Hotel Grimm: The Brave and Th...

By Illinoisdewriter

55K 5.5K 1.4K

[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez f... More

Hotel Grimm: The Brave and The Powerful
Prologue
Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 02: A Breath of New Life
Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm
Check-In 04: Stranger Things
Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 06: Lost in Translation
Check-In 07: Angels and Demons
Check-In 08: Doctor Sleep
Check-In 09: The Da Vinci Code
Check-In 10: The Alchemist
Check-In 11: Memoirs of a Geisha
Check-In 12: Trainspotting
Check-In 13: Wuthering Heights
Check-In 14: Life of Pi
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 16: Pride and Prejudice
Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 19: Rich People Problems
Check-In 20: The Little Prince
Check-In 21: Pirates of the Caribbean
Check-In 22: Little Women
Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings
Check-In 24: The Godfather
Check-In 25: Jane Eyre
Check-In 26: Coraline
Check-In 27: The Truth About Forever
Check-In 28: Tuesdays with Morrie
Check-In 29: Peter Pan
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 31: Les MisΓ©rables
Check-In 32: Into the Wild
Check-Out

Check-In 17: The Shining

1.2K 153 50
By Illinoisdewriter

Check-In 17: The Shining

PANAY ANG YUGYOG ko sa mga balikat ni Captain Sven na nakaupo sa sahig ng sala namin samantalang nasa sofa naman ako at habang pinapanood namin ang kakambal niyang si Master Ocho sa Kanluraning Dokyu na pinapalabas tuwing Linggo ng gabi. Pareho kami ni Lulu na fan na fan ng nasabing journo slash host.

"Hoy, 'yong damit ko, utang na loob!" reklamo niya. Nagiging maluwang na kasi iyon kakahila namin ni Lulu sa kilig at pagpa-fangirl sa kakambal niya.

"Bili ka na lang po ulit. Marami ka namang pera," I suggested at niyugyog ulit siya sa balikat niya nang magflash na naman sa screen ang mukha ni Master Ocho.

"Shh..." saway ko naman sa mga kasama nang may biglang inanunsyo si Master Ocho sa katapusan ng episode nila.

Napahagikhik pa ako saglit nang mapansin kong busangot na inayos ni Captain Sven ang lumuwang na niyang kwelyo.

"Bilang pagdiriwang sa aming panglimang anibersaryo, kami po ay magbibigay ng isang milyong reward sa sinumang mananalo sa paligsahang aming idadaos na susubukin ang inyong tatag at diskarte. Para sa karagdagang impormasyon ay basahin lamang ang naka-flash sa inyong mga screen. Magsisimula ang aming screening bukas sa eksaktong alas-sais ng umaga. Kita-kita po tayong lahat sa susunod na linggo!" Ngumiti at sumaludo naman si Master Ocho na siyang ikinatili naman namin ni Lulu.

"Pangit 'yan, pangit! Pangit na sa personal, pangit pa ang ugali!" hirit pa ni Captain Sven.

"Cap, chat mo na lang si Indiana para hindi ka na sad boi," sagot ko naman saka pina-slow-mo na kinindatan siya nang ngiwian niya ako.

Hinugot ko naman ang cellphone mula sa bulsa ko at mabilis na tinipa sa notes no'n ang mga detalye ng paligsahan at sa screening nito. It's titled as 'Race to Hell'. Ito ay tila karerahan ng mga papasa sa screening. It will be played by pairs. Isa lamang sa magkapareha ang sasali sa screening bukas, that's why the best one in the pair should be chosen to represent. Ang paligsahan ay gaganapin sa dulo ng West Region papunta sa border ng South Region tapos mag-u-u-turn naman pabalik sa outskirt ng West Region. There will be beasts who will act as the so-called monsters in the race, attempting to stop and block us from winning. Diskarte na namin kung paano namin sila lalampasan, but harming them is a big no-no. The mode of transportation or vehicle is our choice. Ang unang makakabalik sa finish line ay ang siyang mananalo.

Mag-aanim na linggo na at may pitong Grimm Brothers na akong nahanap. May anim pang kulang. Si Master Ocho na ang pang-walo kung mapapapayag ko siyang sumama sa akin dito sa Hotel Grimm. One way to get him to notice me and relay my message is to screen for the race. Kaya kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda. The screening will start at exactly 6 am. May isa at kalahating oras pa ako bago ang first period namin sa araw na 'yon.

I donned a white elbow-length and ruffled-hem sleeve top na may itim na double outline sa leegang v-neck style. I tucked it in my plain white tea-length skirt. I wore plain white socks then gray wedges. I just let my hair down and put on a black beret too. I also carried a black Moschino jacket crossbody bag.

Sakay ng pink kong bisikleta ay bumaba na ako ng Alps at tinungo ang studio kung saan gaganapin ang screening. Kailangan kong maging maaga para matawag agad ako at makausap si Master Ocho. Saka may pasok din ako, e.

Pagdating ko roon ay lima pa lang ang pumipila pero may isang kumpol na paparating naman para pumila rin. Dali-dali kong dinala ang bisikleta ko sa pinakamalapit na poste. I chained it there before hurrying to line up. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa screening pero susubukan ko pa rin para mapakiusapan ko naman si Master Ocho. Pagpasok namin sa studio ay isa-isa kaming binigyan ng mga numero. Mine was number eight. Kapag talaga si universe gumalaw, minsan subtle magbigay ng sign, minsan naman halata. I took a quick look at my wristwatch. Makakahabol pa ako sa klase.

"Number eight, pasok ka na," tawag sa akin ng isang staff.

