Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 5

8 2 0
By solaceinstellar


"Grabe si Sir at gabi-gabi iba-ibang babae ang pumupunta dito. At puro pa lahat magaganda at sexy! Grabe talaga," hindi makapaniwalang bulong ni Maria. "Sana all!"

Umirap ako sa turan niya. Akala mo naman kung sinong matinong lalaki. Ganun-ganun lang mangpuna sa Lolo niya pero mas malala pa pala ang hayop! Ako pa raw ang kabit. Siya nga itong papalit-palit ng babae, eh!

Alam niya ang kapangyarihan niya sa kababaihan. Alam na alam niyang paikutin ang mga ito sa mga nais niyang gawin. Konting salita niya lang, konting haplos niya lang sa beywang ng mga ito ay tila siya na ang nagsabit ng mga bituin sa langit kung titigan nila si Lucas.

Simula ng una ko siyang nakita na lumalangoy sa pool at halikan noong babae ay nagsunod-sunod na. Iba-ibang babae ang dumadayo sa mansyon tuwing gabi. Tuwing nasa kwarto na ako at siya naman lumalangoy sa pool.

Palagi ko siyang pinapanood mula sa balcony. Inaawang ko lang ng bahagya ang sliding door at pinapatay ang ilaw para malaya ko siyang panoorin na hindi niya ako nakikita.
HAKDOG
Si Don Lucciano ay nasa sa isa sa mga resort niya dahil may on-going na major renovation. Pinaalam niya ito sa akin noong nakaraa. Nawala lang ang Lolo ay ginawa niya ng motel itong mansyon nila.

Tanghali na umaalis ang mga babae niya na parehong sa mga hitsura, may nangyaring kabalbalan. Kwento pa sa akin ni Maria na ang iba sa kanila ay mga sikat na modelo sa mga cover magazine.

Umiismid na lang ako. So? Ano naman ngayon?

Padabog kong naibagsak ang basong hinahugasan ng wala sa sarili. Napatalon si Maria sa ginawa ko.

"Huy! Torry! Kung naiinggit o naiirita ka sa mga babae ni Sir Elo—"

Nanlaki ang amg mata ko. "Tumigil ka nga, Maria!" Tinapunan ko siya ng masamang tinging. "Bakit naman ako maiinggit ako? Sira ba ulo mo?!"

Umatras ang leeg niya at nginitian lang ako ng nakakaloko. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Umiling ako sa kanya. "Oo at gwapo 'yang amo mo Maria pero wala akong pakealam,"

Talaga, Torry?

"At isa pa, sobrang sama ng ugali niya. Siguradong walang makakatagal sa bruskong iyon! Grabe siyang maka-akusa sa Lolo niya pero kani-kanino naman siya nakikipag-sex." Irap ko. ''Napaka-ipokrito,"

Ngumuso siya sa turan ko. "Alam mo hindi naman ganyan talaga si Sir Elohim. Mabait iyon. Malamig, tahimik at mukhang suplado lang pero maayos naman ang pakikitungo niya sa amin at sobrang matulungin," kwento niya habang pinupunasan ang mga hinuhugasan ko. "Sa katunayan ay kumukuha iyan ng mga scholars. May pitong studyante siya sa kolehiyo na pinapaaral,"

Napakagat ako sa ibabang labi, natahimik sa ani ni Maria.

"Noong lumipat 'yan dito ay ayos naman ang lahat. Masaya at payapa naman ang pagsasama nila ni Don Lucciano. Medyo may tensyon pero hindi naman siya biglang sumasabog na lang. Nga lang ng dumating ka dito..." kumunot ang noo niya ng tinitigan ako ng maiigi. May malalim siyang iniisip.

Nag-iwas ako ng tingin at tinikom ang bibig. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Paulit-ulit ng tinanggi ng Lolo niya na wala kaming relasyon dalawa. Wala iyong kwenta sa kanya dahil alam niyang dati akong nagtatrabaho sa strip club kaya mahirap paniwalaan na malinis akong babae. Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman pero doon siya humuhugot ng rason.

