A Subtle Art of not Falling A...

By gereyzi

114K 3.9K 3.7K

5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's frien... More

A Subtle Art of not Falling Apart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 20

2.8K 110 227
By gereyzi

Chapter 20
Failure

Today is 25th of December. Narito ako sa balcony ng aking kwarto, inaabala ang sarili sa pagbabasa ng reviewer habang abala naman ang lahat sa paghahanda ng aming kakainin ngayong araw na ito.

Sa isang araw na kasi ang schedule ko for online entrance examination sa Stanford. Hindi kami pumunta ng ibang bansa ngayon dahil nga ako ang tinanong nila kung pupunta raw ba kami.

Pinili ko na huwag na lang umalis.

Baka mamasyal pa kami roon tapos makasalubong ko pa si River. Though malaki ang US pero kahit na. Mas gusto ko na narito na lang ako sa bahay. Mas makaka-pokus pa ako.

Do I hate him? No. Do I have regrets? None. Sa ngayon.

Huwag lang n'ya sana ako bigyan ng rason para magsisi na nakilala ko s'ya. Ayaw ko noon. Mas ayos na sa akin na ganito.

Naging masaya ako kasama siya sa mga nagdaang taon, walang makakasira sa respeto na ibinibigay ko sa kaniya kahit hindi naging malinaw ang hiwalayan namin.

It's just that... it's painful as hell.

Hindi ko na minsan alam ang gagawin para lang makatulog sa gabi nang hindi siya iniisip at nasasaktan.

Napakalungkot. Sobrang lungkot.

I remember, nitong first week of December ay nakita ko siya. Hindi ko alam kung bakit siya umuwi noon. Basta ang alam ko ay sila na talaga ni Jia.

Kuya Reego confirmed it to me, kaya galit na galit siya. Gusto pa nga niyang sugurin si River pero nakiusap ako na hayaan na lang, at kung talagang galit siya ay huwag na lang pansinin. Mas pinili ko na lang na manahimik at huwag nang pagtuunan sila ng pansin, lalo na ngayon. Baka bumagsak ako kaiisip sa kan'ya.

He'll always be in my mind and forever in my heart.

Iyon na lang. Ayaw ko na ng kung ano pa. Whatever happened, happened.

"You seriously won't hear me, huh?"

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang biglang buksan ni Kuya Gi ang pintuan ng kwarto ko. Halatang galit na naman dahil binatukan ako ng mahina.

Kainis talaga 'to.

"B-bakit, Kuya?" kabado kong tanong, inayos ko ang aking buhok na nagulo.

"Ang sabi ko, magbihis ka r'yan dahil may inuutos sa atin si Mommy na bilhin! Bilis!" hinigit niya ako sa braso para patayuin.

Bahagya akong natawa at tumango na lang.

"Bilisan mo magbihis! Baka abutin ka na naman ng isang oras!" sigaw pa n'ya mula sa labas nang pumasok ako sa'king walk-in closet.

Alas onse ng umaga nang umalis kami sa bahay. Kasama namin ay si Kuya Rokko, Kuya Sam, at Kuya Eren. Si Kuya Gi ang driver kung saan katabi niya si Kuya Rokko. Napagigitnaan naman ako nila Kuya Sam at Kuya Eren.

Naging maingay ang mga kasamahan ko all along sa byahe papuntang mall na malapit lang naman. Doon yung mall na... una akong umiyak kay River dahil sa takot ko noon kay Rad. Doon din kami... unang nag-date.

So many memories with him.

"Kailan balik n'yo sa YRigo?" usisa ni Kuya Eren sa tatlo naming kasama.

"After new year," Kuya Rokko bit his lower lip. I saw how he secretly smiled.

Mukha siyang excited bumalik, ah? Samantalang nagdadabog iyan nung malaman niya na ipapadala siya ni Lolo sa Rigodon. Baka nasisiyahan na sa mga tao roon.

Nakarating kami sa mall. Wala masyadong tao kaya mabilis kaming nakahanap ng parking space. Private mall ito kaya bihira lang din talaga dumami ang tao. Dumeretso kaagad kami sa isang department store dahil mahaba-haba ang listahan ng ipinabibili ni Mommy.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanila. Nagkakagulo sila roon dahil gusto pa ni Kuya Eren ng alak. Si Kuya Gi lang ang ayaw dahil hindi raw sila dapat uminom dahil nga pasko.

