The Gang's Prized Possession

By YouNique09

1M 29K 3.9K

There are three silent rules in Bridgeway High when it comes to the Black Blade. First Rule: Everyone owns th... More

The Gangs Prized Possession
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter A
Chapter B
Chapter C
Chapter D
Chapter E
Chapter F
Chapter G
Chapter H
Chapter I
Chapter J
Chapter K

Chapter Twelve

24.2K 678 24
By YouNique09

Chapter Twelve

   "Wait for me," Sinenyasan niya ako dahil sa pag tawag sa kanya ng isang babae na mukhang assistant niya. Tumayo siya ng mesa at sumunod ron sa babae, katatapos lang namin kumain.

Tumayo si Megan nang walang sabi-sabi at sinundan ko ng tingin nang pumasok siya ng elevator. Kinawayan pa ako ng gaga.

Naka ngiti naman ang lalaking baliw sa harapan ko. Magka salikop ang dalawa niyang kamay at nakakaloko talaga ang ngiti. Binato ko siya ng tissue at inirapan.

"What? Inaano ba kita?" Natatawa niyang sabi.

"Tigilan mo nga ako. Feeling ko may binabalak kang masama sa mga ngiti mo"

"You think so lowly of me baby, nakakasakit ka."

"Cut the drama. Hindi bagay sa'yo" Inirapan ko ulit. Walang hiya talaga.

Sasagot pa sana siya but my phone went off kaya I signalled him to wait. I fished it out of my pocket.

Ivan Santayana Calling...

Nangunot ang noo ko. Ivan Santayana? Sino 'to?

"Who is it?" He asked and leans in para silipin.

"Ivan Santayana." Saka ko lang napagtanto na walang naka save na ganito sa Iphone ko...

"Hinayupak ka! Pinagpalit mo na naman yung cellphone natin!" Naka silip parin siya kaya mabilis ko siyang binatukan. Binato ko naman sa kanya ang cellphone na nag ri-ring parin. He stucks his tongue out at me before answering the call.

I don't know how he does it. Malalaman ko nalang na iba na ang cellphone ko. Palibhasa parehas kami. Madalas niya lang naman ginagawa ito kapag walang case yung akin o sa kanya. Kapag kasi meron, syempre alam ko. Mahirap rin dahil alam niya ang password. Kaya linggo linggo ako nag iiba ng password dahil sa kanya. Minsan pinapalitan niya rin ng theme yung kanya, katulad ng akin para hindi ko agad mapansin. May time na tumagal ng isang araw na hindi ko alam na pinagpalit niya ang cellphone namin. Kaya pinagtatawanan ako ng kambal buong araw at puro 'Ninja Moves' lang ang binabanggit nila sa akin. Malay ko ba kung ano ang meron don sa Ninja Moves!

Good thing ugali kong mag delete ng history and messages sa inbox, lalo na ng mga conversation sa kik. Saka madalas lang naman niya gawin ito tuwing wala siyang magawa.

"Diba ang sabi ko walang mang iistorbo?" Biglang nag iba ang tono ng boses niya kaya napatingin ako.

"Why are you tellin' me that? Wala naman akong magagawa. No, I'm in Paris you dipshit. Tell Rixon. Wala akong pake kung ayaw sumagot ni Logan---"

Halos puro mura nalang ang lumabas sa bibig niya sa loob ng buong conversation. Sino kaya ang kausap niya? Anong meron kay Ivan? Kung ako murahin ng ganyan, lalagyan ko ng mighty bond sa bibig! Hindi ko nga masundan kung ano ang pinag uusapan nila. Looks like Ivan is telling him something pero walang siyang pake. Nangunot ang noo niya at biglang natahimik.

"How many?" He pursed his lips. He sighed and massages his temple na para bang frustrated.

"Okay. Okay. Pag balik ko. I can't leave now kahit na importante pa yan." Inangat niya ang kanyang tingin at tinuon ito sa akin. "May mga bagay pa na mas importante rito na hindi ko pwedeng iwan"

"Who's Ivan?" Agad kong tanong nang binaba niya ang tawag.