Nagtatrabaho ako sa bahay-aliwan. Nag-se-serve ng drinks sa mga lalaki habang suot ang kakarampot na tela. Nagpapa-table ako. Iyon lang ang ginawa ko pero ang mga taong hindi alam ang kabuoan ng kwento ay mag-a-assume na isa akong pota.

"Sabihin mo nga sa akin Torry, totoo ba ang mga sinasabi ni Sir Elohim? Na kabit ka talaga ni Don Lucciano?"

Umiling ako. "Hindi," simple kong saad. "Totoong tinutulangan niya lang kami dahil matalik silangn kaibigan ng Lolo ko... at na may malaking utang na loob siya rito," dugtong ko. "Pero dati akong nagtatrabaho sa isang strip club."

Nanlaki ang mga mata niya. Nakaginhawa ako ng maluwag ng wala akong nakitang pandidiri at pamamaliit sa mga mata niya. Hindi katulad ng kay Lucas.

Fuck him. I just hate him for accusing me for a whore and his Lolo for a cheater when he's the one doing all the deeds. Araw-araw iba-iba ang flavor niya sa babae. Parang damit lang kung magpalit.

"I-ikaw?" Hindi ko alam kung namamangha ba o nagulat si Maria habang bumabaa ang tingin sa paa ko at balik ulit sa mukha.

Tumango ako. "Bilang isang waiter,"

Kumunot ang noo niya. "Totoo?"

"Oo nga,"

"Torry wala naman akong problema sa mga prostitute dahil may kilala akong ganyan din ang work. Pero bilang waitress ka lang ba talaga? Sabihin mo na hindi naman ako manghuhusga,"

Natawa ako. "Totoo nga! Halos hindi ko na nga masikmura ang pagiging waiter sa lugar na iyon, pagiging bayaran pa kaya," pag-amin ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba sa akin si Maria pero hindi naman nanghuhusga ang mata niya. At ang sarap sa pakiramdam na kahit papano ay may mapagsasabihan na ako.

"Malaki naman ang kita ko mula doon. Sa mga tip pa lang ng mga foreigners na dollars ay sapat na para sa pangangailangan namin araw-araw." Tumango siya sa sinabi ko. "At baka patayin ako ni Lolita pag ginawa ko iyon," malungkot akong napangiti.

Miss na miss ko na si Lolita.

"Bilang waiter lang ba talaga? Grabe naman. Sa ganda mong 'yan?" hindi niya makapaniwalang saad. "Sa green eyes mong 'yan kahit bilang pole dancer na lang?!"

Humalkhak ako. "Sobrang rami ngang nag-alok pero hindi ko talaga kaya. Madami din doong mas magaganda sa akin at magaling sa kama kaya hindi din ako kawalan,"

Sandali akong pinakatitigan ni Maria. Punong-puno ng kuryusidad ang mga mata niya pero sa huli ay bumuntong-hininga na lang siya.

Pumasok ang isang-kasambahay sa kusina na may dalang isang bote ng wine. Sunod na pumasok ang Mayordoma.

"Belinda kumuha ka pa ng isang bote ng wine doon sa wine cellar. 'Yung katulad din nito dahil baka madaling maubos nila iyon at magpakuha na naman ulit," utos ng Mayor Doma.

"Sige po. Pero ihahatid ko na muna ito—"

"Ipasa mo na 'yan kay Maria at siya na ang maghahatid sa pool," putol niya sa hinaing ni Belinda.

Kinakabahan na tumawa iyong si Belinda. "A-ah hindi ko po alam kasi ang pangalan ng wine na kukunin ko, eh,"

"Ilang buwan ka ng nagtatrabaho dito pero hindi mo pa rin ang alam ang mga paborito ng mga amo mo?" pagalit at nang-iinsulto niyang sabi kay Belinda.

Tumingin siya sa amin sa mga halatang naiirita na mga mata. "Maria samahan mo si Belinda ng may matutunan naman ang isang ito,"

"Sino po maghahatid wine at mga kopita sa likod?" inosengting tanong ni Belinda.

Tinapunan ako ng Mayordoma ng tingin. "Si Vittoria na lang muna. Sigurado namang walang mangyayaring masama kung siya ang gagawa,"

Bumagsak ang balikat ko. Sinasabi ko na nga ba.

