TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

Da ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... Altro

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 39

553 45 21
Da ha7fcook

PS: Brutal scenes,vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Right after Nanny died, kinabukasan ay inilibing na kaagad dahil iyon ang kahilingan ni Nanny that if she died, ay ilibing na kaagad.

My mom did that, panay ang iyak ni ate Nadia at ganoon naman ang pagpipigil ni kuya Lino, kahit na ganoon ay hindi pa rin hinayaan ni mommy na umalis sila ng bahay.

Sinabi niyang sa bahay pa rin sila maninirahan, hindi naman na sila umangal pa.

Hindi ko ipinakita sa kanila na nasasaktan ako ng sobra, I want to cry too pero pinigilan ko iyon at nananahimik lamang sa tabi.

Pare-pareho kaming hindi pumasok, nanatili lang ako sa kwarto ko at dinadalhan na lang ako ni Ate Rosa ng pagkain.

Sandali pa ay tumalon ang pusa ko sa kama ko.

“Meow.” He meowed and rub his paw on my cheek gently, his eyes are twinkling like he's asking for something.

Sabi nila, a cat can understand what you feel, whenever you are sad, you can sensible the cat beside you or cuddling to you.

“Not totally fine momong.” Sabi ko, assuming that he asked if I'm okay.

Pumwesto siya sa may balikat ko at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko habang ang buntot niya'y nakapulupot sa palapulsuhan ko.

He's snoring but it didn't bother me that made me fall asleep.

Nagising lang ako nang maalimpungatan ako at nagulat ako nang makita si Zero na nakaupo sa gilid ng kama ko, tulog at hawak ang kamay ko.

At si momong ay nasa ulunan ko na.

Pinagmasdan ko siya, nangingitim ang ilalim ng kaniyang mata at may eyebags.

Pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya.

Napatingin ako sa orasan at alas siyete na ng gabi.

“Zero.” Tawag ko at hinaplos pa ang muka niya at nagising naman siya agad.

Pasensya na nakatulog pala ako.” Aniya.

I smile weakly.

Ayos lang.” I said in an incantation way.

“How are you?” He asked.

“Better now.” Sabi ko sa kaniya.

“Good to hear that baby, I heard, hindi ka daw kumain ng umagahan at panaghalian, look at that. Nasayang lang, and heto pangdinner mo, malamig na.” Aniya.

“I don't feel like I want to eat.” Katwiran ko.

“But you need to eat.” Sabi niya.

“Wala akong gana.” Pabulong kong sabi ulit.

He sighed and squeeze my hand weakly.

“Para may lakas ka.”  Aniya.

“How about you? Have you eaten yet?” I asked.

He shook his head.

“I will, later.” Sabi.

Sabayan mo na ako kung gano'n.” Sabi ko.

He nodded kaya umupo na ako at kumain nga kami pero inuuto niya ako na ako muna kumain kaya in the end dalawang subo lang kaniya dahil mas marami siyang pinakain sa akin.

“Don't think too much hmm?”

Buntong hininga lang ang naisagot ko at uminom ng tubig, inabot ko naman sa kaniya iyon nang makalahati ko at ininom naman niya.

“Anong oras ka pumunta dito?” I asked.

“Around 3 pm.” He answered.

“Bakit hindi mo ako ginising, apat na oras kang naghintay!?” Sabi ko.

“You look so exhausted sweetie, kaya hinayaan ko na lang.”

“You too, you look so wakeful, look at your eyes.” Sabi ko.

“I'm fine, ikaw ang inaalala ko dito.” Sabi.

“What time ka uuwi?” I asked.

“8 o’ clock.” Sabi niya.

Tumango naman ako at pumasok ng banyo dala ang tuwalya at pamalit at nagtooth brush at shower na ako, mabilis lang naman at lumabas din ako ulit.

At nandoon pa rin siya inaayos ang higaan at pinagkainan ko bago umupo ulit.

Pumasok ka kanina?” I asked.

“Yeah, half day lang at may pinuntahan ako around one at pumarito ako ng alas tres.” Sabi niya.

“Cheer up baby.” Sabi niya at tumayo para lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Thanks for being here Zero.” Sabi ko.

“Anytime, for you Leighra.” Sabi niya at niyakap ako.

I hugged him back and rested my head on his chest.

Hindi ko alam kung ano ba talaga kami, this is just a joke pero bakit ganito na ang nangyari?

Winala ko muna sa isip ko ang papel namin ni Zero sa isa't isa at dinama ang sarap ng kaniyang yakap.

