Under A Rest | โ˜๏ธ

By blueth_24

475 36 6

Police Officer Crunos Mendez and Dr. Meisha Londres Get arrested by Uno who's willing to take all the bullets... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
A/N

Chapter 4

11 1 0
By blueth_24

Walang mapaglagyan ang saya ko nang manalo ako sa quiz bee. Bukod sa nakatanggap ako ng scholarship para sa college ay malaking halaga din ang napanalunan ko.

Laking pasasalamat ko kay Hershel at Kylo dahil sa naitulong nila sa akin.

"Congrats Mei. I'm so happy for you"

"Salamat. Congrats din sa inyo"

Niyakap ako ni Hershel at nginitian lang ni Kylo.

Ngunit kasabay ng pagdiriwang ko ng pagkapanalo ay nakatanggap ako ng masamang balita.

Inatake ng asthma ang papa ko at kinailangan isugod sa hospital, kaya naman mabilis akong tumanggi nang inakit ako ni Hershel na sumama sa kanila.

Walang mapaglagyan ang kaba ko habang nasa byahe kami pabalik. Agad akong dumiretso sa bahay para kumuha ng gamit at magligpit.

Naabutan ko doon ang dalawa Kong kapatid. Tumakbo sila papunta sa akin para salubungin.

"Ate si papa!"

"Wag na kayong mag alala"

Pinakain ko sila dahil mukhang hindi pa sila kumakain, dahil walang mag aasikaso.

Iniwan ko ang gamit ko sa kwarto ko upang mag ayos. Nagulat ako ng makita ko ang sing sing na binigay ni Hershel. Paano ito napunta dito?

Ang babaeng iyon. Napakabuti ng puso. Itinago ko iyong singsing sa ilalim ng mga damit ko.

Dumiretso ako sa hospital pero bago iyon ay bumili muna ako ng pagkain para kay papa. Ibinilin ko ang mga kapatid ko sa kapitbahay namin na kaibigan ng mama ko.

"Ayan ang sinasabi ko sa iyo. Inuuna mo pa kasi ang ibang bagay, paano kung wala ako. Baka nalagutan na ng hininga si papa"

Iyon ang bungad sa akin ni ate. Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay sa akin niya sinisisi.

"Hindi ko naman kasalanan iyon. Wala namang may gusto nito"

Sinabi ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa kwarto ni papa. Hindi iyon private room kaya naman tatlo sila doong pasyente.

Pinakain ko si papa at pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking trabaho.

Halos Wala akong pahinga ng weekend dahil, pagkatapos kong ipagluto ang mga kapatid ko sa umaga ay dadaan ako ng hospital at didiretso sa trabaho. Babalik ako ng hospital para magbantay at uuwi ng umaga para sa mga kapatid ko.

Kinailangan ko pang asikasuhin ang philhealth namin para mabawasan ang bayarin sa hospital. Ilang araw din kasi si papang nasa hospital.

Nang mag weekdays ay balik eskwela ako. Mas lalong hassle dahil nadagdagan ang mga kailangan kong gawin.

Halos umabot ng sampung libo ang bill ni papa sa loob lamang ng apat na araw at kailangan pa niyang manatili ng dalawang araw kaya sigurado akong madadagdagan iyon.

Katatapos lang ng duty ko at nagpapahinga ako dito sa may kanto malapit sa amin. Lumapit ako sa sasakyan malapit sa akin at nanalamin. Mukha namang walang tao doon. Para na akong zombie dahil sa itim at lalim ng eye bags ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at umuwi na para kumuha ng gamit dahil babalik pa ako ng hospital.

Bukas na ang labas niya kaya naman namomroblema ako sa pambayad sa hospital.

Pumasok muna ako sa eskwela kinabukasan dahil tanghali pa naman ang labas ni papa.

"Mei. Namiss kita"

"Grabe ka naman. Araw araw naman tayo nagkikita"

"Kahit na"

Nakasalubong ko si Hershel sa corridor habang paalis na sana.

Napatingin ako sa lalakeng nasa likuran niya. Ngiting ngiti itong kumaway sa akin na parang bata. Napakunot ang noo ko dahil doon. Mukhang napansin ni Hershel iyon.

"Uno ano ba? You're scaring her"

"Para kang tanga Uno!" diretsang sabi ni Avril na may kasama pang pambabatok.

"Mei this is Uno my best friend"

"Kung makapag salita ka parang lugi ka pa sakin a!" reklamo ng lalaki.

Kailangan ko ng umalis, pero paano ako sisingit sa usapan nila.

"Are you up to somewhere?" tanong ni Avril sa akin.

"Ah. Oo"

"Where?" Kunot noong tanong ni Hershel.

"Hospital. Discharge ng papa ko"

"Omy! I'm sorry about that" Ayan nanaman siya, kahit walang kasalanan.

"Sakto, madadaanan ko iyon. Hatid na kita" nagulat ako dahil nag offer si Uno na ihatid ako.

"Hindi na. Kaya ko naman"

"Sige na. Magpahatid ka na" tatanggi pa sana ako kaso, naiintimidate ako kay Avril. Kaya tumango na lang ako.