"Diba, Vittoria?"

Binigyan ko ng pagkatamis-tamis na pekeng ngiti ang Mayordoma bago tumango. "Oo naman po,"

"Mabuti naman kung ganoon,"

Kinuha ko na ang mga dadalihin at pumunta na sa likod. Bahagya akong napahinto ng makitang marami pala sila. Si Lucas, isang lalaki na ngayong ko lang nakita at isa, dalawa, tatlo...napahigpit ang hawak ko sa kopita. Akalain mo may limang babae!

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Lucas habang may talong babae sa kanyang nakapalibot. Humahaplos ang kamay ng mga ito sa katawan niya at hinahayaan niya lang. Gustong-gusto mo talaga Lucas no?

Iniwas ko ang tingin at inilapag ang dala. Aalis na sana ng narinig ko ang pag-ahon ng kung sino sa likuran. Lumapit ang lalaking hindi ko kilala sa mesa para yata sa wine na dinala ko.

Nakasuot siya ng board short at magandang lalaki din sa kaanyuan nito. Ngumiti siya sa akin kaya naiilang din akong ngumiti bumalik. Akmang aalis ulit ng bigla niya akong kinauasap.

"Hi. What's your name?" ngiti niya. Sa mukha at vibes niya ay mukhang palakaibigan ang isang ito. Lumabas ang dimples niya ng ngumiti. Nangiti din ako.

Sinalinan niya ng wine ang kanyang kopita.

"H-hi! Vittoria ang pangalan ko," sagot ko. Gusto ko din sana itanong ang pangalan niya pero parang hindi naman yata iyon tama.

Tumango siya at sumimsim sa kopita habang tinitigan pa din ako. Lalo na ang mga mata ko. I have that kind of effect. Ang mga taong nakakasalamuha ko ay napapatigil saglit para pagmasdan ako.

Gusto ko ng bumalik sa loob pero ayaw kong maging rude.

"Do you wear contact lens?" May pagkamangha at kuryusidad sa kislap ng mata niya. Medyo nailang ako dahil malapit na ang mukha niya sa mukha ko.

Umiling ako bilang tugon.

"Oh, so it's true? Your eyes are green. You have a foreign blood, then?"

Tumango ako at humalakhak siya. "Anong lahi mo, Vittoria?"

"Half-filipino at half-mexican,"

"I see," sang-ayon niya. "Do you work here? Ngayon lang kita nakita, ah? You can't be relatives of Don Lucciano because I'm one of his grandsons. I know all our family relatives,"

"I-uh... ahmm..." nangapa ako ng sasabihin.

Ano ba ang sasabihin ko? Na tinutustusan ako ni Don Lucciano? Baka katulad ni Lucas ay makukuha niya ang maling ideya. At saka kung sasabihin ko sa kanya kung bakit ako nandidito ay mahaba-habang kwentohan ang mangyayari.

Napaatras ako ng dumaan sa gitna si Lucas! Kailangan ko pang tumanga sa kataasan niya. Kumunot ang noo ko. He's just straight-forward rude! Kahit nagpapasalamat akong sinalba niya ako sa tanong ng kausap ko ay ang bastos pa rin na walang pasintabi siyang dumaang sa harap namin.

"Go back to the pool, Enrique." Dumaloy ang mababang boses niya sa sistema ko. Tila isang mainit at malapot na likidong bumalot sa dibdib ko. Umusli ang ugat niya sa braso ng magsalin ito ng wine.

"Hinahanap ka ni Hailey, may sasabihin yata sa iyo." Shit na 'yan. His voice was just so manly.

"Bye, Vittoria. Nice meeting you, bae." Kumindat siya sa akin at lumusong na sa pool.

Napangiti din ako at tatalikod na sana dahil parang mabubuwal na abot-kamay ko lang si Lucas. Malapitan kong nakita ang matikas ng katawan at napapakagat nalang ako ng ibabang-labi.

"Wala ka talagang sinasanto, no?" nanunuya niyang saad.

Nag-sampok ang mga kilay ko. Ano na naman ang pinagsasabi ng lalaking ito?

"Stop flirting with my cousin. Hindi ka pa ba nakukuntento kay Abuelo? You don't want elder man anymore? You're on younger ones now?" panunuya niyang tawa at sumimsim sa kopita.

