Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)

59 9 9
By DonaQuixote

Warning : This chapter contains strong language and scene that could be disturbing to certain readers.Read at your own risk.

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE
(When it come)

Angel's point of view

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kakasakay ko palang naman at kakaandar lang naman ng kotse ay gusto ko na agad na makarating sa hospital. Agad agad.

Gusto kong sumigaw sa inis. Napakawrong timing naman kasi.

Kanina kasi...

Dapat magsasalita na si Chad at sasagutin ang tanong ko! Kaso biglang sumulpot si Justin.

Napatingin ako sa front mirror dahil ramdam ko na may nakatingin saakin mula roon at tama nga ako. Nakatingin saakin si Chad kaya inirapan ko siya. Natawa naman siya ng mahina bago ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi ko talaga siya maintindihan gaya ng hindi ko pagkaintindi sa sarili ko. Oo, kinikilig ako tuwing may mga sweet gestures si Chad saakin, tuwing may banat siya, sa tuwing hinahalikan niya ako. Hindi ko alam noong una--- o sadyang hindi ko lang talaga matanggap na kinikilig ako pero kinikilig talaga ako.

Alam ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ang pakiramdam na parang nasa isa akong fairytale ay kilig na pala 'yon.

Alam ko rin na mali 'yon.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga mapigilan na hindi kiligin. Ganoon kalakas ang epekto ni Chad sa sistema ko. Ganoon din kalakas ang epekto saakin nang sabihin ni Chad na Mahal niya si Pia.

Ang babaeng mahal niya si Pia.

Si Pia kasi.

Tapos ay sasabihin niyang nagseselos siya tuwing may lalaki akong kasama?. Oo, noon, lagi niyang bukang bibig ang selos niya kay Dandan pati na rin sa ibang lalaki na nakakasalamuha ako pero iba kasi 'yong kanina, e. Hindi ko siya pinilit na sabihin 'yon gaya ng dati. Nabigla ako.

Kaya tinanong ko na siya kanina. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob at kapal ng muka na tanongin siya. Kaya tinanong ko siya kung bakit siya nagseselos. Kasi hindi naman siya magseselos kung... wala siyang ibang special na pakiramdam saakin.. 'di ba? Kaya tinanong ko siya, ayaw ko rin namang mag assume kasi nga masakit. Sasagutin na niya sana kaso nabulilyaso pa.

Napatampal nalang ako sa noo. Sabay pang nilingon ako ng dalawa.

"May problema ka?"

"What's wrong?"

Sabay pang tanong ng dalawa. Tinignan ko silang pareho at umiling nalang bilang sagot sakanila.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa makarating kami ng hospital. Pinagbuksan ako ng pinto ni Justin kaya nginitian ko siya pero tinignan niya lang ako at naunang maglakad.

Kailan nga uli nang huling kinausap ako ng ako lang ni Justin? 'Di ko na tanda.

Sumunod naman akong naglakad. Ramdam ko naman na nasa likuran ko lang si Chad.

Hospital. I hate this place but I'm here again. Malamang, dederetso talaga ako rito dahil malamang deneretso rito 'yong taong pinabayaan kong mabugbog. Amoy at kulay palang ng lugar hospital na hospital na. Kakabanas.

"Hala! Lagot ka Angel!" parang batang sabi ni Gaio nang makita niya ako.

"Lagot mo muka mo!" singhal ko nalang.

"Ikaw na talaga ang pinaka tangang babae na nakilala ko sa buong buhay ko!" nakapikit pang saad niya na animo'y nasa isang drama at feel na feel ang sinasabi.

"Ikaw rin, Ikaw na talaga ang pinaka tangang lalaki sa lahat ng lalaki na nakilala ko sa buong buhay ko! Mas tanga ka pa keysa sa Daddy ko na minahal 'yong Mommy ko," walang ganang saad ko. Humaba tuloy ang nguso niya.