I puffed my cheeks then heaved a deep sigh. I walked inside the interview room and stood in front of the 3 panelists. Isa roon si Master Ocho na nakahilig sa swivel chair niya. Napangiti agad ako. Mga pinagpalang nilalang ang magkakapatid na Grimm pagdating sa itsura pero hindi ko maiwasang kiligin at mag-fangirl kay Master Ocho talaga kasi idol ko siya, e. Napapanood ko lang 'to sa TV kada Linggo ng gabi, ngayon nasa harap na niya ako.

"Go introduce yourself," he remarked which made me blink and pulled me out of my stupor.

"I am Vaniellope Kiuna Gomez. Una for short. I am twenty years old. Isang BA- Literature student sa University of Portofino."

"Do you believe in monsters?" one of the panelists asked.

"Opo, I believe in them. Gaya nga po nang sinulat ni Stephen King sa libro niyang The Shining, 'Monsters are real. Ghosts are too. They live inside of us, and sometimes, they win.' We are our own monsters. That makes sense because those whom we consider as monsters were once just like us. Only that, they weren't able to overcome their own evils. They let their own demons get the most of them," I explained.

Additionally, Stephen King wasn't kidding when he had written in same the book that, 'Sometimes, human places create inhuman monsters.' I can attest to that when I was in the mortal world. Our once loving home became the lair of a monster who enchained me in the cellar of fear and torture and keeps haunting me even in my sleep.

This is a bonus ability when you are a wide reader. You get to apply certain lines and teachings you found in books in real life situations such as this one. We can tailor fit our response and supplement our ideas to the given questions because we knew things. When I say knowing through reading, I meant utilizing what you have captured through your eyes and processed in your head then stored them altogether inside your heart, and let them stay there forever. I verily believe that is what you call meaningful learning.

"What makes you an ideal candidate for this race, Ms. Gomez?" tanong ng isa pa.

This is a tricky question. Anything can go but you have to make sure it's enough to impress them.

"I am brave. That's it, I may look small and fragile, but I have a brave heart. I wouldn't just back down to any challenge life throws at me. I stood my ground and brave them all."

"Can you show us that braveness you are talking about while introducing what kind of beast you are?" Master Ocho challenged.

"Rawr!" I gave out a small growl with my hands formed as claws. I smiled and said, "Psychic."

Napahagikhik naman ang isang panelist sabay bulong ng, "Akala ko namam werewolf o dinosaur."

"Apart from being intangible, bravery is all about confidence. I am a psychic yet I feel that I share the same amount of strength with a werewolf. I feel that I can also fight like a vampire! Rawr!" proud kong paliwanag.

"It's all because I verily believe that it's never about the nouns nor pronouns, it's about the adjectives, adverbs, and the way things are done. I am not just a psychic. I am a brave, determined, and hopeful psychic. Aaand, doesn't mean I am a she, I cannot do what he usually does," I continued.

Napapalakpak ang dalawang panelists samantalang ngumisi naman si Master Ocho at nagsulat nang kung ano.

"What's your reason for joining? Do you want to be the winner and take all the one million grand prize?" he probed.

Bumuntong-hininga ulit ako at nginitian siya. "Hindi po."

"What's your reason then?" nakataas kilay na pagtataka niya.

"Master Ocho, empleyado po ako sa Hotel Grimm. I am here not to screen for the race but to tell you that we need your help."

Master Ocho pursed his lips and turned serious. "Greene, Elias, iwan niyo muna kami rito," he ordered the other two panelists.

Maagap namang sumunod ang dalawa at in-excuse ang mga sarili nila mula sa eksena. Master Ocho rested his elbows on the table, intertwined his hands, and leaned forward.

"Anong kailangan mo?" he asked, arching one brow.

"Tumira po kayo kasama namin sa Hotel Grimm. Kukunin po ni Madame Solange ang hotel sa amin kung hindi namin mabubuo kayong magkakapati-"

He let out a bark of laughter, purposely cutting me in the process. "The hell I care about you and Vladimir's hotel."

"Master Ocho, nangako po ako kay Count Vladimir na hindi susukuan ang sinuman sa mga anak niya, na bubuuin ko ang pamilya niyo. Gagawin ko po ulit ng gusto niyo, pagbigyan niyo lang po ako. Kahit tatlong buwan lang po. Pagkatapos no'n nasa inyo na ang desisyon. Kung gusto niyong umalis, hindi namin kayo pipigilan. Kung gusto niyong manatili ay tatanggapin namin kayo nang taos-puso."

Natahimik si Master Ocho at halatang pinag-iisipan ang mga sinabi ko.

"I have heard that Sverino will get to own the entire Grimm Station after three months. What do I get in return then?"

"M-May parte po kayo sa hotel bilang anak ni Count Vladimir. You can claim it," I told him.

"But I also want my twin's share, can you transfer that to me?" he asked while smiling cunningly.

"Pero kanya po 'yon..."

"Oh, come on, Gomez. Don't you see? Sobra-sobra na ang biyaya niya sa Grimm Station pa lang. Now I want his hotel share transferred to me. It's either you take it or leave it."

Ito ba 'yong sinasabi ni Captain Sven tungkol kay Master Ocho? That he's cunning, greedy, selfish, and will do everything for his own advantage? Una, you need to find the story in everyone. Do not just judge him, I told myself.

"Pero hindi po ako ang may karapatang magdesisyunan niyan."

"Okay, makakaalis ka na. Nick, take her out of here and call the next auditionee," aniya't nagtawag ng staff para kaladkarin ako palabas.

"Ano po?! Teka! Sandali lang po!"

Hawak-hawak na ng dalawang staff ang mga braso ko pero pumalag ako at pilit na naglakad palapit kay Master Ocho.

"Master Ocho, kakausapin ko po sina Master Thirdy at Captain Sven pag-uwi ko ng Hotel Grimm. I will tell them to send you a message or the agreement you want-"

"Very good. Now let her go," utos niya sa staff niya.

