OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Twenty-eighth Move

216 4 0
By yashnii

#C28: Her side

"You disgust me so much..."

Paano niya nasasabi yun? Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. He already has it in his mind that I'm the bad guy here. I didn't even get the chance to defend my side. 

Do I look sinister in his eyes?

"Anong mukha yan, Carmeen?" rinig kong tanong ni Joan. Nang tingnan ko siya'y nakataas na ang kanyang kilay sakin. Umiwas ako sa kanyang tingin habang nakapangalumbaba.

Ngumuso ako. "Wala."

"If this is about Dale again, I swear." She breathed out like she's had enough of my issues. 

"Hindi siya," nakayukong sabi ko.

"Sigurado ka ba?"

"Oo..."

"Nagsisinungaling ka ba?"

I sighed. "Oo..." mahinang sabi ko.

I heard a drop of a pen from an armchair. Wala na kaming ginagawa kaya nagkaroon ako ng oras para isipin ng mabuti kung anong nangyari. Whatever happened to Honey... it must be because of Dale. 

I mean, should I ask Vince about it? 

"Ano ba kasi yan?" Base sa kanyang tono ay naiinis na siya sakin. Kanina pa kasi ako nakasimangot at parang walang kabuhay-buhay. Hindi ko naman magawang magpanggap na ayos lang.

"Mali ba talaga na hindi ko sinabing kilala ko si Vince?"

Seryoso niya akong tiningnan habang nakahalukipkip. "To be honest, yes. It's so wrong na hindi mo pinaalam sa kanyang kilala mo ang bagong boyfriend ng ex-nililigawan niya. Dahil dun ay mas kapani-paniwalang may masama ka ngang balak."

"Pero hindi ko maintindihan..."

Napasabunot ako. Lahat ng ipinakita ko sa kanya ay totoo... hindi pumasok sa isip kong may masaktan o mapagsamantalahan. That Honey-- I know she's wrong. Vince would never do that!

"Alam mo, girl. Hindi ako nagkulang na sabihin sayong tigilan mo na si Dale. I mean, this has been going on for about how many years and still hinahabol mo pa rin siya. Hindi mo ba nakikitang wala siyang pakialam sayo?"

"You may be right," sagot ko pabalik saka siya tinitigan. "But you are wrong..."

"Carmeen kasi!" Hahampasin niya sana ako nang ilayo ko naman ang katawan. Napatawa ako sa reaksyong niyang iyon.

"Ang seryoso ko dito tapos magbibiro ka!"

Napangiti ako sa kanyang galit. "Totoo naman kasi ang sinabi ko. Wala ka ng mga panahong magkasama kami, Joan. Dale is sweet and charming. Hindi ako naniniwalang wala siyang pake sakin."

"Talaga lang, ha?"

Tumango ako. "Yes. And I'm gonna prove it to you."

"Paano?" mapang-asar niyang sabi. "Eh iniiwasan ka na nga dahil akala niya'y may masamang balak kayo ni Vince..." Umiling siya sakin. "Ang baliw niyo talaga."

"Ano ba, nangyari na ang nangyari."

"Kung ako si Dale, ganun din ang reaksyon ko, Carmeen. Siguro mas malala pa. Buti na lang at hindi komplikado ang buhay ko."

"Salamat sa suporta, ha," sarkastikong sambit ko.

"Anytime..." Aniya. "So, anong balak mo?"

***

Kasalukuyan akong naghihintay sa sulok ng school nila Dale. Nag-iingat din ako dahil baka may makakita saking kakilala niya. Mahirap na't mukhang kilala na ako ng mga kaklase niya.

Napahagikgik ako. I really am crazy.

"Nasaan na ba kasi siya?" tanong ni Joan na naiinip na. Kanina pa siya nagrereklamong gustong umalis ngunit hindi naman ginagawa. Gusto ko na lang matawa sa kanya. 

"Patience nga. Hinahanap ko."

I looked around to find the guy I'm looking for in the crowd of students. 

Joan groaned beside me. "Ang baliw mo talaga, Carmeen! Bakit pa ba ako pumayag sa gusto mong gawin."

"Kasi mahal mo ako at hindi mo ako matiis..."

"Aish!"

Napatawa ako. Sana lang makakuha ako ng cooperation kahit kaunti lang... at alam kong ito ang pinakaepektibong paraan para makausap ko si Dale o kahit makaharap man lang. Ain't no way I'm gonna leave myself unheard. 

One way or another, he's gonna have to face me.