"Ayan! Huwag mo kasing banggain ang isang Angel Hell-zl Benavidez para hindi ka matalo. Pader 'yan na parang isang great wall of China,mahirap tibagin tapos ikaw? Gaio Mendez lang. Isang manyak na broken hearted." hindi ko maintindhan kong inaalo ba ng Carl na 'to si Gaio o inaasar, e. Natawa kaming lahat na nakarinig sa sinabi niya kay Gaio na kanina ay mahaba lang ang nguso, ngayon ay nakalabi na.

Natapos ang bangayan namin ni Gaio nang awatin na kami ni Chad mismo. Hindi na sila nasanay sa kaabnormalan ni Gaio. Tuwing sinusumpong 'yan ay laging para kaming magpapatayan pero hindi naman.

Nakasilip lang ako ngayon sa kwarto ni Oscar dito sa labas habang silang lahat ay nasa loob at kinakamusta siya. Hindi pala lahat, wala si Klein. Nasa kabilang kwarto lang siya at in-admit din. Akala ko ang dugo na nasa katawan niya ay dugo ni Oscar na tumalsik lang pero mali ako. Mukang kwits lang sila, napuruhan din kasi si Klein, e 'di lang halata.

"Bakit 'di ka pumasok sa loob?"

Napahawak ako sa puso ko dahil pakiramdam ko para 'yong naalis bigla sa dibdib ko dahil s gulat.

"Shuta, nanggugulat e!"

"Did you just curse me?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alam mo Kuya Maio ganoon akong tao, nagmumura kapag nagugulat... kaya Kuya, kung ayaw mong mamura 'wag mo akong gulatin." bilin ko sakaniya na para kaming magkumpare.

Natawa siya. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kasi ay magagalit siya saakin. Napabusangot nalang ako ng itap niya ang ulo ko saka ginulo ang buhok ko na magulo na nga.

"Ikaw talaga!" he giggled.

Naasar man ay hindi ko pinahalata na naaasar ako at inalis ang kamay niya ng dahan dahan sa ulo kahit na gusto ko ay ibaluktot 'yon saka siya ibalibag ang kaso mabait ang Doctor na Kuya Maio na 'to saakin kaya 'wag na.

Ngumiti nalang ako.

"So, bakit nga hindi ka pumasok doon?" pag uulit niya sa tanong niya.

"Mamaya na kapag trip ko na." sagot ko.

"Hayst. Hindi ba kayo nagsasawa na pabalik balik dito sa hospital?" natatawang tanong niya, kausap na ang mga nilalang na nasa loob sabay pasok sa loob ng kwarto.

"Alangang dahil namin sila sa Mental Hospital Kuya? Hindi sila magagamot do'n!" pilosopong sagot ni Gaio sa Kuya niya.

Natawa naman ako dahil agad na nakatanggap ng batok si Gaio mula sa Kuya niya.

Iniwan ko sila roon at pinuntahan ang kabilang kwarto. Kwarto ni Klein. Naabotan ko si Klein na gising at nakatingin lang sa kisame ng kwarto niya. Loner ang puta. Tulog kasi 'to kanina at naunang nagising si Oscar sakaniya kaya naroon silang lahat sa kwarto ni Oscar at walang naiwan dito kay Klein.

"Hoy!" agaw pansin ko rito dahil maski pagpasok ko ay 'di niya naramdaman.

Hindi ko rin 'to nakakausap ng matino gaya ni Justin simula noong nabugbog ko silang tatlo sa main hideout at itinakas si Hunter. Hindi ko alam pero inisip ko na baka may alam din siya gaya ni Justin kaya bigla nalang nagbago ang pakikitungo niya saakin pero habang tumatagal ay napapansin ko na hindi lang naman saakin siya gano'n kaya mali ang iniisip kong may alam na siya. Sadyang may prinoproblema lang siya kaya ganoon nalang siya kung umakto. Halata naman, e.

Lumapit ako sa gawi niya. Nilingon naman niya ako.

"Bakit 'di mo 'ko inawat kanina?" tanong niya at umupo mula sa pagkakahiga niya.

