Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

252 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 28
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 4

10 2 0
By solaceinstellar


"Torry!" Napalingon ako sa sumigaw.

Dali-daling tumakbo si Maria sa akin at pahaklit na inagaw ang panglinis ng pool. May laman ang loob ng net na mga tuyong dahon na kanina lang ay palutang-lutang sa sa tubig.

Umikot ang mga mata ko.

"Torry naman! Sabi ko wag ka ng tumulong dahil mamaya baka pagalitan ako, kami ni Don Lucciano! Ang tigas talaga ng ulo mo!" saway niya.

Umiling ako. "Maria," panimula ko, nawawalan na ng pasensya sa paulit-ulit na pagpapaalala sa kanya. "Isang linggo na akong nakatingga dito sa mansyon. Mamatay na ako sa bagot kung wala pa akong gagawin,"

Isang linggo na ako dito. Isang linggo na rin na kung pagsilbihan ako ay parang isang prinsesa. I am well pampered here and yet it makes me feel uncomfortable. Hindi ako sanay. Kailanman ay hindi ako masasanay. Lumaki akong ako ang naninilbihan sa sarili ko kaya ngayong may umaalalay sa akin ay hindi ko maatim.

"Eh manuod ka na lang ng Netflix o mamasyal ka! Nakita kong inabutan ka ng black credit card ni Don Lucciano," ani nito.

Nangunot ang noo ko at umiling ito. "Ayaw kong gamiton iyon. Ayaw kong gumastos ng pera ng ibang tao,"

Sobra-sobra na ang tulong niya sa amin ni Vlademyr. Malaki na ang utang na loob namin sa kanya. Oo nga't sabi niya na kabayaran ito kina Lolita pero hindi ko pa rin maiwasan na mahiya at manliit.

Ayaw ko ng buhay-prinsesa. Nakangisnan ko na ang buong araw na pagtatrabaho. Mula sa umaga hanggang hapon sa burger shop at mula gabi hanggang hating-gabi o madaling araw sa club ay nakagisnan na ng katawan ko.

Routine na iyon para sa akin. Routine na mahirap gibain.

Nakaimprinta na sa katawan ko ang gumalaw buong araw. Kaya ngayon ay hindi ako mapakali na nakaupo lang at walang ginagawa.

"At saka ano ba 'yung Netflix? At ano naman kung itim 'yung credit card?" nagtataka kong tanong.

"Hindi mo alam 'yung Netflix?" bigla niyang tanong. "Pati 'yung ibig sabihin ng itim na credit card?" Sa mukha niya ay parang nakapatay ako ng pusa.

Umiling ako.

"Iyong Netflix ba... parang ano..." Nagkamot siya ng ulo. "Basta marami kang mapapanood na palabas doon sa TV! Iyon 'yun!"

Tumango-tango ako. Pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"Iyong itim naman na credit card ay ibig sabihin unli shopping and gastos, ganern!" Pinitik niya pa ang kanyang daliri.

Tumango ulit ako. Ganoon pala iyon? Grabe naman pala talaga ang yaman nila ni Don Lucciano.

Pinanliitan ako ng mata ni Maria. "Torry sabihin mo nga sa akin ang totoo, sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga ni Don Lucciano?"

Natigil ako bago pinakatitigan si Maria. Dahil sa sinabi ni Elohim sa akin noong una naming pagkikita, laman na ako ng tsismis at panlalait ng mga kasambahay at tauhan nila dito.

Hindi ko na ininda dahil sanay naman ako sa ganoong pagtrato.

"Totoo 'yung sinabi ni Don Lucciano na anak ako ng matalik niyang kaibigan. Laki lang ako sa hirap kaya ganito ako Maria," sambit ko na lang. Ayaw na munang sabihin ang personal na detalye tungkol sa akin.

Laking pasasalamat ko ng hindi na siya nagtanong pa ulit. Hindi pa ako handa na magkwento ng buhay ko sa ibang tao.

Sumapit ang gabi at ako lang ang isa ang kumakain sa malawak at mahaba nilang hapag-kainan. Wala yata si Don Lucciano dahil baka nasa isa sa mga resort niya.

Kwento sa akin ni Maria na halos lahat ng resort na nakatayo dito sa Palawan ay pag-aari ni Don Lucciano. Pag-aari nila ang Nirvana Company— isang chain of resorts dito sa Pilipinas. Karamihan sa resorts nila ay naka-sentro dito sa Palawan.

