Peripéteia of Malakós (Filipi...

By Spark_In_Light

1K 240 194

Kimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of dist... More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1: New World
Chapter 2: Salamisim
Chapter 3: Zero
Chapter 4: Patatas
Chapter 5: Time Travel Exists?
Chapter 6: Pest
Chapter 7: We Meet Again, Zero
Chapter 8: Baka
Chapter 9: Soft Bear
Chapter 10: Same Book
Chapter 11: Subasta
Chapter 13: Sisters
Chapter 14: A Talk
Chapter 15: A Heart
Chapter 16: Bruise
Chapter 17: Doktor
Chapter 18: 1777

Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?

33 9 13
By Spark_In_Light

Kimmy

Ni minsan, hindi sumagi sa aking isipan na mangyayari sa akin ito. Maayos kaming umalis kila Tyler at akala ko ay magtutuloy-tuloy na. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag tapos nito.

Mariin akong napapikit at mahigpit na hinawakan ang telang nakabalot sa akin.

Manipis na satin silk ito, makintab at malambot na tela na talagang nakakaakit.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal upang mailigtas ako sa mangyayari sa akin. Gusto kong umiyak dahil wala akong makitang paraan upang makatakas dito, pero ayaw ko naman na panghinaan ako ng loob ngayon.

"Halika na..." Marahas na hinatak ako ng isang lalaki palabas sa kwarto.

Agad na bumungad sa akin ang mga piitan kung saan nakapiit ang mga kaibigan ko. Agad silang nagsitayuan at lumapit sa mga rehas.

Huminto ako at mahinang nagpumiglas. "Sandali po... kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko," aniko.

Saglit na tinitigan ako ng lalaki at kapagkuwan ay bumaling sa mga kaibigan ko. Kalaunan ay hinayaan niya ako na makalapit. Napagtanto niya siguro na hindi naman ako makakayang tulungan ng mga kaibigan ko dahil kasalukuyan silang nakapiit.

Dali-dali kong nilapitan si Marisa at naghawakan kami ng kamay. Kasalukuyan siyang umiiyak dahil walang magawa.

"Gumawa kayo ng paraan. Grey, JD!" sigaw niya sa dalawa.

Pumapatak na rin ang mga luha ni Grey at pinupunasan ito gamit ang braso. Habang si JD ay mahigpit na nakahawak sa rehas at hindi makatingin sa akin. Bumaling ang tingin ko kay Yuan saka lumapit sa kaniya.

Hindi ko namalayan ang pag
patak ng mga luha ko nang makita ko siya. Sunod-sunod ang aking mgaa pag-iling nang yakapin niya ako habang nasa gitna namin ang malalamig na rehas.

"Ayaw ko nito. Ayaw ko..." usal ko. "Iligtas mo ako, Yuan. Paki-usapㅡ" Naramdaman ko ang marahas na paghatak sa akin ng lalaki.

Hindi pa ako bumibitaw kay Yuan nang malakas akong hatakin ng lalaki. "Gagawa ako ng paraan. Hintayin mo 'kㅡ" Tuluyan na akong hinatak palayo dahilan upang hindi ko marinig ang bulong ni Yuan.

Habang papalapit ay mas lalong lumalakas ang hiyawan ng mga tao. Hanggang sa marating namin ang entablado. Paglabas na paglabas ko mula sa pagkakakubli sa kurtina ay mas lalong naghiyawan ang mga tao. Sobrang lakas na tila mabibingi ako.

Agad na lumapit sa akin ang matanda na ngayon ay black-eyed na ang kanang mata.

"May isang magandang dilag tayo gaya ng nakasanayan!" Naghiyawan muli ang mga tao. "Batid ko na lahat kayo'y nais makamit ang babaeng ito ngunit isa lamang ang makakauwi sa kaniya at 'yon ay ang may pinakamalaking patong!"

Bumaling sa aking ang matandang lalaking at nginisihan ako.

"May kamukha ka." Kumunot ang nood niya. "Pinagsamang breed ng bullfrog at panda!" asik ko rito.

"Bastos ka talaga, 'no? Tignan natin kung magiging gan'yan ka pa kapag nabili ka na."

Inirapan ako nito at bumalik sa dulo ng entablado malapit sa mga tao. Kapagkuwan ay itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay upang patahimikin ang mga tao.

Inilibot ko ang aking paningin upang makakita ng paraan para makatakad mula rito. Kahit saan ako tumingin ay napakaraming tao, baka i-corner ako ng mga ito.