Binawi ko naman agad ang mga braso ko mula sa pagkakahawak ng dalawa. Hindi ako makapaniwala sa ugaling ito ni Master Ocho. Buong akala ko ay sinisiraan lang siya ni Captain Sven. Tampuhang magkapatid lang kumbaga. Kaso hindi pala...

"Kapag po ba napapayag ko silang ilipat sa inyo 'yon ay sa hotel na kayo titira?"

"Sure! In one condition."

Napaungot ako sa inis. "May isa pa?!"

"Oh, sige, makakaalis ka na-"

"Sus, kahit dalawa pa po 'yan kesyo tatlo o apat. Bakit 'di niyo na lang po gawing sampu para hindi po kayo luging-lugi?" nakangiting suhestiyon ko sa kanya.

At the back of my mind, I am already stabbing him from behind, especially when he laughed mockingly.

"I like that pero baka isipin mo namang ikaw ang lugi."

"Ano po ba ang kondisyong gusto niyo?"

"You have to join the race. Kapag nanalo ka, ibibigay mo sa akin ang premyo at pagbibigyan ko na ang gusto mo."

"Teka, pandaraya 'yon 'di ba?"

"And why is that?"

"Kasi kayo po ang nag-organize at sponsor nito. Kung ako po ang mananalo ay parang ibinalik ko na lang po sa inyo ang pera niyo," paliwanag ko.

"Touché. Ibabalik mo lang sa akin ang pera ko. Matalino ka," papuri niya habang tinuturo ang sentido niya.

My lips twitched. Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang words sa mukha ng mandurugas na 'to. Pumikit na lang ako at huminga nang malalim. Kalma self... Kalma. Pagdilat ko ay pagkatamis-tamis na nginitian ko siya.

"Sige po. I will try my best to win the grand prize for you," I told him.

MULA SA SCREENING ay panibagong delubyo naman ang kinaharap ko sa klase namin sa Mathematics. Biruin mo 'yon may groupings kami at paunahan pa ng solve sa board no'ng statistical problem na ibibigay sa amin. May limang questions sa papel na pagpapasa-pasahan namin at sasagutan namin 'yong mga number na nakatuka sa amin. Ang masaklap pa ro'n ay nasa kabilang grupo si Juno at lahat ng mga miyembro ko ay pawang mga bulakbol sa klase. May ilang minsan lang pumapasok at mayroon din namang kagaya ko na iilang leksyon lang din ang sa utak ay pumapasok. Mapapakanta ka na lang talaga ng, 'Oh, Diyos ko, ano ba naman ito?'.

"Bilisan niyo ha para makatakbo ako agad sa board at makasagot," paalala ko sa mga kagrupo ko. Ako kasi ang panghuli dahil number 5 ang nakatuka sa akin.

Nagsimula na ang task at sa kamalas-malasan pa ay may time pala ang mangyayaring group work. Kaya nga paunahan... Pabobo na talaga ako nang pabobo sa Math.

"Bilisan niyo," sabi ko sa mga kagrupo ko. Ang tagal kasi nila, e. Jusko, na kay Juno na 'yong sa grupo nila na katabi ko naman. Ang amin nasa number 3 pa.

"Hoy bilisan mo! Konting-konti na lang lalamunin na ako ni Una rito!" pag-uulit pa ng number 4 namin sabay sapak niya sa balikat ng number 3.

Ibinigay na agad ng number 3 sa kanya iyon. Saglit niyang tiningnan iyon bago lumingon sa akin.

"Una, ang hirap..."

"Fighting..." walang buhay na cheer ko sabay angat ng kanang kamao.

Hinarap niya ulit ang questionnaire tapos ilang segundo lang ay nilingon ulit ako.

"Una, pasensya na. Ang bobo ko sa Math."

"Sis, 'wag kang umiyak. Hindi ka nag-iisa, marami tayo."

Binalingan niya ulit ang papel pero mayamaya pa ay nilingon na naman ako.

"Una, hindi ko talaga kaya..." At umiyak na talaga siya.

Napasinghap ako at napasapo ng noo. Humalakhak naman si Juno sa tabi ko.

"Akin na. Bilis," utos ko sa kanya sabay lahad ng kamay. Kaagad naman niyang inabot iyon sa akin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero pagkabasa ko sa questions ay natanto kong ang dali lang pala. Kahit wala pang sagot ang 4 at 5 at mali ang 2 at 3 ay tumayo na ako at tumakbo papunta sa board. Tinulak ko pa si Juno dahil sinadya niyang huminto sa tapat ko, nang-aasar. Tumatawang pumagilid siya at pinauna ako. Mabilis akong nagsulat ng sagot sa board pero halos sabay lang din kaming natapos ni Juno. Pareho pa ang sagot namin! Yes, uno na this. Sa pagkakataong ding iyon ay napatunayan kong nakakapagpatalino talaga ang ang adrenaline rush.

Pagkatapos ng pasok ko sa major subject namin ay nagkita ulit kami ni Juno sa canteen. Pinipilit ko siyang maging partner ko sa gaganaping race kaso mahaba-habang sermon ang inabot ko.

"Seb, sige na. Pumayag ka na. Kailangan ko ng partner para manalo ako at tuparin ni Master Ocho 'yong kasunduan namin."

"Bakit kasi nakipagkasundo ka ro'n?"

"Para nga sumama na siya sa Hotel Grimm."

Nasapo ni Juno ang noo. "Bakit kasi nagdesisyon ka agad? Bakit hindi mo muna kinonsulta si Thirdy? Siya ang may hawak ng mga dokumento. Saka desisyon pa rin ni Sverino kung ibibigay niya ang share niya kay Ocho."

