IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS...

By ImaginationNiAte

1.8M 48.7K 11.2K

SOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ot... More

D I S C L A I M E R
INTRODUCTION
PROLOGUE
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
Epilogue
ACKNOWLEDGEMENT

1

56.9K 1.4K 261
By ImaginationNiAte

AGNELLA TELESE

Rinig ko ang malakas na tugtog mula sa mga speaker, kasama na rin pati na ang mga hiyawan at tilian ng mga taong walang humpay at wala ring kapaguran na sumasayaw sa gitna ng dancefloor.

Tiyak na halo-halo na rin ang kanilang amo, but who cares? They doing what they want. Sabagay ay hindi ko rin sila masisisi dahil nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa Washington.

Nagsasaya at malaya.

Isa-isa kong tingin ang mga nasa paligid ko, may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. May naghahalikan na halos kulang na lang ay maghubad na sila. Mabuti na lang talaga ay may age limit ang bar na 'to kung sino lang ang maaari at hindi pwedeng pumasok.

Napansin ko pa ang isang babae na malapit sa gawi ko. Paharap siyang nakaupo sa kandungan ng lalaki. And I could clearly see how her hips moves up and down on that man's lap. Sobrang bilis ng galaw niya sa kandungan ng lalaking 'yon. Pleasure and lust was plastered on their faces.

No one noticed that they were doing something because they were both still wearing their clothes. Medyo madilim din banda sa gawi nila, pero dahil malapit sila sa aking gawi kaya pansin ko agad kung ano ang ginagawa nila.

Napailing na lang ako at umiwas ng tingin.

Saan kaya sila nakakakuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay? Dito pa talaga sila inatake ng kalibugan. Buti na lang ang mga tao ay walang pakialam sa paligid nila.

Masyado ring nakakasilaw ang disco light na nasa itaas ng kisame. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa lalaking barista na nagse-serve ng mga beverage.

"Another vodka, please."

The barista looked at me when he heard my voice. He's actually handsome and tall. He has blue eyes and his nose was sharp. He was wearing their black uniform. Black long sleeve and pants while a gray apron on his waist. Halos pumutok na rin ang suot niyang uniporme dahil sa laki ng kanyang katawan.

Napapansin ko rin kanina na maraming mga babae ang panay na nagpapacute sa kanya. Hindi na ako magtataka dahil takaw-atensyon ang kanyang kagwapuhan.

Nginitian niya ako.

"Coming up!" masigla niyang tugon kaya hinintay ko lang na i-serve niya ang vodka.

Hindi ako nagpunta sa bar na ito para maghanap ng lalaki, nandito ako para uminom muna ng alak bago ako bumalik sa Pilipinas bukas. And besides, I was with my best friend and she brought me here to have fun.

Pero hindi ko alam kung nasaan na ba ang babaeng 'yon dahil bigla na lang siyang umalis at iniwan akong mag-isa sa stool bar. Nandito rin ang ibang mga kaklase ko pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin.

"This is your vodka, miss beautiful." Nilapag niya ang in-order kong vodka.

"Enjoy your drinks," he added and even winked at me.

I laughed at what he did.

Ininom ko na rin agad ang alak. Ang matapang nitong lasa ay gumuhit sa aking lalamunan, pero nalasahan ko ang strawberry at lemon na nakahalo rito. Nasasanay na rin ako sa pag-inom ng ganitong klaseng alak.

Nasaan na ba kasi 'yung kaibigan ko? Hindi ko na siya mahagilap. Maybe they're already having fun or maybe they're on the dance floor too?

I looked again at the people happily dancing in the middle of the dance floor. They were all wild, especially when the disc jockey was playing the most popular song, Move, Shake, Drop by Florida and Pitbull. Ang pagkakaiba lang ay remix ito kaya mas lalong naging wild ang mga tao na nasa dance floor.

Medyo nahihilo na ako at umiikot na rin ang paningin ko. Mukhang naparami na ang nainom ko dahil kanina pa kami rito. Mas lalo pang nadagdagan ang hilo ko dahil sa malakas na tugtog na sinasabayan ng mga taong nagsasayaw.

"Lasing ka na?"

Pamilyar ang boses na aking narinig kaya napalingon agad ako. Nakita ko si Angelica, ang best friend kong kanina ko pa hinahanap.

Mabuti ay naisipan niyang balikan ako sa pwesto ko. Mukhang naparami na rin ang nainom niyang alak dahil mapungay na ang dalawa niyang mata.

She was wearing a red dress that fit her so I could clearly see the curve of her sexy body. Her hair is blonde. Inaamin ko, maganda ang kaibigan ko. Kaya maraming lalaki ang napapatingin sa kanya at nagkakaroon ng interes sa kanya.