"Magsimula tayo sa sampung liboㅡ"

"Limampung libo!" sigaw ng isang lalaki. Napangiwi ako nang ngitian niya ako at kindatan.

"Ang pangit mo!" sigaw ko rito dahilan ng malakas na tawanan.

"Aba, palaban ang isang ito. Isang daang libo!" sigaw ng isang matanda.

"Isang daan at dalawampung libong piso!"

"Isang daan at limampu!"

"Dalawaang daang libo!"

Habang tumatagal ay pataas na ng pataas ang presyo nila sa akin. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pag-iyak. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pero hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ni Yuan kahit na mukhang imposible.

"Isang milyon!"

Natigilan ang lahat dahil doon. Boses ng babae ang nagsalita. Binalingan ko ito at nakita ang babaeng nakakulay puti na damit, malinis at maayos ang suot. Mahaba at kulot ang bandang dulo ng buhok.

Agad siyang nilayuan ng mga lalaki na tila iniingatan nila na madumihan ang babae.

Go girl, ikaw na lang bumili sa akin!

"Limang milyon!" Dumagundong ang boses na iyon. Nagulat ang lahat, maski ako. Nagulat kami nang biglang lumabas si Zero habang nasa likuran ang kaniyang pitong alipores. "Limang milyon, akin ang babaeㅡ"

"Anim na milyon." Nabuhayan ako nang dagdagan ng babae.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zero at bumaling sa akin. "Sampung milyon."

"Dalawampung milyon. Ipaubaya mo na lamang sa akin ang babae, ika-pitong ranggo," ani ng babae ngunit tila ayaw magpatalo ni Zero.

Sinamaan ko ng tingin si Zero at pinanlakihan ng mga mata.

Hayaan mo na ako sa kaniya, Zero! Sasapakin talaga kita kapag napunta pa ako sa ibang lalaki! Hindi ko lang kukunin ang pwesto mo, ipaparanas ko rin sa iyo kung paano masubasta!

Ipapasubasta kita sa mga bakla!

"Isang daang milyon." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Kung nais mo ang babae, kailangan mong higitan ang presyo ko," aniya sa mapang-asar na tono.

Maski ang ibang tao ay hindi na nakisali pa sa pataasan ng presyo. Mukhang takot na takot sila makisali sa dalawa.

"Kung sino ang makabili sa babae, kapag napagsawaan ibigay na lang sa akinㅡ" Napalundag ako sa gulat nang biglang bumunot ng baril si Zero at walang lingon-lingon na binaril ang lalaki. Sakto sa noo.

"Makakaya mo bang higitan, Dra. Cassy?" aniya sa babae na 'Cassy' raw ang pangalan.

Napatiim bagang si Cassy at tila inis na inis kay Zero. Ako rin kasi sobrang inis na. Taasan mo ang presyo, bilhin mo na ako at ako na ang gaganti kay Zero para sa 'yo!

"Isang bilyon!" Napasigaw ako sa tuwa nang taasan ni Cassy ang presyo. "Sa akin ang babaeㅡ"

"Sampung bilyon," paglaban ni Zero.

"Zero! 'Wag kana umepal!" inis na sigaw ko rito. Nginisian niya lang ako at mas lalong ininis. Napabaling ako kay Cassy na ngayon ay nagtaas na ng kamay, indikasyon na sumusuko na siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi ako pwedeng makuha ni Zero!

"Pasensya na, Kimmy. Mas mayaman ang ika-pitong ranggo kaysa sa akin," aniya at bigla na lang akong tinalikuran.

---

"Kaya ko nga ang sarili ko! Bitiw ngaㅡ"

"Maaari bang huwag ka na lamang maging pasaway? Ginagawa ko ang aking tungkulin," pagsusungit ng babae.

Inismiran ko ito. "At pwede rin ba tigilan mo ang pasasalita ng gan'yan? Nagmumukha kang sinaunang taoㅡaray, ang anit ko!" sigaw ko nang bigla niyang hatakin ang buhok ko.

"Hindi mo marahil batid ang paraan ng pananalita rito. Ayon sa batas, mula ikatlong distrito hanggang sa pinakauna, kinakailangan niyong magsalita ng tamang paggamit ng wika," aniya. "Kaya kung hindi mo ibig na maparusahan ay ayusin mo ang iyong mga pananalita. Hindi pinapayagan ang paggamit ng balbal o 'di pormal na mga salita rito."

