The Fool's Gold

By Serialsleeper

967K 83.7K 107K

FHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl co... More

note
guide
epigraph
Chapter 1 : The Golden Girl of Rosepike High
Chapter 2 : The Secret
Chapter 3 : The Lil' Demon
Chapter 4 : Can we be friends?
Chapter 5 : The Rejects of Filimon Heights
Chapter 6 : Misfits
Chapter 7 : Joe's Third Eye
Chapter 8 : Hello Ghost
Chapter 9 : Ghost Slayer
Chapter 10 : Bomb
Chapter 11 : The Joepon
Chapter 12 : Rekt
Chapter 14 : Oh Brother
Chapter 15 : Assignment
Chapter 16 : Rumble
Chapter 17 : Agenda
Chapter 18 : Dayglow (Part 1)
Chapter 18 : Dayglow (Part 2)
Chapter 19 : Truth or Poison
Chapter 20 : Unmasked
Chapter 21 : The Aftermath
Chapter 22 : What Matters Most
Chapter 23 : The Thing About Regrets and Apologies
Chapter 24 : Run
Chapter 25 : Navigating
Chapter 26 : Straight
Chapter 27 : Surprise, Mojoe
Chapter 28 : Crushing
Chapter 29 : Wingwoman
Chapter 30 : Joey Strikes Again
Chapter 31 : Cheers to the Crush
Chapter 32 : Sunflower
Chapter 33 : Special Delivery
Chapter 34 : Clytie
Chapter 35 : I See Red
Chapter 36 : Dirty Laundry
Chapter 37 : The Kids Aren't Alright
Chapter 38 : Home is Where the Heart Aches
Chapter 39 : This is Goodbye
Chapter 40 : The People We Leave Behind
Chapter 41 : Fish Out of Water
Chapter 42 : Torch
Chapter 43 : Trust Argentina San Carlos
Chapter 44 : Alone Together
Chapter 45 : Who Are You
Chapter 46 : Coming Clean
Chapter 47 : The Score
Chapter 48 : That Night in Rendelson
Chapter 49 : All In
Chapter 50 : The Better Days
Chapter 51 : Haunted
Chapter 52 : Lose Control
Chapter 53 : It's Time
Chapter 54 : TG
Chapter 55 : Grenade
Chapter 56 : The Wedding Party
Chapter 57 : Safe Space
please read this
Chapter 58 : Dead to Me
Chapter 59 : Home
Chapter 60 : Good Morning
Chapter 61 : Pitch Black
Epilogue
note
Special Chapter : Sparks Fly

Chapter 13 : The Other Side

12.6K 1.3K 1.5K
By Serialsleeper

trigger warning for themes of anxiety and anger management issues


"Joana, ano ba talagang problema? Ilang araw ka nang nagmumukmok dito sa kwarto mo. Kung may problema ka, 'wag mo namang sarilihin," giit ni Yaya Shakira. 

"W-Wala naman po." Bahagya akong naupo at sumandal na lang sa headboard ng kama ko. "I'm just not feeling well."

"Kung gano'n, bakit ayaw mong magpa-check up?! Nahihirapan na kaming pagtakpan ka sa mga magulang mo. Mamaya, ipapatawag ko 'yong family doctor ninyo---"

"Yaya, please. I just want to be alone," I begged, trying to stall my tears from coming out. "Okay lang po talaga ako rito. Ipapahinga ko lang 'to."

"Joana, ilang araw ka nang hindi pumapasok. Linggo na ngayon, lumabas ka kaya kasama ang mga kaibigan mo? Tatawagan ko sila at papupuntahin rito--"

Mabilis akong umiling at pumikit. "P-Please don't..."

"Bakit naman hindi? Tatawagan ko si Remy tutal 'yon ang pinaka--"

"Yaya ano ba! I just want to be alone! Mahirap bang intindihin 'yon?!" Napasigaw ako nang malakas.

Pagdilat ko ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Yaya. Kahit ako ay nagulat din sa mga lumabas mula sa bibig ko.