Kumuyom ang kamao ko dahil nangangati ang mga palad na sampalin siya.

"Tingnan mo kung sinong nagsasalita. Sino ba sa atin ang gabi-gabing iba-ibang tao ang ikinakama? Ako ba?" irita kong saad. "Sa totoo lang Lucas, kung totoo man na may babae ang Lolo mo, mas masahol ka pa rin sa kanya. Sobrang napaka-ipokrito mo," prangka ko.

"Ang hilig mong mag-akusa na hindi inaalam ang lahat na anggulo ng istorya. Inaakusahan mong cheater ang Lolo mo, sinasabi mong isa akong kaladkaring babae pero ikaw naman itong hindi marunong makuntento at kinakama ang bawat babaeng kasama mo gabi-gabi," mahinahon kong saad.

"Ikaw ang walang sinasanto Lucas. Hindi ako kabit ng Lolo mo at hindi ako isang pota gaya ng pinaparatang mo." Hindi ko na siya hinintay at mabilis ng tumalikod.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko. Agad akong umakyat sa kwarto at isinara ang pinto pagpasok. Napasandig ako sa pinto kaba na nadama.

Shit! Ginawa ko ba talaga iyon? Sinagot ko ba talaga siya sa mga bulgar na salita?

Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Ano naman ngayon? Dapat lang na marinig niya ang parte ko, ang katotohanan para magising na siya sa kung ano mang pinipiling paniwalaan sa kanyang isipan.

Dapat lang na mapagsabihan siya. Hindi ako natatakot na apo siya ni Don Lucciano. Pero natatakot ako sa mga gagawin niya dahil sa mga sinabi ko. Noong unang kita ko kay Lucas alam kung hindi siya ang taong gugustohin mong banggain.

Ang hirap lang kasing hindi siya labanan sa sobra niya ng pag-uugali.

Sinara ko ang balcony dahil nakabukas ito. Pinilit—hindi, nagmakaawa ako sa sarili na wag lingunin ang pool area habang sinasara ang sliding door pero traidor ang katawan ko.

Nagtama ang mata namin ni Lucas at mariin siyang tumingin sa akin. Umigting ang panga niya at madiliim akong pinagmasdan habang sumisimsim sa kopita nito. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Ang metal na hamba ng pinto ay tumutusok na sa balat ko sa higpit ng hawak dito. Sandaling kinapos ako sa hininga. I felt my chest heaving in deep breathes. Sa nanginginig na kamay ay tuluyan ko ng sinara ito at sinunod ang kurtina.

Kinabukasan ay dumating na si Don Lucciano. Sabay nga kaming nananghalian habang sinasabi niya sa akin ang nangyayari sa renovation. Kahit hindi ko naman naiintindihan ang iba ay masaya pa rin akong nakinig.

Para siyang bata kung mag-kwento sa akin. Nadama ko ang passion niya sa negosyong kanyang pinapatakbo. Na-mi-miss ko na naman tuloy si Lolita.

Nabawasan na ang lungkot dahil alam kung nasaan man siya ngayon ay mapayapa na siya. Gusto ko magtanong kay Don Lucciano tungkol sa mga nalalaman niya tungkol kina Lolita noong kadalagahan pa nila. Tungkol kay Lolo na sabi niya'y matalik niyang kaibigan.

Hindi ko nga lang ginawa dahil pakiramdam ko ay mabigat ang parteng iyon. Hindi nga ma-i-kwento ni Lolita na sobrang malapit sa amin, si Don Lucciano pa kaya na kakakilala ko lang.

Bukas ay babalik din agad siya sa resort at doon na naman siya mananatali buong linggo. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay dito sa mansyon kahit bumula na ang bibig ni Maria sa pangangaral sa akin na wag ko ng gawin iyon. Inirapan ko na lang at hinahayaan siyang magdaldal diyan.

Habang andito nga si Don Lucciano ay napagpasyahan kong magsabi na sa kanya tungkol sa plano kong pamamasukan sa isa sa mga resort niya.