Ayon kay Maria, biyudo na pala ito. Namatay ang asawa ni Don Lucciano tatlong taon na ang nakalilipas. May apat na anak. Tatlong lalaki at isang babae. May kanya-kanya ng pamilya at dalawa lang ang may gustong mamahala ng kompanya ni Don Lucciano— ang panganay nitong anak at ang pangalawa.

Ang panganay ay ang kasalukuyang CEO ng kompanya, ang pangalawa ay isang senador, ang pangatlo at ang nag-iisang babae ay isang doktor, at ang bunso ay abogado.

Kinwento niya sa akin si Elohim. Ang buong pangalan niya ay Elohim Lucas Valderama. Tawag sa kanya ng mga tao dito at ng mga malapit niyang kaibigan ay 'Sir Elohim' o 'Elohim'.

Maldito at suplado talaga iyon pero ng ikuwento sa akin ni Maria ay halos maglaway na siya at mag-heart ang mga mata.

Umismid na lang ako dahil gwapo nga, ang sama naman ng ugali!

Binilisan kong kumain dahil una, nahihiya ako. Pangalawa, hindi ako sanay na walang kasamang kumain. Pangatlo, baka maabutan ako ni Lucas dito at pag-initan na naman.

Ang mga nang-uuyam niyang tingin na tila isang basura lang akong pakalat-kalat dito sa mansyon ay sapat na para gusto ko nalang maglaho tuwing andyan siya. Wala siyang masamang sinasabi pero kung tumingin sa akin ay akala niya talaga nagpapaka-pokpok ako sa Lolo niya.

But speak of the devil and the devil shall appear, bigla siyang pumasok sa dining area. Napahinto siya ng makita ako.

Tumaas ang ibabaw ng labi niya at pinilig-pilig ang ulo. "Tangina, ang tigas talaga ng mukha,"

I threw him a glare and he sneered back at my expression.

"When will you find your fucking dignity and leave this house?" sabi niya sa kalmado tono pero parang halos tumakbo na ako sa titig niya.

Marami na akong beses na nabastos at ni minsan ay hindi ako natakot o nagdalawang-isip na lumaban.

But everytime his hazel-nut eyes meet mine, I just dissolved into nothingness. Bigla akong... para akong kinakapos sa hininga.

Tuwing malalapatan ng mga mata ko ang kabuan ng mukha niya—  mapapatanong na lang ako na 'Bakit hindi ko na lang siya muna titigan bago sagutin ang mga paratang niya?'

Napaka-bobita ng ganitong pag-iisip pero ng bigla-bigla nalang siyang lumilitaw na nakaformal suit ay justifiable naman talaga. He's just oozing with that sex appeal and masculine charisma.

Inaako ko na ibang uri siya ng lalaki. Masyadong marahas ang tindig niya, masyadong pino ang bawat galaw at ang pisikal niyang anyo ay alam kong nang-aakit ng mga babaeng pampa-init ng gabi niya.

Kesa sumagot ay tumayo na lang ako at tinalikuran siya. I don't wanna argue with him. I don't want to see him mad and angry with me. Ayaw ko ng gulo.

Bumuntong-hininga ako. Hindi na ako makapag-hintay na matapos na itong summer para maka-pag-aral na ako. May bigla akong ideya na naisip.

Paano kaya kung mamasukan ako sa isa sa mga resort nila Don Lucciano? Kahit anong trabaho?

Napangiti ako. Mukhang magandang ideya nga iyon!

Ang ngiti ko ay naglaho ng biglang may humigit sa akin paharap dahilan para malaglag sa sahig ang mga pinggan na hawak. Nanlaki ang mata ng umalingawngaw ang pagkabasag sa buong mansyon.

Nahigit ko ang hininga ng makita ang malaki at maugat niyang kamay na mahigpit na nakawahak sa akin. His long fingers spread around my small wrist. I gulped in the harsh feels and warmth of his calloused hand.

Kailangan ko pang pumikit ng mariin para ituwid ang pag-iisip. Kumuyom ang kamao ko. Nanggagalaiti kong inangat ang tingin sa lalaking halos iangat na ako dahil sa hawak sa akin.

"Ganoon ka ba talaga ka-mukhang pera para dito pa tumira? Or maybe you really like to be fuck by an old man?" he growled.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako?! Ano bang problema mo?!" Pilit kong pagpupumiglas at malakas siyang itinulak. Ang gago ay binitawan nga ako kaya natumba ako sa sahig.

Bahagyang nanlaki ang mata niya bago ko itinukod ang mga kamay para hindi ang ulo ko ang mapuruhan.

