Astrid Monteverde (Bitch Seri...

By mis_shyghurl

1.1M 35.4K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... More

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 10

21.6K 761 128
By mis_shyghurl

LORRAINE

Isang buwan na pala ang nakalipas simula nung nag-aral ako dito sa BHU. So far, so good. Ayos naman ang pag-aaral ko at malalaki rin ang nakuha kong mga scores sa quizzes, exams, recitations, and reports.

Buti nalang talaga at mataba tong utak ko, kaya laking pasalamat ko na rin dahil hindi ko napapabayaan ang scholarship ko.

Sa nagdaang mga araw at linggo ay medyo marami narin ang nangyari. Yung dating hotdog at itlog na ulam namin ni Lennie ay nadagdagan na since nagsimula na akong magtrabaho ng part time sa Jollibee.

Inapply kasi ako dun ni Jamie nung time na nasabi ko sa kanya na kailangan ko ng trabaho.

Buti nalang talaga at may alam siya tsaka nagkataon rin na best friend ng mommy niya ang may-ari nun na ipinagpasalamat ko na rin kaya ako nakapasok agad.

Ang dating ulam namin na dalawang putahi lang ay nadagdagan na nang spaghetti, chicken joy, at marami pang iba. Tuwang-tuwa nga ang bubwit na makulit since sabi niya ay matagal-tagal na rin siyang di kumakain nun. Namiss ko rin naman kasi kumain ng masasarap na pagkain.

I think huling kain namin ng ganon nung birthday pa ni Aling Doray, nung sinama niya kami sa Eat All You Can para I-celebrate ang birthday niya.

At tsaka pala yung kapatid ko na yun ay nag-aaral na rin ngayon sa pinapasukan kong skwelahan since may kindergarten dun. Well, sinabay rin kasi siya ni Aling Doray na ipa enrol nung time na gusto na rin ng anak nila na si Khiann na doon mag-aral since ito lang na eskwelahan ang malapit sa amin.

At tsaka guys, kung di niyo naitatanong ay scholar rin po ang kapatid ko kahit kinder palang. Ako naman ang taga hatid at sundo sa kanya. Katulad nalang ngayon.

Nandito ako sa harap ng classroom nila at isa pa kaka dismiss rin lang kasi namin kaya dito na ako dumiretso. Biyernes naman kasi at half day lang. Mamaya pa naman ang duty ko mga 7 p.m. since sinadya kong ipa gabi ang schedule ko para mahaba-haba ang tulog ko lalo na't mag-aaral pa ako.

Natigil naman ako sa malalim na pag-iisip ng mapansin ko na nagsilabasan na ang mga bata sa kanilang classroom. Nakita ko naman agad ang kapatid kong mukhang inaantok na dala sa pagkapagod na may kasamang paghikab.

"Ate uwi na tayo inaantok na ako." Kinuha ko naman agad ang bag niya at nag decide na ako na ang magbitbit. Magaan lang naman to tsaka sa mukha ng kapatid kong to' ay parang anytime matutulog na.

Di siguro to nakatulog ng maayos kagabi. Paano ba naman puro laro ang inaatupag simula nung binilhan siya ni Miss Astrid ng laruang di remote na bubuyog. Yung nagsasalita ganon.

Parang robot ba tawag don.

"Tara na. Maglalakad ka ba o bubuhatin ka ni Ate?" Itinaas naman agad niya yung mga kamay niya senyales na gusto niyang magpabuhat. Umiling na muna ako bago siya kinarga at agad na naglakad palabas ng campus.

Napansin ko naman na wala na masyadong tao at kaunting estudyante nalang ang nakikita ko since yung iba pang gabi ang klase habang yung iba naman ay katulad ko lang ring half day lang.

Palabas na sana kami ng gate nang biglang sumigaw tong' kapatid ko habang may tinitignan sa may di kalayuan.

"Ate ganda!"

Napatigil naman ako sa paglalakad at agad na ibinaba si Lennie. Tumakbo naman agad siya papunta sa likod ko bago ko naisipang lumingon. Nagulat naman ako ng bahagya na ang tinutukoy pala na ganda ni Lennie ay si Ms. Astrid. Well, speaking of her.

"Oh, hello, baby girl."

Nagpakarga naman agad ang kapatid ko na parang biglang nawala ang kanyang antok. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na siya lang ang mag-isa at wala doon yung mga kaibigan niya. Buti naman.

Agad naman ako naglakad papunta sa gawi nila habang luminga-linga sa paligid. Mahirap na noh baka may bigla nalang mangbato sa akin dito ng itlog, kamatis at kung ano-anu pang malalagkit na bagay since magmula nang mag-aral ako dito ay parang naging impyerno na ang buhay ko.

Pero nitong mga nakaraang araw ay nagtataka rin kasi ako kung bakit bigla-bigla nalang silang nawala—I mean, di naman sa nagrereklamo ako. Nakakapagtaka lang kasi. Pero naisip ko rin na mabuti nga yun para hindi na ako laging magbabaon ng damit.

Aksaya kasi tsaka ang hirap kuskosin nung mga mantsa.

