Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-42

258 17 0
By crsntmoon_

"NATAPOS DIN ANG NAKAKA PAGOD NA Araw." Natatawang saad ko kila Liwayway, Luningning, Ligaya at Aexniqn. Natatawa rin silang tumango. "Syang tunay Señorita, buti na lamang ay may pumakyaw nang ating tinda, kung hindi ay baka abutin pa tayo nang pag sigaw ni Mang siw." Tukoy ni Liwayway sa nag titinda nang balot. Pumasok kami sa loob nang bahay nila Liwayway.

Bumungad sa amin sila Tiya Eleha na abala sa pag tatahi. "Magandang gabi po." Mag bati namin sa dalawang Ginang tumango lang sila sa amin. "O sya kumain na kayo, tiyak akong gutom na kayo." Nakangiting saad ni Aleng Benang. "Halika sumunod kayo." Sumonod sila Aexniqn ngunit ako ay tumingin lang kay Tiya Eleha na animong may hinahanap.

"Si Ama, Tiya?" Nag aalalang saad ko habang patingin tingin sa paligid. Ngumiti naman si Tiya Eleha sa akin. "Sya'y nag papahinga, mukhang napagod si Amando sa kabubuhat kay Calista." Natatawang saad ni Tiya Eleha. Napangiti naman ako.

"Ganon po ba?" Nakangiting saad ko tumango lang si Tiya Eleha at pinag patuloy ang kanyang pananahi. Nag lakad ako papasok sa kwarto ni Ama. Nasa pintuan palang ako nang kwarto nya ay nakita ko na si Ama, tulog na tulog ito na parang ang daming ginawa ngayong araw.

Mapait akong napangiti. Hindi kagaya nang dati si Ama, dati napaka lakas nya at parang kayang maki marathon. Pero ngayon? Unting galaw nya ay napapagod na ito agad. Muli nalang akong napa buntong hininga at nag lakad papunta sa kusina.

Ayokong maging malungkot at iyakan si Ama na buhay pa ito. At hinding hindi ako iiyak dahil hindi mawawala sa akin si Ama.

Nang makarating ako sa kusina ay napataas ako nang makitang nakain na sila Liwayway. Tsk? Hindi man lang ako hinintay? Nakakahiya talaga sa mga ito.

Umopo ako sa lamesa at nag simulang kumain. Halos lahat kami ay kanano sa pagkain dahil napaka sarap nang ulam. Tinapa at kamatis na ginisa ang ulam. Napaka sarap nya at ito ang paborito ko. Tsk.

Nang matapos kami ay kanya kanya kaming lagay nang plato sa lababo. Napahinto ako sa pag lalagay nang plato sa lababo nang makita ang isang malaking bilao. "Tiya Eleha ano yan?" Takang saad ko sa bilao na tinatakpan nang tahon nang saging.

"Biko." Simpleng saad ni Tiya Eleha. Nacurious naman ako. "Pwede patiki-----" hindi ko pa nalalapit ang aking kamay sa dahon nang saging nang biglang hampasin ni Tiya Eleha ang aking kamay.

"Hindi maaari Estela Asuncion." Seryosong saad ni Tiya Eleha. Napanguso ako. "Bakit naman Tiya Eleha?!" Parang batang saad ko. Pinaningkitan ako nang mata ni Tiya Eleha. "Anong bakit?! Bakit?! Yan ay pinaluto ng Ina ni Seguzam, kung kaya't iyung ihatid mo ang biko nayan sakanilang baha-----" hindi ko na pinatapos si Tiya Eleha.

"AYOKO NGA PO!" Andon si Antipatiko. Parang tangang saad ko. Tinaasan nya ako nang kilay na animong sinusuri. Napaiwas naman ako nang tingin. "Jusmeyo kang bata ka! Ihatid mo na ang bikong iyan! Kung si Ezequiel ang dahilan kung hindi mo nais na ihatid yan huwag kang mag alalay pagkat sya ay-----" Nanlalaki ang aking mata na hindi sya pinatapos.