"Sorry naman. Nataranta ako, e. Ipapakaladkad na niya ako palabas. Baka i-ban niya pa ako para hindi makalapit sa kanya. Kaya nga nagdesisyon ako agad."

"So you joined the screening too?"

Napabaling kaming dalawa ni Juno kay Ma'am Alba na nakatayo na sa gilid namin at may ngisi sa labi. Ngayon lang ulit siya lumapit sa akin simula no'ng bardagulan namin. Kapag kasi lumalapit siya ay lumalayo agad ako o vice-versa. Dinaig pa namin ang may temporary restraining order.

"Sumali ka rin? Bakit hindi kita nakita kanina?" I asked her.

"Well, my partner did the screening. I'm sure he'll get in. He's a famous drag racer lamang in the other university, my suitor. The Race to Hell competition interests and thrills him so I told him that we'll be partners na lang and I will say yes na."

"Delikado 'to. Border ng South Region ang pinag-uusapan natin dito. Paano kung may Nodram guard na makaabot sa inyo at dakpin kayo't ikulong?" Juno countered.

"Oh, thank you for the concern, Kuya Juno. But I can handle myself. I'm sure the team behind this event prepared well, especially when problems arise."

"Pero delikado pa rin 'yon, ma'am," giit ko naman, tunay na nag-aalala para sa magiging kalagayan niya.

Juno snorted before smirking. "Isa ka pa. E 'di ngayon naiintindihan mo na ang ibig kong sabihin sa kanina ko pang sinasabi sa'yo na dapat pinag-iisipang mabuti ang mga ganito?" he preached. Napanguso na lang ako.

"Bakit gusto mong sumali sa mga ganito, Alba?" he asked his sister.

"So that I can talk to Kuya Ocho and convince him to stay with us at the Hotel Grimm," she reasoned and I frowned.

"'Yon din ang plano ko, ma'am. Alam niyo po, ako na lang ang gagawa. Kami na lang ni Juno. You don't have to join the race just to do that. Mapapahamak kay-"

"And what? Ikaw na naman ang magiging star sa buong Hotel Grimm? You know what I've noticed that you're getting all their attention. Ikaw na laging magaling, ikaw na lang laging tama. You're so pabibo, you know that. Why don't let me, okay? Para naman hindi ikaw 'yong palaging bida." Pagkatapos no'n ay nagwalk-out na siya at iniwan akong nakamaang sa pwesto ko.

Hindi makapaniwalang napabaling ako kay Juno na nakaupo sa tapat ko at naghihilot ng sentido.

"Nakita mo 'yon? Nakita mo 'yon?! Anong akala niya sa ginagawa namin, nag-aagawan ng kendi?!"

"Napaka-isip-bata talaga, at ikaw naman masyadong padalos-dalos," sermon niya ulit sa akin.

"Ano, seb, payag ka ba? Kasi maghahanap na lang ako ng iba."

"Ikaw pa talaga may ganang gumanyan?"

"Seb, sige naaa..." pagmamakaawa ko sa kanya habang nakanguso at nagpapacute.

Napairap naman si Juno bago tumango-tango. "Pababayaan ba naman kita lalo na sa ganito?"

"Yes!"

Tumayo ako at lumapit sa pwesto niya saka siya mahigpit na niyakap. "Thank you! Thank you!"

Pagkatapos naming mananghalian ay hinatid niya ako hanggang crossing paakyat ng Alps. May bisikleta naman kasi ako kaya hindi na niya kinailangan pang samahan ako hanggang sa Hotel Grimm.

"Hika ang inabot ko nang piliting sumabay sa'yo hanggang kanto... Hello, tay!" In-off ko ang Sony Walkman ko nang hindi tinatapos ang tugtog ng Huwag Mo Nang Itanong ng Eraserheads pagdating ko sa main gate.

Kaagad na binuksan iyon ni Tatay Sigurd pagkakita sa akin. Bumaba ako sa bisikleta at hinila na lang iyon kasabay ko habang naglalakad papasok.

"Kumustang araw mo, anak?"

"Ayos naman po. Nakausap ko na si Master Ocho!" natutuwang hayag ko. Napangiti naman lalo si tatay.

"Proud ako sa'yo, anak. Pero lagi kang mag-iingat ha."

"Opo, tay!"

"Sige na, pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka pa saglit."

"Maraming salamat po, tay!"

Hinila ko na ulit ang bisikleta papasok ng service alley. Bumagal ang lakad ko nang makasalubong ko si Tita Mikee na mukhang nagulat din na nagpang-abot kami. Tinanggal ko ang earphones sa mga tenga ko at inilapag iyon sa basket ng bisikleta ko kasama ng Sony Walkman. Ang weird pakinggan pero iyong Sony Walkman na may mga tape ng kantang ng Eraserheads ay bigay sa akin ng kilalang oracle rito sa Abseiles. I joined her free fortune-telling event once when her shop magically appeared at UP. Paminsan-minsan lang kasi ito kung lumitaw at wala pang eksaktong lugar kung saan kaya marami ang pumipila para magpahula at isa na ako roon. She read my fortune and advised me. Marahil ay napansin niya ang lungkot ko sa nabasa niyang kapalaran ko kaya ibinigay niya sa akin iyon bilang regalo. Pakinggan ko raw ang Eraserheads para gumaan ang pakiramdam ko. She said she had those when she visited the mortal world. Nagustuhan niya raw ang banda kaya inirekomenda niya sa akin. True enough, it comforted me, and the feelings really feel nostalgic. It's like it's taking me back to the yesteryears.

I smiled at Tita Mikee. "Magandang hapon po, tita. Ano pong ginagawa niyo rito?"

