Angelzy, You're Mine Forever...

By rhaime22

17.2K 977 323

Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
KABANATA 1
Kabanata 3
KABANATA 4 - The punishment
Kabanata 5 - The Confession
Kabanata 6 - House Of Hope
Kabanata 7 - Aidem's Challenge
Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita
Kabanata 9 - Nasaktang damdamin
Kabanata 10 - Ang katungali
Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal
Kabanata 12 - Bahay ni Angel o Condo ni Aidem
Kabanata 13 - Higit na sama ng loob.
Kabanata 14 - Biglang pagbabago.
Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago
Kabanata 16- Pagkainis
Kabanata 17 - The brides bouquet
Kabanata 18 - So much hurt.
Kabanata 19 - Give up
Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon
Kabanata 21- Mansion of Villacorta
Kabanata 22 - Nais ni Aidem
Kabanata 23- Puting panyo
Kabanata 24 - Angel's liberated side.
Kabanata 25 - Words, so much hurt.
Kabanata 26 - The wedding dress
Kabanata 27 - Bonding moment
Kabanata 28 - Last night to remember
Kabanata 29 - The decision and phone call.
FINAL CHAPTER - A day to remember

KABANATA 2

720 31 8
By rhaime22

Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead...
Un-edited update.
               **************

    "Ate, do you think na magiging successful iyan plano mo na ituloy pa rin ang kasal nila Rhaime at Dylan, gayong alam natin pare-pareho na umatras na si Rhaime?" May pag-aalinlangang tanong ni Ysmiellien sa kaniyang Ate.

    Tinawagan ni Angel ang kapatid na si Ysmiellien sa Ina para humingi nga ng tulong dito para sa plano niyang pagtuloy pa rin ng kasal ng kaibigan nitong si Rhaime sa kaibigan naman niyang si Dylan.

    Nalaman din kasi niya na si Rhaime pala ang palagi nitong kinukwento sa kaniya na malapit na kaibigan nito. Never naman kasi nagbanggit ito ng pangalan sa kaniya basta makapagkwento lang.

    Minsan nabangit ni Mond sa kanila na ayon daw kay Sansky na sa Isla sealandia raw plano magpunta ni Rhaime para ubusin ang mga natitira pa nitong araw ng bakasyon.

    Ang Isla sealandia o mas kilalang sealandia pradise ay pag-aari ng Ama ni Ysmiellien.

    Dalawang taon lamang siya ng iniwan siya ng ina sa poder ng Papa niya, halos ito ang kasa-kasama niya sa kaniyang paglaki. Ganoon pa man, ay hindi naman nagkulang ang kaniyang Papa na ilapit ang kaniyang loob sa Ina kahit sabihin pa na lumaki siya at nagka-isip nang mga panahon na iyon na hindi ito kasama, at tanging sa mga tawag at sulat lang sila may komunikasyon.

    Paminsan-minsan ay umuuwi ito ng pilipinas noon. matagal na ang isang buwan na pamamalagi nito at sobrang tagal naman na ulit bago iyon muling masundan.

    Nasa grade one na siya noon ng mag-umpisa siyang magtanong sa kaniyang Papa kung bakit ang Mama niya ay mas matagal namamalagi sa Amerika gayong nandito sila pareho.

    Ang tanging paliwanag lamang nito sa kaniya ay masiyado raw abala ang kaniyang Mama sa pagtatrabaho doon. Dumating sa punto na naging tampulan siya ng tukso ng mga kapwa niya bata dahil nga sa sitwasyon ng pamilyang mayroon siya.

    May mga pagkakataon pa na madalas itawag sa kaniya ng mga ito ay anak siya sa pagkakasala na ipinagwawalang bahala lang niya, dahil hindi naman nga niya pinapansin ang mga pang-aasar ng mga ito sa kaniya.

    Pero habang unti-unting nagkaka-isip sa murang edad, at ma-realize ang  mga salitang kaniyang madalas naririnig sa mga ito ay dito na siya naging matanong sa Ama.

    Gayon na lamang ang kaniyang sama ng loob na naramdaman ng malaman niya ang buong katotohanan na magpinsan buo pala ang kaniyang mga magulang.

    Minsang nagmahalan daw ang mga ito at hindi inisip ang panghuhusga ng tao. Katotohanang nagpabago sa musmos niyang isipan at nagpamulat sa kaniya ng salitang katatagan.

    Kaya pala madali lang sa Ina ang magpasyang iwan siya sa kaniyang Papa at magpuntang Amerika sapagkat na petisyon na pala ito ng mga magulang nito doon, at doon na rin nakapag-asawa agad at si Miellien nga ang naging anak ng mga ito.

   Kaya pala hindi ang epilyido ng kaniyang Papa ang gamit niya kundi ang sa kaniyang Ina. Naisip na lamang niya na marahil iyon ay dahil sa hindi kasal ang mga ito.
  
    Maaga siyang namulat sa pagiging indefendent at tanging ang kaniyang yaya lamang ang kaniyang naging kasama sa kaniyang paglaki kaya halos ito na ang itinuring niyang pangalawang Ina.

