Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 7

148 4 2
By issakalsada

Chapter 7
Worried

"Uuwi na ako." Sabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Don't move. I'll be back." Sabi niya at umahon sa tubig.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nakikarera sa sobrang bilis. Hinawakan ko ang labi ko. Ramdam ko pa rin ang mainit na halik na pinagsaluhan namin.

"Wear this." Hinihingal pa siya pagbalik niya na kung hindi ako nagkakamali,tumakbo siya.

May dala siyang malaking damit na hindi ko naman alam kung saan niya kinuha at tinulungan niya pa akong maisuot iyon. Naamoy ko ang panlalaking pabango na nanuot ang mabangong amoy no'n sa aking ilong.

"Kaya kong maglakad." Sinubukan niyang buhatin ulit ako nang umamba akong tatayo. Hindi siya nakinig saakin at tuluyan niya na akong nabuhat. "Put me down, Cross." Utos ko sa kanya.

"Wala kang karapatang utusan ako. So shut up and stop wriggling,you might fall." Sabi niya.

Whoah! What did he say? Wala akong karapatang utusan siya? Bakit? Inutusan o inobliga ko ba siya na buhatin ako? This man is really...argh! Ayoko ng makipagtalo.

Mahaba ang nilakad namin palabas. Madilim na at buti nalang hindi siya natatalisod,parang kuwago,ang linaw ng mata. Nakakapit ang kaliwang braso ko sa leeg niya, baka mahulog ako.

"May motor akong dala, doon mo nalang ako iwan."

"Motor na hindi naman sayo?" He pointed out.

"Sinasabi mo bang ninakaw ko?" Iritadong bulyaw ko sa kanya.

"I didn't say that." Then I heard his chuckles. Naku! Kung hindi lang mahina ang katawan ko ngayon baka nasuntok ko na siya.

"Ihahatid na kita. Nag-aalala sayo si Nanay Wilma." Ibinaba niya ako sa pick up niya na nakaparada sa labas ng gubat. Agad niyang isinara ang pinto sa pag-aakalang lalabas ako at mabilis siyang umikot papunta sa driver's seat.

Alam ba ni Nanay Wilma? Teka, hindi ako pwedeng magpakita sa kanya na ganito ang ayos. Baka kutusan nanaman ako no'n!

"Alam na niya ang nangyari. She's worried about you because she knew that it was you who helped those people." Sabi niya na akala mo nabasa ang isip ko. Am I too transparent?

"Did she tell you that it was me?"

"No."

"Then, how did you know?"

Sumulyap siyang muli saakin bago bumaling sa daan. "I just know."

Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Bago pa man ako makalabas ay nasa harapan ko na siya at binuhat ulit ako papasok sa bahay.

"Rielle! Jusko! Salamat naman at maayos ka!" Si Nanay na nataranta. "Salamat Se—" Hindi na natapos ni Nanay ang sasabihin niya dahil inunahan na siya ni Cross.

"Saan po ang kwarto niya?"

Tinuro naman ni Nanay. Nilapag niya ako sa kama at tiningnan ng mabuti. "Rest, Rielle." He whispered on my ears before stepping out on my room with Nanay.

Hindi ko na narinig ang boses ni Cross, baka umalis na. Si Nanay naman, bumalik sa kwarto at kinausap ako.

"Nay—"

"Magpahinga ka na, Rielle. Bukas na tayo mag-uusap." Galit na sabi niya saakin.

"Nay, hindi naman po pwedeng panoorin ko nalang sila." Paliwanag ko. "May bata po doon at—"

"Bugbog sarado ka na, Rielle. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Dahil ako, awang-awa na sayo!" Narinig ko ang iyak niya. Nakatayo pa rin siya sa hamba ng pintuan. "Nagrerebelde ka na! Pwede bang umiwas ka na sa gulo? Paano kung napatay ka ng mga holdapper na iyon?huh, Rielle?!"

"Hindi ko po kailangan ng awa, Nay. Alam mo iyan." I said with a cold tone. "Kaya ko pong ipagtatanggol ang sarili ko. Na kahit wala ang tulong ng ibang tao, kaya ko."

Nagulat siya sa sunod-sunod na sinabi ko. Lumapit siya saakin at hinaplos ang mukha ko.

"Nasasaktan ka na, Nak. At hindi ko nakakayang nakikita kang ganyan."

"Hindi po ako nasasaktan, Nay. Huwag na po kayong mag-alala."

"Magpahinga ka na. Baka dumugo pa 'yang sugat mo." Pinal niyang sabi at lumabas na ng kwarto.

Tanghali na ako nagising dahil sa pagaalboroto ng aking tiyan. Lumabas ako at nakita si Nanay, naghahanda ng pagkain. Hindi siya pumasok sa trabaho?