“I think, I am really in love with you Pres.” He whispered on my ear.

Hindi ako nakaimik at may kung anong umiikot sa aking tiyan at pakiramdam na parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kaniyang tibok.

Lumayo siya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.

“I am not staying that long sweetheart, may pupuntahan pa ako." Sabi niya.

“T-thank you.” Iyon ang nasabi ko, hindi ko alam kung akma ba ang sagot ko sa sinabi niya.

Ngumiti naman siya at pinisil ang pisngi ko ng mahina, napatingin siya sa labi ko pero nag-iwas din ng tingin kaya  pati ako ay napaiwas.

“Alis na ako.” Sabi at tinalikuran na ako.

Hindi ko na nagawang sumagot maging ang sumunod para man lang ihatid siya palabas ng bahay.

Napabuntong hininga ako nang isara na niya ang pinto, pero naroon pa rin ang kaba ko, napakabilis pa rin ng tibok ng puso ko.

It feels like my heart want to jump out of my rib cage, sumasakit pa iyon dala sa bilis at lakas ng tibok.

Napailing nalang ako at nahiga sa aking kama.

Hindi na ako makatulog, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

“Meow.” Momong meowed, nagising na siya.

I reach him at hinamplos ang ulo niya.

Hindi ko maiwasang hindi isipin si Zero, seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?

Kinuha ko ang cellphone ko na ngayon ko lang bubuksan mula pa kahapon at nasa 15 percent na lang.

Napakadaming miss calls and texts nina Forah, Neil at Dayne sa akin, asking me if I am okay.

Binasa ko na lang ang mga iyon at hindi na nag abalang replyan sila. Maging si Alfie ay may tatlong miss calls at text na nagtatanong din kung okay lang ba ako.

Mga teachers namin ay nagchat sa akin to bid their condolences, I thanked them and turn off my data.

Kinuha ko ang charger ko at isinaksak ang cellphone ko at nahiga muli sa aking higaan at pumikit na lang ulit.

*KINABUKASAN*

Naghanda ako papasok sa school kahit pa man ay dala dala ko pa rin ang sakit ng nangyari kay Nanny ay kinakailangan ko pa ring mag-aral.

Kumatok ako sa kwarto ni Harvey pero walang sumagot.

Kaya binuksan ko nalang.

He is lying on his bed habang yakap ang unan niya.

“Harvey, hindi ka papasok?” I asked calmly.

Mamayang hapon na po ako ate.” Sabi niya.

Tumango na lang ako at hinaplos ang buhok niya bago lumabas ng kaniyang kwarto.

Hindi na ako nakapag paalam pa kila mommy at daddy kung nariyan pa ba sila, dumeretso na lang ako agad ng school dala ang kotse ko.

Nagmaneho na ako papunta doon at nagpark na bago ako lumabas ng kotse at naglakad na papuntang campus.

Wala na akong pakealam kung sinong naroon pa sa gate, basta nilagpasan ko na sila at dumeretso ako ng guidance.

Medyo mahapdi pa ang mata ko, namumugto pero wala akong pakialam.

Naghanap na lang ako ng shade sa bag ko kung mayroon at isinot muna.

Umupo sa aking swivel chair at sumandal habang malalalim ang aking bawat buntong hininga.

'Yong balak kong mag-ikot ay hindi ko ginawa dahil nanatili na lang ako sa guidance office hanggang sa magtime na.

Umakyat ako papuntang room at naupo na lang sa upuan ko.

Lionela is looking at me.

“Absent ka kahapon--”

Ano naman ngayon? Umabsent ka din kung naiingit ka.” Sabi ko.

I don't want to be rude but I am not in the mood to be nice.

“Sorry, I am just asking, umabsent din kasi si Zero ng hapon.” Mahinhin niyang sabi.

Nakonsensya naman ako sa pagiging masungit pero hindi na lang ako nagsalita at hindi na siya pinansin pa.

[Zero's Pov]

“Hello po tita.” I greeted Doctora Gheoharra.

She looks fine now.

“Hi hijo.” Sabi at ngumiti.

Kumusta po?” I asked.

“Quite sad, but I am fine now, Manang Ely said that I don't need to be sad, dahil mauuna lang naman daw siya, one day ako naman ang susunod.” Aniya at umiling iling pa.

Tita, ililipat ko na po si mama dito sa Hospital niyo, hindi na po maganda ang lagay niya eh.” Sabi ko at nahihiyang ngumiti.

