VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 31: The Hitman's Weakness

6.3K 216 32
By MajorSin

Episode 31: The Hitman's Weakness


*******

[ Kael's PoV ]


Nangilid ang isang luha sa kanang mata ko kaya agad ko iyong pinahiran.

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari kay Elon. Naalala ko bigla yung panahon na kung saan ay pinarusahan ako ni Boss Jin dahil kapalpakang ginawa ko sa pagdispatsa kay Mr. Lincoln. Tanging siya lang ang naglakas ng loob na ipagtanggol ako nun. Siya lang ang naglakas loob nun na kausapin si Boss Jin. Alam ko kahit tahimik si Elon ay napakabait niyang tao. Napakasayang talaga ng buhay niya.

" Umiiyak kaba, Kael? " Tumingin ako kay Boss sa gilid ko nung magtanong ito. At...hindi ko alam kung matatawa ba ako sakanya o ano eh. Yung mukha niya kasi parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwalang napaluha ako.

Tumawa ako ng kaunti. " Hindi, napuwing lang ako Boss."

" Hindi eh, umiiyak ka eh." Pfft. Napailing nalang ako. Minsan mapapatawa ka nalang talaga sa pagkainosente ng mukha ni Boss.

" Lalabas na muna ako saglit Boss." Paalam ko tsaka ako tumayo sa pagkakaupo. " Sige. Huwag ka lang masyadong magpkalayo ha. Mamaya lang rin ay uuwi na tayo."

" Masusunod Boss." Sagot ko pagkatapos ay lumabas na ako dito sa chapel. Naglakad lakad na muna ako para magpahangin. Nag iisip ng kung anu ano. At sa pag iisip ko..

" Sabihin mo sa mangmang kong kapatid na nalalapit na ang muli ang pagkikita namin."

Saglit akong napahinto nung maalala ko ang mga salitang yan. Hindi ko alam kung baket.

Hinahanap ng paningin ko si Argo kanina pero di ko siya nakita. Ang akala ko nga ay magkikita na sila dito pero--

" Ang lalim yata ng iniisip mo." Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang boses ni Veronica.

" Andito lang pala kayo." Lumapit ako kila Steph at Veronica na nakaupo sa isang bench sa may garden dito sa gilid ng chapel " Na'san si Helena at Nero? " Tanong ko sakanila.

" Andun sa loob." Steph.

" Ahh."

" Salamat nga pala kanina " Tumingin si Nica sa'kin at ngumiti ng bahagya.

" Salamat saan? "

" Kanina, dun sa pagsangga mo sa suntok ni Nero." Sagot niya. Aw. Yun pala.

" Wala yun. Kahit naman siguro hindi ko sinangga yun maiiwasan mo parin yun." Natatawa kong sabi sakanya.

" Sa totoo lang ay napabilib mo ako kanina. Isang kamay lang ang ginamit mo sa pagsangga sa suntok ni Nero. Sa tingin ko ay lumakas na ang pisikal na pangangatawan mo." Sa totoo lang din ay medyo nagulat din ako kanina sa pagsangga ko. Hindi ko alam na makakaya ko ang suntok ni Nero gamit ang isang kamay lang. Gayung napakabigat ng kamay niya dahil sanay itong humawak ng naglalakihang mga sniper rifle.

" Kumusta kana pala? Ayos lang ba buhay mo sa pader ng mga Virgo? " Biglang tanong ni Stephan sa'kin kaya napatingin ako sakanya.

" Ah okay lang naman." Sagot ko.

" Wala akong tiwala sa mga Virgo..pero sa ngayon sila lang ang pwede kong hingan ng tulong para sa proteksyon mo. " Seryosong saad niya at naguluhan ako sa sinabi niya.

" Proteksyon ko? Baket may problema ba? "

" Andun si Steph nung pinatay ng isang taga Elfame si Elon. Ang totoo nyan ay nakabangga pa niya ang taong iyon..pero hindi siya pinatay. At nabanggit ng taga Elfame na yun na hindi si Stephan ang nasa ikalawang listahan ng organisasyon nila. Sa tingin ko ay may Death List na sinusunod ang Elfame Mafia ngayon." Nakaramdam ako ng kaba nung sabihin yun ni Veronica. At mas lalong napalalim ang paglunok ko nung may idinagdag si Steph.

" Pwedeng si Veronica, Helena, Nero o di kaya ikaw ang susunod na target ng Elfame ngayon Kael. Kaya dapat ay mag ingat ka. Kailangan mo ng proteksyon ngayon. Kahit myembro kana ng Virgo ngayon ay naging myembro ka parin ng Fuego noon. At di malayong kasama ka rin sa listahan nila ngayon."