Kinuha ko naman ang listahan kay Kuya Gi, hinayaan ko silang mag-away doon. Hinanap ko na ang mga dapat bilihin, pati ang cart ay ako na ang nagtulak dahil hindi kami makakauwi kung papanoorin ko pa sila.

Habang tulak ko ang cart ay pumunta ako sa kabilang section kung saan may mga gulay. Pinili ko ng maayos ang mga dapat naming bilihin. Hindi ako marunong magluto pero alam ko naman ang mga dapat at hindi dapat bilihin.

"So... you're here."

Naiwan sa ere ang aking kamay nang may marinig akong boses mula sa aking likuran. Nilingon ko si River na kasalukuyang may tulak-tulak din na cart.

The time our eyes met, doon ako biglang nalungkot. The way his eyes looked at mine. Masaya iyon.

"K-kumusta?" iyan ang unang lumabas sa aking bibig.

I saw him smile. Genuinely.

Lumakad siya papalapit sa aking pwesto at doon tumingin ng mga gulay. He then looked at me, "Ayos lang. Just having a short vacation here bago ako bumalik sa U.S... uh, ikaw? Kamusta?"

Parang natuyot ang lalamunan ko dahil hindi manlang niya ako nililingon habang nagsasalita siya.

Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa pero tila napakalayo n'ya.

"Uhm... ayos lang... din," I nodded. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa kahit nanginginig ako sa presensya n'ya.

I've missed him so much.

I know I'm just too shy... but I'm also wishing him to stay. Sana ramdam niya iyon. Pero anong magagawa ko? Ako itong nagsabi sa kaniya na tama na. Sana kaya ko na rin.

"Malapit na pala exam mo, 'no? Nakita ko sa notes ko, e. I remember, I wrote it nga pala para alam ko kung kailan kita dapat i-cheer sana," bigla niya akong nilingon at nginitian saglit.

"River..." tumigil ako sa aking ginagawa. My knees are trembling and so as my hands. Nakita niya iyon kaya saglit niya akong hinawakan.

"Kalma ka lang. Walang ibang tao na makakakita na kasama mo ako. Huwag ka kabahan," he smiled again. Parang gusto ko na lang umiyak sa harapan niya habang hinihintay siyang sabihin na gusto na niyang bumalik sa akin.

"River!"

Kaso malabo iyon.

Sabay kaming napalingon sa may 'di kalayuan nang... tawagin ni Jia si River.

"Pa'no ba 'yan? Una na ako, ha? Sorry kung... hindi na kita masasamahan during your nervous hours for your exam," baling muli sa akin ni River. He held my hand so gently, parang ayaw manlang palapatin iyon.

"Ano... saka... ingatan mo sarili mo. Dance yourself through your dreams. Padayon, Maria Margarita!"

Matapos sabihin iyon ni River ay nilapitan na niya si Jia... at iniwan ako. Hindi ko alam kung gaano katagal na ang itinayo ko mag-isa sa aking pwesto kahit matagal nang nakaalis ang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

He... he left me fully.

Hindi ko alam kung sadyang wala akong nararamdaman sa kaniya o... sasyang manhid na ako.

"Hoy!"

Natauhan ako nang may nag-finger snap sa aking harapan. It was Rad.

"H-hi," I gulped.

Muli ko pang nilingon ang dinaanan ni Jia at River.

"Wala na. Sumama na sa iba," Rad chuckled.

Pinangunutan ko siya ng noo, muli akong nagtulak ng cart. Sinabayan naman ako ni Rad, "Bakit hindi mo pinabalik?"

Natigilan ako sa tanong n'ya. Nilingon ko si Rad ay pinakatitigan.

"Sige nga, kung ikaw may gusto at may iba naman s'yang gusto, anong gagawin mo?" lakas-loob kong tanong.

Rad shrugged and smiled, "I'll let her go. Para sumaya s'ya—"

"Then you know the answer to your question na," putol ko. Bigla siyang tumawa kaya napahiya ako. I looked away.

"Magkaiba tayo ng situation, M. Ako, ikaw ang gusto ko pero si River ang gusto mo, kaya pumayag ako na lumayo sa'yo," he confessed. I bit my lower lip as I can't look at him. "Ikaw naman, si River ang gusto mo at gusto ka rin n'ya, pero dahil likas kayo parehas na mapagbigay, naiwala n'yo ang isa't-isa."

"Hoy, hoy, ano 'yan, ha?"

