Astrid Monteverde (Bitch Seri...

By mis_shyghurl

1.1M 35.3K 5.5K

GirlxGirl - COMPLETED Quietly transferring to a new school like a little Ms. Nobody is my only dream-to be a... More

NOTICE
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
EPILOGUE
NEXT IN LINE | SOON
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
SPECIAL CHAPTER III

CHAPTER 08

19.2K 725 96
By mis_shyghurl

ASTRID

PAGKARATING namin sa bahay nila nerdy ay agad naman kaming pumasok sa loob pagkatapos niya buksan ang pinto. Inilibot ko naman agad ang tingin ko sa loob nilang maliit na bahay.

Nakita ko naman itong medyo masikip, pero tama lang yata sa isang buong pamilya. Napansin ko naman na may nakasabit na mga medal, ribbon, and diploma, at kung ano-anu pa sa may maliit na parang altar sa gilid.

"Ahm, ano pasensya ka na kung maliit lang ang bahay namin." Napatigil naman ako sa pagtingin-tingin sa paligid ng magsalita si nerdy na parang nahihiya.

Umiling naman ako dito bago nagsalita.

"It's okay, and besides, I'm nakikituloy lang rin naman." Yep, kung inaakala niyo na ako yung tipo nang taong, hindi nakaka appreciate ng kaunting bagay ay nagkakamali kayo.

Kahit ganito lang ang ugali ko medyo bitch-huwag na kayong magreklamo dahil yan ang totoo.

"Ahh yun naman pala. Sana di ka mainitan ahh, wala kasi kaming aircon o electricfan eh. Pasensya na." Kamot ulong sabi ni nerdy. Tipid lang naman akong ngumiti sa kanya bago napagpasyahang umopo sa maliit nilang sofa since hanggang ngayon ay karga-karga ko pa rin ang kapatid niya.

"Okay lang talaga nerdy tsaka isa pa tumigil ka na sa kakaexplain mo okay?Pag ako napikon tch!" Mukhang natakot naman siya sa banta ko at agad na tumahimik. Ilang sandali pa ay napansin ko naman na tumayo siya sa may gilid ko na medyo malayo sa akin na limang metro.

"Ahm-akin na muna yang si Lennie at ilalagay ko nalang sa taas para di ka na mangalay."

Seriously? Ngayon niya pa talaga naisip yan? Tsk unbelievable!

"Here, dahan-dahan lang at baka magising siya." Ibinigay ko naman agad sa kanya ang bata at agad niya naman itong kinuha mula sa akin.

"Kung gusto munang matulog pasok ka nalang dun sa kabilang kwarto, huwag kang mag-alala malinis na yun. Mauna na muna ako sa taas at may gagawin pa ako." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Hindi sa sinabi niyang dun sa kabilang kwarto, okay? Kundi dun sa word na'may gagawin' pa daw siya. Seriously? Ano naman kaya yun? Gabing-gabi na ahh?! Pero ano bang paki ko? Tss.

"Okay una ka na. Susunod nalang ako pero-teka may charger ka ba ng cellphone? Makikicharge sana ako kung okay lang." Kumamot naman siya sa kanyang ulo bago sumagot.

"Ahh pasensya na pero wala kasi kaming cellphone." Seryoso ba siya? Siya lang yata yung unang tao na nakilala ko na walang cellphone.

Sabagay may iba naman kasing di mahilig sa mga gadgets lalo na sa social media.

"Oh, okay, if you say so." Parang nabunutan naman siya ng tinik at napatitig sa akin samantalang ganun rin ako sa kanya.

Actually, maganda naman sana tong si nerdy. Kaya lang ang laki kasi ng salamin niya at yung buhok niya na medyo kulot at hindi sinuklayan. Mapula rin ang kanyang lips na parang natural isama mo pa ang matangos niyang ilong. Pero yung kilay rin, kasi niya ay medyo maga at parang ilang dekada na hindi naahitan.

In short, may igaganda pa sana siya.

Sayang lang at hindi siya marunong mag-ayos. Tsk major turn off sa mga lalaki ang ganitong klaseng babae. Oh well, di naman siguro lahat psh!

"Ehem, una na ako, good night."

Natauhan naman ako ng magsalita siya. Pero bago pa ako nakasagot ay narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto.

What the? Hindi man lang ba niya ako hihintaying makasagot?!

Argh, the audacity! Pero teka nga lang ba't ba ako naiinis, huh?! Ano naman sa'yo self kung hindi niya narinig ang pagsagot mo? Big deal?! Big deal?! Iniwaksi ko nalang yun sa isip ko at umopo ulit sa sofa habang nakatulala sa kawalan.

Napahikab naman ako ng wala sa oras ng mapansin kong alas 11:00 na pala ng gabi. Grabe ang bilis ng oras, ahh. Kanina may kayo pa pero ngayon wala na-ouch kawawa naman kayo bitch opps.

Lumingon naman ako sa taas at nagdecide na umakyat narin since nasabi na naman ni nerdy sa akin kanina na sa kabilang kwarto lang yung tutulogan ko. Nasa ikalima na ako ng lapag ng biglang bumukas ang isang pinto sa may harap ko.