Nagpaalam kami sa kanila at sumunod lamang ako kay Uno hanggang makarating sa parking lot, kung nasaan ang sasakyan niya.

Pinagbukas niya pa ako ng pinto at agad naman akong tumalima.

"Anong sakit niya?"

"Asthma"

Hindi ko alam Kung bakit siya nagtatanong dahil hindi naman kami close.

"Working student ka?"

"Oo"

"Bakit?"

"Kailangan e"

"Ang cold naman"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi naman, di lang talaga ako komportable, dahil hindi naman kami magkakilala.

"Salamat" Sabi ko sa kaniya bago lumabas ng kotse niya.

Nakahanda na ang mga gamit ni papa kaya naman dumiretso agad kami sa counter para mag bayad.

"Ma'am ok na po. Bayad na po ang bills niyo"

"Po?" Nagulat ako sa sinabi ng nurse na naandon. Paanong nangyari yon?

"Bayad na po kagabi"

"Sino daw po yung nagbayad?"

"Hindi po sinabi ma'am eh"

Sino naman kaya iyon? Imposible na sila ate iyon. Nakatulala akong lumapit Kay papa.

"Ayos ka lang ba anak?"

"Opo pa. Tara na"

Naguguluhan man ay hindi ko na muna inisip iyon.

Nagulat ako dahil pag labas namin ng hospital ay nandoon pa si Uno. Nakasandal sa kotse niya habang nagcecellphone. Agad niyang ibinulsa iyon nang makita kami.

"Ano pang ginagawa mo dito?"

"I'm waiting for you"

"Akala ko ba ay may pupuntahan ka?"

"Nanggaling na ako doon. Sabi ni Hershel ay ihatid ko na din kayo sa bahay ninyo"

Pumayag na lamang ako dahil baka Kung ano pa ang isipin ni papa.

"Kumusta po kayo sir?"

"Ayos na ako. Salamat sa Diyos hindi masyadong malala"

"Mabuti naman po kung ganoon"

Ngiting ngiti si papa habang nasa sasakyan kami at kausap niya si Uno. Nagawa pa kaming ihatid ni Uno sa bahay namin, nagkukwentuhan pa sila na akala mo ay magkakilala.

"Pa, aalis na po kami. May pasok pa po kami" pag putol ko sa usapan nila dahil nawiwili na si papa

"Ganoon ba? Sige ingat kayo."

Hinatak ko na si Uno papalabas ng bahay. Naglakad kami hanggang sa kanto kung nasaan ang kotse niya.

"Maraming salamat sa tulong mo. Pakisabi din kay Hershel salamat"

Naglakad na ako palayo pero hinatak niya ako.

"Saan ka pupunta?"

"Papasok?"

"Bakit ka maglalakad?"

"Alangan tumakbo ako"

"Gusto mo paliparin kita? Ang payat payat mo, ang tapang tapang mo"

Napaawang ang labi ko. Iniinsulto niya ba ako? Narinig ko ang tawa niya. Nakakainis.

Aalis na sana ulit ako ng pigilan niya ako.

"Ano ba?"

"Saglit. Samahan mo naman ako"

"At bakit?"

"Hindi pa ako kumakain"

Naalala ko, hindi pa din ako kumakain at nakakaramdam na din ako ng gutom.

"At anong kinalaman ko dun?"

"Samahan mo ako"

"Bakit ako sasama sayo? Hindi tayo magkaibigan o kahit magkakilala man lang"

Napaisip siya doon at napakamot sa ulo niya.

"Ililibre kita"

"Hindi ako nagugutom"

Tumunog ang kanina pang nagwawala kong tiyan. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Narinig ko ang pigil niyang tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na sumakay sa sasakyan niya.

Nakita ko pang nagpipigil siya ng tawa habang papasok sa kotse niya. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginagawa niya.

"Kapag hindi ka pa tumigil ay lalayasan kita"

"Sorry" kinalma niya ang sarili niya.

"Teka. Ako nga pala si Crunos Mendez. You?"

Talagang nagpakilala nanaman siya.

"Meisha. Meisha Londres"

Nakipag shake hands pa siya, tinanggap ko na lang para matapos na.

"Magkaibigan na tayo a?"

Tumango na lamang ako habang natatawa.

"Luh? Parang lugi ka pa ah? Teka. Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Hindi. Ang bantot lang ng pangalan mo"

Sa tingin ko naman ay hindi masamang makipag kaibigan sa kaniya. Nakikita ko naman na mabuti siyang Tao. Saka kaibigan lang naman.

~💙

Continue Reading

You'll Also Like

106K 5.4K 30
If you knew what it felt like to have your entire life upended, that was exactly what Isabelle felt like right at this moment. From finding out you h...
Chaotic Relations By Nia

General Fiction

38.4K 2.9K 30
Ruhanika Senghal hates changes. Even though her life is not the best, she is content with how it is. What will happen when she will have to change he...
386K 24.9K 56
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
122K 7K 44
When she wants to go to her dad's house as she was missing them!! Her husband who was searching online how to "stop your wife from going away from yo...