“Sure hijo, ngayon na ba mismo?” She asked.

“Kung maaari ho sana, kaso ay may aasikasuhin pa po ba---”

“Don't worry about that, ako na ang bahala, I will contact the Hospital at sabihin na.” Sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at napatango.

Salamat po, ayaw po ni mama pero kailangan na po talaga, kaya naman po ako na ang nagdesisyon.” Sabi ko.

Nakita ko ang pagtatanong sa itsura ni Tita, siguro ay dahil sa sinabi kong ayaw ni mama pero nanahimik na lang din pagkatapos habang may kung anong isinusulat.

Ngumiti naman siya sa akin at bumaling muli sa kaniyang sinusulat.

Pinagmasdan ko siya lalo na ang suot niyang stethoscope sa leeg at ang kaniyang uniporme bilang Doctor at ang plate name niyang Doc.Aragon.

Nakakahanga lang.

Ever since I was a kid, at pinapangarap ko ng maging doctor, ngunit hindi ko naman alam kung makakapag aral pa ako.

Napabuntong hininga na lang ako at hinintay si tita.

“Saan nag-aaral ang kapatid mo Zero?” She asked while writing.

“Sa Integrated po.” I answered.

“Nasabi mo na ba ang sinasabi ko?” She asked.

”Oo tita, tatapusin lang daw po niya ang taon na iyon at lilipat na po siya sa Valdez Intern.” Sagot ko.

Mabuti naman.”

“Saan mo balak magkolehiyo?” She asked.

“Hindi ko po alam tita." sagot ko.

“Gusto ko pong magmedisina.” I answered.

Ngumiti naman siya sa akin.

“Your scholarship is everywhere, saang paaralan mo man gusto ay susuportahan namin iyon.” Sabi niya.

Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa kabaitang ipinapakita nila sa akin.

“Marami pong salamat tita, napakadami niyo na pong tulong sa akin.” Sabi ko.

I am not friendly and approachable to others, I am not also respecting them but this family is different.

They are easy to get along with, comfortable and they even make you feel like you are belong, hindi ka naiiba talaga at itinuring pa akong pamilya.

Natatakot lamang ako na kapag nalaman nilang---

Napabuntong hininga ako at tinapos na sa isip ko kung ano man ang iniisip ko.

Puntahan mo na ang mama mo at ibigay ito sa doctor ng Hospital para sa paglilipat sa mama mo hijo.” Aniya.

Maraming salamat po talaga dito tita, tatanawin ko po talaga itong utang na loob.” Sabi ko sa kaniya.

“You're welcome son.” Sabi at ngumiti pa.

Nagpaalam na ako bago lumabas papunta na kay mama.

May pasok ngayon pero hindi ako pumasok dahil aasikasuhin ko si mama.

Gustuhin ko man ay hindi ko naman pwedeng hayaan si mama.

I ride my bike at pumedal na papunta doon.

Deretso ako agad sa doctor niya.

“Finally, sinunod niyo na ang sinabi ko sa inyo.” Sabi niya nang sabihin kong ililipat na namin siya doon.

Inasikaso niya lahat ng papel at kinakailangan.

She's unconscious right now, tatlong araw na ngayon.

Napabuntong hininga naman ako.

“You sure about this?” Tanong ng pinsan ko.

Ikabubuti naman niya eh, ayoko siyang mawala pa.” Sabi ko.

“Kaya sa ayaw man o sa gusto niya ay ililipat ko na. Sayang naman ang offer, libre na nga iyon para sa kaniya, hindi ko na tatanggihan pa dahil posibilidad iyon para gumaling siya.” Sabi ko.

Tumango naman siya sa akin.

I dialed my tito's number and tell him that I am going to transfer mama.

Nasa trabaho man ay agad siyang pumarito at binayaran ang natitirang bill ni mama.

“Marami pong salamat tito.” Pagpapasalamat ko kay tito kahit pa man kanina ako nagpapasalamat.

Sa ilang taon ay hindi kami pinabayaan ni tito lalo na ako, nandiyan lang siya upang tulungan at suportahan ako.

Gusto niya akong kunin pero hindi ako pumayag, ayokong pati ako ay poproblemahin niya.

Hindi ako close sa pamilya niya at iba pang pinsan namin, sa kaniya lang ako malapit at sa pinsan kong narito at wala ng iba pa.