Nakita ko namang nabigla si nerdy at parang nakakita ng multo sa kabila ng panlalaki ng kanyang mata.

"Bakit ganyan ang itsura mo nerd?Para kang nakakita ng multo," I said, then rolled my eyes at her bago naglakad papunta sa kabilang pinto at hindi na siya hinintay na sumagot pa.

Hah! Akala niya ba siya lang ang marunong? Well, she's wrong! So bumabawi ka? What? No, I mean, argh basta tss. Tumahimik ka utak pwede? Hindi kinakausap sabat ng sabat psh!

Napalingon naman ako sa maliit na kwarto na'to dito sa loob at agad naglakad papunta sa maliit na kama na may cover na hello kitty. Wow, my favorite. Ang bango pa at parang bagong laba lang yata. Nagtingin-tingin naman ako sa loob at may nakita naman akong mga libro sa gilid ng kama dito sa kwarto.

Nilapitan ko naman ito at agad kinuha. Percy Jackson Harry Potter novels at marami pang iba. Infairness kay nerd ang ganda ng taste niya pagdating sa libro.

Well, hindi rin kasi ako medyo mahilig sa libro, and besides social media, na kasi ang uso ngayon like mga novels sa Wattpad na isa sa kina-aadikan ko ang magbasa hindi lang halata.

Minsan lang rin, kasi ako mag-online lalo na sa social media. Masyado kasing toxic at negativity ang isip ng mga tao, kaya say no to social media ako kahit na sabi ng manager namin sa modelling agency na minsan kami kinuha na kailangan daw yun.

Psh, paki ko ba?!

Natigil naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng katok. Baka si nerdy to' ano naman kaya ang kailangan niya? I shrugged my shoulders at napagpasyahan na buksan siya ng pinto bago ko ibinalik sa lagayan ang mga libro. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong pakialamera.

Well, magandang pakialamera.

"Here, damit ko yan na hindi pa nagagamit at isa kong pantulog na pajama at underwear. Huwag kang mag-alala malinis yan."Mahabang sabi ni nerdy habang ako naman ay tinignan muna ang inabot niya bago ko ito kinuha.

"Thanks, but wait, where is your comfort room?" Napansin ko kasi na kwarto lang talaga tong inuukupan ko at iisa kang ang pinto, which is palabas at papasok lang.

"Ahh yun ba?Nandun sa baba sa may kusina. Pumunta ka sa kaliwa at may makikita ka dun na maliit na pinto. Yun ang banyo namin." Tumango-tango naman ako sa sinabi niya bago magpasalamat.

Isasarado ko na sana ang pinto ng magsalita siyang muli.

"Ahm, gusto ko lang sabihin na good night ulit at pasensya na kung naiwan kita kanina na hindi sinasagot. Nagsuka na naman kasi ulit si Lennie kaya ayon hehe." Suddenly, I felt a weird feeling na parang may nagliliparan sa tiyan ko na diko alam na ano dahil sa ngiti niya. This is weird. Tumango lang naman ako sa kanya bago nagsalita.

"It's okay, but okay na ba si Lennie? I mean, kapatid mo ba siya?" Mahina naman siyang tumawa sa sinabi ko.

What the hell is funny?!

"Oo magkapatid kami. Diba obvious?"Gusto ko sana sabihin na hindi kasi ikaw ang manang at yung kapatid no naman ay hindi.

But i decided na huwag nalang baka ma offend pa ang babaeng to, and besides, nakikituloy na nga lang ako diba tapos may karapatan pang manlait? Tch parang ang sama ko naman yata kung ganun.

"Medyo. Oh well, thanks rin pala sa pagpatuloy sa akin dito nga yung gabi. I owe you a lot, nerd." Sabay ngiti sa kanya. Napansin ko naman na parang natulala siya saglit bago umiling-iling na ikinataka ko.

"Wala y-yun--sige good night na." Kamot ulo niyang sabi bago naglakad paalis na tela nagmamadali.

Bago pa man siya makapasok sa kanyang kwarto ay nagsalita pa muna ako dahilan para matigil siya sa paglalakad at nakangangang tumingin sa akin matapos marinig ang sinabi ko.

"Good night rin nerdy, sleep well." I said and smiled to her a genuine one bago sinarado ang pinto. Napailing naman ako sa reaksyon ni nerdy kanina at diko namalayang nakangiti na pala ako.

Hay, what a tiring day!

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 235 5
"I loved her against reason, against promise, against peace, against hope, against happiness, against all discouragement that could be." ────────────...
2.1K 73 7
(n.) a strong, brave, or warlike woman: a woman who demonstrates exemplary and heroic qualities • It was a normal Saturday in the Great hall of Hogwa...
16.7K 487 5
𝐬𝐲𝐧𝐨𝐩𝐬𝐢𝐬. 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 𝐀𝐥𝐨𝐧𝐝𝐫𝐚 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐭𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐦𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐃𝐚𝐞𝐦𝐨𝐧 𝐓𝐚𝐫𝐠𝐚𝐫𝐲𝐞𝐧.
168K 8.1K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...