Naging tahimik ang buong paligid pagkasabi ni Steph nun. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba. At ang mga tuhod ko, parang nanginginig na. Pwedeng ako ang susunod na target nila. Nagawa nga nilang mapatay si Primo at Elon na nasa ikalawa at ikatlong pwesto ng Diablo, paano pa ako?

" Kael." Napalingon ako sa likuran ko nung may tumawag sa'kin. " Pinapatawag kana ni Boss. Aalis na daw tayo." Dagdag ni Ish. Tumingin siya saglit kila Veronica at Steph tsaka ulit tumingin sa'kin." Tara na."

" Kailangan ko ng umalis." Paalam ko sa dalawa. Tumango naman sila at saglit rin nilang tinignan si Ish tsaka ulit tumingin sa'kin. " Mag iingat ka " Tumango rin ako sakanila pagkatapos ay sumunod na ako kay Ish.

Habang naglalakad kami papasok sa chapel ay hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Steph. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Naranasan ko ng makipagpatentero kay kamatayan pero ewan ko ba, yung katotohanan lang na dalawa na sa diablo ng fuego ang napatay nila ay nakakakilabot ng pakinggan. Hindi ko alam  na ganun sila katindi.

" Wag ka ng matakot jan." Gulat akong napalingon kay Ish nung magsalita ito.

" Kung ganun narinig mo kami kanina? "

" Oo, at kita ko sa mukha mo ang takot kanina. Pero gaya nga ng sabi ko, wag ka ng matakot jan." Tumingin si Ish at bahagyang ngumiti. " May pamilya ka na handang ipagtanggol ka sa kahit ano mang laban. At may Boss ka na handang gawin ang lahat maprotektahan ka lang." Natigilan ako sa sinabi niya. At sa di maipaliwanag na dahilan, unti unting nawala ang takot na kanina ko pa nararamdaman. " Nandito lang kami kaya wala ka ng dapat na ikabahala pa." Dagdag pa niya na nagpangiti sa'kin.

" Maraming salamat, Ish. "

*****

2 weeks later

[ Virgel's PoV ]

Mahigit dalawang linggo narin ang lumipas simula nung bumisita kami sa burol ni Elon. Pumunta din kami sa araw ng libing niya hindi para samahan lang si Elsa, kundi para ipakita sa mga Fuego na tunay kaming nakikiramay sakanila. Hindi ko nga alam kung anong iniisip ko, pero ewan ko ba, nung makaharap ko ang ilang myembro ng mga fuego dun sa chapel ay hindi man lang ako nakaramdam ng panganib. Kalaban namin sila oo, sila ang dumukot kay ama oo, pero baket di ko maiwasan na hindi maawa sakanila sa pagkawala ng isang myembro nila?

Sa ngayon ay unti unti ng nagiging okay si Elsa. Minsan ay tumatawa na siya at ngumingiti sa amin. Salamat kay Hell dahil hindi niya pinabayaan si Elsa. Lage niya itong sinasamahan kapag nag iisa si Elsa. Hindi man niya aminin, halata talagang mahal na mahal ni Hell si Elsa ^_^

Sa dalawang linggo ding yun ay walang tigil kami sa pagttraining. Alam na namin kung gaano katindi ang makakalabanan namin kaya't ibinubuhos na namin ang lahat ng oras namin sa pag titraining. Medyo marunong na akong bumaril ngayon. Sa sampung tira ay nakakabullseye na ako ng anim. Hindi na masama ^_^ At para naman sa mga kasama ko, ang laki narin ng improvements nila. Mas lalo pa silang lumakas ng husto. At yung training namin ni Hugo? Unti unti ko na iyong namamaster. At heto na naman kami. Kung tinatanong niyo kung na'san ako ngayon, andito ako sa isang madilim na kwarto, naghihintay, nag aabang, nakikiramdam sa pag atake ng dalawang kalaban ko. Oo dalawa dahil pati si Benz ay sinali narin ni Hugo.

Nakaramdam ako ng papalapit na suntok sa may kanan ko kaya agad kong iniwas ang ulo ko pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang counter knee kick sa sikmura niya.

" Araay! Anak ng biik naman u-oh. sana di mo nalang ako sinali dito Hugo." Natawa ako sa pagmamaktol ni Benz. Siya pala yung natamaan ko.

" Huwag ka kasing padalos dalos jan."