"S-Sige, magpahinga ka na lang muna." Mabilis na nagbaba si Yaya ng tingin sa sahig.

"Y-Yaya..." Bago pa man mabawi ang mga sinabi, mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.

Tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang maiwang mag-isa. Nasapo ko ang mukha gamit ang namamanhid at nanginginig na mga kamay. Sa sobrang inis, nagsisipa ako sa ilalim ng kumot.

Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok si Kuya, kunot-noo at parang galit. "Bakit mo sinigawan si Yaya?! Siya na nga lang ang nakakasikmura sa'yo, binabastos mo pa--"

"Labas!" I screamed at the top of my lungs, burning in fury. 

Pinanlisikan niya ako ng mga mata at dinuro. "Joana, 'wag mo akong sisigawan! Baka nakakalimutan mo sino ang mas--"

Napatili ako at sa sobrang galit ay pinulot ko ang study lamp at binato ito sa kanyang direksyon. Mabilis siyang umilag kaya naman tumama ito sa dingding imbes na sa mukha niya.

Napasinghap si Kuya, nanlalaki ang mga mata. 

Mabilis naman akong nagbaba ng tingin sa mga kamay kong nanginginig, hindi makapaniwala sa sarili kong ginawa.

"Psycho!" sigaw niya, nagngingitngit sa galit. Mabilis siyang lumabas at padabog na sinara ang pinto.

****

Hatinggabi na at hindi pa rin ako makatulog. Nitong mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi matulog para lang matakasan ang matinding galit na nararamdaman. Pero ngayon hindi ko magawa dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang hitsura nina Yaya at Kuya.

Gusto kong baliwalain ang galit na nararamdaman ko, pero hindi ito mawala-wala. Kinuha ko ang cellphone ko at pinagmasdan ang number ni izzy. Gabi-gabi ko itong ginagawa mula nang araw na gumuho ang lahat, pero sa tuwing sinusubukan ko nang tawagan si Izzy, lagi akong naduduwag.

Baka maabala ko lang siya. Baka ayaw niya akong makausap. Baka may galit din siya sa akin. Kung sina Mimi nga na ilang taon ko nang kaibigan may matinding galit pala sa akin, paano na lang kaya sila na kakikilala ko lang? For sure they find me annoying. Siguro nga masaya sila dahil ilang araw na akong absent. They're probably backstabbing me too. 

Tumulo ang luha ko sa screen kaya agad ko itong pinunasan, pero laking gulat ko nang mapagtantong napindot ko ang call button.

"Gago gago gago," bulong ko sa sarili dahil sa sobrang taranta at agad na hininto ang tawag. Kahit papapaano ay nakahinga ako nang maluwag lalo't hindi ito nasagot ni Izzy.

Ibinaba ko ang cellphone sa gilid ng unan ko at niyakap na lang ulit ng kumot ang katawan ko. Ilang sandali pa lang ang lumilipas nang muling tumunog ang cellphone ko. Nagulat ako nang makitang si Izzy ang tumatawag. Galit ba siya dahil nadistorbo ko ang tulog niya?

Kinakabahan man, sinagot ko pa rin ito.

"Joe!" she greeted me happily, much to my relief. 

"Izzy!" I greeted back, wiping my tears as I smiled.

"Napatawag ka?" she asked.

"Ah, n-na wrong tap," I said, trying to laugh off my mistake.

"Ah..." Bahagya siyang tumawa. "Miss ka na namin. Is everything alright?"

Napanguso ko at pilit na tumingala sa kisame, kaso balewala ang lahat ng pagpipigil ko dahil tuluyan na akong naiyak. "T-Totoo?"

"Ang ano?" Muli siyang tumawa, may halong kalituhan.

"D-Don't you hate me too?" tanong ko.

"Why would we hate you? May kasalanan ka ba?" she asked.

Umiling ako at lalong naiyak. "Wala akong maalala, pero baka meron. S-Sina Mimi nga galit, pero hindi ko alam bakit. I don't know what I did to deserve getting physically hurt. I tried to always be careful."