"Alam mo naman na gustong gusto ko ng nakakapanood ng live na wrestling." saad ko at hinila 'yong upuan sa gilid papalapit sa gilid ng kama niya at naupo roon.

"Tss..." naging matunog naman ang naging pagngisi niya.

"Kamusta naman? Tiyak na masarap sa pakiramdam ng may nasapak ng maraming ulit." ganoon kasi lagi ang pakiramdam ko tuwing may nasasapak, malay mo ganoon din siya.

"Medyo, Kulang pa 'yon. He deserve more."

"Medyo sang ayon ako diyan." tumango tango pa ako, "Huwag  mo lang patayin huh?" pagbibilin ko pa.

"Your just kidding? Right?"

Natawa ako ng malakas dahil sa tanong niyang 'yon. Huminto lang ako nang makontento. "Ano bang dating sayo?" tanong ko.

"Tss.. ang hilig mong sumagot sa tanong ng tanong, e 'no?" sarkastikong saad niya. Natawa na naman ako dahil totoo naman 'yon.

"Medyo seryoso na hindi. It's depends on you. Kung gagawin mo, seryoso ako, hindi kita aawatin ang aawatin ko 'yong umaawat sayo, Ganoon kasimple. Kung hindi naman, e, 'di hindi." taas balikat na sabi ko.

"Ibang klase..." naiiling na saad niya.

Natawa na naman ako, "Biro lang na medyo hindi biro. Naenjoy ko lang na kausapin ka, ngayon lang uli kasi 'to baka 'di na maulit. Sinusulit ko lang na utohin ka," hirit ko pa.

Natawa naman siya.

"But really... he deserve more than you've done to him. Kung pwedeng ako nalang ang sumapak ng sumapak sakaniya, e ginawa ko na." imporma ko sabay pakita ng nakayukom na kamao ko.

"Gigil na gigil?" he chuckled.

"Hindi ko lang gusto 'yong ginawa niya," sagot ko at ibinaba na 'yong kamay ko. Muka kasing tanga.

"It's disgusting."

"Hindi rin, mali lang kasi."

"Sobrang mali."

Hindi na kami nakapag usap pa nang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Chad. Kasunod si Justin at Gaio na nakaalalay kay Oscar. Kasunod naman nila ang iba pa.

"Anong ginagawa niyan dito?" halata sa boses nito na naiirita siya.

Same.

"You two, you need to fix this. Mag usap kayo," sagot ni Justin. Tumango naman ang iba bilang pasecond the motion sa sinabi ni Justin.

"Fine! Lets fix this. Simple. Stay ayaw from my sister," agarang saad ni Klein at ang tingin ay na kay Oscar na umiiling na.

"I can't..."

"She already have a husband, a child, a family. Can you please understand that your love for her is wrong and mess? How stupid person you are?" natatangahang tanong ni Klein kay Oscar. Natahimik naman 'to.

"Sobrang lala."

"Angel..." nang aawat na tono ni Chad saakin dahil sa biglaang pagsabat ko. Nanunuway rin ang mga mata nilang lahat habang nakatingin saakin. Napairap nalang ako.

"Iwan niyo nga kami," sabi ni Klein habang ang tingin ay na kay Oscar pa rin.

"Hindi." agarang tanggi ni Justin.

"Aayosin namin 'to ng kami lang. Iwan niyo kami," madidiin ang bawat salitang 'yon na binitiwan ni Klein habang nakatingin kay Justin. Para niya 'tong pinapaintindi sa lalaki.

Tinignan ni Justin si Chad. Syempre sa lahat desisyon ni Chad ang masusunod.

"Let them." pagpayag ni Chad sa gusto ni Klein.

Sumusukong napabuntong hininga si Justin, "Fine. Let's go."

"Usap lang a? Usap lang para maging maayos na kayo, usap lang." paalala ni Gaio bago lumabas. Ganoon din ang ginawa ng iba. Pinaalala nila na mag usap lang sila.

Napangisi ako. Satingin ko... hindi matatapos ang usapan nila ng hindi nagsasapakan.