Natigil ang usapan namin ni Rad nang biglang magsalita si Kuya Gi galing kung saan. Kasunuran na niya sila Kuya Eren na may dala nang bote ng alak.

Sinulyapan ko si Rad na ngayon ay malamlam na nakangiti sa akin.

"Ah, wala, Gi. Nakasalubong ko lang kaya kinumusta ko na rin," pagdadahilan ni Rad kay Kuya.

"Ikaw, Rad, umayos ka, ha?" banta na Kuya Eren kay Rad. Akma nitong pabiro na susuntukin si Rad, bago pa nito magawa ang kalokohan ay hinigit ko na s'ya sa braso.

"Let's go home na, mga Kuya. Baka pagalitan na tayo. Nakuha ko na ang mga dapat bilihin," I sighed.

"By the way, Rad... if you have time, dalaw ka sa bahay," Kuya Gi suddenly tapped Rad's shoulder. Nangunot ang noo ko dahil doon.

"Kuya, let's go!" naiinis ko nang sabi.

Nagtawanan sila. Umuna na ng lakad si Kuya Gi at Kuya Eren. Si Kuya Sam naman ay kaagad na sumunod, habang si Kuya Rokko ay inakbayan na ako.

"Ayaw ko. Hindi ako papayag na hindi si Ilog ang makatuluyan mo," bulong niya sa akin, kaagad nanlaki ang aking mata at nilingon s'ya.

"Kuya..."

"Alam ko naman. Ayos lang 'yan," Kuya Rokko smiled and kissed the top of my head. Tuluyan na niya akong isinabay ng lakad.

Seryoso sa buhay si Kuya Rokko, tahimik din at madalas na walang pake. Nagulat ako sa mga sinabi niya ngayon. Para akong nalungkot lalo.

Hanggang sa counter ay magkakabuntot kaming lima. Nakakahiya sila kasama dahil kung ano-anong kalokohan ang kanilang ginagawa. Gusto ko nang takluban ang mukha ko nang mag-worm dance pa si Kuya Eren. Pati ang mga cashier ay natatawa na rin.

Para silang mga baliw, ano ba 'yan!

Natapos si Kuya Gi sa pagbabayad, umuna na ako sa sasakyan habang sila ay inaayos ang pinamili sa likuran. Tahimik akong nakikinig ng kanta sa stereo nang magpasukan silang apat.

Napadaing pa ako dahil naupuan ni Kuya Sam ang kamay ko.

"Sorry," he grinned. Napailing na lang ako.

"Whoah! 'Yan! Anthem!"

Nagulat ako nang magsigawan sila nang mag-play sa radyo ang kantang Baby ni Justin Bieber. Hindi ko mawari kung bakit ganito sila kagugulo. O sadya silang ganito, hindi ko lang nakikita.

"I know you love me, I know you care..." panimula ni Kuya Gi. Napangiwi na ako dahil doon. He started driving.

"Just shout whenever, and I'll be there..." he added. Itinuro niya si Kuya Rokko na tatawa-tawang kumanta. May pag-pikit pa.

"You are my love, you are my heart..." natawa na ako nang tuluyan nang kumanta s'ya.

"And we will never ever, ever be apart..." dugsong niya.

"Ako naman!" pagsali ni Kuya Ren, "Are we an item? Girl, quit playin..."

"We're just friends, what are you sayin," mahinang kanta ni Kuya Sam, "Said there's another and look right in my eyes..." dagdag niya.

Bigla nila akong nilingon, "MM's turn!" Sigaw nila.

Nanlaki ang aking mata, umiling ako nang sunod-sunod.

"Dali! Ang KJ!" pamimilit sa akin ni Kuya Gi.

"My first love broke my heart for the first time..." pagsakay ko na sa trip nila.

Nagulat ako nang biglang nagpreno si Kuya Gi.

"Ayan! Sabi na nga ba't break na sila, e!" nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Kuya Rokko. Nag-alis pa ito ng seatbelt. Ginawa rin iyon nila Kuya Ren. Mga kunwari ay susugod.

"Her first love broke her heart for the first time daw, mga pare! Hindi p'wede 'yon!" si Kuya Sam naman.

Napa-face palm na lang ako dahil sa mga kalokohan nila.

"Tara! Ano ba address ni River? Tara!" si Kuya Gi.

Natawa na ako at nagtago na lang sa likuran ni Kuya Sam.

"Gago talaga ang ilog na 'yon!"