Papalapit na ang summer at siguradong marami na namang dadayo ditong mga turista sa Palawan. Hindi ko din kakayanin ang dalawang buwan na tambay lang dito sa mansyon niya. Marami akong dapat isakatuparan at masyadong maganda ang Palawan para hindi ko libutin.

Hindi na ganoon kabigat ang mga responsibilidad ko at wala ng mga tsimoso at tsimosa ang mangmamata at mangbabastos sa akin kung sakaling gustuhin ko mang lumabas.

Sa hapon, dahil wala na masyadong ginagawa, doon lang kami ni Maria sa library tumatambay. Tapos na kasi siya sa mga gawain niya kaya dito lang kami ngayon nag-chi-tsismis.

"Nagkasagutan na naman daw ba kayo ni Sir Elohim kagabi?"

Dumiin ang dalawang labi ko. "Palagi naman ako 'nung tinutasta. Kahit nga siguro ang paghinga ko ay magagalit na siya sa akin!" reklamo ko. "Teka, saan mo nalaman 'yan?" takang tanong ko.

Ngumiwi siya. "So, totoo nga?" Nag-aalala siyang tumingin sa akin. "May nakakita sa inyong isang kasambahay kaya laman ka na naman ng kwentong kasambahay dito. Aba Vittoria, hindi pa nga tuluyang gumaling sugat mo sumasabak ka na naman sa gyera," paalala niya.

Padabog kong binagsak ang librong binabasa at masama siyang tinitigan. Masisi niya ba ako? "Baka nakakalimutan mong iyang amo mo ang palaging nag-ti-trigger sa akin! Hindi ko naman siya inaano, ah?" angil ko. "Palibhasa kasi at sarili lang ang pinapakinggan, 'yan at ako ang napagbubuntungan niya ng sakit sa utak!"

Natawa si Maria. "Hindi naman ganyan si Sir Elohim. May mga nakaaway na din 'yan pero hindi ganyan kagalit. Kalmado niya lang na kinokompronta o tinatakot pero pagdating sa iyo, jusko Vittoria!" ani niya. "Ikaw Teh ang natatangi sa lahat! Nati-trigger mo din siguro siya," kantyaw niya.

Sumimangot ako. "Para namang ikakatuwa ko iyon!"

"Sa dami ng babae niyan ay may mga pumupunta dito para komprontahin yata siya. Yummers eh, kaya playboy—"

"Fuckboy kamo,"

"Atleast magaling mag-fuck," ngisi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nasabi? Na-fuck ka na ba?"

She sighed dreamily. "Wish ko lang,"

Natawa ako at pinilig-pilig ang ulo.

"Pero hindi naman 'yan pag-aawayan ng mga babae kung hindi, diba? Alam mo bang ilang beses na iyang sinampal pero hindi man lang nagbabago ang ekspresyon? Palaging poker face at malamig ang mga mata,"

"Tapos sa akin kulang nalang ipatapon sa bangin?" nguso ko.

"Oo nga, eh. Hate na hate ka talaga niya Mars. Hindi din 'yun nagdadala ng babae dito, iyong mga babae lang ang pumupunta pero never talaga siyang nagdala,"

Hindi ako naniniwala. Eh, ano 'yung mga dinala niya dito? Anong tawag niya 'dun? Mga dinosaur?

"Kaya nga noong may inimbitahan siya dito ay nabigla talaga kami. Tapos nasundan pa at iba-ibang babae! Grabe, biglang nag-ibang tao siya,"

"Baka magaling lang magtago," salungat ko. "Iyon lang talaga ang totoo niyang kulay at nailabas niya lang dahil wala ang Lolo niya!"

Ilang oras pa kaming nanatili doon at nag-usap hanggang sumapit ang gabi. Nasa hapag kami ngayon ni Don Lucciano at kumakain. Gaya ng nakagawian, hindi namin kasabay si Lucas. Hindi pa siya dumadating. Nasabi sa akin ni Maria na anak pala siya ng CEO ng kompanya kaya hands-on din siya sa pamamahala nito.

Maaga pa si Lucas umaalis at mga alas-nuebe na ng gabi dumadating. Malamang mag-oovertime talaga iyon, eh ayaw niya ngang makita ang pagmumukha ko sa hapag-kainan. Sa mansyong ito.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalit. "Don Lucciano..."

