Peripéteia of Malakós (Filipi...

By Spark_In_Light

1K 240 194

Kimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of dist... More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1: New World
Chapter 2: Salamisim
Chapter 3: Zero
Chapter 4: Patatas
Chapter 5: Time Travel Exists?
Chapter 6: Pest
Chapter 7: We Meet Again, Zero
Chapter 8: Baka
Chapter 9: Soft Bear
Chapter 10: Same Book
Chapter 11: Subasta
Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?
Chapter 14: A Talk
Chapter 15: A Heart
Chapter 16: Bruise
Chapter 17: Doktor
Chapter 18: 1777

Chapter 13: Sisters

38 10 1
By Spark_In_Light

Kimmy

"Doon ka matulog sa kama, ako na rito—" Agad kong pinutol ang sinasabi niya.

"Hindi na! Ako na r'yan sa maliit. Nakakahiya naman sa ika-pitong ranggo," aniko.

Sandali niya akong pinagkatitigan na talagang ikinailang ko.

"Sigurado ka—"

Bigla akong tumayo at nagpunta sa malaking kama. "Pero hindi ko naman tatanggihan ang kabaitan mo. Ang sabi ng lola ko, h'wag daw tatanggi kapag grasya ang lumapit, kaya sige na!" aniko at nahiga rito.

"Hindi ka ba magpapasalamat?" Dinig kong usal niya.

Tinalukbong ko ang makapal na kumot sa aking katawan at tinalikuran siya. Napakalambot, walang-wala sa kama nina Ate Jai, Manong cloud at ng triplets.

"Hindi, ano ka, sinuswerte? May kasalanan ka pa sa akin, bakit ako magpapasalamat?!"

Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. Nanatiling nakasara ang ilaw at ang tanging liwanag na gamit namin ay mula sa buwan. Nang maingayan ako sa katahimikan ay dahan-dahan akong pumihit pakabila upang makita si Zero.

Nakahiga siya sa malambot at pahabang upuan, ang isang binti ay nakahiga rin habang ang isang binti ay nakaangat ang tuhod. At ang titig niya ay nasa kisame. Ang isang braso naman niya ay nakapatong sa kaniyang noo.

Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Na ang kinamumuhian kong tao ay tutulungan ako at makakasama ko pa sa isang silid. Paano kaya kung hindi siya ang nakabili sa akin? Paano kung ibang lalaki? Malamang ay binababoy na ako ngayon.

Mahigpit akong napakapit sa kumot nang maisip ko ang tagpong iyon. Marapat lang talaga na magpasalamat ako, pero may kasalan pa rin siya sa akin. Buhay ang kinuha kaya buhay ang kapalit.

"Zero..." tawag ko rito. Hindi siya gumalaw. "Gising ka pa?" Nanatili siyang walang kibo ngunit pinagsalop niya ang kaniyang mga kamay at ipinatong sa tiyan niya.

Kitang-kita ko mula sa aking kinahihigaan ang malalim na paghinga ni Zero at ang bahagyang pagtaas-baba ng Adam's apple niya.

"Naisip ko kung wala ka sa lugar na 'yon at wala iyong babae. Baka nasa kamay na ako ng ibang lalaki o pinagpasa-pasahan—" Bumuntong-hininga ako.

Tumihaya ako ng higa at tumitig sa kisame.

"Naisip ko na kanina ang sinabi ng matanda. Bago raw ako ibigay sa makakabili sa akin ay tuturukan nila ng pampa-high si Yuan para—alam mo na. Kasi ang akala nila kasintahan ko si Yuan at para hindi raw masayang—ang matandang 'yon, napakawalang modo at bastos!" paghihimutok ko sa galit.

Sinilip ko siya upang makita ang reaksyon niya pero hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Kaya itinuloy ko ang pagkwento.

"Naisip ko nga na hindi magagawa ni Yuan 'yon pero siguro kung mangyari—"

"Hindi naman nangyari." Mabilis akong napabaling sa kaniya. "Hindi kahit kailan mangyayari," dugtong niya.

"Zero..."

Ayaw ko sanang gawin ito dahil sa sobrang taas ng pride ko. Pero may utang na loob ako sa kaniya kahit papaano kaya pipilitin kong maging mabait.