"Mga Kuya, umuwi na po tayo, please!" I laughed hard.

Natigilan silang apat dahil sa malakas na tawa ko. Nailang ako kaya itinigil ko rin kaagad iyon.

"Finally, tumawa na ulit!" Kuya Eren announced. Inakbayan pa ako.

"Okay, uwian na kung gano'n," si Kuya Gi naman. Sinimulan na uling paandarin ang sasakyan.

"Huwag papalapitin si River, ha! Lakas ng loob ipagpalit si Maria! Tsk! Maria Margarita na 'yan, o!" Kuya Sam shook his head. Sinulyapan ko naman si Kuya Rokko na nakangiti lang, hindi nakisali sa inis ng tatlo.

I smiled secretly.

All along ay may alam pala talaga sila. Hindi lang sila nakikisali. Nakakatuwa, kung ganoon. Si Kuya Gi rin, nagbago na. Ang lungkot lang, kung kailan mukhang ayos na sa kanila ay saka nawala.

Sabagay, ganoon talaga, e. Hindi mo talaga malalaman kung kailan ang hangganan ng lahat.

We celebrated the Christmas happily. Wala si Kuya Reego dahil hindi raw makausap nila Tita kaya hinayaan na lang. Nauunawaan naman ng lahat ang sitwasyon.

I'm also involved, ayaw ko na lang damdamin mas'yado. River just gave me a closure today, I guess that's really the end. Hindi ko na ipipilit. Ang hiling ko na lang sa ngayon ay makausad na ako. Iyon lang. Gusto ko lang na mawala ang lungkot ko sa bawat gabi na mag-isa ako sa kwarto.

Wala akong mapagsabihan. Ayaw ko naman na si Troye na lang nang si Troye. Si Raciela nama'y wala na. Umalis na patungong America.

Kaya ko naman ito. Alam kong ang healing process ay mahirap. Minsan ayos ka, minsan naman hindi. Sure akong darating 'yung oras na wala nang bigatbsa dibdib ko dahil lang sa isang lalake.

Lumipas nang mabilis ang araw. Pawisan ang kamay ko habang nakatitig sa laptop ko, hinihintay na dumating ang notification ng exam na sasagutan ko.

"Kaya mo 'yan, anak. Good luck!" Daddy kissed my cheek, inilapag niya ang tray ng meryenda sa aking lamesa.

Narito ako sa kama at nakadapa na sinisilip ang laptop, kabang-kaba ako.

Paano kung bumagsak ako? Baka itakwil ako ni Mommy! Hindi ko kakayanin ang sakit na maidudulot noon!

"Dad," tawag ko kay Daddy, inaayos niya ang aking pagkain.

"Yes, baby?" abala niyang tanong.

"Paano po kapag hindi ako pumasa?" I sighed. Naupo ako sa kama, ang aking kumot ang nakalagay sa aking ulo.

I pouted.

"Kahit ano naman sa akin, anak," Daddy looked at me. Naupo siya sa aking kama at hinaplos ang aking mukha, "Just do yout best, para kahit pumasa o hindi, wala kang pagsisisihan," he added and kissed my cheek.

"Dad, baka itakwil ako ni Mommy—"

"That's what I won't let her do. Kumalma ka. Own the examination. Claim that you passed the exam."

Matapos akong payuhan ni Daddy ay lumabas na rin siya ng kwarto. Hindi kasi ako magawang puntahan ni Mommy, kabang-kaba kasi siya para sa'kin. Mas nape-pressure ako. Masyadong mataas ang expectations sa akin ni Mommy. Ako raw kasi ang girl version ni Kuya Gi pagdating sa katalinuhan.

Hindi ko naman makita iyon. Si Kuya Gi ay likas na matalino, kahit hindi siya mag-aral ay natututuhan niya ang mga bagay-bagay sa isang titig lang. E ako? Kailangan ko pang igugol ang oras ko para lang pumasa.

Top of the class ako kasi nag-review ako. Iyon lang 'yon.

Nahiga ako sa kama. Sa kada minuto na lumilipas ay dumodoble ang kaba ko. Nakatitig lang ako sa kisame ngayon. Tunog ng laptop ko ang inaasahan ko.

I took a deep breath. Saktong exhale ko ay tumunog na ang aking laptop, hudyat na naroon na ang exam ko.

Kabang-kaba alo na naupo sa kama. Sinilip ko ang laptop. Napalunok ako nang makitang naroon na nga ang exam.