"UMALI NA SI ANTIPATIKO?!" Nahihibang na saad ko na parang gustong tumakbo sa daungan para sundan si Antipatiko. Napangiwi ako sa sakit nang kurutin ni Tiya Eleha ang tagiliran ko. "Ihatid mo yan para iyung malaman kung nakaalis ang iyung Antipatiko!" Namula ako sa sinabi ni Tiya Eleha.

Hindi lang pala ako dapat maging handa sa mga salita ni Antipatiko. Dapat pala sa lahat nang tao din na may alam nang relasyon namin. Tsk.

"Tiya naman!" Parang tangang saad ko. Sininghalan lang ako ni Tiya Eleha at binigay sa akin ang bilao. "Iyung ihatid na ang bikong ito, hindi puro sya ang iyung iniisip." Singhal sa akin ni Tiya Eleha.

Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin sa kamay ni Tiya Eleha yung bilao. Nakanguso akong nag lakad palabas sa kusina habang si Tiya Eleha naman ay napaka daming sinasabi, pero wala naman akong maintindihan.

Bago pa ako makalabas sa bahay ay naningkit ang aking mata nang biglang bumulong sa akin si Aexniqn. "Ikaw ang mag huhugas." Nakangising saad nito. Tinaasan ko naman sya nang kilay. Sabay irap. "Ang kapal mo." Mataray na saad ko sabay labas nang Bahay.

Malapit lang ang bahay nila Seguzam sa bahay nila Liwayway kung kaya't mabilis akong nakarating. Kumatok ako sa pintuan nila Seguzam at iling minuto lang ay bumukas yun. Niluwal ng pintuan si Donya Sergia ang Mama ni Seguzam. Nakangiti nya akong sinalubong. "Magandang gabi po." Nakangiting saad ko kay Donya Sergia.

Ngumiti ito sa akin pabalik. "Magandang gabi din saiyo iha, ayan naba ang biko na aking pinaluto?" Ngiting ngiti na saad nang Donya. Nakangiti akong tumango. "Opo ito na nga po." Inabot ko sa Donya ang Biko na agad naman nitong tinanggap. "Nais mo bang pumasok iha? Ikaw ba ay kumain na?" Magiliw na tanong nang Donya.

Tumango ako sa Donya habang nakangiti. "Kakain ko lamang po, hindi narin po ako mag tatagal, nais ko nalang po sanang makausap si Seguzam." Nakangiting saad ko sa Donya. Nagulat naman sya sa aking sinabi bago biglang ngumiti nang napaka lawak. "Ganoon ba? O sya aking tatawagin si Seguzam. Seguzam anak! May nag hahanap sayong magandang Binibini!" Kinikilig na saad ni Donya Sergia sa dulo.

Nakangiwi nalang akong napailing. Nagawan ba nang issue ang pag hahanap ko kay Seguzam? Hindi naman yata ano? Tsk.

Nakita ko ang pag baba ni Seguzam sa kanilamg hagdanan bago nakangiting kumaway sa akin. "Nariyan kapala Yacelia, ano ang iyung kailanga?" Nakangiting saad ni Seguzam sa akin. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi sabay nag iwas nang tingin. "A-Ano kasi may g-gusto akong i-itanong....." Kinakabahang saad ko.

Napataas naman ang kanyang kilay. Mukhang nag tataka ito sa galaw ko ngayon na naparang natatarantang ewan. "Ikaw ba ay may hinahanap, Yacelia?" Inosenteng saad ni Seguzam na nag patibok nang double sa aking puso. Nararamdaman ko ang pag tulo nang pawis sa nuo ko. Nilalaro ko din ang aking sariling daliri.

Jusko? Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ko pa gagawin ko? Ano naman kung umalis na sya? Wala naman akong pake diba? Pero bakit ganon? Merong parte sa puso ko ang hinahanap sya? Namamimiss ko sya kapag hindi ko na sya makita. Napailing nalang ako sa loob ko at nakangiting tumingin kay Seguzam.