"Hmm?"

"Nasaan ang mga kaibigan ko? Pwede mo rin ba silang kunin—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Marahil ay nabawi na sila ni Dra. Cassy. Hindi mo ba batid na kilala ng babaeng iyon ang isa sa mga kaibigan mo?" aniya. Napaisip ako bigla dahil sa sinabi niya.

Marahil ay kakilala iyon ni Yuan. Pero paano naman niya nalaman na nando'n kami? Isa pa, kilala din ako ng babaeng iyon.

Napabaling ulit ako kay Zero.

"Pwede ba akong humiling sa 'yo?"

Narinig ko ang mababaw na pagtawa niya. "Handa ka ba sa kabayaran?" aniya na ikinatigil ko.

"H'wag na nga." Bumalik ako sa pagkakahiga ng tuwid at sinubukan na pumikit upang matulog. Ngunit hindi naman ako dinadalaw ng antok. Bumuntong-hininga ako, alam ko naman na tulog na ngayon si Zero pero sasabihin ko pa rin. "Nais ko sanang maparusahan ang matandang lalaki na iyon para hindi na maulit ang nangyari sa akin. Ayaw kong may susunod pang babae na masusubasta." Napabaling ako kay Zero na kasalukuyan ng nakapikit ang kaniyang mga mata.

Bumuntong-hininga ulit ako bago tuluyang ipikit ang aking mga mata. Umaga nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa init na tumatama sa balat ko.

Napatalukbong ako sa kumot at hinihimas ang braso ko na napaso. Ano ba iyon? Ang sakit naman.

"Ano bang—" Napasigaw ako sa gulat nang may magsalita. Marahas niyang kinuha ang kumot mula sa akin.

Naabutan ko si Zero na nakatayo sa aking harapan habang nakasalubong ang mga kilay. Nakaputing polo siya at hindi nakabutones ang tatlong butones sa unahan habang nakasuot ng kulay puti rin na pang-ibaba.

"M-masakit, may namamaso ba rito?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Namamaso? Nahihibang ka na," aniya at umalis sa harapan ko. Nagpunta siya sa malaking bintana at tuluyan binuksan ang harang mula sa remote.

Nakita ko ang paggapang ng liwanag sa aking harapan hanggang sa makarating ito sa aking balat.

"Aah!" Malakas na naman akong napasigaw nang maramdaman ang init. Dito nanggagaling ang init?! "Ano 'to?! Ano 'to?!" aligagang usal ko at ipinalibot sa akin ang kumot. Bumaling ako kay Zero na ngayon ay takang-taka sa akin. "Zero, ang init ng sinag!"

"Of course! Mainit ang araw kaya mainit ang sinag."

Nalaglag ang aking panga sa napagtanto. Ibig sabihin ba na ito ang totoong pakiramdam ng pagdampi sa balat ng sinag ng araw? Ibig sabihin, ito ang init na ikinukwento sa akin ni Lola?

Dahan-dahan kong hinawakan ang parte ng kama kung saan may sinag ng araw. Hindi ko pa magawang hawakan ito ngunit sa katagalan ay nasanay ako sa init. Lumaki akong walang nararamdaman na init mula sa araw kaya ganito na lang siguro ang aking pandama.

"Zero, ang init nito, nakakatuwa!" Hinigaan ko pa ang parte ng kama na may sinag ng araw habang nakapikit at dinadama ito. "Alam mo ba na walang init na dala ng sinag ng araw sa district four at five?!" Para akong bata na nagsusumbong.

Naramdaman ko ang mga yabag ni Zero ngunit hindi ko ito pinansin. Patuloy kong dinama ang init ng araw na ngayon ko lang naramdaman. Napangiti pa ako dahil sa naramdaman kong tila paro-paro sa aking tiyan.

Idinilat ko ang aking mga mata ng may ngiti sa labi. Ngunit tila nakakita ako ng kalikasan nang magtagpo ang mga mata namin ni Zero.

Ang kaniyang kulay dahon na mga mata ay tila nagniningning nang masinagan ito ng araw kasama ang kaniyang mukha. Nakatayo siya malapit sa uluhan ko at nakayuko sa akin.