"Just a...friend"

I raise a brow at his answer.

"Bukod sa black blade at sa'kin, kailangan ka pa nag nagkaroon ng kaibigan? Oh wait. Your gang mates, are they considered your friends? Are you even serious with this gang thing or it's just a phase? Personally I think it's stupid."

Their Gang life is off limits even to me. And I'm Calliope Rain Santos.

Sino ba naman ang masisiyahan kung uuwi ang mga kaibigan mo na puro pasa ang mukha? At wala ka naman alam sa nangyari? And their simple asnwer will be 'Gang war'

Ayokong dumating na naman sa punto na sa ospital na ako pupunta at hindi sa mga bahay nila.

"It's best of you don't get involved Cal" Buntong hininga niya at tumayo na rin. Nakita ko namang papalapit na si Lee.

Vini kissed my forehead and whispered, "I'm on speed dial if you need me" Sabay abot sa akin ng Iphone ko bago umalis.

"Ready to go?" Tanong ni Lee ngunit naka sunod ang tingin sa kapatid niya.

Tumayo na ako, wala naman akong dala na kahit ano. Ni hindi ko nga alam kung saan niya ako dadalhin.

"He's always so affectionate when it comes to you" He smiled at shook his head.

I don't know how to respond to what he said kaya nanahimik nalang ako.

   We're walking by the streets of Paris, malapit sa eiffel tower. Buhay na buhay parin ang lugar na ito kahit anong oras na.

"You look nervous," Puna ko sa kanya at binangga pa ang balikat nya. He laughs and ruffles my hair.

Tahimik lang ako sa byahe namin papunta rito. Maybe he picked the tower para hindi ako kabahan. Wait, should I be nervous?

Wala kong clue kung ano ang sasabihn niya.

We need to talk.

That should be enough to make me nervous. Kung hindi lang malamig dito kanina pa ako pinagpawisan. He looks calm but that wasn't enough to ease my nerves. Kung isa sa lima ang kasama ko ngayon at ganito ang eksena namin hindi ako kakabahan. Kabisado ko ang galaw nila well except for Vini. Si Lee...not so much. He's very elusive. Kahit na nung nasa Pilpinas pa siya at sa Bridgeway. Magka parehas silang dalawa na habulin ng babae ngunit mas mailap si Lee. Yung tipong hindi talaga mamamansin. Si Vini pumapatol pa sa iba.

Vini is reckless while Lee is responsible.

Damn, I'm comparing them again.

Naupo kami sa isang bench. I kept a safe distance.

"You know how much you mean to me right?" He glanced at me with those deep brown eyes.

So this is how he's gonna start this?

Hindi ako sumagot.

"Kahit na dalawang taon na akong nawalay sa'yo, I can see that nothing changed."

"Distance wasn't really a problem when I talk to you almost every night" Bulong ko. The tress were decorated with twinkling lights kaya doon naka pokus ang mata ko.

"I made you do that because for one, I wanted to keep tabs on my brother at alam mo namang kahit pasundan ko siya ay malalaman niya parin. Two, I don't want our connection to die down. We both know I'm busy...and you've grown to be a special part me Cara but we won't work."

I bit my lip. "I know,"

Tinignan niya ako gamit ang malalim niyang mata. He looks sorry, he doesn't have to be.

"From the start I knew we wouldn't work. I knew that! I wasn't stupid. But there's this certain feeling thay gives me hope, a tiny bit of hope that keeps me holding on. Hoping that someday you'll return my affections but I guess, that day wouldn't come"

"I'm sorry I led you on. I'm sorry I didn't give you my answer right away. I'm sorry I ruined everything between us---" Hinawakan niya ang mga nalalamig kong kamay.