"Yes?" Umangat ang tingin niya habang hinihiwa ang karne sa plato.

"Gusto ko po sanang magtrabaho ngayong summer sa isa sa mga resort niyo, kung pwede?" nahihiya kong tanong. "Hindi naman po pwede na dalawang buwan ako ditong tumunganga. Hindi ako sanay at nakakahiya sa inyo—"

"Please don't. It's my job to provide for all your needs and wants the day your Lolita died,"

Tumango ako. "Naiinitidihan ko po. Pero gusto ko rin kumita—"

"What about the credit card I've given to you? Hindi sapat? O hindi mo pa rin naggagamit?" nakakakunot ang noo niyang tanong. Binaba niya na ang mga utensils niya.

Umiling ako at nahihiyang ngumiti. "Hindi ko pa po ginagamit. At wala po akong balak gamitin. Alam ko pong gusto niyo na tumulong, at maniwala po kayo, na-appreciate ko lahat ng ito,"

Lumambot ang tingin niya sa akin at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil.

"Pero gusto ko po talagang mag-trabaho. Gusto kong pag-hirapan ang sarili kong pera. Pakiramdam ko kasi parang nagsasayang lang ako ng dalawang buwan kong dito lang ako sa mansyon. Makakakilala po ako ng bagong mga tao, masusubukan ang mga bagong karanasan, makikita ang kagandahan ng Palawan at may mtutunan po ako sa pagtatrabaho sa inyo,"

Tumango-tango siya. "You have a point," sang-ayon niya at kumunot ang noo, tila nag-iisip ng maigi. "Okay, then. Consider it done. Kailan mo ba gustong magsimula?" Nagpatuloy siya sa pagkain ng binitawan ang kamay ko.

Lumiwanag ang mukha ko kumawala ang malapad na ngiti. "Kung pwedeng ngayong linggo po sana ay maigi sa akin,"

"Okay. I'll just inform you when and where if I'm done finding you a job,"

"May isa pa po," pahabol ko. "Sana 'yung sa mga mababang posisyon lang. kahit tagahugas ng pinggan o sa laundry na lang ay ayos na sa akin!" Hindi ko na maiwasang ma-excite.

Natawa siya sa reaksiyon ko. "Let's see,"

Mapupunit na ang mukha ko sa sobrang pag-ngiti. Sa wakas! Makakaalis na ako sa mansyong ito at magigising na sa tanawin ng karagatan! May pagkakaabalahan na ako!

Napalingon ako sa biglang pumasok sa dining room. Unti-unting nawala ang ko ng ang kulay putik niyang mga mata ay malamig na nakatunghay sa akin. Nasalin ito sa Lolo niya pero muling bumalik sa akin. Bumaba ang tingin ko sa matigas at malapad niyang dibdib na hubog na hubog ng kanyang button-down na suot, sa braso niyang may manipis ngunit itim na balahibo at sa kamao niyang nakakuyom.

Bigla kong nabitawan ang kutsara sa pinggan sa gulat. Pabulong akong napamura. Agad akong napaiwas ng tingin. Sa nakita niyang ayos naming ng Lolo niya, alam ko na ang susunod. Kahit sa mismong tingin niya, bumigat na ang pakiramdam ko. Na parang ginagalaw talaga ako ng Lolo niya.

Nagagalit ako tuwing tinititigan niya ako ng ganyan, hindi ko lang maiwasang kabahan. Kahit minsan nakakanginig ang malamig at malalim niyang mga mata, o kung namumutawi ito at nagbabaga sag alit, hindi ko mapagkakailang masyado iyong maganda at nakakaakit na pati sa pagtulog ko ay hinahabol ako.

Pagtumitingin ako sa mga mata ay para akong nalulula. Literal na nagpa-palpitate ang puso. Alam kong hindi normal ang reaksyong ito. Mas pipiliin kong isipin na ganito ako dahil katulad niya, poot lang ang nadadama ko tuwing nakikita ko siya.

Wala ng iba pa.

"Join us, Elohim," anyaya ng Lolo niya.