Umiling ako kay Seguzam. "Wala, W-Wala akong hinahanap." Nanlulumong saad ko. Taka nalang na napatango si Seguzam. "Mauna na pala ako, malapit nang mag ikot ang mga Guwardiya Cibil." Saad ko sabay talikod. Mabagal lang akong nag lakad at nag babaka sakaling may hahabol sa akin.

Pero hanggang marinig ko ang pag sara nang gate nila Seguzam ay walang Antipatikong humabol sa akin. Tsk. Bakit ba ako umaasa na may hahabol sa akin? Wala naman ako sa isang telebisyon o isang fairy tale napalabas kaya bakit ako umaasa?

Mapait nalang akong ngumiti sa sarili ko. "Iniwan nya na ako." Mapait na saad ko habang nawata. Naramdaman ko ang mag tulo nang luha ko at kasabay nun ay ang isang malakas na hangin na yumakap sa katawan ko na parang sinasabing kailangan kung tanggapin na walang permanente sa mundo at lahat ay may katapusan.

Nanginginig ang aking kamay na niyakap ang aking sarili. Parang nanigas ang buo kung katawan nang maramdaman ko ang isang mainit na tela na dumapa sa aking likod. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang maamoy ang pamilyar na amoy nayon. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nung may hunawak sa aking baba at inangat yun.

"Bakit tumatangis ang Binibini ko?" Nag tatakang saad ni Antipatiko na puno nang pag aalala. Naramdaman ko ang hinlalaki nya na tinanggal ang luhang tumutulo sa aking mata hanggang sa hindi ko na napigilan ang pag luha ko.

Mabilis ko syang niyakap habang humihikbi. "A-Antipatiko, mag usap tayo, mag usap tayo, a-ayoko na nang ganto natatakot na akong mawala ka sa akin." Humahagulgol na saad ko kay Antipatiko. Mahigpit ang pag kayakap ko sakanya na para bang ayoko na syang bitawan.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Antipatiko na humagod sa aking likuran. Lalo akong napaiyak sa ginawa nya. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Antipatiko, imbes na mainis ako ay nakaramdam ako nang kaba at takot. Kaba na baka pag gising ko ay wala na sya. Takot dahil baka isang araw kahit saan ko sya hanapin ay hindi ko na sya makita, dahil baka isang araw magigising ako na nasa ibang panahon na ako. At ayokong mangyari ang araw na iyun.

"Eeya, tumahan kana, ayokong nakikita kang tumatangis, sumasama at nawawalan nang buhay ang aking puso kapag naririnig ang pag tangis mo." Mahinang saad ni Antipatiko na puno nang lungkot at pag lalambing. Humiwalay ako kay Antipatiko habang umuubo ubo. Pinunasan ko ang aking luha. Hinawakan ni Antipatiko ang mukha ko at hinawi ang luha sa mata ko. Napasinghot muna ako sa hangin.

"P-Pwede ba tayong mag u-usap?" Halos pumiyok na saad ko. Nakangiti naman syang tumango at pinisil ang aking pisnge. Dahil sa kanyang ngiti ay parang nawala ang bigat nang aking pakiramdam. Sya lang talaga ang pahinga ko. At nag papawala nang mga hinnanakit at puot sa puso ko.

NAKAUPO KAMI NGAYON SA ISANG malaking bato sa may dalampasigan. Parehas kaming tahimik na dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang Convo naming dalawa tutal ako naman ang nag sabi sakanyang gusto ko syang makausap kaya ang gagawin ko ay sisimulan ko ang pag uusap namin sa pag tawag nang kanyang pangalan.

"A-Antipatiko...."

"Eeya...."