"Tara na, Joan..."

Hinila ko siya papunta sa isang lalaking mag-isang naglalakad na para bang may malalim na iniisip. Nakakapagtaka man ay nilapitan pa rin namin siya.

"Erik..." tawag ko. Nagulat naman siya nang makita ako ng mabuti. Pilit akong ngumiti pa rin. "Hi. Kailangan kong makausap ka."

"Carmeen."

"It's me." Saka ako tumawa ng pilit. Mukhang may problema din siya, hindi yata sakto ang paghingi ko ng tulong sa kanya ngayon. Sobra bang nakakagulat na makita ako rito?

"A-Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Dale?"

Nagkatinginan kami ni Joan ng saglit bago ulit ako bumaling sa kanya. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina?

"Hindi niya alam. Ikaw ang ipinunta ko rito, actually."

Itinuro niya ang kanyang sarili. "Ako? Bakit ako?"

"Nakadrugs ka ba, kuya?"

"Joan!" Siniko ko ito saka siya napaigik... kung ano-anong sinasabi.

"A-Ah, kasi..." Napakamot ng ulo si Erik. "Nagtataka lang ako. Parang kanina lang kasi ng iniisip kita tapos ngayon andito ka na."

Nanlaki ang mata ko nang marinig sa kanya yun. Mukha namang na-gets niya ang naisip ko kaya naalarma saka nagsimulang winawagayway ng todo ang kamay sa harapan.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. You're situation with Dale, that's what I'm pertaining to. Nakakapagtaka lang na bigla kayong nagkalayo."

Dahil doon ay naalala ko ang ipinunta namin rito. I clasped my hands while looking seriously at him. "Kaya ako nandito dahil gusto ko sanang tulungan mo ako."

"Tungkol saan?" Kumunot ang kanyang noo.

"Para ipaintindi kay Dale ang lahat..." sagot ko. "Hindi totoo ang paratang niya sakin. Wala akong masamang balak... I really do like your friend... yun lang at wala ng iba."

Para naman siyang natauhan saka biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"I knew it..." he whispered. "Ano nga ba ang totoo?"

Magsasalita na sana ako nang maunahan naman ni Joan. "Let's find a place, guys. Hindi dapat tayo dito nag-uusap."

We agreed to what Joan said and found a place to talk. It's just near a park bench. Sinabi ko ang lahat kay Erik at wala akong pinalampas. Simula ng una kong makilala si Dale hangga't ngayon maski ang koneksyon ko kay Vince. Wala akong pinalampas na impormasyon.

"Wow..." That was his reaction after.

"Huwag mo muna sanang ipaalam kay Dale ang lahat ng ito. Gusto kong ako ang magpaliwanag sa kanya ng lahat."

"You got it," he answered absent-mindedly.

"So, ano ngang plano mo, Carmeen?" tanong ni Joan.

"Hindi ko pa alam. Basta ang alam ko'y dapat ko ng makausap si Dale."

"That's not a good idea," singit ni Erik dahilan para mapatingin ako sa kanya. "He's still mad about everything. Siguro'y hayaan mo muna siyang magpalamig at baka magbulyawan na naman kayo."

I sighed. Our last talk is not even decent. Paano na ngayon, Dale? Hindi mo ako binibigyan ng tsansang sabihin sayo ang totoo. Pero kaya ko ba? Sa mga sinabi niya palang ay parang dinudurog na ako... alam kong mali siya at nagagalit dahil sa mga sinabi ni Honey. Alam kong mali lahat ng iyon pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

Nagbitiw siya ng mga salilta na para bang hindi yun tumagos sa buto ko.

"You really knew him since then?" maingat na tanong ni Erik.

Napangiti ako. "Yeah..."

"You should've seen him for the past years," singit ni Joan. Umiling-iling pa siya. "She's crazy over your friend. Ni maski ako hindi siya mapigilan kahit pa na ilang beses ko nang sinabihang huwag niyang ituloy."

"I can already imagine."

Tumawa silang pareho. Grabe ang pagkagusto ko kay Dale. But all of it is crumbling down into pieces. I should be strong right now... because after all I've done, I couldn't just let it fall that easily. 

I wanna fight for this. 

"I'll try to talk to him, Carmeen. Huwag kang mag-aalala. Tutulungan din kita."

"Salamat..." nakangiting sabi ko. I'm just glad na may katulong ako sa problemang 'to.

Dale... if only you knew.

FLASHBACK

"Vince..."

