Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 58: Emblem of Moral Truth

47 2 0
By AillexSkcy

Chapter 58: Emblem of Moral Truth 




Nico's POV

Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia.

Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan.

"I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon.


"What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama.

"I believe that this woman is an impostor," sabay turo kay Dia na nakatayo lamang sa gitna ng kontrobersyal na nangyayari.

"I can also prove that Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr was the rightful heiress to the throne."

Hindi ko magawang gumalaw mula sa aking kinauupuan, tila ba nakapako ang bawat parte ng katawan ko sa bawat nangyayari. 

Dia, paano kita matutulungan? Hindi ako makapag-isip ng ayos sa tuwing involved sa usapan ang ex ko, lalo na ngayong nasa harap siya ng media at ng mamamayan ng Rallnedia na nakatayo sa tabi mo.

.

.

.

Dia's POV


Ramdam ko ang mga titig ng tao mula sa dito sa loob ng simbahan hanggang sa halos sampung camera na nakatutok sa aking kinaroroonan. Napalunok na lang ako ng laway at dahan dahang sinulyapan ang kinaroroonan nina June, Shaine at Jeyya, gayundin si Nico at si Ma'am Vel. 

Sa ngayon ay may kausap si Shaine sa kabilang linya, gayundin si June, si Nico naman ay nakaupo lang na tila ba napako ang kanyang katawan sa upuan, wala na si Ma'am Vel sa kanyang pwesto habang nakatingin lang si Jeyya sa akin na tila nagulat sa mga nangyayari. 

Napahawak na ako sa ilang hibla ng gown ko sa mga sandaling iyon. So ito pala ang pinaghandaan mo laban sa akin? Sorry pero alam kong ilalabas mo ang alas mo sa mismong araw ng accession. Hindi ko alam ang plano mo ngunit alam ko ang barahang itatapat sa alas na hawak mo ngayon.

"How can you prove that Princess Dia is an impostor and how can you also prove that this woman is the real daughter of the King and Queen?" 

Nagulat ako ng biglang lumitaw mula sa aking likuran si Ma'am Eve, napansin ko naman ang ngisi mula sa mga labi ni Duke Markus sa mga sandaling iyon habang nakaturo ang daliri sa babaeng tinatawag nilang Viscountess.


"These are the pieces of evidence that can substantiate everything that I have said. I'm not the kind of person who will accept something without enough evidence, so it's only right that I also provide enough information about the true identities of these two."

"May I?" tanong ni Duke Markus sa Head Priest. At bilang galang ibinigay ng Head Priest ang altar upang ipaalam ang kung anong impormasyon ang kanyang tinutukoy. Napansin ko naman na nagsibalikan sa pagkakaupo ang mga tao na nasa harap ko ngayon.

"Everything will be fine Princess, hindi ko hahayaan na magsiwalat ng kung ano ang lalaking 'yan," bulong sa akin ni Ma'am Vel mula sa aking likuran. 

Bumuntong hininga lang ako at hinintay ang kung anong balak ng lalaking nasa unahan ngayon.

"Princess Dia grew up in the Philippines which is few miles away from Rallnedia. While Viscountess Margaux grew up in Hentorr which is just next to the City of Riandorr."

Ang babaw ng dahilan mo Duke Markus. Sa tingin mo ba kayang tapatan niyan ang alas ko? Tutya kong tanong sa aking isipan sa mga sandaling iyon.

"It was only about half a year ago after my son Duke Nicolai found Princess Dia, but he did not disclose about his ex-girlfriend Viscountess Margaux with the same test results that emerged from samples of her and the late King and Queen." 

Halos rinig ng dalawa kong tainga ang pagkagulat ng nakararami, hindi na ako magtataka na hindi ganoon kachismosa ang mga tao rito sa Rallnedia.

Ngunit sa dinarami rami ng ayaw ko 'yung ganitong klase ng tao. Huwag mong ipamukha sa akin na ex ng lalaking 'yan ang babaeng katabi ko. Hindi ako natutuwa sa tutya ng bibig mo Duke Markus.

Nilingon ko si Nico na nakaupo lang sa mga sandaling iyon, nakatingin lamang siya sa kinaroroonan ng babaeng nasa tabi ko. 