Nakagat ko ang ibaba kung labi nang mag sabay kaming mag tawag sa aming pangalan. Napaiwas ako nang tingin. Jusko naman? Mas lalong naging awkward ang paligid. Paano na tuloy ako nito mag sisimula? Muli akong napatikhim. Muli akong tumingin kay Antipatiko nagulat ako nang makitang nakatitig pala sya sa akin. Muli nanaman tuloy akong napaiwas.

"A-Ano....." Kinakabahang saad ko. Parang naputol ang aking dila para mag tapat nang gusto kung mangyari sa aming dalawa. "Ano?" Panggagaya sa akin ni Antipatiko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis na parang nawala lahat nang kaba na naramdaman ko sa buo kung katawan. Tiningnan ko nang puno nang inis si Antipatiko.

"Gusto kung sabihin sayo na gusto kung maging ta-----a-ano...." Parang naputol ang dila ko sa dulo. Nawala ang tapang na naramdaman ko kanina. Tsk. Bakit kasi pansamantala lang ang tapang nayon? Paki inis ulit ako Antipatiko para mawala ang kaba ko. Tsk.

"Ano?" Muli nitong saad. Nakita ko ang pilyong ngiti nito na nag palabas nang malalim nyang biloy. Napalunok ako. "A-A-Ano......" muli ko nanamang saad. "Ano nga Eeya?" Natatawang saad na ni Antipatiko. Naningkit ang aking mata habang nakatingin sakanya.

"Ano! Inom tayo!" Parang tangang saad ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun. Alam kung araw araw akong nasa Bar pero hindi naman ako lasinggera no! Hindi makapaniwalang tumawa si Antipatiko. Nakita ko ang pag kamangha sa kanyang mata. "Paumanhin Eeya ngunit hindi ko nais na uminom, ayokong masira ang aking kalusugan sa alak, at bilang isang lesinsadong doktor ay mas makakaigi sayo na huwag kanang uminom, lalo't pa't nawawalan ka nang katinuan kapag ikaw ay nalasing na." Humahagakhak na saad ni Antipatiko.

Napairap ako sa dami nyang sinabi. "Tsk, dali na, ngayon lang naman, eh. Saka ayaw mo nun kapag nalasing ako-----" Nakangisi kung saad sa dulo. Napatigil naman sa pag tawa si Antipatiko. Napangiwi ako nang bigla akong pitikin sa nuo ni Antipatiko. "Masakit yun!" Naniningkit ang aking mata na saad.

Sininghalan ako ni Antipatiko. "Puro ka, kalukuhan Eeya." Pailing iling na saad ni Antipatiko. Napangiwi nalang ako habang nakahawak sa aking nuo. "Ito naman, gusto ko lang namang kumuha nang lakas ng loob sa alak." Pabulong na saad ko na mukhang narinig ni Antipatiko.

Biglang bumilis ang tibok nang aking puso nang hawakan ni Antipatiko ang aking kamay at marahan yung pinisil. "Hindi mo naman kailangang kumuha nang lakas nang loob sa alak, Eeya, kailangan mo lang sundan ang tibok nang puso mo." Nakangiting saad ni Antipatiko habang nakatitig sa aking mata.

Napaiwas ako nang tingin. "Hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin s-sakanya, s-saiyo ang nararamdaman ko...." Napikit ko pa ang aking mata sa dulo. Ilang minuto akong nakapikit. Walang Antipatikong nag salita kaya lalo akong nakaramdam nang kaba at takot.

Imumulat ko na sana ang aking mata para ipaliwanag kay Antipatiko at iliko sya sa ibig kung sabihin ngunit nawala lahat nang kabang nararamdaman ko nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko. Naramdaman ko ang dahan dahang pag yuko nang aking ulo sa isang matigas na bagay.

Napalunok ako nang masinghot ko ang napaka bagong amoy ni Antipatiko. Bumiilis nang napaka bilis ang puso ko nang marealize ko na nakasandal ang aking ulo sa aking balikat. Minulat ko ang aking mata at akmang lalayo sana kay Antipatiko dahil baka may makakita sa amin ngunit hindi ko nagawa ang pag layo sakanya nang marahan nyang hinigpitan ang pag kakahawak sa balikat ko.