" Aba malay ko bang makikita ako ni Bossing? Kaw bossing ha, di mo man lang sinabing may third eye ka pala "

" Sa pagkakaalam ko Benz para lang sa multo ang third eye ah. Baket mga multo ba tayo? " Hugo

" Edi fourth eye! Problema ba yun? " Hahahaha putek naman eh. Paano ako makakapag focus nito kung ganito sila? Hahaha

" Sira. At tsaka isa pa hindi naman talaga tayo nakikita ni Boss."

" Eh ba't niya ako naiilagan at natatamaan? "

"Yun ay dahil na enhanced na niya ng husto ang anticipation niya. Kaya kung di ka mag iingat jan sa gagawin mong pag atake, sigurado akong aaray ka na naman jan. Pfft. "

Pfft.

" Mga gwapong nilalang jan, lumabas na muna kayo para mag tanghalian." Rinig naming sigaw ni Ish sa labas ng kwarto kaya napatigil sila sa pag uusap. Tanghali na pala. Ang bilis naman ng oras.

" Oh siya Kumain na muna tayo." Sabi ni Hugo kaya agad ko ng binuksan ang pintuan. At dun nakaabang si Ish sa labas.

Una akong lumabas ng kwarto kasunod si Hugo. Pero nung si Benz na ang papalabas ay hinarangan siya bigla ni Ish.

" Paraan Ish."

" Ano ba yung sinabi ko? " Tanong ni Ish kay Benz.

" Na mag tanghalian na. Kaya paraan na ako Ish."

" Hindi eh. May kulang." Napataas naman ng tingin si Benz na tila nag iisip.

" Hmm..ang sabi mo kanina ay...mga gwapong nilalang jan lumabas muna kayo para mag tanghali..an? Yun yun diba? " Tumango tumango naman si Ish at kita sa mukha niya nagpipigil ng tawa. Mukhang pinagtitripan na naman niya itong si Benz. Pfft.

" Tama tama.." nakatango tangong sabi ni Ish.

" Oh kaya paraan na ako Ish ha. Gutom na gutom na ako oh." Pagmamakaawa ni Benz habang hinihimas pa yung tiyan niya.

" Diba nga sabi ko 'mga gwapong nilalang jan lumabas na kayo? ' yun yung sinabi ko diba? " Mapang asar na ngiti ang ibinigay ni Ish kay Benz habang tinatanong niya yan.

" Oo." Napakamot naman ng ulo si Benz at halata sa mukha niya na naguguluhan na siya sa pinagsasabi ni Ish. Pfft.

" Oh so ba't lalabas ka? " Sa pagkakataong ito ay napatawa na talaga kami ni Hugo ng wala sa oras. Hahahaha. Nakakatuwa talagang pagtripan to si Benz. Ngayon nakanguso na siya habang nakahawak pa sa dibdib niya. Siguro ay nagets na nya ang gustong iparating ni Ish.  " Ang sakit sakit nun Ish ah. Wala kang puso." 

" Hahahahaha! "

" Makatawa naman kayo." *pout*

" Hahahaha tara nanga! Baka masuntok pa kita jan sa kakanguso mo! " At tuluyan nanga siyang pinalabas ni Ish.

Haaay iba talaga tong dalawa.  Hahaha

***

[ Spot's PoV ]

" Frost, halika." Tawag ko sakanya nung makita ko siyang dumaan sa harapan ko. Irita naman itong lumapit sa'kin. Suplado talaga.

" Ano? "

" May plano na ako sa pagligpit kay Hell." Sagot ko. Padabog naman itong umupo sa tabi ko. " Haaay. Kung baket ba kasi dinamay mo pa ako jan sa pagligpit sa lalaking yan." Ang reklamador talaga ng ungas na'to kahit kailan. Napatawa tuloy ako.

" Baket sino ba ang ibang Knight ng Chess Pieces bukod sa'kin? " Natatawang tanong ko.

" Ako." Walang gana namang sagot niya. " Oh. So sino pa ba ang papartnerin ko sa mga misyon ko? Ang tagal na nating mag partner pero hanggang ngayon reklamo ka parin ng reklamo."

" Aish! Oh siya siya! Ang dami pang sinasabi eh. Ano ba yang plano mo? Siguraduhin mong hindi yan papalya. Alam mo naman yung target natin. Sabi ni King malakas at delikado ang lalaking 'yun."

Napangisi ako sa sinabi ni Frost. " Lahat ng tao ay may kahinaan. At kung di mo ito mahanap sa katawan niya, madami pang mga bagay ang pwedeng maging kahinaan niya. Halimbawa, pamilya, kasintahan, importanteng tao sa buhay nila. Pwede mo yang gamitin laban sakanila."