Tulala akong nakatingin sa kaniya mula sa salamin. Ayaw pa yata mag-sink-in sa akin ang mga sinabi niya. Bakit may ganoong batas dito? Bakit sa amin, wala?

"Nagbibiro ka lang naman, 'di ba?"

Saglit siyang tumingin sa akin. "Sana nga ay nagbibiro lamang ako."

Mahina niyang tinulak ang buhok ko na nakapusod. Nilagyan niya rin ng kaunting kulay ang labi ko at pinasuot ng maayos na damit. Isang kulay berdeng bestida na lampas tuhod ang haba.

"Bukod pa ro'n, may mga salita ba na mga ipinagbabawal?" usisa ko.

"Ang paggamit ng lenggwahe ng China," aniya. Pinaupo niya ako sa isang silya at pinabanguhan. "Halo ang mga tao rito. May mga Espanyol at Hapon na rito nakatira. Karamihan sa kanila ay mga siyantipiko. Kung hindi ka marunong ng kanilang lenggwahe ay huwag mo na lamang silang kausapin." Natigilan siya at sumulyap sa akin. "Ngunit kung kakausapin mo ang mga ranggo. marapat lamang na gamitin mo ang ganitong uri ng pananalita."

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay akma siyang aalis ngunit napigilan ko siya gamit ang paghawak sa kaniyang palapulsuhan.

"Bakit sinasabi mo sa'kin ang mga 'to?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Isa lamang akong hamak na tagapagsilbi; mababang uri. Hindi ko gugustuhin na makasaksi ng isa pang pagpaparusa dahil lamang sa paggamit ng lenggwaheㅡ" Napaigtad kaming dalawa nang biglang bumukas ang malaking pinto ng kwarto.

Pumasok si Zero at naiwan sa labas ang kaniyang mga alipores. Mukha siyang kontrabidang lalaki sa kaniyang ayos at postura ngayon. Idagdag mo pa ang kaniyang mga alipores na laging nakabuntot sa kaniya. Buti nga at pinalabas na niya ang mga 'yon.

Yumuko ang babaeng nakasunod habang ako ay nanatiling nakikipagtitigan kay Zero.

"Maaari mo na kaming iwan." Isang utos lang nito ay agad-agad na tumalima ang babae. Nang maisarado ang pinto ay agad na lumapit sa akin si Zero. Ngunit bago pa siya makalapit ay agad kong dinampit ang kung ano sa aking harapan.

Tumaas ang kaniyang kilay at umiba ng daan. Nagpunta siya sa isang upuan kung saan kaharap nito ang malaking salamin na may harang.

"Anong kailang mo, Zero?" tanong ko at bahagya siyang nilapitan. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin. "Dadalhin mo ba ako sa district one?"

Pagak siyang napatawa. "Masyado ka namang ipinagpala kung ganoon," aniya.

"E 'di, iuwi mo na lang ako! Nasa'n na 'yung mga kaibigan ko?! Saan sila dinala? Ayos lang ba sila?" Bigla itong tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapunta siya sa isang sulok. May kung ano siyang kinapa roon hanggang sa marinig ko ang pag-click kasabay ang pagpatay ng ilaw.

"Ay schocks!" sigaw ko at napayakap sa katawan. "Hindi pa ako handa! Napakabilis naman yata? Pwede bang usap muna, masyado kang mapusok!" diretsong usal ko.

Pilit kong iginala ang mga mata ko sa dilim kahit na wala naman akong makita.

Narinig ko ang malalim na pagtawa mula sa kung saan. "Tama nga ang nasagap kong balita na masyado kang mapang-akala," aniya.

"Sinasabi mo bang assumera ako?!" inis na sigaw ko sa kaniya kahit na hindi ko siya makita.

"Kung iyan nga ang angkop na salita sa aking sinabi."

"Kalalaking tao, tsismoso," bulong ko. "Bakit mo pinatay ang ilaw? Maglalaro tayo ng kapaan?"

Hindi siya nagsalita. Ilang segundong namutawi ang katahimikan hanggang sa marinig ko ang tunog ng isang bagay. Unti-unting suminag ang liwanag mula sa labas at umangat ang takip ng glass window. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang masilayan ang napakaliwanag na kalangitan.