"Eeya, ayokong marinig ang nararamdaman mo, a-ayoko pang marinig...." Bakas ang lungkot sa bawat salitang binitawan ni Antipatiko. Nakagat ko nalang ang aking ibabang labi.

Ako ang may kasalanan nito. Kailangan kung ayusin ang sa aming dalawa ni Antipatiko. Para sa oras na mawala ako wala na akong iisipin. Hindi na ako manghihinayang, hindi ako manghihinayang na hindi ako nag karoon nang magandang oras na kasama sya.

Ayokong sa huli ako mag sisi kaya habang nandito pa ako, habang kasama ko sya. Gusto kung lubuslubusin ang oras at araw na kasama sya. Kaya kayo habang andyan pa ang mahal nyo sa buhay huwag kayong mag alala o matakot na sabihin ang nararamdaman nyo sa taong mahal nyo dahil panget tingnan kapag nasa huli ang pag sisi.

Ngumiti ako kay Antipatiko. Napaka lapit nang aming mukha, nakasandal parin ang aking ulo sakanyang dibdib habang ang aking tingin ay nakatingin sakanya. "Patawad, patawad sa mga sinabi ko, h-hindi ko ginustong masaktan ka, a-alam kung marami akong sinekreto sayo p-pero gusto ko lang naman na maging maayos ka, bumalik ang dating ikaw, ang dating Antipatiko na nakilala ko." Kagat labing saad ko habang nakatingin sa mata nya.

Napatitig sa akin si Antipatiko bago marahang hinagod ang buhok ko. Ngumiti ito nang matamis sa akin ngunit andoon parin ang lungkot nang nakaraan. "Eeya kahit ano pa ang dahilan mo, kahit ano pang magawa mo, hinding hindi kanaman mawawala sa aking isipan at sa aking puso..." Nakangiting saad ni Antipatiko.

Napabuga naman ako sa hangin. "At yung sa aming dalawa ni C-Calisto...." Kinakabahang saad ko. Alam kung hindi naman ako si Estela Asuncion na naging Jowa si Calisto pero Kinakabahan parin akong mag explain sakanya. Baka magalit sya sa akin dahil nag karoon kami------I mean ni Calisto nang something. Aish! Bahala na!

Nakita ko na nakatitig lang si Antipatiko sa akin na para bang sinusuri ang aking mukha. Nang makita nya akong nakatingin sakanya ay tumingin ito sa langit. "Napaka ganda nang kalangitan." Nakangiting saad nito ngunit alam kung umiiwas ito sa topic nayon. Pero kung pilit kaming iiwas sa topic nayon? Baka maugatan yun nang pag aaway namin someday kung may mangyari mang away sa amin.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Antipatiko nang maramdaman kung bumitaw sya roon. "Antipatiko, g-gusto kong sabihin na minahal ko si Calisto p-pero dati lang yun, dahil nang makilala kita at mag kasama tayo noon ay doon ako nahulog sayo, doon ako nag kagusto sayo Antipatiko." Pag papaliwanag ko kay Antipatiko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang salitang yun basta bahala na.

Tumingin sa akin si Antipatiko habang mahinang tumawa. "Wala akong himpupoot sa aking Kuya, wala rin akong paninibugho sayo Eeya, ako panga ay nag papasalamat pagkat nang dahil sakanya ay nakilala kita, nang dahil kay Kuya Calisto ikaw ay aking nakita, alam mo ba nang una kitang masilayan? Nahulog na agad ako sayo nang araw nayon ngunit sa iyung tingin sa aking Kuya Calisto ay alam ko na na sya ang iyung iniibig, hanggang sa hindi ko inakalang mag kikita tayong muli, hindi ko rin inaakalang ikaw pala si Estela Asuncion na palaging kwenekwento sa akin ni Batchoy...." Natatawang saad ni Antipatiko.