Hindi pa rin kumukupas ang ganda ni Tita Mikee kahit na nasa kwarenta na siya. Tunay na bagay nga sa kanya ang kanyang pangalan, Michaelangela. Para siyang isang anghel na kumikinang sa ganda at kabaitan, isang hulog ng langit.

"Dinalaw ko saglit ang puntod ni Vladimir. Nasabi na ni Juno sa akin na alam mo na ang totoo. I think there's no point in secretly visiting my best friend's grave anymore," nakangiting paliwanag ni Tita Mikee.

"Ayos lang po, tita. Kahit kailan niyo po gustong dalawin si Count Vladimir ay hindi po magiging problema iyon sa akin. May tanong lang po ako kung hindi niyo mamasamain."

"Ano 'yon, hija?"

"Nasilayan niyo po ba ang mga labi ni Count Vladimir bago siya tuluyang mailibing?"

Tita Mikee smiled weakly before nodding. "Oo, kilala ako ni Sigurd kaya pinapasok niya ako. Nakita pa namin siya bago tuluyang maisara ang himlayan niya."

"Namin? Kasama niyo po si Juno?"

She nodded. "Lagi siyang nandito..."

Ha? Laging bumibisita si Juno sa himlayan ng tatay niya? Bakit hindi ko napansin 'yon? Hindi niya rin naman kasi sinasabi. 

"Talaga po? Bakit hindi niya po sinasabi sa akin?"

"Baka ayaw niya pang ipaalam sa'yo. Pero alam kong lagi siyang may dahilan kung bakit kailangan niyang maglihim, Una."

May tanong na biglang sumagi sa isip ko.

"N-Nagkita na po ba kayo ni Master Thirdy?"

Tita Mikee smiled once again and nodded. "I won't stop asking for his forgiveness, hija. I will be here for him and for all of Vladimir's children whenever they need me. That's the promise I have made to my best friend. Hindi ko sila pababayaan lahat."

Napangiti ako dahil tila hinaplos ang puso ko ng mga salitang binitawan ni Tita Mikee. She's indeed an angel. Nagmahal siya, nagkamali, at ngayon ay tinutupad ang sinumpaang pangako sa lalaking pinakamamahal niya.

Inilapag ko sa lupa ang hawak na bisikleta saka nilapitan si Tita Mikee at niyakap. "Maraming salamat po sa pag-unawa at pagpapatawad niyo, tita. Natutuwa lang po akong malaman na may isang tao pang hindi susukuan ang mga anak ni Count Vladimir. Masaya lang po ako na bukod sa aming mga empleyado ng Hotel Grimm ay nariyan po kayo. Maraming-maraming salamat po."

Tita Mikee hugged me back with her right hand slowly caressing my back and hair. "Nandito lang ako, Una. Kung wala ka nang maintindihan, kung napanghihinaan ka, o kung kailangan mo at ng mga magkakapatid ng tulong ay nandito lang ako palagi. Nandito lang ako para sa kanila at sa'yo."

I RECEIVED ANOTHER round of sermon from Master Thirdy when I told him about what happened in the studio earlier this morning. Inulit niya lang 'yong ilang mga sinabi ni Juno kanina. Masyado raw akong padalos-dalos. Pinatawag niya rin si Captain Sven sa opisina niya para kausapin ito. 

"Kung hindi ba naman siya pinilit ng gahaman nating kapatid ay hindi siya mapipilitang gawin 'yon, kuya," Captain Sven came in my defense.

Tumango-tango naman ako para ipakita kay Master Thirdy na tama si Captain Sven. Napabuntong-hininga si Master Thirdy at binalingan ang kapatid.

"Payag ka sa kondisyon ni Ocho? Ibibigay mo ang parte mo?"

Umismid naman si Captain Sven. "Bigay mo 'yan sa kanya para naman alam niya na hindi ako kasing-gahaman niya! Mandadaya pa pati sa sariling programa! Mukhang desperado na 'yong gago."

Inabot ni Master Thirdy ang telepono at tinawagan si Lady Incha para ihanda ang mga kakailanganing papeles na pipirmahan naman nila. Pagkababa niya no'n ay itinuon niya ulit ang atensyon sa amin.

"Payag ka ba talagang sumali si Una ro'n sa karerang 'yon?" tanong naman ni Cap habang nginunguso ako.

Master Thirdy looked at me as if he was studying me.

"Kasama ko naman po si Juno. Saka sasali rin po si Ma'am Alba para makumbinsi rin si Master Ocho na umuwi rito. Sa tingin ko po, dapat may tumingin din sa kanya habang nandoon," paliwanag ko pa.

Nagulat si Captain Sven. Tinuko naman ni Master Thirdy ang mga siko sa ibabaw ng lamesa niya saka pinagsalikop ang mga daliri. I told them everything Ma'am Alba told me earlier. They didn't like it. Master Thirdy have asked Captain Sven to talk to Ma'am Alba and encourage her not to participate in the race.

Kaso kinagabihan sa penthouse ay nakipagtalo lang si Ma'am Alba sa mga kuya niya. She said that she just wants to help in searching for their other siblings. Pinagsabihan na siya pati ni Mayor Juan pero naiyak lang siya at nagmakaawang payagan. Nadamay pa ako nang sabihin niyang nandoon naman daw kami ni Juno para tingnan siya. Napilitan tuloy sila na payagan ako at si Ma'am Alba na sumali. Ma'am Alba secretly glared at me after. Parang alam ko na kung bakit. Iniisip niya sigurong binuko ko siya gayong kalagayan lang din naman niya ang iniisip ko.

