus, late na late na kami.

I look at him and he smile at me like nothing happen, walk towards me and hold my hand at hinila na ako paakyat ng room, nagpahila naman ako sa kaniya at dumeretso kami ng room, at ang swerte namin dahil wala pang guro.

“Zero, kayo daw ni Lionela--”

“Huwag tatanga tanga, kita niyo na ngang kamay ni Leighra ang hawak ko at hindi si Lionela.” Aniya at hinila na ako papunta sa upuan namin.

Hindi ako umimik at hinayaan naman niya ako.

Wala akong sinabi kahit na isang salita hanggang sa may guro ng pumasok.

Nakikinig na lang ako at nagsusulat kung kinakainlangan at nililibang ang aking sarili, wala kaming kibuan ni Zero.

Nagtatanong pa ang mga guro kung nasaan si Lionela ngunit ni isa ay wala namang sumasagot, sa huli ay ipagpapatuloy na lang nila ang pagdidiscuss.

Natapos ang apat na period, maging sa recess ay hindi kami nag-iimikan ni Zero at hinahayaan naman niya ako at sinasabayan sa pag-lilibot.

At ngayon ay pananghalian na, inaayos ko naman ang mga gamit ko.

“You okay?” He asked.

“Yes.” I answered.

“Are you mad at me?” He asked at kitang kita ko ang alinlangan niya.

“Why would I?” I asked, dahil wala naman akong makitang dahilan para magalit ako sa kaniya.

“Bakit hindi mo ako kinakausap?” He asked.

“You are not talking too.” Sabi ko.

Natatakot ako, baka galit ka sa akin, may I know, what are you thinking?” He asked.

Inisip ko naman kung ano nga ba ang iniisip ko at hindi man lang ako umiimik, kaso ay wala naman.

“Wala naman.” Sabi ko, bumuntong hininga siya at inabot ang kamay ko.

Maniwala ka naman sa akin oh, I don’t love her anymore.” Sabi niya.

Ayos lang naman sa akin Zero, wala namang kasiguraduhan kung tayo talaga eh, hindi ko nga alam kung ano ang paniniwalaan ko.” Sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nakaimik sa sinabi ko.

“But I am so sure that I like you, and I think I am in love too.” Aniya, napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

Hindi ba niya alam na nakakailang ang sinasabi niya? Napakastraight forward naman niya kasi masiyado eh, hindi pa pwedeng magpabebe o magpakatorpe din?

Maniwala ka naman oh.” Aniya, he sounds pleasing me.

“Are you jealous?” He asked.

‘I don't know.’ Honestly.

“Huh?” Iyan ang lumabas sa bibig ko.

“You don't have to, narinig mo naman ang sinabi ko kanina, hindi ba?” He asked.

“Yes, and it is kinda painful to her.” Sabi ko na ikinailing niya.

“I don't want to give her a hope Leighra, it is better to be that way.” Sabi niya.

Intensyon mo bang sakan siya ng gano'n?” I asked.

He shook his head.

“No, pero kailangan niyang malaman ang nararamdaman ko, at totoong masaya na ako, masaya na ako sa 'yo.” Sabi.

“May I know what kind of couple you are before?” I asked.

“You sure you want to hear that?” He asked, naninigurado kung okay lang ba.

I nodded as my yes.

Bumuntong hininga naman siya sa akin.

“We've been--you sure you wanna hear our story?” He hesitated.

Oo nga.” I said and roll my eyes.

“Baka mamaya niyan magselos ka ha-- sabi ko nga magkukwento na.” Sabi nang ambahan ko siya ng sapak.

Lionela is my first love, the girl I admire the most before, she's famous and not easy to reach, kahit na magkaklase na kami noon ay napakahirap pa rin niyang abutin.” Kwento niya.

Nakinig naman ako sa kaniya, tumingin siya sa akin at nagtatanong kung itutuloy pa ba niya kaya tumango ako.

“Pero hindi naman ako gaya ng iba na gagawin ang lahat, nagkataon lang noon na ako ang kasama niya sa isang activity namin and she's broken at that time, I comfort her 'til we became friends.”

“Alam mo na, friends to lovers lang ang kwento.” Sabi niya.

Naging kami, kahit pa man kami na noon ay mahirap pa rin, dahil nga modelo ay madalas busy, nakakaselos mang kailangang ipareha siya sa ibang lalaki ay tinitiis ko.”

Lahat naman ay maayos, she never denied me. Basta gano'n, until one day she left. I am waiting outside their house para sabay kaming pumasok ng school pero walang lumabas.”

“I tried to call her but always out of coverage. At dahil kapansin pansin ding walang tao noon ay umalis ako. I texted her time to time asking where is she, meet up, something like that but she never showed up.”

“Within 2 weeks ago iyon ang ginawa ko, nagsimula na nga din akong maghanap pero wala akong natagpuang siya, so I lose my hope and stopped.” Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

“It is not easy but I did everything just to move on and forget everything. Nag focus na lang ako sa mama ko.” Sabi niya at tumingin na sa akin at ngumiti.

“Kaya nagulat ako noong nakaraan na nandiyan na siya, I know, I don't love her anymore, hindi ko lang maiwasang hindi magulat.” He explained.