Kung naging lalaki lang siguro ako ay baka niligawan ko na siya noon pa. No one can resist the beauty of my best friend, kaya marami na siyang naging nobyo kaysa sa akin na isang lalaki pa lang ang hinayaan kong pumasok sa buhay ko.

"Medyo nahihilo lang ako," sagot ko at inubos ang alak sa aking baso.

"Wala pa ba tayong balak na umuwi?" tanong ko pa sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at umorder din siya ng maiinom na alak kahit na namumula na ang kanyang mukha.

"Come on, my dearest Agnella. We are just starting to warm up and enjoying here at the bar tapos balak mo na agad umuwi? Tara kaya sa dance floor at sumayaw tayo," tugon niya sabay inom ng alak.

I shook my head and shrugged my shoulders. Buti ay sanay na siyang uminom ng alak, samantalang ako ay tipsy na agad at gusto ko nang umuwi.

Umiling ako sa kanya. "No, ayoko."

Nagpupunta ako sa bar para uminom, hindi para sumayaw. Hindi ko kasi hilig iyon. Baka mas lalo lang akong mahilo kapag sumayaw pa ako kaya alalay lang talaga ako kapag umiinom ako ng alak.

"At isa pa, maaga ang flight ko bukas. Baka maiwanan ako ng eroplano at malagot pa ako nito kay Dad. Alam mo naman na sumama lang ako sa 'yo rito para magpakasaya muna at makalimot kahit saglit lang," dagdag ko.

"Balak mo na ba talagang bumalik sa Pilipinas? Hindi ka na ba babalik dito sa Washington? Iiwan mo na ba ako?"

Nasa tinig niya ang lungkot.

I took a heavy sigh again.

"Ayoko rin namang umalis, but my Dad needs me so whether I like it or not, uuwi pa rin ako ng Pilipinas."

Ayoko rin naman siyang iwan dito sa Washington pero kailangan ko talagang bumalik sa bansang kinalakihan ko dahil alam kong kailangan ako ni Dad.

"And there is a reason kung bakit kailangan kong umuwi. Alam mo naman ang tungkol doon, 'di ba? If I succeed, then babalik ako rito," dugtong ko pa.

Lumaki bigla ang dalawang mata ni Angelica, halatang hindi siya makapaniwala. Alam niya ang rason kung bakit gusto kong bumalik sa Pilipinas. Siya lang ang matalik kong kaibigan kaya wala akong tinatagong lihim kay Angelica. Wala kaming sini-sekreto sa isa't isa.

"What? Itutuloy mo pa rin ba ang binabalak mo?" Napasampal pa siya sa kanyang noo.

"My gosh, Agnella. Stepfather mo kaya iyon!"

Angelica knows everything. Kailangan kong gawin iyon at alam niya ang dahilan kung bakit ko gagawin iyon.

"Destroying his life was the only way for him to regret what he had done," mapait at may galit kong sabi.

Naiyukom ko pa ang kamao ko dahil muli ko na namang naramdaman ang matinding galit na kay tagal kong kinimkim sa puso ko.

Matindi ang galit ko sa lalaking 'yon at pati na rin sa aking ina. Tuwing naririnig ko ang pangalan ng kabit ni Mom at naaalala ko ang lalaking iyon ay kumukulo na agad ang dugo ko.

"Huwag mo na kayang ituloy 'yan? Alam mo naman na ayokong makita kang nasasaktan. Baka ikaw pa ang mapahamak sa gagawin mo. Paano kung mag-fail ang binabalak mo?" nag-aalala niyang sabi.

My best friend knows what is the best for me. I'm lucky to have her. Siya ang sandalan ko kapag may problema ako. Siya ang nagsisilbi kong unan at tagapayo kapag sobrang bigat ng nararamdaman ko at gusto kong umiyak.

Pero hindi ko hahayaan na masayang ang lahat ng mga plano kong pabagsakin ang lalaking iyon. Pinaghandaan ko na ito. Alam kong masama, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na maghiganti.

"I also can't bear to see my Dad hurt, Angelica. I love my father and I will do everything para bumalik siya sa dati. He loves my mother so much, kahit na nagawa pa siyang lokohin ng sarili kong ina," saad ko dahil desidido na ako.

"Sisiguraduhin kong magbabalikan sila. Kung kinakailangan kong lumusot sa butas ng karayom ay gagawin ko. Kahit na ako pa ang mapahamak, then I don't care. Hindi ako papayag na si Dad lang ang magsu-suffer habang sila ay nagpapasaya at nagpapasarap."