Suot ang Type B uniform namin at apron ay nagtungo ako sa may laundry section para tumulong sa paglalaba kasi wala naman akong ibang gagawin. Ginagamit lahat ng laundry machine kaya sumama ako sa dalawang sirena na mano-manong nagkukusot ng mga gamit na hindi pwedeng ilagay sa machine dahil hindi magkasya o maraming delicate na abubot.

"Una, magmerienda muna tayo," aya ng isang sirena saka tumayo na at nagpunas ng kamay na may mga bula ng sabong panlaba sa apron niya.

"Sige, susunod na lang ako. Tatapusin ko na lang 'to kasi konti na lang naman. Mamaya na ako kakain."

"Sigurado ka? Mauuna na kami ha kasi nagugutom na talaga kami."

"Oo naman. Sige na, ako nang bahala rito. Kumain muna kayo ro'n," I assured and encouraged them.

Ilang saglit lamang paglabas nila ay pumasok si Ma'am Alba na nasa likod ang mga kamay.

"May kailangan po kayo, ma'am?" nakakunot-noong tanong ko.

Sa loob-loob ko, alam kong hindi naman siya dadayo rito sa laundry section nang walang kahit na anong pakay. Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa nakatayo na siya sa gilid ko.

"Akala mo siguro hindi ko alam na ikaw ang nagsumbong sa mga kuya ko nang tungkol sa pagsali ko sa race?" hayag niya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagba-brush ng kutson.

"Ma'am, para sa inyo naman po 'yon. Paano kung mapahamak kayo ro'n na hindi man lang nalalaman ng mga kapatid niyo? Kung napagsabihan kayo, aba'y lalo naman po ako."

"Malandi ka rin, e, no?"

I clicked my tongue and stopped brushing the duvet. I gravely looked at her.

"Ano na naman po bang pinagsasasabi niyo?"

"First, si Kuya Juno. I understand kasi nga best friends kayo," she said, doing a quoting gesture on the words best friends. "Pero now, pati si Kuya Thirdy, nilalandi mo na rin."

"Ma'am, hindi po totoo 'yan ah," tanggi ko sa madiing tono.

"Really? E, anong ginagawa niyo sa may flower field sa mausoleum kada gabi? Late night talks gano'n? 'Wag na tayong maglokohan, Una."

Mapait na natawa ako sa pang-aakusa niya. "Oo, ma'am, bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Ang dumi kasi ng utak niyo, e. Halika tanggalin natin tapos labhan, very quick lang para luminis naman," I mocked.

She shrieked and kicked the big laundry basin. "Ouch!" Buti nga sa'yo...

"Ang bilis talaga ng karma..." naiiling na bulong ko at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Labhan mo nga 'to!" utos niya nang makabawi sabay lahad ng mga damit niya na siyang tinatago niya kanina pa sa likod niya.

Tiningnan ko muna iyon bago ako nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ma'am, doon niyo na po sa mga sirena na nakatuka sa mga laundry machine ibigay iyan. Iyong mabibigat po kasi ang nilalabhan namin dito," mahinahong paliwanag ko.

"But I need it right now."

"Kaya nga po, ma'am. Mas madali at mabilis lang proseso ro'n sa kanila."

"Pero gusto ko ikaw ang maglaba nito!" maktol ni Ma'am Alba.

Napasinghap ako at kinuha na lang ang mga damit niya para wala nang gulo. Inilapag ko muna ang mga iyon sa may gilid ng malaking palanggana.

"Oh, bakit d'yan mo nilagay?" pagtataka niya.

"Lalabhan ko po mamaya, ma'am. Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko kasi hindi pwedeng ihalo 'yong mga de-kolor dito sa puting duvet," paliwanag ko.

Inis na kinuha ni Ma'am Alba ang mga damit niya roon.

"Ang sabi ko, unahin mo!" sigaw niya at tinapon sa mukha ko ang mga iyon.

Hindi ko maipagkakailang, maraming beses na akong napahiya ng iba. Pero sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na talagang binastos ako at tintratong parang basahan. 'Yon bang ang liit-liit ng tingin niya sa akin. Nakakabastos... Nakakahiya... Nakakapanlumo...

Mabait akong tao at amo ko siya pero kailangan ko rin ng respeto. Inalis ko iyong mga damit na sumabit sa ulo at balikat ko. Kinuha ko iyong nalaglag naman sa palangga at nabasa saka tinapon pabalik sa kanya.

"What the hell?!" sigaw niya kahit na sa may bandang beywang lang siya tinamaan.

Bago pa man ako makatayo ay malakas na hinila na niya ang buhok ko kaya natumba kaming dalawa pero tuloy pa rin sa pagsasabunutan.

"Sumusobra ka na talaga!" sigaw ko sa kanya habang nakaibabaw sa kanya.

Marahil ay napansin niyang dehado siya sa posisyon namin kaya sumigaw siya nang pagkatinis-tinis. Isa iyon sa mga nagagawa ng sound ability niya. Nabitawan ko siya saglit kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon para itulak ako at pumaibabaw naman sa akin para sabunutan ako. Buong pwersa kong hinila ang buhok niya at itinulak ang katawan niya sa gilid ko para ako naman ang pumaibabaw sa kanya. Tuloy lang kami sa pagsasabunutan na dalawa hanggang sa may pumasok na sirena at sumigaw.

"Ma'am Alba! Una! Tulong! Tulungan niyo kami rito! Awatin natin sila!"

Pumasok na rin ang ilan pa saka kami inawat at pinaghiwalay. Hingal na hingal akong napaupo sa banda ko habang masama pa rin ang tingin kay Ma'am Alba. Kaagad din namang napawi iyon nang mapansin kong panay at sunod-sunod ang ubo niya.

"M-Ma'am..." kinakabahang tawag ko.