Napataas naman ang aking kilay dahil mukhang katawa tawa ang kwenukwento ni Batchoy kay Antipatiko. "Ano naman ang kwenento ni Batchoy, Aber?" Nakataas ang aking kilay na saad. Natatawa itong umiling. "Hindi mo na dapat yun malaman Eeya." Natatawang saad ni Antipatiko. Naningkit ang aking mata.

"Uuwi na pala ako, ayoko nang makipag usap." Mabilis na saad ko kay Antipatiko, tumayo ako at binitawan ang kanyang kamay. Natawa naman ito at muli akong hinila paupo, hinawakan nito ang aking kamay. "Hindi ka talaga mabiro Eeya." Natatawang saad ni Antipatiko. Nakangiwi ko syang sininghalan.

"Nang malaman ko na ipapakasal ako sa isang Andres ni Ama ay agad akong nag patulong kay Batchoy na alamin kung sino ang Binibining ipapakasal sa akin, unang pumasok sa aking isipin ay si Elisa ang ipapakasal sa akin pagkat kami'y mag kaedad lamang at mag kalaro laro din nang kami ay bata pa, ngunit nang itanong ko kay Ama kung si Elisa ba ang magigi kung may bahay,

Ay umiling ito at sinabing mas maganda paraw kay Elisa ang magigi kung kabiyak at tama nga ang sinabi ni Ama...." Natatawang saad ni Antipatiko. Napairap nalang ako.

"Tapos?" Nakataas na kilay na saad ko. Ngumiti si Antipatiko at pinisil ang pisnge ko.

"Tapos, nakita ko si Elisabet sa pamilihan nang Maynila, dahil ang aking batid na si Elisabet ang bunso at pangalawang babae sa San Andres ay aking naisip na sya na ang aking magiging kabiyak, natuwa ako pagkat may lihim na pag tingin ako sakanya nang kami ay bata pa...." Bakas ang ngiti ni Antipatiko sakanyang labi.

"Elisabet Asahara kapala, ha?" Singhal ko kay Antipatiko. Tumawa lang ito at pinitik ang aking nuo. "Huwag kang manibugho Eeya, nag mumukha kang matanda." Natatawang saad ni Antipatiko. Napairap ako sakanya. Kunwari akong lumayo sakanya. Napangiti ako nang habulin nya ako at muling inupo.

Napangiti na lamang ako dahil sa higpit nang pag kakayakap nya. Hinalikan nya ang nuo ko na nag pabaliw sa puso kung natutulog. Kunwari ko na lang syang inis na sininghalan. "Ituloy muna pag kukwento mo, paano mo ako nakilala?" Pag tataray ko.

Natawa lang ito nang mahina. "Hindi ko na inisip kung sino ang maipapakasal sa akin o ang magiging may bahay ko, nag aral na lamang akong mabuti hanggang sa dumating ang aming bakasyon, umuwi ako sa San Andres at nang dumaong ang sinasakyan naming bangga ay agad na bumungad sa amin ay isang malakas na sunog. Nang makita ko sila Ama at Ina na nag papatahan kay Donya Esther nong araw nayon na nag mimilit na pumasok ay agad akong lumapit at doon ko nalamang may mas bunso papala kay Elisabet....."

"Hindi ako nag alinlangang pumasok sa Tindahan kahit pinag babawal at doon kita unang nakita, hindi ko malaman kung bakit tumibok nang napaka bilis ang aking puso nang makita ka basta aking namalayan na nag aalala narin akong nag hahatid sayo sa inyong Hacienda, nalaman ko matapos ang aksidente na ikaw pala si Estela Asuncion ang Binibining ipapakasal sa akin, nang malaman yun ni Batchoy ay agad syang nag kwento tungkol saiyo...."