Sana makaya ko. Sana talaga.

Sa January ang labas ng resulta noon. Gano'n kabilis.

Hindi ko alam kung nakailang pray ako bago ko napagdesisyonan na lapitan na ang lemesa. I keep inhaling and exhaling. Naupo ako sa swivel chair ko, nasa harapan noon ang laptop.

"Good luck, M!"

Rinig kong sigaw ni Ate Mira mula sa kabilang kwarto.

One more sigh, binuksan ko na ang examination.

Saglit kong ini-scan iyon.

Tinapos kong basahin ang ilan, naiiyak na kaagad ako. Wala sa mga tanong doon ang mga na-review ko.

Bakit...

Bakit gan'to?!

General subjects naman ang ni-review ko!

I tried not to cry as I fill out the test questions. Inilagay ko ang aking pangalan doon, maging ang ilan pang impormasyon na kailangan kong ilagay.

Nagsimula ako sa pagsasagot. Pinilit kong hanapin ang mga tanong na alam ko. May nahanap ako, ang kaso, siguro ay three percent lang iyon ng examination. Hindi ako papasa sa Stanford na tatlong pursyento lang out of one hundred!

Tinapos ko ang exam. Inabot iyon ng dalawang oras. I cried and cried after that. Marami akong iniwan na blangko dahil hindi ko talaga alam ang dapat i-sagot. Wala akong ginawa matapos iyon kun'di ang umiyak.

Wala na ang pangarap ko school, magagalit pa sa akin si Mommy.

Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin. Alam kong wala. Wala rin akong choice kun'di tanggapin ang galit ni Mommy. Natatakot ako roon. Ayaw ko siyang ma-dissappoint, kaso anong magagawa ko?

Hindi ko naman alam na gano'n pala ang system ng examonation nila. Walang pattern. Wala ka talagang maiisagot kapag wala kang overview sa mga future subjects mo.

Sana panaginip na lang ito.

"Inaayos ko na ang mga papel mo sa school, anak," Mommy said. Narito kami sa dining room, kumakain ng almusal.

May klase na ulit kami ngayon. Mommy is so excited for the result. I'm not. Buong bakasyon ay wala akong ginawa kun'di ang magmukmok sa kwarto. Lahat sila ay excited at masaya habang ako ay durog na durog na dahil sa nangyayari sa buhay ko.

Hindi ko pwede gawing excuse kay Mommy na hindi ko alam ang sinagutan ko. Hindi niya iyon tatanggapin. Umaasa siya na alam ko ang lahat.

Sana nga alam ko ang lahat, para hindi na ako namomroblema rito ngayon.

"Mom... hindi po ba't masyadong maaga para ayusin ang ganyan?" tanong ko. Ni hindi ko magawang tumingin kay Mommy.

"Ano ka ba?! Kailangan handa tayo anytime, anak! Sigurado naman ako na papasa ka!"

I let Mommy have her talk. Tahimik lang ako, ganoon din si Daddy. Sila Ate Mira at Kuya Ren ay kahapon pa bumalik sa Avenue. Ako nama'y ngayon pa lang dahil wala akong gana. Ayaw ko na ring pumasok. Gusto ko na lang mamaluktot sa kwarto habang inaalala ang mga problema nagusto kong kalimutan.

Funny me.

Ilang araw pa ang lumipas. Pinilit ko ang sarili ko na ituon ang atensyon sa pag-aaral at sa pagco-cover sa Saints League.

Hanggang sa dumating ang araw na ilalabas ang tesulta ng exam.

Ayaw ko nang magpakita pa sa kahit na sino. Gusto ko na lang magtago. Tuwing may nakakakita kasi sa akin sa school ay binabati na kaagad ako, akala mo'y lumabas na ang resulta.

"M, ano?! Nahinga ka pa ba?" tumawa si Troye nang maabutan niya ako sa hallway. "We'll have your results today!" he announced happily. Pinakatitigan ko siya.

I can't even stand Troye.

Ayaw ko sa kahit sino. Kahit si Ate Mira na kasama ko sa bahay ay ayaw ko nang kausapin.

Muli kong tinitigan si Troye. Napuna na niya iyon.

Kumunot ang noo niya nang mapalingon siya sa akin.

Mabilis niya akong hinigit sa braso, pumunta kaming botanical garden ng Clark. Walang katao-tao roon.

"Bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Troye.