Patuloy lang siya sa pag-ubo na tila ba kinakapos na siya ng hininga. Alam kong dramatista si Ma'am Alba pero natitiyak kong sa mga sandaling iyon ay talagang nahihirapan siyang huminga dahil sapo-sapo niya ang dibdib niya habang namumula ang balat.

"D-Dalhin po natin siya sa infirmary!" pakiusap ko.

Mabilis na pumasok naman ang isang merman at binuhat si Ma'am Alba.

ISANG MALAKAS NA sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Sa lakas no'n ay tila nanghina ako at hindi na nagawang kumilos pa mula sa pagkakabaling ng ulo ko.

"Rubia, maghunos-dili ka!" saway ni Lady Incha sa kanya at pumagitna sa amin.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, pagbabayarin kita nang mahal! May hika siya tapos nagawa mo pa siyang saktan nang gano'n!"

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ko sa pulang carpet sa labas ng infirmary.

"Ma'am Rubia, bakit hindi niyo po muna hayaang magpaliwanag si Una? Ngayon lang po nangyari 'to at sigurado akong ma-"

"Sige, kampihan mo siya, Honey!" Dinig ko ang mapaklang tawa ni Ma'am Rubia. "Sa bagay, kayo-kayong makasalanan lang din naman ang magkakampihan."

"Stable na ang kalagayan ni Alba. Napagod lang siya nangyari..."

Doon lamang ako nag-angat ng tingin kay Doctor Sixtho na kalalabas lang ng infirmary para ibalita sa aming mga naghihintay sa labas no'n ang kalagayan ni Ma'am Alba. Dali-dali namang pumasok sa loob si Ma'am Rubia para tingnan ang anak. Sumunod naman sa kanya si Doctor Six.

"Honey, ikaw na munang bahala kay Una," bilin ni Lady Incha kay Ate Honey bago siya pumasok sa loob ng infirmary.

"Gusto mo bang tingnan si Ma'am Alba?" nakangiting tanong ni Ate Honey nang mapansin ang pag-aalala ko.

Hahakbang na sana ako para lumapit sa kanya pero natigilan ako at umiling na lamang saka umatras. Hindi ko pa ata kayang makita si Ma'am Alba ngayong nilalamon pa rin ako ng konsensya ko sa nangyari. Sana pala hindi na lang ako lumaban... Sana pala hinayaan ko na lang siyang apihin ako...

"Ate, aalis po muna ako," paalam ko sa kanya at tumakbo na nang hindi hinihintay ang tugon niya.

Dumiretso ako sa likuran ng hotel at pumasok sa unit namin. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto namin at kinuha ang suitcase ko saka binuksan ang closet namin. Walang humpay ang pag-agos ng mga luha ko habang iniimpake ang mga gamit ko. Wala akong pupuntahan pero... pero mas maigi na sigurong umalis na lang ako rito para hindi na kami magkasakitan pa ni Ma'am Alba. May naipon naman ako kaya magsisimula na lang ulit ako gamit iyon.

Gulat na napatayo sina Captain Sven, Indiana, at Kyrine nang ilapag ko ang suitcase sa may tapat ng reception desk.

"Una..."

Nahinto rin sa paghahabulan at hagikhikan sina Pilandok, Lulu, at Tory nang makita ako.

"Ate Una, bakit po kayo may dalang maleta?"

Lumabas si Kyrine ng reception desk at nilapitan ako. Gayundin ang ginawa nina Cap at Indi na nagtataka pa rin.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Cap.

Ngumiti ako at mabilis na nag-iwas ng tingin nang mangislap ang mga mata ko sa luha at bumaling na lang kay Kyrine na nag-aalala rin.

"Ky, lalabhan ko muna 'tong uniporme ko saka ko na ibabalik h-ha..." pumipiyok na panimula ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" ma-attitude ngunit nag-aalalang tanong niya.

"Aalis na ako. Ayoko kasing dahil sa akin mapahamak na naman si Ma'am Alba. Hindi kami magkasundo, Ky, e... Mas may karapatan siya rito kaya ako na lang ang aalis-"

"'Yan nga, tama 'yan. Mabuti nang magpakalayo-layo ka para hindi na mapa'no pa ang anak ko," putol naman ni Ma'am Rubia sa sinasabi ko. Pababa na siya ng kaliwang hagdanan, papunta sa banda namin.

Inis na napangisi si Kyrine bago pumihit paharap kay Ma'am Rubia.

"Mawalang-galang na po, ma'am, ha. Limang taon na po 'yong kapatid ko rito pero ngayon pa lang may nangyaring ganito pagdating niyo ni Ma'am Alba. Hindi kaya nasa anak niyo po ang problema?" tahasang wika ni Kyrine.

"Ganyan mo ba kausapin ang amo mo?!"

"Sa pagkakaalam ko po, 'yong mga amo namin ay ang mga anak lang ni Count Vladimir. Pinakasalan ba kayo para umasta kayong reyna ng Hotel Grimm?"

"Walang modo!" Akmang sasampalin na sana ni Ma'am Alba si Kyrine nang pigilan siya ni Captain Sven.

"Tama naman siya, e," pagsang-ayon niya.

Galit na hinaklit ni Ma'am Rubia ang braso niya mula kay Cap. She composed herself.

"Bakit sa akin na nabuntong ang usapan? Ano pang hinihintay mo? Hindi ba ay aalis ka na?" baling naman niya sa akin.

Tumango ako at kinuha na ang maleta ko. Bababa na ako ng hagdan mula sa reception desk nang may pumigil sa braso ko.

"Hindi ka aalis."

Kumabog ang dibdib ko nang matantong si Master Thirdy iyon.

"Kung hindi mo siya paaalisin ay kami ang aalis ni Alba!" ani naman ni Ma'am Alba. Pansin kong natatakot siya.