Hindi nga ang ulo ko ang napuruhan pero ang kamay ko naman. Sa mga bubog pa sumapol. Kita ko ang mabilis na pagdaoy ng dugo sa braso ko at pagtulo sa sahig.

Napakagat ako sa ibabang-labi para pigilin ang pag-iyak. Ilang beses kong nilunok ang bara sa lalamunan bago inangat ang tingin kay Lucas.

There was guilt and concern in his eyes. Humakbang siya ng isang beses pero agad siyang napahinto. Bumalik sa malamig na ekspresyon ang mukha niya bago nagpamulsa.

"Please just leave, whore." Napapikit ako sa sinabi niya at niyakap ang kamay na nasugatan. "Leave and find someone else you can leech on," malamig niyang turan bago ako tinalikuran.

Narinig ko ang sigaw ni Maria. Hindi ko iyon pinansin at tiningnan lang ang mga nabasag na pinggan. Sigurado akong mahal ang mga ito. Kahit dumudugo ang mga sugat at mahapdi dahil tingin ko ay may bumaon na mga bubog, kumuha pa rin ako ng dustpan at walis.

"Torry, ako na diyan! 'Yung sugat mo oh dumudugo!"

Ngumiti lang ako. "Alam ko, Maria. Kamay ko ang nasugat hindi ang mga mata,"

Napangiwi ako ng makita ang mga tulo ng dugo sa marbled floor nila. Hinugasan ko muna ang kamay sa faucet sa kitchen sink at kinuha ang kutsilyo saka pinunit ang laylayan ng damit. Ipinulupot ko iyon sa patuloy na nagdudugo kong sugat. Mabuti at isang kamay lang ang nasugatan.

Si Maria lang ang pilit na sinasaway ako at tumutulong dahil ang lahat ay tinitigan lang ako at bumubulong. Umirap ako.

Nakakasawa na ang mga ganitong tao.

Bitbit ang dustpan at walis ay dahan-dahan kong kinahig ang mga bubog. Si Maria ay may hawak na mop para linisin ang mga dugong tumulo.

Tinapon ko sa basurahan pagkatapos. Lumapit sa akin ang Mayordoma na nakataas ang kilay. Sinulyapan niya ang basag na pinggan sa basurahan bago malamig sa akin na tumingin.

"Sa susunod magdaha-dahan ka kasi para hindi ka makasira ng gamit," ani nito.

Nanlisik ang mga mata ko. "Kung hindi kasi masama ang ugali ng amo niyo ay hindi iyon mababasag,"

Biglaan at malakas ba naman akong higitin, malamang mabibitawan ko ang pinggan! Tapos ngayon parang kasalanan ko pa?

Inilingan niya ako. "Hindi ko alam kung saan ka napulot ni Don Lucciano pero basura yata ang napulot niya. Sasagot ka pa, eh bayarang babae ka lang naman," sabi niya at mabilis na tumalikod.

Ito ang mga problema sa tao. They tend to prioritize their respect to people who arr good-looking. To people who are professional, who earns the most and who has the powerful influence here in this society.

Pag-ba nasa mababang antas ang paghahanap-buhay ng isang tao ay hindi niya karapatang i-respeto? Pag ba pokpok hindi na karapat-dapat matamo ang paggalang? Tao lang naman sila, ah? Kumakayod lang para may maipakain sa pamilya o sa sarili.

Kasalanan ba nila na nasa laylayan sila at ginagawa lang ang paraang makakaya at alam para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan?

Society judged women who does prostitution for a living and yet they remain blind to the poverty of life. Choices are only for those who are privileged souls. Kadalasan ay wala ka talagang pagpipilian kung lugmok ka sa kahirapan.

Kahit ano man ang trabo mo, kung kumakayod ka lang naman para makaraos sa pang-araw-araw ng walang tinatapakan o sinasaktang tao, sobrang deserve mong i-respeto.

Pagod akong umakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang balcony para makapasok ang sariwang hangin. Umupo ako sa kama at sandaling natulala bago may kumatok sa pinto.

"Pasok,"

Pumasok si Maria na may dala-dalang first-aid kit. Napangiti ako ng maalala ko ang kapatid ko. Tiningnan ko ang orasan at kalahating oras nalang bago mag-alas-nuebe. Ganitong oras kasi ako nag-vi-video call kay Vlademyr.