    Ang kaniya naman Ama ay masyado rin abala sa trabaho ng mga panahong iyon kaya naman madali lang para dito na payagan siyang mamuhay kasama ng yaya niya.

    Sa edad niyang trenta'y tres ngayon ay masasabi na niyang sobrang stable na siya. May trabaho, may sariling bahay, sariling kotse at may ipon na pera sa bangko. Ang lahat ng iyon ay na-invest niya dahil sa pagtatrabaho sa bestfriend na si Dylan bilang personal secretary nito sa loob ng sampung taon.

    Hindi birong hirap ang dinanas niya sa kaniyang kabataan. Pero ang mga hirap na iyon at pagharap sa pagsubok sa buhay ang ginawa niyang lakas at inspirasyon kung bakit natatamasa niya ang lahat ng mayroon siya ngayon.

    Ang karanasan niya sa unang pag-ibig ang isa sa itinuring niyang pinaka mabigat na pagsubok na pinagdaanan niya.

    "Think possitive little sis okay? Magiging successfull ito at hindi puweding hinde!" Iritableng sagot nito sa kapatid dahil sa kanegahan ng pag-iisip.

    "Okay Ate kalma ka lang ha at kalma lang naman ako dito." Mahinahon na pagsasalita nito sa kaniyang Ate Angel, sapagkat tumaas na ang timbre ng boses nito na sinabayan pa ng banayad na pagtawa. "Ano ba magiging papel ko kasi sa plano na mo na iyan?"

    "Kausapin mo si Fammie na siya ang mag-design ng wedding gown ni Rhaime, maging ang lahat ng susuotin ng mga abay at mga mga participant sa kasal."

    Fammie is a number one best Filipino fashion designer in New York. Ang kapatid na si Miellien ang isa sa mga star model nito sa kahit na anong obra nito. Kung gaano kasikat si Fammie ay ganoon din kasikat ang kapatid sa pagiging modelo. Kaya nga ito naging international ramp model.

    Idinetalye niya sa kapatid ang lahat ng plano at kung paano at ano ang magiging papel ni Fammie sa mismong araw ng surprise wedding kay Rhaime.

    Nakahanda si Dylan na magbayad ng kahit magkano at gumastos ng milyon-milyon kung kinakailangan para lang sa ikatatagumpay ng plano niyang ito. Baliwala rito ang pera kung ang katumbas ng lahat ng gagawin niyang plano na sinang-ayunan ng binata ay kapalit niyon ay ang tagumpay na maikasal ito kay Rhaime.

    Sinabi rin niya sa kapatid na malaki rin ang partisipasyon ng kaibigan din nitong si Sansky sa plano. Kung tutuusin, ay palak ang laki ng partisipasyon ni Sansky sa lahat ng plano dahil ito nga ang malapit kay Rhaime kumpara sa partisipasyon ng kapatid na si Miellien na ang tanging gagawin lang ay ang kausapin si Fammie at kutsabain para sa plano.

    "Noted na Ate lahat ng gagawin ko, naka-save na siya sa memorry ko, may idadagdag ka pa ba?"

    "That's all for now. So, how's the Island?"

    Nabangit kasi minsan sa kaniya ni Ysmiellien ang dahilan nito kung bakit kinailangan nito bumalik sa Pilipinas muna at pansamantalang iwanan ang career nito bilang sikat na modelo sa New york.

    May nais daw umangkin ng isla ayon sa daddy nito at iyon nga ang dahilan kung bakit naglagi siya ng isla upang alamin kung sino iyon.

    Alam niya kung gaano kahalaga sa kapatid ang Sealandia paradise, na ayon dito ay nagpasalin-salin na lng sa lahi ng kaniyang Ama. Ayon pa sa kapatid ay malaki ang naging papel ng islang iyon sa pagkatao ng kapatid maging ang naging parte ng islang iyon sa pag-iibigan ng Mama nila at Daddy naman nito. Ika nga, may sentimental value na hindi puwedeng basta-basta na lang baliwalain.

    "The Island is so cool, walang pinagbago Ate. Para ka pa rin nasa paraiso kapag nandirito ka." Anito sa kaniya. Pero hindi rin naka ligtas sa matalas niyang pakiramdam ang pagbabago ng tono nito ng pagsasalita sa kasunod na tinuran nito.

    "Well, kaunti na lang at malapit ng magkaroon ng linaw ang lahat."

    "Hmm. . . Are you okay? Bakit parang nahihimigan ko na walang saya sa boses mo, dont tell me it's a negative?

    "Ofcourse not, hindi pati ako makakapayag. Don't worry, babalitaan naman kita what ever happen, at pasyal ka rin dito minsan pala para mahusgahan mo ang ganda ng Isla."

    "Sure, but if I have a time. You know , my schedule in Empire is so hectic. Lalo pa ngayon?"

    Hay naku Ate, kaya pati pakikipag- boyfriend wala ka ng panahon. Ang boring ng buhay mo aba."

    "Kung kaharap kita ngayon, baka kinurot ko na iyan singit mong mahadera ka! Kahit wala akong boyfriend hindi boring ang buhay ko and I have my own way para maging exciting ang bawat araw ko noh."  Tinawanan lang siya ng magaling niyang kapatid sa kabilang linya.