Natigil naman ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng kapatid ko."Ate saan ka pupunta?"Ano daw?Huh? Lumingon naman ako sa pinanggalingan ko kanina at ngayon ko lang napansin na nalampasan ko na pala silang dalawa nang diko namamalayan dala sa malalim na pag-iisip.

Napatampal nalang ako sa noo ko ng palihim sa ginawa ko.

Tsk ito nanaman ang sakit kong to. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Miss Astrid habang nakatingin sa akin. Kinagat ko naman ang labi ko bago pumunta sa may gawi nila at sinagot ang tanong ng kapatid ko.

"Huh?Wala i mean, may tinignan lang ako dun bunsoy hehe." Saad ko at umiwas ng tingin. Spell awkward? Wew.

"Are you sure?" Napatinginnaman ako ng sumagot siya. Napatitig naman ako sa mukha niyang maganda.

Oo na siya na maganda hays. Sana all pinagpala.

"Huh?Oo naman." Teka bakit ba ako nautal? Relax, Raine—napaghahalataan ka tuloy, tsk.
"I see. So pauwi na ba kayo?" Sumagot naman agad ang kapatid ko.

"Opo ate ganda. Bakit mo po natanong?" Ang batang to' talaga ang daldal kahit kailan.

"Naitanong ko lang, gusto niyo bang ako na maghatid sa inyo?" Sabay tingin sa akin. Agad naman akong umiling at nagpasyahang sumagot bago pa makaangal ang paslit.

"Ay huwag na po, nakakahiya tsaka isa pa malapit lang naman." Sabi ko sa kanya.

Agad naman, umalma ang isa at ngumuso.

"Anong malapit ate?Ang layo-layu nga tsaka isa pa kailangan pa natin sumakay sa jeep hmp." Pinandilatan ko naman ng mata ang kapatid kong dumila lang sa akin. Aba't! Mamaya ka sa akin bata ka tsk.

Napatingin naman ang isa sa akin at ngumisi na ikinakaba ko.

"Magsisinungaling ka nga lang palpak pa. Come on at ako na ang maghahatid sa inyo and ops- bawal ka tumanggi understood?" Sabay sama ng tingin sa akin na para bang sinasabi niyang 'once na papalag ka you're dead' kaya ako naman na masunoring nilalang ay agad na tumango-tangu na parang maamong tupa na ikinangiti niya bago sumunod sa kanila.

Napairap naman ako ng lihim. Walang hiya, parang ako pa ang naargabyado dito, ahh? Tsk!

Agad naman kaming sumakay habang yung kapatid ko naman ay doon umopo sa harap, so bale ako lang ang nabubukod tanging nasa likod. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt dito. Close na close na talaga silang dalawa. Ang bilis lang pero sabagay bibo naman kasi tong kapatid ko tsaka masyadong madaldal. Katulad nalang nung kanina, tsk. Nakakahiya talaga. Pero di bale magtutuos pa kami niyan mamaya sa bahay.

Pinaandar naman agad ng isa ang sasakyan at walang nagsasalita sa amin. Habang nasa biyahe ay tahimik lang naman kaming nakikinig sa music ng sasakyan niya. Ilang sandali pa ay nakarating naman agad kami sa bahay. Inihinto niya naman agad ang sasakyan at pinatay ang makina.

Lumabas naman ako agad habang bitbit ang gamit ni Lennie at nagpunta sa harap ng pinto kung saan siya nakaopo. Kinarga ko naman agad ito ng mapansin kong nakatulog na pala.

Kaya pala ang tahimik.

Pagkatapos ko makuha ang kapatid ko ay agad ko naman isinarado ang pinto. Nakita ko naman si Miss Astrid na nakatitig sa akin sa diko malamang dahilan. Lumunok naman ako bago nagsalita.

"Ahm, ano salamat pala sa paghatid." Kamot ulo kong saad sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti na ikinanganga ko katulad kanina nung nginitian at kinindatan niya ako. Suddenly, out of nowhere, ay bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi malamang dahilan sa tuwing maalala ko ang tagpong yun.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya yun ginawa.

"Your welcome. I gotta go since late na rin. Good night nerdy." Nanigas naman ako ng maramdaman ko ang malambot na bagay na dumapo sa pisngi ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Bahagya naman akong di makagalaw sa kinatatayuan ko at yung puso ko! Ang lakas ng tibok jusko po. Ano ba yun? Bakit ba niya ako hinalikan? Di ba siya nandidiri? Tatanungin ko sana siya ngunit bago pa ako makapagsalita muli ay nagising nalang akong wala na ang kanyang sasakyan sa harapan ko at pinaharurot na ito papalayo.

Napailing nalang ako sa sarili at biglang kinapa ang puso kong bahagyan ng kumalma. Relax heart. Ano bang nangyari sa'yo at bakit ka nalang tumitibok bigla? Pagkausap ko sa sarili.

Iwinaglit ko nalang yun sa isip at agad na pumasok sa loob ng bahay habang buhat si Lennie.

Ang weird, naman. I silently mumbled.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.8K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
17M 653K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
71.8K 2.2K 27
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
3.7K 241 5
"I loved her against reason, against promise, against peace, against hope, against happiness, against all discouragement that could be." ────────────...