"Naalog yata utak mo, eh," ani ni Maria ng umupo sa gilid ko. "May sugat ka na nga nangingiti ka pa dyan,"

"Wala, naalala ko lang ang kapatid ko. Siya palagi ang gumagamot sa akin," kwento ko habang kinuha ni Maria ang kamay ko. Tinaggal niya ang telang nakapulupot dito at Nangiwi sa hitsura nito. Pati ako din, kita talaga ang bubog na nakabaon sa laman ko.

"Alam mo Maria, pangarap 'nun maging doktor," proud kong saad.

"Saan na ba siya ngayon?"

Pinuno ko ng hangin ang baga ko. "Sa America... nagpapagaling,"

Tiningnan ako ni Maria ng ilang sandali bago muling itinuon ang atensyon sa paggamot ng sugat ko. Hindi na siya nagtanong pa.

Pinalibutan niya ng bandage ang kamay ko matapos ang pagkuha ng lahat ng bubog. Natulo talaga ang luha ko sa hapdi at paglinis ng aking sugat. Nagpasalamat muna ako bago siya umalis sa kwarto ko.

Naligo ako at nagbabad sa maligamgam na tubig sa bathtub, nagiging maingat para hindi mabasa ang sugat na kakalagay lang ng ointment. Ilang minuto ay umahon na din at nagbihis ng pantulog.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa library na kaharap lang ng kwarto ko. In-open ko ang PC at ni-log-in ang bagong facebook account. Deactivated na ang dating facebook account dahil huling pag-open ay maraming nag-cha-chat sa akin at nakiki-usyuso kung bakit na lang kaming biglang nawala.

Gumawa din si Vlady ng bagong account at dineactivate 'yung luma. Agad ko siyang vinideo call pero hindi siya online.

Baka busy siguro. Sa loob ng isang linggo ay gabi-gabi kaming nagvi-video call ni Vlady. At hindi ako nagsisisi na ipinadala ko siya doon.

May heart donor na siya at maghihintay na lang ng isang taon o mahigit para sa heart transplant. Kita ko sa mga mata niya ang saya at pananabik tuwing nagkukwento tungkol sa kung saang puder siya ngayon, sa anak na Doctora ni Don Lucciano. Pa-minsan-minsan ay kinukwentohan niya ang kapatid ko na mas lalo lang ikinaka-excite ni Vlady.

Hindi pa siya halos makahinga ng ikinuwento sa akin na baka pag-aaralin siya ni Doctora Franchesca sa isang medical school. Hindi pa naman sigurado dahil tinitingnan pa daw ni Doctora.

Sobrang saya niya talaga. Napayapa ako sa takbo ng buhay ni Vlady ngayon. Parang may tanikalang nakagapos sa akin ang napigtas.

Ilang ulit pa akong nag-video call sa kanya pero hindi siya sumasagot. Pinatay ko na lang ang PC at lumabas para matulog.

Pagpasok sa kwarto, agad kong nakita ang malaking pool mula sa bukas na balcony. Hindi ko pala nasara kanina. Nahihipan ng hangin ang kurtina kaya sumasayaw-sayaw ito sa ere.

Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw at dumiretso doon para sana isara. Napahinto ako ng ilang hakbang na lang ang layo sa sliding door ng balcony sa natanaw.

Bahagyang umawang ang labi ko at nanuyot ang lalamunan. Lumunok ako at kumurap-kurap.

Lucas glorious body cut through the blue waters of the swimming pool. Bawat kampay ng malalaki niyang braso at sipa ng maskulado niyang mga binti sa marahas niyang paglangoy ay sumisigaw ng malusog at naka-kondisyon niyang pangangatawan.

I licked my lower lip and softly bit it as I allowed myself to marveled his lean, defined and muscle-toned body. Alam kung hindi ako kita sa posisiyon ko dahil madilim. Pero malinaw ko siyang napagmamasdan mula sa posisyon ko.

Nang naabot niya ang dulo ng pool ay mabilis niyang inangat ang sarili at tinungo ang isang maliit na bilugang mesa sa gilid ng lounge chair.

Napasinghap ako. Wala ako sa sariling napahaplos ang leeg. Napapaypay ako sa sarili dahil biglang parang ang init.

Good Lord. Look at those firm muscles.

His body was a walking temptation and a carnal sin. Ang mukha niya ay lukot, nakasampok ang kilay at marahas na galit ang ekspresyon.

Sobrang nakakaakit pa rin.

Minasahe ko ang leeg sa nakikita.

Ang rami ko ng nakitang gwapo sa club pero hindi ganitong... nakakapang-init. The heat spread across my chest, on my neck and nape, and to my cheeks. Hindi ko alam kung anong klaseng init ito dahil ngayon ko lang naramdaman.