"Hoy anong physicially?! Binugbog ka ba nila?!"

Nagulat ako nang marinig si Argentina mula sa kabilang linya.

"Shhh! Kumain ka lang doon, Arge!" giit ni Izzy. 

"A-Am I on speaker?" I gasped.

"S-Sorry, Joey." Izzy laughed sheepishly. "M-May project kasi tayo tapos tomorrow na ang deadline. Nandito kami ngayon sa bahay for sleepover. We tried to contact you, kaso hindi ka nago-online. Sabi rin daw ni Cyprus kay Argentina na not feeling well ka raw kaya hindi na lang din kami nag-text o tumawag--"

"Punta ka rito! Dala ka food! Kahit 'yan lang ambag mo," sabi ni Argentina.

"Arge naman, tingnan mo nga anong oras na," giit naman ni Izzy.

"S-Sinali n'yo ako sa group?" Napasinghap ako at nagpunas sa ilalim ng ilong. 

"Package kaya tayo." Izzy chuckled.

Despite my tears, I couldn't help but smile. "Sige, pupunta ako. Pahingi ng location mo sa messenger--"

"No need. Hinatid ako ni Cyprus dito kanina. Siya na ang susundo sa'yo diyan," sabi naman ni Argentina kaya naman mabilis akong umiling.

"Hala 'wag, nakakahiya. Tingna mo anong oras na. Baka tulog na 'yon. Magco-commute na lang---'

"Cyprus is literally your personal driver. Ako nga hindi nahihiya kahit hindi ko 'yon pinapa-sweldo, ikaw pa kaya?!" Bahagya ko pang inilayo ang cellphone mula sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Argentina.

"Technically, my parents are paying for him," I chuckled.

"Just change your dang clothes." Argentina sighed kaya tumango na lang ako at ngumuso. Nagbaba ako ng tingin sa sahig at mariing pumikit.

"You girls don't hate me, right?" I asked just to be sure. "B-But if you hate me, it's okay. Sabihin n'yo lang."

I heard Argentina heave a loud sigh. "You're an annoying little brat, but we don't dislike or hate you."

"I don't think you're an annoying little brat. Argentina's right about the not disliking or hating you part though," Izzy assured me.

"Just get your ass here, Mojojojoe," sabi naman ni Argentina.

***

Hindi na ako nag-abalang magbihis pa. Nagsuot lang ako ng oversized denim jacket sa ibabaw ng short at t-shirt ko.

Siguradong pagbabawalan nila akong umalis kaya naman dahan-dahan at maingat ang bawat kilos ko palabas ng bahay at gate. Nang tuluyang makalabas, saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Naupo ako sa madilim na halamanan at bahagyang nagtago sa likod ng malaking puno. Habang naghihintay kay Cyprus, hindi ko napigilang magtaka lalo't nasa garahe ang Ducati ni kuya, pero wala ang sasakyan nina mommy at daddy. Magkasama kaya silang dalawa? 

Sumikip bigla ang dibdib ko nang maisip ang maaring kinaroroonan ni Daddy. Hindi ko mapigilang mapakamot sa leeg ko dahil sa galit. Parang gusto ko lang tuloy manatili ulit sa kwarto ko.

Akmang tatayo na ako para umalis nang biglang dumating ang isang taong naka-motor at may suot na helmet. Baka akyat-bahay or robber kaya naman hindi muna ako gumalaw at nagatago lang sa likod ng puno.

Huminto ang motorsiklo sa mismong tapat ng bahay namin kaya maingat kong inilabas ang cellphone ko. I started recording, tutal hagip siya ng liwanag sa headlights ng motorsiklo niya.

"Psst..." I called out so I can have his face on record. Sana lang tanggalin niya ang helmet niya though.

"Psst.." I called out again, this time even louder.

Bumaba ang rider mula sa motorsiklo at agad na naglibot ng tingin sa paligid. Dali-dalli akong dumapa at mas nagtago pa sa puno. 