"Ang kanyang sabi ay takot karaw sa tao, hindi nakiki salamuha, lumaki karaw sa Madrid kung kaya't hindi kamarunong mag salita nang tagalog, napaka pihikan mo raw sa kinakain, at hindi mo nais na makipag usap kahit kanino lalo na kay Elisabet, agad akong nag alala pagkat gusto ko ay yung isang Binibini, na kayang mahalin ang kanyang sarili at pati kami nang magiging anak namin, hindi ang Binibining kailangan ako pa ang mag papalaki...." Napailing iling nalang ako.

"N-Nalaman ko din na meron karaw na sakit sa pag iisip ngunit napatunayan kung kuro kuro lang ang mga yun dahil lahat nang nabanggit saiyo ay hindi totoo dahil yun ay kabaliktaran." Napaiwas ako nang tingin nang pinisil ni Antipatiko ang tungki kung ilong hinampas ko ang kanyang kamay na nag patawa sakanya.

M-May masakit si Eeya sa pag iisip? Bakit ngayon ko lang nalaman yan? Ay wala nga pala akong isip. Tsk.

"Totoo? Tanggap mo ako?" Gulat na saad ko. Nakangiti itong tumango. Muli nitong hunalikan ang aking nuo. "Kahit ano kapa Eeya. Kahit isa kamang palaka o butete tanggap kita." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Antipatiko. Tanggap nya ako kahit sino mab ako. Nakakatuwa ngunit masakit sa dibdib na galing ako sa Future samantalang nasa Past ko sya.

"Pinag halintulad mo pa talaga ako sa nanahimik na palaka at butete." Pailing iling na saad ko kay Antipatiko habang mahinang natawa. Natawa lang din ito. Muli kaming nanahimik. Nakasandal lang ako sa dibdib nya habang parehas kaming nakatingin sa langit. Mahina akong natawa nang marinig ko ang napaka lakas na tibok nang puso nya. "Lakas nang tibok nang puso mo, ha?" Natatawang saad ko.

Tumingin naman sya sa akin bago mahinang tumawa. "Malakas ang tama nang aking puso saiyo Eeya." Pag bibiro nito na nag pakabog nang aking damdamin. Nakakasiguro akong namumula ang aking mukha kaya lalo kung sinandal ang mukha ko sa dibdib nya. "H-Huwag kana ngang mag sasalita." Kunwaring naiinis na saad ko.

Mahina itong tumawa at hinalikan ang nuo ko. "Nais kung ganto na lamang tayo, yung hindi mo ako iniiwasan, yung hindi mo ako pinag iikutan nang mata." Bulong nito sa tenga ko. Napangiti naman ako nang mapait. "Gusto ko man maging ganto tayo pero hindi p-pwede..." pahina nang pahina na saad ko.

"B-Bakit hindi maaari Eeya? Pwede bang maging maaari na lamang ang hindi maaari?" Mahinang bulong parin ni Antipatiko sa tenga ko. Lumayo ako nang kaunti sakanya. Nginitian ko sya nang tipid. "P-pwede naman n-ngunit gagawin lamang nating maaari ang hindi maaari kung tayo lamang dalawa, pwede bayon?" Nauutal na saad ko na puno nang babakasakali.

Tiningnan nya ako nang puno nang pag tataka. Napangiwi naman ako nang marealize ko na hindi nya naintindihan. Sarap batukan, tsk. "Ang ibig kung sabihin magiging tayo kapag tayong dalawa lang, g-gusto ko tayong dalawa lang muna ang makaka alam na m-meron nang a-alam mo na." Kagat labing saad ko at nakakasiguro akong namumula ang aking mukha.

Napataas ang kilay ni Antipatiko mukhang hindi nya talaga naintindihan o talaga naiintindihan nya pero nag mamaang maangahan lang sya. "Ano bang alam mo na Eeya?" Napaka inosenteng saad nito kaya lalo akong nainis. "Yung ano kasi, yung alam mo na, na ako, na ako at ikaw tapos aish! Alam mo na! Ayaw kung mawala ka sa akin pero ayoko ding malaman nila na alam mo na kaya gusto tayo muna ang makakaalam na alam mo na, kasi nahihiya pa ak-----" Napahinto ako sa pag sasalita nang makitang nakatitig sa akin si Antipatiko na parang wala talaga syang naiintindihan.