    "Kung makatawa ka, akala mo naman ay may boyfriend ka." Umismid pa siya na akala mo ay kaharap lang ang kausap.

    "Ate, Marami ako niyan at hindi ko nga sila mabilang eh. If you want I give you one, mamili ka na lang." Sige pa rin ang tawa nito habang nagsasalita.

    "No, thank you na lang and I am not interested."

   "Kung hindi ko nalaman na si Rhaime pala ang long lost love ng boss mo, malapit na ko doon sa punto na hikayatin ka Ate na gayumahin mo na."

    "Baliw ka talaga! at para sa kaalaman mo never akong na-attract kay Dylan." 

    "Eh, doon sa Aidem na lang."

    "'Oh my god, mas lalo ng never noh!"

    "Ang OA ng reaksiyon mo Ate kaloka ka. Gwapo naman 'yun, mayaman din at isa pa certified batchelor in town."

    "Ysmiellien, will you please shut your mouth? nonsense na ang topic natin." 

    "Nabangit ko lang naman ulit, bakit parang galit ka na naman?

    "Hindi ako galit, napaka nonsense lang talaga na pag-usapan natin ang palakang iyon."

    "Wehh, di nga, nonsense ba talaga? Baka one of this day malaman ko na kayo na pala?"

    "Tutal, wala na rin naman kwenta 'yun topic natin, bye-bye na, balitaan mo na lang ako kapag nakausap mo na si Fammie ha." Mabilis niyang pinindot ang end botton ng kaniyang cellphone at hindi na binigyan ng pagkakataon na makapag salita pa ang kapatid, mahirap na at baka mapikon siya.

    Nang matapos silang mag-usap ng kapatid ay napailing na lang siya. Sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap sila ng kapatid ay hindi puweding hindi nito maipapasok ang pagpuna nito sa kawalan niya ng boyfriend, higit lalong ang pagpasok sa topic ng palaka niyang kaibigan din na si Aidem.

    Never kasi siyang nagkwento dito ng kaniyang karanasan sa unang pag-ibig kaya ganoon na lang ito kung mag-push sa kaniya na magkaroon ng boyfriend. Aminado siya na isa rin iyon sa mga sikreto niya na hindi nalaman ng kaniyang kapatid ganoon din ng kanilang Mama at Papa niya hangang ngayon.

    Tanging si Dylan lang ang may alam ng buong katotohan ng tungkol sa nakaraan niya na iyon. Kahit kaibigan din niya si Mond at Aidem ay hindi siya sumubok na buksan sa mga ito ang nakaraan sa buhay niya na minsan na siyang muntikan maging ina.

    Ang alam lang ng mga ito, tulad ni Dylan ay naranasan na rin niya ang masaktan ng dahil sa pag-ibig at hangang doon lang ang alam ng mga ito. Maliban doon ay wala na.

    Kahit naman close din siya sa dalawa pang kaibigan ay hindi sapat iyon para buksan din niya sa mga ito ang isang nakaraan na pilit na niyang ibinabaon sa limot.

    Sapat ng si Dylan na lang ang may tanging alam ng bahagi na iyon ng kaniyang buhay. Sa tatlong lalaki naman kasi ay mas naging malapit siya talaga kay Dylan mula sa umpisa. Marahil iyon ay dahil palagi silang magkasama sa opisina at mas madalas na magkahinaingan sa mga problema lalo na sa buhay pag-ibig nito.

    Kaya nga, nang malaman niya na ayaw na ni Rhaime na ituloy ang kasal sapagkat hiniwalayan na nito si Dylan ay siya ang halos muling naging saksi kung paano ikabaliw ni Dylan ang nangyari sa pangalawang pagkakataon ng pag-iwan dito ni Rhaime.

    Bilang isang matalik na kaibigan nito kaya naisip niya ang isang plano na sinang-ayunan naman ni Dylan. Well, umaasa siya na magtatagumpay ang lahat ng plano niyang ito sa tulong na rin ng iba pang mga kaibigan nila na kasagwat sa lahat-lahat.
           *****rhaime22*****

Author'os note: Hi everyone, aminin ninyo na na miss ninyo to at excited rin kayo sa lovestory ng dalawang to...Well, at last may update na ko, yeheyyyy! Magdiwang  na kayo...at bigyan ninyo ako ng motivation na makapag-update agad dito....hahahahah.

Anyway thank you for spending a little minute to read my story update, and dont forget to vote too. thank you rhaime-ians baby and to all silent reader too...mwahhh!!!       

Continue Reading

You'll Also Like

28.7K 797 42
WARNING: MATURED CONTENT / R-18 (PUBLISHED ON DREAME/ UNDER EDITING) Series 3 of 34 "Bree and Foedus Corp. first, 'cause they're my family. Agrianthr...
431K 6K 29
Azmyrah and Demitrious story🖤 R-18 story: Read at your own risk.
600K 15.8K 29
Miguel Santillan and Cristina Salcedo story🖤