"Kung aalis kayo, si Alba lang ang makakabalik dito," simpleng tugon naman ni Master Thirdy na siyang ikinagulat naman ni Ma'am Rubia.

"You can't do this to me."

"Try me," Master Thirdy replied coldly. Binalingan niya ako pagkatapos. "Ibalik mo na ang mga gamit mo. Hindi ka aalis dito."

"Ano bang ginawa ng babaeng 'yan sa'yo at mas pipiliin mo pa 'yan kaysa sa pamilya mo?!"

Matagal bago nakasagot si Master Thirdy. Nginitian ko siya no'n at tinanguan. Naiintindihan ko. He should choose his family over his employee. Hinawakan ko ang butong kamay niya at akmang hahawiin na iyon nang mas higpitan niya pa ang hawak sa akin na tila ba ayaw niya akong paalisin.

"She taught me what a real family should be," pabulong na wika niya.

Ma'am Rubia snorted before grimacing and walking out. Kinuha naman ni Captain Sven ang maleta ko at tinapik sa balikat si Master Thirdy.

"Halika na, Una. Balik na natin 'to sa inyo. Mawawalan ng pamilya si kuya kapag umalis ka," he kidded.

I pursed my lips to stifle a sob from breaking. "Maraming salamat po..."

🌸💀🌸💀🌸💀🌸

Natigilan si Una paglabas ng elevator nang mapansin ang sopistikadang babae na nakaupo sa may lounge area.

"Madame Latakia?" she called.

The woman turned to her and smiled. "Ikaw pala 'yan, hija."

"Bakit po kayo nandito?"

"Nais ko sanang kausapin si Mythos kaso mukhang ayaw niya. Maaari bang makisuyo?"

"Sige po, kahit ano."

"Pwede bang sabihin mo sa kanyang kausapin naman ak-"

"Ma'am, Master Thirdy just called and told me that you can now go to his office," hayag nang lumapit na si Kyrine. "Una, pwede mo bang ihatid si Madame Latakia sa opisina ni Master Thirdy?" baling naman niya kay Una na maagap namang tumango at sumunod sa utos.

Pagkapasok ni Madame Latakia ng opisina ay kaagad na sumara ang pinto. Paglingon ng Magistel doon ay nababalot na iyon ng anino. Napangisi ito nang matantong segurista pa rin ang estudyante niyang si Mythos pagdating sa mga bagay-bagay. Ang mga aninong iyon ang pumipigil sa kaninuman na marinig ang anumang pag-uusapan nila sa loob ng opisina. Natiyempuhan namang nandoon pa rin sa kabilang banda si Una.

"She's getting curious on the other side. Too bad, she won't hear anything," aniya bago hinarap si Mythos na nasa pwesto nito sa may lamesa at nakaupo habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Buong akala ko ay hindi mo na ako kakausapin."

"Shut up."

Madame Latakia took a seat in the couch and crossed her legs in the most ladylike manner. "Show your face, Mythos. It's not as if I haven't seen it before."

Ang bungong maskara ni Master Thirdy ay unti-unting napalitan ng balat hanggang sa tuluyan nang lumabas ang kanyang totoong mukha. Nakakunot ang makinis nitong noo at halatang hindi natutuwa sa presensya ng kanyang bisita.

"Kung hindi pa ako nakita ni Un-"

"One more word about her and I'll make sure it will be your last."

"Not so fast there, my dear protégé. Tandaan mo, alam ko ang sikreto mo."

Hindi nagsalita si Mythos. She took that chance to continue. "The day she visited the Chamber, that was the same day you've asked Ursula and your father to release you. Talaga ngang napaamo ka niy-"

"Anong kailangan mo?"

"The Council just wants to remind you that your rightful place is with us. A powerful beast like you should not settle in this hotel. Huwag mong sundan ang landas na mas piniling tahakin ni Vladimir. Kaya nga miserable ang buhay niy-"

"Was he really miserable?"

"What do you mean?"

"He's being surrounded with all these beasts who made this hotel a home. I unexpectedly like the feeling... It's warm and sweet..."

Nagulat naman si Madame Latakia sa pahayag na ito ni Mythos. She knew and had seen how cold and unfeeling her most brilliant student was. Totoo bang nabago na talaga siya ng babaeng 'yon?

"Hindi ako... makapaniwala. This isn't you, Mythos. Don't tell me you really live up to that role you don't even own in the first place?!" wika ni Madame Latakia, napataas ang boses.

She quickly regained her composture. "Bueno, hahayaan muna kitang lutasin ang problema niyo rito sa hotel. Pero babalikan kita, Mythos. Hindi papayag ang Council na hindi ka makuha-"

"Makuha o mapakinabangan?" he taunted. Hindi naman nakapagsalita ang babae.

"I will be back soon. Kung hindi ka pa rin pumayag, baka ibang Magistel na naman ang ipadala nila para hikayatin ka o baka... pwersahan nila siyang kuhanin. They're aware that she's not just an ordinary psychic..."

Mythos looked at her in the eye before smirking menacingly. "You're not going to touch her or else, all hell will break loose," he warned.

•|• Illinoisdewriter •|•

A very long update for you all. Please hit the star button and comment your thoughts. Sige, para ganahan naman kayo ire-reveal ko na, may dalawang theories na tama about Hotel Grimm. *slow wink*

Continue Reading

You'll Also Like

77K 5.4K 35
Her touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To sa...
597K 3.5K 114
If you're looking for more Fantasy stories. My list might help you. enjoy! P.S you may encounter some stories with the same title but they are fro...
586K 31.9K 55
He's after her. Just one bite, One drop, One dark power, A curse of a lifetime. A girl with cursed blood. A boy destined to drain her to death. ...
278K 15.7K 59
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secr...