Ang kapal ng mukha mong magparamdam, hindi mo man lang sinabi na ito pala ang ex mo. At kahawig ko pa, sorry pero hindi ako papayag. Mas maganda ako, mas may karapatan dahil ako lang ang nag-iisang anak ng Hari at Reyna. 


"The results showed that the similarity of the sample was 99% from the hair, fingerprints, saliva, blood, and even the genes of Viscountess Margaux to the late King and Queen. This is also the other evidence from the last footage of Princess Ela and Viscountess's personal information."

"Isn't our evidence clear to you?" singit na tanong ni Ma'am Vel matapos ipalabas mula sa malaking screen ang isang video clip at iba pang impormasyon ni Viscountess Margaux. Humakbang siya ng ilan sa unahan ko.

"Let me finish Duchess," rinig ko ang pag-agree ng mga tao kaya humakbang pabalik si Ma'am Vel at tumigil sa aking tabi.




Mula sa video ay mapapanood ko ang isang scenario kung saan isang maliit na hugis angkla na birthmark ang mapapansin sa batang Prinsesa na nasa crib. Nasa kanang bahagi ng likod ng kanyang tainga iyon. Nakapakunot na lang ako ng kilay dahil hindi ako sigurado kung may birthmark ba sa aking kanang tainga. Palagi kasing natatakluban ng aking buhok ang likod ng aking tainga.


"As you watched from the video, one of the proofs is the birthmark of Viscountess Margaux on her right ear the same as the Princess Ela's last footage when she was in 5 months old. Will you please show it," sinunod din ng babaeng iyon ang utos ng Duke.

Kitang kita ko ang kulay itim na birthmark sa kanyang kanang tainga, parehong pareho sa hugis na lumabas mula sa footage. 

"How about the Princess?" nagulat ako nang lumapit sa akin si Duke Markus. Nakangisi siya sa mga sandaling iyon ngunit binigyan ko lang siya ng blankong reaksyon. Hindi ko alam kung may birthmark ba ako, hindi ako sigurado ngunit bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito? 

Nilingon ko si Ma'am Vel sa mga sandaling iyon, tumango tango lang siya bilang tugon na sundin ko ang iniuutos ng Duke sa akin.

Humakbang ako ng ilan at tumagilid sa harap ng maraming tao upang sundin ang iniuutos sa akin ng Duke ng Dunnelbridge. Sa mga oras na iyon ay ramdam ko ang bawat mata na nag-aabang na masaksihan ang nasa likod ng aking tainga, gayundin ang init na nagmumula sa lens ng bawat camera sa paligid ng loob ng simbahan.


It's fine Dia, everything will going to be fine. Pinaghandaan mo ang araw na ito ngunit hindi ang mga sandaling ito.

Dahan dahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa likod ng aking tainga.


Bigla akong nakaramdam ng kaba sa bawat pagpatak ng segundo, tila ba biglang bumagal ang pagpatak ng oras sa mga sandaling iyon, sandaling kinakain ako ng kaba sa aking dibdib, kabang pwedeng tumapos sa aking pinaglalaban, pinaglalaban na hindi ko gusto noong una pa lang, noong unang beses kong nalaman ang tungkol sa aking katauhan, katauhang hanggang ngayon ay isang malaking tanong sa aking isipin, kung sino ba talaga ako? Sino ba talaga ang totoong ako? Ako na nasa harap ng buong mundo ngayon, ngayon na unti unting hinaharap ang isang bagay na hindi kasama sa plano ko sa buhay, ang buhay na hindi ko rin alam ang tungo.


Sa mga segundong natitira bago ko tuluyang maihawi ang ilang hibla ng aking buhok ay dahan dahan ko ring ipinikit ang aking mga mata, napalunok pa ako ng laway sa kung anuman ang makita ng marami sa likod ng aking tainga.

Ma'am Vel bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol sa birthmark? Shaine, alam mo ba ang tungkol dito? June and Jeyya anong gagawin niyo? Nico, ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito ngunit bakit kulang ang impormasyon mo tungkol sa physical appearance ng batang Prinsesa, at Ma, hindi ko po hinahangad at pinagdadasal na biglang may lumitaw sa aking tainga sa mga sandaling ito, ang nais ko lamang ay ang malaman ang lahat. 