Patuloy akong napapaypay sa sarili.

Ano bang mali sa akin? Dapat galit ako sa kanya! Dapat sinusumpa ko na siya sa brusko at bastos niyang pag-uugali!

And yet here I am watching his fuckable physique dive into the water.

Mabuti pa ang tubig sinisisid niya. Ako kaya when...?

Napatampal ako sa noo sa naiisip. Sa dalawang taon kong pagtatrabaho sa club ay polluted na ang isip ko. Ikaw ba naman araw-araw may nakikitang naglalapan, hindi mahahalay isip mo?

May sarili akong pantasya sa kama, sa likod ng mga saradong pintuan. Lahat naman siguro meron. Pero 'yung laman ng pantasya ay ang ideal guy ko lang. Wala siyang mukha. Walang pagkakakilanlan ang katauhan niya.

Ini-imagine ko lang na hahalikan niya ako, hahalikan niya ang kamay ko, sabay naming papanoorin ang paglubog ng araw sa dalampasigan at kung ano-ano pang para sa mga hopeless romantic.

At iyon lang iyon. Puro gawi. Walang mukha o hitsura. Ngayong gabi, nakakagimbal na nagkamukha na ang lalaki sa mga pantasya ko.

Totoong nagagalit at naiinis ako kay Lucas. Sobrang sama kaya ng ugali niya! Palagi niyang sinasagot ang Lolo niya. Palaging 'yung pamamaraan ng pagtitig niya ay nagpapahiwatig na sobrang baba kung babae. That I don't belong here. He made me feel unwanted.

Sa isang banda ay iniinitindi ko na lang din ang mga agresibong pagkakawawa niya sa akin. Wala naman siyang alam. Gaya ng sabi ng Lolo niya, nabubulag siya ng galit.

Hindi makikinig ang mga taong pinaghaharian ng labis na galit.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ang bakat sa gitnang katawan ni Lucas. Hindi ko kasi kita kanina kasi nakatalikod siya sa akin. Ngayong humarap siya ay halos manginig ang tuhod ko. Kinapa ko ang palibot para sana may pagkapitan. Muntik lang akong matumba ng wala akong mahagilap.

Malaki.

At mahaba.

Yeah, he's blessed.

"Shit talaga," bulong ko ng kita ko ang hulma ng kanya na bumabakat sa swimming trunks na suot.

It was... oh my God, hindi pa ba 'yan nakatayo? Nakakatakot naman pala. I winced at thought.

Ano na naman ba 'tong iniisip mo, Vittoria?

Muli siyang nag-dive sa pool. Nang imahon ay sinuklay palikod ang buhok gamit ang dalawang kamay. Pumalikod ang buhok niya pero may ilang naglalag pa rin sa gilid ng noo.

Nagtama ang paningin namin kaya literal na tumigil ang paghinga ko. I was caught off guard. Naestatwa. Hindi ko alam kung makakagalaw pa ba ako.

Pakiramdam ko ay alam niya na may nakatingin sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko. The way his eyes bore into mine launched butterflies to fly in my stomach.

Kumabog ang dibdib ko at para akong kinikiliti. His stares held my whole attention hostage. I released a shaky breath.

He was just dangerously alluring to the core.

Naputol lang ang pagtititigan namin ng biglang may dumating na babaeng naka-bikini.

Napakurap-kurap ako.

Sobrang... sobrang ganda niya. Ang katawan ay alam kong sapat na para patigasin ang isang lalaki. Malaki ang hinaharap at ganoon din ang pang-upo.

Elegante siyang huminto sa gilid ng pool at sumampok ang kilay ni Lucas ng umahon ito.

Agad na ikinawit ng babae ang mga kamay niya sa leeg ni Lucas at siniil ito ng halik. Hinawakan ni Lucas ang bewang nito at iyon na ang senyales ko para huminto sa anumang ginagawa.

Ginamit ko ang sandaling iyon na okupado silang dalawa at walang makakahalata sa akin. Mabilis ngunit dahan-dahan kong isinara ang balcony at humiga sa kama.

Continue Reading

You'll Also Like

534K 17.9K 126
Read and find out...
513K 32.5K 67
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...
5.2M 462K 96
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
793K 34.6K 57
"Mujhe jhelna mushkil hai nader," she said with a smile while her gaze was fixed on the table. ("It's difficult to tolerate me, Nader") "Main jhel l...