"You don't have to be," Malungkot akong ngumiti at umiling. "I'm keeping my promise. Babatayan ko parin si Vin, dahil katulad mo ay nag aalala ako sa kanya. But please do me a favor, pwede bang tuwing mag uusap tayo ay tungkol 'don nalang? Alam ko namang matagal tayong hindi na magkikita but I don't want our connection to die down, kahit na para kay Vini pa iyon."

"If that's what you want," Tumango siya at binitawan ang kamay ko. "I'm heading to New York after this"

Humugot siya ng malalim na hininga bago ako tinignan muli, "And I'll probably stay there for two more years."

Tumango nalang ako.

"I want us to have a proper closure Cara."

"And I got it, Lee. I understand, crystal clear."

    "Drop me off at point zero," Bulong ko. Alam ko namang narinig niya ako.

Tumango lang siya at patuloy na nag drive. He kept his eyes on the road while I kept my gaze on the busy streets of Paris.

I was just looking forward to a vacation without complications but turns out ito pa ang makukuha ko. He made it clear, hindi ko na pwedeng itulak pa ang sarili ko. I'm not cheap or desperate. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Alam na alam ko.

I meant my promise about helping him with his brother. Kailangan parin ni Vini ng gabay niya at ayoko namang mawala nalang ang koneksyon namin ng basta basta. It's not a desperate move, gusto ko lang naman na hindi mawala ang communication namin. Mananatili siya rito then sa New York. Hindi ko alam kung bibili sila ng bahay or he'll stay there with Ate Shane. Mayaman naman sila, kaya nila 'yon.

Bumuntong hininga ako. Kahit saan mang anggulo tignan, hindi kami pwede. Kung bibigyan man kami ng pagkakataon, hindi rin ako sigurado kung aabot kami hanggang sa dulo. Sigurado na ako na mawawalan siya nang oras sa akin and knowing myself, I will crave for his time. Ngayon ay na witness ko na kung gaano siya ka busy rito. My world consists of Black Blade, School, and Friends while his were Business, Hotels, and Family.

Pesteng pagmamahal kasi!

Hindi ko naman pwedeng i-dikta sa sarili ko kung sino ang mamahalin ko! Hindi ko rin naman pwedeng ipagtulakan pa ang sarili ko sa kanya!

All I ought to do now is divert my attention elsewhere and get him out of my system.

"Paano ka makakabalik?" Rinig kong tanong niya nang lumabas ako ng sasakyan.

"I'll manage" Tikhim ko at sinarado na ang pinto. Hinitay ko munang makaalis ito bago tumalikod.

See? Hindi niya ako pinigilan. Alam niyang kailangan naming malayo sa isa't isa.

Hindi na masyadong matao sa lugar na ito ngayon. Naisip ko maupo muna sa bench ngunit bago pa man ako makarating doon ay may nahagip na akong pamilyar na mukha.

He holds his arms out inviting me in a hug. Malugkot naman ako nangiti at tumakbo sa mga bisig niya.

I'm not suprised that he was here dahil sa pagiging unpredictable niya.

Hinagod niya ang likod ko at hindi ko na kailangan pang nag salita.

"Shh..." Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagbabadya nang tumulo ang nga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Paulit ulit niyang hinalikan ang ulo ko.

"Do you still want it?" He whispered. "Do you still want what you wished for Cal?"

What did I wish for? Lee.

Umiling ako ngunit hindi ko pinskita ang mukha ko sa kanya.

Right now, I don't know. Ilang oras palang ang nakakalipas at kailangan ko pa ng mas marami upang maalis siya sa sistema ko. You can't get rid of your feelings that fast.

    Hindi nagpakita sa amin si Lee sa sumunod na araw. His secretary said he's busy, si Megan lang naman ang nagreklamo but Vini made sure she had her 'Luxury shopping' dose para matahimik siya. I bought a couple of things too. Binilhan ko ng maliit na Eiffel Tower replica si Bommie dahil alam kong matagal na niyang gustong pumunta ng Paris. I even bought Mom a scarf.

I heard Megan giggle at pinanuod niya si Vini mag suot ng shades.

"How do I look?"