My decision is final. Determinado na talaga ako sa plano kong ito and I will make sure na hindi ako papalpak. Wala na rin akong pakialam kung magsisi man ako o hindi.

"Agnella naman, remember that revenge is not an option. Hindi makakabuti kung puno ng paghihiganti at galit 'yang puso mo," malumanay niyang turan at hinawakan ang nakayukom kong kamao para pakalmahin ako.

I smiled bitterly at her.

"I know, but revenge is also my only solution, Angelica. Ang pinaplano ko lang na ito ang tanging paraan para magkabalikan ang magulang ko. Kung hindi man sila magkabalikan, pwes sisirain ko na lang ang kasiyahan nila lalo na ang kabit ni Mom," I stubbornly replied to her.

She sighed deeply and she even dropped both her shoulders. Wala na rin naman siyang magagawa pa, desidido na talaga ako.

"Hindi na talaga kita mapipilit pa. Wala na talagang makakapigil pa sa isang Agnella Telese!" nasabi niya kaya pareho kaming natawa.

"Basta kapag nagka-problema ka, tawagan mo lang ako para may kasama kang rumesbak."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang swerte ko sa best friend ko. Kaya nga mas gusto ko na siya lang ang kaibigan ko.

"Thank you, Angelica."

Tinanguan lang niya ako at ngumiti.

I took a deep breath. I'm here in Tacoma, Washington. Dito ako pinadala ni Dad para mag-college. Gusto niya na maranasan kong mag-aral sa ibang bansa at dahil gusto ko rin na magpunta sa mga ganitong klaseng lugar kaya kinuha ko na agad ang oportunidad.

Mayaman kami, kaya walang problema kung gumastos ako ng malaki at mahal na tuition fee. My father, Rafael Telese was a successful businessman. Meron din siyang pagmamay-ari na kumpanya.

While my mother, Marlyn Telese, was a retired model. She also owned several clothing stores in the Philippines and United States. She's also a famous designer. But something bad happened and there was a reason why my Dad sent me here.

My mother has a secret affair.

Niloko niya si Dad habang naririto ako sa Washington at walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanila. Kung hindi lang ako umuwi noon apat na taon na ang nakaraan ay baka hindi ko pa nalaman ang totoo. Muntik na ring mawala si Dad dahil sa kanila, kaya hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.

Nalaman ko lang nang masangkot sa aksidente si Dad kaya umuwi ako sa Pilipinas. First year college ako that time, at disiotso anyos. Doon ko nalaman na bago ako umalis ng bansa ay meron na palang kabit ang aking ina.

Wala akong ideya na hindi na pala sila okay, pero hindi nila pinaalam sa akin 'yung totoo para sa gayon ay hindi masira ang kasiyahan ko na magpunta sa Washington.

Simula nang malaman ko na nag-cheat si Mommy ay kinamuhian ko na siya. I was disgusted by what she did. I'm not sure kung alam na ba ng mga kamag-anak ni Mommy ang ginawa niyang pagtataksil, pero I'm pretty sure na hindi niya iyon sasabihin sa mga kamag-anak niya para hindi siya masira.

Ayoko rin sanang umalis ng Pilipinas noon pero pinilit ako ni Dad na bumalik sa Washington, but he promised me one thing. Iyon ay ang papayagan niya akong umuwi ulit ng Pilipinas kapag nakapagtapos na ako ng college.

At heto ako, tapos na sa pag-aaral. Pwede na ako bumalik anytime. Kamuntikan na nga ring masira ang buhay at pag-aaral ko dahil sa mga nangyari. Nagiging mainitin ang ulo ko at mabilis akong magalit.

Natutunan ko ring magpunta sa mga bar at uminom ng alak. Hindi ko talaga magawang matanggap na nasira ang pamilya namin dahil sa ginawa ni Mom. Hindi ko kayang tanggapin na mawawala sa isang iglap ang matagal at masayang pagsasama ng magulang ko.

Si Dad lang naman ang naging dahilan ko para tapusin ang pag-aaral ko. Kaya matapos ang apat na taon, nakaisip ako ng plano. Isang plano para masira si Mom at ang kabit niya.

I still remember him.

Hindi ko siya makakalimutan. Mula sa nakakainis niyang gwapong mukha at ang boses niya na tila nanggaling sa pinakamalalim na hukay.

Si Alessandro Ottavio.

I was planning to destroy his life, especially his heart. I will make sure he will regret what he did. I will seduce him so that I can avenge my father. Yes, I plan to seduce him to destroy his relationship with my mom even though he is my stepfather. Sisiguraduhin ko na magsisisi siya na dumating ako sa buhay niya.

I looked out the window and I silently stared at the beautiful view. Kasalukuyan na akong nakasakay sa eroplano, pabalik na sa Pilipinas. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nasasabik na rin ako na makita ulit si Dad.