Sabay kaming nag-iwas ng tingin. Lumayo siya ng bahagya at tumikhim habang ako ay dahan-dahang sa umupo sa kama.

"K-kumain ka na kapag naihatid na ang pagkain. Kung gusto mong hanapin ang mga kabigan mo, siguraduhin mo na kasama mo si Cath at bumalik ka rito—"

"Paano naman kapag nakita ko na ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa kaniya. "Pwede bang sumama na lang ako sa kanila—" Pinutol niya ang sinasabi ko.

Bumaling siya sa akin. "Inaasahan ko na makikita kitang muli sa apat na sulok ng kwartong ito." Napatigil ako. Nag-iwas siya agad ng tingin sa akin at mabilis na nilisan ang kwarto.

Ilang segundo matapos lumabas ni Zero ay ang pagpasok naman ng isang babae. Siya ang babae kagabi na nag-ayos sa akin. Siya siguro ang sinasabi ni Zero na Cath. May dala itong tray na naglalaman ng iba't ibang klaseng mga pagkain.

"Dumito ka na sa lamesa at kumain," aniya.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kaniyang gawi at doon naupo. Ibinigay niya sa akin ang kulay pilak na mga kubyertos at maayos na isinalansan ang mga pagkain. Napakarami naman.

Matapos niyang maisalansan ay tumayo siya sa aking tabi.

Taka ko siyang tinignan. "Hindi ka ba kakain?"

"Hindi maaari. Nandito ako upang bantayan ka at hindi para makipagkaibigan—"

"Wala naman si Zero kaya sige na, saluhan mo na akong kumain dito."

Mariin siyang napatingin sa akin at tinabihan ako sa pag-upo. Ibinigay ko sa kaniya ang isang kubyertos at ang iilan sa mga pagkain.

"Tila napakalapit mo sa ika-pitong ranggo upang tawagin siya sa kaniyang pangalan."

Natigilan ako sa pagkain at dahan-dahan na ngumuya.

"Wala lang talaga akong galang kaya hindi ko siya ginagalang bilang ranggo. Tsaka, hindi naman niya deserve ang paggalang ko, 'no! Tauhan niya kaya ang may dahilan kung bakit namatay ang tatay ko!"

"Kung ganoon ay bakit kayo magkasama? Hindi ka ba nakakaramdam ng paninibugho?"

Nagpatuloy ako sa pagkain. "Nakakaramdam. Pero hindi ngayon. Sa susunod na kapag nakaalis na ako rito—"

"Balak mong tumakas?!" malakas na sabi niya. Napalayo ako sa kaniya at kinapa ang tainga ko. Parang natanggal ang tainga ko sa lakas.

"Sa tingin mo, makakatakas ako rito?!" Umiling siya. "Kaya sasamahan mo akong hanapin ang mga kaibigan ko—"

Napatigil kaming dalawa nang may marahas na nagbukas ng pintuan. Sabay kaming napatayo ni Cath mula sa pagkakaupo at bumaling sa pintuan.

Sabay kaming napatigalgal nang magtagpo ang aming mata. Pawisan at hingal na hingal ang itsura ni Yuan na tila pagod na pagod. Malalim ang itim sa kaniyang mga mata at ang kaniyang suot ay mula kahapon pa. Agad na pumasok ang mga gwardya at pilit na pinapalabas si Yuan ngunit nagmatigas ito.

"A-anong ginagawa mo rito, Yuan—"

Agad na lumapit sa akin si Yuan ngunit hinarang siya ng mga gwardya. "Kimmy, halika na. Sumama ka na sa amin, kasama ko ang mga kaibigan mo—bitawan n'yo nga ako!" Pilit na nagpupumiglas si Yuan upang makalapit sa akin ngunit mas malakas ang mga gwardya.

Akma akong magsasalita upang pakalmahin si Yuan pero may boses ng babae ang nauna sa akin.

"Yuan! Nahihibang ka na talaga!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babae na pumasok din sa kwarto. "Let him go, bastards!"

Padarag na binitawan ng mga gwardya si Yuan pabagsak at palayo sa gawi ko.

