Accidentally Destiny

By AFairy_Bloosom

108 22 2

Dalawang taong ipinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon, na inakala na aksidente ang lahat, pero lahat pal... More

Accidentally Destiny
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 4

7 2 2
By AFairy_Bloosom

Shanna's POV

Anong oras na ba? Wala parin si thina! Nasaan na kaya yun? Lagpas na siya ng ilang oras...

Tinignan ko muna ang wrist watch ko at 11:30 AM na.

Agad kong kinuha ang phone ko sa pouch bag ko para idial ang number ni bessy...

"Oh! Nasaan na kayo?"bungad niya sa'kin pagkasagot niya sa tawag ko.

"Ah! Nandito pa ako sa dress section, actually kakatapos ko lang mamili."

"Si thina! kasama mo ba siya hanggang ngayon?"

"Hindi na! May bibilhin daw siya hindi ko alam! kung saan? Kanina pa yun e."

"Ah! Ganun ba, Sige tatawagan ko na lang mamaya."

"Sige! Mabuti nga kung tawagan muna."

"Ok! I'll hang up na, shan. Bye!"

"Ok! Bye!"

*Tutut* Call ended

Saka ko na ibinalik sa pouch ang phone ko. Nanatili lang akong nagpabalik-balik  sa paglalakad sa dress section na parang baliw! Kung sa bagay may pagkabaliw naman talaga ako sabi nila...

Nagpapakiramdam lang ako dito sa kinatatayuan ko, ng maagaw ang atensiyon ko sa isang saleslady at sa customer na babae na siguro mas bata pa sa akin na parang nagtatalo.
Biglang may lumapit na lalake at sinigawan yung saleslday.

Grabe! Ano kaya yun? Natahimik tuloy si saleslady. Siguro napagtanto niya yung kasabihang...

'Customer is always right!' E, paano kung may left na customer, hindi nila pa bibilhin, ganun!

Teka, ano nga kaya ang ibig sabihin nun? Actually hindi ko alam. Peace, narinig ko lang yun at himalang naalala ko...

Inikot ko muli ang mga mata ko sa ibang sulok ng dress section, ng may mahagilap ang dalawa kung mata...

Isang babae na sobrang pamilyar sa akin ang hitsura at may kasamang lalake. Ang saya pa nila dahil nagtatawanan pa sila, nakakakilig tuloy silang tignan...

"Bakit ba pamilyar ka sakin? Sino ka ba?"tanong ko sa sahig-- este sa sarili ko pala...

Tinitigan ko ng maige ang babae at kinabahan ako...

Hala! Siya kaya si kamatayan? Sinusundo na ba niya ako?

Nakaitim ito ng dress, heels at pouch bag at straight ang buhok na mahaba...

Hala! Ang ganda naman ng outfit ni kamatayan kung ganun...

Pero, bakit may kasama siyang anghel?

Napatitig ako doon sa lalake na panay ang ngiti doon rin sa babae...

At doon ko napagtanto na totoo silang tao! Akala ko na tuloy si kamatayan na...

Namimili ng mga damit yung babae habang panay ang titig lang nu'ng lalake...

'Bakit ko naman sila tatapunan ng atensiyon? Artista ba sila?

Panay lang ang titig ko sa dalawa ng humarap sa gawi ko yung babae na ikinagulat ko...

"O-my-guyyyy!!! Si thina, anong ginagawa niya? Kasama ng gwapong lalaking yan."Hindi naman marunong makisama yan si thina, how come na napapatawa pa siya sa lalaking yan?

"Pero, wait!!! Bakit namimili sila ng mga damit?at ang dami pa."knowing thina, hindi siya namimili ng mga damit dahil nasa kaniya naman ang lahat ng kailangan niya...

Waaaaa!!! Hindi kaya itatanan siya ng lalaking yan? For god sake thina!!!

Marami tuloy'ng tanong ang pumasok sa utak kung kahit kailan hindi nagkalaman...

'Para saan ang maraming damit?'

'Bakit damit pangbata at pangmatanda?'

'Sino ang lalaking kasama niya?'

'Bakit tuwang-tuwa siya rito?' 

Aba! Malay ko ba diyan sa kanila!

Wait! Kung magtatanan man talaga sila, kailangan ko silang pigilan...

Baka! Kaya sila magtatanan dahil may anak na silang naghihintay sa ibang lugar?

Hala! May anak na ba talaga si thina?
Infairness! hindi halata...

Pero kailangan ko silang pigilan! hindi tama ang ginagawa nila...

Naglalakad na ako ngayon sa direksiyon nila ng may tumawag kay thina, kaya napahinto ako ng ilang dipa sa kanila...

"Oh! Nasaan kana? Ako rin katatapos lang, sige bilisan mo diyan pupuntahan ko pa yung isa. Sige na! Mapapahaba pa to e!"Sino yung isa na tinutukoy niya? Hala! Baka yung tutulong sa kanila sa pagtatanan...