"Angel, let's go." boses 'yon ni Chad.

Tumango ako at sumunod na kay Chad palabas ng kwarto.

"Sila Angel at Gaio na lang!"

"Ano?! Bakit pati ako?" reklamo agad ni Gaio.

Nag uusap usap kasi sila. Nagdedesisyon sila kung sino ang bibili ng makakain namin, kung sino ang uuwi ng bahay para ibalik ang mga gamit namin, at kung sino naman ang mananatili rito para bantayan 'yong dalawa na nasa loob at nag uusap na.

"Segi na! Kayo nalang. Tapos sila Shadow at Sedan, Owen at Carl ang babalik sa bahay para iuwi ang gamit natin. Kami nila Chad at Justin naman ang maiiwan rito para magbantay." pamimilit ni Cole sa natapos na diskasyon pero meron paring nagrereklamo.

"Sigurado ka? Kasama ako? Hindi kayo natatakot na lagyan ko ng lason ang mga pagkain?" tanong ko. Nilingon nila akong lahat.

"Siguradohin mo lang na nakakamamatay na lason ang ilalagay mo, kasi kapag nabuhay pa ako, isang libong beses kong ibabalik sayo ang ginawa mo," pahayag ni Justin. Nahihiwagahang tinignan siya ng iba.

"Chill, she just kidding." agap naman ni Cole sakaniya.

"I know, I am, too..." imporma nito at ngumiti. Alam kong peke  'yon. Sinong niloko mo?

"Hindi ko sinabing nagbibiro ako,"

"Bakit 'di mo nalang sabihin na tinatamad ka 'no? Dami mong satsat!" sabat ni Carl sa usapan.

"Paki mo!" singhal ko sakaniya.

"Paki ko!" singhal niya rin saakin.

"Suntukan tayo? Gusto mo?" hamon ko.

"Hahaha joke lang naman kasi Angel, e." bawi niya sa mga sinabi at agad na lumayo saakin.

Nangyari ang nagpag usapan. Kami nila Dana, Liza, at Gaio ang bibili ng makakain para saaming lahat. Narito na kami ngayon sa isang resto, hinihintay nalang namin 'yong inorder namin.

Kung sino lang rin 'yong naatasan na umuwi ng bahay, sila rin din 'yong pumunta. Naiwan sila Chad, Cole at Justin sa hospital para bantayan 'yong dalawa.

"Ang tagal..." reklamo ni Gaio nang may dumaang waiter sa gawi namin. Sinasadya niyang iparinig ang reklamo niya. Agad naman siyang inawat nila Dana at Liza.

Ilang minuto palang kami rito pero parang ang tagal talaga. Gusto ko ng bumalik doon, sigurado kasi akong nagbabardugalan na sila roon. Sigurado ako na nag aaway na sila roon at gusto ko 'yong mapanood.

Tumagal pa kami ng ilang minuto hanggang sa matapos na ang hinihintay namin. Si Dana ang nagprisinta na magbabayad ng lahat ng pagkain. Pabalik na kami ngayon sa hospital. Pagkarating namin doon ay agad na pumasok kami sa kwarto ni Oscar ay nakita namin na naroon na ang mga umuwi ng bahay.

"Anyare?"

Nasagot ang tanong ni Gaio nang makita ko na ang may benda at may pasang muka nila Oscar at Klein kanina nang umalis kami rito ay duguan na naman.

See? I told you!

Napangisi ako dahil tama ang nasa isip ko kanina. Pero ang ngising 'yon ay nawala nang biglang may babaeng nanlilisik ang mga matang nakatingin saakin habang papalapit ito.

Pinigilan siya pero hindi siya nagpapigil at biglang nasa harapan ko na siya. Inangat niya ang kamay niya para sampalin ako pero hindi ko pinayagan na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Hinawakan ko ang pulsuhan niya para pigilan.

"Hindi ako nagpapasampal." saad ko at ang kamay niyang hawak hawak ko ay sinampal ko sa mismong pisngi niya.