"Psssstt..." I called out again and took a peak, only to see the rider making the sign of the cross.

I covered my mouth and giggled. The duality of a baddie who seeks help from the almighty.

Nagtanggal ng helmet ang rider at nagulat ako nang makitang si Cyprus lang pala. Dali-dali akong lumabas mula sa dilim at tumakbo patungo sa direksyon niya, pero bigla na lang siyang sumigaw nang pagkalakas-lakas. Binato niya ako ng helmet at agad na kumaripas ng takbo, para bang nakakita ng multo.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa damuhan habang sapo ang nguso kong namamanhid sa sakit. Napa-check pa ako sa ngipin ko para masigurong walang nabasag sa kanila. Sa lahat-lahat ng pwedeng tamaan ng helmet niya, bakit ang mukha ko pa?!

"Cyprus naman eh!" Iyak ko.

"Ma'am Cohen?!" 

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Cyprus na para bang nag-aalangang lumapit, bakas ang gulat at kalituhan sa mukha niya.

Binato na nga niya ako ng helmet, tinawag pa niya akong ma'am. 

"Sabing Joe o Joana!" Sa inis ko, dumukot ako ng mga damo at inihagis ito sa direksyon niya, kaso dahil magaan ang mga ito at malakas pa ang hangin, bumalik lang sa akin ang mga damo kaya panay ang punas ko sa mukha ko. Nothing's really going my way these days.

"S-Sorry!" Dali-dali siyang tumakbo at lumapit sa akin. "O-Okay ka lang ba?" taranta pa niyang bulalas.

Tumango na lamang ako at huminga nang malalim. Baka takot siyang masesante kaya naman pinilit kong tumawa at umarte nang normal. "Tara na, baka patayin na ako ni Argentina."

"Ma'am, pasensya ka na talaga. Sigurado ka bang ayos ka lang? Saan ang masakit?" tanong niya, bakas ang pag-aalala sa mukha. Itinaas niya ang kamay, para bang nag-aalangang hawakan ako.

Tumango ako ulit at tinanggal ang pagkakatakip sa mukha ko. Masakit man ang nguso, pinilit ko pa ring ngumiti sabay tayo. "Come on, Cyp! Just call me Joe!"

"Joe, pasensya ka na talaga. Okay ka lang ba talaga?" tanong niya kaya hindi ko napigilang matawa. Poor guy looks so terrified, but I just can't stop myself from laughing. I'm so going to hell. Sorry Papa God.

"O-Okay lang... Napagkamalan din naman kitang multo at binato ng kung ano-ano," I assured him while trying to hold back my laughter.

Sa huli, napabuntong-hininga siya at naglakad papunta sa gate. 

"Teka, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Kukunin ko ang sasakyan," aniya kaya agad nakunot ang noo ko at dali-daling lumapit.

"'Wag! Baka hindi na nila ako paalisin!" pabulong kong giit sabay hatak sa manggas ng kulay itim niyang sweatshirt. "Paangkas na lang sa motor mo!"

"Pero isa lang ang helmet na dala ko, naiwan ko kay Argentina ang isa," aniya.

"Okay lang 'yan!" I grinned and knocked on my forehead. "My skull is stronger than any helmet. Subok na ng panahon 'to."

He sighed and started walking to the gate again. "Mas lalong kailangan mo ng helmet."

Did he just insult me?

"Cyp, please 'wag na!" Hinabol ko siya at hinila ulit ang manggas ng sweatshirt niya. "Sige na, let's go na. Hindi nila ako papayagan--"

"Joe, nahuhubaran na ako!" pabulong niyang protesta at doon ko lang napansin na kita na pala ang balikat at gilid ng dibdib niya. Dali-dali ko siyang binitiwan, pero sinamantala niya ang pagkakataon at tumakbo patungo sa gate.

"Cyprus, no!" Hinabol ko siya ulit, this time ay braso niya na talaga ang hinawakan ko. "Ipahiram mo na lang sa akin ang helmet mo!"