Grabe! Ka na talaga thina, ang sama mo!

Naglakad na sila patungong counter para bayaran ang walong paper bag na binili nila...

Hinintay ko muna na matapos silang magbayad kaya nu'ng tapos na sumugod agad ako sa kanila. Mahirap na baka makatakas pa, edi hindi ko sila mabisto...

Matalino kaya to, ka'la niyo huh?

"Thina! Please makinig ka sa'kin, wag mong gawin to. Pag-usapan natin to ng mabuti." sabi ko na ikinagulat ng dalawa ng nasa harap na nila ako...

Akala niyo hindi ko mabibisto 'yang kalokohan niyo?

Akala niyo lang yun!

"Oh! Shan, nandiyan ka pala pupuntahan na sana kita kaso nandito kana e. Kaya wag na lang."
Sabi ni thina, na gulat parin sa pagsulpot ko. Talagang hindi niya inaasahan, huh?

Best actress pa naman ako at natutuwa ako, dahil syempre magagamit ko na naman ang talent ko. Hehe!

"Yun na nga e, katatapos ko lang mamili at nakita kitang may kasama pa talagang lalake."Umiling pa ako na parang nadidismaya..."Ano ba naman to, thina? Akala ko ba may pangarap ka? Yun nga lang akala ko lang."Dugtong ko at naguguluhan pa ang dalawa...

Talagang naguguluhan pa sila dahil nabisto ko sila. Aba! Dapat lang...

"Ano bang sinasabi mo diyan?"Naguguluhang tanong sa akin ni thina, naiinis na siguro to dahil sa nabuking ko ang plano nila...

"Thina! Alam mo ang sinasabi ko kaya wag mo ng ituloy ang plano niyong magtanan."Sabi ko at napanganga ang dalawa, may mali ba sa sinabi ko, baka sila ang may ginagawang mali...

Don't me. Mabait kaya ako...

"Ano na lang ang sasabihin ni tita at tito?Siguradong madidisappoint sila sayo."Alangan namang matuwa sila na tinanan ang anak nila..."E, kami thina hindi ba kami naging parte sa buhay mo.Ganun na lang yun para ipagpalit mo kami sa lalaking yan. Oo gwapo siya, matangkad at disente pero thina, paano kami?dugtong ko na tinanong si thina habang sinipat ng dalawa kong mata si gwapo...

Nakataas na ang dalawang kilay ni thina sa akin at talagang pinapanatili niya lang na tahimik ang sarili niya...

Siguro nag-iingat lang siya na walang masabi na, kung ano?

"Ano thina magsalita ka?Siguro may anak na kayo na naghihintay sa ibang lugar kaya ganun nalang kalakas ang loob niyong magtanan."Hay! Hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinaggagawa ni thina sa buhay niya...

"Hi! miss! I think your misinterpreting the situation here. I'm his old time friend and I'm glad that we met again. We don't know, what are you talking about? I'm just joining her at walang tanan- tanan na magaganap. We're not that stupid to do that." Sa wakas nagsalita si gwapo. Anong sabi niya old time friend siya ni thina at masaya daw siyang nagkita silang muli, halata naman dahil ang saya nila kanina...

Napahiya tuloy ako ang epic kase ng imagination ko, kasalanan ko ba talaga?

Hay! Napatungo ako sa hiya, sino ba naman ang hindi mahihiya noon? Ang  kapal ng mukha ko para pagbintangan pa sila...

Sinilip ko ang mukha ni thina na bakas ang sobrang inis natakot tuloy ako sa all in black awra niya na nagmukha siyang mataray...

Ngumisi siya dahilan para mapatungo ako ulit sa sobrang hiya lalo na nang magsalita si thina...

"Bakit mo ba ako naisipan ng ganun? Ganun na ba talaga ako sa tingin mo? Sabi mo pa kanina may anak na kami kaya determinado kaming magtanan. How come shan?" Tanong ni thina na ikinalunok ko ng hard...

Thinarva's POV

Hindi niya sinagot ang tanong ko, ang lakas ng loob niyang mangbintang. Pagsabihan ka ba naman ng may anak na. GOD! CANNOT BE!

"God! Buong buhay ko umikot lang ang mundo ko sa inyo, how come na may anak ako?Impossible naman sigurong nabuntis ako na hindi nahahalata ang tiyan ko. Anong akala mo sa tiyan ko invisible? Na hindi nahahalata kapag lumaki na.
Wow! Amazing, as in congrats iba na ang level ng imagination mo. Pwede ka ng magdirect at magpatingin kana rin sa psychiarist pagkatapos."Inis na sabi ko kay shan naiinis ako sa kaniya, grabe! sarap kalbohin ng hard...

Napatingin ako kay nathan na tumahimik ulit pagkatapos niyang magsalita kanina, hanggang sa may tumawag sa kaniya...