"How dare you!" nanggagalaiting sigaw niya at susugurin na naman niya ako pero pinigilan na siya.

"Ilayo niyo saakin ang babaeng 'yan, Oo, hindi ako pumapatol sa babae pero nauubos ang pasensya ko,"

Inilayo nga nila ang Kia na 'yon saakin pero ang tingin niya ay masama pa rin. Tinalikuran ko nalang sila at akmang lalabas na ng kwartong 'yon pero natigilan ako nang sumigaw ang babae.

"You! I beg you to help me! I beg you to stop them! But you just watching Klein already killing Oscar! You bitch!"

Huminga ako ng malalim. Kailangan talaga sabihin niya 'yon? Ayan tuloy at alam na nila ang ginawa ko. Letche naman.

Hindi makapaniwalang nakatingin sila. Nagtatanong kung totoo ba 'yon. Ngumisi naman ako.

"Bitch? Me? Anong tingin mo sa sarili mo kung ganoon?"

"Angel!" sigaw na suway saakin ni Oscar pero hindi ko siya pinansin.

"Wala kang karapatan na tawagin ako no'n dahil mas malala ka saakin,"

"Stop it!"

"Look at yourself, huh! Kapal naman 'ata ng muka mo!"

"I said stop it!" nanggagalaiti ng sigaw ni Oscar.

Binaling ko ang tingin ko sakaniya, "Ikaw ang tumigil! Gagohan Oscar? Gagohan? Limot mo na 'ata 'yong pinangako mong lalayo sa babaeng 'yan kasi nga mali---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Kasi---" putol ko rin sa sasabihin niya. Magdadahilan pa amp.

"Teka, nagsasalita pa ako manahimik ka. Ilang ulit ba naming ipapaintindi sayo na mali? Huh?! Mali nga kasi! Maling mali! Nakakasira ka ng pamilya..."

"Angel please stop it..."

Napangisi ako dahil umiiyak na siya. Waterworks. Inaawat na rin ako ng iba ang iba naman ay tahimik lang, ayaw makisali sa usapan at nanonood lang.

Masakit, umiiyak na siya sa sakit kasi totoo.

"Iwan niyo nga kami,"

"Satingin mo naman maayos mo?" sarkastikong tanong ni Justin saakin.

"Will see." mayabang na saad ko.

Tinignan naman ako ni Chad. Tinignan ko rin siya at may determinado saaking mata kaya sa huli ay pumayag siya. Lumabas silang lahat maliban saakin, kay Kia, at sa dalawa.

Hindi ako sigurado na maayos ko 'to at hindi ko alam kung bakit sinabi ko na iwan muna nila kami. Hindi ko pa nararanasan ang ganito, hindi ko alam ang pakiramdam ng ganito pero may parte saakin na gusto silang kausaping tatlo, prangkahin sa katotohanan para matapos na. Hindi ko kasi kaya hayaan nalang sila. Bakit naman? Kung itong naiiisip kong paraan ang makakatulong bakit hindi ko gawin? Hindi maiiwasan ang may masaktan pero bakit naman iiwasan kung may maayos naman? Hindi pa naman huli ang lahat, e.

Si Klein, mapagpatawad siyang tao. 'Yon ang naaalala kong siya, 'yon 'yong kataohan niya na nakilala ko noong kaarawan niya, 'yon 'yong bagong siya sa paningin ko. Namanghanga ako sakaniya dahil mabilis nawala sistema niya noon ang nangyari noong kaarawan niya at umaktong parang wala lang. Alam ko noong na akto lang 'yon pero nakita ko naman kung paano nila naayos 'yon ni Oscar. Si Oscar lang talaga ang problema, he's so in love. But it's not too late for him.

"Please let's stop this." pakiusap ni Oscar pero hindi ko na naman pinansin ang pakiusap niyang 'yon. Ngayon pang masosolo ko silang tatlo?.