"Hey, Carmeen."

Umamba siya ng yakap kaya tinanggap ko naman ito. Ngayon na lang ulit kami nagkita pwera na lang dun sa orphanage center. Hindi naman kami nakapag-usap dahil busy siya sa barkada niya at palagi kong kasama si Dale at kuya Jasper.

"Kamusta na kayo ni Dale?"

"Ayos lang. We're going on a date, actually."

Lumiwanag ang kanyang mukha dahil doon. "That's great! You finally made him noticed you."

"Thanks! Eh kayo ni Honey, kamusta?"

"May kaunting away pero masosolusyonan naman."

Ngumiti ako bilang sagot. Hindi ko alam kung magandang ideya ba talagang naging sila ni Honey ng ganun-ganun lang. Para kasing inagaw niya si Honey kay Dale-- which is not the case. Dahil si Honey mismo ang unang gumawa ng move para makapaglapit sila ni Vince.

"Mahal mo talaga noh?" tanong ko sakanya.

He smiled like he's so inlove. "Oo naman. Kahit pa na tinotopak yun ngayon tsaka hindi mapakali. Mahal ko yun."

"Well then, galingan mong kuhanin ang loob nun. Mahirap pa naman siyang suyuin."

Base na rin sa pagsasama namin ni Honey sa iisang lugar, masasabi kong control freak siya. Kailangan lahat ay perpekto. Hindi siya basta-basta nagpapatalo sa kahit na ano.

"Alam ko..." Tumawa siya. "Medyo may pagkaselosa rin siya at possessive. Kung anong sakanya ay dapat sa kanya lang."

"Paano pa kaya kapag nalaman niyang nag-uusap tayo?" biro ko.

"O magkakilala?" He then smirked.

Dinuro ko siya. "Don't you dare say anything."

"What?" he said laughing.

"Huwag mong sabihing magkakilala tayong dalawa. Just do everything to keep your girl."

"Bakit naman? Mas maganda nga kung dapat alam ni Honey... mas lalo na si Dale."

I sighed. Alam ko naman iyon pero parang hindi pa dapat ngayon. Hindi ko pa alam kung paano magpapaliwanag kay Dale. Baka kung ano pang isipin niya sakin.

"You need to tell him as soon as possible." Ginulo niya ang buhok ko. "Para ka namang tanga, Carmeen. May ginagawa ba tayong masama, ha? Nainlove lang naman tayo."

"Vince, ano ba! Yung buhok ko!"

"Yeah yeah, Girls and their hair."

Pinalo ko siya dahil sa ginawa. Napa-aray naman siya saka namin napagdesisyunang umuwi na. They live in acrewood village so okay lang yun dun na ako makitulog dahil ayos lang din naman sa kanila.

End of FLASHBACK

I guess Vince was right. Dapat maaga ko na lang sinabi bago niya nalaman sa iba. Si Honey naman... makikinig na nga lang sa usapan ng may usapan, hindi pa nakinig ng mabuti. Akala niya tuloy ay may gagawin ako kay Dale.

And why is she acting all lovey-dovey with Dale now?

"Honey..."

Sana mali ang nasa isip ko na gusto mong magbalikan kayo ni Dale... dahil kung ganoon ay talagang wala ng bait-baitan. I'm going all out. Huwag niya lang tangkain na saktan si Vince para lang kay Dale.

"Carmeen, tara na..." si Joan.

Dismissal time. Katulad ng ibang araw ay walang gana akong pumapasok at umuuwi. Hindi ko matanggap sa isip ko na magkaaway kami ni Dale. I already miss that dude... ito na ang pinakamatagal naming hindi pagpapansinan simula ng makilala niya ako.

"Hoy, nakikinig ka ba sakin?"

Ano na kayang ginagawa nun? Baka galit pa rin sakin. Mas pinaniwalaan niya pa si Honey. How dare him na saktan si Vince! Hindi ko pa yun nakikita! You can't just reject someone to get what you want.

"Hoy!"

"Ay kabayo!" Napahawak ako sa dibdib nang makarinig ng sigaw. "Joan, bakit ka ba sumisigaw? Andito lang naman ako sa tabi mo."

"Eh kasi po, madam..." Nakapameywang na siya ngayon. Gusto ko sanang matawa pero seryoso naman kaya nanatili akong nakikinig. "Kanina pa kita tinatawag ni hindi ka man lang nakikinig sa sinasabi ko."

"Ano ba kasi yun?"