Megan laughs before answering, "You look like a bad boy, Kuya"

Because He is.

Umiling nalang ako sa kalokohan nilang dalawa.

We entered a new shop at halos puro dresses ang narito. Nilibot ko ang mga mata ko. Halos puro babae ang narito at puro magagarang sasakyan pa sa labas.

We're shopping in Paris, of course we're dressed like our life status. Hindi ako magpapatalo sa mga ganito. I was dressed casully yet with edge na bagay na bagay sa akin.

"This looks good on you," Vini said sabay pakita sa akin ng isang puting dress.

"I can imagine you wearing this with your hair up and with red lipstick. You look sophisticated, edgy, at mataray." Inirapan ko lang siya.

    Gabi palang ay handa na ang gamit ko. I bought another suitcase para lang sa mga binili ko. Megan bought two, kapag talaga pinayagn siyang mag waldas ng pera, magwawaldas siya ng pera.

Ngayong umaga ang flight at hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita sakin si Lee.

I sighed and zipped my handbag.

"All good?" Tanong ni Vini na naka tayo sa pintuan. Tumango ako at kinuha lang ang aking bag. Nasa sasakyan na ang lahat ng gamit namin at wala siyang dala dahil nasa akin ang lahat ng gamit niya. Passport and phone, ewan ko nalang kung ano pa ang nilagay niya sa bag ko.

"Do wanna say goodbye to him?" He asked glancing at me. Bumuntong hininga ako at nanatili ang mata sa kulay ginto na pader ng elevator.

"I'd rather not"

Nag kibit balikat nalang siya at inakbayan ako. Megan was waiting for us at naka tuon na naman ang atensyon nya sa kanyang cellphone.

"Ang tagal tagal" Reklamo niya nang hindi man lang kami tinitignan sabay talikod. Sinipa ko nalang ang pwetan niya bago siya pumasok ng sasakyan and that earned me a death glare.

Sisters.

We stopped by for coffee sa coffee shop na tinambayan ko nung isang araw, sumama ako sa loob and I was impressed nang makita ko ulit yung babae na naka tapat ko ng table non. She's here again.

Pinagmasdan ko siya habang kausap ni Vini si Tita sa phone.

May piece ng muffin at coffee lang sa table niya, napansin kong wala pang bawas ito. She was writing, at maya't maya rin siyang natingin sa paligid then brings her attention back to the notebook in front of her.

She's a writer.

Obvious naman.

"Anong tinitignan mo?" He asked at sinundan ang tingin ko, napa ngisi siya nang makita niya ang babae. "She's hot."

I took my coffee from him and rolled my eyes. "You're such a slut"

Tumungo na kami sa airport and like usual, nag earphones lang ako at nagbasa habang naghihintay ng flight namin.

I wanted to think na na-enjoy ko ang Paris trip namin, well some of it. Yung iba gusto ko ng kalimutan. Hindi naman nababagabag ang isipan ko ng todo dahil alam kong matagal ko siyang hindi makikita, he won't be there to remind me of my feelings. Tama nang ako lang. Alam kong marami akong aatupagin pag balik namin ng Pilipinas, the boys are enough to keep my mind preoccupied.

I keep my promises kaya buo ang desisyon ko sa pag a-update sa kanya sa kung ano ang nagyayari sa kapatid niya. I guess I will have to cut our conversations short. Mas maganda kung kaming dalawa ang mag e-effort pero walang bitterness. Mas maganda na pinamukha na niya sa akin na hindi kami pwede kaysa huli na ang lahat.

Yung tipong hindi ko na kayang ahunin ang sarili ko sa pagmamahal sa kanya.

Ngayon, kaya ko pa. I can pull myself.

Megan and I fell asleep half through it. Tulog rin si Vini, katapat namin. Hirap na hirap nga siya sa pwesto niya, alam kong mamaya magrereklamo na naman ito na masakit ang likuran niya. Ilang bese na siyang naka sakay ng eroplano pero feeling mo tuwing kasama mo siya ay first time niya.