"Stop it? Ako pa talaga? Sinimulan niya ako kaya tataposin ko lang kaya ikaw ang manahimik." singhal ko kay Oscar pero ang tingin ay na kay Kia,  "Ikaw?" baling ko na kay Kia nasa isang sulok, tahimik, hindi alam ang gagawin.  "May asawa ka, may anak? tapos narito ka? sasampalin mo ako dahil hindi ko tinulungan 'yang si Oscar? Huh! Nakakatawa ka! Umuwi ka nalang at pasosohin 'yong anak mo! King ina!"

Nakita ko ang pagbakas ng galit sa muka ni Oscar dahil sa sinabi ko. 'Yon ang isa kong napansin sakaniya, mabilis siyang mainis pagdating kay Kia pero paki ko? Bastosan na kung bastosan, hindi naman karespe-respeto ang Kia na 'yan. Sa ginagawa niya? Ano 'yon? Wala lang? Tsk.

"I love him, I love Oscar so much. Makikipag-divorce ako kay James," Kia said out of nowhere.

Napatampal nalang ako sa noo ko at napamura. Tumalikod ako. Ang kaninang hindi ko maintindhang inis na bigla nalang sumabog sa loob sa babaeng 'yon ay mas lumala.

Nagpapatawa ba siya?

"Anong sabi mo?" singit na ni Klein sa usapan na kanina ay pinapanood lang ako na sigawan at barahin ang Ate niya.

"Mommy already know that I don't love James anymore! I fell out of love to James,"

Hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko ngayon. Ano na Angel? Akala ko ba aayusin mo 'to? Pero paano?..

"Tangina! May anak ka! Ano? Sawa ka na sa buhay may asawa? Matapos mong mapabuntis ng maaga dahil sa hayok mo sa sex makikipagdivorce ka kasi sawa ka na?"

Shuta my innocent mind!

"Iyang bunganga mo Klein!" bulyaw na ni Oscar pero hindi naman nagpapigil si Klein.

"Why? Mali ba ako? Sawa ka na ba sa naging asawa mo, hindi na ba masarap? Kaya ka naghahanap ng bago? Ano? Kaibigan ko pa talaga kinalantari mo,"

Namalayan ko nalang na bumagsak na sa sahig si Klein dahil sinapak siya ni Oscar. Nagsimula na naman silang magrambulan at nagsimula na naman sa pag iyak ang babaeng 'yon sa tabi.

-_-

Kairita.

Inilibot ko ang paningin ko sa malawak na VIP room hospital na 'to ang paningin ko hanggang sa madako 'yon sa isang hanggang beywang kong vase. Nilapitan ko 'yon at binasag dahilan para lumikha 'yon ng malakas na ingay. Napangisi ako dahil biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang mga kasamahan ko. Mas napangisi ako dahil natigil ang dalawa sa pagsusuntokan at napatingin din saakin.

Pinulot ko 'yon dalawang bubog na nasa paanan ko at walang paki kahit na nadaplisan at nasugatan ako. Tumayo ang dalawa at nagtatakang tinignan lang ako.

Inabot ko sakanila 'yong bubog, isa kay Oscar at isa kay Klein. "Ayan, magpatayan na kayong mga tangina kayo! Sabing usap tapos mananapak? Lintek! Magsasaksakan nalang kayo para matapos na!" sigaw ko sa sobrang inis at hinawi ang hadlang sa daan ko at padabog na sinara ang pinto.

"Sabi mo aayusin mo?"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong ni Justin, nakasandal siya sa gilid ng pinto.

"Magulang dapat nila kinakausap nila, Hindi singdali ng karaniwang prinoproblema ng iba saatin ang sakanila na madali lang saakin na ayusin at kausapin sila, rated spg pa mga sinasabi 'di suit saakin,"

Hindi makapaniwalang nilingon ko si Justin dahil narinig ko ang pagtawa niya.

---
Your votes and comments are highly appreciated! Thank you sainyo ng hard! I love you all extremely!😘💕

Continue Reading

You'll Also Like

103K 3.2K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
237K 7K 51
we young & turnt ho.
45.1K 3K 25
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
37.6K 2.3K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...