Napapikit na lamang ako sa inis. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita kung nakatitig parin sa akin si Antipatiko na parang sinasabi nang tingin nya na nababaliw na ako. Bigla akong nainis. Mabilis kung hinawakan ang dalawa nyang pisnge at hinalikan ito. Nagulat sya sa ginawa ko ngunit ilang segundo lang ay nakabawi ito at binawian ang halik ko. Hinawakan nya ang aking bewang habang ang aking kamay ay pumulupot sa leeg nya.

Ilang segundo kaming nag halikan bago parehas kaming humiwalay sa tukso. Parehas kaming habol hininga ni Antipatiko. Mag kalayo man ang aming mukha ngunit hindi nag babago ang pwesto naming dalawa. "A-Ang gusto kung sabihin mag karoon tayo nang relasyon na tayong dalawa lang ang nakaka alam, y-yung tayong dalawa palang ang makakaalam, a-ayos bayon sayo Antipatiko? Gagawa tayo nang panibagong mundo na tayo lang ang makakaalam pero alam natin sa isa't isa kung ano tayong dalawa, ayos lang ba na hindi kagaya nang dati na alam nang lahat kung anong meron sa atin? Ayos lang ba sayo na mag karoon ka nang relasyon ulit sa akin Antipatiko? A-ayoko na kasing mag kakaroon tayong dalawa nang kung ano anong bagay na namamagitan pero hindi ko naman kung ano tayong dalawa, ayos lang ba sayo yun Antipatiko?" Kagat labing saad ko habang ang aking labi ay nanginginig sa kaba pagkat natatakot ako na baka hindi nya tanggapin ang alok ko. Natatakot ako na baka bumawi sya sa akin sa mga ginawa ko sakanya noon. Natatakot ako.....

Nawala ang naramdaman kung takot nang ngumiti sa akin si Antipatiko at hinalikan ang aking nuo. "Nasa iyo ang desisyon sa ating dalawa Eeya, ikaw ang aking Amo at ako ay isa lamang na hamak na taga pasunod mo, ikaw ang bahalang mag pasya sa ating dalawa, masaya na ako kapag ikaw ay aking nakasama " Nakangiting saad ni Antipatiko at hinalikan ang aking nuo. Napangiti nalang ako at dinama ang malambot nyang labi sa aking nuo.

Sana maging maganda ang kakahantungan nito....

****

Hi moon's! It's already 11:23 am na nang morning! April 25, 2021! Moons dahil diary ko naman itong nasa baba may ikukwento ako! Nag online selling kasi kami ni mommy around her lang naman sa soldiers. Then may naka meet up ako nung April 23, 2021! Hindi ko napansin na kulang pala binigay nya, nilagay ko na kasi agad sa likod nang cover nang phone ko. Then nang makauwi ako doon ko lang narealize na kulang. Nag chat ako doon sa naka meet up ko sabi puntahan ko na lang daw sya kaya pinuntahan namin ni daddy Habang nag tatanong tanong kami ay huminto kami sa tapat nang bahay. May babaeng naka upo na nag seselpon, his wearing a red t-shirt with a pair of short. I ask here the loc nang hinahanap namin. Tapos sabi nya hindi nya daw alam. Nag thank u nalang ako. Paaandarin na sana namin yung motor nang may lumapit sa amin. Sya yung tinanungan namin. Tinuro nya yung house sa gilid nang tinanungan namin. Napangiwi nalang ako sa babae dahil kapitbahay pla nila yung hinahanap namin. Tsk. Skl. Natatawa lang ako doon hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

5K 160 48
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

385K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
549K 27.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...