Napako siya sa kinatatayuan at kunot-noong napatingin sa akin. Kahit ako ay napakunot-noo din dahil sa sinabi ko. 

"Ay hindi pala!" bawi ko agad sabay tawa. "Siyempre your safety matters to me rin. Slip of the tongue lang. Sorry sorry."

"Kung tatakas kayo, hinaan n'yo ang mga boses n'yo."

Gulat kaming napalingon ni Cyprus sa direksyon ng gate at nakita ang mukha ni Kuya sa pagitan ng mga rehas. Hindi ko alam kung mukha siyang prisoner or demon. Or maybe both? A demon prisoner!

Kuya tiptoed and handed his helmet, much to my surprise. Lumapit si Cyprus at tinanggap ito.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Kuya, tunog serious kahit hindi naman bagay.

"Kuya, gagawa ng project sa bahay ng--" Nahinto ako sa pagsasalita ng tinapunan ako ni Kuya ng masamang tingin, bago humarap ulit sa direksyon ni Cyprus.

"S-Sir, sabi ng pamangkin ko sunduin ko raw si Ma'am para gumawa ng project. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo?" Napatingin sa akin si Cyprus. Gusto kong mag-reklamo kung bakit niya ako tinawag ulit na Ma'am, but understandable since kaharap niya si Kuya. He's probably confused about how to address me when my family's around. Ganito rin sina Mang Egay noong bago pa sila, lalo na kapag kasama sina Mommy at Daddy. 

"Cyprus, just call him Lorenzo and call me Joe." I sighed and looked at Kuya. "Project lang talaga at--"

"Pake ko." Kuya sighed and rolled his eyes. "Basta 'wag n'yo akong idamay kung mapapagalitan kayo. 'Wag ring tatanga-tanga sa daan."

Napanguso ako nang maglakad si Kuya papasok ng bahay, hindi man lang lumilingon. I really owe him an apology for almost smashing his head with a study lamp.

"Tara?" I faced Cyprus with a smile and watery eyes. 

"May sipon ka ba?" tanong niya, probably pertaining to my hoarse and nasally voice caused by all the crying.

Humangos ako sabay tawa. Sana naman hindi niya mahalata ang namamaga kong mga mata. "I'm recovering from a flu, but okay na."

Nagbaba siya ng tingin sa fluffy slippers kong pink bunny ang design - with fluffy ears pa!

"May problema ba?" pabiro kong tanong.

Umiling siya at inabot sa akin ang helmet ni Kuya. Naglakad siya patungo sa motor niya kaya mabilis akong sumunod.

***

Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang tumawa dahil sa wooshing sound sa loob ng helmet. Ewan ko ba sa helmet ni Kuya at para bang may pumapasok na hangin sa loob.

"Joe..." I heard Cyprus' voice. Lalo pa itong naging malalim at malamig dahil sa helmet na suot niya.

"Yeah?" I asked, still laughing because of the wooshing sound inside the helmet.

"Napipisil mo na ang tagiliran ko," aniya kaya agad kong niluwagan ang hawak sa kanya.

"S-Sorry! I'm not used to riding motorcycles since we mostly have cars, and Kuya doesn't really let me travel with him," I laughed sheepishly. Kung close ko lang siya, niyakap ko na siya.

By the time we reached downtown, we came across a red light and had to stop. While waiting for the seconds to pass, I saw what looked like a line of eateries by the side of the road. Nagutom ako bigla nang makakita ng mga barbecue. Parang ang fresh pa ng mga ito dahil umuusok pa.

"Hungry..." I mumbled to myself.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni Cyprus na narinig pala ang sinasabi ko.

"Ay hindi, tapos na," I lied, chuckling in embarassment.

All of a sudden, my stomach let out a loud grumble.

"First of all, hindi 'yon utot!" giit ko kaagad.

Narinig ko siyang tumawa. "May 24-hour na restaurant sa malapit. Gusto mo doon?"

Umiling ako at tinuro ang mga barbecue. 

"Kumakain ka pala ng barbecue?" tanong niya, seryoso na ulit ang tono ng pananalita.

