If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 9

328 1 0
By SirIncredible

Mil Nuwebe Siyentos Otsenta'y Siyete.

Ito ang taon na nagsisimula muling bumangon ang buong bansa mula sa mapanakop na pinuno at ang pagpasa ng bagong Saligang Batas para sa tao.

Sa kabila ng pag-usbong ng bagong kamalayan sa kapuluan, ay siya ring pagbabalik sigla sa maraming kababayang napahamak at naghirap.

Kasama na riyan ang mga kumpanyang nagbukas muli ng trabaho sa kinauukulan at mga pulitikong nagpapakain sa mga nagugutom. Sa isang pagawaan ng tsinelas malapit sa Intramuros maagang nagsipagpasukan ang mga trabahador.

Ang ibang hindi makasakay sa mga punuang dyip ay nagtiyaga sa mga pedicab na dalawang piso isang kilometro ang singil. Medyo sira-sira na rin ang bubungan ng gusali na may kurbang guhit sa bitak na pader na epekto ng nakaraang Magnitude 5 na lindol. Gamit ang mahabang walis tingting, nililinisan ng isang matabang manong ang paligid ng pabrika mula sa mga nagsisipaglaglagang tuyong dahon ng puno.

Pagkatapos makapagtime-in sa puting papel, ay nagsipagpasok na ang mga trabahador na lalaki at babae sa naturang gusali. Maalikabok at mausok sa ibang parte ang gusali dulot ng mga tinutunaw na plastik at leather.

Wala rin ditong generator ng kuryente na kapag nagka-brownout ay titigil na lamang sa operasyon ang pabrika. May maliit na kantina sa gilid nito na namimigay ng libreng sabaw na walang lasa. Ang mga bagong produkto ay pupunta sa Quality Section na minsan ay hindi na rin iniinspeksiyong maigi na nagreresulta ng maraming reklamo mula sa konsyumer.

Dahil sa ito na ang pinakamurang tsinelas na ibinebenta, ay mura o katamtaman din ang suweldo ng kanilang mga trabahador na sapat lang na panggastos sa pamilya. Pagkalipas ng labing-apat na oras na shift, lalabas mula sa gusali ang isang dugyot na babaeng tinanggal ang face mask at hair cover sa ulo na itinago sa maliit niyang bag.

Ang babaeng naghirap na noon matapos iwanan ang amang nakakulong dahil sa kasong korupsiyon. Ang babaeng pinagmalupitan ng kanyang pinakasalang lalaki. Ang babaeng nangungulila sa inang namatay sa sakit sa puso. Ang babaeng iniwan ni John...

Ang babaeng Eriguel.

Pagkatapos kumaway ng pagpaalam sa mga guwardiya ng pabrika ng tsinelas ay didiretso si Cassie sa Immaculada Conception upang magdasal.

Ang simbahang hinubog ng kasaysayan at kasikatan dahil sa maraming kilalang personalidad din ang naikasal dito. Simula nang umalis siya sa hasyenda ay ito ang pinakauna niyang pagpunta sa simbahan upang tumawag sa Diyos. Nagtungo siya sa simbahan upang magtanong kung bakit sa lahat-lahat ng kagaya niyang mala-Diyosang nilalang sa mundo...
ANO DAW?!?

Actually, para talaga umasa na muli pang mabago ang kanyang buhay kahit papaano.

Gabi na at sa pagpasok niya ng simbahan ay naalala niya ang pinangarap niyang kasal noon sa pinakahinahangaang lalaki. Nang makakita ng red carpet sa aisle ay naalala niya ang pagtapak niya dala ang magarbong suot papuntang altar. Nang makakita ng mga confetti na puting rosas ay nalala ang mga inilatag na rosas sa sorpresang kuwarto na honeymoon sana noon.

Nang makakita ng mga taong naghihintay sa harapan na hindi siya pinapansin ay inalala ang mga sandaling kasama niya sa altar ang mga magulang at kamag-anak na naghintay rin naman sa wala.

Isang patak ng luha ang namuo sa mukha ng sawing dalaga at sa dulong luhuran na lamang nagdasal ng taimtim sa Diyos.

Yumuko siya at ipinikit ang mga mata.


"Diyos ko po... Nakakahiya man po na makipag-usap sa inyo ngayon...", mga salita ni Cassie sa isip.

"...ngunit hindi po ako naparirito upang magalit o maghinanakit. Naririto po ako upang bigyan pa ako ng sapat na lakas na maipagpatuloy ko pa ang aking buhay..."

"Kayo na po ang bahala sa pagpapatawad kay dad na nakulong ngayon sa Camp Aguinaldo dahil sa patung patong na korupsiyon na nagawa niya sa aming probinsiya. Hindi niya rin po kasi isinama sa kanyang SALN ang taniman sa hasyenda na ang mga patabang ginamit ay bilyong piso raw ang gastos.

Hindi ko na rin po masisisi si dad na siyang dahilan ng sobrang stress at pagkabahala ni mom kaya ito inatake sa puso at namatay. Mahal na mahal ko po silang dalawa lalung lalo na si mom na sobrang nag-alaga sa aming magkakapatid. Buong buhay nila akong pinrotektahan bilang eredera ng aming lugar na siyang aking pahahalagahan hanggang kamatayan.