" Kung ganun pamilya niya ang gagamitin na'tin para mapatumba siya? "

" Wala ng pamilya si Hell."

" Eh kasintahan? Sariling pamilya? "

" Wala rin. " Napamura naman siya sa sagot ko. " Gago ka pala eh. Eh paano na'tin siya liligpitin eh wala na pala siyang pamilya? O maski kahit kasintahan wala."

Bigla na naman ako napangiti. " Pero may alam akong tao na sa tingin ko ay iniingatan niya ng husto. "

*Flashback*

" Susunod nating pupuntahan bukas ay ang Bayan ng Valestra. Malaki ang posibilidad na dun nagtatago si Vornazek dahil malapit lang ang bayan na'yun sa mga lugar na binomba nitong mga nakaraan buwan." Tumango lang kaming lima sa sinabi ni Akira. Hindi siya ang leader namin pero siya ang pinakamautak sa aming lahat. Isa siyang Half Japanese na nirecruit ng gobyerno dahil sa talas ng pag iisip niya at sa galing niya sa paggamit ng mga baril.

Pagkatapos ng aming meeting ay nagkanya kanya na kami ng ginagawa. Andito kami sa hideout namin ngayon na ginawa ng Gobyerno para sa seguridad namin.

Pansin ko si Hell na nakaupo lang sa may gilid at may tinitignan siya na kong anong hawak niya. Hindi ko siya kilala pero may konting alam ako tungkol sakanya.

Nung makalapit ako sakanya ay tsaka ko lang napansin na litrato pala yung hawak niya. Tinignan ko ang litrato na tinitignan niya. Litrato ito ng isang babae.

Isang magandang babae.

" Girlfriend mo? " Nakangiti kong tanong pero salubong ang mga kilay niya nung tumingin ito sa'kin. " Tss."

" Suplado ah." Sabi ko tsaka umupo ako sa tabi niya.

" Wag ka ngang umakto jan na parang matagal na tayong magkakilala." Sabi niya pagkatapos ay tinago na niya yung litrato sa jacket niya.

Di ko na pinansin pa ang pagsusungit niya. " Anong pangalan niya? Wala ba yung boyfriend? Baka pwede ko yung ligawa--Argh! " Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng pagkakasiko niya. " Ano bang problema mo?! Nagtatanong lang yung tao! "

" Walang pwedeng gumalaw sakanya naintindihan mo?" Pinanlilisikan niya ako ng mga mata at tagumpay siyang paramdamin ako ng takot. Nakakatakot ang nilalang na'to." Kahit sino ka pa, sa oras na galawin mo siya, di ako magdadalawang isip na patayin ka."

*End of Flashback*

" At sino naman ang taong yan " Nabalik ako wisyo nung marinig ko ang tanong ni Frost.

" Hindi ko alam ang buong pangalan niya pero sa pagkakaalam ko, kasapi rin siya sa Virgo Mafia ngayon."

" Kung ganun kasama lang siya nung Hell na'yun? "

" Oo. At siya ang gagamitin natin para mapatumba ang halimaw na Hitman ng Virgo. "

Kung tinrato mo lang sana ako ng maayos noon. Baka nagdadalawang isip pa sana ako ngayon kung tatapusin kaba namin o hindi. Pero maling hakbang ang ginawa mo nung mga oras na'yun.

Kaya ngayon...tawagin mo na ang lahat ng santo dahil bilang nalang ang mga araw mo. 

******

[ Someone's PoV ]


Kasabay ng pagtama ng dart pin na tinira ko sa dartboard ay siyang pagbukas ng pintuan nitong tinutuluyan kong basement. Ayun Bullseye!

Napalingon ako sa pintuan at saglit na natigilan sa nakita kong bisita. Pero binawi ko rin naman agad ang pagkabigla ko at bahagya akong ngumiti sakanya.

" Kumusta, Argo? " Nakangiting bati ko sakanya.


Sino ako? Kilala niyo na ako. 



-To be continued..



-MajorSIn

Continue Reading

You'll Also Like

The Girl who Lived By j

Mystery / Thriller

63.3K 4.7K 50
Suffering from amnesia, Amity Villamor hopes to restore her picture-perfect life. She is the sole survivor of a grievous accident, but after a baffli...
540 69 7
[ TRANSGRESSOR SERIES #8 ] If Cinderella got her Prince Charming because of her beauty and her radiant glass shoe and dress, Genesis...well, it looks...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
109K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...