"I got a text from Erik."

She caught my attention that fast.

"Ayan kasi, kung ano-anong iniisip. Kanina ka pa raw tinatawagan pero hindi mo sinasagot."

"He is?"

Kaagad ko siyang chineck ang phone at tama nga ang sinabi niya. Marami ng missed call si Erik sakin. Ano naman kaya yun?

"He wants to meet now. May plano na siya," aniya. Nanlaki ang mata ko. Bigla na lamang akong naexcite ng walang dahilan.

"What are we still doing here, then? Tara na!"

"Ang sarap mo ng hampasin, alam mo yun?" nanggigil niyang sambit. "Kung hindi mo lang talaga ako kaibigan."

Tumawa ako. That's Joan for me-- ever so supportive.

We hurriedly went to where Erik is. Nakita naming nakaupo na siya sa cafe na sinabi niya. Napaangat ang kanyang tingin nang makita kaming tumatakbo at wala ng hininga.

"Bakit kayo hinihingal? Hindi ko naman kayo pinagmamadali?"

Tinuro ako ni Joan. "She's too excited..."

Narinig ko ang tawa ni Erik. "May plano ako."

"What is it?"

"But first, umupo muna kayo." Saka siya tumayo. "I'll just order your drinks."

"Sama na ako..." ani Joan sa tumayo rin.

Hindi na ako umangal pa dahil napagod ako sa kakatakbo. Ni hindi na kami sumakay ni Joan dahil malapit lang naman ang lugar na ito. When we settled in with our drinks and breaths, we started talking about the plan.

"So, may acquaintance kami. I was thinking that you should crash it."

"Are you crazy? Do you want us to get in trouble?" angal ni Joan.

"Hear me out, first..." He put his hands like he's about to get arrested. "Hindi naman talaga gate crash. May live band na magpeperform sa party na yun. I was thinking that--"

"We make an announcement for him!" masayang sabi ni Joan.

"Yes. Exactly."

Napatingin sila bigla sakin pero wala naman akong maintindihan dahil hindi ako maka-follow.

"Ha?"

Hinawakan ni Joan ang magkabilang balikat ko saka ako niyugyog na parang shake. "You're gonna confess you're love to Dale in front of the whole school."

"What?!" I said exasperatedly. "Again?"

"Yes, again!"

Tumawa ulit si Erik. Sobrang hiya ng naramdaman ko nang ginawa ko yun kay Dale tapos... gusto nilang ulitin ko? Nababaliw na ba sila? That took me a lot of courage at kapal ng mukha para lang magawa yun!

I quickly shook my head at their idea. "No! Hindi ko na kaya. At sa harapan ng maraming tao? Mas hindi!"

"But this is the only way, Carmeen. Naghahanap ka ng butas diba? Pwes ito na yun!"

"Hindi ako naghahanap ng butas. Naghahanap ako ng paraan para makausap si Dale."

Napatigil naman si Joan ng saglit. "Alam mo, mahahampas na talaga kita! Yang kacornyhan mo nilalabas mo kapag hindi kailangan. Halika rito!"

Kaagad naman akong napalayo sa kanya habang tumatawa. Masyado silang seryoso, gusto ko lang tanggalin. Tsaka hindi rin ako mapakali dahil tama nga silang dapat gawin ko ito. This is for Dale to see that I am more serious than what he thinks. 

"How about you wear a mask?"

Napatigil kaming pareho ni Joan sa suhestyon ni Erik. That's... that's not a bad idea. It can actually work too. Pero--

"Carmeen..." seryosong tawag ni Joan. Kinabahan ako sa paraan ng kanyang pagtitig. "It's now or never."

Can I really do it? I mean...

"Paano kung hindi magwork?" I said anxiously. 

"It will..." saad ni Joan. "Trust me. We're with you, hundred percent."

Huminga ako ng malalim. Sige... espiritu ng hiya, umalis ka ulit sakin dahil kailangan ko ng kapal ng mukha.

"Fine. Anong plano?"

"First, we need a song. Do you have something in mind?" asked Erik.

Without a doubt, I do...

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 51.5K 36
Si Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang ina bago ito namayapa... At sa mga Wilson...
631K 2.9K 8
Bakit ang sarap at ang hirap mong mahalin kevin?- -love chacha
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
20.2K 2.4K 61
from pa bebe, to maturity, Basahin niyo na po habang libre pa.dahil eh u'unpublish kuna yung ibang chapter nito dahil naka paid story na po ito sa is...