A tear fell from my eye. I wiped it quickly.

"H-hindi... ako... papasa sa exam, T—"

"Gagi! Papasa ka! Huwag ka ngang negative thinker!" Troye looked at me with dismay. Pinili ko na lang na hindi magsalita dahil mas naiiyak na ako.

Nagkatinginan kami ni Troye nang mag-ring ang cellphone ko. I looked at it. It was mom who's calling. Naiyak na ako nang tuluyan.

I answered.

"M-mom—"

"Go home now, Maria Margarita. I'll talk to you."

Iyon lang ang sinabi ni Mommy, mabilis na niyang pinutol ang tawag. Napaupo na ako sa damuhan, humagulhol na ako habang si Troye ay nasa likuran ko at hinahayaan na naman akong umiyak.

"Sasamahan kita. Halika na. Baka lalong magalit si Tita," anyaya niya sa akin. Hinigit na niya ako patayo, wala na akong nagawa kun'di ang sumama.

Buong byahe pauwi sa bahay ay wala akong ginawa kun'di ang umiyak nang umiyak. Si Troye ay naiiyak na rin dahil sa kaba at takot na aabutin ko kay Mommy.

"Halika na, M. Face her now. Kaysa magalit pa lalo," tila nagmamakaawa nang sabi ni Troye nang ilingan ko siya. Natatakot ako. "Pangako, hindi ako aalis sa tabi mo."

Wala akong nagawa. Hinigit na ako ni Troye papasok sa aming bahay, "I-explain mo ang dapat ipaliwanag. Mauunawaan ka ni Tita."

Hindi ko sinagot si Troye. Hindi n'ya kilala si Mommy.

Ngayon lang ako naging thankful na malaki ang aming bakuran. Hindi kaagad kami makakapasok sa bahay.

Naging tahimik kaming magkaibigan nang makapasok kami nang tuluyan sa bahay. Para na akong hindi makahinga dahil sa kaba, idagdag pa ang pagpipigil kong umiyak.

Nakarating kami sa sala. Doon ko narinig ang pag-iyak at pagpipigil ni Ate Mira kay Mommy na galit na galit.

"Tigilan mo ako, Mira! Huwag na huwag mong pagtakpan ang kapatid mo!" sigaw ni Mommy kay Ate at itinulak ito palayo nang makita na niya ako.

"M-mom, let me explain —"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang malakas na lumapat sa aking pisnge ang palad ni Mommy. Para akong nabingi dahil doon. Hindi ako nakagalaw.

"Nakakahiya ka! You're such a disgrace, Maria!" mariing sabi ni Mommy.

Akmang makikisali si Troye pero mabilis siyang sinamaan ng tingin ni Mommy. Wala siyang nagawa. Ako rin. Wala na rin akong magawa.

"Hindi ka na nga pumasa, kumabit ka pa!"

Natigilan ako nang marinig ko ang hikbi ni Mommy. Mula sa pagkakayuko ko sa sahig ay napaangat ang ulo ko para tignan siya.

Nakita ko na pag-iyak ni Mommy sa aking harapan. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kwelyo. Pinalo-pano niya ako sa balikat habang umiiyak.

"Bakit ka ganyan? Hindi kita pinalaki na gan'yan kababa, Maria!" iyak nang iyak si Mommy. Binitawan niya ako. Bumalik siya sa pwesto ni Ate sa may lamesa. May kinuhang kung ano si Mommy doon.

Ibinato niya sa akin ang mga litrato, ngayon ay nagkalat na sa sahig.

Doon ko nakita ang lahat-lahat.

Ang mga pictures namin ni River. Our secret rendezvous.

"Pack your things. I can't keep a failure child," Mommy fired. Tila nabingi ako roon. "Kaya kong tanggapin na hindi ka pumasa, Maria. Pero hindi ko kayang tanggapin ang dumi na dinala mo sa pamilyang ito."

"Mommy, please! Huwag kang maniwala kay Jia!" Ate Mira cried.

"Lumayas ka, MM! Hindi ko kayang sikmurain na gan'yan ka kababang babae."

And that was the day that ruined my entire life. That's the day when my mom, threw me out of the house just because of the false accusations.

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 1.5K 34
Date Started: June 24, 2021. Date Ended: August 11, 2021. - Mahirap ang buhay. Akala ng iba ay madali lang ang kumita ng pera, hindi nila alam na kai...
72.1K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
100K 3.5K 33
4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why...