Sumulyap siya sa akin at bumalik ulit sa ginagawa. She's just worried kaya siya nagagalit saakin ngayon.

Naghilamos muna ako bago lumapit sa kanya at umupo na.

Walang nagsasalita saamin. We stayed silent for a long time. I don't want to talk about what happened yesterday so I remained silent. Pero hindi na niya napigilang magsalita.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon, Rielle." malumanay na sabi niya.

"Huwag na kayong mag-alala saakin,kaya ko ang sarili ko."

"Hindi ko lang maiwasan, Rielle. Paano kung napuruhan ka? Paano kung natamaan ka?"

"Hindi naman masakit, Nay. See? I'm still alive and kicking!" Biro ko.

"Huwag mong gawing biro ang nangyari." Sabi pa niya. "Tingnan mo nga 'yang katawan mo? Linggo-linggo,may bago. Naku,Rielle! Maawa ka naman sa katawan mo. Mukhang hindi na 'yan nakakatikim ng kaginhawaan."

Nagsimula na kaming kumain habang siya ay serom pa rin ng sermon sa akin. Hindi siya pumasok ngayong araw para bantayan ako kahit hindi naman na kailangan.

"Nay, paano niyo po nalaman na ako ang—" She cut me off.

"Paanong hindi ko malalaman? Eh, bata ka palang, ako na nag-alaga sayo. Kilalang-kilala na kita. Alam ko naman na hindi mo natitiis na tulungan ang mga nangangailangan. No'ng sinabi ni Ma'am Alena na babae ang nagligtas sa kanila at samahan pa na bagong mukha ng babae, ikaw agad ang naisip ko." Mahaba niyang paliwanag.

Bago pa ako maka-react, pumasok na si Andeng at ang tatlong lalaking tropa niya sa loob. Nagmano sila kay Nanay.

"Maiwan ko muna kayo. Andeng,bantayan mo ang ate Rielle mo." Sabi ni Nanay at iniwan na kami.

"Hi, Rielle!" Bati ni Fernan at Ralph. Si Kevin naman nakatitig sa damit ko.

"Ate, dugo ba iyan sa manggas ng damit mo?" Nag-aalala tanong ni Andeng. Napatingin din ang dalawa. "Saka, diyan sa labi mo? Bakit may pasa? Nakipag-away ka ba? Bakit may ka may sugat?"

Wait...hindi nila alam?

Hindi naman kita ang sugat ko dahil mahaba ang manggas nitong damit na pinahiram saakin ni Cross kagabi pero may bahid na ng dugo.

I just give her a cold stares. Napaatras sila sa ginawa ko. I just don't want them to be so loud and nosy!

"Uhm...u-upo na muna k-kayo...kukuha ako ng m-maiinom." She stuttered bago tumalikod. Umupo naman ang mga tropa niya.

Tinalikuran ko sila para sana pumasok na sa kwarto ko pero naintriga ako sa sinabi ni Ralph.

"Buti nalang talaga hindi nasaktan si Senyorita Venice no? Ang lakas naman ng loob ng mga holdapper na 'yon na puntiryahin ang pamilyang Sullivan! Mga dayo pa naman sila at dito pa naisipang pumunta!" Nanggigigil na sabi nito. Natigil ako saglit at umupo sa sala. Pinakinggan sila.

"Pasalamat nalang tayo doon sa taong nagligtas sa kanila. Hindi naman nakilala kung sino pero ang galing at ang tapang niya!" Si Fernan naman. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Akala ko, alam nila na ako ang tumulong sa pamilyang'yon.

"At no'ng narinig namin ang putok ng baril? Akala namin magkakaroon na ng giyera dito sa La Tierra. Bwisit na mga holdapper 'yon!"

"Ang balita ko,naidala na sila sa Maynila para doon ikulong. Galit na galit si Don Idefolso. Si Senyorita Venice naman, mukhang na-trauma ata sa nangyari." Si Andeng.

"Saan ka ba kahapon, Rielle? Pumunta kami dito matapos ang kaguluhan pero wala ka. Saan ka nagpunta?" Nabaling ang atensyon nila saakin dahil sa tanong ni Kevin.

"Oo nga, Rielle. Si Nanay Wilma naman,alalang-alala sayo. Napaaga ang uwi niya dahil sa nangyari." Si Fernan.

Do I need to answer them? Ano bang pakialam nila kung saan man ako nagpunta? Why they are so nosy? Didn't they know that curiosity kills the cat? Baka kapag sinabi ko sa kanila ang totoo, lumayo at matakot sila sa akin. Not that I want them to be with me.

"Does it matter?" Malamig na sambit ko.