"Oo kaso pinagbabawalan ako lagi ng parents ko, minsan lang tuloy ako nakakakain ng isaw. Papuslit-puslit pa," reklamo ko naman. "Secret lang natin ha? Pati kasi si Yaya Shakira, pinagbabawalan din ako. Dirty raw kahit hindi naman."

Nang maging berde ang ilaw ng traffic light, laking tuwa ko nang umikot kami at tumungo sa direksyon ng mga barbecue.

***

Excited akong pumila sa counter habang dala ang mga isaw at betamax na ako mismo ang pumili. I couldn't help but shuffle my feet and jump up and down, watching the cashier process every order ahead of me. 

Lumingon ako kay Cyprus at bumungisngis. "Malapit na."

Tumango siya at inabot sa akin ang mga ipapaluto niya: pork at isaw.

"165 lahat," sabi ng cashier kaya naman napakapa ako sa bulsa ko. 

"OMG." Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko maramdaman ang coin purse ko. Oh crap! I forgot to bring money!

Lumingon ako kay Cyprus at nagulat ako nang mag-abot siya ng pera sa cashier. I quickly raised and pressed my palms together. "Pautang muna, I'll pay you thrice the amount promise!"

Cyprus didn't react and just continued paying. He didn't even look at me. Galit ba siya na hindi ko nadala ang pera ko?

"Tara." He nodded after paying. I beamed and quickly followed his lead.

We chose a table not too far from the cashier. We sat across each other and he was even nice enough to hand me a glass and pitcher of water.

"Batchoy?" he asked.

I gasped. "Hey! No body-shaming!"

He shut his eyes and chuckled. "Noodle soup na may halong pork."

"Ah! Batchoy!" Napatango-tango ako at natawa. "Like cup noodles?"

Tumango siya at bumuntong-hininga, parang napilitan lang. Sorry naman, Tito.

****

"Ah! Ganyan pala 'yan!" Namangha ako sa paghahalo ni Cyprus ng kung anong ingredients sa sabaw. May patis na nga, may kalamansi at pepper pa.

"Ang galing!" I clapped and raised a thumbs up at Cyprus. "Pwede kang maging chef!"

Ngumiwi siya at tumawa. See, Cyprus may be serious but he's not as cold as Denver, Ate Silver, and Kuya Jethro! This guy is a different breed of matino.

"Papasok ka na bukas?" he asked as we ate.

I shrugged, pressing my lips together as I smiled.

"Sayang ang tuition fee na binabayad ng mga magulang mo," aniya, seryoso na ulit.

"I don't think they pay for my tuition fees..." Napatitig ako sa bowl ng batchoy at napabuntong-hininga na lamang. "My relatives are part-owners of the school. I think I'm there for free."

"Kahit na," giit niya. "Sayang pa rin ang opportunity. Hindi lahat kasing swerte mo."

"I know." I nodded and smiled. "However, nobody has a perfect life"

"But you can use your resources to lead a better life," he looked at me and nodded. It felt like he was cheering me on.

I was taken aback by how articulate and wise Cyprus was. I mean yes, super wise si Mang Egay, pero hindi kasi ito nage-english sa akin. 

"You're right. Tiis-tiis lang muna talaga." I pressed my lips together and nodded. I leaned my back on the chair and heaved a deep sigh. 

"When I can finally stand on my own, this city will never see me again," I said with a grin and jokingly winked at Cyprus.

I can't wait to leave you, Filimon Heights.



// 

Continue Reading

You'll Also Like

224K 16.4K 33
I wish I'd known what I did last summer with you. . .
4.4M 241K 75
(FHS #3) Most people say she's a rebel, others call her a badass, but Reika De Juan is just a girl who follows her heart. So much that she ends up fo...
161K 3.5K 4
It's year 3020 and population is rapidly increasing along with the decline in economic growth. When the economy hits rock-bottom, the government made...
135K 4.9K 16
I was stuck in love, so I called her for help. But before she could pull me out completely, She also got stuck.