Kayo na rin po ang bahala sa mapanakit kong asawa na si Troy. Nagkamali ako dati na pinatawad ko siya sa tangkang pagpatay sa amin sa ilog. Sa unang buwan pa lamang na nagkasama kami ay masyado na akong nagtitiis sa kanyang pambubugbog at pakikipagkita sa ibang babae.

Hanggang sa matuklasan ko na nakabuntis siya ng isa pang mayamang taga-Benguet ay hindi na ako nagdalawang isip na lumuwas ng Maynila at magpakalayu-layo muna.", tumulo muli ang isang patak ng luha sa kabilang pisngi ng babae

"Ganoon po ba ako kasama?", tanong ni Cassie sa isip,
"Kung sa bagay, simula't sapul ay laging gusto ko ang nasusunod at hindi ang dapat na gusto ninyo para sa akin. Kahit naman anong yaman na mayroon noon ang aming pamilya ay hindi pa rin mapapalitan ang mga pagsubok at pighati kung wala ang tunay na nagpapatibok ng aking puso...

Nami-miss ko na ang dating masayang ako...

nami-miss ko na ang pagiging in-love ko...

nami-miss ko na si Juan Karlos"

Sinubukang tumayo mula sa pagkakaluhod at pagkakapikit si Cassie sa madilim na parte ng upuan nang makita sa pagdilat ng mata sina John at Nizz sa altar. Si John na may suot na medal at nakauniporme sa eskuwelahan ay ang mas matipunong John na nakilala ng dating eredera noong dalaga pa siya.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakita niya ang ipinagpalit sa kanyang 'di hamak na mas matangkad at mas maganda sa kanya... si Leonisa.

Mabilis lamang ang seremonya ng kasalan sa harapan na tinapos sa halikan at palakpakan ng mga bisita. Nagkaroon ng pagka-mala-Maleficent na karakter ang babae sa likod at lalo pang bumuhos ang kumikirot na emosyon.

Walang anu-ano'y lumabas ng simbahan ang humahagulgol na si Cassie.

Sa paglalakad at pagmumuni-muni sa may Roxas Boulevard, malakas ang pagyabag ng paa ni Cassie na punung-puno ng inis.

Ang bag na wala namang ibang laman bukod sa gamit sa trabaho ay inihagis niya sa Manila Bay at sumigaw. Napuno na ng usok ang kanyang mga balat habang tinatahak ang Cultural Center of the Philippines at naghanap ng magpapawala ng kanyang lungkot. Kanyang dinukot mula sa bulsa ng pantalong maong ang panyong niregalo sa kanya ng ina ni Troy.

Pinahid niya ito sa mukhang namumula na sa dami ng iyak at pumasok sa isang theme park. Ang daming masasayang tao ang naglalaro at nagdiriwang sa noo'y 24 oras na operasyon ng theme park.

Mahaba ang pila sa roller coaster kaya iniwasan niya rito, ang Carousel ay puno naman ng mga bata at sanggol na inalalayan ng kanilang mabubuting guardian, habang may nasirang makina naman sa Anchor's Away kaya hindi muna ito masasakyan.

Pansin din ni Cassie ang mga magkasintahang matamis na animo'y nag-dedeyt sa mga bench na kinainggitan ng dalaga. Nang lumingon sa kaliwa, nakita niya ang 'Horror House' at dumiretso sa loob.

Mapapansin ang nakakatakot na background music at mga disenyo ng mga halimaw sa loob ng horror booth. Ang ibang kalalabas lamang sa mala-demonyong kuweba ay napuno ng takot at nerbiyos na binigyan ng mga assistant doon ng mineral water at ammonia.

Si Cassie, na may galit noong mga panahong iyon ay naglakad pa ng kaunti at kinausap ang sarili.


"Lagi na lang akong natatalo! Lagi na lang ako ang mahina! Lagi na lang akong kinasusuklaman ng mundo!!!", wika ni Cassie na titingin sa kabaong na may manekin na patay, "Buwisit!... Hahaha!", ngingiti at mahigpit na isasara ang mga kamao. Magpapatuloy.

"Isinusumpa ko! Ang anak ninyo ay mamalasin! at hindi ito magwawakas hangga't hindi siya nagsasakripisyo sa kaarawan niya! Hahahahaha!", at biglang may babagsak sa tapat niya na kunwa-kunwariang pugot na ulo galing sa kisame. Ang pugot na ulo ay may butas na pangbarya sa gilid at naghulog si Cassie ng piso dahil sa kagulat-gulat na moment na ito. Hinanap ng babae ang exit at lumabas na ng naturang lugar.

"Manong, Bakit po ganun ang pugot na ulo roon... may butas na pang-barya? Fairness, nakakatakot ah!", tanong ni Cassie sa nakaitim na lalaki

"Ah! 'yun po ba?", sagot ng lalaking may ipinamimigay na flyers, "Nagbigay po ba kayo?"

"Opo! Alkansya yata eh! Bakit po?", sunod ng dating eredera

"Ang lahat po ng hihiling sa tapat nito at maglalagay ng pera rito... magkakatotoo! Wishing Bone po iyon!"

"Ah... Ganun po ba? Uso pa pala ang mga kakornihan na ganyan!"

"Hindi po namin alam pero additional attraction lang po iyan ng booth namin, ma'am"

"Sige manong... Maraming Salamat!", natatawang banggit ni Cassie at umalis. Hihinto sa gitna ng daan at maya-maya'y maaalala ni Cassie ang mga nangyari sa loob. Magsasalita ng pasimple... "Imposible!"

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...