Nang mag land, pinasan nalang ni Vini si Megan. Inaantok naman ako, gabi na rin kasi. Buti nalang maikli lang ang byahe pauwi. Sa Coastal Road na kami dumaan para iwas traffic. Binuksan ko nalang ang bintana dahil na miss ko ang hangin ng pinas, kahit na polluted pa.

"Can I have dinner at your house? Wala kasi si Mom sa bahay" Sabi niya.

"Ayaw mo sa luto ni Manang?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi naman, Our house doesn't feel really homey kaya 'don muna ako sa inyo"

Napa ngiti ako. He's always complaining about his family, hindi na bago iyon. Kaya nga madalas siyang wala sa bahay nila. Wala doon ang comfort zone niya. His comfort zone was in HQ and our houses.

Kaya nga napa payag niya agad ang Parents niyang ibili siya ng bahay kahit na bata pa siya. He has his way with words at alam kong mahal na mahal siya ni Tita, si Tito lang naman ang may ayaw sa gulong pinapasok niya. Mayaman ang pamilya nila kaya it's all about expectations.

Sadyang lumaki lang si Vini na taliwas sa gusto ng Daddy niya. And Lee was his perfect son, kaya ang katwiran ni Vini?

Bakit pa niya kailangang maging 'Perfect Son' kung nadyan naman ang Kuya? His brother was enough to run their business but his Dad won't take that. 

Yan ang hirap pag dalawang lalaki. Buti nalang kami ni Meg, easy easy lang.

Nagtaka ako nang wala pa si Mom at Dad sa pintuan nang pumasok ang sasakyan sa gate. I was expecting them to be there, like always. Bumaba na kami at hinayaang ang mga guards ang mag ayos ng gamit namin.

Nang pumasok bahay, narealize ko na bakit wala ang parents namin. They were busy feeding the dipshits who are currently raiding our house.

Silang apat ay kampanteng naka upo sa sofa namin at naroon rin si Mommy at Daddy na busy sa pakikipag usap sa kanila. There were boxes of pizza on the center table at naka pambahay lang ang parents ko, that means day off nila ngayon.

"Oh! Nandyan na pala kayo!" Gulat na sabi ni Mommy at napa tayo para yakapin kami. Dad was smiling at pumunta naman ako sa kanya para yakapin siya.

May humigit naman sa bewang ko at dinala ako pababasa sa sofa.

I laughed and hugged Rix back kahit na patalikod. "I missed you!"

Pinaulanan niya ng halik ang ulo ko kaya bumitaw agad ako sa kanya. Kasi naman! Kakarating ko lang, germs agad ang dala!

Logan looks calm kaya siya ang sunod kong niyakap. He kissed my cheek and whispered that he missed me, of course I missed him too.

Sunod naman ang kamabal. Naka pamaywang pa ako nang hinarap ko sila. They were both grinning at me.

"Umitim kayo," I said and touched Jace's face.

"Surfing" Simpleng sagot niya at niyakap na rin ako. I felt someone hug me from behind, si Josh.

The twins sandwiched me.

Hindi ko alam na ngayon rin pala ang balik nila. Nag segway rin pala sila ng bakasyon 'ron, akala ko ay puro trabaho lang. Mahilig pa naman ang dalawang 'to sa water sports kaya every summer halos best friends na sila ng araw at tubig. Ginulo ko ang buhok nila pareho at niyakap ulit. I missed those cheeky grins.

I smiled. Black Blade is complete again.

"Kanina pa gutom 'yang mga 'yan. Alas kwatro palang ng hapon narito na sila at ngayon ko lang sila napalabas ng game room dahil parating na kayo" Natatawang sabi ni Mom.

"Hinintay pa namin kayo bago kumain," Rix said.

"I'm so hungry! Lets eat!" Sigaw ni Megan na halatang gutom na.

"PIZZA!" The boys yelled at as usual nag unahan na naman sa pagkain na para bang mauubusan sila.

I shook my head and smiled.

I'm home.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...