"No, thanks. You two seems having a lot of fun. I would choose not to interrupt you having your flirting rendevouz," sabi niya habang mariin na nakatitig sa akin.

Yumuko ako.

"Elohim—"

"Isa pa, Cressilda and I are having dinner. I have to go, Abuelo," paalam niya at umalis na.

Don Lucciano sighed. "Pagpasensyahan mo na ang apo ko, Vittoria. Galit lang sa mundo. Galit lang sa Papa niya kaya hindi niya makita ng mabuti ang katotohanan. Please forgive him and be patient with him," pakiusap niya. "He's a good man," he smiled proudly.

Gusto kong umirap sa huling sinabi niya. Sa huli ay ngumiti na lang din ako ng magaan. "Oo naman po,"

Tumunog ang cellphone ko at caller ID ni Vlady ang lumitaw. Nawala agad ang mabigat kong nararamdaman. Nag-excuse muna ako at lumabas sa dining room.

"Oh, napatawag ka?" sagot ko ng huminto ako at umupo sa hagdan sa labas. Pinagmasdan ko ang eskultura ng isang hubad na babaeng gawa sa marmol sa fountain. May hawak itong isang banga at doon lumalabas ang tubig.

"Ate..." bulong niya. May lungkot sa tono at pag-aalinlangan.

Agad akong napatuwid ng tayo at nanliit ang mga mata. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong.

"Si Doctora Franchesca... napagpasyahan niyang papag-aralin niya ako ng medisina," kumpirma niya na.

Halos mapatalon ako. "Talaga?!" natutuwa kong saad bago nawala ang ngiti. "Bakit parang hindi ka naman masaya? Diba ito naman ang pangarap mo? Pagkakataon mo na ito, Vlady,"

Sandalling katahimikan. "Pero sampung taon ako na mananatili dito, Ate,"

Napatigil ako. Piniga ang puso ko sa mahabang panahon na hindi kami magsasama at magkikita. Hindi pa man ay tila alam kung hindi ko na masusubaybayan ang paglaki ni Vlady.

Parang sobra naman yata. Nanikip ang dibdib ko. Si Vlady na lang ang natitirang pamilya ko kaya naninikip ang dibdib ko. Na-mi-miss ko na iyong sutil na iyon.

Malungkot ako na ngumiti kahit hindi niya kita. "Vlady, makakapaghintay naman ako sayo. Hindi naman ako mawawala. Pero 'yung oportunidad na iyan, baka isang beses lang iyan kumatok sa buhay mo," pangaral ko. "At saka, hindi ko naman masyadong iindahin dahil magiging abala din ako sa trabaho. Bibisita ka naman sa mga pasko diba?"

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko pa alam Ate pero nabanggit sa akin ni Doctora na sa Pilipinas sila nag-ce-celebrate ng pasko,"

"Iyon naman pala, eh!" Pinilit kong maging masigla kahit nanghihina na ako sa pangungulila. Ma-mi-miss ko 'yung pagtatanggol parati sa akin ni Vlady. Kung nandito siguro iyon ay baka nasuntok niya na si Lucas kahit parang tuta lang siya kumpara dito.

Napangiti ako sa naiisip.

"Pero isang beses lang sa isang taon?" reklamo niya.

Natawa ako. "Ano ka pre-school? Para kang bata na dikit ng dikit sa Nanay!" kantyaw ko. "Sige na, kunin mo na. Hindi mo din naman mararamdaman ang pangungulila dahil alam kong sobrang hirap ng pag-do-doktor," nangingiti kong saad. Nakikita ko na sa isip ko na naka-labcoat si Vlady ay nag-uumapaw na ang puso ko sa saya.

Sandali siyang natahimik. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Okay,"

"Good dog," asar ko. "Oh siya, sige na at kumakain pa kami ni Don Lucciano. Ang epal mo ang sarap pa naman ng ulam namin!"

Tumawa siya. "Mabilaukan ka sana!" panunuya niya. "Goodbye, Ate. I miss you,"

"I miss you, too." Iyon at mabilis kong pinutol ang linya.

Bumuntong hininga ako at tumayo pero halos mapatid ako ng nasa likuran ko pala si Lucas.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 70.5K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
308K 18.1K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
599K 49.5K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...