"Oh! Nandito ako ngayon sa dress section. Ok! I'll be there in a minute, bye!"Mabilis kong naialis ang tingin ko sa kaniya ng humarap siya sa akin at magsalita...

"Ah! Keiah! I think I need to go, thanks for your time. I really enjoy today with you. Hope I can see you again."Sabi niya na nginitian ako at tumingin kay shan, saka ngumiti ng bahagya. Pero kakaiba yung pagngiti niya parang may something...

Keiah na ulit ang tawag niya sa akin, yan kase ang tinatawag  niya noong grade 4 kami...

"Ok! Go ahead."Agad siyang umalis sa harap namin ng sabihin ko yun...

'What's with that smile, huh?'

Nandito na kami ngayon sa resto, iniintay lang namin yung order namin at kapansin-pansin ang nakakabinging katahimikan ni shan...

Ano pa nga ba? Edi, hindi nakaget-over sa eksena niya kanina...

Nahihirapan talaga siyang iapproach ako at kay insan rin, remember sinungitan niya si insan kanina kaya marami siya atraso dahil sa mga scene niyang baliw-baliwan...

"Shan! Are you okay?It seems like something is bothering in you?"Tanong ni insan kay shan na nakapagpaalis ng katahimikan...

"Ah! Yeah! May iniisip lang?"sagot neto at tumalima na lang saka tumungo ulit.

Tumingin sa akin si insan na ipinahiwatig ang inaasta ni shan, kaya napakwento ako ng mala-charo...

Kuweninto ko kay insan ang mga nangyare kanina, simula umpisa hanggang sa scene na ni shan...

Pero! dahil bukod sa maarte ang pinsan ko, may pagkabungangera rin ito. Panay ang tanong sa akin habang tawa pa ng tawa, kaya a'yun si shan na out of place at tumungo ulit...

Dumating na rin ang order naming foods, kaya kumain na kami agad dahil nagutom na talaga kami, lalo na ako. Hindi ako sanay malipasan ng gutom at ayaw kung magka-ulcer...

Pagkatapos naming kumain, pumasok na ulit kami sa mall dahil manunuod kami ng movie at pumunta na nga si jen sa counter desk, para kumuha ng tickets para sa aming tatlo...

Sinenyasan niya lang kami na pumasok na kaya sumunod na kami sa kaniya...

Nandito na kami sa loob ng sinehan, nasa harap kami nakaupo, pinagigitnaan namin si shan at lumingon ako sa kaliwa pero walang nakaupo dun. I think 3 seats pa ang bakante...

Kalaunan nagsimula na ang palabas, napangiwi ako ng mabasa ko ang title ng palabas. What the S? Camp sawi. CANNOT BE!

Di ko naman kase binasa yung now showing cinema kanina, kainis! Grrrrrr!!!

Nawalan ako ng ganang manuod, Ano  pa nga ba ang mapapala ko sa puro sawi sa pag-ibig? Well camp sawi nga di ba, ano nga ba ang aasahan ko? Stupid!

Total pagod naman ako, pwede naman siguro ako matulog dito, kaysa panuorin ang nakakarinding palabas na yan. Ako pa ang maiistress, tumingin ako sa dalawa na akala mo nakikinig ng isang discussion ng guro sa sobrang focus nila. Wow! Huh?

Sinimulan ko ng ipikit ang aking mga mata para makatulog, wala naman siguro akong maaabala dito...

Hindi na ako nag-abala pa na tumingin pa sa kaliwa dahil antok na antok na talaga ako...

*Yawnnn*Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata, gusto ko na talagang itodo ang pagpikit ko...

Pero napakusot ako sa mata ko ng makitang may nakaupo na pala sa bakanteng upuan kanina...

Isang lalake, tumitig muna ako sa kaniya pero di na kinaya ng mga mata ko at nakatulog na ako ng tuloyan...

Get ready to the next chapter👉












Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 2K 143
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
1.7M 63.3K 59
As future king, Prince Thomas is set to hold his selection in order to find a wife. 20 girls from the Commonwealth are chosen to compete for his hear...
78.4K 3.8K 51
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€แ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€”แ€พแ€„แ€ทแ€บแ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€™แ€แ€Šแ€ทแ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€”แ€พแ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€€แ€กแ€œแ€พแ€œแ€ฑแ€ธแ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€€แ€ญแ€ฏแ€กแ€•แ€ผแ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€กแ€†แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€€แ€ผแ€›แ€ฌแ€€ แ€™แ€ญแ€˜แ€แ€ฝแ€ฑแ€›แ€ฒแ€ทแ€กแ€แ€„แ€บแ€ธแ€กแ€€แ€ผแ€•แ€บแ€…แ€ฎแ€…แ€‰แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€™แ€พแ€ฏแ€€แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€„แ€ทแ€บแ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€กแ€•แ€ฑแ€ซ...
436K 40.5K 33
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...