“Ang sakit siguro no'n 'no?” I asked.

Oo naman, nagawa ko ngang iyakan eh.” Sabi niya at bumuntong hininga.

Wala akong masabi kun' 'di ay saklap.

Grabe lang.

Gutom na ako, baka gusto mong mag-ayang kumain na ng pananghalian.” Aniya.

Natawa naman ako kaya sumang ayon nalang din.

Naglakad na kami palabas af nagtungo ng Canteen para kumain na, nagugutom na nga din ako eh.

[Zero's Pov]

“Ingat.” Sabi ko nang ihatid ko si Leighra sa sasakyan niya.

Uwian na din kasi eh.

Ngumiti naman siya sa akin bago sila umalis ni Harvey.

Agad ko na ding kinuha ang bike ko at pumedal papunta sa Medina's Hospital para puntahan si mama.

Hindi ko pa nga pala alam kung anong room siya.

Pero bago iyon ay pumunta muna ako sa café para makapag-paalam na hindi muna ako makakapasok dahil sa kalagayan ni mama.

Mabuti na lang at naiintindihan nila ako.

Pumedal ulit ako papunta na ng Hospital.

Tinanong ko naman kung saang room si mommy, nagulat ako nang sabihin nasa ICU si mama.

Napanganga ako, malalang malala na ba? Bakit ICU? Nanghihina ang mga tuhod ko habang tinutunton ang ICU.

Nang makarating ako ay sumilip ako sa may glass at ayun, kita ko si mama at napakaraming nakakabit sa kaniyang katawan.

Napangiti ako ng mapait.

‘Ma, lumaban ka po ha?’ Sabi ko sa isip ko.

“Hindi nga maganda ang kalagayan niya.” Bigla ay sulpot ni tito.

“Magiging maayos naman po siya hindi ba?” I asked, asang asa.

“Let us pray that she will.” Aniya.

Parang gusto kong magtatntrums dahil sa sinagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan si mama.

Sana gumaling ka mama, sana po talaga.

Napabuntong hininga ako at umalis muna doon, lumabas ako ng hospital para  kumain muna.

Pagkatapos ay bumalik ako ng Hospital at sinilip uli si mama, hindi ko alam pero hindi ako mapakali.

Sandali ay nakita ko si Doctora, at tumabi sa akin, nakatingin lang din siya kay mama.

“Hindi ko man lang naisip na ganito ang kalagyan ng mama mo.” Sabi niya habang nakatingin kay mama.

She sighed deeply at para siyang maluluha na ewan habang nakatingin kay mama.

“May pag-asa pa po ba siya tita?” Tanong ko.

“Oo naman, ipanalangin mo lang na kakayanin ng katawan niya ang mga gamot sa kaniya, she will survive.” Sabi niya.

Hindi niya tinanggal ang tingin kay mama, kita kong awang awa talaga siya.

“Ang tagal naming walang balita sa kaniya, we thought she's just busy tapos heto?” She whisphered and sighed again.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya nanahimik na lamang muna ako.

Ilang minuto pa kaming nakatayo doon bago namin naisipang umalis muna.

Umuwi na ako ng bahay and ayun sinalubong ako ni Zevi.

“Kumusta po si mama kuya?” Bungad niya...

“She's on the ICU.” I answered kaya napamaang siya.

“Malala talaga?” Nanlulumo niyang tanong kaya tumango ako.

Napabuntong hininga naman siya at hindi na lang din umimik.

Sabay kaming naupo sa sofa at walang nag-iimikan. Sumandal siya sa braso ko at hinayaan ko naman siya.

Nakatitig lang kami sa Tv na hindi naman umaandar at sabay na bubuntong hininga.

“Kumain ka na kuya?” She asked at tango lang naman ang naisagot ko sa kaniya.

“Akyat na ako sa taas ha, sunod ka nalang din at magpahinga ka na, maliwanag?” I asked.

Tumango tango naman siya kaya umakyat na ako, pagkarating ko ay agad ko ng hinubad ang damit ko at pumasok ng banyo para magshower na.

Habang umaagos ang tubig sa aking katawan ay inaalala ko ang nangyayari lalo na kay mama.

Ina-assume ko na kapag magaling na siya ay makakabonding ulit namin siya at makakasama sa kung saan, masaya kaming mamamasiyal sa kung saan.

Iniisip ko palang ay natutuwa na ako, at sana nga ay matupad iyon.

After I take a half bath ay lumabas na akong nakaroba lang ang aking pang-ibaba.

Mabilis akong nagbihis ng damit at nahiga na sa kama.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kaya naman nakatulog ako agad pagkahiga ko.

~to be continued~

[Don't forget to tap the ☆ star button to vote ★ and comment inlines too if you want, keep safe and God bless 3sures]

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 205 98
Lavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cel...
79.7K 5.2K 54
BOOK 1 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Romance Comedy, Teen Fiction, School Gheoharra Ava Medina presents a challenging personality, often e...
1K 205 48
The meeting of Zayden and Chantelle was unexpected. When Zayden was standing in front of his own beach and staring at the sea, Chantelle suddenly app...
139K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...