Lord, Kayo na po ang bahala kung anuman ang mangyari pagkatapos ng araw na ito. Kayo na po ang siyang magbigay linaw sa akin sa mga susunod na mangyayari, hindi ko po alam kung ano ang gulong pinasok ko malaman lang ang totoo sa pagkatao ko. Sa'yo ko na po iniiwan ang lahat lahat. Amen.


"Royal Law under Article 2, section 11. A Princess who is part of the imperial (decades ago) or royal (in the present day) family has the right to defend herself in any controversy she faces or is yet to face. Her body is also one of the sacred things that will not be exposed in front of many people,

"And according to the first ruler of this country, Emperor Geeno who states in Article 2, section 17. Only in the presence of the royal and noble family that any matter relating to the body of anyone in the royal family be disclosed," napalingon ako sa likuran ng altar sa mga sandaling nakatiwang wang ang likod ng aking tainga ngunit natatakluban ito ng aking braso ang bahaging iyon kaya hindi hagip ng kahit anong camera na nakapaligid sa akin.

Scarlet gown na may lace sa laylayan ang unang bumungad sa aking paningin. Dahan dahan kong iniangat ang aking paningin sa may suot ng gown na iyon. Muli kong ibinalik ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga at sinundan ng tingin ang dumating.

"Am I right, Head Priest and Royal Council?" tanong na sambit ng nasa likod ng scarlet gown na iyon.

Mababasa ko sa atmosphere ang pagkagulat ng karamihan sa dumating, maging ako ay hindi makapaniwala sa mga nasasaksihan ko. 

Tiningnan niya ako at nginitian sa mga sandaling iyon, hindi ko alam ang magiging respond sa kanya.

Maya maya pa ay lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking magkabilang kamay.

"Princess Ela is not first the Princess of this country but the third one and I am the second Princess of Rallnedia. Princess Georginia Lirayla Wayler Murphy, only daughter of Princess Antoniethe Claire Wayler Murphy, the first granddaughter of Great King Dean Wayler, and first niece of King Louise Achelles Madrid Wayler."






Ano na naman 'to? Second Princess? Princess Georginia? Then sino pa si Princess Anthoniethe? Wala sila sa history na nabasa kong libro ang mga pangalang iyon. Wala kahit isang Prinsesa ang nakatala sa mga history books maliban sa pangalang Gissela Dialaldi Wayler.


Maya maya pa ay may kinuha siya sa bulsa ng gown niya sa kanang bahagi nito.

"And I can prove it with this emblem."

Isang amulet ang ipinakita niya sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam ang nakalagay doon dahil likod lamang nito ang nakikita ko, ngunit maya maya pa ay dahan dahan niyang ipinakita maging sa akin ang bagay na iyon. Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ng tuluyan ang amulet.

Ang pinaka makapangyarihang emblem dito sa bansang ito. Ang Moral Truth Emblem ng Rallnedia kung saan may nakaukit sa bawat sulok ang logo ng isang kabayo na may shield at dalawang sword habang may nakaukit ding cross sa itaas na bahagi nito.

Saan niya nakuha ang bagay na iyon? At bakit nasa kanya ang emblem na iyon?

Nabasa ko ito sa history, na kung saan si High King George Lamber Wayler ang mismong gumawa nito para sa nag-iisa niyang anak na si Great King Dean Wayler. Ito ang pinakalumang emblem na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Ang sinumang may hawak nito ay nararapat lang sundin ng kung sino, Hari ka man o Reyna ng bansang ito.




















Continue Reading

You'll Also Like

592 71 47
Nine na Princesa, susubukin ng panahon ang katayuan ng buhay at sa pag-ibig. Ano ang pahahalagahan nila? Puso ba ang paiiralin o isip? Mas matimbang...
20.3K 488 47
Isang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niy...
151K 4.2K 53
She had a face as beautiful as SPRING A laugh as warm as SUMMER But her smile FELL like AUTUMN And she became as COLD as WINTER Date Started: May 4...
7.4M 376K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...