"Hindi siya maaaring makalapit sa babae. Mahigpit na ibinilin sa amin ng ika-pitong ranggo na walang pwedeng lumapit sa babae niya." Matigas ang boses ng gwardya.

Babae niya? Pinakilala ba ako bilang kirida ni Zero?!

"Kimmy..." Napabaling ako kay Yuan. "Halika na. Hinihintay ka na ng mga kaibigan mp, ligtas na sila..."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Naaawa ako kay Yuan sa kalagayan niya, nagmamakaawa siya na sumama na ako sa kaniya. Gusto ko naman na sumama pero sa tuwing nakikita ko si Yuan ay nakikita ko ang itsura ni Zero at nagpapaulit-ulit sa akin ang sinabi niya na inaasahan niyang makita ako sa kaniyang pag-uwi.

Sino ba naman si Zero para piliin ko kaysa sa mga kaibigan ko? Pero may parte sa akin na kailangan kong sundin ang sinabi ni Zero.

Napakagulo. Ano ba ang gagawin ko?!

"Kimmy, sumama ka na sa amin," ani Cassy. "Makinig ka sa akin. Tapos na ang isang araw mo sa ika-pitong ranggo."

"B-bakit ako makikinig sa 'yo?" Nabigla rin ako sa sinabi ko.

"Tsaka na kami magpapaliwanag, Kimmy. Sumama ka na sa amin—" Sinubukan niya ulit na lumapit sa akin ngunit agad siyang pinigilan ng dalawang gwardya.

"I said, don't touch him! Kayo ang gagawin kong tester, gusto n'yo?!" sigaw ni Cassy sa mga gwardya na agad binitawan si Zero.

Akma ko siyang lalapitan ngunit hinawakan naman ako ni Cath. Napabaling ako rito at nagmamakaawa siyang tumingin sa akin.

"Maawa ka. Baka mapatay kami ng ika-pitong ranggo sa oras na hindi ka niya madatnan dito."

Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko sa oras na ito. Dalawang panig ang nagmamakaawa sa akin. Sina Cath at Yuan. Ano ba ang dapat kong gawin?!

"Kimmy, tayo na! Makinig ka nga sa akin!" sigaw ng babae sa akin na ikinainis ko. Sino siya para sigawan ako? Ni hindi niya nga ako pinaglaban kay Zero sa subastahan!

"Sino ka para makinig ako? Hindi kita kilala kaya h'wag mo akong sigaw-sigawan!" asik ko sa kaniya.

Bahagya siyang napaatras dahil sa sinabi ko.

"Kimmy." Napabaling ako kay Yuan. "She's your half sister."

Nangunot ang noo ko at litong napabaling sa kanilang dalawa. Bahagyang umawang ang aking mga labi. Hindi ko alam kung matatawa ako, magugulat, maiiyak o magagalit. Napakagulo.

Totoo ba itong naririnig ko?

"No!" Napatawa ako kahit na litong-lito. "Ako lang ang nag-iisang anak ng tatay ko! Tsaka..." Dinuro ko siya dahil sa inis. "'Yang babaeng 'yan na hinayaan lang ako? Hindi nga ako ipinaglaban mula kay Zero!" sigaw ko sa kanila.

Napayuko si Cassy at ganoon din si Yuan.

"K-kinausap ko naman—"

"I don't care! Hindi mababago na hindi mo ako pinaglaban doon! Anong klaseng kapatid ka?!"

"Kimmy! She's your sister, give some respect!"

Inismiran ko siya. "Alam mong bastos at wala akong galang, Yuan! Do you want me to call her ate? She doesn't deserve the title!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin na ikinagulat ko. Bahagya akong napaatras. Jealousy runs in my whole system. Bakit ganoon? Bakit parehas sila ng mga mata ni tatay?

"Sumama ka sa amin. Sumama ka at ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat! Mula sa umpisa, lahat-lahat ng gusto mong malaman! Sasabihin ko lahat sa 'yo!"

"Wala akong gustong malaman—"

"Kahit ang dahilan kung bakit kayo napunta sa district five? Ayaw mo malaman? Hindi mo ba gustong malaman kung anong klaseng ama ang nakasama mo?"

Continue Reading

You'll Also Like

400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...