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 10:48 am and the temperature is 32 degree celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate ---"

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sasabihin ng stewardess. Sinabi lang niya ang mga kailangang gawin dahil malapit na kaming lumanding kaya sinuot ko agad ang seatbelt ko.

Ilang minuto ang hinintay ko at sa wakas ay ligtas na naka-landing ang eroplano. Agad naman akong nakalabas sa arrival exit ng airport. Hatak-hatak ko ang aking maleta na hindi gaanong kalakihan habang naglalakad.

Hindi ko na lang pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Kailangan kong magmadali dahil baka kanina pa naghihintay si Dad sa akin. Alam ni Dad at ng iba kong mga kamag-anak na ngayon ang pagbabalik ko. Excitement and nervousness rumbled in my chest.

"Hey, watch out!" asik ko nang may malaking katawan ang bumangga sa aking likuran. Tumilapon sa lapag ang mga gamit ko, pati na rin ang mga gamit niya.

"I'm sorry, miss!" paumanhin niya sa akin.

Muntik pa akong matumba dahil sa nawalan ako ng balanse, subalit maagap niya akong nahawakan sa aking beywang para hindi ako tuluyang matumba sa sahig. Nalalanghap ko na rin ng mabango niyang amoy. Hindi ito matapang at hindi rin masakit sa ilong.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Umayos ako ng tayo.

"Next time ay tumingin ka sa dinadaanan mo," pansusungit ko na hindi tumitingin sa kanya. Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa mga gamit kong nagkalat sa sahig kaya bumuntong-hininga ako.

"Sorry talaga, miss, hindi ko sinasadya. Tinulak kasi ako nitong kapatid ko," pagdadahilan niya.

Hindi na ako sumagot. Pinulot ko ang sling bag ko at nagmamadali ko ring pinulot ang ilan kong mga gamit bago ito pinasok sa loob ng aking bag.

Tumingin ako sa lalaking nakabangga sa akin. Pinupulot din niya ang mga gamit niyang nagkalat sa sahig. Napansin ko agad na may itsura siya kahit na naka-side view siya. Nang matapos kong pulutin lahat ng gamit ko ay agad na akong tumalikod. Akma akong aalis na nang may humawak sa braso ko.

Natigilan ako at kunot-noo kong tiningnan 'yung lalaking nakabangga sa akin. Infairness, mas gwapo pala siya ng harap-harapan pero kailangan kong magmadali. Wala rin akong time para maglaway sa angkin niyang kagwapuhan.

"I'm sorry talaga---"

"--- don't worry, it's okay. Sorry rin, pero nagmamadali kasi talaga ako," putol ko sa sasabihin niya bago ako nag martsa paalis.

Paglabas ko sa exit, agad kong hinanap si Dad pero wala siya. Luminga-linga pa ako pero kahit isa sa mga kamag-anak namin ay wala akong nakita. Don't tell me na nakalimutan nila akong sunduin? Huwag naman sana. Marahil ay na traffic lang si Dad.

I let out a heavy sigh and immediately took my cell phone out of my sling bag. I dialed Yeng's number but she didn't answer my call. I also tried calling my Dad's phone number but no one answered.

Marahas akong bumuga ng hangin dahil sa irita. Impossible na nakalimutan nilang sunduin ako dahil alam nilang ngayon ang dating ko. Nakausap ko pa nga sila kagabi habang nasa eroplano ako. My trip took a few hours because Washington is far from the Philippines.

Naghintay muna ako, pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin sila. I checked my wristwatch and I couldn't quite imagine that I had been waiting for half an hour. Kulang na lang ay tubuan na ako ng ugat sa paa.

"Lagot talaga sila sa akin mamaya," inis kong bulong sa sarili ko.

Tiningnan ko ang mga taxi na dumaraan. I still remember our home address, kaya alam ko pa rin kung paano umuwi sa bahay namin. I have no other choice. Uuwi akong mag-isa ngayon kahit na labag sa kalooban ko.

Papara na sana ako ng taxi nang mapansin ko na may taong nakatayo sa likuran ko. Tumikhim siya para kunin ang aking atensyon.

"Agnella?"

Pamilyar sa akin ang boses niya.

I turned around to look at him, pero agad na uminit ang ulo ko na may halong pagtataka. Hindi ko inaasahan na siya ang una kong makikita sa pag-uwi ko rito sa bansa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 43.1K 29
Her innocence was so pure and features so angelic, it would feel like a sin to treat her anything less than like an angel. So Castor made her his. ...
6.8M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
61.8K 1.3K 32
One relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llisha...
2.2M 97.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...