Babayaran ko po lahat ng kabutihan niyo sa akin at sa pamilya namin tito kapag---”

“Nak, pamilya tayo, hindi mo kailangang bayaran, hindi ako nanghihingi ng kapalit, kapatid ko ang mama mo at normal lang na tutulong ako para sa kaniya. Sa inyo. Kaya huwag mong sabihing ganiyan ha?” Sabi niya.

“Marami pong salamat tito.” Sabi ko.

Naiiyak na naman ako sa tuwa. Kahit na tarantado ako ay napakabait pa rin ng Maykapal sa akin. Hindi niya ako hinahayaang mahirapan ng husto. Sakto lang.

Ilang oras pa ang lumipas at bigla ay nagring ang cellphone na pinagiram ni Leighra.

Lumabas naman ako para sagutin iyon.

Nakita kong tumatawag siya.

“He--”

“Bakit hindi ka pumasok?” She asked.

Napamaang ako, pumasok na din siya?

“May ginagawa ako.”  Sabi ko.

Ano? Katarantaduhan?” She asked.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Hindi ano ka ba.” Sabi ko.

Kumusta pakiramdam mo?”

“Muka mo kumusta, ulol!” Pagmumura niya kaya natawa ako ulit.

“Miss mo na ako agad? Kagagaling ko lang sa inyo kagabi eh.” I teased.

But to be honest, I am the one who is missing her.

Kahit huwag ka ng mag-aral peste ka.” Sabi niya.

Wala akong sinabi kun' 'di ang tumawa lang.

“Hindi ako papasok ngayon, baka bukas na, may inaasikaso ako baby.” Sabi ko.

“Baby amp*ta, ang dami mong alam, turukan kita ng anti biotic eh.” Sabi niya.

Napailing naman ako at bahagya na lamang na natawa.

“Miss mo na naman ako agad eh.” Sabi ko pero suminghal lang siya.

Pinapatanong ka sa akin e’ wala naman akong maisagot, alam mo namang kaya ako pinalipat dahil sa iyo.” Sabi niya.

Natawa ako ulit doon.

“Tell them, I have an emergency.” Sabi ko.

Sumang ayon naman siya.

Ayos ka na ba?” Singit ko sa usapan namin.

“Yes, maybe.” She answered.

“Don't force yourself to be okay Leighra, okay?” Sabi ko.

Pero dahil nga siya si Leighra ay ginaya lang niya ang sinabi ko sa nang-aasar na boses.

Napairap na lamang ako at nagpaalam na sa kaniya at sinabing bukas na nga ako papasok.

I compose a message.

To: My Naughty President.
Kumain ka pa rin kahit wala ako, maraming makakain diyan hindi lang ako ang masarap kainin ha?
12:47 PM Sent.

She replied immediately.

From: My Naughty President
U lol! Wala ka ngang kasarap sarap, manahimik ka.
12:47

Natawa na lang ako at nagsend ng umiirap na emoji at itinago na iyon.

Bumalik na ako sa kwarto ni mommy at inaasikaso na siya.

Mabilis naman ang naging galaw nila kaya ayun, dahan dahan na nilang inilabas si mommy at maingat na pinagtutulunngang itulak ang higaan niya palabas ng Hospital.

Pagkarating namin doon at naroon na ang ambulansiyang gagamitin papunta doon sa Medina's.

Iyon ay ang ambulansya nila.

Isinakay na siya doon.

Tinapik naman ako ni tito sa balikat at ngumiti ang pinsan ko sa akin bago ako pumasok sa ambulansiya.

Mabilis din kaming nakarating at agad namang umasikaso ang mga nurse at doctor sa aming pagdating.

Nakita ko si Doctora na sumasalubong at tinignan si mama.

Napamaang siya at gulat na pinagmasdan si mama.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa ekspresyon ni tita.

What the hell.” Narinig kong bulong niya.

Napalunok naman ako at biglang kinabahan.

Nakita ko ang pagkataranta niya ngunit naging maingat ang pag-aasikaso.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon pero ang malaman ang dahilan ay natatakot akong malaman.

Kinailangan ko na talagang kapalan ang muka ko para sa mama ko, I want her live, I am not ready yet na iwan niya ako.

Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim at naghintay sa sasabihin ni tita.

to be continued~

[Don't forget to tap the ☆ star button to vote ★ and comment inlines too if you want, keep safe and God bless 3sures]





Continua a leggere

Ti piacerà anche

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2K 139 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
7.2K 205 98
Lavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cel...
125K 682 10
revising... •••~~~••• Anger. War. Loneliness. Azeilyn Xill Hatico strives to be the perfect person on Earth. She is rich, gorgeous, smart, an academ...