Napasinghap sila. Hindi inaasahang ganoon ang sasabihin ko.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto para magpahinga. Hindi ko rin naiwasan na isipin ang mga nangyari.

May nabanggit si Nanay na pangalan kanina at ngayon naman si Andeng. Who are those people? At kilalang-kilala sila sa Bayan na ito, huh?

Kung hindi alam nila Andeng kung sino ang nagligtas sa pamilyang 'yon, ibig sabihin, kaonti lang ang nakakaalam at nakakakilala saakin? Si Nanay at si Cross lang? Paano niya nalaman? Paano ni Cross nalaman na kaya kong gawin iyon? Sinabi ba ni Nanay sa kanya?

"Nabalitaan niyo na ba ang nangyari kay Michael at sa mga kasama niya?" Lalabas na sana ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin,nang marinig ko ang boses ni Kuya Brock sa labas.

Hindi ko na sana papansinin ngunit narinig ko ang pamilyar na pangalan. Ewan ko kung saan ko iyon narinig.

Natanaw ko ang mga tropa nila ni Adair na naglalakad. Pawisan sila at mukhang galing sa paglalaro ng basketball at tumambay muna sa gilid ng kalsada.

"Oo nga, pre! Biruin mo,babae pa ang nakatalo sa kanya? Sapak sa ego niya iyon!" Sang-ayon naman ng isa sa mga kasama niya.

"Pinaghahanap nga nila 'yong babae, gusto pa ata ng isa pang laro. Haha, ayaw talagang magpatalo. Pati babae, papatulan."

"Baka taga-kabilang Barangay? O baka naman si Chairman Aguirre? Matapang ang babaeng 'yon! Crush ko pa nga 'yon eh!nganda ng katawan!"

Michael? 'Yong lalaking nasa bilyaran na natalo ko? Gusto niya ba talagang masupalpal ng tuluyan?

"Pero, Brock. Ipakilala mo naman ako doon sa kinakapatid mo. Ano nga ba ang pangalan no'n?"

"Rielle, pare! Oo nga naman, Brock. Ang ganda niya eh!"

"Mga gago kayo! Mas barako pa 'yon sa inyo eh!" Bulyaw sa kanila ni Kuya Brock at hinila na ang mga kasama paalis.

He thinks I'll back out? Oh come on, hindi ako sumusuko sa laban. Kung gusto niyang maglaban kami ulit, e di, pagbibigyan ko siya.

Wearing my dark jeans and white loose shirt,I stepped out of the house. Naka-tsinelas lang ako dahil nawawala ang isa kong sapatos,baka nasa pick up ni Cross. I'll just get it when I saw him again.

"Ate Rielle! Saan ka pupunta?" Sigaw I Andeng. Hindi ko na siya sinagot pa dahil pumara na ako ng tricycle.

Kung minamalas ka nga naman,sarado na ang bilyaran pagdating ko. Akala ko ba,gusto nila akong makalaban? Where are they now? Natakot at nahiya kaya hindi na nagbukas ulit?

"Anong gagawin mo dito, Neng? Pinasara na ni Senyorito ang bilyaran no'ng isang araw pa." Sabi ni Manong.

Hindi na ako nagtanong pa. Naglakad nalang din ako pauwi. Nadaan ko ang Conde Victoria at narinig ulit ang napakalamig na boses ng isang babaeng kumakanta. She has a very lovely and cold voice.

Because of curiosity, I decided to enter the Resto Bar but I stopped when I heard a familiar cold baritone voice on my back.

"You're really a hard-headed, Rielle." Sabi nito.

Whoah! Ilang araw siyang hindi nagpakita tapos ganito ang sasabihin niya sa akin?

Hindi ko na kailangan pang harapin siya dahil naglakad na siya sa harapan ko. He looked at me with his cold stares and almost on a straight line brows while both of his hands were on his pocket.

"Tss." Sabi ko at hindi na tumuloy sa loob. Tinalikuran ko na siya.

"Hindi pa magaling ang mga sugat mo and yet, you're roaming around like you're fine and nothing's wrong?" Malumanay na pagkakasabi niya no'n pero punong-puno ng galit at pagkairita. Ano ba ang pakialam niya?

"Where did you go? Sa bilyaran nanaman ba?" Sagot niya sa sariling tanong. "That's not a safe place, Rielle. Why don't you just rest and wait till your wounds—"

Can't he just shut his fucking mouth off? Naririndi ako sa ingay niya! Bakit ba hindi nalang siya tumakbo bilang kapitan? Napaka-pakialamero!

Hinawakan niya ako siko ko kaya natigil ako sa paglalakad.

"Look, I'm just worried." Malambing na sabi niya.

"I don't need that." Sabi ko at hinawi ang braso ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
187K 6K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...