Madilim na sa labas ngunit sobrang liwanag pa rin dahil sa maraming bituin at ang malaking buwan na nasa harapan namin. Tumakbo ako papunta roon at muntikan pa akong madapa. Mabuti at agad akong nahawakan ni Zero sa palapulsuhan ko.

Hindi ko iyon pinansin dahil ang mga mata ko ay nanatiling nakatitig sa buwan na sobrang laki at liwanag. Napahawak ako sa salamin.

Nakakaagaw ng hininga ang ganda ng nakikita ko ngayon.

"Na-nasaan tayo? Parang ang taas natin, Zero?" Bakas ang kasiyahan sa boses ko.

"Kasalukuyan kang nandito sa pinakamataas na palapag ng gusali, ang aking silid." Napabaling ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakaupo.

Maganda ang buwan pero nangangalay na ako. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi nito—pinanatili ko ang espasyo. Bale, nasa magkabilang dulo kami.

"Maganda ba?" aniya.

Tumango ako. "Sobra! Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakakita ng ganito." Napabaling ako kay Zero at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.

"Masaya akong naibigan mo ito—" Pinutol ko ang sinasabi niya sa inis.

"Ano ba! Ayaw ko ng gan'yang salita, parang nagiging makaluma ako! Sino ba ang nagpatupad sa batas na 'yan? Nakakainis, a?!" asik ko.

Natawa ito at napailing-iling sa akin. Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin.

"Gusto mo na maging ranggo, 'di ba? Umpisahan mo sa pananalita. Ang ika-unang ranggo ang may gusto na gamitin ang ganitong pamamaraan dahil nga nakakalimutan na ng mga tao ang sariling wika—"

"E, bakit kailangan may maparusahan?"

"Sa tingin mo, kung walang parusa na ipapataw, gagawin ba nila?"

Natahimik ako roon. May punto siya riyan, pero magpapatalo ba ako? Sabi ni lola tuwing may sinasabi siya ay lagi raw akong may nasasabi pabalik at doon ako magaling.

"Sobra naman yata, 'di ba? Hindi naman mapipigilan ang pag-iba ng ayos o pananalita pero 'yon pa rin naman 'yong wik—"

"Hindi mo naiintindihan."

Inirapan ko siya at bumalik ang tingin sa buwan. Wala ng nagsalita sa amin. Hindi ko na rin siya nilingon. Inabala ko ang sarili ko sa pagbibilang ng mga bituin sa langit.

Nang hindi ako makatiis ay iniangat ko pa ang aking hintuturo upang mabilang ng mabuti ang mga bituin pero lagi akong nalilito. Ang hirap nga talaga bilangan nito.

"Sayang, wala si Yuan," biglang usal ko. "Sabi pa naman no'n ay siya ang sasama sa akin makita ang buwan—" Biglang pumadyak ng malakas ang paa ni Zero sa sahig dahilan upang matigilan ako.

"Ngunit ako ang nagpakita sa iyo ng buwan."

"Naalala ko lang. Napag-usapan kasi namin 'yon bago kami matulog—"

"Magkatabi kayong natutulog?" Bahagyang tumaas ang boses niya. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang niyakap ang sarili.

"Hindi, a! Hiwalay ang higaan namin... Well, isang beses." Humina ang boses ko.

Marahas siyang bumuntong-hininga. "Matulog na tayo—"

"Hoy, hoy! Ayaw ko pa! Matulog ka na kung gusto mo pero rito muna ako! D-dito na ako matutulog, tutal malambot naman ang upuan na ito—"

"Kimmy..." putol niya sa sinasabi ko. Mariin ang pagtitig niya sa akin na ikinailang ko.

"May sasabihin akong salita at ito ang sasabihin mo." Kunot noo ko. "Shindemo iiwa—"

"Baka naman minumura mo na ako? Aba, kung mumurahin mo ako dapat sariling wika natin para dama!" asik ko.

"Hindi. Hindi ako nagmunura. Baka pingutin ako ng aking lo—Basta ang sabihin mo ay shindemo iiwa."

"Sige, shindemo iiwa. Shindemo iiwa," paulit-ulit na bigkas ko upang hindi ko makalimutan. "Okay, ano ba sasabihin mo?"

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lang kami sa isa't isa na parang may hinihintay.

"Tsuki ga kirei desu ne?"

Natigilan ako ng tila magliwanag ang kaniyang mga mata nang masinagan ito ng liwanag mula sa buwan.

"Shi-shindemo iiwa..."

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...